Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore AP8-ARALIN 1

AP8-ARALIN 1

Published by BSEd SocStud- Jasmine Gamponia, 2022-04-04 14:20:39

Description: AP8-ARALIN 1

Search

Read the Text Version

ARALING ASYANO| 8

ARALING ASYANO| 8

ARALING PANLIPUNAN 8 KASAYSAYAN NG DAIGDIG “No outcome of the war is more valuable than the lives that are at stake.” _Mohith Agadi_ Ang Unang Digmaang Pandaigdig o World War I (ang pinaikling WWI o WW1, na kilala rin sa tawag na First World War, Great War o \"Dakilang Digmaan\", War of the Nations o \"Digmaan ng mga Nasyon\", at War to End All Wars o \"Digmaan Upang Wakasan ang Lahat ng mga Digmaan\") ay isang malawakang pandaigdigang digmaan na nilahukan ng napakaraming bansa na naganap sa pagitan ng mga taong 1914 hanggang 1918. Sa pagitan ng 1871-1914, ang mga bansang industriyalisado sa kanluraning Europa ay nasa rurok ng kanilang kapangyarihan. Sila ay naging matatag dahil sa industriyalisasyon. Pinabilis ng nasyonalismo ang pagpapalawak ng kanilang nasasakupan. Sa Modyul na ito ay mauunawaan mo ang mga naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig lalong lalo na ang dahilan at bunga ng pangyayaring ito sa ating kasaysayan. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag –aaral naipamamalas ng mag -aaral ang pag - unawa sa kahalagahan ng pakikipag - ugnayan at sama -samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag -aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulung. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig. (AP8AKD -IVa – 1). ARALING ASYANO| 8

Kumusta, mga mag-aaral! Ang modyul na ito ay madiskarteng binuo upang matugunan ang mga kinakailangan ng mga mag-aaral sa bagong paraan ng pag-aaral, at pinaghalo na mga paraan ng pag-aaral. Ang learning packet na ito ay ginagarantiyahan ang pagpapatuloy ng mga aralin. Binubuo ito ng isang aktibidad na tatapusin mo hanggang Biyernes. Ang aktibidad ay nakahanay sa mga resulta ng pagkatuto. Ang mga sumusunod ay ang laman ng self-learning packet: Mga Nilalaman: 1. Panimula tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig 2. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig a. Nasyonalismo b. Imperyalismo c. Militarismo d. Pagbuo ng mga Alyansa 3. Pagsimula at mga Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig a. Ang Digmaan sa Kanluran b. Ang Digmaan sa Silangan c. Ang Digmaan sa Balkan d. Ang Digmaan sa Karagatan 4. Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig ARALING ASYANO| 8

Gawain: CROSSWORD PUZZLE Panuto: Buuin ang crossword puzzle sa pagtukoy ng hinihinging konsepto at kaisipan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. PAHALANG 4. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. 5. Pagkakampihan ng mga bansa. PABABA 1. Ang naging entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig 2. Pagmamahal sa bayan. 3. Pagpapalakas ng sadatahang lakas ng isang bansa. ARALING ASYANO| 8

A ng Unang Digmaang Pandaigdig ay kakikitaan ng mga labanang ginaganap sa mga hukay o trintsera (trench warfare) kung saan ginamit ng malawakan ang teknolohiya sa pagpapaunlad at pagpaparami ng armamento. Ilan sa mga sandatang ginamit sa digmaan ay ang masinggan, eroplano, submarino, tangke at ang nakamamatay na nakalalasong gas. Nilahukan ng mahigit 60 milyong sundalo ang digmaan kung saan 20 milyon sa mga ito ang naitalang namatay kasama na ang mga sibilyan mula sa 40 milyong tala ng mga nasugatan, nawala at nasawi sa digmaan. MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG 1. cNASYONALISMO Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa. Halimbawa, ang mga Junker, ang aristokrasyang militar ng Alemanya, ay nagpilit na sila ang nangungunang lahi sa Europa. May mga bansa na masidhi ang paniniwalang karapatan nila na pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. Marami rin sa mga estado ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso. Ito'y ginagawang dahilan ng Rusya upang makialam sa Balkan. Gusto ring maangkin ng Rusya ang Constantinople upang magkaroon siya ng daungang ligtas sa yelo. Sa kabilang dako, nais angkinin ng Italya ang Trent at Triste na sakop din ng Austria. Ang Pransya naman ay nagnanais ding mapabalik sa kanya ang Alsace-Lorraine na inangkin ng Alemanya noong 1871 bunga ng digmaan ng Pransya at Russia. Dahil dito, ipinalagay ng maraming Pranses na natural niyang kaaway ang mga Aleman. 2. IMPERYALISMO Isang paraan ng pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag unlad ng mga bansang Europeo ang pag- angkin ng mga kolonya. Ang pag uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunangyaman at kalakal ng Aprika at Asya ay lumikha ng samaan ng loob at pagaalitan ng mga bansa. Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Alemanya sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na ARALING ASYANO| 8

maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo. Tinangka namang hadlangan ng Alemanya ang pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng Pransya sa Hilagang Aprika. Sa gitnang silangan, Nasyonalismo Source: https://images.app.goo.gl/ Fg1E8Uj6Qd5fqpsf8 4 nabahala ang Inglatera sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway sapagkat ito'y panganib sa kanyang lifeline patungong India. Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan ay tumawag ng pansin at mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Rusya. Naging kalaban din ng Alemanya ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina . Hindi nasiyahan ang Alemanya at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang naibahagi ng Inglatera at Pransya. 3. MILITARISMO Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europa ang mahuhusay at malaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan. Kaugnay nito ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinala at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Alemanya. Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan. 4. PAGBUO NG MGA ALYANSA Dahil sa inggitan, naghihinala at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang Triple Entente at ang Triple Alliance. Ang una ay binubuo ng Germany, Austria-Hungary at Italy. Samantalang, ang Triple Alliance ay binubuo ng France, Britain at Russia. Ang mga bansa sa loob ng bawat grupo ay nagkasundong magtutulungan kung sasalakayin ang alinman sa kanila. Ang Triple Alliance ay itinatag ni Bismarck noong 1882 upang mapaghiwalay ang Pransya at mawalan ito ng kakampi. Ang isa pang layunin ng Alemanya ay upang mapigilan ang impluwensya ng Russia sa Balkan. Ang Triple Entente ay binuo para mapantayan ang kapangyarihan ng Triple Alliance. ANG PAGSISIMULA AT PANGYAYARI NG WW1 Sinuportahan ng Alemanya ang tangka ng Austria na mapahina ang Serbia. Hindi rin naman mapayagan ng Rusya na mapahina ang Serbia kayat humanda na itong tumulong. Ang Pransya ay nakahanda ring tumulong sa Rusya. Alam ng Alemanya na kung makakalaban niya ang Rusya, makakalaban din niya ang Pransya. 1. Ang Digmaan sa Kanluran Dito naganap ang pinakamainit ng labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang bahaging sakop ng digmaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa ARALING ASYANO| 8

hangganan ng Switzerland. Lumusob sa Belhika ang hukbong Alemanya at ipinagwalang-bahala nitong huli ang pagiging neutral na bansa nito. Ito ang paraang ginamit nila upang malusob ang Pransya. Ngunit sila'y inantala ng magiting na pagsasanggalang ng mga taga-Belhika sa Leige. 2. Ang Digmaan sa Silangan Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit noong dumating ang saklolo ng Alemanya, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng Tannenberg. Sa Galicia ay nagtagumpay ang Hukbong Ruso. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Rusya. Ang sunud-sunod nilang pagkatalo ay naging dahilan din ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso, 1917 at ang pagsilang ng Komunismo sa Rusya. Upang makaiwas na ang Rusya sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Alemanya sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of BrestLitovsk. Iniwan ng Rusya ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers. 3. Ang Digmaan sa Balkan Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang Bulgaria sa kanyang pagkatalo, sumapi ang Bulgaria sa Central Powers noong Oktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers”. Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral pansamantala hanggang 1915. Sa taong ito sumali siya sa magkaanib na bansa. Hinangad niyang maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Aprika. Ang Turkey ay kumampi sa Alemanya upang mapigilan ang Rusya sa pag-angkin sa Dardanelles. 4. Ang Digmaan sa Karagatan Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Alemanya at Britanya. Ang lakas pandagat ng Britanya ay naitaboy ng mga barkong pandigma ng Alemanya mula sa Pitong Dagat (Seven Seas). Kumanlong ang bapor ng Alemanya sa Kanal Kiel. Naging mainit ang labanan. Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang mga mabibilis na raider at mga submarinong U-boats ng kanilang kalaban ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado. Ang pinakamabagsik na raider ng Alemanya ay ang Emden. Sa dakong huli, na palubog ito ng Sydney, isang Australian cruiser. MGA BUNGA AT EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG 1. Maraming mga sibilyan ang nadamay at namatay. 2. Madaming mga pinsala ang naidulot sa buhay at ari-arian. 3. Maraming salapi ang nagastos at inilaan sa digmaan. 4. Nagbago ang mapa ng Europa sa larangan ng politika. ARALING ASYANO| 8

Sa iyong natutuhan sa aralin, nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig sa mga maliliit na hidwaan at samaan ng loob sa pagitan ng mga bansa. Nagpapatunay na ang hindi pagkakaunawaan ay maaaring mauwi sa matinding kapahamakan. Gawain 1: SLOGAN KO PARA SA BAYAN KO Panuto: Gumawa ng slogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa mga kaguluhan sa daigdig. Ilagay ito sa isang a4 bondpaper. Rubric Para sa Paggawa ng Slogan Pamantayan sa Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng Puntos Pagmarka (15-10) (10-5) Pagsasanay (5-1) Kaangkupan ng slogan sa paksa Orihinal ang ideya Kaayusan at Kalinisan Kabuuang Puntos: ARALING ASYANO| 8

ARALING ASYANO| 8


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook