Sa Baul ng mga Antigong letra panitikang pilipino
PARA SA MAMBABASA, Maligayang araw sa iyo! Kumusta ka, kaibigan? Panibagong yugto na naman ng buhay ang iyong lalakbayin sa araw na ito. Tiyak na marami kang mababaong aral at magiging kaibigan sa panibagong araw na ito. Lubos mo silang makikilala sa mga pahina at tulang nakapaloob sa libro. Produkto ka man ng kasalukuyan, mababalikan mo pa rin ang nakaraan. Hindi lamang mga ordinaryong kaibigan ang makikilala mo rito, pati na rin ang mga dakilang bayani ng nakaraan. Sa paraan ng kanilang pagsasalita, pamumuhay, at pagkilos ay tila nakaharap ka sa salamin. Mahahanap mo rin ang kabuluhan ng iyong pagka-Pilipino na nakakubli sa mga letrang nakalimbag sa mga pahina ng libro. Mababatid mo rin ang makamundong suliraning hinaharap ng iyong kapwa Pilipino at maging ng sarili mo. Ang aklat na ito ay nahahati sa sampung tula na pupukaw sa damdamin, kaluluwa’t isipan mo. Bawat tula ay may mapupulot na aral sa buhay. Matutunan mo rin na mahalin ang pagiging Pilipino mo nang higit pa sa inaakala mo. Samantala, makakapulot ka rin ng aral sa kung paano nahubog ang wika, panitikan, kultura, paniniwala, tradisyon, relihiyon, at pamumuhay ng mga Pilipino. Huwag kang mag-alala dahil hindi masasayang ang oras mo sa pagbabasa. Magiging susi mo ito sa pag-abot ng tagumpay sa mga yugto ng buhay mo. Maging matalas ang mata sa paghanap ng kahulugan ng bawat matalinhagang salita. Ano pa ang hinihintay mo kaibigan? Simulan mo na ang matalinong pagbabasa at pagsusuri. Nawa ay gawin mo itong kasiya-siya. Ang mga May-akda
I. Huwad na Katotohanan.................................................................... p. 1-2 (Wika, Tradisyon, Kultura, Paniniwala, at Ugali) II. Durungawan ng kasaysayan.......................................................... p. 3-4 (Panahon ng Espanyol) III. Sa Pamumuno ng mga Kano.......................................................... p. 5-7 (Panahon ng Amerikano) IV. Ginintuang Panahon...................................................................... p. 8-9 (Panahon ng Hapon) V. Ka Felipe......................................................................................... p. 10-12 (Kasaysayan ng Wikang Pambansa) VI. Ang Taghoy ng Pilipinas sa Makabagong Panahon...................... p. 13-14 (Panahong Kasulukuyan) VII. Tinig sa Himagsikan .................................................................... p. 15-18 (Sinaunang Panitikan at mga Pilipinong Bayani) VIII. Filipino, Wikang Makabayan ...................................................... p. 19-20 (Wikang Filipino, mga Pamahiin, Tradisyon at Kultura) IX. Sa Mata ng Agila .......................................................................... p. 21-22 (Reyalidad: Buhay ng isang pintor na OFW) X. Ningas ng Wika sa Gitna ng Kaguluhan ....................................... p. 23-24 (Wikang Filipino at Kultura sa Panahong Moderno at Pandemya)
Isang Proyekto na Inihahandog kay Bb. Sarah A. Agon Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan ng Asignaturang “GE FILI 10043: Panitikang Filipino”
Jerome B. Atadero Princes Margareth G. Biscocho Reggie Mae A. Butal Kylla Mae A. Exconde Patrick B. Fampula Maria Gemaima V. Gazer Jared Clent F. Radoc Ace Paolo N. Sagetarios Maria Janelle A. San Jose Christian Paul M. Sarabia
Ang Huwad na Kototohanan Likha ni: Maria Janelle A. San Jose Pilipinas kay ganda mong pagmasdan, Sagana sa kultura, tradisyon, at yaman, Wikang Filipino ang siya’ng kaluluwa, Wika na sa ati’y naghatid pang-unawa, Nagbubuklod sa puso at diwa. Wikang Filipino na siyang sandigan, Hagdan sa pag unlad nitong bayan, Wikang Filipino’y matibay na hukbo, Tinuturing na apoy sa sulo, Nagsisilbing lakas ng mga Pilipino. Sa bawat paggalaw ng mga paa’t kamay, Kulturang Filipino sa lipuna’y nanalaytay, Kulturang pinagyaman ng karanasan, Kasipagan at kasiyahan ang siyang puhunan, Nagbibigay daan sa ating kaunlaran. 1
Mga talentong kakaiba at natatangi, Saan mang ibayo lubos na ipinagmamalaki, Talentong umusbong mula sa’ting kamalayan, Mga Pilipino ito ang siyang tunay na kayamanan, Naghahatid ng dunong at aliw sa sangkatauhan. Pilipinas kay raming tinatagong lihim, Halina’t ating tuklasin ang kasaysayang ubod ng dilim, Panitikan, sining, at kultura ang siyang lakas, Liwanag sa pagtahak ng tuwid na landas, Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas. 2
Durungawan ng Kasaysayan Likha Ni: Jared Clent F. Radoc Masigabong bansa sa silangan Pahpapahirap ng mga kastila'y sukdulan Panahong puno ng karahasan Tayo'y inalila't pinagsamantalaghan Pilipinas na kalaban ang opresyon, Hirap hanapan ng solusyon, Noon pa man sa mga kastila'y nasunod, Ang mga Pilipinong labis na kumakayod. Kastilang sakim sa yamang Filipino, Pati ang mamamayan ay inaabuso, Mga impluwensyang ikinalat sa mga katutubo Mga nakasanayang kultura'y nabago Ang hindi sumunod, kapalit ay parusa, Mga opinyon ay ibinabasura, Ang kumalaban sa kanila'y ipapahiya, Sinumang sumang-ayon, kamatayan ang madadama. 3
Mga Pilipino'y dapat nang matuto, Sa mga kasaysayang naibuo, Dahil ang ating karapatan ay mahalaga, Mabibigyang hustisya ang mga taong lumaban para sa ating bansa. Ngunit may isang taong nag lakas loob na lumaban, Ipinaglaban ang ating karapatan maging ang kalayaan, Papel at panulat ang kanyang sandatang pinanlaban, Jose Rizal ang kanyang ngalan, 4
Sa Pamumuno ng mga Kano Likha Ni: Reggie Mae A. Butal Ito'y kasaysayan ng bansang Pilipinas, Sa apatnapu't walong taong kano't kana ang batas, Ang kanilang pagtungtong sa kapuluan, Anong hatid sa mga mamamayan? Alintana ng mga Amerikano, Kulang sa kaalaman ang mga Pilipino, Kaya't lulan ng isang malaking barko, Isang grupo ng anim na raang tagapagturo. Sistemang pampublikong paaralan ay nakilala, Mga Iskolar, sa Estados Unidos ay ipinadala, Pagsulat at pagbigkas ng Ingles ay natutunan, Pati ang mga asignaturang nararapat malaman. Sining at panitikan ay talaga ring nabago, Naglabasan ang mga manunulat na Pilipino, Mga pintor at iskultor ay nakilala, Mga sining nila, hanggang ngayon ay binibigyang halaga. 5
Nagdala ng modernong makina para sa pag-unlad ng industriya, Bagong itsura ng pera ang nagpataas sa halaga ng barya, Ibang mukha ang nagpagaling sa epidemya gaya ng kolera, Malulusog na Pilipino ang pangako ng makabagong klinika. Dating puro lupa na puno ng halaman, Naging daanan ng iba't ibang uri ng mga sasakyan, Konkretong kalsada ay 'di naging sapat sa transportasyon, Kaya pagdagdag ng eroplano at de makinang barko ang solusyon. Sa pagtatag ng demokrasyang pamahalaan, Mas nabigyan ang mga tao ng kalayaan, Kalayaan sa pagpupulong at pagsasalita, Maging sa pagsamba at usaping pampulitika. 6
Ibinahagi rin ang kanilang kultura, Na sa araw-araw na pamumuhay ay dala-dala, Ginagaya ang kanilang pamamaraan, Sa pag-aakalang mas ikakaunlad ito ng bayan. Sa kanilang pagdating, kamalayan ang pangakong hatid sa kapatagan, At kaisipan ang alay upang labanan ang kamangmangan, Ngunit, 'di maituturing na nagtapos ang kanilang panahon, 'Pagkat ang kanilang ambag ay gamit magpa sa hanggang ngayon. 7
Ginintuang Panahon Likha Ni: Christian Paul M. Sarabia O aking sinisintang Pilipinas, Dinungisan ng mga dayuhang kupas, Nalublob ng matagal na panahon, Ngunit ito'y may lakas pang umahon. Hapon na umalipusta sa atin, Kinontrol ang ating pamahalaan, Nihonggo, ating bagong edukasyon, Pagtanim ng bulak ay sapilitan. Gerilya! Paratang nilang Hapones, 'Kinulong sa madilim na piitan, Mickey Mouse Money, salapi ng Hapon, KALIBAPI naging organisasyon. Mga Pilipinang kababaihan, Naging libangan at nilapastangan, Ikinasindak ang bantang pagpatay, Sa sinuman na lalabas ng bahay. 8
Magasing ingles, bawal sa lipunan, Palimbagan ay ipinatigil din, Panitikan ay umunlad ng todo, Gintong panahon sambit ng Pilipino. Kay tagal nasakop ng Pilipinas, Lupang hinirang na mahal ng lubos, Kaya't sa pag-ahon na ala-perlas, Tiyak sa atin ang kay gandang bukas. 9
Ka Felipe Likha Ni: Ace Paolo N. Sagetarios Sa isang baryong liblib, sa tabi ng dalampasigan, Mga nakatira’y taranta’t ‘di magkaintindihan, Kung kaya’t mga nakatatanda’y may napagdesisyunan, “Kailangan nating magtalaga ng isang kapitan.’’ Isang pinunong magsisilbing gabay, Kagustuhang pagkaisahin ang lahat ay mahalaga, Sa pagkakabuklod ay siyang magsisilbing tulay, Nagngangalang Ka Felipe ay itinalaga. Si Ka Felipe ay naging isang magaling na pinuno, Ngunit nakalimutan niyang maging alisto, Sapagkat ang dating mga nakasunod na tila anino, Hinahangad na pala ang kaniyang pwesto. Ang gurong si Ka Stella ang unang nagtangka, Relihiyon pa ay ginamit, Katulong ang mga prayleng nakasakay ng bangka, Pwesto ni Felipe ay nakamit. 10
Tumagal ang pagtuturo, lumaganap ang salita, Sa mga bahayan at maging sa kalye, Walang pinipili kahit ang mga anak-dalita, Ng mga pangaral at sermon ng mga prayle. ‘Di lahat ay natuwa, kay raming nagalit, Maging si Jose na estudyante ng guro’y hindi sumang-ayon, Nasaan ba daw ang pagkakaisang sinasabing nakamit, Bakit ang baryo tila’y nagkakagulo ngayon. Kaya’t naisip ni Jose na sumulat ng liham para sa guro, Ang guro nama’y nagalit at umapela, Bagama’t nabasa na ng mga taga baryo ang kasulata’y, Huli na’t namarkahan na si Pepe ng pula. Napatalsik ang guro, natapos ang unos, Ang siya namang pagdating nitong kutis labanos, ‘’I am Erica’’, kaniyang bungad sa lahat, Inakalang malinis ang intensiyon dahil sa maputi nitong balat. Agad-agad na pagtanggap, Walang sabi-sabi, Aral ni Binibining Erica ang ating ilalaganap, Turo ni Felipe’y isantabi. 11
May iilang nagprotesta, bagong lider ay patalsikin, Andiyan si Lope, Cecilio, Teodoro, at maging si Gillego’y nakisali na rin, Ngunit sadyang batas na ang dayuhan, Na kinakailangan nilang sundin. ‘Di tumagal lahat ay nagkaroon ng katapusan, Nang itatag ni Manuel ang Komonwelt na Pamahalaan, Ito na ang sagot sa mga pangarap ng unang kapitan, Nang ang batas ni Felipe’y kaniyang nilagdaan. 12
Ang Taghoy ng Pilipinas sa Makabagong Panahon Likha Ni: Princes Margareth G. Biscocho Kalayaan, natamasa na sa wakas, Sa mapang-aping dayuhan ay nakatakas, Heto na ang kasalukuyang panahon, Ang pagsiklab ng bagong henerasyon. Sa pag-usbong ng makabagong imbensyon, Modernong teknolohiya ang siyang gamit ngayon, Nagdulot ng malawakang pag-unlad, Ngunit, tayo nga ba talaga ay umusad? Ngayon, mas napahusay ang edukasyon, Napadali at napabilis ang pagkuha ng mga impormasyon, Mas napalawak ang kaalaman at karunungan, Sa komunikasyon ng guro't mag-aaral, hindi na pahirapan. Tunay na nakapagpabago, Nagbigay ng pag-asa sa mga tao, Ngunit ang akala nating may mabuting dulot lamang ito, Ay mayroong nagtatagong sikreto. 13
Ang yaman ng bansa, sariling wika, Nadungisan ng mga nag-uusbungang makabagong salita, Imbento ng iba't ibang kaisipan, Naging dahilan upang lalong hindi magkaintindihan. Malaya, ngunit kultura ng dayuhan ang ginagaya, Namana ba o impluwensya ng teknolohiya? Pamumuhay, wika, kasuotan, Maging ang tunog ng musika ay natakluban. Ngunit, nang dahil sa modernisasyon, Nakilala ang ating sariling kultura't tradisyon. Naipagmalaki sa buong mundo, At mas nakilala ang mga Pilipino. Nagbigay tulong din sa oras ng pandemya, Salamat teknolohiya't nariyan ka, Suliranin sa paggagamot ay mas naibsan, Bilang ng may sakit ay nabawasan. Matapos ang pagsakop, ito ang Pilipinas, Maraming pagbabago sa panahong lumipas, Sa kasalukuyang modernisasyon, Hangad ay pag-asa ang hatid, ngayon at sa susunod na henerasyon. 1 4
Tinig sa Himagsikan Likha Ni: Maria Gemaima V. Gazer Tinanaw ang hangganan ng Perlas ng Silangan, Ibang lipi'y nabihag sa iyong kagandahan, Narahuyo sa taglay mong karilagan, Sapagkat isang hiyas kung ika'y pagmamasdan. Ika'y hindi lamang pugad ng mga likas na yaman, 'Pagkat pinagpala ka rin sa karunungan, Duklay pa man o nasa laylayan, Bumabalong ang awanggang katalinuhan. Bago sapitin ng banyagang kabihasnan, Panitikang Filipino ay talaga nang mayaman, Mula sa sari-saring lipon ng mga taong nanahan, Mula sa mga katutubong bumagtas sa kapuluan. Alamat, salawikain, epiko, at kwentong-bayan, Alibata, parabula, bugtong, at kasabihan, Ilan lamang sa mga sinaunang panitikan, Akdang nagtatala ng unang yugto ng iyong kasaysayan. 15
Malao'y nabanaag ang iyong dagitab, Mga Kanlurani'y iyong nabihag, Mutya kang karikitan ay umaalab, Mga mestiso'y tunay na nag-apuhap. Panitikang karaniwang pasalindila, Dinatnan ng mga Kastila, Ang iba ay sa puno't bato nakatala, Mabatid ang kultura at paniniwala ang adhika. Anaki'y isang tanghalang dinadaluhan, Subalit may ibig lamang silang isakatuparan, Ipalaganap ang Kristiyanismo sa buong bayan, Ngunit salamisim rin ng matinding kasiphayuan. Panahon ng paghahari ng Espanya, Maraming Pilipino ang nagdusa, Kinatakutan ang banyagang pwersa, Kaya't matagal na panahong ikaw ay nagdusa. Sanaysay, talumpati, nobela, Talinhaga, tula, at iba pa, Laman nito'y sari-saring karanasan, Sa kolonyalismong ikaw ay nilapastangan. 1 6
Maraming Pilipino ang tumangis, Sa kalupitang sinuma'y hindi magnanais, Silakbo ng damdamin ay nagmamalabis, Pahimakas man ito, hindi paiimpis. Kaya't bagaman dehado sa pakikipagdigmaan, Mga bayani'y ipinagpatuloy ang laban, Pluma ang sandatang kanilang tangan, Nang ang ulyaw ng linggatong ay maulinigan. Rizal, Del Pilar, Bonifacio, Mabini, Silang, Lopez-Jaena, Graciano, Mga paham na nagtulak, Sa pagkilos laban sa banyagang yumuyurak. Punyal nila'y panulatan, Likha'y inilimbag sa mga pahayagan, Ito'y nagsilbing pananawagan, Nang ang sambayana'y maging mulat sa katotohanan. Sumiklab ang pulitikal at literaturang paghihimagsik, Tuluyang tinuligsa, dayuhang nagdulot ng pasakit, Lumitaw ang iba't-ibang kilusan, Lumaganap ang nasyonalismo ng mamamayan. 17
Sinilip ang nakatagong kadiliman, Sa bayang iginapos ng mandarayuhan, Kumakawala sa tanikalang nagbibigkis, Upang sapitin ang kalayaang ninanais. Sinipat ang babaw at lalim ng tubig, Inaninaw ang sarili at prinsipyo'y ipinanindig, Sa Inang Bayan mga ninuno ay pumanig, Tinig ng mayamang panitikan ay kanilang ipinarinig. Pilipinas, ikaw ay pinipithaya, Nagkumahog upang ika'y makalaya, Nagbata man sa hirap ng mahabang panahon, Sa pagkakalugmok, ikaw ay naiahon. 18
Filipino, Wikang Makabayan Likha Ni: Patrick B. Fampula Wikang Filipino’y sadyang matikas, Nakaangkla sa bayan at kusang bumabagtas, Sa mga karagatan at kalupaang nilalandas, Salitang Filipino’y tunay ngang hiyas. Katuwang sa pagyabong ay mga pamahiin, Mga kaugaliang nakatatak sa puso’t nakadiin, Laman ng makulay na isipan at mga hangarin, Pagpapakabuti ang s’yang landasin. Samu’t-saring mga ideya’t katha, Binuo ng mga magigiting na salita, Filipinong tunay ang s'yang nagbadya, Sa maiikling kwento’t mga likha. Awit, korido, at epiko, Bugtong, alamat, at soneto, Salawikain, nobela, at mga kwento, Mga gintong humubog sa pagka-Pilipino. 19
Bagamat ang ugat ay sa bayan, Namumutawi naman ang kariktan, Sa pagtayog ng mga kaalaman, Bukambibig kahit saan pa man. Kung saan mang lugar na may Pilipino, Umaagos sa dugo ang wikang Filipino, Ang mga kwento’t likha ay isinasatrono, Pagpupugay sa dakilang mga ehemplo. 20
Sa Mata ng Agila Likha Ni: Kylla Mae A. Exconde Sa Pinas, mahihina'y nababalisa, Nagbabakasakali sa ibang bansa, Labi'y dumampi sa lupang ninanasa, Kultura't wika'y parang naparalisa. Hindi nahaplos ng kamay ang tagumpay, Kalupitan sa lingkod nyo'y nagpatamlay, Nanaghoy at inakay ng kapwa Pinoy, Bagong pag-asa sa litid ko'y dumaloy. Kay raming napagtanto sa 'king paglisan, Wikang Filipino ang kinabukasan, Tila liwanag sa dilim ng buhay ko, Kinukulayan pagka-Pilipino ko. Nalayo man sa perlas ng silanganan, Wikang minana pa rin patutunguhan, Hinila ng wika mula sa kumunoy, Kahit na sa dayuhang lupa lumangoy. 21
Talentong tinataglay ay pagpipinta, Sa Pinas lang pala maipakikita, 'Di na kailangang mangibang bansa pa, Pinas, ako'y 'tinayo sa pagkadapa. Sa 'king obra gusto kong gisingin sila, Panitikan, kultura't paniniwala, Walang maliw at bakas sa pagkatao, Saan man magtungo, ika'y Pilipino. 22
Ningas ng Wika sa Gitna ng Kaguluhan Likha Ni: Jerome B. Atadero Oras ay pabago-bago, Na tila ang mundo’y hindi nakasentro, Mga pangyayari’y patuloy na lumalabo, Parang ang pandemya ay bagong moderno. Ngayong tayo ay nahaharap, Sa iba’t ibang bagay na satin nagpapahirap, Dating modernong buhay na nilalasap, Ngayo’y atin na lamang pinapangarap. Gaya ng Wikang Filipino, Na sa puso’t isip ay nakapako, Pati wika at kultura, Mga pamanang hanggang ngayon ay dala-dala. Wika na kung saan ay napakahalaga, Napakalaking tulong lalo na ngayong pandemya, Sa pagbibigay impormasyon sa bawat isa, Upang sa mga nangyayari ay maalarma. 2 3
Wika na kahit saan ka magpunta ay makakasalamuha, Kahit sa libro, radyo, tv, at birtwal na plataporma, Maging mapanuri lamang sa nakikita at nababasa, Dahil bawat impormasyon ay may halaga. Sa kabila ng mga pinagdaraanan, Pagka-Pilipino’y laging nariyan, Wika at kultura ay 'di pinabayaan, Bagkus ginagawa pang sandalan. Kaya’t panitikan, ating yaman, ating lakas, Sa digmaan, sing talim ng dahas, Ito’y mag-iiwan ng napakaraming bakas, Na simbolo ng ating pag-asa sa darating na bukas. 24
ANG MGA AWTOR Si Jerome B. Atadero ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawanpung taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Purok 3 Rosal Street Barangay Uno Crossing Calamba City. Naniniwala siya na “Aanhin mo ang banyagang wika, kung ang sarili mong wika ay 'di mo matalima.” Si Princes Margareth G. Biscocho ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Labing siyam na taong gulang na babae. Nakatira siya sa Brgy. Gonzales Tanauan City Batangas. Naniniwala siya na \"Nabubuhay tayo, para hindi bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto.\" Si Reggie Mae A. Butal ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawangpung taong gulang na babae. Nakatira siya sa Brgy. Banadero, Calamba City, Laguna. Naniniwala siya na “Isa sa pinakamalaking pagsisisi sa buhay ay ang pagbibigay ng higit na importansya sa kultura ng iba kaysa sa aking sariling kultura.” Si Kylla Mae A. Exconde ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawampung taong gulang na babae. Nakatira siya sa Barangay San Buenaventura, San Pablo City, Laguna. Naniniwala siya na \"Wika ang pinakamalakas na sandatang magagamit natin sa panahon ng kalugmukan at tagumpay.\" Si Patrick B. Fampula ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. dalwampung taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Calamba City, Laguna. Naniniwala siya na \"Mahalin ang sariling wika gaya ng pagmamahal sa kapwa.\"
Si Maria Gemaima V. Gazer ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawampung taong gulang na babae. Nakatira siya sa Boot, Tanauan City, Batangas. Naniniwala siya na \"Ang wika ay kayamanan ng isang bayan kaya't nararapat lamang itong ingatan, mahalin, at higit pang payabungin.\" Si Jared Clent F. Radoc ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawampu na taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Kay-Anlog Calamba City Laguna. Naniniwala siya na \"Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.\" Si Ace Paolo N. Sagetarios ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawapung taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Makiling, Calamba City Laguna. Naniniwala siya na \"Ang wika ay susi sa lagusan para sa magandang kinabukasan.\" Si Maria Janelle A. San Jose ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawampu na taong gulang na babae. Nakatira siya sa San Pablo City, Laguna. Naniniwala siya na “Aanhin pa ang talino kung Wikang Filipino ay 'di kabisado, mas maigi pa na maging mangmang kaysa matalinong utal.” Si Christian Paul M. Sarabia ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Labing siyam na taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Sta Maria, Talisay Batangas. Naniniwala siya na \"Kung nasyonalismo'y paiiralin, tiyak ang pagganda ng lupang sinilangan.\"
Kabatiran, Paglalantad, Nagpapalaya, Buhay Sampung tula na pupukaw sa damdamin, kaluluwa’t isipan mo. Bawat tula ay may mapupulot na aral sa buhay. Matutunan mo rin na mahalin ang pagiging Pilipino mo nang higit pa sa inaakala mo. Samantala, makakapulot ka rin ng aral sa kung paano nahubog ang wika, panitikan, kultura, paniniwala, tradisyon, relihiyon, at pamumuhay ng mga Pilipino. \"ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.\" - Salazar \"Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.\" - Webster \"Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.\" - Bro. Azarian \"Ang panitikan ay lakas na nag-uugnay sa damdamin ng mga tao upang makita ang katwiran at katarungan, dahil dito'y masasabing luminang ang panitikan sa nasyonalismo ng mga mamamayan.\" - Capili-Sayo try to scan me
Search
Read the Text Version
- 1 - 32
Pages: