Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore nang mangarap si mita spread

nang mangarap si mita spread

Published by kaloy Buenafe, 2023-02-07 08:52:48

Description: nang mangarap si mita spread

Search

Read the Text Version

Isinulat ni: Enrile O. Abrigo Jr. Iginuhit ni: Glendale John V. Felizarte



Most Essential Learning Competencies (MELC): Technology and Livelihood Education VI TLE6AG0a-1 Week 1: Discusses the importance of planting and propagating tress and fruit-bearing trees and marketing seedlings.

Treasury of Storybooks …………………………………………. . This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition that payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public character. For the purpose of citation, the following is recommended. Nang Mangarap si Mita, DepEd-BLR, 2022 DEVELOPMENT TEAM Writer: Enrile O. Abrigo Jr. Illustrator: Glendale John V. Felizarte Lay-out Artist: Jared Josiah A. Lim Learning Resource Managers: MIMAROPA Region Management Team - Nicolas T. Capulong PhD, CESO III, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez SDO PPC Management Team - Loida P. Adornado PhD, CESO VI, Cyril C. Serador PhD, Ronald S. Brillantes, Rhea Ann A. Navilla, Eva C. Presto MPuIeMrtAoRPOriPnAceRsaegCiiotny





Sa ilang beses na nagpapalit-palit ang panahon ng tag-ulan at tag- init ay mabilis na tumubo ang mga punla ng manggang pananim ni Tatay Pico. Nasaksihan ni Mita kung paano ito inalagaan ng kaniyang ama sa loob ng nakalipas na limang taon. “Mita, tignan mo ang mga punong mangga!” Pangunahing produkto ng kanilang nayon ang katchamita na isang uri ng mangga na may maliliit na bunga. Kung ito ay hinog, malinamnam at matamis ang laman nito. Ngunit mas kinagigiliwan ang maasim at malutong nitong bunga lalo kung hilaw. Sa katunayan dito hango ang pangalan ni Mita, ito kasi ang pinaglihian ng kaniyang ina.

Pagkatapos ng ginintuang pamumulaklak ay nagsisimula na ang panahon ng pamumunga. Kinasasabikan ni Mita ang pagdating ng panahong ito dahil nais niyang tulungan ang ama sa pag- aani ng mga bunga. Patuloy na naglibot-libot ang dalawa. Namamangha pa rin si Mita sa hilera ng mga punong mangga kahit pa madalas naman niya itong nakikita. “Tantya ko nasa limampung kilo kada puno ang ating aanihin. Kapag naibenta ito, ibibili kita ng laruang pandoktor. Gusto kong maging doktor ka!” Tahimik lamang si Mita. Sa isip niya, hindi siya sigurado sa hiling ng kaniyang ama. “Gusto ko rin bang maging doktor?”



aagaw ang atensyon ni Mita ng isang puno sa tagong bahagi Nng manggahan. “Kakaiba ho ang punong ito sa lahat!” Pagtawag-pansin ni Mita sa kaniyang Tatay. Ang punong tinutukoy ni Mita ay isang puno na nangingitim ang mga dahon. Halos wala rin itong bunga, kung mayroon man ay puro pekas ang balat. Ang mga puno at sanga ay may kapansin- pansing mga pantal na tulad ng puting pulbos. Nabahala si Mita sa anyo ng puno. Alam niyang may sakit na dumapo rito.

Agad sinuri ng ama ang palibot ng punong kakaiba. Inabot niya ang isang sanga at kaniyang sinipat-sipat -- may mga maliliit na kagat ang mga dahon. Pumitas rin siya ng bunga nito. Bansot ang prutas na kaniyang nakuha, mayroon itong mga pekas sa balat. Pinangos ni Tatay Pico ang laman ng mangga na sagad hanggang buto. Kakaibang nilalang ang bumungad sa dilaw na katad -- mga bukbok at insekto!

Nagsimulang magkuwento si Tatay Pico. Binatilyo pa raw siya noon nang unang natuklasan ang mga insektong ito sa lalawigan ng Palawan. Tinawag itong pulp weevil, mga peste na nagpaparami sa loob ng mismong bunga ng mangga. Nagbalik-tanaw si Tatay Pico dalawang dekada ang nakararaan. Isang malagim na pangyayari nang lusubin ng mga salot ang mga mangga na dapat sana ay kanilang aanihin.

Dahil hindi nila ito napaghandaan, pagkalugi ang naging dulot nito sa kanila. Hindi nakapag-ipon ang kanilang pamilya kung kaya ay natigil sa pag-aaral sa kolehiyo ang noo’y binatang si Pico. “Hindi biro ang maging magsasaka. Maliit ang kita, minsan ay nalulugi pa. Kaya, anak mag-aral kang mabuti upang maging doktor ka.”



Ngunit ang pagiging doktor ng mga halaman ang umiral kay Mita. “Itay, kailangan na po nating gamutin ang punong ito.” Hindi sumagot si Tatay Pico dahil alam niyang walang gamot na tuluyang pupuksa sa mga peste. Matagal nang sinusugpo ang mga peste ngunit matibay itong kalaban na pabalik-balik lamang ang ginagawang pamiminsala. “Itay, ano po ang dapat gawin sa mga punong may-sakit?” “Dapat na itong putulin -- ”

indi na napigilan pa si Tatay Pico. Unti-unti niyang tinaga ang Hpunong may-sakit. Tsak! Tsak! Tsak! Tila ramdam ni Mita ang bawat hampas ng pagbabakbak sa puno. Ngunit nagtitiwala siya sa ginagawa ng ama na ito’y mabisang paraan sa pagkontrol ng mga peste upang hindi na makahawa pa. “Itay, ano po ang gagawin diyan pagkatapos putulin?” “Dapat na itong sunugin!” Tssshhhhhhhh….Blagag! Ang punong may-sakit ay tumimbuwang. Tuluyan nang naputol at bumagsak sa lupa ang puno.

N akaisip ng isang mabuting ideya si Mita. “Alam ko na!” Kumuha siya ng papel at lapis, at nagsimula siyang gumuhit.

Agad tinungo ni Mita ang kaniyang ama bitbit ang papel. Samantalang si Tatay Pico ay nagsisimula nang pagputol- putulin sa mga piraso upang gawing panggatong. “Itay, maaari ba ninyo akong igawa nito?” Sabay abot ni Mita sa papel. Namangha si Tatay Pico nang makita ang laman ng papel. “Mabuting ideya nga ito, anak!”

Nagsimulang magkarpintero si Tatay Pico. Tumulong din si Mita sa kaniyang ama. Mabilis nilang natapos ang lamesita at bangkito. “Hindi man ito katulad ng iginuhit mo, anak, tiyak kong magugustuhan mo rin ito.” “Salamat, itay. Gagamitin ko po iyan sa aking pag-aaral.” “Tama iyan! Para matupad mo na ang pangarap ko na maging doktor ka.”

Muling natahimik si Mita dahil sa winika ng ama. Malalim siyang nag-isip kung paano niya sasabihin kay Tatay Pico ang tunay niyang pangarap. “Kung magagamot ang mga manggang may-sakit, hindi lamang punong-kahoy ang mapakikinabangan natin, di po ba?” Tangkang pagpapaliwanag ni Mita. Tumango si Tatay Pico na nabibilib sa katuwiran ng anak. “Gusto ko pong makatulong sa mga tao, pero hindi po sa pagdodoktor. Mayroon po akong pangarap, itay.” Nagliwanag ang mga mata ni Mita sa pangarap na unti-unti niyang binubuo. Hindi man siya makapanggamot ng mga taong may-sakit, masaya naman siyang makapag- alaga ng mga puno at halaman. Nakikita niya ang sarili na nagpaparami ng malulusog na pananim balang araw.





“Ano ba ang pangarap mo?” “Gusto ko pong maging tulad ninyo. Gusto ko pong maging magsasaka!” Buong sigla niyang tugon. “Kukuha po ako ng kursong agrikultural sa kolehiyo, itay.” Mayroong katiyakan sa tinig ni Mita. Napangiti si Tatay Pico. Niyakap niya si Mita nang buong higpit. Nadama niya ang katapatan ng damdamin ng anak sa kagustuhan nitong makatulong sa kanilang manggahan. “Hindi dahil ayaw mong maging doktor ng mga tao ay puputulin ko na rin ang pangarap mong maging doktor ng mga halaman. Tama ka Mita! Kailangan sa hinaharap ng mga magsasakang katulad mo.”

Ano ang Mango Pulp Weevil? Ang lalawigan ng Palawan ay ang nag-iisang lugar sa Pilipinas na kinakitaan ng impestasyon ng mango pulp weevil (Sternochetus frigidus) kung kaya ay mahigpit na ipinagbabawal ang eksportasyon ng binhi, punla, o bunga ng mga mangga na ilabas sa Palawan lalo na mula sa bahaging Norte ng lalawigan. Sa kasalukuyan ay patuloy na kinakalaban ng mga magsasaka sa Palawan ang pesteng ito na halos tatlong dekada nang namiminsala sa pamamagitan ng paggamit ng insecticides, pagbabalot ng mga bunga nito sa papel, at pagka- quarantine.

Tungkol sa Awtor at Ilustrador Si ENRILE O. ABRIGO JR ay isang guro sa Palawan National School, Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa. Siya ay Tagapayo ng mga estudyanteng nahihilig sa dyornalismo, gayundin ay pinasok na rin niya ang larangan ng pagsusulat ng mga Kuwentong Pambata. Ilan sa kaniyang mga akda ay inilahok niya sa National Competition on Storybook Writing (NCSW) tulad ng “Bakit Walang Kaibigan si Jun-Jun?”, “Ang Sopas ng Tatlonghari”, “Nang Mangarap si Mita”, at ang mga premyadong “Kumusta, Ola?” at “May Mahabang Pila sa Kagubatan” na nagwagi sa ikaapat na edisyon ng NCSW. Paborito niyang paksa ay patungkol sa kalikasan at mga hayop na natatangi sa kaniyang pinakamamahal na bayang sinilangan, ang Palawan. S i GLENDALE JOHN V. FELIZARTE ay isang guro sa San Miguel National High School ng Lungsod ng Puerto Princesa. Siya ay nagtuturo ng asignaturang Matematika, ngunit bukod sa kaniyang pagkahilig sa mga numero, ay mahilig din siyang magbasa ng maiikling kuwento at gumuhit ng iba’t ibang paksa na nakapupukaw sa kaniyang interes. Minsan na rin siyang nakilahok sa National Competition on Storybook Writing (NCSW) sa kaniyang pagguhit sa kuwentong “Nang Mangarap si Mita” na kabilang sa ReadEx Pick ng ikaapat na edisyon ng NCSW.

Ano’ng gusto mo sa iyong paglaki? Ito rin ba ang pangarap ng iyong mga magulang para sa iyo? Katulad mo rin si Mita na may sariling pangarap. Abutin ang iyong nais na maging enhinyero, titser, doktor o kung ano pa man ang iyong pangarap sa buhay. Tiyak may maliwanag na kinabukasan ang sa’yo ay naghihintay!


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook