Most Essential Learning Competencies (MELC): Science IV Quarter 4, Week 3: Trace and describe the importance of the water cycle.
Treasury of Storybooks …………………………………………. . This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition that payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public character. For the purpose of citation, the following is recommended. Kumusta, Ola?, DepEd-BLR, 2022 DEVELOPMENT TEAM Writer: Illustrator: Lay-out Artist: Learning Resource Managers: Freddie Rey R. Ramirez MPuIeMrtAoRPOriPnAceRsaegCiiotny
Mahimbing akong nakatulog mula sa isang mahabang pamamahinga. Paggising ko’y malaki na ang pinagbago ng kapaligiran. Ilang saglit pa’y umihip ang mainit na hangin. Ito’y bumulong sa akin. “Kumusta, Ola? Mabuti naman at gising ka na,” wika ng mahiwagang boses. “Teka, sino po kayo?” “Kailangan mo nang umuwi sa mga ulap.” “Sa mga ulap? Hmmmp! Maglalaro pa ako eh!” Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Hindi ko na lamang siya papansinin.
Ang dating luntiang damuhan kung saan kami naghahabulan ay naging bitak na lupa. Nalagas din ang mga dahon sa mga puno kung saan madalas kami naglalaro ng taguan-pung. Ano kaya ang nangyari? Kaytindi pa ng sikat ng araw. Baka tangayin ako ng alikabok!
Pero sabik talaga akong makipaglaro. Nasaan na kaya ang mga kaibigan ko? Dumating si Dungon (Palawan Otter), ang kaibigan kong bida sa taguan-pung. “Kumusta, Ola?” Wika ni Dungon. “Kumusta rin, kaibigan? Tara maglaro tayo!” Masaya kong tugon. “Hindi puwede, Ola. Di mo ba nararamdaman? Paparating na ang isang biyaya! Kailangan kong patibayin ang aking tahanan sa gilid ng ilog.” “Halika na, makipaglaro ka muna sa akin. Matagal pa naman iyon!” “Hindi ito ang tamang panahon para maglaro. Paparating na si Habagat!” Hmmp! Maghahanap na lamang ako ng ibang kalaro!
Muling umihip ang hangin at tinangay ako nito papunta kay Bising (Palawan Squirrel). Siya ang kaibigan kong pinakamabilis sa larong habulan. Sigurado ako, sabik na siyang makita ako! “Kumusta, Ola? Halika, tulungan mo akong mag-ipon ng pagkain.” Anyaya ni Bising. “Marami ka na yatang naipon. Tama na iyan. Maglaro muna tayo!” Tugon ko. “Hindi muna ako makikipaglaro. Mas mahalaga ang makapag-ipon bago dumating si Habagat.” Si Habagat na naman? Hmmp!
Alam ko na! Bibisitahin ko ang mga kaibigan kong bulaklak. Ako yata ang paborito nilang kalaro. Biglang umihip ang hangin. Tinangay ako nito patungong kapatagan ngunit nabigla ako nang makita ko sila.
“Hok! Hok! Hok!” Paubo-ubo ko silang naabutan. “Hak! Hak! Hak!” Hirap pa silang huminga. “Naku po! May sakit ang mga bulaklak!” Nagitla kong sabi. Nalanta ang sariwa nilang ganda. Namayat ang kanilang mga tangkay. Nalagas ang kanilang dahon. Pati ang kanilang bulaklak ay nangungutimtim!
“Kumusta, Ola? Sa wakas ay nandito ka na. Tulungan mo kami!” Nanghihinang wika ng mga bulaklak. “Ano ang maitutulong ko? Gusto ba ninyong maglaro tayo?” Nag-aalala kong sagot. “Napakahaba ng tagtuyot, Ola. Hindi kami mabubuhay sa ganito kainit na klima.” Nakakaawa sila. Ano kaya ang puwede kong gawin? Alam ko na! Bigla kong naalala ang kuwento nina Dungon at Bising tungkol kay Habagat.
“Wooohoooo?! Habagat? Nariyan ka ba? Wooohooo?!” Kaagad umihip ang malakas at mainit na hangin. “Kumusta, Ola? Ako ba ang hinahanap mo? “Habagat? Tulungan mo ang mga kaibigan ko!” Mabilis akong isinakay ni Habagat para lumipad. Sa aming unti-unting pag-angat sa lupa ay tumatagos sa akin ang sikat ng araw, dito ay nagbabago ang aking anyo bilang isang usok.
“Ahhh...napakainit. Tumatagos ang init sa aking mga kristal! Nagiging usok ako sa kawalan!” Nangangamba kong wika. “Huwag kang matakot, Ola. Magtiwala ka lamang sa iyong kakayahan.” Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nagtiwala kay Habagat.
“Nakakatakot. Akala ko ay katapusan ko na! Hayssst!” Pagmulat ko ay nasa loob ako ng makapal na usok. Kung kanina ay napakainit ngayon naman ay napakalamig! Nagbago rin ang aking hugis. Sumingaw ako’t dumami. Nakamamangha ang paglutang-lutang ko sa loob ng usok.
“Maligayang pagdating, Ola!” Matagal ka na naming hinihintay!” Sabay-sabay na bati ng mga boses. Napakarami pala naming tulad kong mumunting butil ng kristal. Lahat sila ay sabik sa aking pagdating. “Ikaw na lang ang hinihintay para mapuno na itong ulap.” Ito na pala ang ulap? Naghahalong init at lamig ang pakiramdam sa loob nito. “Ahhh…Pero, anong ginagawa natin dito? Gusto niyo ba ako maging kalaro?” Nagtawanan lamang ang mga boses sa loob ng ulap. “Mamaya, malalaman mo rin.”
Nang biglang… Kabooooom! Dugudugudung! Sa halip na matakot ay nagbunyi pa ang mga nasa loob ng ulap. “Yeheey! Lulundag na tayo!” Masayang-masaya sila. Ako naman ay kabadong-kabado. Di ko sila naiintindihan noong una pero nakararamdam na rin ako ng saya kagaya nila. At dumilim ang ulap. Bumigat din ang ulap. Umandar ito patungong kapatagan. Nagmamadali at nag-uunahan na ang mga munting butil ng kristal. “Maghanda ka, Ola! Lulundag na tayo!”
Bumukas ang pintuan ng ulap. Sama-sama silang nagsilundagan habang sila ay naghahalakhakan. Kayraming ibinuhos na rumaragasang tubig mula sa kalangitan. “Ulan! Ulan! Sa wakas at umulan na rin!” Hiyaw ng mga nilalang sa kapatagan. “Salamat sa biyaya, Bathala!” Umusal ng dasal ang lahat ng nadiligan.
Mula sa kalangitan ay tanaw ko ang mga kaibigan kong bulaklak. Alam kong kailangan nila ako. “Ola, lumundag ka na!” Isa. Dalawa. Tatlo! Handa na ako! “Kumusta, mga kaibigan? Nandito na ako, si Ola! Tara, magtampisaw tayo!”
WAKAS
Ang Manunulat at Ilustrador
Samahan ang batang munti na si Ola sa kaniyang paglalakbay upang mkaantiuykalnagsan ang natatanging kakayahan
Search
Read the Text Version
- 1 - 36
Pages: