Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore AP7-ARALIN4

AP7-ARALIN4

Published by BSEd SocStud- Jasmine Gamponia, 2022-03-02 14:01:31

Description: BAHAGING GINAGAMPANAN NG KABABAIHAN AT MGA RELIHIYON SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Keywords: TIMOG,KANLURANG ASYA,KABABAIHAN,RELIHIYON

Search

Read the Text Version

ARALING ASYANO | 7

ARALING ASYANO | 7

ARALING PANLIPUNAN 7 ARALING ASYANO “Women must try to do things as men have tried. When they fail, their failure must be but a challenge to others.” _ Amelia Earhart_ Mahalagang matalakay ang kalagayan at pagpupunyagi ng kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay upang mapahalagahan ang kanilang puwang sa lipunan at ambag sa kasaysayang Asyano. May paniniwalang mataas ang kalagayan ng kababaihan sa karamihan sa mga sinaunang lipunan sa daigdig. Gayunpaman, dahil sa mga historical na kaganapan ay unti-unting bumaba ito. Sang-ayon sa teorya ng German philosopher na si Friedrich Engels, sa panahong prehistoriko, may pantay na pagpapahalaga, kundi man mas mataas ang kababaihan sa lipunan dahil bawat isa ay may ambag sa paghahanap ng pagkain upang mabuhay. Sa Modyul na ito ay mauunawaan mo ang nagpatuloy at nagbago sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na nasakop ng mga Kanluranin. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo). Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag - unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo). ARALING ASYANO | 7

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika. (Week 5) Pagkatapos ng talakayan, ang mga ika-pitong baitang na mag-aaral ay kinakailangang: 1. maihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng Timog at Kanlurang Asya at ang kanilang ambag sa bansa at rehiyon; 2. matukoy ang mga kilusan at samahang nabuo, batas na naipasa at epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang- ekonomiya at karapatang pang-ekonomiya; 3. mapahalagahan ang mga karapatang ipinaglaban at naipagkaloob sa mga kababaihan at; 4. mataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay partikular sa Timog at Kanlurang Asya. ARALING ASYANO | 7

Kumusta, mga mag-aaral! Ang modyul na ito ay madiskarteng binuo upang matugunan ang mga mag-aaral sa mga bagong normal na mode ng pag-aaral na nababagong pag-aaral, malayong pag-aaral, at pinaghalo na mga mode ng pag-aaral. Ang learning packet na ito ay ginagarantiyahan ang pagpapatuloy ng mga aralin. Binubuo ito ng isang aktibidad na tatapusin mo hanggang Biyernes. Ang aktibidad ay nakahanay sa mga resulta ng pagkatuto. Ang mga sumusunod ay ang laman ng self-learning packet: ARALING ASYANO | 7

ng pagkaka-organisa sa mga samahan ng kababaihan ay naging napakahalaga upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang boses. Sa kasaysayan, minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon mula sa lipunan at sa kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng mga kilusang ito, ang pagkakabuo ng mga kilusang pangkababaihan ay naging isang napakahalagang pangyayari sapagkat ito ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng kanilang mga karapatan. Ang mga ilang kilusang ito na nabuo sa Timog at Kanlurang Asya ay ating matutunghayan sa araling ito. Nang magsimula ang piyudalismo nang maging agricultural na ang lipunan at nagpasimula na ang knospeto ng pribadong pagmamay-ari, nagkaroon ng pagkakataon ang kalalakihan na makontrol ang lupa at sinasabing ng naging papel na lamang ng kababaihan ay bilang may-bahay at tagapagluwal ng tagapagmana ng kalalakihan. Nagpatuloy ang ganitong pagtingin sa kababaihan sa pag-usbong ng kapitalismo dahil na rin ang kababaihan ay mas naikahon sa pribadong larangan (reproduksiyon) habang ang kalalakihan ay sa pampublikong larangan (produksyon). Sa pag-igting ng kolonyalismo sa Asya, naging mas matatag ang ideolohiyang pangkasarian kung saan ang kababaihan ay inaasahang maging mabuting asawa at mapag-arugang ina, habang ang kalalakihan ay inaasahang magsilbing tagapagdulot ng mga pangangailangan ng pamilya.  Dahil sa pag-igting ng kolonyalismo sa Asya, gayundin sa paglaganap ng mga tradisyong nagtataguyod ng hindi pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan, bumaba ang katayuan ng kababaihan sa Asya.  Nakibaka ang kababaihan sa Asya upang makamtan lamang ang mga karapatang political at pang-ekonomiko.  Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga programa tungo sa pagkapantay- pantay ay inaasahang mapabuti ang kalagayan ng kababaihan tungo sa pagkamit ng pagkakapantay ng kasarian sa lipunan. ARALING ASYANO | 7

TIMOG ASYA 1. India Ang pagkamit ng pantay na pagtingin sa lipunan sa mga kababaihan sa bansang India ay hindi nagiging madali na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin nila itong ipinaglalaban. Sa pagsapit ng ika-19 na siglo, naging aktibo ang mga kababaihan sa bansa sa paglahok sa mga kilusang nagtataguyod ng repormang panlipunan. Samahan Layunin/Nagawa Nagtatag Bharat Aslam Keshab Chunder Arya Mahila Ang mga samahang ito ay Bharat Mahila nakatulong sa kababaihan Sen Pandita Ramabai Parishad at ipang maisulong ang Anjuman-eKhawatin-e- karapatan sa edukasyon. Amir-un-Nisa Islam Nangampanya ang mga Sarojini Naidu Women’s Indian samahang ito sa mga mambabatas upang Association makapagdulot ng pagbabago sa National Council of pamumuhay ng mga Indian Women karaniwang kababaihang All India Women’s Indian Conference Pagtalakay sa mga isyu sa All Indian Coordination paggawa, rekonstruksiyon Committee ng mga kanayunan, opyo Women’s India at batas ukol sa bata o Association maagang pagpapakasal. Pagbibigay pansin sa mga isyu tulad ng benepisyo sa pagbubuntis, pantay na sahod at mga pasilidad ng day care. Nangampanya upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bumoto noong 1919 at taong 1950 ay iginawad sa mga kababaihan ang karapatang bumoto. ARALING ASYANO | 7

Ang Factories Act ng 1948 ay ipinagbawal ang pagtatrabaho ng kababaihan sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng wastong pasilidad na pangkalinisan, day care, at kompulsaryong maternity leave ang mga kababaihan. Nagtalaga naman ang Mine’s Act of 1952 ng hiwalay na palikuran para sa lalaki at babae. Ginawang legal ng Hindu Marriage Act of 1955 ang diborsyo. Pakistan, Sri Lanka, at Bangladesh Mga Nanguna o namuno Syed Ahmed Khan Mga Hakbang sa Pagsulong ng Turkish Khilafat Karapatan Zulfiqar Ali Bhutto Bunga ng pakikipaglaban sa mga mananakop bago ang 1947 sa Pakistan, Women’s Action Forum ang mga kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa edukasyon. Naging aktibo rin sila sa Kilusang Khilafat bilang suporta kay Turkish Khilafat na naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim. Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng 1973, nagkamit ng pantay na karapatan sa kababaihan, kasama na rin ang paglalaan ng sampung posisyon para sa mga kababaihan sa National Assembly at sampung bahagdan (10%) sa Asembleang Panlalawigan. Ang kababaihan ay nahirang sa matataas na posisyon sa pamahalaan. Pagkatapos ng halalan ng 1988, isinilang ng WAF o Women’s Action Forum ang kanilang Charter Demands na kung saan ay inilahad nila ang isang komprehensibong programang pulitikal para sa mga kababaihan. Dahil sa impluwensiya ng WAF, ang Sindhian Tehrik, isang partido pulitikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang pag-aasawa (child ARALING ASYANO | 7

marriage) at poligamya, gayundin ang karapatan ng kababaihan sa pagpili at pagpayag sa mapapangasawa. Ang bansang Pakistan ay maituturing na isang bansa na labis ang pagpapahalaga sa mga kalalakihan at ang mga kababaihan ay may malaking bahaging ginagampanan sa pamilya. Ilan dito ay ang mga gawaing bahay at pagtuturo sa mga kabataang kababaihan sa mga gawaing ito. May mga iilang kababaihan rin ang nakakapag aral ngunit ito ay kadalasang nasa mga siyudad lamang. 2. Sri Lanka Ang kababaihan sa Sri Lanka ay katulad rin ng ibang bansa sa Asya na karaniwang nasa mga loob lamang ng tahanan. Hindi gaanong nakalalahok sa pulitika. Kaalinsabay ng patuloy na digmaang sibil ay ang patuloy na paglabag sa mga karapatan ng kababaihan. Pumapangalawa lamang sila sa mga kalalakihan pagdating sa papel na ginagampanan sa sistemang pulitikal. Noong halalan ng 1994, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila. Ang mga isyung ito ay may kinalaman sa mga karahasang nagaganap laban sa kanila. Hiniling nila ang mga partidong pulitikal na magnomina ng mas maraming kababaihan na tatakbo sa eleksyon at isama sa kanilang plataporma ang mga isyung kinakaharap ng mga ito. Mga Hakbang sa Pagsulong ng Mga Nanguna o namuno Karapatan People’s Alliance Pagpapalakas sa nahalal na People’s Alliance upang mawakasan ang pang- aabuso sa kababahihan at pagbabago sa batas na may kinalaman sa panggagahasa at sexual harassment. Hinirang din ang tatlong kababaihang ministro at apat na deputy ministers sa gabinete. Samahang aktibo sa pagtataguyod ng Women’s NGO Forum partisipasyon ng mga kababaihan sa pulitika. ARALING ASYANO | 7

Itinatag ang samahang ito noong 1976 LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam) upang maisulong ang isang malayang estado ng Tamil sa Sri Lanka. Naging aktibo rin sila sa pakikipagdigma tulad ng kalalakihan. Para sa kanila, ang kapakanan ng bansa ang dapat manguna bago ang lahat. Ipinakita ng mga kababaihan sa kanilang pagsanib sa LTTE ang pagsuway sa kapangyarihan ng kalalakihan. Naging aktibo ang samahang ito sa iba’t Women for Peace iba pang mga samahang nagtatanggol ng mga karapatang pantao at karapatang sibil hindi lamang ng mga kababaihan kung hindi para lahat ng mga nakararanas ng hindi pantay na karapatan sa lipunan. Simula noong makamit nila ang kalayaan ay maraming mga kababaihan ang makapag-aral sa mga paaralan at unibersidad na kalaunan ay mga naging propesyunal at patuloy na isinusulong ang pantay na karapatan sa mga kalalakihan. 3. Bangladesh Katulad ng ibang bansang nabanggit sa rehiyon ng Timog Asya, ang mga kababaihan sa Bangladesh ay gaya rin ng mga tradisyunal na kababaihang nasa loob lamang ng mga tahanan at nagtatrabaho ng mga gawaing bahay. Mga Hakbang sa Pagsulong ng Mga Nanguna o namuno Karapatan Mahila Parishad Ito ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansa. Naimpluwensiyahan nito ang pagpapatupad ng mga polisiya sa pamahalaan kabilang ang kampanya na sumuporta sa pagsasabatas ng pagbabawal ng pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng CEDAW (Convention on the Elimination of All Forms of ARALING ASYANO | 7

Discrimination Against Women). Collective Women’s Platform United Women’s Forum Samahang pumigil sa anumang uri ng karahasan sa kababaihan. Isinilang din ang Platform Against Sexual Harassment. Hiniling ng grupo ang ratipikasyon ng CEDAW, magkakaparehong Kodigo Sibil, at dagdag sa kota ng kababaihan sa Serbisyo Sibil. Sa mga siyudad ang mga kababaihan ay nakararanas ng higit na kalayaan kumpara sa mga malalayo dito. Mas mataas ang bilang ng mga kababaihang nagaaral sa mga paaralan, kolehiyo at mga unibersidad at nabibigyan ng pantay na karapatan. Dumarami rin ang mga kababaihang nakapagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan. KANLURANG ASYA Sa kasalukuyan, ang mga kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy na kinakaharap ang hamon na higit na paigtingin ang mga pagkilos upang matiyak at makamit ang pagkakaroon ng pantay na karapatan para sa kalalakihan at kababaihan. Ang samahan ng kababaihan ay kumikilos sa tatlong lebel sa rehiyong ito: 1. Imulat ang kababaihan sa kanilang bansa tungkol sa hindi pagbibigay ng pantay na karapatan ng kanilang pamahalaan; 2. Hilingin sa pamahalaang nasyunal ang implementasyon ng internasyunal na pagpapatupad sa pagbibigay proteksyon sa kababaihan sa lahat ng larangan; 3. Ipaunawa sa mga bansa sa daigdig na ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay hindi lamang naghihintay sa mga Kanluraning bansa upang sila ay sagipin, sa halip ipaunawa na sila ay kababaihang nakikipaglaban para sa kanilang karapatan kagaya rin ng ibang kababaihan. Na sila rin ay kumikilos laban sa di-makatarungang patakaran dulot ng sistemang patriyarkal at ng kanilang kasaysayan. ARALING ASYANO | 7

Arab Region Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang Bahrain, Egypt, Iraq, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Palestinian Territories, Qatar, Saudi Arabia, Syria, United Arab Emirates, at Yemen. Kalagayan ng mga Kababaihan sa Arab Region  Ang mga kababaihan ay hindi pinapayagang lumabas sa mga pampublikong lugar na hindi suot ang kanilang tradisyunal na kasuotan o burkah.  Sa pulitika at paghahanapbuhay ng kababaihan hindi ito halos nagbago.  Sa bansang Kuwait at Saudi Arabia, illegal para sa kababaihan ang makilahok sa eleksyon dahil sa kanilang kasarian.  Hindi pa rin tanggap ang ideya ng pagpapalaganap sa mga karapatang pantao, noong 1982, pagkatapos ng pagpupulong ng mga grupo ng civil society na ginanap sa Cyprus, unti-unting tinanggap ng mga pamahalaang lokal at rehiyonal ang mga adbokasiya ng mga nangangalaga sa karapatang pantao, kabilang dito ang mga samahang kababaihan sa Israel.  Sa pamamagitan ng Isha L’lsha-Haifa Feminist Center, pinangunahan nila ang implementasyon ng Security Council Resolution 1325. Hinikayat nila ang kababaihan na makilahok sa negosasyon at talakayan tungkol sa sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine. Sa pamamagitan nito, naipamumulat ang epekto ng sigalot lalo na sa kababaihan at kung paano nila maipagtatanggol ang kanilang karapatan.  Ang mga samahan sa karapatang pantao sa Kanluran ay napangingibabawan ng mga kalalakihan ngunit ang mga samahan ng kababaihan ay unti-unti ng kinikilala.  May ilang mga NGO na humingi ng mga pagbabago na mangangalaga sa pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga babae, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon na makilahok sa pulitika at sosyo-ekonomik na kapangyarihan. Mga Hakbang sa Pagsulong ng Mga Nanguna o namuno Karapatan Ang kababaihan sa Bahrain, Omar, at Qatar ay nagtagumpay na magkaroon ng karapatang bumoto sa loob ng sampung taong pakikibaka. Ang kababaihan naman sa Egypt at ARALING ASYANO | 7

Jordan ay nabigyan ng karapatan sa Reyna Rania Al- Abdulla diborsyo Susan Mubarak Sa mga kababaihan sa Bahrain, Egypt, at Sheikha Fatima Bint Mubarak Lebanon ay naibigay ang karapatan bilang mamamayan Arab Women Connect Pinangunahan ng isang reyna sa Jordan ang kampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan Isinulong ang kampanya sa Egypt na baguhin ang batas pampamilya at pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan. Pagbibigay ng karapatan na makapag- aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko o pangkabuhayan ang kababaihan naman ang ipinaglaban sa bansang UAE. Isang pangrehiyong network ang isinulong noong 2000 upang gisingin ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang dapat na taglaying mga karapatan. Ito ay sa pamamagitan ng pagkilos ng kababaihan sa Egypt, Jordan, Lebanon, Palestine, Qatar, UAE, at Yemen. Ang mga samahang kababaihan na ito ay maituturing na malaki ang kapasidad upang maimulat ang publiko sa mga kontrobersyal na isyu ay nagkaroon ng pagbabago lalo na sa mga isyu tungkol sa diskriminasyon sa kababaihan at pambubugbog at pananakot sa asawa maliban na lamang sa mga bansang Kuwait, Oman, Saudi Arabia, at Syria. Ang kababaihan sa rehiyon ng Kanlurang Asya ay patuloy at aktibong nakikilahok sa pulitika, gayundin sa isyu ng pagkakaroon ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon. ARALING ASYANO | 7

MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA 1. Hinduismo Ang pangunahing relihiyon sa India ay Hinduismo. Ang mga. Aryan ang unang tribong sumampalataya sa relihiyong ito. Naniniwala sila sa mga diyos na mula sa iba’t ibang likha ng kalikasan, subalit ang kanilang paniniwala ay napalitan ng pagsamba kay Brahma. Veda ang tawag sa banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan. Tinuturo ng Veda kung paano magkaroon ng mahaba at mabuting buhay ang tao. Ang indibidwal na pagsamba ginagalang ng Hinduismo; mayroon silang mga altar at pumupunta rin sila sa mga banal na lugar. Paniniwala ng mga Hindu Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng pagkakaisang espirituwal. Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa. Polytheism ang tawag sa kanilang pagsamba sa iba’t ibang uri at anyo ng Diyos. Bahagi ng kanilang paniniwala ang reinkarnasyon na kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang. Naniniwala rin sila sa karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa naman kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa. Anoman ang kaniyang antas sa lipunan naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay kinakailangang magsikap sa buhay at ito ay dapat na inaalay sa Diyos. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang pag-uuri-uri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin. Ang sistemang caste ay binubuo ng Brahmin (mga pari at pantas), ARALING ASYANO | 7

Kshatriyas (mandirigma), Vaishyas (magsasaka at mangangalakal), at Sudras (mga alipin at manggagawa). Ang “Untouchables” o “Outcastes” naman ay ang tawag sa mga taong di kabilang sa alinmang pangkat at gumagawa ng pinakamababang uri ng gawain. Ang Hinduismo ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga susunod na henerasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan o “Samsana”, dala-dala ang gantimpala o parusa ng nakaraan niyang buhay ayon sa batas ng Karma. Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahman sa habang panahon sa estado na tinatawag na Nirvana. Upang matulungang makamit ang Nirvana, may disiplinang kailangang buuin na tinaguriang yoga. Liban dito, ang batas ng moral na kaayusan o Dharma ay nararapat ding sundin upang madiskubre ng isang indibidwal ang kanyang sarili. 2. Buddhismo Ang Buddhismo ay itinatag ni Siddharta Gautama, isang prinsipe. Isinuko niya ang karangyaan, luho, at masarap na buhay. Iniwan niya ang kanyang pamilya at naglakbay hanggang matuklasan ang kaliwanagan. Sumibol ang Buddhismo ng mga 2500 taon nang nakakaraan sa India sa panahong ang mga tao ay may malalim ng pagkabagot sa relihiyong Hinduismo dahil sa paglaganap ng sistemang caste at lumalaking bilang ng mga outcastes. Napanghinaan ng loob at nawalan ang mga tao ng tiwala sa reinkarnasyon. Nakita nila ang kanilang kapalaran bilang isang malungkot at mahabang proseso ng reinkarnasyon na nakawawala ng pag-asa. Marami sa kanila ang tumalikod at nanampalataya sa mga hayop. Taong 563 B.C., sa panahong ito, isinilang si Buddha, anak ng Haring Suddhodhana at Reynang Maya sa kaharian ng Sakyas sa kanlurang India. Pinangalanan nila ng Siddhartha Gautama ang batang magiging si Buddha. Nakita at napagtanto ni Siddhartha ang kondisyon ng tao, ng sakit, ng pagtanda, at ng kamatayan. Ang gabing iniwan niya ang lahat upang hanapin ARALING ASYANO | 7

ang kaliwanagan ay tinaguriang “Gabi ng Dakilang Renunsasyon”. Nagpalaboy-laboy ang prinsipe bilang isang manlilimos na monghe hanggang sa isang araw sa lilim ng isang puno habang nagninilay, ipinangako niya sa sarili na di siya aalis sa lugar na iyon hanggang di niya nakukuha ang kasagutan at ang karunungang kanyang inaasam. Nagpatuloy si Siddhartha sa kanyang meditasyon hangang sa maunawaan niya ang unang batas ng buhay na mula sa mabuti, kailangang magmula sa mabuti, at sa masama ay kailangang magmula ang masama. Napagtanto niyang ito ang susi sa karunungan. Nagtungo si Siddhartha Gautama sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe at tagasunod at nangaral ng una niyang sermon na tinaguriang “Ang sermon sa Banares”. Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo  Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.  Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.  Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o nirvana. Walong Dakilang Daan  Tamang Pag-iisip  Tamang Pagsasalita  Tamang Aspirasyon  Tamang Pagkilos  Tamang Pananaw  Tamang Hanapbuhay  Tamang Intensiyon  Tamang Pagkaunawa 3. Jainismo Isa sa mga relihiyon sa India ang Jainismo. Ayon sa Veda, ito ay itinatag ni Rsabha, subalit ang naging pinakapinuno ng Jainismo ay si Prinsipe Vardhamana o Mahavira na tinaguriang “Ang dakilang bayani”. Tinalikuran ARALING ASYANO | 7

niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha. Mga Doktrina ng Jainismo Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao. Binibigyang-diin din ng Jainismo ang asetismo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan. Naniniwala si Mahavira sa AHIMSA (non- violence) o ang kawalan ng pananakit na nagbibigay dangal sa buhay. Itinuro rin niya na ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging magaan kapag sumusunod ito sa banal na batas ng buhay. Itinuro ni Mahavira ang doktrina sa mga tao ng tatlumpong taon. Matapos mamatay si Mahavira, ang mga disipulo niya ay inipon ang kanyang sermon sa apatnaput-anim na libro na tinawag na agamas at ito ang naging banal na aklat ng Jainismo. Ang nirvana ayon sa mga Jains ay makakamit sa pamamagitan ng tatlong hiyas ng kaluluwa. Ang mga ito ay ang tamang kumbiksyon, tamang karunungan, at tamang pag-uugali. Ang turo ni Mahavira ay hindi nagkaroon ng ugat sa labas ng India. Kahit sa India, hindi ito naging matagumpay at sa ngayon ay papaunti na ang mga tagasunod nito. May natitira na lamang sa India ng mahigit kumulang isa’t kalahating milyong Jains sa kasalukuyan. 4. Sikhismo Umusbong ang relihiyong Sikhismo sa panahon ng hindi pagkakaunawaang panrelihiyon ng Hinduismo at Islam. Naging bunga nito ang pagbuo ng isang relihiyon na may pagkakapatiran. Hindu man o Muslim lahat ay dapat magkakasama at magkakapatid. Itinatag ang Sikhismo ng unang guru na si Baba Nanak na higit na kilala sa pangalang Guru Nanak. ARALING ASYANO | 7

Mga Paniniwala ng Sikhismo Ang mga tagasunod ng Sikhismo ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pag- akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas. Kailangang masagip ang mga tao; kung hindi, sila ay patuloy na makararanas ng muli’t muling pagsilang. Ang Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama ng indibidwal sa kaniyang lumikha sa kabilang buhay. Sa Sikhismo, ang pangunahing nais ng tao ay ang sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos. Ito ay magagawa sa paraan ng pagsunod sa mga turo ng guru, meditasyon, at pagseserbisyo o pagkakawanggawa. Maliligtas ang tao kung masusupil o mapaglalabanan ang Limang Pangunahing Bisyo (Five Cardinal Vices) - pagnanasang pansekswal, galit, kasakiman, pagkamakamundo, at kahambugan. MGA RELIHIYON SA TIMOG-KANLURANG ASYA 1.Judaismo Ang Judaismo ay relihiyon ng mga Jew o Israelite, isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ito ay monoteistikong relihiyon na ang ibig sabihin ay ang paniniwala sa isang Diyos at tagalikha, si Yahweh. Ang mga nais ni Yahweh ay nakasaad sa Torah, ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo. Ang Torah na nangangahulugang “batas at aral” ay naglalaman ng limang aklat ni Moses: ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at Deuteronomy. Maraming naging patriarka ang mga Jew, kasama na rito sina Abraham, Isaac, at Jacob, ngunit ang pinakadakilang pinuno ay si Moses. Ang Sampung Utos na gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay: ARALING ASYANO | 7

 Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.  Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.  Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.  Igalang mo ang iyong ama at ina.  Huwag kang papatay.  Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.  Huwag kang magnanakaw.  Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.  Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.  Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa. 2.Kristiyanismo Pinakamalaking bilang ang Kristiyanismo sa lahat ng mga relihiyon sa mundo ayon sa dami ng mga tagasunod, naniniwala at kasapi nito. Relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo Hesus. Nagmula ang Kristiyanismo sa relihiyong Judaismo. Si Kristo Hesus ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. Siya ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ayon kay Kristo Hesus, mahal ng Diyos Ama ang lahat ng taong tatanggap at mananampalataya ng tunay at lubos sa Kanya. Ang Katolisismo ang pangunahing bumubuo sa Kristiyanismo na pinagtibay ng Simbahang Katolika. Naniniwala sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay. Bahagi ng paniniwalang katolisismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento at pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at mga kautusan ng simbahan na nagmumula sa Santo Papa sa Rome. Ang Santo Papa sa Rome ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika. Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano na nahahati sa dalawang aklat, ang Lumang Tipan at ang bagong Tipan. Si Hesukristo ay ipinanganak sa Bethlehem. Namulat at lumaki bilang isang Jew. Sa edad na 30 sinimulan ni Hesus ang pagpapahayag at pagpapalaganap ng mabuting balita ng Diyos. ARALING ASYANO | 7

Maraming naniwala, nakinig, at sumunod sa kanyang mga tinuran subalit may mga iilang Jew o Hudyo ay taliwas at hindi nais sundin kahit mapakinggan manlamang ang kanyang mga turo at gawain. Sa kadahilanang ito siya ay ipinahuli, pinahirapan, ipinako sa krus, at namatay. Matapos ang tatlong araw, muli siyang nabuhay at umakyat sa Diyos Ama sa langit. 3.Islam Ang ‘Islam’ ay salitang Arabic na nanggaling sa salitang ugat na ‘Aslama’, na nangangahulugan ng “kapayapaan, kusang pagsuko sa kalooban ni Allah at pagsunod sa Kanyang mga kautusan” . ‘Allah’ ay ang pangalang pantangi ng tunay na Diyos na ginagamit ng mga Muslim. Ang isang taong malaya at tinatanggap niya ng may kabatiran ang Islamikong pamamaraan ng buhay at taos- pusong isinasabuhay ito ay tinatawag na ‘Muslim’. Mga Paniniwala at Aral ng Islam Ang Qur’an ay ang panghuling Aklat ng patnubay mula kay Allah, na ipinahayag kay Propeta Muhammad. Ang tunay at matapat na Muslim ay naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah. Simula ng nilikha ang unang tao, si Allah ay nagpahayag ng Kanyang patnubay sa sangkatauhan sa pagpapadala ng mga propeta, na lahat sila ay nag-aanyaya na maniwala sa Isang Diyos. Ang mga propetang tumanggap ng mga aklat mula kay Allah ay tinawag na mga sugo. Sa tuwing ang mga aral ng propeta ay nasira ng mga tao si Allah ay nagpapadala ng panibagong propeta upang ibalik ang sangkatauhan sa Tuwid na Landas. Ang kawing ng Risalah (nangangahulugan ng Pagkapropeta at Pagkasugo) ay nagsimula kay Adan, kasama si Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, Hesus, at nagtapos kay Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong sangkatauhan. ARALING ASYANO | 7

Limang Haligi ng Islam  Shahadah [Pagsaksi at Pagpapahayag ng Pananampalataya]  Salah [Tungkuling Pagdarasal]  Zakat [Itinakdang Kawanggawa]  Sawm [Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan]  Hajj [Paglalakbay sa Makkah] 4.Zoroastrianismo Kabilang ang Zoroastriyanismo sa isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Itinatag ito ni Zarathustra na kilala rin sa ngalan na Zoroaster sa bansang Greece o Zarathosht sa bansang India at Iran. Turo ng propetang si Zoroaster na ang Diyos ay si Ahura Mazda, tagapaglikha at tagapagtaguyod ng daigdig. Zend Avesta ang banal na aklat o sulatin ng Zoroastrianismo. Naniniwala ang Zoroastriyanismo na ang daigdig ay may dalawang pwersa na naglalaban, ang mabuti at masamang pag-iisip. Ayon sa relihiyong ito ang buhay sa daigdig ay pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang kataas- taasang diyos; samantalang ang kasamaan ay pinanangasiwaan ni Ahriman, ang diyablong espiritu o kilala rin sa tawag na Angra Mainyu Malalabanan ang kasamaan sa paggawa ng kabutihan at tanging pagpapalaganap ng liwanag ang makakawakas sa kadiliman. Pag-ibig, ang makaaalis ng galit, hidwaan, at bangayan. Kabutihan ang mananaig sa huling yugto ng mundo. PARA SA MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON: 1. Bahaging Ginagampanan ng mga Kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya Link: https://www.youtube.com/watch?v=K9RL-D3Z12g 2. Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya Link: https://www.youtube.com/watch?v=RVRPsJmM-D0 ARALING ASYANO | 7

PAGGAWA NG TULA Tuwing buwan ng Marso, ginugunita ang Buwan ng mga Kababaihan o ang National Women’s Month alinsunod sa Proclamation No. 224. Bilang paggunita sa Women's Month, kayo ay naatasang gagawa ng isang tula sa paghahatid ng serbisyo at kaalaman sa mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa komunidad. Narito ang magiging rubriks sa paggawa: Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos 10 May krebilidad at angkop ang mga impromasyong ginamit. 10 Malinaw na naipakita sa 10 awit/tula ang pagkilala sa mga 5 natatanging kakayahan ng mga kababaihan. Mabisang naipahayag ang mensahe ng awit/tula. Naipasa bago ang deadline. ARALING ASYANO | 7

ARALING ASYANO | 7


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook