Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore AP9-ARALIN 1

AP9-ARALIN 1

Published by BSEd SocStud- Jasmine Gamponia, 2022-04-04 14:21:38

Description: AP9-ARALIN 1

Search

Read the Text Version

ARALING ASYANO | 9

ARALING ASYANO | 9

ARALING PANLIPUNAN 9 EKONOMIKS “We must eradicate ignorance and illiteracy from our nations and continent to the nearest minimum for us to have a national development. _ Sunday Adelaja, The Mountain of Ignorance_ Paano ba masasabi na maunlad ang isang bansa? Masasabi ba natin na maunlad ito kung maraming matataas na gusali, magarang sasakyan, o mataas ang sweldo ng mga tao? Gayundin, maunlad ba ng pamumuhay ng mga tao kung mayroong pinaka bagong cellphone, o hindi kaya branded na damit at sapatos? Ano nga ba ang kaunlaran? Sa modyul na ito, matututuhan mo ang konsepto, palatandaan ng kaunlaran at mahahalagang impormasyong dapat makita upang masukat ang kaunlaran ng isang bansa. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag -aaral ay may pag -unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang - ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag – unlad. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag -aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang - ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag –unlad. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran. (AP9MSP - IVa – 2) ARALING ASYANO | 9

Kumusta, mga mag-aaral! Ang modyul na ito ay madiskarteng binuo upang matugunan ang mga mag-aaral sa mga bagong normal na mode ng pag-aaral na nababagong pag-aaral, malayong pag-aaral, at pinaghalo na mga mode ng pag-aaral. Ang learning packet na ito ay ginagarantiyahan ang pagpapatuloy ng mga aralin. Binubuo ito ng isang aktibidad na tatapusin mo hanggang Biyernes. Ang aktibidad ay nakahanay sa mga resulta ng pagkatuto. Ang mga sumusunod ay ang laman ng self-learning packet: MGA NILALAMAN 1. Ang Konsepto ng Pag-unlad 2. Mga Palatandaan ng Pag-unlad a. Likas na Yaman b. Yamang Tao c. Kapital d. Teknolohiya at Inobasyon 3. Panukat sa Antas ng Pag-unlad ng isang Bansa 4. Mga Paraan sa Pagtamo ng Kaunlaran ARALING ASYANO | 9

Gawain: Panuto: Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, tukuyin ang mga konsepto at salitang inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang nabung salita sa mga patlang sa ibaba. 1. Sangay ng Unites Nations na naglalabas ng ulat ikol sa estado ng human development sa mga kasaping bansa nito. PNDU 2. Ang nagpasimula ng Human Development Report. BAHBUM LU AQH 3. Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa. OTA 4. Nilikha upang bigyang diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamntayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa. NHMUA OPETENDVMLE EDIXN 5. Ito ay ang aspekto ng pag-unlad. LNGSPAUGO ARALING ASYANO | 9

A ng pag unlad ay isang kaisipang maaaring may kaugnayan sa salitang pagsulong. Ito ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay ayon sa diksyunaryong Merriam Webster. Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Habang ang pagsulong ay bunga ng proseso o produkto ng pag-unlad. Ayon pa rin kay Fajardo, ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mga halimbawa nito ay daan, sasakyan, kabahayan, gusali, paaralan at marami pang iba. Ang mga ito ay resulta ng pag- unlad. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantaypantay at pananamantala. May dalawang magkaibang konsepto ang pag-unlad batay sa aklat ni Michael P. Todaro at Stephen C. Smith: 1. Tradisyonal na pananaw- binibigyang- diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa ang kanyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito. 2. Makabagong pananaw- isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang bigyan pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon, at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan. ARALING ASYANO | 9

MGA SALIK NA MAKAKATULONG SA PAGSULONG NG EKONOMIYA NG BANSA LIKAS NA YAMAN Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa. YAMANG TAO Isang mahalagang salik sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas- paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito. KAPITAL Lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo. TEKNOLOHIYA AT INOBASYON Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo. MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Hindi sapat ang pagsukat ng Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), GDP/GNP per capita at real GDP/GNP, makabagong teknolohiya, at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang isang bansa. Higit pa ito sa modernong kagamitan at mga makabagong teknolohiya dahil kasama rito ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng mga tao. ARALING ASYANO | 9

Ayon kay Fajardo, ang pagsulong ng ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao. Ayon pa kay Todaro at Smith sa kanilang aklat na Economic Development, ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbabawas sa di- pagkakapantay-pantay at pagalis ng kahirapan. HUMAN DEVELOPMENT INDEX Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development Index (HDI) bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Tumutukoy ito sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao (human development) tulad ng: a. Kalusugan- ginagamit na pananda ang inaasahang tagal ng buhay o life expectancy. b. Edukasyon- ginagamit na pananda ang mean years of schooling (antas ng pinag- aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang) at expected years of schooling (bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon) c. Antas ng pamumuhay- nasusukat gamit ang gross national income per capita. Ito ay unang inilathala ni Mahbub ul Haq at inilimbag ng United Nations noong 1990. Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa pamamagitan ng mga pahayag na ito, na kinatigan pa ng maraming empirikal na datos at makabagong pananaw ukol sa pagsukat ng kaunlaran, ang Human Development Report ay nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo. Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao. Ilan sa mga ito ay ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang pampulitika at pangkultura at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang Human Development Report Office ng United Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI, kahirapan (Multidimensional Poverty ARALING ASYANO | 9

Index) at gender disparity (Gender Inequality Index). Ang Inequality –adjusted HDI ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang Multidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay samantalang ang Gender Development Index ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang human development ay hindi nakapako sa isang konsepto lamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao. SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA PAMBANSANG KAUNLARAN Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama- samanng pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa: MAPANAGUTAN  Tamang pagbabayad ng buwis- Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisiyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan, at iba pa.  Makialam- Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Ipaglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat nga aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang mga pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan at sa trabaho. ARALING ASYANO | 9

MAABILIDAD  Bumuo o sumali sa Kooperatiba- Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa sama-samang pag-unlad.  Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan. MAKABANSA  Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.  Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino- Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilin ang mga produktong Pilipino.’ MAALAM  Tamang pagboto- Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran n gating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito.’  Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad- Ang pag-unlad ay hidi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad. ARALING ASYANO | 9

Gawain: GRAPHIC ORGANIZER Panuto: Itala ang mga salik na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa gamit ang concept mapping chart. Gamit ang mga salik na iyong naitala, ipaliwanang naman sa text boz kung paano pa mapagbubuti ng Pilipinas ang pagsulong ng ekonomiya nito. (Pagpapaliwanag) ARALING ASYANO | 9

ARALING ASYANO | 9


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook