Learning Competency: -Magamit ang mga salitang nagsasabi ng ibat-ibang bahagi ng aklat. -Mabasa ang mga salitang angkop sa unang baitang.
S i Mimi ay isang batang itik. Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang magka- roon ng paborito niyang aklat ng mga kuwentong pambata.
Mahilig siyang magbasa. Sa tuwing may libreng oras siya pagkatapos paliguan ang mga kapatid niyang mga itik ay pumupunta siya sa aklatan na malapit sa may sapa upang doon makibasa ng iba’t-ibang magagandang kuwentong pambata.
Bago matulog ay nagdarasal siya sa mahal na Birheng Immaculada na sana’y magkaroon siya ng paborito niyang aklat upang hindi na siya pumunta sa silid-aklatan.
Sumapit ang araw ng kanyang kaarawan, isang malaking sorpresa ang kaniyang natanggap. Isang aklat na may iba’t ibang kuwentong pambata. Ito ang regalo mula sa kaniyang Ninang Bebe Bibe.
Labis ang tuwa ni Mimi sa handog sa kaniya ng kani- yang Ninang Bibe. Dahan- dahan niyang tinangal ang balot at bumungad sa kaniya ang napakagandang pabalat ng aklat. Napapalamutian ito ng mga disenyong bulaklak.
Binuksan ito ni Mimi at nakita niya ang pahina ng pamagat. “Mga Kuwentong Pambata” naritito rin ang pangalan ng may akda na si Ginang Nini Gansa. Siya ang paboritong manunulat ni Mimi.
Dahan-dahang binuksan ni Mimi ang sumunod na pahina. Ito ang paunang salita. Nakasulat dito ang mensahe ng may akda ng aklat. Tuwang-tuwang binasa ito ni Mimi na pakiwari niya ay kausap niya ang kanyang idolo.
Mabilis na binuksan ni Mimi ang pahina ng talaan ng nilalaman. Dito nakasulat ang mg pahina ng iba’t ibang mga kuwentong nasa loob ng aklat. Hindi mabilang bilang ni Mimi kung ilang kuwento mayroon ang aklat dahil sa sobrang dami nito.
At ang pinakamahalagang bahagi ng aklat ay ang katawan o nilalaman nito. Naririto ang kabuuang pahina at nilalaman ng aklat. Dito mababasa ni Mimi ang mga magagandang kuwentong nakasulat sa aklat.
Mula rito sumunod niyang bi- nuksan ay ang glosari na kung saan nakasulat ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa aklat.
At sa huling pahina ay ang pahina ng indeks kung saan makikita ang mga paksang nilalaman ng kuwento.
Labis ang pasasalamat ni Mimi sa handog sa kanya ng kaniyang Ninang Bebe Bibe. Nangako siya na iingatan niya ito at babasahin araw- araw.
Lumipas ang mga taon, malaki na si Mimi. Hindi na siya nagbabasa ng mga aklat dahi si Mimi ay naging sikat na manunulat ng mga kuwentong pambata sa buong itikan. Ngunit ang paborito pa rin niyang aklat ay ang aklat na bigay ng kanyang Ninang Bebe Bibe.
Mga Katanungan: 1. Ano ang pamagat ng kuwento? ________________________________ 2. Sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento? __________________________________ ______________________________ 3. Ano ang pangarap ni Mimi na magkaroon siya noong bata pa lamang? __________________________________ ______________________________ 4. Ano ang pinakamahalagang bahagi ng isang aklat? __________________________________ ______________________________ 5. Ano ang aral na natutunan mo sa kuwento? __________________________________ __________________________________
TUNGKOL SA MAY-AKDA AT ILUSTRADOR CARLO D. YAMBAO. Nagtapos ng Bachelor of Elementary Education sa Bulacan State University taong 2015. Kabilang sa mga Illustrator of Schools Division of Pampanga. Kasalukuyang nagtuturo sa Concepcion Integrated School at kumukuha ng Master of Arts in Educational Management sa Bulacan Agricultural State College.
Search
Read the Text Version
- 1 - 34
Pages: