Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Summative _Assesment _in _Filipino, Math and Social Studies_Arianna_Santoalla

Summative _Assesment _in _Filipino, Math and Social Studies_Arianna_Santoalla

Published by guccitaee1, 2020-12-10 08:41:48

Description: Summative _Assesment _in _Filipino, Math and Social Studies_Arianna_Santoalla

Search

Read the Text Version

MAN The people of Mindanao Mindanao is known as the are divided into groups depending Land of Promise because of its on their culture and beliefs. As of rich biodiversity and natural resources present, Mindanaons have existing Both people and its which give us humans our daily needs to groups of Christians, Moros, migrants environment have interacting survive. It is home to some species of and their descendants, and tribes animals such as Philippine Trogon roles that help in shaping of Lumads. The Lumad are both the Asian and Filipino culture (bird), Tropical geckos and Tawi-Tawi the un-Islamized and through events and festival celebrations brown dove that can only be seen un-Christianized Austronesian held in Mindanao. For instance, Kaamulan there. It is also an island peoples of Mindanao. It consists festival is an ethnic cultural event held surrounded by epics, legends, folk of 30 Filipino native tribes. Due to annually in Mindanao. This festival and tales, and the myths believed by this diverse ethnicity, the culture other events gather people in a certain ancient tribes. But what made within the Mindanao region has place to celebrate. Not only Filipinos but Mindanao environment more become diverse and rich as well also different tourists visit Mindanao for significant to shaping its culture are and its native culture is preserved festivals for they are aware of how the ruins of Spanish infrastructures [by the Lumads]. Because of beautiful and colorful Mindanaons like churches, mosques, and old native the Lumad, the ancient culture that houses and ritual venues that present we have even before the festivals and places are. themselves a faint but pure ancient Spaniards and other outsiders came has been kept up to the in culture and way of life. present time. ENVIRONMENT

KAUNTING EKSPLANASYON Makikita sa Venn Diagram ang papel na ginagampanan ng mga Mindanaon at ng paligid nila sa paghubog ng kultura ng Mindanao bilang parte ng Asya. Matatagpuan sa kaliwang bahagi ng Venn diagram ang tungkulin at nagagawa ng mga tao/Mindanaon sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng ating “Asian culture” at “Filipino culture” bilang parte rin ito ng Pilipinas. Doon naman sa kanang bahagi ay matutuklasan ang mga salitang ginamit sa pagpapahayag ng kaganapan ng isang lugar o tiyak na lugar sa paghubog ng ating sariling kultura at pang Asyang kultura. At mapapansin naman sa gitna ng ginawang Venn diagram kung paano nagtatagpo ang ginagampanan parehas ng tao at lugar upang maisulong ang sariling kultura at ang pang-Asyang kultura.

Papel ng Makikita sa Venn Diagram ang papel na ginagampanan Tao ng mga tao sa Mindanao sa pagpapalawak at pagpapayaman ng kultura ng Pilipinas at ng Asya. Mas napayabong ng mga Mindanaon ang ating kultura bilang Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang kulturang naisabuhay bunsod ng iba’t ibang grupo ng taong naninirahan dito kagaya ng mga katutubong Pilipino o Lumad (humigit-kumulang limang porsyento ng kabuuang populasyon), mga Moro o Pilipinong Muslim (mahigit 20 porsyento), at mga Kristiyano (mahigit 70 porsyento). Bagama’t maraming iba’t ibang kultura at paniniwala ang dumating sa Mindanao, malaking bagay na nanatili ang tribo ng mga Lumad dahil napanatili nila ang orihinal na kultura ng ating mga ninuno.



Papel ng Kapaligiran Makikita sa Venn Diagram ang papel na ginagampanan ng kapaligiran sa Mindanao sa pagpapayabong ng kultura ng Pilipinas at ng Asya. Ang Mindanao na tinaguriang \"Lupang Pangako\" o “Land of Promise” mula’t sapul ay itinuturing na \"Lost Paradise\" sa bansa dahil sa taglay nitong natatanging kagandahan ng mga katubigan at kalupaan. Mayroon din itong iba’t ibang uri at klase ng hayop na tanging doon lamang makikita. Bukod sa mga yamang lupa at tubig na mayroon ang Mindanao, lugar din ito kung saan batayan ng paniniwala (o relihiyon) ng mga katutubo ang mga epiko, alamat, kuwentong bayan, at iba pa. Ang mga naiwang mga imprastraktura ng mga dayuhang nanakop at nanirahan doon gaya ng simbahan at mosque gayun din ang mga sinaunang tahanan ng mga Lumad ang sumasalamin sa uri ng pamumuhay at kultura ng mga unang mamamayan sa Mindanao. Lahat ng ito ay naghulma at nagpayabong ng kultura ng Pilipinas at ng Asya; at kaakibat nito kasabay ng paglipas ng panahon, napa-unlad din ang turismo hindi lamang ng Mindanao kundi ng buong Pilipinas din.

COTTA FORT SIMBAHAN ISLA NG SIARGAO PHILIPPINE TROGON DURIAN BAHAY NG LUMAD LAKE HOLON TROPICAL GECKO MOSQUE

Papel ng Tao at ng Kapaligiran Sa aking binahagi sa Venn diagram, mapapansin ninyo na aking ipinahayag kung paano nakatutulong ang tao at ang paligid sa Mindanao sa pagpapayaman ng kultura ng Asya. Ang tao at ang paligid ay nagkaroon ng magkaugnay na gampanin sa pagpapalawak ng isang kultura sa iba’t ibang paraan gaya ng mga piyesta at pagdiriwang na nagaganap sa Mindanao na nagbibigay-daan upang pagtipun-tipunin at pagsama-samahin ang mga tao sa iisang lugar upang magsaya. At ang tinatawag na “festivals” ay epektibo sa pagpapaunlad ng kultura dahil mayroon ang Mindanao ng makukulay at magagandang piyesta na tanyag sa buong bansa, at ng dahil sa kaakit-akit na itsura ng mga ito, naeengganyo ang mga Pilipino at ibang dayuhan na bisitahin ang lugar na ito. Malaki ang maitutulong nito sa kultura at turismo ng ating bansa at sa kultura ng Asya.




Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook