Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore flip

flip

Published by ALDWIN FLORES, 2023-06-30 03:11:19

Description: Copy of Playful Kids Book Cover

Search

Read the Text Version

["\u201cEmergency Meeting ibig sabihin ay bigla ang pagpapatawag ng pagtitipon, wala sa plano\u201d, paliwanag ng guro. \u201cTungkol po ba saan ang meeting na \u2018yon Mam?\u201d, tanong ni Allan. \u201cNarinig niyo na siguro ang balita tungkol sa super typhoon\u201d, sabi ng guro. \u201cOpo Mam\u201d, sabay-sabay na tugon ng mga bata.","\u201cAng sabi ng prinsipal na ipagbigay alam daw naming lahat sa mga bata at ituro ang mga dapat gawin bago at pagkatapos ng bagyo, mga dapat alalahanin at mga kakailanganin\u201d, paliwanag ng guro.","Tinuro na nga ng guro ang mga alituntunin na dapat gawin kung may bagyo. Ipinaalam din sa mga bata na ang kanilang paaralan ay isa sa maaring maging evacuation center. Nakinig ng mabuti ang mga bata at inalala ang mga dapat nilang gawin.","\u201cNaintindihan mga bata?\u201d, tanong ng guro. \u201cLagi kayong mag-iingat\u201d, dagdag pani Gng. Santos.","Araw na ng Biyernes, nakapasok na nga ang bagyo sa PAR. Alas 5:00 palang ay nanonood at nakasubaybay na sa balita ang pamilya ni Ben para malaman nila ang takbo at lakas ng bagyo.","\u201cNakakatakot pala itong super typhoon napakalawak ng sakop na mga lugar ang maapektuhan ng bagyo at hindi lang yon mayroon pang pagtaas ng tubig o maaring magkaroon ng daluyong\u201d, wika ng ama.","\u201cNaku, kawawa naman ang mga taong nakatira malapit sa dagat, dapat ngayon palang ay lumikas na sila sa mas ligtas at mataas na lugar\u201d, pag-aalala ni Martha. \u201cTama dahil ayon sa PAG-ASA maaaring tumaas ng limang metro ang tubig kaya delikado ang mga taong nakatira malapit sa dagat\u201d, pagsang-ayon ni Berto.","\u201cDelikado din po ba na yang mga nakatira malapit sa may tulay?\u201d, tanong ni Ben. \u201cOo anak dahil maaaring tumaas din ang tubig sa tulay dahil karugtong ng tubig nito ang dagat o kaya ang walang tigil na malakas na pag-ulan ay maaring maging sanhi ng pagtaas ng tubig\u201d, sagot ng ina.","\u201cSo, dapat palang lumikas sila Isabel dahil malapit ang bahay nila sa tulay\u201d, wika ni Ben. Masungit na ang panahon sa araw na ito, may pasok parin dahil hindi pa naman tumatama sa lupa ang bagyo at wala pang storm signal ang lugar. Pinaghahanda lamang ang kumunidad sa maaring pagtama nito sa lupa at ang magiging epekto ng bagyo.","\u201cSabel hindi ba kayo lilikas?\u201d, nag- aalalang wika ni Ben sa kaibigan. \u201cSabi ni tatay bukas daw kami ng hapon lilikas dito sa paaralan dahil inaasahan na sa Linggo ng madaling araw ito tatama sa lupa\u201d, sabi ni Isabel.","\u201cKayo Jose, diba malapit lang kayo sa dagat?\u201d, tanong ni Ben. \u201cOo pero hindi yan, maraming bagyo na kaming napagdaanan hindi naman kami lumikas\u201d, sagot niJose. \u201cMahihina kasi ang mga nagdaang mga bagyo kaya okay lang na hindi lumikas pero ngayon ay malakas na bagyo ang parating\u201d, sabi ni Ben.","\u201cAllan kayo kailan kayo lilikas? Diba malapit din kayo sa tulay?\u201d, tanong ni Isabel. \u201cBaka sa Sabado ng gabi pero kami lang maiiwan daw si tatay sa bahay dahil hindi niya iiwan ang mga alaga niya\u201d, sagot ni Allan. \u201cOy! Ikaw naman Ben lilikas din ba kayo?\u201d, tanong ng kaibigan.","\u201cOo naman, hindi makakampante si tatay kung doon lang kami sa bahay kasi gawa lang sa kubo ang bahay namin\u201d, paliwanag ni Ben. \u201cTama Ben mas mainam na habang maaga pa ay nasa ligtas na tayong lugar\u201d, wika ni Isabel.","Gabi ng Sabado nararamdaman na ang pabugso-bugsong pag-ulan. Marami na rin ang nagsisilikas na mga residente sapagkat mayroong naglilibot na mga opisyal ng barangay at inaanyayahan na ang mga residente na lumikas sa mas ligtas na lugar lalo na ang mga may kasamang mga bata at matanda sa bahay. Madaling araw ng Linggo patuloy parin ang pagdatingan ng mga tao. Malakas na ang ulan kaya ang iba ay dumarating ng mga basa. Nararamdaman na ng lahat ang malakas na bagyo.","Hindi makatulog ang ibang tao dahil sa pagbabantay ng bagyo. Wala ng kuryente kaya wala ng ilaw. Mga flashlights, rechargeable lamps at gasera nalang ang kanilang mga ilaw. Malamig at nababasa na din ang iba sa loob dahil sa malakas na ulan. Marami na ring nag-iiyakang mga sanggol.","\u201cNay, hindi po ako makatulog.\u201d, takot na sabi ni Ben. \u201cBakit anak, sige na matulog kana.\u201d, yumakap ang ina. \u201cNatatakot po ako sa lakas ng hangin at ulan\u201d, tugon ng anak.","Mabagal ang kilos ng bagyo kaya kinaumagahan ay malakas pa rin ang ulan. Marami na ang natumbang mga punong kahoy at nagliliparang bubong ng mga bahay. Hindi nagtagal ay tumataas na din ang tubig. Ito na marahil ay galing sa tulay.","\u201cTumataas ang tubig!\u201d, sigaw ng lalaki sa labas. \u201cTumataas daw ang tubig\u201d, inulit ng Ale.","Nagkagulo ang mga tao, kinarga ang mga sanggol, bitbit ang mga anak, hila ang mga matatanda, hakot ng gamit at ang iba hindi alam ang gagawin dahil natataranta na. Lalong tumataas ang tubig kaya ang iba ay mabilis na lumipat sa mas mataas na lugar. Sinira ng iba ang bubong ng paaralan para doon na umakyat.","Kukunin pa sana ni Ben ang mga gamit sa paaralan ng biglang pumasok na ang tubig sa loob. \u201cHalika na Ben hayaan mona \u2018yan\u201d, wika ni tatay sabay karga sa kanya. \u201cTay bag ko\u201d, sabi ni Ben. \u201cHayaan mo na \u2018yan ang mahalaga ay maging ligtas tayo\u201d, tugon ng ama.","Mataas na ang tubig na halos maabot na ang bubong ng paaralan. Ang ibang tao ay naroon na sa mas mataas na gusali ng paaralan na hindi na gaanong abot ng tubig. Kabilang sa naroon ay ang pamilya ni Isabel at Allan. Sila Ben ay nasa bubong basang-basa at giniginaw. Naroon din sa bubong ang pamilya ni Jose ngunit hindi siya kasama.","\u201cLinda, nasaan ang anak mong si Jose?\u201d, tanong ng asawa. \u201cHindi ko namalayan, karga ko itong si Junior. Nagpaalam siya na kukunin niya ang laruan at akala ko kasama mo na siya sa pag-akyat dito\u201d, nag-aalalang wika ni Linda.","\u201cHindi ko siya napansin dahil nung kinarga ko din itong si Lisa ay lalong tumataas na ang tubig kaya nagmadali na kaming umakyat\u201d, tugon nito. Napaiyak nalang ang ina sa labis na pag- aalala sa nahiwalay na anak. Nagulat sila nang biglang may narinig na pamilyar na boses sa di kalayuan.","\u201cTay, tay, tulong po!\u201d, sigaw ni Jose na nakahawak sa sanga at paanod-anod sa baha. \u201cAnak, Tonio si Jose ang anak natin\u201d, natuwang sabi ng inang makitang buhay ang anak.","\\\"Anak kumapit ka lang at ililigtas kita\u201d, nag-aalalang wika ni Mang Tonio. \u201cTay bilis po hindi ko na po kaya, baka maanod na po ako\u201d, naiiyak nasabi ni Jose."]


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook