LUMBAN SENIOR HIGH SCHOOL PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Gawain Bilang 1: iBILIB! Kapag pinaghalo ang suka at baking soda, magkakaroon ng reaksyon ang dalawa at maglalabas ng carbon dioxide (CO2) gas bilang produkto ng reaksiyon. Ang CO2 na nalikha ay maaaring magdulot ng mga bula na epekto sa halu-halong likido.
Layunin: Mapalaki ang sukat ng lobo sa pamamagitan ng carbon dioxide gas. Mga kagamitan: 1/2 Baso ng suka 1 Kutsara ng baking soda Bote Lobo
Hakbang: 1. Ihanda ang mga kagamitan na suka, baking soda, bote, at lobo. 2. Sa isang lalagyan, ilagay ang dalawang kutsara ng baking soda. 3. Kasunod nito, ihalo ang limang kutsara ng suka sa lalagyan. 4. Pagkatapos, dali-daling ipantakip ang butas ng lobo sa bote. 5. Hintayin na magkaroon ng reaksyon sa loob ng bote at tignan kung ano ang mangyayari sa lobo
Search
Read the Text Version
- 1 - 4
Pages: