Most Essential Learning Competencies (MELC’S) Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain. EPP4HE-0i-14 Nakapagpapakita ngpagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa. EsP4P- IIa-c–18 Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan/ pangangailangan ng kapwa . EsP4P- IId–19 Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon. EsP4P-IIf-i– 21
Treasury of Storybooks ………………………………………….. This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition that payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public character. For the purpose of citation, the following is recommended. Karl Gabriel G. Buenafe, Ang Mandaragat at ang Munting Mandaragit,. DepEd-BLR, 2022 DEVELOPMENT TEAM Writer & Illustrator: Karl Gabriel G. Buenafe Learning Resource Managers: Loida P. Adornado Cyril C. Serador Ronald S. Brillantes Rhea Ann A. Navilla Eva Joyce C. Presto Puerto Princesa City MIMAROPA REGION
Maliwanag ang kalangitan at payapa ang dagat sa baybayin ng Tagnipa. Senyales ng magandang panahon upang manghuli ng isda. Gamit ang lambat mula sa kaniyang munting bangka na gawa sa pinagsama-samang bagay. Mabilis na bumulusok si Banoy sa pagsisid. Sampung talampakan ang lalim nito ngunit madali lamang ito para sa kaniya. Subalit, wala siyang makitang bakas ng isda sa paligid, wari’y nararamdaman ng mga isda ang pagdating ng tao sa kanilang tahanan. Bilang isang batang Badjao, mahusay siya sa paglangoy ngunit di pa nito lubos na nalalaman ang pamamaraan sa paghuli ng isda.
P agkabigo. Pagod. Gutom. Tila umiiwas ang kawan sa tuwing siya ay lalapit. Mahirap makahuli ng isda lalo pa’t nag-iisa lamang ito tuwing naglalayag. Kahit gaano pa man kapayapa ang dagat o hindi-kaya’y bahagyang maalon ay sinisikap ni Banoy na mangisda upang kahit papaano ay makatulong siya sa kaniyang ina sa mumunting nitong pamamaraan. HAAAAAAAAAYYYYYY!!! Umuwi itong walang huling isda, tanging mgav baryaw-baryaw (halamang dagat) lamang na sumabit sa kaniyang lambat. “Siguro ay hindi na talaga ako makakahuli ng isda,” malungkot na wika ng bata sa kaniyang Ina. Nababawasan na rin ang bilang ng kawan, buhat na rin ng komerysal na panghuhuli ng mga malalaking barko sa karagatan. Nais makatulong ni Banoy sa kaniyang Ina at makaipon ng sapat na pera.
“Tatlong araw pa bago dumating ang iyong Ama, konting tiis pa at wag kang mawawalan ng pag-asa, makakahuli ka rin ng isda Banoy!” Sambit ni Masinag habang pinapagaan ang loob ng anak. “Ang kalikasan ay nagbibigay sa ’tin ng lahat ng pangangailangan sa buhay, kailangan lang nating igalang at pahalagahan ito. Bilang Badjao, tayo at ang dagat ay iisa,” mahinahong paliwanag ng Ina. Naiinggit si Banoy sa mga nakatatanda nitong mga kaibigan na bihasa na sa paghuli ng isda, pakiramdam niya ay tila siya ang napag-iiwanan sa kanila.
Kinaumagahan, isang kakaibang ibon ang bumungad sa kaniyang bintana. Maingay itong humuhuni. KEEEEEEEEEEEK! KEEEEEEEEEK!!! KEEEEEEEEEEK! Isa itong Ibong Mandaragit. Sabi ng mga matatanda, kapag nakakita ka ng Ibong ito, ay magdadala ito ng suwerte sa iyo. Patuloy pa rin ito sa malakas na paghuni. KEEEEEEEEEEEK! KEEEEEEEEEK!!! KEEEEEEEEEEK! Sunod-sunod na maingay na huni ng ibon na tila may gustong iparating.
“ALpaIIgIkIIaIiInIIdIiItIoII!”IISSi!gaAwAAniAABaAnAoRy.GHHHHHHH! Wala kaming
KEEEEEEEEEEEK! KEEEEEEEEEK!!! KEEEEEEEEEEK! Dali-daling lumipad ang ibon papalayo, ngunit habang lumalayo ay nakatitig pa rin ito sa kaniyang kuwarto. Para kay Banoy hindi dapat naniniwala at umaasa lamang sa suwerte, kailangan ay magsumikap at magtrabaho. Bagamat ang kaniyang Ama ay nasa laot upang mangisda, kailangan niyang tulungan ang kaniyang Ina sa mga gawaing-bahay, na mahigpit na bilin ng kaniyang Ama.
Maaga pa lamang ay sinubukan ni Banoy ang maglayag. Mula sa himpapawid ay tila minamatiyagan siya ng Ibong Mandaragit, paikot-ikot ito sa paglipad. KEEEEEEEEEEEK! KEEEEEEEEEK!!! KEEEEEEEEEEK! Palakas nang palakas ang huni ng Ibong tila may gustong ipahiwatig. KEEEEEEEEEEEK! KEEEEEEEEEK!!! KEEEEEEEEEEK! Banayad ang alon at napakalinaw naman ng tubig, ngunit nang dahil sa ingay ng ibon ay nabulabog ang mga kawan ng isda.
KEEEEEEEEEEEK! KEEEEEEEEEK!!!KEEEEEEEEEEK! Tila may pakiusap ang Ibong Mandaragit kay Banoy sa paulit-ulit nitong mga pagtangkang dumapo sa kaniyang layag. Nang biglang...
SHOOOOO! Umalis ka dito! Alis!” Galit na sigaw ni Banoy. Mabilis na lumipad palayo ang ibon ngunit nagpatuloy sa pagsunod sa kaniyang bangka mula sa malayo. Balisa at palingon-lingon si Banoy sa paligid upang makasigurong wala na ang ibon. KEEEEEEEEEEEK! KEEEEEEEEEK!!! KEEEEEEEEEEK! Ngunit hindi tumitigil ang pursigidong ibon. Pagkabigo. Pagod. Galit. Gutom Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Banoy. Nawalan na rin siya ng ganang mangisda. Ang kaniyang pagsagwan ay unti-unting bumigat, hindi na rin matimbang ang hampas ng alon sa kaniyang bangka.
P agkabigo. Pagod. Galit. Gutom. Pagkadismaya. Umuwi na namang walang huling isda si Banoy. Habang nakatitig sa mga butas sa kanilang sahig ay sinabi nya sa sarili. “Akala ko’y pag nagpakita sa akin ang Ibong Mandaragit ay makakatanggap ako ng suwerte, bakit tila parang mas lalo akong minalas?” Bihasa ang mga Badjao sa pangingisda, nagpasalin-salin ang kanilang kakayahan mula sa kanilang mga ninuno. Kung kaya’t nagsusumikap si Banoy upang maging isang mahusay na mangingisda.
Malungkot na kinausap nito ang kaniyang Ina upang sabihin na siya ay ginambala ng ibon sa pangingisda. “Nay, bakit po kaya mahirap makahuli ng isda? Kahit anong gawin kong pagsisid ay tila tinatakbuhan lang ako ng mga ito. May Ibong Mandaragit kasi na ginugulo ako sa pangingisda,” sumbong pa nito. “Sigurado akong may gusto itong sabihin sa iyo anak, o hindi kaya’y nais nitong humingi ng tulong sa’yo.” Tugon ng kaniyang ina. Ibinalita rin ng kaniyang Ina na sa susunod na dalawang araw ay uuwi na ang kaniyang Ama mula sa laot.
Kinaumagahan, muling nagpakita ang makulit na ibon sa kaniyang bintana. Sa pagkakataong ito ay naalala ni Banoy ang sinabi ng Ina tungkol sa maaring pahiwatig ng ibon. Dito niya napansin ang isang basura na nakapulupot sa leeg ng munting ibon. “Ito na siguro ang dahilan kung bakit pilit na lumalapit sa’ kin ang Ibong ito, humihingi pala ito ng tulong,” realisasyon ni Banoy sa sarili. Pagkabigo. Pagod. Galit. Gutom. Pagkadismaya. Ito rin siguro ang nararamdaman ng Ibong ito!
W alang alinlangan niyang nilapitan ang ibon at inalis ang pagkakabuhol ng basura sa leeg nito. “Ayan! Wala nang sagabal sa iyo, hindi kana mahihirapan sa iyong paglipad!” Tila naman nagkakaunawaan ang ibon at ang batang Badjao na waring nagdudugtong ang kanilang kapalaran. “Patawarin mo ako munting ibon,” sambit ni Banoy.
Tuwang-tuwa ang Ibong Mandaragit. Pinagaspas nito ang kaniyang makukulay na pakpak, palukso-lusko pa ito sa kaniyang bintana. Asul, dilaw at puti—nagningning ang mga balahibo nito na tumama sa sinag ng araw kasabay ng pag-ihip ng banayad na hangin m ulaLsaakdinaggagt.ulat ni Banoy sa naging reaksyon ng ibon sa kaniyang ginawang pagtulong. KEEEEEEEEEEK!KEEEEEEEEEEK! KEEEEEEEEEEEK! Galak na galak ang Ibong Mandaragit sa kaniyang paghuni. Ito marahil ang paraan nila ng pagpapakita ng pasasalamat.
N ang umaga ring iyon, dali-dali siyang nagpaalam sa kaniyang Ina. Payapa ang kalangitan, mataas ang sikat ng araw at kalmado ang dagat. Mabilis siyang sumagwan papalayo. “Mukhang makakahuli na ako ng isda ngayon! May pag-asang wika ni Banoy! Nagsilbing gabay sa paglalayag ni Banoy ang maliksing ibon. KEEEEEEEEEEEK!KEEEEEEEEEEEEEEK KEEEEEEEEEEEK! Kapansin-pansin ang itinuturo nitong direksyon. Habang nasa ere ang ibon ay saglit itong tumigil sa isang bahagi ng karagatan, pagkatapos ay paikot-ikot —paroon at parito na tila nagbibigay ng isang magandang senyales kay Banoy.
Buwenas! Agad napansin ni Banoy na dito pala nagkukubli ang kawan ng isda. Dahan-dahan siyangsumagwan papalapit. Gamit ang kaniyang lambat, mahinahon niyang binalutan ang mga isda. Isa, dalawa, tatlo! Hanggang sa hindi na mabilang ang kanilang nahuli.
KAAAPLLLAAAAAAAAAASSSHH! Ikinamangha ni Banoy ang pagbulusok ng Ibong Mandaragit na tila ba’y sinamahan siya sa pagsisid. Mabilis itong nakahuli ng maliit na isda mula sa kaniyang tuka.
Sa pag-uwi ni Banoy ay masaya niyang iniyabang ang mga nahuling isda sa kaniyang Ina. Ikinuwento rin niya ang pambihirang paglalakbay kasama ang Ibong Mandaragit na siyang naging susi sa kaniyang maituturing na matagumpay na huli. “Totoo palang may dalang suwerte ang Ibong Mandaragit,” sabi ni Banoy. Ngumiti ang kaniyang Ina, “Ang tunay na suwerte ay hatid ng pagmamalasakit natin sa kalikasan.”
Kinabukasan ay ginising si Banoy ng isang pamilyar na tunog ng bangka mula sa hindi kalayuan— RA KA TA KA TAKA TAK TAK TAK! “Banooooooy! Masinaaaaag!” sigaw ni Armillo.
Malinaw pa sa sikat ng araw ang ngiti ni Armillo dahil sa banye-banyerang nitong sorpresa. At nang tumigil ang bangka, ay hindi napigilang tumalon ni Banoy upang yakapin nang mahigpit ang kaniyang Ama. Ipinakita rin niya ang kaniyang munting bangka sa Ama. “Tay! ginawa ko po ito, ginamit ko ang mga basura na inanod sa tabing-dagat, ang mga lumang lubid naman ay siyang ginawa kong pantali, at ang sira po ninyong sagwan ay pinalitan ko ng hawakan,” buong pagmamalaking wika ni Banoy. At doon niya kinuwento ang kaniyang paglalakbay kasama ang munting Mandaragit.
Bilang pasasalamat, naghandog ang pamilya ng munting regalo. Tatlong pirasong galunggong na pilit nitong pinagkasya sa kaniyang maliit na tuka. “Salamat sa iyo kaibigan, ipinapangako naming mula sa araw na ito, kami ay magtutulungan upang linisin ang karagatan sa abot ng aming makakaya,” wika ni Banoy.
P agkabigo. Pagod. Gutom. Galit at Pagkadismaya. Ay siya namang nasuklian ng Kabutihan, Pag-asa, Pagbibigayan, at higit sa lahat, Pagmamahalan. ~Wakas ~
Ano ang nagdadala ng malas o suwerte sa ating buhay? Ito ba ay nakaguhit sa ating kapalaran o sadyang bunga ng ating pakikisalamuha sa kalikasan? Tayona’t maglayag kasama si Banoy at ang Munting Mandaragit
Search
Read the Text Version
- 1 - 44
Pages: