Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Kutis Labanos Obsesyon ng mga Pilipino sa Pagiging Maputi

Kutis Labanos Obsesyon ng mga Pilipino sa Pagiging Maputi

Published by SOFIA ANGELA MAE AGUILANA, 2022-05-30 06:03:52

Description: Kutis Labanos Obsesyon ng mga Pilipino sa Pagiging Maputi

Search

Read the Text Version

Kutis Labanos: Obsesyon ng mga Pilipino sa Pagiging Maputi

02 Sanggunian 03 Panimula 05 Hipotesis 06 Pagpapakilala 11 Mga Halimbawa 13 Ilustrasyon 16 Diskusyon 20 Konklusyon 22 Sanggunian Talaan ng NILALAMAN

Kutis Labanos: Obsesyon ng mga Pilipino sa Pagiging Maputi 1

Abstrak Ayon sa Encyclopedia, ang salitang obsesyon ay isang kaguluhan sa pag-iisip na nagmula sa isang kaaya-ayang ideya na nagpapatuloy sa isipan ng indibidwal. Ito ay isang negatibong termino na nangangahulugang labis na pagkahumaling sa isang bagay. Sa kabilang banda, ang Kutis Labanos ay nangangahulugang maputi at makinis. Lahat ay puwedeng pagsimulan ng obsesyon. Pagkain man ito, sasakyan, bahay, damit, o kahit sa isang tao, kaya naman hindi malabo na may mga taong obsess sa pagpapaputi. Ilang pag-aaral na ang ginawa tungkol sa pagkahumaling ng mga Pilipino sa kaputian. Nagbigay tuon ang mga mananaliksik sa kung ano ang pinagmulan, naging sanhi, at epekto ng obsesyong ito sa mga Pilipino. Napatunayan na para sa iba, ang pagiging maputi ay katumbas ng pagiging maganda. Ito ay kalamangan sa karamihan at kadalasan ay nagkakaroon ng pribilehiyo sa pampublikong lugar ang mga mapuputi. Sa kabilang dako, ang mga kayumanggi ay nakaranas nang panunukso dahil lamang sa kulay nila. Dahil dito, nagkaroon ito ng negatibong epekto sa kanilang perspektibo sa sariling balat. Nagkaroon din ng miskonsepsyon ang mga tao na kapag kayumanggi ka, ikaw ay aktibo sa sports kaysa sa mga mapuputi. Huli, karamihan ay ang tingin sa mga kayumanggi ay mga libagin at ang mapusyaw na kutis ay nangangahulugang malinis at may disiplina sa katawan. Napag-alamanan na ang obsesyong ito ay may kinalaman sa pananakop sa atin ng mga banyaga. Idagdag pa ang sobrang pagkapanatiko ng mga Pilipino sa ibang kultura. Ang booklet na ito ay magpapakita ibang perspektibo tungkol sa mga beauty products na kadalasan ay puro positibo lamang ang sinasabi sa mga komersyal. 2

PANIMULA Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kakaibang pamantayan ng kagandahan sa Asya. Ang pagkakaroon ng kulay papel at kutis perlas o mala-porselanang balat at balingkinitan na katawan ang depinisyon ng kagandahan. Agaw pansin ito at nangingibabaw agad sa paningin ng karamihan. Malaking kaibahan sa pamantayan sa Western countries kung saan ang nais nila ay magkaroon ng morenang kutis at kapag natural na meron ka nito ay maganda ang tingin sa iyo. Madalas marinig ang pagkukumpara ng maputi at makinis na kutis sa labanos, isang gulay na ang kulay ay maihahambing sa blankong papel dahil sa kaputian. Kadalasan ay sa mga matatanda ito nanggagaling habang sila ay nahuhumaling at nagbabasbas ng papuri sa mga batang mapuputi. Nakakabahala na sa kahit anong plataforma at istasyon sa telebisyon ang tingnan ay kadalasan mong makikita o mababasa ang mga patalastas para pampaputi. Masasabi ring malaking impluwensya para sa mga tao 3

ang mga iniidolo nilang artista na nag e-endorso ng mga ganoong produkto. Tipong kahit sabong pang bata ay mayroon na ring sangkap ng pampapusyaw. Umaabot pa sa puntong handa silang i-­ bleach ang kanilang balat para lamang mabilis na makita ang epekto ng produkto. Pati ang mga capsules na hindi alam ang side effects sa kanilang katawan ay handa nilang inumin kapalit lamang ng maputing kompleksyon, at magpaturok at gumastos para sa glutathione. Hindi rin maitatanggi ang diskriminasyon sa mga patimpalak at kahit sa mga publikong lugar. May mga pagkakataong mas maayos at mas maraming pribilehiyo ang mga mapuputi kaysa sa mga kayumanggi. Para sa mga mananaliksik, mahalaga na alamin kung saan nga ba nagmula ang obsesyong ito at kung bakit nasimulan ito sa kadahilanang ilang henerasyon na ang namulat sa paniniwalang ang depinisyon ng pagiging maputi ay maganda at pagiging maitim ay madungis at dugyot. Isa sa layunin ng papel na ito ang alamin ang kasaysayan at pinag ugatan ng obsesyong ito na panigurado na may kinalaman sa pananakop sa atin ng mga dayuhan. Ayon kay Casillan noong taong 2020, ang mga hakbang at produktong pampaputi kagaya na lamang ng mga papaya soap ay may malaking kaugnayan sa kolonyal na kasaysayan ng Pilipinas. Aalamin sa papel na ito ang historya at kadahilanan ng obsesyong ito at kung gaano kaganda ang natural na kulay ng mga Pilipino. \"Maputing balat ay in\" 4

HIPOTESIS Ang pagiging maputi ay katumbas ng 1 pagiging maganda. Sa ating bansa, ang pagkakaroon ng maputing kutis ng balat ay isang 2 kalamangan kumpara sa iba. Kagaya na lamang sa pagkakaroon ng maraming pribilehiyo. Ang ilan sa mga kayumangging Pilipino ay 3 nakaka tanggap ng pang bubully dahilan para mawalan ng kumpyansa sa sariling kulay at mapressure sa pagpapaputi. Sa perspektibo ng mga pilipino mas aktibo 4 sa sports ang mga kayumanggi kaysa mapuputi. Ang pagiging maputi ay nangangahulugang 5 may disiplina ka sa katawan. pn 5

PAGPAPAKILALA Ayon sa isang pag-aaral ukol sa impluwensya ng Kolonyalismo sa pag-unlad ng mga produktong pampaputi na isinulat ni Singson taong 2017, malaki ang naging epekto ng kasaysayan sa obsesyon ng mga Pilipino sa mga pampaputi na mga produkto. Ito ay dahil sa naging racism noong panahon ng mga Amerikano dito sa Pilipinas at patuloy na lumalaganap ngayon. Ayon sa teoryang ito ni Singson, maraming mga mananalaysay na hindi nalalayo sa panahon noon ang nangyayari sa kasalukuyan kung saan mas malaki ang pribilehiyo ng mga taong may mas maputing kulay kumpara sa mga taong may kayumanggi. Idinagdag pa ni Singson, ang mataas na porsyento ng mga Pilipinong nakasubok na ng mga produktong pampaputi ay isang rason kung bakit itinuturing na mas tanggap sa lipunan ang light-skinned o mapuputing tao sa kasalukuyan. Sa pag-aaral ni Singson, tinukoy dito ang iba’t ibang salik na maaaring nakakaapekto kung bakit nagkaroon ng obsesyon ang mga Pilipino sa pagiging maputi katulad na lamang ng The Filipino Skin Whitening Industry, kung saan ang katanyagan ng industriya ng pagpapaputi ng balat ay humantong sa maraming tao na iniisip na ang pagkakaroon ng mas maputing balat ay katumbas ng pagkakaroon ng mas magandang pamumuhay. Sumunod ay The United States’ Occupation of the Philippines and US Exceptionalism, inilahad dito na inuugnay ni Morley ang gusali at pagsasaayos ng US ng mga lungsod sa Metro Manila na may pagnanais na ihiwalay ang Pilipinas mula sa kanyang 'di- sibilisadong' nakaraan at lumikha ng isang bagong pambapnn sang pagkakakilanlan sa pamama- 6

gitan ng pag-uudyok ng mga bagong pisikal at kultural na kapaligiran na nagpapakita ng mga pag-asa, prinsipyo at pagmamataas ng imperyal.\". Kasunod na salik nito ay The Psychological Impact of American Colonialism, Ang kolonyal na mentalidad ay may negatibong impluwensya sa psychological well-being ng mga Pilipino dahil ito ay nakakaapekto sa pagkakakilanlan ng etnikong Pilipino at kolektibong pagpapahalaga sa sarili, gayundin sa iba pang mga etnikong post-colonial. Sumunod dito ay Origins of the Skin Whitening Industry, ang pag-unlad ng internalized oppression at perceived inferiority sa hanay ng mga mamamayang Pilipino ay nagpapaunlad ng isang kapaligiran kung saan maaaring umunlad ang industriya ng pagpapaputi ng balat. Bukod pa dito, mayroong isang relasyon sa pagitan ng kolonyalismo at ang katanyagan ng mga produktong pampaputi ng balat sa mga bansang post- colonial. Sinabi ni Mendoza na ang postcolonial, internalized racism ay nagreresulta sa tagumpay ng mga produktong pampaputi ng balat sa mga lower classes sa Pilipinas, 7

bilang mas maitim na balat ay nauugnay sa mga negatibong katangian tulad ng mas mababang kita at katayuan sa lipunan. Huling salik na inilathala ni Singson ay Contemporary Influences of Skin Whitening, kung saan inilahad na ang mga nakakaramdam ng pagiging kabilang sa kultura ay ipinapakita na mas nagiging mahusay sa academic settings. Ang ibang mga mananaliksik ay nagtaltalan na ang pagnanais para sa mas magaan na balat ay nagmumula sa isang phenomenon na tinatawag na \"Cosmopolitan Whiteness,\" o kaputian na hindi nauugnay sa isang lahi o nasyonalidad, ngunit pinahahalagahan sa buong pambansang hangganan bilang isang bagay na marangya o sunod sa moda. Ayon pa sa isang pag-aaral mula kay Reyes taong 2020, ang mga Pilipino ay likas na pinapahalagahan ang kanilang itsura gayundin ang kanilang pag-edad. Ang teorya ni Reyes tungkol sa obsesyon ng mga Pilipino sa mga whitening na mga produkto ay dahil sa dalawang dahilan. Una, ay kagaya sa 8

mga nabanggit sa teorya ni Singson tungkol sa colonialism. Binigyang-diin ni Reyes ang European colonialism na talamak na dahilan ng pagtaas ng consumption ng mga produktong pampaputi. Ang pangalawang dahilan na binanggit ni Reyes ay ang kagustuhan ng mga Pilipino na bumata. Maraming salik o teorya ang nagpapatunay na ang mentalidad ng mga tao tungkol sa pagiging youthful ay ang kanilang kutis. Nabanggit din sa pag-aaral ni Reyes na nakakaapekto sa persepsyon ng mga Pilipino kung paano ipinapahiwatig ang mga taong mapuputi sa mga palabas lalong-lalo na sa mga advertisement. Ayon kay Reyes, ginagamit ng mga patalastas na ito ang colorism bilang maging isang uri ng paghalina sa mga konsyumer na bumili ng kanilang mga produkto. Ang konsepto ng colorism sa binigay na kahulugan ni Dr. Arnado, ito ay isang uri ng social hierarchy ng mga taong nasa iisang lahi. Sa isang bansa na natural na kayumanggi ang kulay, naging konsepto na ng mga Pilipino na ang pagiging maputi ay isang tanda na mas nakakaangat sa ibang kulay. Sinabi din ni Arnado na ang colorism, ay isang konsepto na inaangkat ng mga Pilipino sa kultura ay maaaring maging delikado sa lahat. Ang konsepto at teorya ng colorism ay akma sa kasalukuyang pag-aaral dahil ito ay isang dahilan at resulta ng obsesyon ng mga Pilipino sa konsepto ng Kutis labanos. 9

Isa pang pag-aaral ay Rendering whiteness visible in the Filipino culture through skin whitening cosmetic advertisements na nagkaroon ng konklusyon at pagtuklas na ang mga resulta ng semiotic analysis ng skin-whitening, mga kosmetikong patalastas sa telebisyon at mga patalastas sa 167 women’s magazines sa Pilipinas na ang pinagtibay ng mass media ng Pilipinas ang mga kolonyal na pamana sa pamamagitan ng pag-uugnay ng white-skin sa kagandahan, kayamanan, at kapangyarihan. Kasabay nito, ang mga resulta ng focus group panayam ng dalawang grupo ng kababaihang Pilipino na gumagamit ng mga pampaputi ng balat ay nagpakita na ang mass ng Pilipinas ay may negatibong impluwensya ang mga representasyon ng kaputian ng media sa pagbuo ng konsepto sa sarili at pagkakakilanlang kultural ng mga Pilipino. Ipinakita rin nila na ang reenactment ng mga Pilipino sa ang kaputian ay higit na humuhubog sa kaisipang Pilipino. Kaakibat ng mga teoryang ito ni Natividad B.R ang kasalukuyang pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik kung saan ang konsepto ng pagpapaputi sa mga Pilipino ay tatalakayin at ang mga bagay na nagiging resulta at impluwensya nito 10

MGA HALIMBAWA 1.Konsepto ng Panunukso Isa sa kaugalian ay ang magpasaya ng ibang tao sa pamamagitan ng biro. Hindi maipagkakaila na kadalasan ay sobra na sa pamamagitan ng pag atake sa kahinaan ng iba. Ipina mulat satin na buhay ang diskriminasyon pagdating sa mala kayumangging balat dahil di umano isa ito sa tampulan ng 'tukso' saan mang dako, dahil dito maari silang makaramdam ng pressure sa pagpapaputi ng balat, kung kaya't nauugnay dito ang konsepto ng pagkahumaling ng mga Pilipino sa pagpapaputi. Upang hindi maging sentro ng tampulan, sinisikap ng iba na makamtan ang mala kutis porselana kagaya ng iba. 2. Pamantayan ng pagiging Maganda Agaw pansin sa paningin ng mga Pilipino kapag nagtataglay ka ng malaporselang kutis. Sa mata ng bawat Pilipino isa ito sa 'pamantayan ng pagiging maganda' sapagkat karamihan sa mga sikat na Pilipino ay taglay ang makinis na balat. Samu't saring pampaputi na produkto ang inindorso kaugnay ang ideyang nakakadagdag ito ng karisma dahilan para hangaan ka ng ibang tao. At dahil patuloy na idiniidin ang pamantayang ito araw-araw sa mga telebisyon, social media platform atbp. nagkaroon ng obsesyon ang mga Pilipino sa pagpapaputi, nagnanais na hindi lang sila makita na maganda sa panloob na kaanyuan maging sa labas. 3. Konsepto ng Favoritism Ang konsepto na ito ay madalas na kaugnay sa pamilya, ngunit sa ngalan ng entertainment industry, makikita na mas pinapa buran ang may maputing balat kaysa sa kayumanggi. Nakatatak sa isipan na hindi kaaya-aya sa paningin kapag maitim ang balat kung kaya't karamihan sa mga modelong kinukuha ay taglay ang mala porselanang kutis. Idagdag pa ang mas maraming pribilehiyo ang bukas para sa katulad nila. Sa ganitong uri ng pamantayan, isa ito sa mga nag udyok sa mga pilipino sa pagpapaputi. 4. Hiya Ang mga Pilipino ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang kamag-anak. Sa konseptong ito nauugnay ang labis na pag-aalala tungkol sa iniisip ng iba sa kanila,, hindi lang sa kaugalian maging sa pisikal na anyo. Kadalasan ugali ng mga Pilipino na ikahiya ang sariling balat sapagkat sa pananaw nila, isang mortal na kasalanan ang pagkakaprnoon ng maitim na balat, na tila ba ang tingin nila rito ay katumbas ng pagiging madumi at isang bagay na dapat ikahiya. 11

5. Mainggitin sa kulay ng Iba Sa wastong ito iniisip ng mga pilipino magpaputi dahil na nonoot sa kani kanilang damdamin ang pagka inggit dahil sa impluwensya. Sa konseptong ito mai-konekta ang hindi pagkakontento sa sariling balat dahil hindi nila kayang tanggapin ang kung anong meron sila. 6.Pamantayan sa pagiging aktibo sa sports Ang paglalaro ng sports ay kultura na ng mga pilipino kung kaya’t maraming nahuhumaling sa paglalaro mapa lalaki man o babae. maraming pilipino na aktibo sa sports ay nagkakaroon ng kayumangging kulay sa kadahilanang maraming palaruan sa pilipinas ay matatagpuan sa ‘’Outdoor’’. Nauugnay ito sa pagkahumaling ng mga pinoy sa pagpapaputi sa kadahilanang madami ng kabataan ang hindi aktibo sa sports at mas pinipili na lamang na magpaputi sa loob ng bahay. 7.Mana Ang mga pilipino ay malaki ang paniniwala na ang itsura ng anak ay namamana sa magulang kasama narin dito ang kulay ng balat. Kung kaya’t pag nagkaroon ng ibang kulay ang anak sa kanyang magulang lumalabas dito ang pagkahumaling ng mga pilipino sa pagpapaputi sa kadahilanang para hindi maging iba ang kulay nito sa kanyang magulang. 8.Konsepto ng pagkamit sa pagbabago Karamihan sa mga Pilipino ay karaniwang nagtataglay ng katamtamang laki o taas, pango at kayumangging kulay. Natural lang sa isang pilipino ang magkaroon ng kayumangging kulay sapagkat ito na talaga ang lahi natin. Kung kaya’t malaki nalang ang pagnanais ng mga pilipino para pumuti upang maging isang ‘’achievement’’ nila ito sa kanilang sarili at masasabing nagkaroon ng ‘’glow-up’’ sa kanilang sarili. 9.Pagtanggap ng kultura ng iba Ang mga pilipino ay may katangiang maka ‘’Adapt’’ sa kultura ng ibang bansa. Sa panahon ngayon madali ng nalalaman ng mga pilipino ang kultura ng iba sa pamamagitan ng internet. Halimbawa nito ay ang pag humaling ng mga pilipino sa panonood ng kultura ng korea lalo na ang mga pampaputi at pampaganda ng balat kung kaya’t nahuhumaling ang mga pilipino sa pag gamit nito . Sa konseptong ito malalaman na ang mga pilipino ay maaaring makasabay sa iba at magaya ang kultura ng iba. 10. Pamantayan ng pagiging masipag Pag sinabi mong pilipino ang maiisip agad ng iba ay masisipag. Kahit sa murang edad palang ay banat na ang kanilang mga buto at sanay na magbilad sa araw. Kung kaya’t karamihan sa mga masisipag na pilipino ay may kayumangging kulay. Ngunit sa panahon ngayon lalo na ang mga kabataan mas pinipili nalang nilang mag kulong sa bahay at lumayo sa bilad ng araw upang alagaan at panatilihin ang pagiging maputi kaysa magbanat ng buto. 12

Ang larawang ito ay nagpapakita na ILUSTRASYON hindi lamang kojic soaps ang tinatangkilik ng mga Pilipino, kundi pati na rin ang mga glutathione at collagen na capsules . Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang poster mula sa isang sikat na brand ng pampaputi kung saan kadalasang target na din ng mga brands na ito na maglabas ng isang set ng mga produkto upang mas tangkilikin ng mga tao. Ang larawang ito ay nagpapakita na isang palatandaaan na mabenta ang mga kojic soaps sa Pilipinas ay ang pagbebenta ng malalaking bareta ng mga ito sa merkado. Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang gawi ng mga Pilipino pagdating sa mga kojic soaps. Dahil sa presyo ng mga ito, hinahati at pinaninipis ito upang mas madaming piraso ang mapalabas mula sa isang bareta ng sabon. 13

Ang larawang ito ay isang halimbawa ng mga feedback na ginagamit ng mga brands upang manghikayat pa ng ibang tao na subukan ang kanilang produkto. Ang larawang ito ay nagpapakita ng proseso ng bleaching sa buong katawan na kasalukuyang tinatangkilik lalo na ng mga kabataan. Ang larawang ito ay isang meme na nagpapakita ng colorism tungkol sa paggamit ng kojic ng mga taong may kayumangging balat. Ito ay isang halimbawa ng hindi makatotohanang resulta ng mga kojic na sabon ngunit tinatangkilik ng mga tao. 14

Ang larawang ito ay nagpapakita ng mga produktong pampaputi na patok ngayon sa merkado kahit pa mahal ang presyo ng mga ito. Ang larawang ito ay nagpapakita ng proseso ng bleaching sa buong katawan na kasalukuyang tinatangkilik lalo na ng mga kabataan. 15

DISKUSYON Tatak ng pagiging Pilipino ang nagtataglay ng kayumangging balat. Isinilid natin sa isipan na nararapat itong ipagmalaki at hindi ikahiya sapagkat isa ito sa simbolo ng ating pagkakakilanlan. Subalit tila ba isinantabi ang kaisipang ito dala ng pamantayang inukit sa henerasyon ito. Hindi mai-tatangging umusbong ang pagkahumaling ng mga kababayang Pilipino sa pagpapaputi dahil sa personal na rason at sa imposibleng pamantayan ng kagandahan sa ating lipunan sa panahon ngayon.Sa tulong narin ng ‘’internet’’ mas nahuhumaling ang mga pilipino sa kultura ng iba at sa paraan ng kanilang pagpapaputi. Ang mga pilipino ay magaling sa panggagaya, madali nating nayayakap ang kultura ng iba sa kagustuhan narin natin sapagkat sa panahon ngayon mas magiging maganda sa paningin ng ibang tao pag ikaw ay nagtataglay ng maputing balat. Dahil sa pagkahumaling sa kultura ng iba, nakakalimutan ng karamihan kung gaano kaganda ang sarili nating kulay at kultura. Sa kadahilanang din gustong sumabay sa uso kaya't nahuhumaling ang mga ilan sa Pilipino sapagkat ito ang nakakapag paramdam sa kanila na sila ay kabilang sa isang grupo, na kung sila ay ganito kaputi ay mag-iiba ang tingin sa kanila na nagbibigay ng kumpyansa sa kanilang sarili. Sa kabila ng benepisyong dala ng obsesyon ng mga Pilipino sa mga produktong pampaputi katulad ng pagbibigay kita sa iba pang Pilipino, naroroon din ang kaakibat na masamang epekto nito sa kultura ng mga Pilipino. Marami man sa mga Pilipino ang nahuhumaling dito, marami pa din sa mga kayumanggi ang pinipiling hindi baguhin ang kanilang kulay dahil din sa kakulangan sa pinansyal na ilalaan para sa mga bagay na ito. 16

1. Ang pagiging maputi ay katumbas ng pagiging maganda. Talamak sa bansang Pilipinas ang malawakang pagbebenta sa komersyo ng mga produktong nagpapaputi ng kulay ng balat. Ayon kay Bernardino noong 2015, kayumanggi ang natural na kulay ng mga Pilipino dahil sa mga ninunong nagmula sa lahi ng mga Aetas. Gayunpaman, sa kabila ng natural na kulay ng mga Pilipino, ang pagkakaroon ng maputing kutis o balat sa Pilipinas ay nangangahulugan na ang isang tao ay maganda at may kalamangan sa iba. Ito ay napatunayan sa isang pag-aaral na isinagawa ni Nagar sa taong 2018 kung saan mas malaking porsyento ng mga respondente ang nagpasya na ang persepsyon nila ng kagandahan ay sa pagiging maputi ng balat. Marami sa mga Pilipino ang mayroon na personal na karanasan ng diskriminasyon na naramdaman nila na ang kagandahan sa mata ng lipunan ay idinidikta ng kulay ng balat. Dagdag pa rito, ang mga patalastas ng mga produktong pampaputi ay nakaaapekto rin sa persepsyon ng tao sa pagiging maganda. Kadalasan ay mga sikat at kilalang magagandang endorser ang kalimitang ginagamit na maputing tao. Samantalang, maitim at walang sigla naman ang gagampanan ng taong gagamitin bilang paghahambing sa dalawang kulay. Ang mga taong ito ang nagiging beauty standard ng mga tao lalong-lalo na ng mga kabataan. 2. Sa ating bansa, ang pagkakaroon ng maputing kutis ng balat ay isang kalamangan kumpara sa iba. Kagaya na lamang sa pagkakaroon ng maraming pribilehiyo. Sa kontekstong ito napatunayan na isang kawalan ng maraming oportunidad ang pagkakaroon ng maitim o mala kayumanggi na balat kahit na ito ang tatak natin bilang isang mamamayang Pilipino. Ito'y sa kadahilanang hindi maipagkakaila na umusbong ang kolorismo sa ating bansa. Upang mabigyan ng sapat na eksplanasyon ang kolorismo, ipinahayag nina Buckelew at 17

Freeman noong 2010 na ang kolorismo na umusbong sa bansang Pilipinas at kaakibat ng pagbibigay ng pribilehiyo kung ikaw ay may kapu-tiang taglay o mala porselana na kutis, samantalang kabaliktaran nito kapag ika'y may pagka itim na balat mahihinuha na makaka ranas ka ng ilang disadvantages. Ang ideyang ito ay sinuportahan nina Mathews at Johnson taong 2015 na nagsasabing ang konsepto ng kolorismo ay isang sistema na nagbibigay ng mga kalamangan at maraming pagkakataon o oportunidad sa mga taong nagtataglay ng mas maputi na kutis. Sa kaisipang ito, agad na kakikitaan ng pagka bias batay sa balat. 3. Ang ilan sa mga kayumangging Pilipino ay nakaka tanggap ng pang bubully dahilan para mawalan ng kumpyansa sa sariling kulay at mapressure sa pagpapaputi. Hindi maikakaila na ang pagiging maputi ay sadyang basehan na ng ilang tao; kung maputi ka ay kagalang galang ka, kung hindi naman ay pupunain ka at magiging biktima ka nila sa pang bubully. Si Priyanka Chopra,isang global star na naging biktima ng pang bubully dahil sa kanyang skin color. Ayon kay Muller noong 2019 Noong si Priyanka ay high school, nakaranas siya ng bullying at rasismo. “It really affected me when I was a kid and affected my self-esteem.” ito ang isa sa sinabi ni Priyanka. Makikita sa kanyang pananalita at sa mga salitang napili nya ang hirap na dinanas nya nong sya na-bully. Bilang isang Pilipino na sadyang dapat kayumanggi ang kulay, dapat lamang na ito ipagmalaki ngunit sa nangyayaring pangungutya ay nagbabago ang pananaw ng ilang Pilipino at ginugusto na lamang na maging maputi ang kanilang balat upang magkaroon ng kumpyansa sa sarili at makaiwas sa diskriminasyon. 18

4. Sa perspektibo ng mga pilipino mas aktibo sa sports ang mga kayumanggi kaysa mapuputi. Ang mga pilipino ay natural ng may pagkahilig sa mga ‘’outdoor sports’’. Maraming pilipino ang nahuhumaling dito kung kaya’t maraming mahuhusay na atleta ay nagtataglay ng kayumangging kulay. isa naring dahilan nito ay maraming palaruan ang makikita kung saan saan na maaaring hindi natatakpan mula sa sikat ng araw. Madalas nagiging perspektibo ng mga pilipino na ang pagiging kulay kayumanggi ay nagpapakita ng sumasailalim ito sa matinding pagsasanay sa kanyang kinahihiligang sports. Ayon kay Wysong noong 2012 ang mga atleta ng larong nasa ‘’outdoors’’ ay karaniwang nagkakaroon ng mataas na porsyento na nagtataglay ng kulay kayumanggi. 5. Ang pagiging maputi ay nangangahulugang may disiplina ka sa katawan Ang kulay na puti ay sumisimbolo ng kalinisan sa anumang bagay. Ang kulay kayumanggi naman o brown sa Ingles ay madalas sumisimbolo sa karungisan, kulay ito ng putik ika nga. Hindi ligtas ang kulay sa balat sa mga simbolong ito. Kadalasan ay idinidikit ang salitang “libagin” kapag ang isang bata ay kayumanggi ang balat. Madalas sinasabi ng mga matatandang mag hilod ang mga ito, salungat sa madalas mong maririnig kapag maputi ang isang bata. Pauulanan sila ng papuri at sasabihin na napakalinis naman ng kaniyang magulang sa kaniyang katawan. Ihahambing ang kutis nito sa labanos o kaya naman sa gatas. 19

Konklusyon Bagaman maraming teorya ang inilahad sa pag-aaral ukol sa pagkakaroon ng obsesyon ng mga Pilipino sa pagiging maputi, mayroong labis na impormasyon kung saan nagpapakita na ang lipunan ang isa sa salik na pinaka-dahilan kung bakit ang ilan sa mga Pilipino ay mayroong obsesyon sa pagiging maputi. Katulad na lamang ng; White Lies, kung saan ipinakita kung gaano kadesisdo ang Pilipino sa pagpapaputi;impluwensya ng Kolonyalismo sa pag-unlad ng mga produktong pampaputi na isinulat ni Singson taong 2017; ang mga Pilipino ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ilan sa mga kayumangging Pilipino ay nakaka tanggap ng pang bubully. Ilan lamang ang mga ito na nagpapatunay na nangingibabaw ang lipunan na isa sa dahilan kung bakit na lamang naiimpluwesyahan ang pag- uugali ng mga Pilipino ukol sa pagkasabik sa pagiging maputi.Ang social validation, sa sikolohikal na pananaw, 20

ito ay tumutukoy lamang sa pagsang-ayon sa isang grupo at pagsunod sa mga aksyon na itinakda ng nasabing grupo upang makuha ang kanilang tiwala at maging 'fit in’'. Masasabi lamang na isa ito sa gustong matamo ng ilan sa mga Pilipinong may obsesyon sa pagpapaputi, social validation. Ayon sa isang articile nina Ishak & Steber noong 2021, ang kumpiyansa at validation ay magkakasabay. \"Ang kawalan ng kumpiyansa ay nagmumula sa kawalan ng tiwala sa ating sarili,\" saad ni coach Lisa Philyaw sa Bustle. “Kapag wala tayong tiwala sa ating sarili, saka tayo tumitingin sa iba para sa pagsang-ayon. Mas pinagkakatiwalaan namin ang kanilang opinyon kaysa sa aming sarili, kaya nakikita namin ang kanilang opinyon bilang mas wasto dahil hindi kami nagtitiwala sa aming sarili o sa aming pananaw.” Patunay lamang na ang kawalan ng tiwala sa sarili ay pag-uudyok sa pag-uugali na maging kakaiba o taliwas sa kung saan ka nanggaling o nagmula, pagiging kayumanggi na pinaputi ang sarili, na siyang magbibigay ng kumpiyansa sa sarili. 21

SANGGUNIAN Casillan, A. T. W. (2020, October 1). Flipping the cultural script: Papaya soap and skin color stratification in the Philippines. Inquiries Journal. Retrieved April 23, 2022, from http://www.inquiriesjournal.com/articles/1820/flipping-the-cultural-script-papaya-soap-and-skin- color-stratification-in-the-philippines Singson, F. (2017). Colonialism's Role in the Success of the Filipino Skin Whitening Industry. VCU Scholars Compass, Auctus: The Journal of Undergraduate Research and Creative Scholarship. Retrieved April 23, 2022, from https://scholarscompass.vcu.edu/auctus/45/ Natividad, B.R.(2006), \"Rendering whiteness visible in the Filipino culture through skin-whitening cosmetic advertisements\" . Theses Digitization Project. 2974. Retrieved April 23,2022 from https://scholarworks.lib.csusb.edu/etd-project/2974 Reyes, A. (2020). Real Fake Skin: Semiotics of Skin Lightening in the Philippines. Hunter College and The Graduate Center, City University of New York .Anthropological Quarterly, Vol. 93, No.4, p. 653– 678. Retrieved April 23, 2022 from https://www.sciencegate.app/document/10.1353/anq.2020.0073 Chin, DC. E. (2021). Skin deep: Peeling off the Philippines’ colorism problem. The LaSallian. Retrieved April 23, 2022, from https://thelasallian.com/2021/03/13/skin-deep-peeling-off-the-philippines- colorism-problem/ GMA Public Affairs. (2018). Kapuso Mo, Jessica Soho: Ilang kababaihan, nabiktima diumano ng pekeng beauty products. YouTube. Retrieved May 26, 2022, from https://youtu.be/s27f2Tp-1wk. Nagar, I. (2018). The Unfair Selection: A Study on Skin-Color Bias in Arranged Indian Marriages. Sage Journals. Retrieved May 26, 2022, from https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/2158244018773149 Muller, M. G. (2019, May 16). Priyanka Chopra Remembers Being Bullied in High School Over Her Skin Color. W Magazine. Retrieved May 26, 2022, from https://www.wmagazine.com/story/priyanka-chopra-on-racism-and-being-bullied Srinivasan, S. (2021, September 23). Social Validation – Decoding The Psychology Behind It. Feedough. Retrieved May 26, 2022, from https://www.feedough.com/decoding-the-psychology- behind-social- validation/#:%7E:text=1.3%20Bottom%20Line%3F-,What%20Is%20Social%20Validation%3F,trus t%20and%20’fit%20in’. Ishak, R., & Steber, C. (2021, July 26). How To Stop Seeking Validation From Others, According To Experts. Bustle. Retrieved May 26, 2022, from https://www.bustle.com/wellness/how-to-stop- seeking-validation-from-others-experts 22

\"Hindi batayan ang kulay sa kagandahan. Morena ka man o maputi, maganda ka. Ating tanggapin at mahalin ang natural na kulay, dahil moreno ang kulay ng mga Pilipino\"


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook