Most Essential Learning Competencies: Science Explain the need to protect and conserve tropical rainforests, coral reefs and mangrove swamps (S6MT-IIi-j-6) Filipino Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan (F6PN-Ia-g-3.1) (F6PN-Ia-g-3.1) (F6PB-Ic-e-3.1.2) (F6PN-Ia-g-3.1) Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at pamatnubay na tanong (F6PB-Ib-5.4) (F6RC-IIe-5.2) Edukasyon sa Pagpapakatao Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
Treasury of Storybooks This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022 of the Department of Education. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approv- al of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pro- nounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliber- ative assemblies and in meetings of public character. For the purpose of citation, the fol- lowing is recommended Matang Mapagmasid. DepEd- BLR, 2022 DEVELOPMENT TEAM Kuwento ni: Guhit ni: Learning Resource Managers:
usmos pa lamang pangarap na ni Adi Agila na masagip ang papaubos ng lahi, maprotektahan, at panumbalikin ang kasaganahan sa kanyang kinalakihang tirahan. Ngayon, labing isang taong gulang na si Adi Agila, ang kaisa-isang mabait na babaeng anak nina tatay Ado Agila at nanay Ada Agila. Ang pangkat nila ay kilala sa pagiging teritoryal, pinakamalaki, malakas, matapang, mapagmasid, at may matalas na paningin. Pangangaso sa kabundukan at pangingisda sa karagatan ang kanilang ikinabubuhay kaya gayun na lamang ang pagnanais ni Adi Agila na maprotektahan ang kanyang kinamulatang tirahan. “Sa abot ng aking makakaya mahal kong mga kalahi ay aking ililigtas, lupang kinalakihan ay isasalba ko gamit ang aking talino at lakas,” ang pagmamalaki ng matapang na agila. Dati kapag naririnig ito ng kanyang tatay Ado Agila at nanay Ada Agila ay natatawa lamang sila, ngayong malaki na si Adi Agila sambit-sambit pa rin niya ito nang buong tapang at kumpiyansa, sa pagkakataong ito alam nilang tutuparin ito ng kanilang pinakamamahal na anak sa mabuti at kakaibang paraan.
“Ang kaisa-isang pinsan kong lalaking agila rin ay kasing edad ko. Mapagmahal, maliksi, matatag, matulungin at bukod tanging pinsan na mayroon ako. Siya si Ayo Agila na sa akin tunay na biyaya,” saad ni Adi Agila nang may pagmamalaki sa pinsan niya. Higit pa sa magkapatid ang turingan nila. Sila ay hindi mapaghiwalay sa lahat ng lakad at lipad sila’y magkasama tuwi- tuwina, para silang pinuno ng kanilang pangkat may malaki at tunay na malasakit sa bawat kasapi. “Mahal na mahal ko si Adi Agila! Buong puso kong pagsisilbihan sa abot ng aking makakaya, ako ay humahanga sa kanyang katapangan, pangako palagi ko siya’ng tutulungan,” ang seryosong panata ni Ayo Agila. “Ikaw ang pinakapaborito kong nilalang Adi Agila, sa iyo walang palya ang aking suporta, sabay nating tuparin ang ating minimithi na protektahan ang kinalakihang tirahan natin,” ang wika ni Ayo Agila. Ngayong sila’y malalaki na at taglay ang pambihirang lakas ipinagkakatiwala na ng kanilang mga magulang na sila’y makagawa ng sariling tatak ng kabutihan.
“Noong isang araw may nakita kaming mga kalalakihang nagtotroso, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakalbo ang kagubatan at kung hindi kaagad maaksyonan tiyak mawawalan tayo ng tirahan,” ang nag-aalalang pagbabalita ng isa sa kanilang kasapi. “Dapat maaga nating mapigilan ang pagtotroso sa kagubatan kapag hindi ito mapigilan tiyak kahaharapin natin ang masasamang bunga na ganti ng kalikasan,” ang malungkot na wika ni Adi Agila. Nag-usap ang magpinsan at iba pa nilang kasaping agila kung ano ang mga dapat gawin. Hindi sila papayag na may sisira sa kagubatang bahagi ng kinagisnang tahanan. Sa araw ding iyon ay tumungo sila sa nasabing gubat.
“Ayon! Ayon ang mga nagtotroso gawin na natin ang ating plano. Pagtotroso ay ating pigilan upang tirahan natin maprotektahan!” ang matapang na wika ni Adi Agila. Sabay-sabay nilang binuhos lahat ng kanilang lakas upang makagawa ng matinding ingay at buong puwersang winasiwas ang makapangyarihang mga pakpak na siyang nagpagalaw sa mga puno. Ang tunog na namutawi sa mga agila ay nagpahiwatig ng galit kaya natakot ang mga kalalakihang nagtotroso. “Multo! Multo! Naglipana sa kagubatang ito ang mga multo!” ang takot na takot na sigaw ng isa sa mga magtotroso. Mabilis na umalis sa kagubatan ang mga magtotroso dahil sa akalang sa gubat na iyon naglipana ang mga multo. “Salamat sa Diyos at tayo ay nagtagumpay, napaalis natin sila at napigilan sa paggawa ng hindi kaaya-aya! Umuwi na tayo at magpahinga bukas ibang bahagi na naman ng kagubatang ating nasasakupan ang ating pupuntahan” saad niAyo Agila.
“Ayon! Ayon ang mga magkakaingin gawin na natin ang ating plano. Pagkakaingin ay ating pigilan upang tirahan natin maprotektahan!” ang matapang na wika ni Adi Agila. Nagmatyag muna sila sa bawat kilos ng mga magkakaingin habang iniisip na kailangan nang isagawa ang kanilang plano sapagkat nagsimula na sa pagkakaingin ang mga ito. Tiniyak nilang sila’y nakakubli sa mga puno at sabay-sabay na winasiwas nang buong lakas ang kanilang malalaking mga pakpak na gumawa ng maingay na tunog na nagpahiwatig ng kanilang pagtutol at galit. Sa ingay at kaluskos ng mga dahon ay nagkatinginan ang mga magkakaingin. Patuloy sina Adi Agila at kanyang mga kasapi sa kanilang ginagawa. “Sige ibigay na natin ang ating buong lakas. Gawin natin ang matinding pagwasiwas, hampas nang malakas! Sabay- sabay nating pigilan ang mga agresibong magkakaingin. Itaboy natin sila upang tirahan sa kagubatan ay masalba,” ang malakas na sabi ni Ayo Agila. Sila ay nagtagumpay sa kanilang ginawa at ang mga magkakaingin ay kumaripas ng takbo isa-isa. Lahat ay natakot sa ginawa nina Adi Agila at naglaho na parang bula. “Yehey! Tayo ay nagtagumpay maraming salamat sa Poong Maykapal!” ang sigaw ni Adi Agila na punong-puno ng ligaya.
Naging usap-usapan nga ng mga tao sa bayan ng Alanyagan na may multo sa kagubatan kaya ang pagtotroso at pagkakaingin ay nahinto na siyang labis na ikinasaya ng mga kasapi nina Adi Agila at Ayo Agila. “Pinahihiwatig lamang ng kalikasan na hindi maganda ang kanilang ginagawa. Nagsusumamo na ang ating inang kalikasan na sila ay ating pangalagaan, ingatan at huwag sirain nang walang pakundangan. Kapag ipinagpatuloy nila ang kanilang gawain ang maganda at masagana nating kagubatan ay hindi na masisilayan ng mga susunod pang henerasyon. Maraming nilalang ang mawawalan ng pagkain at masisilungan kasama na tayong mga tao diyan,” malinaw na pagpapaliwanag ni Kapitan Ding sa kanyang mga kababaryo na nagtitipon sa kanyang harapan.
“Ayon! Ayon ang mga pumutol ng mga punong bakawan. Gawin na natin ang ating plano. Pagputol ng punong bakawan ay ating pigilan upang tirahan ng mga yamang dagat ay maprotektahan!” ang matapang na wika ni Adi Agila. Winasiwas nila nang buong lakas ang makapangyarihang mga pakpak habang gumagawa ng malakas na ingay. Ang ingay na kanilang ginawa ay nagpahayag ng pagtutol sa ginawang pagputol ng mga punong bakawan. Walang takot nilang pinalibutan ang mga namutol sa bakawan. Sa bulas nilang pagkalalaki at mabangis na awra bumigay ang mga salarin hanggang ang mga ito ay nagmamadaling umalis din. “Naprotektahan natin ang bakawan! Salamat sa talino at lakas na biyaya ni Bathala sa atin,” buong pasasalamat na sambit ni Adi Agila.
Isang tanghali habang nasa himpapawid sina Adi Agila at mga kasapi patungong dulong bahagi ng karagatan ginulat sila ng malakas na pagsabog. Nakabibingi ang pagsabog na iyon at sila ay nabahala. “Ano ang ingay na iyon?” tanong ni Adi Agila. Dali- dali nilang tinahak ang pinanggalingan ng malakas na pagsabog at gayon na lamang ang kanilang pagkabahala. Lumantad ang mga mangingisda na nagpasabog ng dinamita. “Ayon! Ayon ang mga mangingisda na gumamit ng dinamita sa pangunguha ng mga isda. Oras na para isagawa ang ating plano. Sila ay ating pigilan upang karagatan ay maprotektahan!” ang sigaw ni Adi Agila. Pinalibutan ng malalaking mga agila ang bangka, sa laki at liksi nila ay dali-dali nilang dinagit ang mga dinamitang hindi pa nasindihan at hinulog ito sa tubig dagat. Nanggigigil na umatake ang lahat. Galit sa mga taong nasa bangka na gumawa ng hindi katanggap-tanggap sa mga nilalang sa dagat. “Sugod! Huwag tayong tumigil hangga’t hindi sila huminto,” ang matapang na sigaw ni Adi Agila. May mangingisdang nahulog sa tubig. Sa tindi ng takot na naramdaman agad silang nagmadali sa pagpapaandar ng kanilang bangka at pumalayo sa mga nanggigigil na mga agila.
“Hindi ba nakikita ng mga batang iyon ang malalaking basurahan? O sadyang hindi talaga sila marunong magtapon ng kanilang mga basura,” ang malungkot na sambit ni Adi Agila sa kanyang mga kasapi. “Tayo na unahan natin silang pulutin ang mga basurang nakakalat. Itapon natin ito sa angkop na basurahan. Kapag napunta ito sa dalampasigan tiyak malalason ang tubig dagat pati na ang mga nilalang na nakatira sa karagatan. Magsisilbi tayong modelo ng tamang pagtatapon ng basura,” wika naman ni Ayo Agila. Inumpisahan na nga nina Adi Agila, Ayo Agila at mga kasapi ang pagpulot ng mga basurang nakakalat. Gamit ang kanilang malalaking mga tuka isa-isa nilang pinulot ang mga basura. Namangha ang mga bata sa ginawa ng malalaking mga agila. Naging maliksi sila sa pagpulot ng mga basura. Ang mga bata ay hindi natakot sa mga ito bagkus ginaya nila ang mga ginawa ng mga agilang kahanga-hanga. Pulot dito, pulot doon kahit saang sulok na mga basura ay pinulot nila at itinapon sa angkop na basurahan. “Wow! Kayganda ng dagat sobrang linis at maaliwalas. Hinding- hindi na ako magkakalat ng aking basura itatapon ko na ito nang tama,” ang namutawing salita sa bibig ng isang bata.
May mga kabataan na naliligo sa malalim na bahagi ng dagat sumisisid sila at sa pag-ahon may mga korales nang dala- dala. Ngiting-ngiti ang mga ito, walang kamalay-malay na mali ang ginagawa at sinisira na ang tahanan ng mga isda sa ibabang dako ng dagat. Marami na ang nakuha nila kaya si Adi Agila at iba pang mga kasapi ay nabahala. “Hay naku! Ang mga kabataan na iyon ay dapat mapigilan lahat ng mga korales na kanilang nakuha ay dapat ibalik sa dagat dahil sinisira nila ang tirahan ng mga isda,” naiinis na sabi ni Adi Agila. “Tara na! Pagtulungan nating ibalik ang mga korales sa dating lugar nito,” ang saad ni Ayo Agila.
Lumapit sila sa kinaroroonan ng mga kabataan. Nagulat ang mga ito nang biglang dagitin ng mga agila ang mga korales na dala- dala nila at inihulog sa malalim na bahagi ng dagat. Tumungo sila sa mga kabataan, sa pagkakataong ito ang dating plano ay isinagawa. Winasiwas ang makapangyarihang mga pakpak nang napakalakas at gumawa ng ingay na nagpahiwatig ng pagtutol sa ginawa ng mga bata. Tumigil ang mga kabataan sa pagkuha ng mga korales at nagsipaglangoy patungo sa dalampasigan upang makalayo sa mga matatapang na agila. “Ang tatapang ng mga agilang iyon. Naku! Hinding-hindi na ako kukuha ng mga korales baka ako ay balikan ng mga nakabantay na mga agilang iyon,” sambit ng isang bata. “Hay salamat napigilan din natin sila. Palagay ko ay hindi na nila uulitin ang pagkuha ng mga korales,“ ang sabi ni Ayo Agila.
“Balikan natin ulit ang kagubatan, magsipaghanda kayo baka tayo ay mapapalaban,” saad ni Adi Agila sa mga kasapi. Habang sila ay nasa alapaap nakita nila ang kumpol ng mga taong nagtatanim ng mga puno. Tulong-tulong sila sa paglilinis ng kapaligiran at mayroong nagdidilig ng mga halaman. Wala nang nagtotroso at nagkakaingin bagkus marami na ang nagtatanim ng puno upang palitan ang mga putol na punong kahoy sa gubat. “Sana tuloy-tuloy na ang mabuti nilang gawain malaking bagay ito upang maprotektahan ang tahanan natin. Palagi kong panalanging sana bawat isa ay maging responsable sa ating mundong ginagalawan at hinding-hindi gagawa ng mga bagay na ikasisira ng iba pang mga nilalang,” ang mahinahong sambit ni Adi Agila. “Halikayo! Doon marami akong nakitang mga buto kukunin natin iyon at ihulog sa kagubatan balang araw magiging matatayog na itong mga puno, proteksyon natin laban sa baha na maaring bumawi sa buhay ng maraming nilalang ni Bathala,” ang sabi ni Adi Agila sa kanyang mga kasapi.
Naglibot din sila sa malawak na karagatan at naging masaya sa mga namataan. Ang mga batang dating nagkakalat ng basura sa dagat, ngayon natanaw nilang doon ay naglilinis na. Sinasaway nila ang mga taong dati’y tulad nila na hindi marunong magtapon ng basura. “Ang basura po ninyo ay pakitapon nang maayos, huwag hayaang sa dalampasigan makaabot, linisin ang kalat natin upang ang yamang dagat ay hindi malason,” ang paulit-ulit na paalala ng bata. Naroon din ang mga kabataan na dati kumukuha ng mga korales ngayon ay aktibong miyembro na ng bantay dagat. Naglalayag sila sa maganda at malawak na karagatan ng Alanyagan upang masiguro na ang mga kukuha ng magagandang mga korales ay mapigilan.
Ang dating mga mangingisdang nagdidinamita ngayon lubos ay nagbago na. Pangangalaga ng karagatan na ang inaatupag nila at nanghuhuli ng mga isda sa tradisyonal na pamamaraan gamit ang lambat. Walang paglagyan ang galak na nararamdaman ni Adi Agila. Ang panahon at pangyayari ay umaayon sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa mamumuhay sila nang mapayapa, habang nilalasap nila ang kasaganahang gustong matamasa. Patuloy pa rin ang pagdarasal ni Adi Agila na sana ang magandang pangyayari ay wala ng hanggan. Bawat nilalang ay ginagawa ang kanilang pananagutan sa kapaligiran, protektahan ito at pangalagaan. “Salamat Bathala! Tunay ngang makapangyarihan ka. Lahat ng mabuting nangyayari ay dahil sa inyo, mabuhay ka Panginoon ko!” punong-puno ng pasasalamat na sambit ni Adi Agila.
Search
Read the Text Version
- 1 - 36
Pages: