Talaan ng Nilalaman Pages Pahina ng Titulo 1 Talaan ng Nilalaman 2-3 Abstrak 4-5 Ilustrayon 6-7 Panimula 8 Hipotesis 9 Pagpapakilala 10-16 Ilustrasyon 17 Mga Halimbawa 18-25 Mga Ilustrasyon 26-27 Diskusyon 28-33 Konklusyon 34-35 Sanggunian 36-39 Mga Miyembro 40-41
Abstrak Nasa kalikasan ng tao ang magsama-sama at bumuo ng isang samahan para sa isang partikular na layunin at gawain. Sinasabi na isa sa pinakamagandang pangyayari sa buhay ng tao ay ang pagkakaroon nila ng kaibigan o ang tinatawag nilang “barkada”. Madalas na maiugnay ang pagkakaroon ng barkada sa mga negatibong gawain tulad ng pagyoyosi, pag inom ng alcoholic drinks at hang-out o ang pagwalwal. Bagama’t may mga ganitong popular na pagtanaw at steryotipiko sa barkada, hindi pa rin maaalis ang katotohanang malaki ang tungkuling ginagampanan nito sa lipunan. Gayundin, para sa mga miyembro nito, ang pagwalwal ay isa lamang sa kanilang mga gawain na nagpapatatag ng kanilang relasyon. Walang istandard na pagpapakahulugan sa salitang walwal sa kasalukuyan. Bagama’t ang etimolohiya ng salita ay nangangahulugan ng pagsasawalang bahala sa mga mahahalagang bagay o ang pagpapakasaya sa inuman. May sari-sariling konsepto ng walwal at nag-iiba-iba ang pagpapakahulugang nito sa bawat indibidwal. Ang buklet na ito ay isa lamang sa mga naging pagtatangkang unawain ang penomenon ng walwal sa mga kabataan. Ito ay pagsusuri sa isang kapansin-pansin at popular nakaganapan sa mga kabataan, partikular na sa mga kabataang Pilipino. Layunin ng sulating ito na makapagbigay ng isang kongkretong pagsasalarawan kung ano ang walwal bilang isang pangkalinangang-tanawin sa lipunana’t kulturang Pilipino partikular na sa subkultura ng kabataan. Keywords: barkada, walwal, kapwa values
6
WNaiglwhatsl 7
panimulapanimula “Ano pre? Tara walwal, sama ka samin after class?” “Ano G?” Kung ikaw ay G at isang certified happy go lucky, marahil ay naranasan mo na ring magwalwal at magsaya na parang walang bukas na hindi isinasaalang-alang kung ano ang mga maaaring mangyari kinabukasan. Sa kasalukuyan, ang terminolohiyang “walwal” na isang Filipino slang ay kadalasang nadidinig sa mga tinedyer. Ito ay isang pandiwa na ginagamit panghalili sa mga akto ng pagsasaya, padiriwang at mga selebrasyon. Subalit bakit nga ba walwal? Ayon sa etimolohiya, ito ay bunga ng pagpapaikli ng pariralang ugat na “walang pakialam” na nangangahulugang pagsasawalang bahala, lalo’t higit sa mga mahahalagang bagay na dapat mas pagtuunan ng pansin. Di kalaunan, ang pinaikling bersyon ng pariralang “walang pakialam” ay nagkaroon ng turing bilang panibagong salita na talamak ngayon, ang terminolohiyang walwal. Madalas, ang slang na ito ay pumapatungkol sa konteksto ng paglalasing at pagsasaya ng mga kabataan na parang walang bukas. Ang pagwawalwal ay nagsisimula sa pamamagitan ng yayaan sa loob at labas ng isang pangkat hanggang matuloy sa isang umpukan kasabay ng pagtagay. Ito ay karaniwang kinasasangkutan ng isang barkada o grupo ng magkakaibigan kasama ang iba pang mga taong konektado sa kanila (friend of friends). Kapansin-pansin din ang paglaki ng bilang ng mga sangkot na tao sa ganitong uri ng umpukan sapagkat ang mga dumadaan ay nagiging kaisa sa walwalan. Sa kabilang dako, bagamat ang barkada ay kasama sa saya, ito rin ang isa sa mga impluwensya na nagiging dahilan ng pressure sa mga kabataan sa pagsubok ng mga bagay na hindi pa nila 8
nasusubukan gaya ng pagwawawalwal. Ayon sa tala ng Kagawaran ng Kalusugan noong 2015, 36.7% mula sa kabuuang populasyon ng mga Pilipinong kumukonsumo sa alak ay nasa edad 10-19 na karaniwang sanhi ng peer pressure. Kaugnay nito, ang usaping pagwawalwal ay sumalamin sa ilan sa mga kaugalian ng mga Pilipino kung kaya’t mainam na alamin ang pinagmulan ng konseptong ito. Sa katunayan, ang gawaing ito ay repleksyon ng mga tatak na kaugalian ng mga Pilipino kagaya ng “Bahala na” trait o pagpapaubaya ng kapalaran sa itaas. Gayundin ang pagiging hospitable o maluwalhating pagtanggap sa mga bisita ng mga Pilipino, isang indikasyon ng hindi pagtanggi ng mga kabataan sa alok o impluwensya ng barkada. Sa sulating ito ay tatalakayin kung paano nagmula ang konsepto ng pagwawalwal at kaugnayan sa Sikolohiyang Pilipino upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa mas malalim na pagkilala sa mga Pilipino. hipotesis 1. Ang terminong walwal ay hindi limitado sa kahulugang paglalasing. 2. Maraming Pilipino ang gumagamit ng salitang walwal kahit na hindi nila sigurado kung ano ang ibig sabihin nito 3. Mas malaki ang bahagi ng barkada sa pagwawalwal ng isang tao. 4. Mahirap umiwas sa pagwalwal dahil sa kultura ng mga Pilipino. 5. Ang kalusugan at iba pang aspeto ng isang taong labis ang pagwawalwal ay maaaring magkaroon ng komplikasyon o anumang problema. 9
pagpapakilala Maituturing na natural na sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng ugaling nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Ayon nga sa isang popular na quote na \"No man is an island\" na isinulat ni John Donne ay walang sinumang tao ang kayang mabuhay ng mag-isa dahil nilikha ang tao ng may kasama. Hindi lamang sa tahanan nakikita o nagaganap ang pakikipag-ugnayan. Kahit saan kang dako pumunta ay kapansin-pansin ang pag-uumpukan ng mga tao na tila hindi nauubusan ng paksang pag-uusapan. Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Rosero (2010), nasa kalikasan ng tao ang magsama-sama at bumuo o makibilang sa mga pangkat na makakatugon sa mga pangangailangan nila. Sa ganitong kaugalian nagsisimula ang pundayson upang makalikha ng isang magandang relasyon sa kapwa. Pinaniniwalaan na ang mga kabataan ang mahilig makipag-ugnayan. Ayon kay Bater (2017), sa paaralan unang makikita ang pakikipag- ugnayan ng mga estudyante sa ibang tao. Maituturing ito bilang natural na proseso na nagiging daan upang lumalim ang kanilang samahan na humahantong sa pakikipag-kaibigan o tinatawag na pag-babarkada. Sinasabing ang panahon ng kabataan ay isa sa konkretong pundasyon kung saan may mataas na pagkawili sa pagbuo at pagpapanatili ng pangmatagalan at positibong pakikitungo sa ating kapwa. Mahihinuha na ang pagbuo ng barkada ay umuusbong pagkatapos ng pagkakaroon ng malalim na ugnayan sa kapwa. Hindi na nakakagulat na malimit na maiugnay ang salitang barkada sa mga kabataan dahil sila ang kadalasang makikita sa mga lugar na mataas ang posibilidad ng makabuo ng ugnayan tulad sa mga kasiyahan at party, sayawan, at mga mall. Unang ginamit ang salitang barkada bilang pagpapangalan sa isang pa- 10
ngkat ng mga magkakaibigan. Hinango ito sa salitang Espanyol na pagpapakilala ‘barcada’ na ang ibig sabihin ay mga sakay ng bangka o boatload. Sa pinalawak na kahulugan, tumutukoy ito sa umpok o pulutong ng mga taong nagbibiyahe o mga pasahero, katulad ng mga nakalulan sa isang barko. Sa atin ito ay naging samahan ng magkakaibigan. Para naman sa perspektibo ng isang tanyang na manunulat na si Nick Joaquin, ang salitang barkada ay unang lumitaw sa Pilipinas ng hiramin patungo sa konseptong Malay ang salitang Espanyol na “pandilla” na ang katumbas ay “gang”. Ayon pa sa kanya, ang pagpapakahulugan sa salita ay tumutukoy sa mga ala-alang nabuo bunga ng mga samahan ng mga pasahero sa loob ng barko noong unang panahon. Hindi nagtagal ang sariling salitang barkada ay naging kilala rin sa pinaiksing katawagan na “berks”. Samantala, ang pagpapakahulugan ng salitang barkada sa lipunang Pilipino ayon sa isang tagapagturo at manunulat na si Jocano ay tumutukoy bilang pinakamahalagang yunit sa organisasyong panlipunan ng Pilipinas. Ito ay hindi lamang limitado para sa mga kabataan. Para sa kanya, barkada ang tawag sa samahan na binibigyang diin ang matibay na pagkakaibigan, pagtutulungan at pagiging tapat sa isa’t isa. Kadalasan ito ay binubuo ng mga indibidwal na may parehong edad at interes. Ayon pa sa kanya “Along with the family and the kin group, the barkada experience initially shapes \"the personality of the individual and equips him with values for adult participation in community activities before any other agency or institution in the environment can affect his social development and psychological growth.\" Sinasabing sunod sa pamilya bilang mahalagang pinagmumulan ng suporta at pagtanggap ay ang kanilang mga barkada. Itinuturing na isa ito sa mga may pinakaunang impluwensya sa pagdebelop ng panlipunang interes at partisipasyon sa mga gawain pangkomunidad. 11
pagpapakilala Sa katunayan, may pagkakataon na ang barkada ay may mas malalim na importansiya kumpara sa pamilya. Ang ganitong pagtingin ay higit na maoobserbahan sa mga kabataan. Gayundin, sa barkada nahahanap ng mga kabataan ang hinahanap nilang pagkalinga ng pamilya at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Sa mga barkada sila nagiging malayang makapagpahayag ng walang ibang iniisip, lalo na ang hindi nila masabi sa kanilang magulang at kapatid (Rosero, 2010). Kung kaya naman, masasabing mas marami sa oras nila ay nailalaan nila sa barkada Para sa karamihan ito ang nagiging lugar nila para magawa ang mga gawaing taliwas sa kagustuhan ng magulang. Dito nila natutuhan ang pag yoyosi, pag-inom ng alcoholic drinks, hang outs at nightlife. Ang mga ganitong gawain ay tinatawag nilang pag- wawalwal. Ang mga Pilipino ay hindi nauubusan ng mga natatanging ideya o salita upang libangin ang kanilang kapwa. Sa labis na pagiging malikhain ng mga Pilipino, nagiging uso ang mga ideyang ito. Ang paglikha ng mga bagong salita at parirala ay isang indikasyon lamang na ang wikang Filipino ay buhay pa rin at malawakang ginagamit sa kabila ng impluwensya ng mga banyaga sa atin. Ang mga balbal at kolokyal na mga salita man ay wala sa diksyonaryo ngunit, patuloy pa rin ang sirkulasyon nito lalo na sa mga kabataan. Kasama na rito ay ang salitang walwal. Masasabing ang walwal ay maraming etimolohiya. Unang nakikilala noong 2015, ang salitang walwal ay pinaniniwalaang hango sa mga pariralang “walang pakialam”, “walang pangarap”, at “walang kinabukasan.” Ginamit ang terminong walwal upang ilarawan ang isang mabangis na sesyon ng inuman (Delfin, 2018). Ayon naman kay Monde (2017), ang terminolohiyang walwal ay nangangahulugang pagiging lasing o hindi organisado. Binigyang diin ng Elite Worldgroup Inc. (nd) na ang pagwawalwal ay pumapatungkol sa pagpapakasaya sa pamamagitan ng 12
pag-inom ng alak. Sa kabilang dako, maaaring ang ibig sabihin ng acronym na walwal ay “wallet na walang laman.” Nararanasan ang walwal kapag ang isang tao ay nagigipit matapos maging galante sa mga panahon na marami siyang pera (Bento, 2018). Sa kasalukuyan, inihahalintulad ang salitang walwal sa isang aktibidad kung saan ang magkakaibigan ay magdamag na nagpapakasaya sa inuman na tila ba wala ng bukas (Jaliw, 2018). Ang tinaguriang walwalan nights ay karaniwang nagsisimula ng alas-dyes ng gabi hanggang madali ng araw. Salungat sa mga nakakatuwang kamustahan at chikahan, ang walwalan nights ay nilaan upang maghinga ng mga problema, tungkol manito sa trabaho o pagiging sawi sa pag-ibig (Delfin, 2018). Dagdag pa rito, ang paginom ng alak ay madalas na ginagawa ng ibang kabataan upang makalimot sa mga problema o ‘di kaya’y para magkaroon ng lakas ng loob (Calma, 2014). Sa labas ng mga paaralan, ang pagwawalwal ay kalimitang nangyayari sa mga kolehiyong estudyante pagkatapos ng mga eksamen o sa pahanon ng mga espesyal na okasyon tulad ng kaarawan (Alcantara et.al., 2018). Hindi mawawala sa isang barkada nights syempre ang pulutan o kaya yung appetizers, halos hindi makukumpleto ang inuman kung walang kakainin at depende sa mga taong sangkot o sa anong meron, maaaring merong iba't ibang pulutan. Ayon sa nakalap na mga pananaliksik, ang madalas na pulutan sa mga walwalan ay ang chichityera o sa ingles ay junk foods katulad na lamang ng Chicharon ni Mang Juan, Boy Bawang, Oishii Crackers, at syempre, hindi din minsan mawawala ang street foods katulad ng fishball, kikiam, chicken balls, and iba pa. Minsan, sinasabay nila ang hapunan or kaya ang meryenda sa pagkain ng pulutan. Gayundin, higit lalong hindi ito magiging kumpleto kung walang kwentuhan na magaganap kung saan madalas isinisantabi ng mag kakaibigan ang iba pa 13
nilang ginagawa at mag kwekwentuhan lang na tungkol sa mga pangyayari sa kanilang buhay. Maari maipasok din dito yung posibleng open forum sa isang barkadahan kung saan nag lalabas sila ng sama ng loob, mag iiyakan, na nagiging dahilan din upang mas lumalalim pa ang kanilang samahan. Ayon sa pag-aaral ni Pagkatipunan (2017), 29.1% ng mga estudyanteng kolehiyo sa Metro Manila ang aminadong naglasing sa nakalipas na 30 araw bago isinagawa ang pananaliksik. Kinilala ang mga estudyante na mag-aaral ng mga pribadong paaralan. Gayundin, natuklasang higit na mas laganap ang pag-iinom sa kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Batay sa pag-aaral ng Kagawaran ng Kalusugan noong Enero 2021, apat sa loob ng sampung Pilipino (40.1%) na nasa wastong gulang ang uminom ng alak sa nakalipas na 30 araw. Napagalaman din na isa sa tatlong Pilipino (33.1%) ay kinikilala bilang high-risk sa labis na pag-inom ng alak. Ang mga nasabing high-risk ay kadalasang komokonsumo ng anim o higit pang inuming may alkohol sa isang sesyon ng inuman (Movendi International, 2021). Sa kabila nito, binigyang linaw naman ni Jose Reyes sa isang panayam na ang pagwawalwal ay hindi kailangang maging negatibo sapagkat ito’y tumutukoy sa pagsasama-sama ng mga tao o pagbobonding. Ang pagwawalwal ay masasabing nakakasama kung ito’y ginagawang bisyo imbes na libangan lamang (Torregoza, 2018). Kaugnay nito, inilahad ni Joseph Que sa kaniyang blog ang tungkol sa pagwawalwal na naganap sa isang lugar sa Quezon City na tinatawag na POP UP. Para kay Que (nd), ang pagwawalwal sa POP UP ay isang hindi malilimutang alaala sapagkat ito ay naging oportunidad upang makisamuha sa mga taong labas sa kanilang barkadahan o mga taong hindi kilala. Sa paglalim ng gabi ay ang pagdami ng alak na nainom ng barkada. Ika nga ni Que, “sino ba naman ang magiging KJ (killjoy) sa gan- 14
oong paglalakbay kung punong puno naman ito ng kasiyahan at ‘di pagpapakilala makakalimutang mga pangyayari?” Katulad ng nabanggit, isinalaysalay ni Tacio (2018) ang kanyang panayam tungkol sa isang lalaking nagngangalang Robert. Si Robert ay nakipagwalwal sa kaniyang mga kabarkda sa isang bar sa Davao City. Bandang ala una ng umaga ay nagdesisyon ang grupong umuwi ngunit naiwan si Robert sa pag-aakalang maayos ang kalagayan nito at may kakayahang umuwi mag-isa. Natakot si Robert sapagkat nawala pala ang pitaka at selpon nito kaya’t hindi nito alam kung paano makakauwi. Isa sa naging karanasan ng manunulat ng pananaliksik na ito ay ang pagkakaroon ng yayaan sa pagitan ng mga magkakaibigan. Sa labis na kagustuhan ng ilang miyembro ng pangkat na magwalwal, ang ilang kasapi ay napilitan lamang makisama at uminom. Sa makatuwid, malaki ang impluwensya ng mga kabarkada o kaibigan sa mga kabataan lalo’t higit sa pagdedesisyong gumimik tulad ng pag-iinom ng alak at paninigarilyo (Kingsley, 2019). Napakahalaga sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng ugaling nagpapakita ng pakikisama; sa ating mga kaibigan, kapamilya, at maging sa ating mga katrabaho. Sa kagustuhang maging isa sa barkada, pinipilit nilang matugunan ang hinihingi ng bawat miyembro nito. Kung kaya, ayaw man o gusto ng isang miyembro ay maoobliga na kamang siya na gawin ito sapagkat ito ang inaasahan ng grupo sa kanya. Ayon kay Salanga at Yabut (2017), ang pakikisama ay isang pamamaraan ng pakikitungo sa ibang tao upang maipakita ng isang indibidwal na siya ay may pagka-agreeable. Ito ay nakatuon sa emosyonal na bahagi ng sitwasyon at nagiging mas sensitibo sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang teorya ni Virgilio Enriquez na tinatawag na \"Kapwa Theory\" ay isang malapit na teorya paukol sa walwal dahil ang teoryang ito ay ang pag tanggap at unawa na meron tayong kasamahan o merong nararanasan na- 15
pagpapakilala katulad din ng mga kasama. Isang halimbawa dito na napansin ng mga mananaliksik ay kapag merong walwalan, merong iyakan na nagaganap dahil sa isang kwento ng isa sa kasamahan nila at dahil umiiyak na ang nag kwekwento ay maaring makisama rin ang iba sa pagiyak nito o kaya'y ramayan ito sa sarili nilang paraan (tawanan, nagagalit, atbp). Bilang isang paraan upang mas maging malapit pa ang isang barkadan or kaya'y mag kakaibigan ang walwal, naging importante na din ito hindi lamang sa mga kabataan ngayon kundi pati na din sa mga matatanda. Ayon sa isang lathalain ni Del Valle, P. (2018) na may titulong “Walwal: A movie millennials can relate to\", nabigyan ng isa pang kahulugan ang walwal na tungkol sa genuine friendship na hindi lamang naka pokus sa inuman. Importante sa mga Pinoy ang kanilang mga kaibigan at ang relasyon nila sa bawat isa kaya'y masasabi natin na ang konsepto ng walwal ay kabilang na sa kultura ng mga Filipino bilang pamamaraan upang makasama at makipagsayahan kasama ang mga iba't ibang tao o kaibigan. 16
17
mga halimbawa 01. Pakikisama Isa sa katangian ng isang Pilipino ay marunong makisama. Ang isang taong marunong makisama ay tumitiyak na maganda ang kanilang relasyon sa ibang tao at isinaalang-alang lagi ang iba bago ang sarili. Ang mga aktibidad kaugnay sa pakikisama ng isang tao ay para sa pagbuo, pagpapanatili, at pagpapahusay ng kanyang mga relasyon. Maaari itong mangyari sa konteksto ng pagkakaibigan kung saan madalas ginagawa lamang ng isang tao ang ginagawa ng iba para sa pagpapahusay ng kanilang ugnayan. Ito ay pang karaniwang nangyayari kapag nagkakayayaan na kumain o kaya naman ay gumimik at baguhan pa lang ang niyayaya. Ito ay puwede ring iugnay sa magkakabarkada kung saan ay nakikisakay lang ang isang baguhan sa isang grupo. Ito ay parang conformity kung saan ay tumatalima ang isang tao sa kagustuhan ng kanyang grupo nang hindi napipilitan pero hindi rin malinaw na nangangahulugang buong puso niya itong ginagawa. Dagdag pa rito, ang inuman ay maaring maituring na paraan ng pakikisama kung saan ang iba ay umiinom sapagkat ito ay nagsisilbing daan upang makilala ng lubusan ang mga kabarkada/kainuman lalo na kung hindi naman sila ganoon kalapit sa isa’t isa. Ito ang nagbibigay pagkakataong makatagpo ng bagong kaibigan dahil sa “common interests” na tinatawag. 18
Pagiging mga halimbawa 02.hospitable Ang magiliw na pagtanggap sa mga bagong kakilala ay nagpapakita ng paggalang at pakikipagkapwa-tao sa iba. Ito ay pangkaraniwang ginagawa sa isang kontekstong pinapahalagahan ng isang tao ang kanyang relasyon o ugnayan sa isang tao o mga kasama sa isang grupo. Sa mga magkaibigan, sinisigurado ng bawat miyembro na komportable ang bawat isa. Madalas ay ibinibigay nila ang mga bagay na lubos makapagpapaligaya sa mga miyembro kung saan ay nagagawa nilang ilagay ang sarili sa posisyon ng ibang tao, ang pahintulutan ang pagnanais ng iba, at ang pagbibigay ng tulong sa panahon ng pangangailangan o kahit pa ito ay hindi hiningi ng isang tao. Ang mahalaga rito ay mas inuuna o pinapahalagahan ng isang tao ang ibang tao bago ang kanyang sarili. Dahil nais nilang mapunan ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga barkada, pinipilit nila maiayon ang kanilang pagkilos alinsunod sa hinihingi nito katulad ng pagiging aktibo sa mga gawain ng grupo kabilang na ang pag yoyosi, pag-inom ng alcoholic drinks, hang outs at nightlife. 19
mga halimbawa03. bahala na Dahil sa ang mga Pilipino ay malaki ang pagpapahalaga sa relasyon na kanilang nabuo mahalaga sa kanila ang gawin ang lahat ng kanilang makakaya upanag mapanatili ito. Maituturing na ang bahala na ay kaugnay sa konsepto ng barkada sapagkat kalimitan ang isang taong kabilang sa grupo ay ginagawa ang lahat upang higit na maging malalim ang kanilang ugnayan kahit na ang mga bagay na ito ay hindi naayon sa kaniyang kagustuhan. Nakikita madalas ang ganitong sitwasyon sa tuwing magkakayayaan ang magkakaibigan na magwawalwal at kahit na hindi maari ang isang miyembro ay wala na siyang magagawa pa kung hindi ang pumayag at ipagkatiwala na lamang sa itaas ang lahat. 04.pakikibagay Dahil sa ang mga Pilipino ay malaki ang pagpapahalaga sa relasyon na kanilang nabuo mahalaga sa kanila ang gawin ang lahat ng kanilang makakaya upanag mapanatili ito. Maituturing na ang bahala na ay kaugnay sa konsepto ng barkada sapagkat kalimitan ang isang taong kabilang sa grupo ay ginagawa ang lahat upang higit na maging malalim ang kanilang ugnayan kahit na ang mga bagay na ito ay hindi naayon sa kaniyang kagustuhan. Nakikita madalas ang ganitong sitwasyon sa tuwing magkakayayaan ang magkakaibigan na magwawalwal at kahit na hindi- 20
maari ang isang miyembro ay wala na siyang magagawa pa kung hindi ang pumayag at ipagkatiwala na lamang sa itaas ang lahat. 05. utang na loob Nakasanayan na ng mga Pilipino ang tumanaw ng utang na loob sa mga taong binigyang sila ng pabor. Pag nabigyan ng pagkakataong ibalik ang pabor, hindi malabong masusundan pa ulit ito. Kadalasan ay hindi na natatapos ang cycle na ito. Dahil sa utang na loob, may mga nahihiyang tumanggi at mayroon din namang nanunumbat—dinadahilan nila na sila ay tumulong at pinaparating na walang opsyon na tumanggi sa kung anumang hiling nito. 06.hiya Maraming mga Pilipino ang mahiyain; may mga nahihiyang sumali at mayroon ding nahihiyang tumanggi. Sila yung mga madalas nag-aakalang wala silang opsyon kundi makisama o ‘di kaya ay may matatanggap silang negatibong reaksyon kapag sila ay tumanggi. May mga pagkakataon din naman na naranasan na nilang tumanggi nung nakaraan at nauwi lamang ito sa pamimilit. Para sa kanila, mas nakakahiyang dumaan ulit sa ganoong karanasan kung kaya’t pinipilit na lamang nilang pumayag kahit na hindi nila ito gusto. 21
07. konsepto ng kolektibismo Sa Pilipinas pinapahalagahan ang kulturang “collectivist” kung saan ay binibigyang-diin ang mga layunin ng pamilya at grupo kaysa sa mga indibidwal na pangangailangan o kagustuhan. Malapit ito sa konspeto ng barkada sapagkat ang panahon ng kabataan ay ang panahon na kung saan mayroong mataas na porsyento ng pagkawili sa pagbuo at pagpapanatili ng pangmatagalan at positibong pakikitungo sa ating kapwa. Ang isa sa maraming dahilan ng malimit nilang hindi pagtanggi sa anyaya ng mga kaibigan na mag walwal ay dahil likas sa kanila na unahin ang kasiyahan at kagustuhan ng grupo. Nais nila na matugunan muna ang pangangailangan ng kanilang barkada lalo’t higit kung may kakayahan naman sila na mapunan ito. Sa oras na magawa nila ang kanilang responsibilidad bilang isang kaibigan ay saka lamang sila makakaramdam ng kaginhawaan dahil sa may naiambag sila sa kasiyahan ng lahat. pagpapahalaga 08.sa damdamin Ito ay tinaguriang pagsasaalang-alang ng saloobin ng iba. Dahil likas sa mga Pinoy ang malakas ang pakiramdam, matindi ang pagiingat nila sa mga salita na kanilang bibitawan o kaya naman sa aksyon na gagawin. Sa isang barkada pinahahalagahan ng mga miyembro ang damdamin ng kanyang kasamahan at sinisigurong hangga’t maaari ay hindi niya ito- 22
masaktan. Dahil dito nahihirapan ang karamihan na tumanggi sa alok ng mga halimbawa mga kaibigan na magwalwal. Kumbaga ay talagang isinasalang alang muna nila ng mabuti ang mararamdaman ng kanilang mga kaibigan sa oras na hindi sila pumayag sa anyaya na magwalwal. walang isang 09.salita Naging normal na sa mga Pilipino ang basta-basta nagbibitiw ng mga salita at pangakong hindi nila sigurado kung mapapanghawakan nila ito o hindi. Para bang sinasamantala nila ang kabutihan ng ibang tao at kampante silang maintindihan sila kung bakit nila ito nagawa kaya naman may mga pagkakataong hindi na nila ito isinasaalang-alang. May mga pagkakataon din na sila ay nadadala lamang ng emosyon o ‘di kaya ay overwhelmed pa sa panibagong karanasan kaya sila ay nakapagbibitaw ng kung anu-anong salita. Halimbawa na lang nito ay ang pagsasabi ng “ayaw ko na uminom” kapag malala ang hangover. Nasabi lamang nila ‘yon sapagkat masama ang kanilang nararamdaman at iniisip nilang ayaw na nila itong maranasan muli. Ngunit, kapag nabigyan ng pagkakataon at naakit ulit, dadaan ulit sila sa cycle ng pagwawalwal hanggang sa maranasan nila ulit ang malalang hangover. 23
mga halimbawa10. pagtakas nang hindi nahuhuli Maraming mga magulang ang strikto pagdating sa kanilang mga anak— hindi nila masyadong pinapayagan gumala ang mga ito o kung payagan man ay limitado lamang ang oras nito sa labas. Dahil dito, maraming kabataan ang natutong gumawa ng iba’t ibang klaseng palusot para lamang hindi sila pagalitan kapag nilabag nila ang kagustuhan ng kanilang mga magulang. Kung minsan pa ay hindi na sila nagpapaalam nang maayos sapagkat alam nilang hindi sila papayagan. Ngunit hindi lamang sa magulang nangyayari ang pagtakas, maaari ring sa inuman. May mga pagkakataong ayaw mong magpakababad sa inuman kaya naman susubukan mong magsabi nang maayos na hindi ka na iinom at uuwi ka na at mayroon din namang basta ka na lang mawawala dahil alam mong pipigilan ka nila. Kapag sinwerte at hindi nahuli, makakahinga. Ngunit kapag may nakapansin, paniguradong hahatakin ka pabalik. 24
mga halimbawa 1. Pakikisama 2. Pagiging Hospitable 3. Bahala na 4. Pakikibagay 5. Utang na Loob 6. Hiya 7. Konspeto ng Kolektibismo 8. Pagpapahalaga sa Damdamin 9. Walang isang salita 10. Pagtakas nang hindi nahuhuli 25
mga ilustrasyon Pinapakita sa larawan na ito kung gaano naapektuhan ang mga emosyon ng mga tao, mas lalo na kung nakainom at madalas ay hindi maiwasang umiyak. Halimbawa ay pag merong kwentuhan patungkol sa kanilang barkada, pamilya, buhay, o kaya’y iba pa. Pero maaari din ito kung kahit nag kwewentuhan lamang at walang inuman. Pinapakita sa larawan na ito kung paano sa ibang tao ay parehas na lamang ang epekto ng mag kaibang alcoholic beverages na Gin Bilog at Tanduay Ice kung maaaring mahina lamang ang tama o kaya’y malakas depende sa tao na umiinom. 26
mga ilustrasyon Nag sisimbolo itong Ang litrato naman na ito ay pinapakita ang litratong ito sa isang mga maaaring maging pulutan sa isang barkadahan na nag plaplano walwalan ngunit kita naman natin na at nag kayayaang uminom. merong mga paborito. Pinapakita naman dito ang isang kaibigan na nag sasabihing hindi na muli iinom pagkatapos malasing ngunit pag nagkayayaan ay sumama at uminom muli. Pero meron din namang sumama at hindi na nga talaga umiinom. 27
diskusyon Ang mga Pilipino ay ganap na malikhain sapagkat patuloy silang gumagawa ng mga salitang nagbibigay aliw sa madla. Ang mga salitang mahahaba ay pilit na pinapaikli at ang mga salitang maiikli ay pilit na pinapahaba. Kabilang na rito ang salitang walwal na tila basta na lamang nakilala ng lahat, lalo na ng kabataan. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan, na sa likod ng konsepto ng walwal ay ang mga salik na nagpapahintulot ng tuluyang paglaganap nito tulad ng barkada. Dagdag pa rito ay ang negatibong implikasyon ng pagwawalwal sa ating kabuoang pangkalusugan. 01. Ang terminong walwal ay hindi limitado sa kahulugang paglalasing. Sa kasalukuyan, ang etimolohiya ng salitang walwal ay masasabing hindi tiyak. Ang mga pakahulugan ng salitang walwal ay magkakaugnay ngunit, hindi ito maaaring limitahan sa iisang kahulugan lamang. Ayon kay Delfin (2018), ang salitang walwal ay unang napagalaman noong 2015. Ang mga paunang kahulugan ng walwal ay hango sa pariralang “walang pakialam”, “walang kinabukasan” at “walang pangarap.” Sa pamamagitan ng mga ideyang nabanggit, iniugnay ang salitang walwal sa pagiging lasing o hindi organisado (Monde, 2017). Dagdag pa rito, inihalintulad ang salitang walwal sa isang aktibidad ng pagpapakasaya, kasangkot ang pag-inom ng mga inuming may alkohol (Elite Worldgroup Inc., nd). Ang aktibidad na ito na tinatawag na pagwawalwal, ay kalimitang ginagawa kasama ang mga kaibigan kung saan ang pangkat ay 28 diskusyon
magdamag na nagiinom na para bang wala ng bukas (Jaliw, 2018). Sa isang banda, ayon naman kay Bento (2018) ang acronym na walwal ay pumapatungkol sa “wallet na walang laman” at nararanasan ang pagkawalwal kapag ang isang tao ay lubos na naging galente sa paggastos ng kaniyang pera kung kaya’t siya ang nagiging gipit. Samakatuwid, ang salitang walwal ay mayroong mas malalim na kahulugan bukod sa paglalasing. Ito ay naglalarawan sa mga hindi malilimutang mga karanasan kasama ang mga kaibigan, lalo’t higit ang mga pinagdaanan ng barkada sa ilalim ng impluwensiya ng alak. 02. Maraming Pilipino ang gumagamit ng salitang walwal kahit na hindi nila sigurado kung ano ang ibig sabihin nito Binigyang linaw ni Leinard (2016) na ang pagsabay sa uso ng mga Pilipino ay nagdudulot ng pagbabago, maging sa wika man ito o kagamitan. Ayon sa lathain ni Komakad101 (2015), ang pagkahumaling ng mga kabataan sa makabagong teknolohiya ay nagsilbing daan upang makasanayan nila ang mga nakikitang kaugalian ng mga taong kanilang nakakahalubilo sa halos araw-araw na pagiging aktibo online. Kabilang na rito ang mga mungkahi ukol sa mga balbal at kolokyal na salita tulad ng walwal. Sa paglaganap ng paggamit ng teknolohiya ay ang pagyabong din ng paggamit ng mga impormal na salita. Tulad ng Facebook na may 75 milyong aktibong Pilipino user kada buwan, ang mga kabataan ang may pinakamalakas na presensya sa mga platapormang kagaya nito (Estares, 2019). Nang dahil sa malawak na sakop ng konsepto ng walwal, maraming mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, ang nagnanais lamang na makisabay sa uso ngunit, hindi lubusang nauunawaan ang tunay na pakahulugan ng salitang walwal. Hindi man tuwirang maintindihan ang diskusyon 29
ang ugat ng salitang walwal, ito naman ay bumuo ng isang kulturang masasabing buhay na buhay sa kasalukuyan. 03. Mas malaki ang bahagi ng barkada sa pagwawalwal ng isang tao. Tayo bilang mga biyolohikal na tao, ay may likas na pangangailangang magbuo o mapabilang sa isang grupo na sasapat sa ating mga pangangailangan (Rosero, 2010). Bukod sa salik na banggit, ang mga Pilipino ay kilala bilang palakaibigan at kalimita’y nasisiyahang makipag- usap sa mga nakapaligid sa kanila (The Cultural Atlas, 2022). Ang pagkakaroon ng ganitong pundasyon ng mga Pilipino ay naglilikha ng magandang relasyon sa kapwa na nagdudulot ng pagkabuo ng barkada, lalo na sa mga kabataan. Kahit ang pagkakaroon ng barkada ay hindi limitado sa mga bata lamang, madalas na makikita ang importansiya ng pagiging parte ng isang barkada sa mga kabataan. Mas maraming oras ang kanilang nailalaan sa mga barkada kumpara sa kanilang mga pamilya dahil nararamdaman nila ang buong pagtanggap na hindi nila nararanasan sa kanilang mga tahanan. Ito rin ang nagsisilbing paraan nila upang magawa ang mga bagay na nais nilang gawin, lalo na kung ito ay hindi sasang-ayunan ng kanilang mga magulang. Kabilang na rito ang mga bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Kaya’t ang mga kabataan ay madalas na nakikibahagi sa mga walwalan nights kasama ang kanilang barkada, ito man ay isang selebrasyon o paghihinga ng problema. Ayon nga sa karanasan ni Que (nd), hindi naman niya nanaising maging killjoy sa pagwawalwal kasama ang barkada dahil puno ng kasiyahan at hindi malilimutang pangyayari ang pagwawalwal. Bilang pangwakas na punto, ang proseso ng pagdedesisyong gumimik ng mga 30 diskusyon
kabataan, sa pamamagitan ng pag-iinom at paninigarilyo ay labis na naiimpluwensyahan ng kanilang mga kabarkada (Kingsley, 2019). 04. Mahirap umiwas sa pagwalwal dahil sa kultura ng mga Pilipino. Ang pagwawalwal ay pasok sa teorya ni Virgilio Enriquez na tinatawag na “Kapwa Theory” sapagkat ang teoryang ito ay pumapatungkol sa pag tanggap at unawa na meron tayong kasamahan o merong nararanasan na katulad din ng mga kasama. Isang halimbawa dito na napansin ng mga mananaliksik ay kapag merong walwalan, merong iyakan na nagaganap dahil sa isang kwento ng isa sa kasamahan nila at dahil umiiyak na ang nag kwekwento ay maaring makisama rin ang iba sa pagiyak nito o kaya'y ramayan ito sa sarili nilang paraan. Bukod pa rito, likas sa mga pinoy ang pagiging magaling makisama sa ibang tao mapakaibigan man o hindi. Dahil dito ay kalimitang hindi makaiwas ang mga Pilipino sa tawag ng barkada lalo na sa pagwawalwal sapagkat ito ay nangangahulugan ng pagbibigay respeto o paggalang sa taong nagpaanyaya ng imbitasyon. Gayundin ang pagiging hospitable o maluwalhating pagtanggap sa mga bisita ng mga Pilipino, ay isang sanhi ng hindi pagtanggi ng mga kapwa Pilipino pagdating sa walwal. Sino nga ba naman ang makakatanggi kapag nakahanda na ang lamesita, inumin at pulutan? Sadyang kay hirap iwasan dahil sa ganda ng kutura ng mga Pilipino sa paghahatid ng serbisyo sa iba upang ipakita ang pakikipagkapwa tao. Kalakip ng pagpapaunlak sa walwalan ay ang pamamayani ng kaugaliang “Bahala na” ng mga Pilipino kung saan ang nakatakdang gawain o plano ay ipagpapaubaya na lamang sa nasa itaas dahil sa pagwawalwal. Sa kaugaliang ito, mas isinasaalang- alang ng mga Pilipino ang kasalukuyang sitwasyon kumpara sa mga- diskusyon 31
biglaang lakad o ganap na karaniwang walwal. Masasabing repleksyon ng kaugaliang “Bahala na” sa pagiging maka-Diyos ng mga Pilipino, subalit kasabay nitong namamayagpag ang kasabihang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” na isinasabuhay rin ng mga Pilipino. 05. Ang kalusugan at iba pang aspeto ng isang taong labis ang pagwawalwal ay maaaring magkaroon ng komplikasyon o anumang problema. Sabi nga, lahat ng sobra ay masama at hindi maganda ang posibleng resulta. Ang labis na pagkonsumo ng alkohol at pagwawalwal ay maaaring maging sanhi ng iba’t ibang komplikasyon hindi lamang sa kalusugang pisikal, ngunit maging sa kalusugang mental. Kalimitan, sa pagtagal ng kwentuhan ay pagdami rin ng nakukunsumong alak. Kaugnay nito, noong 2021 ay napagalaman ng Movendi International na isa sa tatlong Pilipino o 33.1% ay kinikilala bilang high-risk sa labis na pag-inom ng alak. Ang mga nasabing high-risk ay kadalasang komokonsumo ng anim o higit pang inuming may alkohol sa isang sesyon ng inuman. Ang alak na karaniwang pinagsasaluhan sa walwal ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa katawan kapag sobra ang naging pagkonsumo kagaya ng pagkasira ng atay, sakit sa puso, komplikasyon sa dugo at mahinang resistensya (RiteMed, 2016). Subalit hindi limitado sa pagkasira ng pisikal na kalusugan ang labis na pagwawalwal sapagkat ito ay nakakaapekto rin sa “mindset” ng isang tao. Ang pagkalulong sa walwal ay nagiging sanhi ng pagiging ignorante sa mga bagay na dapat inuuna at humuhubog sa pagiging irresponsable. Dahil dito, malinaw na maaapektuhan ang “goal- setting” ng isang tao dahil sa labis na pagwawalwal. 32 diskusyon
Ang konsepto ng pagwawalwal ay dapat lamang na bigyang pansin at linawin upang maiwasan ang iba’t ibang “misconception” patungkol sa usaping ito kagaya ng paggamit ng salitang walwal nang hindi naaayon sa konteksto sapagkat ito ay hindi limitado sa iisang kahulugan. Sa kabilang banda, maituturing na malaki ang bahagi ng barkada sa pagwawalwal ng isang tao sapagkat ang mga Pinoy ay likas na magaling sa pakikisama na bahagi ng kulturang Pilipino. Subalit hindi lamang saya ang maaring makuha sa pagwawalwal sapagkat ito ay maaring maging sanhi ng mga seryosong kalagayang pangkalusugan at iba pang suliranin kung kaya’t huwag maging sugapa, hinay-hinay lang. diskusyon 33
konklusyon Matapos talakayin ang mga ideyang nakapaloob sa konsepto ng walwal sa Pilipinas, narito ang kabuuan ng kaalaman na nakalap sa tulong ng pananaliksik at pag oobserba. Ang salitang barkada ay hango sa salitang Espanyol na ‘barcada’ na ang ibig sabihin ay mga pulutong ng tao na nakalulan sa barko. Kalaunan ito ay pinaiksi sa salitang “berks” bilang pagpapangalan sa pangkat ng mga magkakaibigan. Sa pilipinas, ang barkada ay maituturing bilang pinakamahalagang yunit sa organisasyong panlipunan sapagkat isa sila sa may pinakaunang impluwensya sa tao sa pagdebelop ng panlipunang interes at partisipasyon sa mga gawain pangkomunidad. Ang barkada ay hindi lamang limitado para sa mga kabataan. Kadalasan ito ay binubuo ng mga indibidwal na may parehong edad at interes. Napatunayan na malaki ang impluwensiya ng barkada sa pagwawalwal ng isang tao. Sa yugto nito nila natutuhan ang pag yoyosi, pag-inom ng alcoholic drinks, hang outs at nightlife. Nagsimula ang konsepto ng walwal noong 2015 kung saan iniuugnay ito sa mga pariralang “walang pakialam”, “walang pangarap”, at “walang kinabukasan.” Ginamit ito upang ilarawan ang pagpapakasaya sa pamamagitan ng pag-inom ng alak. Ngunit, pinatunayan sa ilang pananaliksik na ang etimolohiya ng walwal ay hindi maaring limitahan sa kahulugan ng paglalasing. Sapagkat sa mas malawak na pag-unawa ito ay pumapatungkol sa hindi malilimutang mga karanasan kasama ang mga kaibigan. Dagdag pa dito, ang pagwawalwal ay hindi kailangang maging negatibo dahil ito’y tumutukoy sa pagsasama-sama ng mga tao o pagbobonding. Ang pagwawalwal ay masasabing nakakasama kung ito’y 34 konklusyon
ginagawang bisyo imbes na libangan lamang. Ang konsepto ng pagwawalwal ay malapit sa kulturang Pilipino sapagkat importante sa mga Pinoy ang kanilang mga kaibigan at ang relasyon nila sa kanilang kapwa. Ito ay naging pamamaraan na nila upang makasama at makipagsayahan kasama ang mga iba't ibang tao o kaibigan. Gayundin ang konsepto ng walwal ay maiuugnay sa iba’t ibang kaugalian ng mga Pilipino tulad ng pakikisama, bahala na, pakikibagay, pagiging hospitable at hiya. Bukod pa rito, malaki ang kaugnayan ng konsepto sa teorya ni Virgilio Enriquez na tinatawag na \"Kapwa Theory\" sapagkat ang teoryang ito ay pumapatungkol sa pag tanggap at unawa na meron tayong kasamahan o merong nararanasan na katulad din ng mga kasama. Ang mga ito ang nagbigay lalim sa kahulugan ng walwal kaya naman itinuturing na ito bilang bahagi ng kulturang Pilipino. konklusyon 35
sanggunian Alcantara, T., Cenina, Costibolo, Dela Cruz, Ebol, Fernandez, & Tan. (2018, June 17). WALWAL NOW, ARAL LATER: The Effect of Alcohol Consumption to Mechanical Engineering Students’ Academic Performance. Scribd. Retrieved April 22, 2022, from https:// www.scribd.com/document/381936476/Walwal-Now Alvarado, S., & Turley, R. N. (2010, 14 augustus). [PDF] college bound friends: A study of racial and ethnic differences | semantic scholar. Semantic Scholar. https://www.semanticscholar.org/ paper/College-Bound-Friends%3A-A-Study-of-Racial-and-Ethnic-Alvarado-Turley Blancia, C. (z.d.). Pakikisama. Sikolohiya Sa Kabataan. https://youthpsych.wordpress.com/ katutubo/ Bater, J. (2017). Balangkas konseptwal. https://www.academia.edu/31598367/ Balangkas_konseptwal Berto, B. (2018, November 14). Walwal. The Philippines Today. Retrieved April 22, 2022, from https://thephilippinestoday.com/walwal/ Calma, R. (2014, May 14). Masasamang Bisyo ng Kabataan, Paano Mapipigilan?. blogspot. Retrieved April 22, 2022, from http://calmaroel13.blogspot.com/2014/05/masasamang-bisyo- ng-kabataan-paano.html Del Valle, P. (2018, 26 juni). ‘Walwal’: A movie millennials can relate to. RAPPLER. https:// www.rappler.com/entertainment/movies/205748-walwal-movie-elmo-magalona-millenials/ Delfin, D. C. (2018, June 15). The Millenial Walwal. PressReader. Retrieved April 23, 2022, from https://www.pressreader.com/philippines/the-mindanao-examiner-regional-newspaper/ 20180615/281578061374187 36 sanggunian
Department of Health. (2019, 4 augustus). DOH LAUDS THE APPROVAL OF HOUSE BILL 1026 AND SUPPORTS THE INCREASE IN TAXES OF ALCOHOL PRODUCTS | department of health website. DOH. https://doh.gov.ph/node/ 17900#:%7E:text=It%20is%20reported%20that%20among,are%20underage%20drinkers%2 0(2015). Enegepic (2016, June 14). Selective Blur of 2 Wine Glass and 3 Drinking Glass. Retrieved May 24, 2022, from https://www.pexels.com/photo/selective-blur-of-2-wine-glass-and-3- drinking-glass-110472/ Elite World Group Inc. (n.d.). Filipino slang, colloquialism, and its uses. Elite Translations Philippines. Retrieved April 22, 2022, from https://translations.ph/blog/filipino-slang,- colloquialism,-and-its-uses Estares, I. (2019, August 15). 4 MORE Reasons Why Social Media in the Philippines is HUGE | EYE ON ASIA. dataSpring. Retrieved May 18, 2022, from https://www.d8aspring.com/eye- on-asia/4-more-reasons-why-social-media-in-the-philippines-is-huge Jaliw. (2018, January 6). Urban Dictionary: walwal. Urban Dictionary. Retrieved April 22, 2022, from https://www.urbandictionary.com/define.php?term=walwal Kamalayan. (2014, June 14). Barkada Peer group. Facebook. Retrieved April 23, 2022, from https://web.facebook.com/kamalayankonsciousness/photos/fi lipino-word-of-the- day-317barkada-peer-groupbarkada-or-samahan-refers-to-an-ag/896293760384540 Kingsley, C. (2019, October 6). Aral muna bago walwal: Pagtukoy sa mga negatibong epekto nito sa mga mag-aaral ng DonHonorio Ventura State University (DHVSU). Scribd. Retrieved April 22, 2022, from https://www.scribd.com/document/428946535/PANIMULA-1 Komakad101. (2015, September 30). DALOY NG WIKA SA TEKNOLOHIYA. Wordpress.Com. Retrieved May 19, 2022, from https://balbalatkolokyal.wordpress.com/author/komakad101/ sanggunian 37
Leinard, J. (2016, September 15). Ang pagsabay sa uso ng mga Pilipino. Blogspot.Com. Retrieved May 19, 2022, from http://mynewblognothingaddress.blogspot.com/2016/09/ ang-pagsabay-sa-uso-ng-mga-pilipino.html Leppänenl, M. (2022). Neon Light Signages On Wall. Pexels. Retrieved May 23 2022, from https://www.pexels.com/photo/neon-light-signages-on-wall-1426620/ Lo, R. (2018, June 10). The Walwal Generation. PhilStarGlobal. https://www.philstar.com/ entertainment/2018/06/10/1823105/walwal-generation Menguin, J., & . (2021, December 5). Bahala na: When Filipinos do the unreasonable to succeed. Jef Menguin. Retrieved May 21, 2022, from https://jefmenguin.com/bahala-na/ Monde, J. (2017, October 24). TRENDING PINOY TERMS: Compilation Of Filipino Colloquial Words With Definition. Philippine News. Retrieved April 22, 2022, from https:/ /philnews.ph/2017/10/24/trending-pinoy-terms-compilation-filipino-colloquial-words/ Movendi International. (2021, August 26). Philippines: New Survey Data Illustrate Alcohol Harm, But Alcohol Taxation Provides Solution. Retrieved April 23, 2022, from https:// movendi.ngo/news/2021/08/26/philippines-new-survey-data-illustrate-alcohol-harm-but- alcohol-taxation-provides-solution Ogot, B. V. (z.d.). Pakikipagkapwa ng mga pilipino. Scribd. https://www.scribd.com/doc/ 60935525/Pakikipagkapwa-ng-mga-Pilipino Pagkatipunan, P. (2017). Accessibility and Consumption of Alcoholic Drinks in Metro Manila Colleges and Universities. Actamedicaphilippina. Retrieved April 23, 2022, from https:// actamedicaphilippina.upm.edu.ph/index.php/acta PinasForwardPH. (2020, May 4). PinasForwardPH. Facebook. Retrieved April 23, 2022, from https://web.facebook.com/PinasForwardPH/photos/alam-ba-ninyo-kung-saan- galing-ang-salitang-barkada-basahin-ang-sinulat-ni-nick-/935739986847717 Que, J. B. (n.d.). Walwal. Tumblr. Retrieved April 23, 2022, from https:// 38 sanggunian
jaken938.tumblr.com//post/649239968931332096/embed RiteMED. (2016). Epekto ng labis na Pag-Inom ng alak. RiteMED. Retrieved May 21, 2022, from https://www.ritemed.com.ph/articles/epekto-ng-labis-na-pag-inom-ng-alak Rosero, M. W. I. (2010, April). Ang gang bilang alternatibong institusyong panlipunan: Ang penomenon ng gang at ang kabataang pilipino. academia.edu. https://www.academia.edu/ 2435371/ Ang_Gang_Bilang_Alternatibong_Institusyong_Panlipunan_Ang_Penomenon_ng_Gang _at_ang_Kabataang_Pilipino Sankowski, D. (2015, June 01). Olympus M-25. Retrieved May 23, 2022, from https:// pixabay.com/photos/champagner-toasting-new-year-s-eve-1071356/ Tacio, H. D. (2018, February 15). Drinking is hazardous to youth’s health | Henrylito D. Tacio. BusinessMirror. Retrieved April 23, 2022, from https://businessmirror.com.ph/2018/02/15/ drinking-is-hazardous-to-youths-health/ The Cultural Atlas. (2022). Filipino Culture. Cultural Atlas. Retrieved May 19, 2022, from https://culturalatlas.sbs.com.au/filipino-culture/filipino-culture-core-concepts Torregoza, H. (2018, June 11). ‘Walwal,’ an important movie for Millennials. Manila Bulletin. Retrieved April 22, 2022, from https://mb.com.ph/2018/06/11/walwal-an-important- movie-for-millennials/ Veñegas, J. (2020, May 10). Pinoy Ako: Kaugalian Nang Mga pilipino. almondgrey712195736. Retrieved May 21, 2022, from https:// almondgrey712195736.wordpress.com/2019/04/03/kaugalian-ng-mga-pinoy Yabut, H. & Salanga, M.G.C. (2017, January). Ang Pangkaraniwang Pagpapakahulugan at Behavioral na Manipestasyon ng Pakikisama. https://www.researchgate.net/publication/ 327366775_Ang_Pangkaraniwang_Pagpapakahulugan_at_Behavioral_na_Manipestasyo n_ng_Pakikisama sanggunian 39
mga miyembro Paul Antonette Briones Shelemae Caldoza Prince Jun De Belen Ang taga-inom lang, Ang mahilig mag-akit Ang bangka kasi ubod mahina pa umuwi kasi ng dami ang chika mapapagalitan na Diana Mae Esguerra Ekata Jace Perinda Ang tamang flex lang Ang taga-luto ng pero hindi talaga pulutan nainom Walwal Nights: Perks of Being Mabarkada
Search
Read the Text Version
- 1 - 41
Pages: