Wikang Filipino Na-aalala niyo pa ba ang hinuha Ng bayani ng mga dukha ‘Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda’ Ating mahalin ang sariling wika Ito ay sandigan ng ating bansa Ipagbunyi natin at huwag ikahiya Nagdadala ito ng dangal at ligaya Muli nating tandaan ang dala nitong saya Hindi ito maiaalis sa puso ng bawat isa Ito’y nakatatak na at nagbibigay halaga Na tayo ay Pilipino at hindi basta-basta - Sophia Nicole T, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Panalangin Ano ang nangyayari na ito? Nagkakagulo ang mundo. Kailan kaya ito matatapos? Problema ng COVID-19 di maubos. Bawal lumabas. Kailang naka-mask. Maghugas ng kamay. Manatili sa bahay. Lahat ay dapat gawin. Lalo na ang manalangin. Sa Diyos na maawain. Para tayo ay dinggin. - Alysse Gabrielle E, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Wikang Filipino Ang wikang Filipino Gamit ng mga tao Sa ating bansa’t sa iyo Kahit saan dumadayo Nagkakaintindihan tayo Mahalagang gamit ito Ikaw, ako sama- sama tayo Mahalin at igalang ito Sa lahat ng oras ninyo Kaya’t ipagdiwang ang Wikang Filipino - Elisha Joy A, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Pamilya Ang pagmamahal sa pamilya Ay siyang tungkulin Magulang ‘man o anak Ay sa pag-ibig inimulat Ang pagmamahal sa pamilya Ay mga kalakip sa biyaya Pagpapalain ng Diyos Ang pamumuhay ay payapa Sila’y nagpapaningning ng aking buhay Sa araw-araw nagbibigay ng kulay Sa buhay ko na ito, sila ang gabay Sila ay mga tala sa aking buhay - Unni Ysabelle T, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Ang Wikang Filipino Ang wikang Filipino ang aking wika Ang siyang katinabayan ng malayang bansa Hindi lamang ginagamit sa pakikisalamuha Kundi siya ring nagpapakilala ng kultura ng bansa Ang ideya at damdamin ay naipapahayag Pati na rin saloobin ay naibubunyag Siyang nagsisilbing sandata ng bayan At tinig na ating sandalan Ang pagkakaroon ng sariling wika Ay pagpapahiwatig na ako ay malaya Saan mang panig ng aking bansa Wikang Filipino ang siyang aking wika. - Samuel Knowel C, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Ang Aking Inay Simula noong ako’y isinilang, ang aking inay ang bantay Sa aking laging katabi na di ko pa masabi Inay na aking buhay! Na nagbibigay malay Dinggin mo sana ang aking dasal, na sana’y nandito na ang aking inay Nalayo sya para kami ma buhay, na di akalain na may matamlay Hinahanap lagi namin si inay para pasalamatan at bigyan pugay Sa lahat ng ibinibigay nyang kabutihan Para kami panagaralan at pidama ang kanyang pag mamahal Ganyan si inay sa amin! Nawalay na dati’y taon-taon nauwi sa amin bahay Pero dahil sa pandemya, hanap-hanap ka namin inay Di makauwi dahil wala masakyan Hindi lang yan, dahil sa hirap ng buhay Ang aking inay na amin buhay! Kami’y umaasa namatapos na itong hanay Ng sakit na sana ay mawalay, sa mundo’y maging matubay Labanan na tayong lahat Makita ulit at makauwi Ang aking inay - Ma. Lian Ysabelle P, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Mabuhay ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon Ako ay Pilipino sa makabagong panahon. Batang Gen Z ang tawag sa amin. Ano nga ba ang dapat natin tangkilikin? Wikang banyaga o wikang Filipino? Sa panahon namin tila nakalimutan na ang paggamit ng sariling wika. Wikang banyaga ang nakasanayang gamitin. Dahil sa impluwensya ng modernong panahon at teknolohiya. Nangangapa sa mga matatalinghagang salitang Filipino. Bilang isang parte ng makabagong henerasyon, Aralin at ipagmalaki natin ang ating wikang pambansa. Mahalin natin ito at tangkilikin. Upang tagumpay ng bukas ay ating makamtam. . Magkakaiba man ang mga wikang katutubo Sa wikang Filipino pa rin tayo magkakaisa. Ito ang magbubuklod sa ating mga Pilipino. Mabuhay ang wikang Filipino sa makabagong panahon. - Zymon Natha niel A. Grade 4 Lorenzo Ruiz de Manila School Twinkl.com.ph
Filipino at mga Katutubong Wika Sadyang hitik sa yaman ng wika, ang ating bansang Pilipinas, Tagalog, Kapampangan, Ilokano, Ibanag, Pangalato, at Bicolano ng Luzon, Cebuano, Bisaya, Ilonggo, Hiligaynon, at Waray sa Visayas Maranao, Tausug, at Chavacano sa Mindanao mayroon Filipino at mga Katutubong wika, makulay bawat rehiyon. Nakikilala ang lahi sa salitang pinagmulan, Sa wika at kulturang sininop at pinagyaman, Ikaw at ako ay ganap na magkakaintindihan Iba’t – iba man ang katutubong wikang gamit Pagtanggap at pagkakaisa ating makakamit Ating bigyang halaga, wikang pinagmulan, Ipagmalaki, pagyamanin, at dapat pag-ingatan Dahil ito ay susi sa ating pagkakakilanlan At sa lubos nating pagkakaintindihan, Filipino at mga Katutubong wika, susi sa higit nating kaunlaran. - Matthew Dominick SP, Grade 4, Lorenzo Ruiz de Manila School Twinkl.com.ph
Pilipino at mga Katutubong Wika Ako ay Pilipino, Filipino ang wika ko, Ilocano ang aking ama at illongga naman ang aking ina, Wika man ay iba’t iba, bansa naman nati’y pinag isa, Bayan kong sinisinta, pambansang awit kinakanta. Musmos man ang aking kaisipan, malalim naman ang aking pinagmulan, Mga magulang ko ako’y tinuruan ibat ibang wikang pinagmulan. Magandang umaga sa Tagalog,Naimbag na aldaw sa ilocano, maayong adlaw naman sa ilonggo, Yan ang aking ilan sa natutunan. Bakit mahalaga ating sariling wika? Sapagkat ito ang nagsisilbing kaluluwa ng bansa Ang siyang nagbubuklod sa ating puso at diwa Sa Luzon man, Mindanao at maging sa Visayas. Wikang katutubo ay pagyamanin Sa pagsasalita ay nararapat gamitin Kung ang ibang lahi ay pinipilit itong aralin Hindi ba dapat na tayo ay gayundin? - Aira Celestyn G, Grade 5 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Aking Ambag Aking ikinagagalak buwan ng Agosto. Buwan ng kasiyahan at kasarinlan. Subalit sa mga kaganapan, Ako’y nalulungkot sa aking napagmamasdan. Ang dapat ipagdiwang ng sama-sama , Ngayo’y napalitan ng pansamantalang hiwalayan. Ako’y naniniwala na darating ang araw Tayo’y manunumbalik sa dating nakaraan Pananatili sa bakuran ang aking ambag. Ambag sa lipunan para sa kalahatan. Aking pinapangarap ang makitang muli ang lahat. Lahat kung saan ang simula at wakas. - Reynaldo E. Jr., Grade 5 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Ang Aking Paaralan Ang aking paaralan ay mahusay, Maganda at dalisay. Dito ako nahubog ng kaalaman, Karunungan at kasipagan. Sa aking paaralan, Mga gurong mababait at matulungin. Hiling nila na kami ay makinig, misan masungit pero ramdam ko na mahal nila kami. Sa paaralan marami akong naging kaibigan, Masayang kwentuhan at tawanan. Tuwing-uwian hindi mawawala ang kulitan, Ganyan ang aking mga kaibigan. Sa paaralan ay puno ng kulay at istorya, Mula sa mga guro at kaibigan. Mga ala-ala na masarap balikan, Ito ang aking paaralan. Salamat po! - Josh Brent S, Grade 5 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Wikang Filipino Wika na ating nakagisnan Marapat na lagging pahalagahan Huwag palulupig sa mga dayuhan Upang pagkakaisa ay matamasa Ito ang kinalakihan, Unang binigkas ng karamihan Kung sino ka ngayon, Katumbas ng ating nakaraan Atin nang wag kakalimutan Bayang pinagmulan Sapagkat ito ang bumubuo Sa ating buong pagkatao - Louise Andrea H, Grade 5 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Alab ng Pag-asa Madaming nagsasabi, “Kultura’y mahalin.” Ngunit ang daming di kayang tanggapin. Parang palito na basa, pagliyab nito’y wala. Ang alab ng pag-asa ay dinala. Mga pinaghirapan ng mga ninuno, para saan? Kung ang mga wikang katutubo ay di na mauunawaan. Libo-libong nobelang di binabasa, Saan na kaya patungo ang ating bansa? Wikang noo’y ipinaglaban, Dugo’t pawis ibinuhos para sa kalayaan. Ngunit ngayon, di na nga alam ang pagbigkas Iba’t ibang dayalekto, maririnig pa ba bukas? Pilipinas, perlas ng silangan, Ang iyong wika’y nasa kulungan Sa kulungan, kasama ang ating kultura. Ang pagmamahal sa wika ng kabataan, sana’y di mabura. “Wikang katutubo ay isapuso!” “Wika’y gamitin laban sa abuso!” “Wika ng bayan, wag ipagpalit!” Ngunit, bakit kaya wika’y di na naririnig na ginagamit? - Yasumi Sapphire V, Grade 5 Multiple Intelligence International School Twinkl.com.ph
Bansa at Wika Ako’y isang Pilipino sa puso at diwa ko Pilipinas ang bansang sinilanganan ko Bansang Malaya at tanyag saanmang dako Bansang sagana sa likas na yaman Tunay na pinagpala sa kagandahan At may mga pook na kaayang-ayang tirahan Mga mamamayan ay may talino Sipag at tapat na totoo Kung kaya’t kilala sa buong mundo Maraming katutubong wikang ginagamit Kahit saang panig ng mundo Subali’t iisa parin Wika-Pilipino Sa puso at isipan ng mga kalahi ko Wikang Pilipino dangal ng bansang ito Pambansang Wika, Wikang Pilipino - Daynne Mhaire L, Grade 5 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Katutubong Wika: Pahalagahan at Pagyamanin Sa ating bansang sinilangan, wika ay dapat pahalagahan. Dahil ito ay isang tulay ng pagkakaisa ng bawat mamamayan. Tagalog, Ilokano,Cebuano at Ilonggo ay isa lamang rito. Magkakaibang salita na dapat i respeto. Ang wika ay, minana pa natin sa ating mga ninuno. Kaya’t nating pag-pahalagahan at mahalin ang wika natin. Wika natin ay ating mahalin, Sapagkat ito ay ang ating tungkulin. Wika ay importante bakit nga ba? Ang wika ay ang tumutulong sa atin para magkaintindihan at magkaisa. - Louise Grace C, Grace 5 San Sebastian College Recoletos Manila Twinkl.com.ph
Wika Ko, Mahal Ko Ang ating bayan, Pilipinas kong mahal Tunay na pinagpala ng Poong Maykapal Sa likas na yaman, mga taong marangal At higit sa lahat wikang orihinal. Wika natin sadyang kakaiba din Mula sa ating mga ninuno ating naangkin Saan mang lugar dito ang iyong tahakin Iba’t ibang wika kay sarap dinggin. Tagalog, Kapampangan, Ilocano Nandiyan din ang Pangasinense at Bicolano. Huwag kalimutan ang Waray at Cebuano At ang napakalambing na Ilonggo. Iba’t iba man ang ating mga salita Ngunit tayo ay ibinuklod ng iisang wika Wikang Filipino na napakaganda Sagisag ng ating pagkakaisa. - Ralph Andre P, Grade 5 Saint Theresa’s College of Cebu Twinkl.com.ph
Wikang Filipino Payabungin Madalas natin naririnig ang salitang Annyeong, Oppa, Saranghaeyo ngayon sa ating mga kabataan Marami tayong naririnig na mga sonata na ang mga lengguwahe ay Korean Oh di kaya mga salitang galing sa mga sikat na palabas sa Taiwan Nakalimutan na ba ang sariling atin? Wikang kay ganda, nandito pa ba? Wikang nag iisa, buhay pa ba? Wikang Filipino, buo pa ba? maipapasa pa ba o nakalimutan na? Wikang kay tagal na Kailan ulit ito madadama Wikang kwestyonable sa madla Wikang mailalahad sa lahat ng diwa inilahad ito ni Bathala maipapasa pa ba? O di na kita ng susunod na mga bata Maayos pa ba ang wikang nagpalaya sa ating bansa Bansang kulang sa aruga Kung saan dapat ang wika ay malaya Mahalin ang ating sariling wika Huwag natin kalimutan ang ating isa at natatanging wika Payabungin at Paunlarin ang Filipino na wika Gawin natin ito upang hindi ito tuluyang mawala - Tiarra Nina C, Grade 5 Saint Theresa’s College of Cebu Twinkl.com.ph
Filipino at mga Katutubong Wika Ang Filipinong wika, Wikang puso at kaluluwa Pilipinas, isang katutubong wika Saan ka nagmula? Sari- saring wikang katutubo Pamana ng ating mga ninuno Iba’t ibang uri ng tribo Iisang pagkatao. Nag-iwan ng gintong kaisipan Damdaming naging haligi ng ating katalinuhan Sumibol at umani ng maraming hamon Upang mapanatili hanggang ngayon. Wikang katutubo, ating ingatan Huwag sana nating kalimutan Sa mundong ating ginagalawan Sapagkat, dito nakabatay ang pag-unlad ng ating bayan. - Margaux Lianne J, Grade 5 Saint Theresa's College of Cebu Twinkl.com.ph
Wikang ng lahing Pilipino Kay dami nang mga bansang dumaan Malawak man ang pinagmulan Dumaan man ang mga panahon Iisang wika parin lahat tayo ay umaayon Wikang Filipino, yan ang wika ng bansa ko Libo-libong isla man ang bumubuo Mga Pilipino, saan man sa mundo Siguradong lahat ay konektado Mga wikang katutubong, kay sarap pakinggan Nagmula pa ito sa malawak na kasaysayan Mga ninunong pinagmulan Dapat natin ay parangalan Kaya kabayan, huwag kang mamaluktot Hindi dapat tayo ay makalimot Ating pagyamanin, halina’t payabungin Ang iisang wika ng lahing Pilipino - Dwayne Vincent K, Grade 6 San Sebastian College Recoletos Manila Twinkl.com.ph
Wika kong minamahal Ako’y isang Pinoy, Pilipino na agad mong matutukoy Maraming mga wikang makikita, Araw- araw ay sinasalita Mga halimbawa nito ay Tagalog at Ilocano Mayroon ding Kapampangan at Bicolano Wikang ating kinagisnan, Kahalagahan nito’y walang hangganan, Sa paglipas ng panahon, makakakita ka ng kasaganahan, Sa wikang nagtataglay ng kagandahan. - Zayne A, Grade 6 San Sebastian College Recoletos Manila Twinkl.com.ph
Filipino at mga Katutubong Wika Sabi ni Jose Rizal “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, masahol pa sa hayop o malansang isda” Ang kahalagahan ng wika sa bayan ay laging tandaan, Mananatili ito sa ating puso at isipan At huwag itong ikahiya maging kanino man Dahil ito ay yaman hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ang mga bayani ay nag buwis ng buhay para ipaglaban ang ating kalayaan Sila ay lumaban para makamtan ang ating kalayaan Upang ipagpatuloy ang ating pamumuhay, Kaya tangkilin ang sariling atin Wikang Pilipino hindi dapat kalimutan. Mahalaga ang pagbigkas ng katutubong wika sa ating tahanan Dahil ito’y makakatulong sa pagpanatili ng pakikipag-usap sa ating mga magulang. Dahil ang batang gumamit ng katutubong wika Sila ay matututo at magkakaroon ng dagdag sa kanilang kaalaman. - Bianca Reese E, Grade 6 San Sebastian College Recoletos Manila Twinkl.com.ph
Ating Katutubong Wika, Ang Ating Pagkakakilanlan Ang ating katutubong wika ang siyang nagpapalakas ng ating pagkakakilanlan sa ating kultura at ugnayan sa ating kapwa. Ang pagpapanatili ng ating unang wika ay kritikal sa ating pagka Pilipino at itoy nagbibigay ng positibong konsepto sa ating mga sarili. Panatilihin nating buhay ang ating katutubong wika dahil ito ang nagtuturo sa atin at sa mga susunod na henerasyon na ipagmalaki ang ating kultura at ugat. Tayo’y dapat eksperto sa paggamit ng ating sariling wika para malinaw ang ating komunikasyon sa ating kapwa at sa ganitong paraan natin masigurado ang pagpapatuloy ng lahing Pilipino. Nasa ating palad ang kapangyarihan na ipagpatuloy ang ating wika, kultura at lahi; Mahalin ang ating katutubong wika at ating bansang Pilipinas. Ang ating katutubong wika ay ang ating pagkakakilanlan. -Akira H, Grade 6 San Sebastian College Recoletos Manila Twinkl.com.ph
Wika at Dialekto ng Mga Pilipino Ako ay batang Pilipino, Pagmamahal sa bayan isinasapuso, Bunga ng kaalaman sadyang natatamo, Dulot ng wika kailan ma’y di mapapaso. Pagkat ang bansa’y sadyang watak-watak na pulo, Diakletong iba-iba angkin ng Pilipino, Sari-saring lengguwahe tulad ng Tagalog, Cebuano, Waray, Pangasinense, Ilan lang sa binibigkas na dialektong importante. Bagamat magkakaiba kumunikasyon sadyang natatamo, Mayroong wikang pangkalahatan nagbubuklod ng mga tao, Wikang pambansa na ginugunita tuwing Agosto Minamahal kong wikang Filipino. Kahalagahan na wika’t dialekto’y nagbabaga, Sa bansang itong hitik sa edukasyon at kultura, Sapagkat ito’y karugtong ng kaalaman at panguunawa, Maging sa paglalakbay, pagnenegosyo, pagaaral at pagiging manggagawa. Samakatuwid, bilang magaaral ay lubos kong napagtanto, Kahalagahan ng pambansang wika at mga dialektong ito, Marapat isaisip, bigkasin at isapuso, Nang Wikang Filipino matutunan ng wasto upang bansa’y patuloy na umasenso. - Tatiana Brielle M, Grade 6 San Sebastian College Recoletos Manila Twinkl.com.ph
Wika’y Kapayapaan Boses ng Kinabukasan Pilipinas, ang lupa kong kinagisnan Ang kagandahan mo ay mula’t ng aking kaalaman Wika mo ay gabay ng sangkatauhan Nagbibigay liwanag sa iba’t ibang kabihasnan Inang Bayan, ang diwa mo’y aking kaligayahan Iba’t ibang salita ng iyong sinasakupan Nagdudulot ng angking katiwasayan Lakas ng salita ay huni ng kadakilaan Pilipino ako sa puso’t isipan Ang wika ko’y taglay kong kayamanan Ipapamalas at ipaparanas ng buong katapatan Sa mga kabataan, pag-asa ng ating bayan Ang Diyos, ang gabay ng kapayapaan Mga salita niya ay angking kalakasan Kaya mga kabataan magsumikap at payamanin Ang wika mo’y kototohanan patungo sa kinabukasan. - Gilliagne T, Grade 6 Saint Theresa’s College of Cebu Twinkl.com.ph
Saysay ng Wika Buwan ng Wika ang Agosto, Nabibigyan nga ba ng saysay ang wika? Ang pagpapahalaga nito, Paano nga ba? Una’y wag natin ikahiya, Ang wika’y napakahalaga, Simbolo ito ng pagkatangi natin sa iba, Ito’y yaman ng ating kultura. Nawa’y mamulat sana ang ating mga mata, Tayo’y nagiging pabaya, Apat na sa ating wika’y Nawala, Hahayaan ba natin ito tuluyang lumaho na? Matagal naman na tayo Malaya, Ngunit tila’y dait pa nating nakakolonya, Mula sa mga mananakop na banyaga, Sapagkat wikang banyaga ating mas sinasalita. Kaya katutubong wika’y muling alalahanin Sariling wika ay ating irogin, Maraming wika at dialekto ang bansa natin, Kaya sana ito’y mapanatiliin at palaganapin. - Melvine Joy P, Grade 10 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph
Natatanging Yaman ng Pilipino Isang daan at walumpû’t pitó,bilang ng wika at dayalekto. 'Yan ang natatanging yaman nating mga Pilipino. Tagalog, Cebuano, Ilocano, Ilonggo, hindi pa rito natatapos ang listahang ito. Iba’t ibang dayalekto, sa iba’t ibang lugar Kay raming salita na di mo magaya Tila isang dayuhan sa sariling wika Mga salitang kakaiba di mawari ang kahulugan. Wika natin ang tunay na yaman, kahit may mga salitang hiniram mula sa dayuhan Ngunit bakit ang kabataan ngayon, Walang alam sa ating nakaraan? Ni magsalita ng wikang atin di magawa nang lubusan Nasan na ang ating pagiging makata? Mamamayan na bihasa sa pananalitang makaluma? Ngayong pagdiriwang sa wika lamang nakikita. Kaya't sabihin mo nga sa akin, kung hindi ka marunong sa ating wika’t pananalita; tunay bang taga rito ka? Tunay na ating yaman, ang pagmamahal sa ating wika. Hindi lang ngayong buwan sana’y araw-araw pa man. Ibalik natin ang ugaling lumingon sa kanyang nakaraan Upang makapunta sa kanilang kinalalagyan. - Crixthelyn F, Grade 10 Multiple Intelligence International School Twinkl.com.ph
Nasa Tao Ang Gawa, Nasa Diyos Ang Awa 7,640 isla, tatlong rehiyon, napaliligiran ng karagatan Luzon, Visayas, Mindanao; iba’t ibang wika Isang regalong ibinigay ng Diyos Isang biyayang ipinagkaloob ng lubos. At habang tumatakbo ang oras Ilang segundong dumugo’t nakalipas Mga wikang matitibay tulad ng kastilyong malalaki Mga salita; musika sa tenga kapag sinasabi Pangungusap, kasing tayog ng mga katedral Mga 5, 7 o 10 tiklop ng karangalan. Wika, sandigan ng ating kultura Katauhan ng ating bansa at dahilan ng pagkakaiba Ang marikit na ganda nito’y nakakubli Di makita ang kanyang ganda Kahit sulyap ay di magawa, ito’y mananatiling mahiwaga. Nais kong marinig ang ating wika muli Ang wikang Tagalog na ating pinuslit Ingles ang ginawang wikang kapalit Binaliwala at nakalimutan nang mabilis Tandaan mo lagi na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa - Maureen T, Grade 10 Multiple Intelligence International School Twinkl.com.ph
Filipino at mga Katutubong Wika Ang Filipinong wika Sadyang nakakamangha, nakakamangha ang mga salita. Ang wikang katutubo, Ay mula sa ating ninuno Unti- unting nag ba-bago, Ngunit ito parin ay aktibo. Ating ipag mamalaki ang wikang Filipino, At 'wag natin itong kalimotan Kahit na pa unti-unting nag babago, Dahil sa ibang wikang pinag aralan. Ang filipinong buhay Ay palaging sumasabay, Sumasabay sa mataas na alon Ng makabagong panahon. - Clarisse N, Grade 10 St. Rita's College of Balingasag Twinkl.com.ph
Guni-guni Nararapat na tangkilikin palagi ang diyalekto at wika ng lugar na pinanggalingan mo, Iyan ang malaking pagkakamali at madalas malimot ng ilang Pilipino. Kaya naman, walang masama sa hindi pag-aaral sa lenggwahe ng ating tahanan. Ayos lamang na puro Ingles ang ituro sa mga kabataan. Ako’y nakakahiya kung aking ipangangalandakan na, “Alam ko at inaral ko ang pagsulat ng alibata, at ipinagmamalaki ko ang pananalita ng Kapampangan.” Dahil ito ay purong kasalinungalingan lamang at hindi kaaya-ayang pakinggan. Sana’y huwag mong paniwalaan ang aking mga sinasabi, Sapagkat hindi ko na iginagalang ang wika o kultura natin, Sa panahon ngayon, ito ay wala nang saysay, hindi na dapat tangkilikin pa. Ang wikang katutubo na nararapat na mahalin. Sinungaling ako kung aking sasabihing, Mahal ko ang bayan at ang wikang kapiling, Ang wikang nagbigay sakin ng bagwis upang makalaya, Ito ang kayamanan na inaalala at pinapangalagaan hanggang sa huling guni-guni at pagpikit. Basahin ng pabaliktad upang malaman ang katotohanan. - Jhaezell T, Grade 10 St. Mary’s Academy of Guagua Twinkl.com.ph
Filipino at mga Katutubong Wika Ilang beses nang naalipin ng mga dayuhan At ilang beses na rin tayong natapak-tapakan Ilang beses nang napagtangkaang makalimutan Ngunit pagka Pilipino'y nakatatak sa puso't isipan At wikang Filipino'y simbolo ng pagkakakilanlan Ako ay Pilipino Pilipinong may dangal at katapatan Ako ay Pilipino Pilipino sa gawa at sa isipan Iniidolo ko ang ating mga bayani Mga bayaning nilaban ang kalayaan Para lumaya, sa bansa'y naging kawani Bayaning lumaban sa libro at sandatahan Hindi ko sinasabing ako ay makikipag digmaan Ngunit pangako'y mananatili ang aking katapatan Kahit saan man magpunta ay bitbit ko ang ating wika Asahan mong ako ay Pilipino sa isip at gawa Eli Matthew L, Grade 10 St. Rita’s College of Balingasag Twinkl.com.ph
Wikang Atin Filipino ang pambansang wika nating mga Pilipino Ngunit bakit kokonti lamang ang mga gumagamit nito? Palibhasa sa ibang wika sila’y na-engganyo’t natuto Kaya kinalimutan na ang wikang sa atin ay bumuo. Ilocano, Tagalog, Waray-Waray, Bicolano’t Cebuano, Iilan sa mga wikang dapat ipagmalaki ng husto; Sa dinami-dami ba naman natin na mga Pilipino, Tayo’y nagkakabuklod-buklod pa rin dahil sa mga ito. Huwag nating pabayaan na makalimutan at palitan, Mga wika nating noon ay minsan na ring ipinaglaban Sapagkat ang mga ito’y hindi kailanman mapapantayan Ng kahit na anong wika’t dialekto ng mga dayuhan. Pahalagahan at pagyamanin, palawakin at gamitin, Filipino’t katutubong wikang mayroon ang bansa natin Dahil sa bawat pagkakataong gamit mo ang wikang atin, Pinagmamalaki mo ang ganda ng kulturang ating angkin. - Gwyneth Mave O, Grade 10 St. Rita’s College of Balingasag Twinkl.com.ph
Balikhaan Sa bawat lugar na pinanggalingan ng bawat isa, Iba’t ibang diyalekto ang nalikha, Naipasalin salin kagaya ng isang kuwento, Ngunit, hindi na nadugtungan ito. Ang inaakala sana’y hindi totoo, Na kinalimutan na ang yakap ng wikang kinilala mo. Ang nais ko ay mapasa ito tulad ng isang makahulugang apelyido, Hanggang dulo ay pinapahalagahan at nakadikit sa pagkatao mo. Hindi masama ang pagtingin sa iba, Ngunit hindi ba higit na kaaya-aya ang unahin mo ang wikang kinalakihan mo? Ang gusto ko lamang ay ang magamit sa araw-araw, Hindi maging isang maalikabok na libro na sinukuan na ng panahon. Sa buwang ito ng Agosto, muli nating kilalanin ang isat’isa, Ipapaalalang muli ang init ng pagtanggap sa bawat salita, Itatratong ginto na hindi kailangang itago. Isa akong wikang katutubo na minsan ng minahal ng mga ninuno, At naghahangad muli ng pagtanggap sa panibagong mundo. Ikaw ay isang Pilipino, ako naman ang wika, Ibibigay ang lahat ng pagkakataon, buong puso ka pa rin tatanggapin, Hindi ka na hahayaang makalimot pa sa ating balikhaan. - Francheska E & Jhaezell T, Grade 10, St. Mary’s Academy of Guagua Twinkl.com.ph
Search
Read the Text Version
- 1 - 34
Pages: