Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Obra-Maestra-Alpas (1)

Obra-Maestra-Alpas (1)

Published by Alyssa Nicole Pinoy, 2021-02-19 14:49:23

Description: Obra-Maestra-Alpas (1)

Search

Read the Text Version

ALPAS pakawalan ang sarili

ALPAs Opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Casa Del Niño Science High School ©2021 Alin mang bahagi ng aklat na ito ay ‘di maaaring gamitin nang walang nakasulat na pahintulot ng may karapatang ari.

02.17.21 Editor’s Note -Ang bilis nagdaan ng ikatlong markahan. Parang kahapon lang ay nalaman ko na gagawin namin itong proyekto, at ngayon ay tinatapos ko na ito. -Nais kong isama lahat ng saloobin ko at ang saloobin ng mga kagrupo ko noong ginagawa namin ito. Pakiramdam ko’y mas madarama mo ang piyesa kapag alam mo ang konteksto ng mga ito. 02.19.21 -Huling edit ko na rin. Pasahan na. -Di ako nakagawa pasasalamat kaya dito nalang din. Salamat sa mga tumulong sa akin (at sa amin) dito sa obrang ito. Isa ito sa inaabangan ko ngayong ika-9 na baitang kaya binuhos ko lahat ng damdamin na kaya ko. Gusto ko talagang iikot ang isipan ng mambabasa sa maraming konsepto ng kalayaan. Sana ay matuwa kayo at maramdaman niyo ang mga damdamin na aming nadama habang sinusulat ito. Maraming salamat.

Sa bawat minutong lumilipas, Sa tuloy-tuloy na pagdaloy ng oras, Sa pagbalik sa simula at sa pag-ulit ng huli Ang kaluluwang tanging nais makaalpas APHELION

ALPAS-FREEDOM TO FLY LAURAINE DEAGAN









PAHIMAKAS Oe pagne Ikaw ang nais kahit sa mga panahon ng kababaan nanaisin ka na parang huli na ang lahat na parang ikaw at ako na lamang ang natitira sa mundong ibabaw ipaparamdam ang pagmamahal na karapat dapat mong maramdaman kahit magkakaroon ng panahong masakit kang mahalin ako’y mananatili upang ipaalam sayo na narito ako, mamahalin ka ng buo’t tatanggapin ka ng tunay, kung saan ika’y masaya ako naman na lubos susuportahan ka, kahit saan mo gusto basta’t komportable ka maging sino ka Hinihiling na sana’y hindi dumating sa punto na ayaw mo na, nakakakilabot at takot ang mga maaaring mangyare kaya kung ayaw mo na sana’y sabihin ng ating ayusin kung anong meron saatin.

PAGOD APHELION Sinisigawan muli ako ng orasan. Ang bawat bagong araw na aking Sa bawat tunog ng paikot-ikot tinatahak ay isa nanamang ulit ng na kamay nito, nadarama ko nakaraan. Para bang kung anong ang tibok ng aking puso. Tila ba ang buhay ko ay hindi na para kulay ng aking panaginip ay sa sarili, kung hindi ay sa oras ninakaw sa kanyamaso ng buhay na nagpapadaloy dito. Kisameng ko. Walang katapusang trabaho at naliliwanagan sa araw ng umaga ang bumati sa aking tulog ang aking nagiging bumubukas na mata. katapusan. Ang dating pusong sumisiklab ay tila tumitibok na lamang para mabuhay.

“Sa Araw-araw na may aapak sayo, piliin mo maging ikaw” OE PAGNE

MARKA Pilit hinahabol Damdamin na tumatahol ALEXIAS GYDELI Patuloy lumalayo Nag daan ang mga araw Pagmamahal sayo nag lalaho Tila ba'y sarili ay naligaw Hindi alam ang sagot Sa pagmamahal ko sayo'y wala ng dulot Nawalan na ng sigla Salamat sa saya Pag-ibig nag laho na Na taglay nating dalawa Oras na para bitawan Mga pangakong pinanghawakan Salamat sa sakit Tatalikuran ang nakaraan Nasaakin iyong ipinadama Walang saysay kung ito'y babalikan Nais kong sabihin sayo na hindi tayo para sa Sugat na nag marka Malabo na namagustuhan kita isa't isa

‘KULONG’ APHELION \"Huwag magpakain sa pulang usok. Matakot sa pulang usok\". -Aphiro ANG ILUSTRASYON NA ITO AY NAKALINGKOD SA PIYESANG ‘PULA’ AT ‘CARMINE SMOKE’

TAMAD-TAMARAN ALEXIAS GYDELI Si Bentong ay mahilig magrumi sa kapaligiran. Hindi niya iniisip na masama ang kaniyang ginagawa. Tapon doon, Tapon dito. Iyan ang lagi niyang ginagawa araw-araw. Kahit na pinapagalitan nang kaniyang ina na si Nanay Lina ay hindi parin siya sumusunod nito na huwag magkalat. Palibhasa’y may katulong silang laging inuutusang maglinis ng kalat sa loob at sa labas nang kanilang pamamahay. Dumating ang panahong kailangang umuwi ang kanilang kasambahay sa probinsiya at walang ibang katulong ang pumalit dito. Kaya obligado si Bentong na gawin ang mga utos sa kanilang pamamahay sa loob o sa labas man. Kinabukasan, ipinatapon nang kaniyang ina ang sako-sakong basura sa may eskinita kung saan doon kinukuha ng mga basurero ang mga basura. Ngunit dahil sa pagiging tamad ni Bentong itinapon niya ito sa likod nang kanilang bahay kung saan may ilog doon. Hindi alam nang ina ni Henry ang kaniyang ginawa kaya hindi siya napagalitan nito. Isang gabi habang si Bentong ay mahimbing na natutulog, napakalakas na ulan ang humagupit sa kanilang bayan hanggang sa bumaha. Pumasok sa loob nang kanilang bahay ang tubig at iba’t-ibang klase nang mga basura. Nagulat si Nanay Lina sa nangyari, siya ay nalito kung bakit may mga basurang nagkalat sa loob nang kanilang bahay kung ipinatapon niya ito. Kaya pinuntahan niya ang kaniyang anak at tinanong kung saan nito itinapon ang sako-sakong basura. Sinabi ni Bentong ang katotohanan na sa ilog niya itinapon ang mga basura. kaya nagalit ang kaniyang ina at sinabihan itong linisin ang basura mag isa. Napag tanto ni Bentong na mali ang kaniyang ginawa kaya sinabi niya sa sarili na hinding-hindi na niya iyon gagawin at magiging responsable na siya

PINALAYA APHELION May pitong taong din pinagdaanan Subalit sa akin, ang pinakamasakit Matagal na nakaraang hinding-hindi makalimutan Na aking nakamit sa sawing pag-ibig Kahit alam kong tuloy-tuloy ko lang itong ipinagpapaliban. Na ang sa ating dalawa nama’y walang sumingit Iniiwan ko pa rin sa aking puso’t isipan. Inilalabas na ang salitang naipon na ‘di nabanggit Sa pitong taon maraming pinadama, Hindi ako magsisinungaling at magsasabing “kaya ko na” Sa hirap at ginhawa’y lagi kang kasama Dahil hindi lahat ay kailangan maging masaya Kay bilis naman ng panahon ng ating pagsasama Kaya puso ko’y papatulugin na muna, Kung pwede lang ay ibabalik ko ito sa umpisa. Habang pinipilit na ika’y ipagpaubaya. Palayain na daw kita, laging sabi nila Mga saloobin na ‘di pinaalam at ‘di nabanggit Ang aking pagmamahal daw sayo’y walang mapapala Ipinadarama na lamang dito sa aking awit Pero ano pa nga bang magagawa ng puso kong naulila Nagbabakasakaling makita mo ito at basahin Sa tamis ng pag-ibig mo, aking sinta. Paalam na, mahal, intayin mo nalang ako sa langit. Araw-araw, unti-unti kang pinalaya Naghanap ng iba ngunit wala talaga Patuloy na umaasa sa muling pagkikita Aawatin na ang pusong iniibig ka Sa iyong paglaya, nawala naman ako Isipang naipit sa pader ng puso Sabi nila pag mahal mo palayain mo, Ngunit bakit nakakulong parin ako sayo

‘NAWAWALANG PAG-IISIP’ OE PAGNE

APHELION APHELION Umiinit, lumalamig, umiikot ako muli sa araw na ako mismo pumili. Minsan ay nasaktan na din. Masyadong napalayo, masyadong napalapit. Dito nalang ako nananatili, sa may katamtaman umaaligid, tanging nais ay mapansin. Araw kong kay lakas ng sikat, sa iyong ilaw ako'y nabubulag. Isipang nasiraan, pusong nasaktan, ngunit ito, patuloy sumasabak at binabalikan ang pinagdaanan. Kahit na sa kahuli-hulihan, alam kong ako pa rin ang matatalo sa laban. Aking araw, sana'y maalpasan Ang mundo kong tunay na nahihirapan. Na sa isip ko'y ibalik ang katahimikan, Na ninakaw ng sinag na iyong pinararamdam. Lalayo muli at magpapakasanay, Paalam na lamang. Aphelion.

SIKAP ◂ Si Tasha ay isang masipag na magaaral isa din siyang napaka sipag na panganay siya ay ang palaging natulong sakanyang ina, dalawa lamang OE PAGNE silang magkapatid at ang kanyang kapatid naman ay 2 taon lamang kaya siya ang kadalasan kumikilos. Isang araw ang nanay ni Tasha ay nagkaroon ng sakit sa kadahilanan na hindi pag pasok ni Tasha sa paaralan ng halos isang linggo, sa isang linggo na yon ay nagsumikap si Tasha sa mga gawain sa bahay at pagbabantay at alaga sa kanyang ina at kapatid, kaya naman sobrang pagod neto. At dahil nga mayroong sakit ang ina ni Tasha hindi ito makakapag trabaho kaya naman si Tasha ay siyang humanap din ng sideline upang magkaroon ng income at pangpakain sa kaniyang ina’t kapatid, nang makauwi ito na may dalang pagkain tuwang tuwa ang kaniyang kapatid lalo na ang kanyang nanay “Saan mo ito nakuha” sabi ng kaniyang ina “Humanap po ako ng pagkakakitaan para po kahit papaano nakatulong ako at makahanap ng ating pangkain” sabi naman ni Tasha. Naluha sa tuwa ang kaniyang ina dahil napaka sipag at husay ng kaniyang anak sa buhay at sa pag hahanap buhay kaya naman pagkalipas ng ilang taon siya ay nag tapos sa kaniyang kolehiyo bilang isang Summa cum laude. Ang pinapahiwatig dito sa kwentong ito ay, hangga’t mayroon kang pangarap o kagustuhang makamit sa iyong buhay at pinaghirapan mo ito ng husto lahat ng pagod na iyong hinarap ay paniguradong sulit.

• APHELION BINTANA “Kung ito na nga ba ang paraiso, Bakit makalaya pa ang tanging nais ko?” -TALON

TALON Bintana sa aking harapan. Kama sa likuran. Isasagal ko ba ang kapayapaan ng aking tahanan, APHELION Upang mahanap ang tunay na kasiyahan? Sampung palapag mula sa lupa. Bumabato ng papel, bakasakaling may makakita Sa aking pananatili sa mapayapa ngunit may halong pagdurusa. Kung ito na nga ba ang paraiso, Bakit makalaya pa ang tanging nais ko? Dapat ba kong manatiling masaya at kontento sa kulungan ng buhay ko? Isa, dalawa tatlo. Tinalon ko na palabas Bumilang hanggang sampu, bawat palapag may katumbas. Humanda sa bagsak na dinala ng pagkaalpas. Sa dulo ng daan, sinalubong ng kaibigan. Tuluyang nakaalpas sa pekeng paraiso.

“Katapatan ng loob sa kaibigan, maawain sa mahirap, at tumutupas sa katungkulan ay pupurihin ng bayan ALEXIAS GYDELI

MAIKLING KWENTO • APHELION Pula \"Anak! Lumabas ka nga sa kwarto mo—\" Sa harap ng pintuang nakabukas, isang dalagang unti-unting nawawalan ng buhay. Kinilabutan ang ina sa kanyang nakita. Nagkalat ang pulang putik sa kwarto at ang katawan niya'y nababalutan na din nito. Bakas sa kanyang mga mata ang nais makawala ngunit kita na din ang pagod nito sa mga pagtangka nito umalpas kanina. Ang babaeng ito ay si Aphiro, pinangalan sa isang diyos mula sa mitolohiya ng Griyego na si Aphrodite. Bagamat sa mitolohiya ay sumisimbolo ito ng pag-ibig, sumasalungat dito ang katauhan ni Aphiro. Mapanakit at matulis ang kanyang mga salita at talagang hindi siya nagpipigil sa kanyang saloobin, makasakit man siya ng ibang tao. Para sa kanya, mabuti na lang na ilabas ang galit sa iba kaysa sa sarili. Ngunit saan ba nanggaling ang galit ni Aphiro? Sa kanyang pagkabata ay binigay naman lahat sa kanya, may yaya, mga laruan, at kung ano pang bagong teknolohiya ang inilabas noon. Marami din siyang mga naging kaibigan na laging nakikipaglaro sa kanya. Marami ding nagtataka kung bakit tumagilid ang buhay niya, ngunit hindi niya ito masagot sapagkat lagi siyang puno ng galit.

PULA 'Di nagtagal ay ang kaniyang galit ay hindi na niya hinayaang mawala, ang galit ay sumunog sa kaniyang puso at umusok sa kaniyang utak. Sa APHELION pagkapal nito hindi na rin nakakapag-isip ng ayos si Aphiro. Hanggang sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay sinusundan ng pulang usok. Sa bawat araw ay lalong bumigat ang dinadala ng kanyang ulo. Ang dating usok lang ay naglalabas na ng makapal na pulang putik. Hindi na ito nakayanan ng katawan ni Aphiro at lumabas itong lahat sa bibig niya. Pumaligid sakanya ang putik na tila ang hangarin ay makulong siya. Naghirap si Aphiro makalabas ngunit hindi na niya ito nagawa. Dito na siya naabutan ng Nanay niya na wala nang nagawa kung hindi maiyak sa nakikita niya. Wala na si Aphiro ngunit ang kanyang spirito ay umiikot parin, bumubulong sa bawat isa. \"Huwag magpakain sa pulang usok. Matakot sa pulang usok\".

\"Ang pakikibaka para sa kalayaan ay dapat gawin, kahit na dapat may kalayaan tayo sa kaunaunahan\" LAURAINE DEAGAN

SA SUSUNOD NA GUNITA OE Pagne Sa mga gabing hinahanap ang iyong pagmamahal itinuro ko sa aking sarili na maging mapag-isa sa paraang alam kong kakayanin ko at sa paraang hindi muli ako masasaktan, sa mga nagdaang araw na wala akong ginawa kung hindi ibigay ang lahat upang sumaya ka lang bagkus binalewala mo lang ito, Ako’y nagpapahimakas na, siguro oras na nga talaga na unahin na lamang ang sarili at maghintay sa tamang takda ng oras baka sakaling pag tagpuin muli tayo ng tadhana. Paalam aking buwan, sisikat na ang araw.

SARILI APHELION Nakahiga muli, tumitingin sa pader. Alas-dose na ulit, ngunit hindi makatulog. Lalo akong napaisip sa mga salitang nagpabalik-balik sa aming mga bibig. \"Sino ka ba talaga? Malaya mo bang naipaphayag ang buong katauhan mo?\". Naririnig ko muli ang boses ng aking kaibigan. Sa totoo lang, 'di ko rin naman naisip na mapupunta kami sa usapan na 'yon, ngunit ang laki ng epekto nito sa akin. Itong pinapakita ko sa labas, hindi nga ba ito ang tunay na ako? Humarap ako sa salamin at tinignan ko ang aking sarili, ngunit walang sumalubong sa aking pagtingin. Nawawala na nga ang aking katauhan.

SALAMIN APHELION “Nawawala na nga ang aking katauhan.” -SARILI

THIS BALLAD IS LINKED TO THE PIECES ‘PULA’ ANG ‘KULONG’ CARMINE SMOKE APHELION Fear the creeping carmine smoke Fear the creeping carmine smoke, Transparent mind glowing red Soft muttering yet the place so silent Depressions filled with heaping heaviness Omnipresent was the eldritch terror Out the mouth it bled. In the void, fate intertwines with Soon, the divine face vanished torment. And in its place, blood red havoc Stained face with black corruption \"Fear the creeping carmine smoke, Shifted the sharp mouth static. For your freedom forever it will hold\" In the sweet darkness it holds Words cries by the wailing ghost A throne for which she's betrothed Of a being with stories untold Infusing and piercing the glass skin With the words she once provoked. Fear the creeping carmine smoke Agonizing stares turn from sight Transparent mind glowing red In her eyes, a burning bright purple hue Depressions filled with heaping For only that glare can she say heaviness \"Don't let the smoke consume you\" Out the mouth it bled.

A CANARY’S BALLAD Lauraine Deagan Little bird, little bird The canaries in the coal mine Stuck in a cage, Served as a warning Humming and tuning songs For the people to flee While the workers worked away If the birds were parting As the pick hit the stone Had they not been there All the workers worked alone The workers would be ill Listening to the melody The birds has freed them The birds chirped all day long From death's window still Unbeknownst to them that This is the story of the Canary's warning the poison had been spread Mind their silence, if you not From the coal mines, one by one Then you will be greeted All the birds turned out to be dead with your departing The music was lost, No chirping can be found As the miners were worried Their worries were correct and sound

ESCAPE FROM REALITY oe Pagne | Alexias Gydeli Here comes the moment where I should stop running away from my responsibilities, It’s the feeling that it gives me as I can finally fly not just that but also myself I kept on wasting and letting the time pass by It’s the entire universe in each page I can process. as I talk to myself about letting the sorrow that I felt in my heart proceed, knowing that it’s hard I should’ve known it from the start. Allow me to escape from reality This is the type of phase that I’m trying to keep away from but no, Let me pretend to fly away to my fantasies the reality is a reality even though how much hurt or pain it may cause you, you have to keep looking forward. Let us, then, be up and doing, forward where you have an interest in learning. With a heart for any fate; From what I do not wish to see or understand: reality, It is a slap in the face Still achieving, still pursuing, And I sense it as it approaches, Learn to labor and to wait. But I have no fear, only relief As that ethereal feeling embrace Your soul, you just you’re already close From cutting ties from the reality “Farewell,” I said, “Her bare feet seem to be saying: We have come so far, it is over.”

PAGPAPAKILALA LISTAHAN NG PIYESA: p. PAHAYAG SA ALPAS Daniel Aiken Eduardo bilang APHELION EDITOR IN CHIEF p. PAGOD p. PINAPALAYA Noong una naming napagdesisyunan na ito na ang magiging konsepto ng obra namin, hindi naman ako gaano nahirapan mag-isip. Sa totoo lang ay p. KULONG madami nga akong nakuhang ideya. Madaming pwede maging interprasyon p. APHELION ang salitang Alpas, at gusto kong ipakita ang ilan sa mga dito. Ang una kong nagawa sa obra na ito ay ang makikita ring nasa harapan, na nagtatapos sa p. BINTANA linyang \"Ang kaluluwang tanging nais makaalpas.\". Ito ay nagsisilbing p. TALON panimula sa buong obra, pati na rin sa isa kong piyesa na 'Pagod' na isang p. PULA dagli. Ang temang pinilli ko dito ay ang pagkalaya sa paulit-ulit na gawain. p. SARILI May malaking inspirasyon dito ang isang tinalakay sa amin sa Values. \"Ang tao ay hindi para sa paggawa, kung 'di ang paggawa ay para sa tao.\". Gusto p. SALAMIN ko mapuksa sa damdamin ng mambabasa na kung ang tawag dito ay p. CARMINE SMOKE paghahanapbuhay, bakit nawawala naman natin ang ating buhay? Sa pangatlo kong piyesa, ipinakita ko ang pagpapalaya ng pagmamahal, sa ibang pamamaraan. Ang pagpapaubaya sa mga puwersang hindi natin kayang baguhin. Sa 3 kong piyesa, kung saan ko binuhos ang pinakamaraming oras, ay kabaliktaran ng iba. Dito ko pinakita ang kabaliktaran ng alpas, ang pagkakulong. Tungkol ito sa isang hindi napalaya ng emosyon, isa sa pinakamapangyarihang ibinigay sa ating regalo, kapag nagamit ng ayos.

PAGPAPAKILALA LISTAHAN NG PIYESA: p. PAHIMAKAS CLAUDETTE ALMAREZ BILANG OE PAGNE concept consultant p. PAHAYAG SA ALPAS p. NAWAWALANG PAG-IISIP \"Not really into writing, but when it comes to the point where I can P. SIKAP express what I feel, I pour my heart p. SA SUSUNOD NA GUNITA into it, it's not that bad after all it's valid.\" p. ESCAPE FROM REALITY

PAGPAPAKILALA ALYSSA NICOLE PINOY BILANG ALEXIAS GYDELI While I’m writing, I realized that I started to LISTAHAN NG PIYESA: develop my passion to write and express myself p. MARKA as many as I can without the tendency to force myself just to write. I find it fun to convey p. TAMAD-TAMARAN emotions through short line. Quite challenging, p. PAHAYAG SA ALPAS actually but truly it is fun to write some. p. ESCAPE FROM REALITY

PAGPAPAKILALA LISTAHAN NG PIYESA: p. ALPAS-FREEDOM TO FLY SAMANTHA MAE DE LARA BILANG LAURAINE DEAGAN p. PAHAYAG SA ALPAS Salamat sa aking mga kaibigan na tinulungan ako ayusin p. A CANARY’S BALLAD ang mga litrato sa mga comic at panels na ginagawa ko! Kahit puro mali mali ginagawa ko nandoon lang sila para tulungan nila at isabe kung anong pwede gawin ko upang mapagandahan Madami ako naisip habang ginagawa ko ang gawain na ito, sa isa- Eto ang pinakamahaba na oras na nagtagal habang nagdrdrawing. Naabot ng mga 18 na oras at padagdag ng padagdag kinakailangan ko gawin. Kaya nahirapan ako ibalanse ang aking pagaaral, pagdrdrawing, at mga gusto kong gawin. Pero nagawa ko! Alam ko madami akong ginawang mali habang ginagawa ko ang mga litrato, sana naman di halata dahil mahihiya pa naman ako. Pero ang sobrang saya ko nung nakita ko tapos na ang pinaghihirapan ko dahil ito ang unang beses nakagawa ako ng gentong litrato.

CREDITS Ang slides template na ginamit dito ay galing sa : slidesgo.com Lahat ng litrato at ilustrasyon na parte ng piyesa ay pagmamay-ari ng kanya-kanyang may-akda.

KATAPUSAN. KALAYAAN.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook