ANG EUROPA SA GITNANG PANAHON For inquiries or feedback, please write or call: Sid Anthony Paolo R. Verdan 87 Rizal Blvd. Brgy. 6, San Pedro I, Bacarra, Ilocos Norte Telephone: 09217200034 / 077-670-7639 E-mail Address: [email protected]
ARALING PANLIPUNAN 8 KASAYSAYAN NG DAIGDIG “In the space between chaos and shape, there was another chance.” -Jeanette Winterson Sa pagitan ng gulo at kaayusan, mayroong pagkakataon. Ang mga katagang ito ay nangangahulugang ang bawat kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. Marahil pagkakataon upang bumangon at magsimulang muli, o di kaya ay pagkakataong mas umunlad pa. Sa pagitan ng pagbagsak at pagbangon at marahil maituturing na transisyon. Isang yugto na maguugnay sa kahapon at ngayon. Ang modyul na ito ay tutuon sa mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon. Tatalakayin sa aralin na ito ang mga pagbabagong, pang-politika, pang-ekonomiko, at pang-sosyokultural. Sama-sama nating alamin ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko, ang mga kaganapan sa pagkabuo ng Banal na Imperyong Romano, pagsasagawa ng mga Krusada, at ang mga kaisipang umusbong sa gitnang panahon tulad ng Pyudalismo, at Manoryalismo. CONTENT STANDARD: Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig. Sa Pagtatapos ng Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. AP8DKT-IIF-9 Masuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang Panahon; b. AP8DKT-IIg-11 Masuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”; c. AP8DKT-IIh-12 Maipaliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga krusada sa Gitnang Panahon; d. AP8DKT-Iii-13 Mailarawan ang buhay sa Europe noong Gitnang panahon sa aspeto ng politikal at ekonomiya; at e. AP8DKT-IIj-13 Mataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europa sa pagpapalaganap ng pnadaigdigang kamalayan.
PAANO GAMITIN ANG MODULE NA ITO? Magandang Araw, Mga Mag-aaral. Ang modyul na ito ay madiskarteng binuo upang mabigyan kayong mag- aaral ng angkop na kaalaman sa bagong paraan ng pag-aaral, ang flexible learning, remote learning, at blended learning modes. Ang modyul na ito ay nahati-hati sa mga aralin na magtatalakay sa mga topiko na kaunay ng tsapter. Ang mga aralin ay nahati hati naman sa anim (6) na seksyon na makaktulong sa iyong pansariling pag-navigate sa aralin. Ang mga aralin ay mayroong kaangkop na technological learning tools katulad ng mga online quizzes, online resources, at videos na maari ninyong buksan, gawin, at panoorin, sa iyong sariling oras, na makakatulong sa pagunawa sa aralin. Ang mga sumusunod ang seksyon ng aralin :
PANIMULA Ang Europa sa Gitnang Panahon ay mayroong malaking kontribusyon sa kasalukuyang panahon. Sa bahaging ito ang modyul, ating aaralin ang ilan sa mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon. Ang Gitnang Panahon o Middle Ages ay tumutukoy sa 900 taong yugto sa kasaysayan mula sa pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman noong ika-5 siglo hanggang sa pagsisimula ng makabagong panahon pagdating ng ika-14 na siglo. LUNSARAN Bago tayo magsimula ating basahin ang translated na bersyon ng isang sulatin patungkol kay William Fitz-Stephen. (Spielvogel, 2007) Larawan 1 Isang manuskrito mula sa gitnang panahon na nagpapakita ng isang larawan ng London Sa ika-labing dalawang siglo, bukambibig ni William Fitz-Stephen na ang syudad ng London ang isa sa pinakamaganda sa buong mundo kung saan sinabi nya na, “Tunay na napakalusog at napakasaya, gayun din ang Kristyanismo, sa angkin nitong lakas. Ang ganda ng kinaroroonan nito, ang dangal ng mga mamamayan, and pagiging maalaga ng mga kababaihan, galling sa pampalakasan, at namumunga sa dami ng mararangal na mamayan.”
Para kay Fitz-Stephen, maraming oportunidad sa London. “Ang ano mang pangangailangan at hindi lamang dinadala sa mga espesyal na lugar, ngunit makikita rin sa mga bukas na pamilihan, kung saan lahat ng maaring bilhin ay ipinapagsigawan.” Ayon pa sa kanya, kung ang isang tao ay hindi “walang kwenta”, maari itong kumita ng pera sa London. Ang mga palabas na pampalakasan at pang-aliw ay laging nakahanda sa ano mang kapanahunan. “Kung panahon ng Easter, naglalaban ang mga atleta sa tubig.”, kung sa tag-araw naman o Summer,”ang mga kabataan ay nageensayo sa patalon, pagsayaw, pagpana, wrestling, at pagbato.” at kung Winter naman, “kung nagyeyelo ang hilagang bahagi ng syudad, maraming kalalakihan ang naglalaro sa yelo, paglalakad sa yelo, o di kaya ay pagpapadulas.” Para kay Willian, “Lahat ng pagnanais ng mga tao ay nasa London.” Ang bahaging ito ng modyul ay hinango sa aklat ng Glencoe World History Pages 314 : A Story that Matters. BAKIT ITO MAHALAGA? Kung ito ang tanging pagbabasehan ng ating pag-aaral, mahihinuha natin na tunay napakasaya ng manirahan sa London, o sa Europa sa Gitnang Panahon. Hindi natin malalaman na ang gitnang panahon ay mayroong madilim na sikreto kung saan nagkaroong ng overpopulation na nagsanhi sa overcrowding ng mga lansangan, mababahong amoy na mula sa nabubulok na basura, at ang palagiang banta ng pandemya at pampamayanang sunog. LONDON NGAYON LONDON NOON GABAY NA TANONG: Sagutin ang mga gabay na tanong batay sa inyong kaalaman. 1. Ano ang pinagkaiba ng London noon at London ngayon? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
2. Ano-ano sa inyong palagay ang mga bagay na nanatili sa London mula noong gitnang panahon? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ PAGTATALAKAY Ang gitnang panahon o middle ages ay nahahati sa dalawang bahagi, ang Early Middle Ages o Unang Yugto na mas kilala bilang Dark Ages o Panahon ng Kadiliman (ika-5 hanggang ika- 10 siglo), dahil puno it ng kaguluhan at pagkasira; pangalawa ang Later Middle Ages o Huling Yugto ng Gitnang Panahon (mula ika-11 hanggang ika-14 na siglo); kung saan ito ang panahon ng pagsulong sa mas mataas na antas ng kabihasnan. Sa araling ito, ating uurin ang mga pagbabagong naganap sa Gitnang Europa sa tatlo; ito ay ang pagbabagong pampolitikal, pagbabagong, pangekonomiya, at pagbabagong soyo-kultural. PAKSA 1 : POLITIKAL Ang pagbagksak ng Imperyong Roman sa kanluran ay nagsanhi sa matinding pagbabago sa takbo ng politka sa Europa. Umiiral ang Pyudalismo at nakilala ang Banal na Imperyong Roman bilang kapalit ng naunang Imperyo. A. PAGBAGSAK NG KANLURANG IMPERYONG ROMAN Ang Imperyong Roman ay naghari sa malaking bahagi ng mundo na bumabagtas mula Europe, Gitnang Silangan, at Hilagang Bahagi ng Africa sa loob ng higit 500 taon. Bumagsak ang kanlurang Imperyong Roman noong 476 AD nang mapaslang ang huling emperador na si Romulus Augustus sa isang labanan. Tuluyang napagbagsak ng mga Ostrogoth ang Rome sa pamumuno ni Odacer na itinanghal ang sarili bilang “Hari ng Italy”. Ilang mga dahilan ng pagbagsak ng Impeyong Roman: 1. PULITIKAL Kalimitan sa pamahalaan ng imperyo ay tiwali, hindi maasahan, at hindi nila makuha ang tiwala ng taongbayan Dahil sa laki at lawak ng imperyo, hindi naabot ang mga iba pang mga sentrong lungsod dahil na rin sa sinaunang sistema ng transportasyon at komunikasyon
Ang tunggalian sa kung sino ang papalit sa trono ay kalimitang nagdudulot ng pamainsalang digmaang sibil. 2. EKONOMIYA Ang mga liliit na magsasaka ay iniwan ang kanilang mga lupain upang manilbihan sa mga malalaking lupain Dahil sa kakayahan ng mga malalaking lupain na ibigay ang pangangailangan ng lahat ng taong naninirahan at nagtatrabaho ditto, nakasgabal ito sa kalakalan at industriya kung kaya’t nagdulot ng pagbaba ng ekonomiya ng imperyo. Ang mabibigat na buwis na ipinataw sa mga tao, kalimitan ay hindi makatuwiran. Malawakang paggamit ng mga alipin sa mga industriya at agrikultura na nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng malalaking bilang ng mga plebian. 3. PANLIPUNAN Ang mabuhay at makatikim ng luho ang kalimitang interes ng mga Roman. Bumagsak din ang moralidad ng mga tao. Pagkakaroon ng malaking agwat sa paghahati ng tao sa lipunan. Ang mga patrician ay mayayaman at napag-aral, samantala, ang mga plebian ay mahihirap at walang alam. Kung dati, ang mga lungsod ay sentro ng kultura at industriya, bumaba ang populasyon nito dahil sa paglipat ng mga tao sa kanayunan. 4. MILITAR Napasok ang mga bayarang tao (Germanic Mercenaries) ang hukbo ng Rome kung kayat’t nagging kadudaduda ang kanilang katapatan. Mas ninanais ng mga hukbo na panigan ang emperador at magpasya sa mga patakaran ng pamahalaan. B. PAGSILANG NG HOLY ROMAN EMPIRE Sinasabing bumagsak ang Kanlurang Imperyong Roman dahil sa mga barbaro na sumalakay at nagwasak sa kanilang kabihasnan. Ngunit, masasabi rin na ang pagsisimula ng tinawag na Holy Roman Empire ay nagmula sa kamay ng mga Franks, pangkat ng mga barbaro na lumusob sa Gaul (ngayon ay France). Taong 486 nang sinalakay ng mga Franks, sa pamumuno ni Clovis, ang pwersang Roman sa Gaul. Matapos nito, itinatag niya ang kaharian ng mga Franks sa ilalim ng Dinastiyang Merovingian. Nagmula ang pangalang ito kay Merovius, ang ninuno ng mga Salian Frank. Nagpabinyag si Clovis ayon na rin sa kahilingan ng kanyang asawa na si Clotilde sa Rheims noong pasko ng 496 AD kasama ang kanyang 3,000 hukbo. Nang mamatay si Clovis, ang mga sumunod na hari sa kaniya ay tinawag na “mga tamad”na hari. Ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng mga maharlika na kung tawagin ay Mayor of the Palace o katumbas ng Punong Ministro.
Sa pagkamatay ni Dagobert, ang huling hari ng Dinastiyang Merovingian, noong 638, ay pinalitan ng Dinastiyang Carolingian. Si Charles Martel ang kauna-unahang Carolingian na naging Mayor of the Palace at tagapayo ni Haring Dagobert. Nakilala siya sa kasaysayan nang nagapi nya ang mga Moro sa labanan sa Tours noong 732. Ito ang pagtatapos ng presensya ng mga Muslim sa Europe noong panahon na iyon. Ang kauna-unahang haring Caloringian ay ang anak ni Charles Martel na si Pepin III. Dahil sa pahintulot ni Pope Stephen II, at sa suporta na rin ng mga maharlikang Franks, tinanghal sya bilang “Hari ng mga Frank” noong 751. Bilang pasasalamat, tinulungan ni Pepin na mapalayas ang mga Lombard sa Gitnang Italy at ibinigay ang lupain sa Pope. Tinawag ito sa kasaysayan bilang “Donasyon ni Pepin” na siyang nagbigay ng kapangyarihang pulitikal sa Simbahang Katoliko sa pagkontrol sa Gitnang Italy. Sa loob ng higit isang libong taon, pimahalaan ito ng Simbahan at tinawag na Papal States. Pumalit si Charlemagne sa kanyang ama, bilang hari noong 768. Inanyayahan niya ang iba’t ibang iskolar sa Europa upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. SInakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian, at Saxon, at ginawang mga Kristyano. Kinoronahan siya ni Pope Leo III habang nagdadasal sa altar ng simbahang katiliko ni San Pedro noong pasko ng Taong 800 at iprinoklama bilang “Emperador ng mga Roman”. Ang imperyong Carolingian ay ang bagong imperyo na kinilala sa kanlurang Europa bilang tagapagmana ng Imperyong Roman ng mga Ceasar. Sa pagkawala ni Charlemagne noong 814 matapos ang kanyang 46 na taong paghahari; nahati sa tatlo ang imperyo ayon sa Kasunduan sa Verdun noong 843 para sa kanyang mga apo. LOUIS CHARLES Silangang bahagi Kanlurang bahagi; (Saxony at batayan ng makabagong Bohemia); batayan France ng makabagong Germany LOTHAR Gitnang bahagi (Lombardy) batayan ng makabagong Italy
PYUDALISMONoong 962, kinoronahan ni Pope John XII si Otto I, pinuno mula sa Gitnang Europa, bilang emperador at ito ang naging simula ng Holy Roman Empire. Sa kabila ng proklamasyon na ginawa, tanging sa pangalan lamang ang imperyo, na tumagal higit walong siglo (mula 962-1806). Ang pagkokorona ng Pope sa mga hari o emperador ay nangangahulugang na ang Simbahang noong Gitnang Panahon ay nagpapakita na maari niloang ideklara o patalsikin ang simo mang hari o emperador. Ipnapakita din nito na ang mga Pope ay higit na makapangyarihan sa mga pinunong sibil, kasama na ang mga hari at emperador. Ang mga pahayag na ito ay nagdudulot ng maraming sigalot sa pagitan ng Simbahan at mga estado sa loob ng maraming panahon. MGA PAMPROSESONG TANONG: 1. Ano-ano ang dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano? 2. Bakit sinasabing ang pagbagsak ng Imperyong Romano ang isa sa dahilan ng paglakas ng Simbahang Katoliko? 3. Bakit ang Imperyong Carolingian ang kinilala bilang tagapagmana ng Imperyong Roman? C. PYUDALISMO Nabalot muli ng kaguluhan ang Europa matapos ang pagbagsak ng imperyo ni Charlemagne. Sa panahong ito, isinilang ang Piyudalismo. Nagmula ito sa salitang Latin na feudum, ibig sabihin ay pagbibigay ng lupain o fief sa mga nasasakupan. Ayon sa pag-aaral (Gordon, 1979), tatlo ang maaring maging pagtingin sa sistemang ito: Sistemang Panlipunan na mayroong mahigpit na pag-uuri sa mga tao at hindi nagbabagong paraan ng pamumuhay. Sistemang Pulitikal ng lokal na pamahalaan at tanggulang militar Sistemang Pang-ekonomiya ng mga may sariling kakayahang agrikultural na mga manor. Subalit, pakatandaan na nag-iiba ang paglalarawan sa piyudalismo depende sa kalagayang rehiyonal.
Mga dahilan kung bakit umusbong ang ganitong Sistema: Mahinang Pamamahalang Sentral - Hindi nagagampananan ng mga pamahalaang sentral na mabigyan ng proteksyon ang kaniyang nasasakupan sa mga pananakot at lokal na kaguluhan. Ang mga maliliit na magsasaka ay isinuko ang kanilang mga lupain sa mga makapanyarihang maharlika kapalit ang pangakong magbibibgay iyo sa kanila ng proteksyon. Patakaran sa Lupa ng mga Hari - Bilang kapalit sa pagbibibgay ng tulong military, ang mga hari ay nagbibibgay ng mga lupain sa mga mahahalang maharlika. Sa pangyayaring ito, lalong lumakas ang kapangyarihan ng mga maharlika. i. Lipunang Piyudal Ang lipunanang Piyudal ay hindi kaiba sa mga lipunang umiral noong unang panahon. Nahahati ito sa dalawang pangkat: MAHARLIKA SERF Nagmamay-ari ng mga Malaking bahagi ay mga malalaking lupain magsasaka Ang katayuan sa lipunang ito ay natututkoy sa kapanganakan ng isang tao. Kahit anong abilidad o sipag sa pagtatrabaho ay hindi mababago ang isang serf ang kanyak katayuan sa lipunan. Sila ang bumubuo sa masa noong Gitnang Panahon. Maaring maihalintulad sa isang tatsulok ang bumubuo sa isang lipunang piyudal: Hari Ang pinakamataas sa lipunang piyudal. Sa kanya nakapangalan ang lahat ng lupain sa kaharian. Ang tawag dito ay royal domain Makapangyarihang Panginoon Kakaunti lamang ang bilang nila at sila ang mga basalyo (vassal) o kasa-kasama ng hari. Tinatanggap ang mga fief o lupain mula sa hari kapalit ang kanilang katapatan at tulong militar. Suzerain ang tawag sa nagbigay ng lupain. Dalawang uri ng seremonya ang idinaraos: una, ang homage o nangangako ng katapatan ang vassal; at ang investiture o pagtanggap sa fief o lupain na ibibigay sa isang vassal. Mababang Panginoon Malaki ang bilang nito at sial ang mga vassal ng mga makapangyarihan panginoon. Tumatanggap din sila ng mga fief at maaring ibigay ito sa iba pang maharlika. Mga Kabalyero (Knights) Pinakamababa sa mga maharlika. Sila ang hukbo ng mga lipunang piyudal. Serf Pinakamababa sa lipunang piyudal. Karaniwang binubuo ng mga magsasaka at iba pang manggagawa.
i. Pamahalaang Piyudal Masasabing mahina ang Pamahalaang Sentral sa lipunang piyudal. Ang hari ang namamahala sa buong kaharian, subalit hinidi nito magawang ipatupad ang kaniyang kapangyarihan. Isa lamang siya sa maraming makapangyarihang panginoon. Pagdating naman sa lokal na pamahalaan, maituturing na masigla ang pamumuno dito. Ang mga maharlika ang gumagawa ng mga batas, nagpapataw ng buwis, naggagawad ng hustisya at nagdedeklara ng pakikidigma. Sa panahon ng digmaan, ang mga makapangyarihang panginoon ay hinihingi ang paglilingko ng mga vassal upang bumuo ng isang hukbo. Makikita sa lupain ng panginoon ang isang kastilyo. Tumatayo ito bilang moog o kuta dahil ito ay nakatayo isa isang mataas na lugar, binubuo ito ng mga matitigas na kahoy o makakapal na bato at napapaligiran ng malalim na trinserya o moat. Mayroon din itong tulay na maaring itaas kapag may pagsalakay na nagaganap. Kapag payapa naman ang panahon, nangangaso ang mga panginoon at nasasagawa ng mga kunwa-kunwaring labanan o joust, mga paligsahan at pagsasanay sa mga kabataang lalaki na nagnanais maging kabalyero. Ang isang kabataang maharlika ay pinag-aaral sa isang paaralang pang military upang sanayin sa pagsusuot ng kalasag (armor), paghawak ng espada, sibat (lance) at palakol. Pagsapit ng 21 taong gulang, siya ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo o kabalyero (knight). Ang bawa kabalyero ay inaasahang tutuparin ang mga alituntunin ng marangal nap ag-uugali o chilvalry. Sa kasamaang palad, hindi ito natutupad. MGA PAMPROSESONG TANONG: 1. Ano ang ibig sabihin ng salitang piyudalismo? 2. Paano umusbong ang sistemang ito? PAKSA 2 : EKONOMIYA Ang manoryalismo ang umiiral na sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang Panahon. Halos lahat ng mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao ay ginawa sa mga lupain o manor ng mga maharlika o makapangyarihang panginoon. Nabuo ang sistemang manoryal sa panahong ang mga bayan sa Europa ay kakaunti at maliliit pa. Dahil nahinto ang kalakalan sa iba’t ibang bahagi ng Imperyong Roman, ang malaking bahaig ng populasyon ng Europa ay umaasa sa mga manor ng maharlika.
MANOR Kabukiran at pastulan. Kastilyo o Manor house. Mga gusali ng pamayanan - simbahan, mga pagawaan, tirahan ng mga serf, gilingan ng trigo, at lutuan ng tinapay. Karaniwang may kakayahang makapagsarili ang mga manor lalo’t pagdating sa pakikipagkalakalan. Ang pagsasaska sa manor ang ikinabubuhay ng mga naninirahan dito. Sila ay nagtatanim at nag-aalaga ng mga hayop upang maging pagkain, nangangalaga ng balahibo ng tupa (wool) upang gawing damit, nagkukulti ng mga balat upang maging sapatos, at nangunguha ng torso upang gawing kasangkapan sa bahay at sa mga gusali. Subalit ilan sa mga mahahalagang sangkap tulad ng asin sa siyang ginagamit upang mapreserba ang mga pagkain at pampalasa, at ang bakal na siyang kailangan para sa paggawa ng mga kasangkapan at sandata ay kinukuha pa sa ibang lugar. Nakasalalay sa manor kung ang mga gagawin at ang mga serf naman ang magsasagawa nito. Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay maaaring binuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka sa manor na kanyang magiging kayamanan. Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maari ring ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon, ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Maroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kanyang hinahati ngunit nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.
Ang Pamamahala sa Manor Ang Panginoong Piyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong pagkakataon ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales. Halimbawa sa England, ang mga pinagkakatiwalaan ay tinatawag na steward, bailiff, at reeve. Ang steward ang may pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na tagapamahala sa korte ng manor. Binibisita niya ang iba’t ibang manor para matingnan ang sitwasyon dito. Ang bailiff naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa pagsasaka. Siya ang namamahala sa pagkukuwenta ng salapi at sa paniningil ng upa, multa, at iba pang bayarin. Ang reeve ay tumutulong sa bailiff. Maraming reeve ang kailangan kapag ang manor ay malaki. Sila ang namamahala sa pagpaparami ng dayami at sa pagtatago nito. Sila rin ang nag-aalaga ng kawan ng hayop at sa nag-aani ng mga pananim. Siya rin ang nagpapaabot sa panginoong piyudal ng reklamo ng mga magbubukid tungkol sa mga opisyales. Sa panig namanng mga pesante, sila ay obligadong magtrabaho ng dalawa hanggang tatlong araw sa bawat linggo sa lupa ng panginoong piyudal. Bahagi ng kanilang ani ay kinukuha bilang buwis. Kung sila naman ay gumagawa ng tinapay o alak, halos lahat ng ito ay ibibigay din sa panginoon. Ang mga itinuturing na serf ay hindi malayang makaalis sa manor. Sila ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Hindi rin sila makapangaso sa gubat o makapangisda sa batis. Dahil sa walang pinag-aralan at itinuturing na tanga, ang mga magbubukid ay nakakita ng kasiyahan sa mga paniniwala tungkol sa mangkukulam, mahika, at halimaw. Kung minsan sila ay nagdaraos ng kasiyahan tulad ng piyesta, sayawan, at paligsahan. MGA PAMPROSESONG TANONG: 1. Ano ang nagbigay daan sa pagkalunsad ng sistemang manoryalismo sa Europa? 2. Paano mo mailalarawan ang lipunan sa ilalim ng sistemang manoryalismo? 3. Gaano kahalaga ang pagsasaka sa pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng manor? 4. Bakit mahalaga ang pagsasaka o agrikultura sa pagtataguyod ng bansa sa kasalukuyan? PAKSA 3 : SOSYO-KULTURAL Sa aspetong sosyo-kultural, ang paglakas ng Simbahang Katoliko at paglulunsad ng krusada ang mga pangyayaring naganap sa Europa noong Gitnang Panahon. A. Paglakas ng Simbahang Katoliko Matapos ang hindi mabilang na pag-uusig sa mga sinaunang Kristyano, dumating din ang panahon na malaya nilang isabuhay ang kanilang pananampalataya. Nagsimula kay Constantine the Great (306-337 AD) nang ipatupad niya ang Edict of Milan na nagpapahinto sa pag-uusig sa mga Kristyano at nagbibigay pahintulot sa Kristyanismo at iba pang relihiyon sa Imperyong Roman noong 313 AD. Ito ay dahil sa pangitaing krus na nakita nya sa kalangitan bago sila nakipaglaban sa Tulay ng Milvian noong 312 AD.
Samantala, ipinagbawal ni Theodosius I (378-395 AD) ang lahat ng mga paganong relihiyon ay ginawang opisyal na relihiyon ng imperyo ang Kristyanismo. Pinalakas niya ang kapapahan (papacy) sa pamamagitan ng First Council at Constantinople kung saan napili ang Rome bilang pangunahing Diocese at ang Obispo ng Rome ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Romano Katoliko. Pangalawa lamang dito ang Constantinople. Napagtagumpayan din ng simbahan ang ilang mga kontrobersya o heresy patungkol sa ilang mga turo nito. Ang heresy ay mga doktrinang pangrelihiyon na taliwas sa mga turo ng simbahan. Isa na diyan ang Arianism na kung saan itnuturo ni Arius na si Kristo, kahit na Anak ng Diyos ay hindi ganap ang kanyang kabanalan katulad ng Diyos Ama. Ipinatawag ang First Ecumenical Council at Nicaea noong 325 AD upang ayusin ang sigalot at ginamit ang Nicene Creed na nagpapatunay sa kabanalan ni Kristo. Gayundin ang Nestorianism na sinasabi ni Nestorius, iisang Mongheng Syrian at Patriach ng Constantinople na si Hesus ay may dalawang katangian – tao at banal. Sinabi rin nya na si Maria ay tao kung kaya’t hindi sya maaring maging ina ng Diyos. Ipinatigil ng Third Ecumenical Council at Ephesus ang kontrobersyang ito noong 431 AD. Panghuli ang Monophysitism na nagsasabi na iisa lamang ang katangian ni Kristo – pagiging banal. Pinagtibay ito sa hindi opisyal na ecumenical council sa Ephesus noong 449 AD at ideneklarang heresy ni Pope Leo I. Ang Fourth Ecumenical Council at Chalcedon noong 451 AD ang nagdeklara na ito ay hindi katanggap-tanggap. Dahil sa mga pangyayaring ito, lalong lumaganap ang Kristyanismo hindi lamang sa nasaskupan ng Imperyong Romano kundi pati na Scandinavia, dulong bahagi ng Asya, at Silangang Africa. Ang Kaunlarang Europa ay pinamunuan ng Roman Catholic Church kung saan ang sento niyo ay sa Rome. Ilan sa mga tagumpay nito ang pagbibinyag kay Clovis, at sa mga Frank, ang mga Irish (sa pamumuno ni St. Patrick), at ang mga Anglo at Saxon sa England (sa pamumuno ni St. Augustine ng Canterbury) Sa Silangang Europa naman nakilala ang Greek Orthodox Church na ang sentro ay nasa Constantinople. Sila ang nakahikayat sa mga Serb, Buldar, at Russian na maging Kristiyano.
B. Pagkakahati ng Simbahang Kristyano Sa unang bahagi ng panahon ng mga Kristyano, nagkaroon ng tunggalian ang Rome at Constantinople para sa kapangyarihan sa relihiyon. Ang Papa o Obispo ng Rome ay inangkin ang katas-taasang kapangyarihan sa buong simbahan. Samantala, ang Patriarch o Obispo ng Constantinople ay iginiit nito ang kanyang kapangyarihan sa mga usapin ng simbahan sa Silangan. Maliban ditto, mayroon din silang magkaibigang wika na ginagamit, paniniwala, at mga ritwal. Dahil sa hindi naayos ang kanilang hindi pagkakaunawaan, nahati ang Simbahang Kristyano noong 1054. Ang Roman Catholic Church na ang sentro ay sa Rome at ang Greek Orthodox Church na ang sentro ay nasa Constantinople. ROMAN CATHOLIC CHRUCH GREEK ORTHODOX Catholic – universal Orthodox – mga tinanggap o tradisyunal na Rome naitatag na pananampalataya, lalo na sa Bible Relihiyon Latin Constantinople Pope Septuagint (Griyegong salin ng Lumang Tatlong katawagan sa pagbibigay-galang: Latria (para lamang sa Diyos) Tipan) Hyperdulia (para kay Maria), at Greek Dulia (para sa mga santo) Patriarch Ang mga pari ay hindi maaring mag-asawa Iconoclastic o hindi naniniwala sa pagbibigay- galang sa mga imahen ni Kristo, Maria, at iba pang mga santo Pinapayagan makapag-asawa ang mga pari C. Paglakas ng Kapapahan Matapos bumagsak ang Rome, ang Obispo ng Rome ay nagging makapangyarihang pinuno at pinaniniwalaang sila ang humalili sa mga Ceasar ng Rome. Ang kapangyarihang ito ay mas kilala sa katawagang Kapapahan (Papacy). Dalawa ang pinagbabatayan ng kapangyarihang ito: una, ang kapangyarihan ng Papa na minana mula kay San Pedro Apostol, ang unang Obispo ng Rome na ayon sa Doktrinang Petrine; pangalawa, ang lungsod ng Rome, kahit matapos ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman ay nananatiling sentro ng Kritstiyanismo . Ang Kapapahan (Papacy) ay ang tanggapan at ang nakasaklaw sa Obispo ng Rome. Anga Pope (mula sa salitang Latin na papa na ibig sabihin ay “ama”) ang namumuno sa Simbahang Romano Katoliko. Ang katagang Pope ay orihinal na tumutukoy sa lahat ng mga Obispo sa Kanluran at sa patriarch ng Alexandria. Subalit noong 1079, nilimitahan ni Papa Gregory VII ang paggamit nito at ginawa lamang sa Obispo ng Rome.
Mahahati ang kasaysayan ng Kapapahan sa limang mahahalagang yugto: 1. Sinaunang Kapapahan – mula kay Gregory I hanggang kay Pelagius II (590) 2. Kapapahan sa Gitnang Panahon – mula kay Gregory I hanggang kay Boniface VIII (590 – 1303) 3. Kapapahan sa Pahanon ng Renaissance at Reformation – mula kay Benedict XI hanggang kay Pius IV (1303-1565) 4. Unang Bahagi ng Makabagong Panahon – mula kay Pius V hanggang kay Clement XIV (1566-1774) 5. Kapapahan sa Makabagong Panahon – mula kay Pius VI hanggang sa kasalukuyan (1775 – kasalukuyan) D. San Pedro: Unang Obispo ng Roma at Unang Papa Bago umakyat sa langit si Jesus tatlumpong araw mula sa kanyang pagkbuhay(Resurrection) inihabilin niya kay Apostol Simeon ang pagtatag ng simbahan ng sabihin niya “Ikaw si Pedro at sa batong ito Ako magtatatag ng simbahan”. Ang salitang Pedro ay hango sa salitang Latin na “Petrus” na ang ibig sabihin ay bato. Si Simeon ay nagging si Pedro at sa kanya naatang ang pagtatatag ng Simbahan ni Jesus. Si Pedro ay napunta sa Roma kung saan pinalaganap niya ang Kristyanismo at nagging unang Obispo ng Roma. Naranasan niya at ng iba pang nagging Kristyano ang pagmamalupit ng pamahalaang Romano hanggang siya ay mabitay. Magmula noong unang daang taon, ang mga sumunod na Obispo ng Roma ay itinuring na pinuno ng Simbahang Kristyano. Ang pagbibigay halaga sa kapangyarihan ng Obispo ng Roma ay kilala lahat ng miyembro ng Simbahang Kristyano. Bilang pinuno ng Simbahang Kristyano siya ay tinawag na Papa. E. Mga Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa Ang unang salik sa pagkilala sa lakas ng kapangyarihan ng Papa ay sa panahon ng pagbagsak ng Emperyong Roma. Mga barbaro mula sa Germany ang lumusob sa Roma at sinira nila ang naitayong sibilisasyong Roma. Ang pagkasira ng sibilisasyong ito ay itinuring na “madilim na Panahon” (Dark Age). Sa “kadilimang” ito bumangon ang Simbahang Kristyano at nahikayat ang mga barbaro na tanggapin ang relihiyong ito. Ang Simbahan ang nangalaga sa material na pangangailangan ng tao. Pangalawang salik ay ang matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan. Ang Papa ang kataastaasang pinuno ng Simbahang Krisyano. Sumunod sa kanya ang arsobispo na may kapangyarihang panrelihiyon sa mga Obispo. Sumunod nito ay ang Obispo na namumuno sa bawa’t Diyosesis. Ang Diyosesis ay binubuo ng mga bayan at ang mga bayan ay pinamumunuan ng mga pari na kilala sa taguring “Kura Paroko”. Ang matatag na organisasyon ng Simbahan ay nakapagpatibay ng impluwensiya ng Simbahan sa mga tao at pinuno. Ang ikatlong salik ay ang paglilingkod ng mga monghe. Ang mga monghe ay madaling nakahikayat ng mga barbaro sa Kristyanismo. Sila rin ang nagliwanag ng kaisipan ng taol sa pamamagitan ng
pagtatag ng paaralan. Sila ay nagtayo nga mga ospital at tinulungan ang mga may sakit. Pinaunlad din nila ang sakahan. Sa ginawa nilang ito, pinahanga nila ang mga tao at naakit sila sa Kristyanismo. Pang-apat na salik ay ang magandang uri ng pamumuno ng simbahan. Maraming Papa ang nagpakita ng kagalingan at katatagan ng paninindigan bilang pinuno. Si Papa Leo the Great ang nagbigay diin sa Petrini Doctrini na ang Obispo ng Roma ang tunay na pinuno ng Kristyanismo; Si Papa Gregory I ang nakahikayat sa mga tribong barbaro na sumampalataya kay Jesukristo at siya rin ang nagpalaganap ng Kristyanismo sa malalayong lugar ng kanlurang Europa; Si Papa Gregory VII ang nagbawi sa mga hari ng karapatang magkaloob ng kapangyarihan sa mga tauhan ng simbahan; at si Papa Innocent III ang nagpuwersa kay Haring John ng England na maging sakop ng England. Istruktura ng Roman Catholic Church Higit na naging maimpluwensya ang Roman Catholic Church sa Kanlurang Europa dahil na rin sa kawalan ng makapangyarihang kaharian o imperyo. Samantala, ang SIlangang Imperyong Roman kung saan naroon ang Greek Orthodox Church ay nagpapatuloy sa ilalim ng mga emperador ng Byzantine kung kaya’t kontrolado ang kapangyarihan nito. Katulad ng mga hari, ang Simbahang Katoliko ay mayroong hierarchy o pamunuan ng simbahan. PAPA KARDINAL ARSOBISPO PARI Ang Tinawag Ang bawat Sila ang pinakamataas silang mga na pinuno ng “Prinsipe ng bansa ay direkatang Simbahang Simbahan” namamahala sa Katoliko. hinahati sa mga mga lokal na pamayanan o lalawigang parokya. ecclesiastical o distritong panrelihiyon na kung tawagin ay Diocese. Nakatira sya sa Sila ay mga Pinamumunuan Sila ang Vatican sa Obispo o ito ng isang Rome. arsobispo Obispo. gumagabay at na itinalaa ng Pope naglilingkod sa upang maging mga taong tagapayo nito. mananampalata Sa kanilang ya na kung hanay nagmumula tawagin ay laiko ang papalit sa Pope (layman). kapag ito ay Siya ang Samantala, may Sa kasalukuyan, may mga pari na itinuturing na mga nabibilang sa pangkat secular tagapagmana ni mahahalagang o diocesan at San Pedro diocese na kung Apostol, ang tawagin at archdiocese at
unang Obispo nagbitiw sa pinamumunuan mga pari na ng Rome. tungkulin o ito ng arsobispo. di kaya ay regular o Mula pa noong namatay. ika-11 siglo, ang Ayon sa mayroong bawat Papa ay Third inihahalal Council of orden na panghabambuh the Lateran ay ng College of (1179), kinabibilangan. Cardinals. kinakailang an na mayroong 2/3 na boto ang makuha sa isang cardinal sa Papal Conclave para siya ay maging Pope. Nananahan sa katdral ang isang Obispo o arsobispo dahil nagmula ito sa salitang cathedra na nangangahuluga ng “trono”. Gumagawa sila ng mga tagubilin o apostolic letter sa kanilang nasasakupan at nagoordina sila ng mga bagong pari. MGA PAMPROSESONG TANONG: 1. Ano-ano ang salik na nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Kapapahan? 2. Paano pinalawak ng Simbahang Katoliko ang Kristyanismo sa Europa? 3. Paano mo mapapangalagaan at mapapalaganap ang relihiyon o paniniwala na kinagisnan?
E. Ang mga Krusada Ang krusada ay isang ekspedisyong military na inilunsad ng Kristyanong Europeo dahil sa panawagan ni Papa Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim na ito ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Roma lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fref” mula sa lupa na kanilang masakop. Ang salitang crusade ay nagmula sa salitang Latin na “crux”na nangangahulugang “cross”, ibig sabihin ang mga Krusdador ay nagtataglay ng simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan. Sa kabuuan mayroong siyam (9) na krusda ang nailunsad mula 1095-1291. MGA PANGUNAHING KRUSADA MGA MALILIIT NA KRUSADA Unang Krusada (1095-1099) Krusada ng mga Bata (1212) Ikalawang Krusada (1147-1149) Ikalimang Krusada (1217-1221) Ikatlong Krusada (1189-1192) Ikaanim na Krusada (1228-1229) Ikaapat na Krusada (1202-1204) Ikapitong Krusada (1248-1250) Ikawalong Krusada (1270-1291) Unang Krusada Ang unang krusada ay binuo ng mga 3000 na kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Frances na nabibilang sa “nobility”. Matagumapy na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim. Ikalawang Krusada Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng Pransya at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang grupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus. Ikatlong Krusada: Krusada ng mga Hari Ito na marahil ang pinaka mahalagang Krusada dahil; tatlong Hari ng Europa ang nanguna ditto: Frederick Barbossa ng Germany; Richard I ng England and Philip Augustus ng France. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europa ay nalunod nsi Ferdirick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang
tumigil ng labanan sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin. Krusada ng mga Bata Noong 1212 isang labing dalawang taong Frances na ang pangalan ay Stephen ay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata ang sumunod sa kanya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria. Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na krusada na inulunsad noong 1202 ay nagging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kya sila ay dineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Contantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng krusada. Iba pang Krusada Nakaroon ng ibang krusada noong 1219, 1228, 1224 ngunit lahat ng mga ito ay nagging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuhan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain. Resulta ng Krusada Kung mayroon mang magandang naidulot ang krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristyano ay napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang nagging dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal. SENTRONG GAWAIN Matapon ang inyong pag-aaral sa mga paksa patungkol sa mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon, gawin ang mga sentrong gawain na nakatala.
GAWAIN 1 : TIMELINE Kayo ay papangkatin upang maisagawa and gawain na ito. Kasama ang inyong mga kasapi, gumawa ng isang timeline na magpapakita ng mga naganap na Krusada sa gitnang panahon. Iguhit o di kaya ay gawan ito ng isang digital illustration na magpapakita ng mahahalang kontribusyon o mga importanteng pangyayari sa magsasagawa ng tinatalakay na krusada. 5 4 3 2 Nilalaman Kompleto at wasto ang Wasto ang mga detalye May ilang detalye na Maraming kakulangan Presentasyon sa mga talata. Wastong Baybay at Bantas lahat ng detalye na na nakasaad sa mga hindi dapat isama sa Walang katuturan ang nakasaad sa mga talata. talata talata. nilalaman. Organisado at sinuring Maayos ang Hindi gaanong Hindi wasto ang baybay at mga bantas. mabuti ang pagkakalahad ng mga nauunawan ang pagkakasunodsunod ng detalye. nilalaman. mga ideya o kaisipan Tama ang Tama ang baybay ngunit Tama ang mga bantas may ilan na hindi ngunit may ilang mali sa pagkakabaybay at nagamit ng wasto ang mga baybay. bantas. paggamit ng mga bantas GAWAIN 2 : PAGSULAT NG SANAYSAY Sa inyong palagay, magiging mabuti ba kung ating ibabalik ang mga kaisipang pyudalismo at manoryalismo sa ating kasalukuyang panahon? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ __________________________________________________________________
5 4 3 2 Nilalaman Kompleto at wasto ang Wasto ang mga detalye May ilang detalye na Maraming kakulangan Presentasyon sa mga talata. Wastong Baybay at Bantas lahat ng detalye na na nakasaad sa mga hindi dapat isama sa Walang katuturan ang nakasaad sa mga talata. talata talata. nilalaman. Organisado at sinuring Maayos ang Hindi gaanong Hindi wasto ang baybay at mga bantas. mabuti ang pagkakalahad ng mga nauunawan ang pagkakasunodsunod ng detalye. nilalaman. mga ideya o kaisipan Tama ang Tama ang baybay ngunit Tama ang mga bantas may ilan na hindi ngunit may ilang mali sa pagkakabaybay at nagamit ng wasto ang mga baybay. bantas. paggamit ng mga bantas GAWAIN 3 : KOMPLETUHIN ANG TSART Punan ang chart ng hinihinging impormasyon ayon sa natutuhan mo sa mga binasang teksto. Gawin ito sa sagutang papel. Konsepto o kaalaman na aking natutuhan tungkol sa paglakas ng Simbahang Katoliko 31 2 3 Konsepto o kaalaman na hindi ko gaanong naunawaan tungkol sa 2 Manoryalismo at Piyudalismo 1 2 1 Tanong na nais ko pang bigyang linaw tungkol sa Papacy 1
Department of Education . (1995 ). Sistemang Piyudal Sa Gitnang Panahon - Modyul 9 . Pasig City : Bureau of Secondary Education Project EASE . Department of Education . (1995). Ang Simbahang Katoliko : Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon - Modyul 8 . Pasig City : Bureau of Secondary Education Project EASE. Department of Education . (2021, December 03). Pivot Learner's Material : IIkawalong Baitang. CALABARZON . Resullar, M. J., & Pactorayan, E. B. (2020). Alternative Delivery Mode - Self- Learning Modules - Ikalawang Markahan - Modyul 5 : Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon . Butuan City : Kagawaran ng Edukasyon - CARAGA Region. Spielvogel, J. J. (2007). World History. Columbus, Ohio , United States: McGrawHill Glencoe. Retrieved November 21, 2021 For inquiries or feedback, please write or call: Sid Anthony Paolo R. Verdan 87 Rizal Blvd. Brgy. 6, San Pedro I, Bacarra, Ilocos Norte Telephone: 09217200034 / 077-670-7639 E-mail Address: [email protected]
Search
Read the Text Version
- 1 - 24
Pages: