Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Obra Maestra (Marahuyo sa Balagha ng Pagsulat)

Obra Maestra (Marahuyo sa Balagha ng Pagsulat)

Published by mineaelane, 2021-02-20 16:32:46

Description: Obra Maestra (Marahuyo sa Balagha ng Pagsulat

Search

Read the Text Version

sa balagha i. ng pagsulat Marahuyo sa balagha ng pagsulat PROYEKTO SA PILIPINO Marahuyo

ii. marahuyo.. marahuyo.. Opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Casa Del Nino Science High School @2021 Reserbo ang lahat ng Karapatan Alin mang bahagi ng aklat na ito maliban sa maikling sipi para sa lathala o pagsusuri ay ‘di maaaring gamitin nang walang nakasulat na pahintulot ng may mga karapatang ari.

iii. I. Cover II. Reserbo ng Lahat ng Karapatan talaan ng III. Talaan ng Nilalaman IV. Editor's Note nilalaman V. Mga Piyesa at Mga Ballad Poems VI. Mga Pagkilala Sa Mga Manunulat marahuyo VII. Pasasalamat VIII. Editorial Board ; nagmula sa salitang rahuyo o dahuyo. IX. Wakas - sa ingles, ang ibigsabihin ng salitang ito ay \"to be enchanted\". sa tagalog ang ibigsabihin ng salitang ito ay mabighani o kaya naman maakit. marahuyo sa balagha ng pagsulat. (to be enchanted by the wonders of writing)

iv. Editor's Note : Mabuhay! Sana'y makaramdam kayo ng kilig, tuwa, lungkot, at ligaya habang binabasa ang aming mga pinagpaguran at isinapusong pyesa.Salamat at mag-\"enjoy\" kayo sa pagbabasa.

v. Ito'y nakakapagpabago kanino man. Sa puso't isipan siya lang ang nilalaman. Patungkol Sana'y samahan mo akong labanan. sa kanya Ang ating pag-mamahalan. Isinulat ni Adler Ito ay nakaka aliw. Kung minsan ay nakakabaliw. Oh aking giliw, Sayo'y ako'y baliw na baliw. Minsan nagiging makasarili. Hindi naiisip kung ano nga ba ang nakakabuti. Sana'y maging maayos ang ating pagpili Upang hindi tayo magsisi sa huli. Hindi maiiwasang mag selos Na parang tubig tuloy-tuloy ang agos Puso'y parang nauubos Pasensya mahal lng kita ng lubos

Tinatangi Ang iyong mga mata, Tinatangi iyong amoy, iyong nakakaakit na ugali, Isinulat ni Wisteria At ang iyong ngiting tila nakakabighani, Mga ilang bagay na aking napansin Noong una nating pagkikita. Nagtago sa likod ng mga maliliit na ngiti At mga kabadong pangangamusta ang biglaang nadarama. Ng mapagtanto kung ano ang nararanansan tuwing ika'y nakikita Tila bang parang hinangad ko na rin ang mga tala. Subalit ito ay katumbas lamang ng isang panaginip Pagkat ito ay malabo makamit. Hindi lamang dahil madami ang nagkakagusto Kundi dahil sa iyong mundo ay bula lamang ako. Kung ako man ay sumubok para makuha ang iyong atensyon Ay baka iyong sabihin \"patawad, may iba akong gusto.

Simula palang sa pagtawag mo sa aking pangalan, puso ko’y napapatalon Simula palang sa iyong mga ngiti, nabubuo mo na ang aking araw Tama nga ba ang mga nararamdaman ko, kung ikaw ay may hilig na sa iba? Tama nga ba na ika’y mahalin ko, kung hindi mo naman ito maitatanggap? Paghanga Ngunit, patuloy parin kitang hinahangaan araw-araw Pag-gising ko sa umaga, ikaw agad ang aking nasa isipan Isinulat ni Mirasol Sa aking pag-aaral, ikaw agad ang aking nagiging motibasyon At sa tuwing ako’y nalulungkot, ikaw lagi ang nagpapangiti saakin Naging matalik tayong magkaibigan Pero hanggang magkaibigan nga lamang Ika’y aking sinusuportahan sa mga pangarap na gusto mong abutin Ika’y aking sinusportahan pati na rin sa babaeng pangarap mong makasama At nung ika’y ikinasal na, ako’y napangiti habang puso ko’y nasasaktan Dumating ang araw na handa na ko para sabihin ang tunay na nararamdaman ko para sa iyo Luha ang dumaloy sa aking mga mata, nang marinig ko galing sa iyong mga bibig Ang mga salitang “Nagustuhan rin kita”

Sayang O sinisinta, salamat sa alaala, Isinulat ni Horizon noong tayo'y masaya pang nagsasama, ako'y iyong patawarin kung ika'y aking iniwan. sana'y nalaman mo ang aking kadahilanan. Binulag ako ng iyong kagwapuhan, sa likod nitong kagwapuhan ay puno ng kasinungalingan, pagkas isang araw ay akin nalaman, Na ako'y iyong ginagamit at pinaglaruan lamang. Hindi porket nang-iwan, Siya na ang may kasalanan, Ang aking kadahilanang natuto na ko sa'king kamalian. Pero salamat dahil ako'y ginising mo, Dahil sayo' mahirap na sa'kin ang magtiwala sa isang tao, yung inaankala mong too Ginagamit ka lang pala ng todo. Nanghihinayang ako ng sobra sa'yo, hindi dahil sa perang ginastos ko sa'yo, kundi dahil sa pagmamahal at tiwala na binigay ko sa'yo. At sa oras nainaksaya ko lang sa'yo Oo, matamis na sagot mo sa akin sa simula At oo. Ang pang'amin mo sa akin, nawala talagangnaging tayo mula pa sa simula, At yun ang aking kinadurog bigla..

Ika'y “Ika’y Nakilala” Ano nga ba dapat ang aking idudugtong. Nakilala Kay lalim ng mga katagang gusto kong isulat para sayo. Pati na rin ang pagbabakasakaling baka makita mo ang tulang ito. Isinulat ni Aviah Una, ikinagagalak na ika’y nakilala, bakit nga ba? Siguro’y ako’y iyong napasaya ng sobra sobra. Siguro’y sayo ko naramdaman ang pagiging totoong masaya. Pangalawa, bugso ng damdamin nung ika’y nakita, sa papaanong paraan mo nga ba ako napaibig sinta? Sa iyong pagpapatawa o sa iyong matang kung aking tignan ay parang mga tala. O, baka naman dahil mas mahal ko na ang sarili ko habang ikaw ay kasama. Pangatlo, pighati’t ika’y nakilala, papaano nga ba tayo humantong sa ganito Yung dating mundong puno ng saya sa tuwing kasama mo ako. Nawalan ng sigla, pati na rin sa katagang “Ikawat ako”. Kasiyahan ang pinadama sa una, pighati ang huling dantungan Kay ganda ng simula, ngunit ang panget ng wakas nito. Tawanan panimula, ngayon humantong sa ganito. Ganito ba talaga ang pag-ibig, sinta? Nag simula sa masaya’t ika’y nakilala. Sapagkat, ang wakas ay pighati nung ika’y nakilala.

pamilya Isinulat ni Horizon Sobrang napapasalamat sa Diyos na gumawa ng buhay Si mama at papa naming nagbigay ng magandang buhay at umalalay Nagsakrepisyo samin nang ginhawa'y maialay mula pagkasilang hanggang sa kami'y magkamalay. Ang aking ina ay ilaw, takbuhan namin kapag nadidiliman sa kalungkutan sa lahat ng katanungan, sya ang nagbibigay kasagutan. sa aking ama'y haligi, tagapagtanggol, sumusuporta at humahalili kapag kami'y mahina at naapi lakas nya'y bukod tangi, sina ate ate kuya ay kaibigan kakwentuhan at kasama sa kalokohan kahit pag minsan ay nagkaka-asaran alam kong hindi ako pababayaan kailanman, saan man tumingin ang mga mata saan man mapadpad ng nga paa nariyan lagi sina ate at kuya pag gabay ay handa nilang ibigay

crush Isinulat ni Aviah Si crush na dahilan ng aking pag-blush. Kase kelangan magpigil so let’s just hush. Alam kong hindi kailangan mag-rush. Pero bakit ganun? I love you na ata Crush. Walang kang ideya kundi ang pakiligin ako. Simpleng ngiti mo natutunaw ako. Mga hawi mo na nakakaloko. Simpleng hawak mo nanlalamig ang katawan ko. Crush, mahal na kita. Bagama't mahal kita, hindi ako ang iyong nakikita. Gusto mo siya at gusto kita. Titigil ako nang ikaw ay sumaya, basta alam mo na andito ako at crush kita.

Simula ng ako'y mabuhay Gabay Sila na ang aking taga-gabay Isinulat ni Adler Sa lahat ng problema Lagi ko silang kasama Sakripisyo nyo'y di malilimutan Kasama mo sa hirap at kalungkutan Di mapapagod kahit kailan Andiyan sa oras ng pangangailangan Pagmamahal handang ibigay Pag-aaruga handang ialay Sa mundong puno ng problema Kayo'y andyan at lagi ko kasama Sa aking mga katanungan Kayo 'y nagbibigay ng kasagutan Buhay ko'y di wala gaanong pait Kaya'y pangarap ko'y unti unti kong makakamit

Simula’t nung nakilala ko kayo ang buhay ko’y sumigla Mga Tuwing ako’y malungkot kayo ang nagbibigay ginhawa kaibigan Dahil sainyo ako ay mayroong kalaro Lahat ng araw na kasama kayo’y hindi malungkot Isinulat ni Joemama Marami tayong ginawa na kalokohan Na hindi ko man makalimutan Kapag isa satin may problema Siya ay pinapasaya Kapag sakali man tayo’y maghiwalay-hiwalay At magaway-away Gusto ko lang na malaman nyo Na ako’y nagpapasalamat sainyo

Tatak Pinoy Isinulat ni Aviah Ang pamilya De La Cruz ay isang pamilyang Pilipino na nahihirapan na sa Amerika. Halos lahat ng anak ng mag-asawa ay sa Amerika na ipinanganak, si Juan ang bunso, si Maria ang panganay, at si Jose ang gitnang anak. Si Juan ay sampung taong gulang na at nasa ikatapat na baiting. Halos minsan lang umuwi ng Pilipinas ang pamilya De La Cruz, dahil sa trabaho ng kanilang magulang. Isang gabi, pagkatapos maghapunan ang mag-anak, nakagawian na nila na mga kwentuhan ng bagay-bagay. Noong gabing iyon na pag-kwento nila ang mga kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino at ito ay itinuturo pa rin sakanilang mga anak at isinisabuhay pa rin ng buong pamilya kahit sila ay nasa Amerika na. Ang kanilang usapan sa kanilang bahay ay Ingles at Tagalog. Nakakaintindi sila ng parehong wika. Habang sila ay nagkwentuhan. “Mama, why do we need to learn how to speak in Tagalog?” Wika ni Juan. “Anak, kailangan nyo pa ring matutunan na magsalita sa ating wika, dahil tayo ay Pilipino” Sagot ng kanyang Ina. “Papa, why do we need to make Mano, every time we got home, and when we see our relatives” Ani naman ni Jose. “Anak, ang pag mamano ay isang paraan sa pagrespeto ng nakakatanda, ito ay isang magandang kaugalian ng mga Pilipino” Sagot ng kanyang Papa. “Why do we need to say po at opo, in elder people, why here in America we don’t use that word show respect?” tanong ni Maria. “Po at Opo, ay isang paraan din ng pag-galing natin sa ibang tao, kilala ang mga Pilipino sa pagsasabi natin ng Po at Opo. Dahil dito hinahangan nila tayo” Tugon ng kanyang Mama. Sa kwentuhang ito mas nalinawan ang magkakapatid na Maria, Juan, at Jose na dapat pa'rin nilang gawin ang tradisyon ng mga Pilipino kahit na sila ay nasa ibang bansa.

Anak Mahirap Isinulat ni Horizon \"Ako si Trisha pinanganak ako sa hirap kapos palad kaming magkakapatid. Ulila kami sa magulang namin. Bata pa lang kaming mag kakapatid iniwan na kami ng mga magulang namin at ako ang pinaka matanda sa mag kakapatid. Pito kaming mag kakapatid lahat at ako ang tumayong magulang sakanila ako ang nag silbing tatay at nanay ng mga kapatid ko. Nakapagtapos ako ng pag-aaral kaya ng nakapagtapos ako pinag-aral ko mga kapatid ko sa Public Elementary School at lahat sila na pagtapos ko. At nung nalaman ng mga magulang ko na maginhawa na ang buhay naming magkakapatid ay nakabili rin kami ng sarili naming bahay at nagkaroon ng mga sariling pamilya ako at pati mga iba kong kapatid. Kaya nung bumalik mga magulang ko kahit pinabayaan at iniwan nila kaming mag kakapatid kinupkop ko pa'rin sila dahil kahit anong mangyare sila pa din mga magulang ko at mahal na mahal ko sila.

Kabataan Isinulat ni Horizon Nakita ni simon habang nakasakay sa dyip na masaya ang bata na nasa kalsada. Tila may suot na kapa at nakataas ang kamay at nagpapaka \"Superman\". Umaakto ang bata na lumilipad habang may hawak na plastik na may rugby na laman. Akala nya nasa langit sya lumilipad ng na hulog ang bata nalaman nya na imahinasyon lang pala. Akala nya isa syang super hero at ni ligtas sya ni Simon sinalo sya at na tawag na bata na si Simon ang totoong \"Superhero\" dahil ni ligtas nya ang buhay nito.

Barangay Kalikasan Isinulat ni Joemama Isang araw, sa Barangay Kalikasan, makikitang nag-uusap ang mga hayop na sina: Tagpi (aso), Itim (kalabaw), Kayumanggi (baka), at si Sari (manok). \"Napapansin ba ninyo na bihira na tayong makakuha ng lilim ng mga puno, dati-dati noong unang panahon maglakad lakad tayo marami tayong pwedeng silungan para magpahinga at hindi mainitan ng sikat ng araw\" sabi ni Itim. \"Oo nga napapansin ko rin yan dahil wala na akong malimliman kapag gusto ko ng matulog sa gabi\" sabi ni Sari. \"Ang napapansin ko din ay kaunti na ang mga tanim na gulay na masarap nguyain, nagsasawa na ako sa damo. Parang ang tamad ng magtanim ng mga tao\" sabi naman ni Kayumanggi. Anupa't yun ang naging takbo ng usapan ng mga hayop, ang napapansin nila sa kapaligiran. Sa kabilang barangay naman ay nag-uusap rin ang mga puno nalulungkot sila dahil sa halip na madagdagan ang mga kasamahan nila ay unti-unti silang nababawasan dahil sa walang tigil na pagputol sa iba nilang kasamahan na dinadala sa kabihasnan upang gawin iba't ibang uri ng upuan, lamesa,at kabinet. Subalit malas ng iba kung sa pugon sila humantong o kaya ay maging uling. Tinatanaw nila ang minsan ay luntian na tanawin sa may kabundukan na ngayon ay napalitan ng mangilan-ngilan na kabahayan kung hindi naman ay nakakalbo ng mga lupain dahil sa pagputol at walang awang pagkakaingin ng mga tao. Sa may ilog naman ay maririnig ang hinaing ng mga isda. Wala rin silang makain dahil ginawa na ring tambakan ng mga basura ang dating magandang kulay at masiglang tubig. Kaya naman kakaunti na din ang isdang nabubuhay sa ilog. Kinabukasan biglang nagkagulo ang mga hayop at ang mga puno ay nagulumihanan. May balita kasi sa radyo na may parating na malakas na bagyo at kailangan paghandaan. Pagkaraan ng bagyo, makikita sa Barangay Kalikasan ang naging epekto ng bagyo. Bumaha at inagos ang mga basura analubog sa baha ang mga kabahayan. Walang pumigil sa agos ng tubig. Dati ay may mga puno na ang ugat nila ang sumisipsip ng tubig upang hindi ito umagos at maging sanhi ng pagbaha. Kaya nga iisa ang ninanais ngayon ng mga hayop, puno at mga isda na sana ay bigyan pansin ng mga tao ang pagaalaga sa kalikasan at pag-aalaga sa ating yamang lupa, at tubig upang hindi natin naranasan ang mga epekto ng bagyo at iba pang kalamidad.

Pamilyang malalim ang relasyon dahil sa kultura at tradisyon Isinulat ni Aviah “Pamilyang malalim ang relasyon dahil sa kultura at tradisyon” Manghang-mangha ang isang batang babae sa nakikita niyang tanawin sa labas ng kanilang sasakyan. Ang kanyang pangalan ay Jane, lumaki sya sa ibang bansa kasama ang kaniyang mga magulang kaya’t hindi ito masyadong pamilyar sa lugar. Ang kanyang mga magulang ay nagdesisyon na umuwi sa kanilang probinsya dahil sa pista na magaganap sa bayan ng kaniyang lola. Habang papalapit ito sa bahay ng kaniyang lola ay may napansin niya ang mga makukulay na bandiritas na nakasabit sa daan at ang mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa bahay ng kanyang lola. Sinalubong sila ng mainit na yakap nito. “Jane magmano ka sa iyong lola” sambit ng kanyang ina na malugod namang sinunod ni jane “Apo at halika ipapasyal kita” sambit ng kaniyang lola “Sige po!” Masayang pagsang-ayon ni Jane Naging masaya ang araw ni Jane dahil sa mga bago niyang nalaman. Nakatikim din ito ng iba’t ibang putahe na inihanda ng kaniyang lola. Napagusapan din nila ang kaniyang relasyon nila ng kanyang mga magulang sa ibang bansa ikinalungkot naman nito. Nakahalubilo niya ang mga bata sa gilid ng kalsada at nakipaglaro sa mga ito ng “piko”. Kinagabihan ay nagsalo-salo sa pamilya sa hapag-kainan at nagdasal. Natapos ang kaniyang araw na may ngiti sa mukha. Kinaumagahan ay ginising siya ng kanyang mga magulang upang magkaron ng oras sa isa’t isa sapagkat lagi itong abala sa kanilang mga trabaho noong nasa ibang bansa ang mga ito. Nanood sila ng parada kung saan may mga tao sa gitna ng kalsada na may makukulay na kasuotan at sumasayaw. Nagpunta sila sa perya at naglaro upang lumalim ang kanilang relasyon sa isa’t isa. “Sana po lagi tayong ganito” Malungkot na sabi ni Jane sa kanyang mga magulang. Agad naman nakonsensiya ang mga ito ng mapagtanto na hindi nababantayan ang kanilang anak sa paglaki. Lumipas ang mga araw at maslalong napalapit ang pamilya sa isa’t isa. Sumali ito sa mga palaro sa bayan ang nagkasiyahan. Nasanay na ang pamilya sa kultura at nakagawarian na hindi sila nararanasan o nagagawa sa ibang bansa. Napagdesisyonan ng mga magulang ni Jane na dito na tumira para sa ikabubuti ng kanilang relasyon sa anak. Puno ng saya ang naramdaman ni Jane dahil napalapit na ito sa mga tao, kultura, pamumuhay nila sa probinsya, at higit sa lahat ay ang presensiya ng kanyang mga magulang na handa siyang gabayan sa kanyang paglaki.

kaibigan Isinulat ni Adler Ang Dalawang mag kaibigan ay nagpunta sa kanilang paboritong lugar noong sila'y mga bata pa lamang. Ang hardin. Sila'y nakaupo at nag mumuni muni ng ang binibini ay may tinanong sa kanyang kaibigan. \"Naalala mo pa ba na dito tayo nagkakilala?\" Tanong ng binibini. \"Oo naman, dito tayo nagkikita tuwing meryenda natin\" Sagot ng kaibigan \"Naalala mo pa ba nung dito tayo naglalaro kapag tayo ay naghihintay sa mga magulang natin\" Tanong muli ng binibini \"Syempre naman makakalimutan ko pa ba yun? Dito ka rin sa aki-\" Pinutol ng binibini ang dapat sasabihin ng kanyang kaibigan \"Oo, dito rin ako nagsabi ng aking nararamdaman sa iyo, pero hindi pwede dahil parehas tayong babae\"

PPaarruuppaarroo Isinulat ni Wisteria Tumakbo ako muli papalayo. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sapagkat umaapaw ang aking nararamdaman. Pangatlong beses na ito ngayong buwan. Ang mga paruparo ay nagsiwalaan muli. \"Oh bakit ganyan tila tinakbuhan mo ang buong eskwela at pagod na pagod ka?\" \"Wala lang ito. Tara bili tayo at ako'y nagugutom na\" Sabi ko sa aking matalik na kaibigan at naglakad papunta sa kainan upang libangin ang aking sarili at sana makalimutan ang nadarama ngunit nakita ko ito kumakain ng magisa. \"Samahan natin siya, ang kawawa niya tingnan kumain mag-isa\" tugon ng aking kaibigan. Tumawa ito kaya tumawa rin ako ng pilit. Wala akong nagawa kaya sinamahan namin ito kumain. Ayan nanaman sila. \"Kaibigan ka lang\" mahina kong sabi sa aking sarili ngunit mukhang narinig niya ito. \"Ayaw mo ba kainin yung binili mo dahil kaibigan mo sila?\"

\"Ang sakit ay maaaring mawala ngunit ang mga alaala ay hindi\" - Wisteria

\"Tayo ay pinagtagpo pero ito din ay maglalaho\" -Mirasol

saakiloa'lysiamhulmonog-iblminnWgggaap\"mitAansrtaathahkeisnaaarsbudaiaikuaniapntgkaairnnpsaggaanssbiaataeyharsooaiel\"nssi,,

\"Ang storya ng natainmg ipnasga-niibigan nagsimula Ngayon ay isa nalang na tula\" - Adler

\"pspBAkhakaauinyaagngonmtyghdagiinkaa?oymagn\"alapaia.mtahm-itraaialgnAiknlkdogonlger

gidpp\"iasAiuaralrnneinakgoangs,naypgginoabsn\"mapa'inntimlgayiaabnanagsn-aayg - Adler

\"Maliliit na diyamanteng nakaukit sa aking mga paligid Minsa'y masayang pagkunektahin. Tahimik ngunit mapayapa, madilim ngunit may nagtatagong ganda. Madami akong maibibigay para sayo ngunit bakit ang araw pa'rin ang iyong hinahangad, aking mirasol.\" - Mirasol

Sophia Why have you left me. While I’m still hoping for a “You and Me” Isinulat ni Aviah Many months have passed. Yet I still can’t let go of the past. I speak your name in many ways. Met a lot of people like you. I think about you everyday. But nobody feels like you. Every message you send. Hoping one day to move on. Hoping that message will not let it end. Hoping that “You and Me” get switched back on. I punched the wall and watched my knuckles bleed. A year has gone by. It turns out that after all this pain you're still all i need. Now it’s my time to say goodbye. Hoping the next day that I can receive your comfort. To the memories I shared with you. Even knowing that we can never go back like we were before. You will always be in my heart I love you.

Lovers The joy they found, In light and love. Apart Laughter sent down, From heaven above. \"My love you know I'll always be here, You will never have to fear\" Isinulat ni Adler at Joemama For our love will remain this strong. Once lovers, talked to each other day and night. Separated by a curse Interlaced fingers for hours and hours, holding it will all their might. Just because our love is true. Changes started to occur, fluttering butterflies the once they felt. Our life suddenly became perverse But now inches away from each other came over with fright. When we were withdrew. A boy and a girl found what seemed to be a happy and joyful occasion. The love they shared knows no limit. Their lingering love, attachment and devotion They loved each other whatever it takes. Was broken and later resulted in disillusion. But trials and testing seemed to be the culprit, What it is that's snatched their dreams and passion. The love they know will soon come to an end. Our love hold steadfast. Taking no account of the past. Through thick and thin, It covers over multitude of sin.

The Spirits \"Well, it is the last day I'll be here for this year.\" Beyond The They walked with me, making sure I won't be lost. Woodland The wind blowing against us while we follow the delicate path. The man made of stick isn't with them, I thought. Isinulat ni Wisteria We navigated through the sea of trees with ease In the middle of the forest, above the towns, As there were wooden signs all over to guide. During the summer on the 30th of May, I go. The forest's silent yet peaceful presence was always familiar. Sing, the spirits do. So does the water and wind. Summer was now ending as leaves are falling from the side. My mind lingers with the thought of the wonders it show. Thin soapy clouds spread above wide. Sun rays peep from the imaginary window. After some time, I finally came back. Birds flying above the vast tall trees of sorts. Angered flowers whose roots grow wide filled the forest. Creatures with horns, tails, that come in different shapes whispers. The color of death. Were the trees always this black? \"You're early today.\" said the blob who was short. Everything I once found breathtaking, now twisted. Not once, I have found a bird flew nor a spirit in view. This was my place of peace, a place I could go to forget. Was I just tricking myself back then? It was when I realized. I grew.

The flower who As the girl kept on going to our garden Our hearts grew closer and closer stood out amongst Guards were also then getting tougher all else As my family limits my exposure to her Isinulat ni Mirasol at Horizon Her smile brightens my day, Words stuck in my mind like a replay. That sweet and loving voice of hers, so gentle. Her aroma is traveling everywhere, That big and pretty smile that warms my day. Making a step like a dancer. Oh, how I yearn to still see all of those beauty. If I just didn’t let her go away. Your figure laying down on the bed of flowers That I observed you liked the most You caught me in a way I'll remember Maybe someday, you'll read this poem I wrote. It was just like any other day when I met her You made me more than simply fall in a a garden full of butterflies of different sorts Onto the bottomless pit of your love. in that garden full of beautiful flowers, she stood out the most I let myself sink, engulfed by the waters for her eyes were deeper then blue, I knew she was the one I want to court And before I knew it, I couldn't see the light from above.

vi. Mga Pagkilala Sa Mga Manunulat

Wisteria Mirasol Adler Mga pyesa ng mga manunulat Minea Elane Ong Johnesia Raquel Hufano Joanna Lei Lozano Tinatangi Paghanga Kaibigan \"At sa unang beses...\" Caption na wala pa Gabay \"Ang sakit ay maaaring mawala...\" \"Tayo ay pinagtagpo...\" Lovers Apart Paruparo The flower who stood out amongst all else \"Ang pamilya ay parang sanga...\" The spirits beyond the Woodland \"Ang pagmamahal ko...\" \"Ang storya ng ating...\" Aviah Horizon Joemama Timothy Lance Marquez Gabriela Duron Valdez Andrew Olandez Tatak Pinoy Crush Pamilya Barangay Kalikasan Sayang Sophia Lovers Apart Pamilyang malalim ang relasyon Kabataan Mga Kaibigan dahil sa kultura at tradisyon Anak-Mahirap The flower who stood out amongst all else

vii. Pasasalamat Maraming salamat sa lahat ng nakilahok upang mabuo ang proyekto na ito sa asignaturang Filipino. Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan niya kami ng mga kagrupo ko ng lakas upang makagawa ng aming mga piyesa upang matapos namin itong Obra Maestra. - Mirasol Salamat sa mga tao na naging kong insipirasyon para makasulat - Joemama. Salamat sa mga nakilala ko hanggang ngayon, sa mga kaibigan ko na sumusuporta saken at sa mga tao na hindi naniniwala saakin dahil kayo ang inspirasyon para maging matagumpay sa buhay - Aviah

viii. Editorial Board!

Salamat sa pagbabasa!


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook