Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Pusong-Mulat-Group-4-Grade-9-Curie-2

Pusong-Mulat-Group-4-Grade-9-Curie-2

Published by louiseramirezmarielle, 2021-02-19 09:55:24

Description: Pusong-Mulat-Group-4-Grade-9-Curie-2

Search

Read the Text Version

“Ang mga mahahalagang bagay ay nakikita lamang ng puso”



Larawan ni: Hiraya





Kamusta na kaya ang tinanim na gumamela? Tuluyan na kaya itong nagbunga? Bakas ng mga ala-ala na inukit nang magkasama nakatatak padin sa aking memorya Hanggang ngayon ikaw ay bumibisita Hindi nga lang ako gising pag tayo’y nagkikita Ilang taon pa ba ang bibilangin Upang ang lahat ng ito ay madala nalang ng hangin Ikaw sa aking bisig Ang tanging hilig Kalian kaya ito mararanasan muli Na hindi lang sa pag kukunwari Siguro ika’y masaya na ‘Di naman natin mapagkakakila Na ako sa ating dalawa Ang mas nagpapadama Kaya hindi na nakapagtataka Kung malayo na ang nahatak ng iyong mga paa Kahit na hindi na ako kasama Laging tandaan na mag-iingat ka

Pakiramdam ng pagiging anino Araw-araw na isinasabuhay ko Sa sariling bahay ay para bang isang estranghero, Na bawat kilos at galaw ay kalkulado Mga nakakamit ng ibang miyembro ng pamilya Ay dumadagdag sa aking pagkadismaya Patuloy na pagkukumpara Unti-unti akong sinisira Tahimik na kumakain pag kasabay sila Dahil isang salita lamang ang mabitawan, Maaring gamitin upang luha ay kumawala Kalian kaya nila ako tatantanan? Ang isip ay gulong-gulo ‘Di alam kung paano hihinto Utak ay patuloy na naglalaro Kung ang sasabihin ko ba ito Sana mapansin ang aking hinanakit Sa kada minuto ay inaasam kong mapalapit Ang turing sa inyong aking pamliya Ay sana umapaw ang pag-ibig at kumpyansa

NAMATAAN KO ANG MGA KULAY SA LANGIT ANG MGA ULAP AY TILA NAKAKAAKIT MARAMING NAGSASABING ITO'Y MARIKIT MAGANDANG OBRA NG DIYOS ANG NAKAGUHIT BAWAT ARAW, IBA-IBA ANG ITSURA NITONG HIMPAPAWID NA WARI KAY GANDA M A D A L A S K U H A N A N G A M I T ANG K A M E R A UPANG MAIPAKITA SA BAWAT MADLA PAGTINGIN SA TAAS AKING NAHILIGAN ITO'Y BUMISITA NUNG AKO'Y MAWALAN BUMULONG SA'KIN NA 'DI ITO HANGGANAN KAYA'T WAG MAWALAN NG PANININDIGAN KAPAG ANG AKING ISIPAN DUMIDILIM AT BUMIBIGAT ANG MGA AKING DAMDAMIN LIWANAG AY MAHAHANAP SA ILALIM NG ISANG KAMANGHA-MANGHANG TAKIPSILIM

SKmMauaanpytagagtgaaisnnnitkgaoawlntugpnpag'ayagrm-aawasaysrtaoaoydnoangkogbniygasyialannggan tinatataglay Sa dagat may gintong tanging kayamanan. SSaa ptuulsoongngngdalagmatbkaatmati sniapkaaghnilgigbisig Ang alo't amihan na laging kasama Ang unos sa laot hindi alintana. UmKapamagniitngingmgmapagaduanrlaadgaittomnagybmayiathniinnagtin Sa buong sambayanan iaalay namin Ang puso at lakas dugo't buhay namin. MgSianabgigaaiynliadwnagngkosnimg umlaaihnatl,inbaatyaagnlagy namin. Sa bagong panahon iaalay namin Ang puso at lakas dugo't buhay namin.

O kay ganda ng Perlas ng Silanganan ko Ako’y namamangha sa kalikasan mo Ang ‘yong lupa’y umaapaw sa yaman mo Walang makahihigit pa sa kariktan mo Ngunit nang tumapak sa’yo ang mga tao Ang lupa mo ay sukdulang inabuso Ang ningning mo’y unti-unting naglalaho Ang mga yamang sinamsam mula sa iyo Maibabalik pa ba ang iyong ganda? O sa larawan na lamang makikita? Ang karagatang punong-puno ng isda At mga tanawing linikha ni Bathala O aking mahal na Perlas kong marikit Sana’y magwakas ang ‘yong dusang pasakit At ang masagot na ang tanong na bakit Dumating sa’yong paraiso ang lupit



DALAWANG ASO Ni: Refugitta



Ni: Ellesita





Ni: Ahedres































KATHANG-ISIP- LOUISE MARIELLE RAMIREZ (ELLESITA) 6 SINO- LOUISE MARIELLE RAMIREZ (ELLESITA) 7 TAKIPSILIM- ELIANA JENESSA DEL PILAR (HIRAYA) 8 MANDARAGAT- RYAN JACOB DUERO (REFUGITTA) 9 ANG DATII MONG NINGNING PERLAS KO- MICHAEL EMRICK MILAN (AHEDRES) 10 DALAWANG ASO- RYAN JACOB DUERO (REFUGITTA) 12-13 TAGO- LOUISE MARIELLE RAMIREZ (ELLESITA) 14-16 TALINONG PEKE- MICHAEL EMRICK MILAN (AHEDRES) 17-18 ANG PAGMAMAHAL NG MATALIK NA KAIBIGAN AY HINDI KUMUKUPAS- MICHAEL EMRICK MILAN (AHEDRES) 19-21 AKING BULAKLAK- ELIANA JENESSA DEL PILAR (HIRAYA) 23 ANG MALAKING PAMILYA NI LEE- ASO- RYAN JACOB DUERO (REFUGITTA) 24 IDOLO- LOUISE MARIELLE RAMIREZ (ELLESITA) 25 PAGSULONG- ELIANA JENESSA DEL PILAR (HIRAYA) 29

TO YOU- ELIANA JENESSA DEL PILAR (HIRAYA) AND LOUISE MARIELLE RAMIREZ (ELLESITA) 31 OUR SPECIAL FAMILY - RYAN JACOB DUERO (REFUGITTA) AND MICHAEL EMRICK MILAN (AHEDRES) 32




Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook