Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore p143 v11

p143 v11

Published by JOE ANGELO BASCO, 2022-11-11 07:30:50

Description: p143 v11

Search

Read the Text Version

Talaan ng Nilalaman i Pahina ng Titulo ii Talaan ng Nilalaman iii Panimula 1 Ang Makopa 2 Ang Langka 3 Si Lolo Jessie 4 Sa Silid Aklatan 5 Halinang Magbasa 6 Maghugas Tayo 7 Tayo nang Magkulay 8 Si Bongbing 9 Sa Hardin 10 Ang Sandalyas 11 Ang Baka 12 Ang Bangka ni Mang Kiko 13 Ang Tapalang 14 Kaarawan ni Reed 15 Sa Tabing Dagat 16 Nangilaw Kami 17 Ang Pinangilawan 18 Maglalangoy Kami 19 Ang Korals 20 Aktibong Magulang 21 Ang Mga Alagang Itik ni Lance 22 Ang Mga Babaeng Iskawt

Paunang Salita Ang Project 143 ay proyekto ng paaralan na naglalayong makabuo ng mga maiikling kuwento na papanahon. Ito ay isang kuwento na binubuo ng apatnaput tatlong salita. Ang aklat na ito ay naglalayong mapabilis pa ang kakayahan sa pagbabasa at madagdagan ang antas ng pag-unawa ng bawat mag-aaral. Ang aklat na ito ay isinulat at inihanda para sa mga mag-aaral na nasa Unang Baitang hanggang Tatlo. Ito ay magsisilbing gabay upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng kawilihan sa pagbabasa kahit sila ay nasa kanilang tahanan lamang. Inaasahang ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng sapat na kaalaman na magagamit nila sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at sa pang araw-araw na pamumuhay. Maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika at maayos na pakikipagtalastasan sa pagsasalita man o sa pagsulat. Maligayang pagbabasa sa inyo mga mag-aaral. May Akda

Ang Makopa May tanim na makopa sa aming paaralan. Malutong at matamis ang lasa ng puti nitong bunga. Marami kung mamunga ang makopa. Kaaya-ayang pagmasdan ang bunga nitong hugis kampana. Ang kumpol-kumpol nitong bunga ay talagang nakahahalina sa mga bata na naglalaro sa paligid nito. 1. Ano ang tanim sa aming paaralan? 2. Ano ang kulay ng bunga nito? 3. Saan inihalintulad ang hugis ng makopa? 4. Bakit kaaya-ayang pagmasdan ang bunga ng makopa? 5. Bakit kaya nahahalina ang mga batang naglalaro sa paligid ng makopa? 1

Ang Langka Walang pasok, naisipan ni Reed na umakyat sa bundok. Maraming tanim na langka si Lolo Jessie dito. Kumpol-kumpol at malalaki ang bunga ng langka kaya halos lumapat na sa lupa ang mga nito. Kapag ito ay hinog na, siguradong malinamnam, at matamis ang lasa. 1. Bakit naisipan nina Reed na umakyat sa bundok? 2. Sino ang may tanim na langka? 3. Bakit halos lumapat na sa lupa ang mga langka? 4. Ano ang lasa ng hinog na langka? 5. Ano ang gagawin mo sakaling makakita ka ng langka na maraming bunga? 2

Si Lolo Jessie Si Lolo Jessie ay isang magsasaka. Nagtanim siya ng maraming pinya. Namumunga na ang mga tanim niyang pinya. Nilalagyan niya ito ng pataba upang mabilis na lumaki ang mga bunga. Ibibenta niya ito sa bayan. Bibili siya ng ibang pananim sa kanyang taniman. 1. Sino ang magsasaka? 2. Ano ang kanyang mga tanim? 3. Ano ang ginagawa nita upang mabilis lumaki ang mga bunga ng pinya? 4. Saan niya ibibenta ang mga pinya? 5. Bakit niya ibibenta ang mga pinya? 3

Sa Silid Aklatan Bago umuwi sa tahanan ay pumupunta muna sa silid- aklatan sina Hajie, Justin at Cherry upang magbasa ng mga paborito nilang aklat ng mga kuwento. Nais nilang bumilis pa ang kanilang pagbabasa kaya dito sila nagsasanay ng pagbasa. Marami din silang natutuhan sa paagbabasa. 1. Saan pumupunta sina Justin, Hajie at Cherry bago umuwi? 2. Ano ang ginagawa nila sa silid-aklatan? 3. Bakit sila nagbabasa ng kuwento? 4. Ano ang naitutulong sa atin ng pagbabasa ng mga aklat? 5. Kung kayo ay nagbabasa sa silid-aklatan, ano ang mga dapat ninyong tandaan? 4

Halinang Magbasa Si John Paul ay nahihirapan pang magbasa. Naisip ng kanyang mga kaklase na isali siya sa paglalaro. Habang naglalaro sila ay matututo silang bumasa. Tuwang-tuwa si John Paul. Dahil dito ay hindi na siya nahihirapang magbasa. Natuwa ang kanilang guro sa kanilang ginawa. 1. Sino ang nahihirapan pang magbasa? 2. Ano ang ginawa ng mga kaklase ni John Paul? 3. Ano ang naramdaman ni John Paul habang sila ay naglalaro? 4. Bakit natuwa ang kanilang guro? 5. Sa iyong palagay, bakit kailangan nating matutong magbasa? 5

Maghugas Tayo Sina Eunice, Jessel at Raymark ay mga mag-aaral na kabilang sa kulang sa nutrisyon. Ang paghuhugas ng kamay ay isang paraan upang maiwasan ang malnutrisyon. Bago sila kumain ay naghuhugas muna sila ng kanilang kamay. Sinisigurado nilang malinis ang kanilang mga kamay. 1. Sino-sino ang mga batang kulang sa nutrisyon? 2. Ano ang ginagawa nila bago kumain? 3. Bakit kailangang maghugas ng kamay bago kumain? 4. Ano ang dapat tandaan sa paghuhugas ng mga kamay? 5. Maliban sa paghuhugas ng mga kamay, ano pa ang dapat gawin upang maiwasan ang malnutrisyon? 6

Tayo nang Magkulay Nasa unang baitang pa lamang sina Kaye, Aryana at Aleah. Hilig nila ang pagkukulay. Nagkaroon ng paligsahan sa pagkukulay ng mga larawan ang mga mag-aaral sa Baitang Isa. Lumahok sa paligsahan sina Kaye, Aryana at Aleah. Ipinakita nila ang kanilang galing sa pagkukulay. 1. Sino-sino ang sumali sa paligsahan sa pagkukulay? 2. Nasa anong baitang na sila? 3. Ano ang kanilang hilig? 4. Ano ang kanilang sinalihan? 5. Sa iyong palagay, paano nila ipinakita ang kanilang galing sa pagkukulay? 7

Si Bongbing Si Ganie ay may alagang kambing. Ang pangalan nito ay Bongbing. Ito ay kulay itim at may paltak na puti. Maamo at malambing si Bongbing. Hilig nito ang kumain ng damo sa tabi ng kalsada. Lagi niyang inaabangan ang pagdating ng kanyang amo. 1. Sino ang may alagang kambing? 2. Ano ang pangalan ng kambing? 3. Ano-ano ang katangian ni Bongbing? 4. Ano ang hilig ni Bongbing? 5. Bakit siya kumakain ng damo sa may kalsada? 8

Sa Hardin Si Isagani ay isang dyanitor sa aming paaralan. Maaga siyang pumapasok dito upang mawalisan ang malawak na paligid ng paaralan. Pagkatapos magwalis ay nagdidilig naman siya ng halaman. Mahusay siyang mag-alaga ng mga halaman kaya naman hindi nawawalan ng bulaklak ang aming halamanan. 1. Sino ang dyanitor? 2. Bakit siya maagang pumasok sa paaralan? 3. Ano ang ginagawa niya pagkatapos magwalis? 4. Bakit maraming bulaklak ang aming halamanan? 5. Sa iyong palagay, ano ang dahilan kung bakit maraming bulaklak ang mga halaman sa aming halamanan? 9

Ang Sandalyas Mahilig magsuot ng sandalyas si Grace. Isang araw, pumunta sa palengke ang kanyang Lola Auring. Nakakita siya ng isang sandalyas na kasya kay Grace. Agad niya itong binili. Tuwang- tuwa si Grace at nagpasalamat siya sa kanyang Lola. Dali-daling isinuot ni Grace ang sandalyas. 1. Sino ang mahilig magsuot ng sandalyas? 2. Saan pumunta si Lola Auring? 3. Ano ang nakita ni Lola Auring sa palengke? 4. Ano ang naramdaman ni Grace ng bigyan siya ng sandalyas ng kanyang lola? 5.Ano ang ginawa ni Grace matapos siyang bigyan ng sandalyas ng kanyang lola? 10

Ang Baka May alagang baka si Lala. Palagi niya itong iniuula. Isang araw, hindi makita ni Lala ang alagang baka. Labis siyang nag-alala. Hinanap niya ito kung saan-saan. Laking gulat niya nang makita niya ito sa kalsada. Dali-dali niyang ito kinuha at dinala sa kanila. 1. Sino ang may alagang baka? 2. Bakit hindi makita ni Lala ang alagang baka? 3. Saan nakita ni Lala ang alagang baka ? 4. Bakit labis na nag-alala si Lala? 5. Ano ang ginawa ni Lala nang makita niya ang baka? 11

Ang Bangka ni Manong Kiko Si Manong Kiko ay isang mangingisda. Mahusay siyang mangisda. Palagi siyang maraming nahuhuling isda. Dahil dito nakapag-pagawa siya ng sarili niyang bangka. Pinakulayan niya ito ng dilaw. Masuwerteng kulay daw ito para sa kanyang pamilya. Kaya naman lahat sila ay masaya at sama-sama. 1. Sino ang mangingisda? 2. Ano ang ipinagawa ni Manong Kiko? 3. Ano ang kulay ng bangka? 4. Bakit dilaw ang ipinakulay niya sa bangka? 5. Anong uri ng pamilya si Manong Kiko? 12

Ang Tapalang Araw ng Sabado, pumunta sa tabing dagat sina Kenneth upang manguha ng mga kabibe. Ang mga kabibe ay makukuha lamang sa buhanginan. Maraming sustansya ang makukuha dito. Mainam itong kainin ng mga nanay na may maliliit pang sanggol sapagkat nakakapagpadami ito ng gatas. 1. Sino ang pumunta sa tabing dagat? 2. Ano ang kanilang kukunin? 3. Saan nakukuha ang mga kabibe? 4. Bakit mainam kumain ng kabibe ang mga nanay na may maliliit na sanggol? 5. Anong sustansya ang makukuha sa kabibe? 13

Kaarawan ni Reed Ipinagdiriwang ni Reed ang kanyang ika-limang taong kaarawan. Ipinagluto siya ng kanyang Mama ng pansit, lumpiya, spaghetti, keyk at niyubak. Binigyan naman siya ng lobo ng kanyang mga kapatid. Dumalo din ang kanyang mga kaklase sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Masayang-masaya si Reed. 1. Sino ang nagdiriwang ng kaarawan? 2. Ilang taon na si Reed? 3. Ano-ano ang kanyang handa? 4. Sino ang nagbigay ng lobo kay Reed? 5. Ano ang naramdaman ni Reed? 14

Sa Tabing Dagat Ang mag-anak na Llaneta ay pumunta sa tabing dagat. Nagbaon sila ng pansit, tinapay at softdrink. Habang naglangoy sina Arianne, Jayvene at Reed ay inihanda ko ang mga pagkain. Nang umahon ay takam na takam si Reed sa pansit at agad na kumain. 1. Saan nagpunta ang mag-anak na Llaneta? 2. Ano ang kanilang baon? 3. Sino ang mga naglangoy? 4. Ano ang kinain ni Reed pagka-ahon? 5. Sa iyong palagay, bakit kumain agad si Reed ng pansit? 15

Nangilaw Kami Maganda ang panahon at malaki ang hibas. Maraming alagar at pupukan ang siguradong mahuhuli mamayang gabi. Ang mag-amang Oging at Ganie ay naghanda ng pangingilaw. Dala nila ang kanilang lente na gagamitin nilang pang-ilaw. Nakahuli sila ng limang pupukan. Agad nila itong niluto. 1. Sino ang nangilaw? 2. Ano ang dala nila sa pangingilaw? 3. Ano ang kanilang nahuli? 4. Ilan ang nahuli nila? 5. Kailan nahuhuli ang mga pupukan? 16

Ang Pinangilawan Maraming kuray, pupukan, kibit at iba pang lamang dagat ang makukuha sa ating karagatan. Ang tawag dito ay pinangilawan. Nahuhuli ang mga pinangilawan tuwing gabi. Digasa o plaslayt na nagsisilbing tanglaw nila upang mahuli ang mga ito. Nakakahuli din ng isda sa pangingilaw. 1. Ano ano ang makukuha sa ating karagatan? 2. Kailan nahuhuli ang mga pinangilawan? 3. Ano ang ginagamit nilang tanglaw sa panghuhuli nito? 4. Ano pa ang mahuhuli sa pangingilaw? 5. Bakit pinangilawan ang tawag sa kanilang nahuli? 17

Maglalangoy Kami Pumunta ang magkapatid na Joseffe at Rain sa ilog. Nakita nila na malalim ang tubig dito. Nagpaalam sila sa kanilang ina na maglalangoy. Tuwang-tuwa sila at pumayag ang kanilang ina. Patakbong lumusong sa tubig ang magka- patid. Masayang silang nagtampisaw sa malinis na ilog. 1. Sino ang magkapatid? 2. Saan sila pumunta? 3. Bakit gusto nilang maglangoy sa ilog? 4. Ano ang ginawa ng magkapatid nang makita na malalim ang tubig sa ilog? 5. Bakit kailangang magpaalam muna tayo sa ating mga magulang bago gumawa ng isang bagay? 18

Ang Korals Nakakawiling pagmasdan ang mga korals sa ating karagatan. Mayroon itong iba’t ibang uri at kulay. Nagsisilbi din itong tirahan ng mga isda. Malaki ang naitutulong nito sa atin. Huwag nating sirain ang mga korals na makikita sa ating karagatan. Ingatan natin ito at paramihin. 1. Saan matatagpuan ang mga korals? 2. Paano ito nakakatulong sa mga isda? 3. Ano ang dapat nating gawain sa mga korals? 4. Paano ito nakakatulong sa mga tao? 5. Ano ang dapat nating gawain upang hindi masira ang mga korals sa ating karagatan? 19

Aktibong Magulang Sina Jonna, Jaya at Jenny ay mga aktibong magulang sa Paaralan ng Sentral. Tuwing may atag ay maaga silang pumupunta sa paaralan upang mapanatiling malinis ang paligid ng paaralan lalong lalo na taniman ng mga gulay. Maaga silang natatapos dahil sa kanilang pagtutulungan. 1. Sino sino ang mga aktibong magulang? 2. Ano ang ginawa nila kapag may atag? 3. Saan sila naglilinis? 4. Bakit sila maagap na natatapos? 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagiging aktibo? 20

Ang Alagang Itik ni Lance May alagang itik si Lance. Dakling ang pangalan nito. Kulay puti at may paltak na itim si Dakling. Meron siyang anim na anak. Maliliksi ang mga ito. Nakabantay naman si Dakling sa kanyang mga anak. Natatakot siyang mawalay sa kanya ang mga ito. 1. Sino ang may alagang itik? 2. Ano ang pangalan ng itik? 3. Ilan ang anak ng itik? 4. Bakit palaging nakabantay si Dakling sa kanyang mga anak? 5. Bakit kailangang bantayan ng magulang ang kanyang mga anak? 21

Ang mga Babaeng Skawt Napagkasunduan ng mga babaeng eskawt na magsagawa ng paglilinis sa tabing-dagat. Isa ito sa kanilang aktibidad na naglalayon na mapangalagaan ang kalikasan. Pinaghiwa-hiwalay nila ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok. Inilagay nila ito sa sako upang sa pagdaan ng trak ng basura ay agad itong maitapon sa tamang basurahan. 1. Sino ang naglinis sa tabing-dagat? 2. Ano ang kanilang layunin? 3. Paano nila nilinis ang tabig-dagat? 4. Saan dapat itinatapon ang mga basura? 5. Bakit kailangang mapanatili nating malinis ang dagat? 22


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook