Gabay sa Tamang Pagpili ng mga Ihahalal na Kandidato TAPATDAPAT #BeHONEST BROTHERHOOD OF CHRISTIAN BUSINESSMEN & PROFESSIONALS
1 / 15 May malinis siyang pangalan sa pampublikong tala (public record); hindi nasangkot sa anumang krimen, anomalya o katiwalian.
2 / 15 Wala siyang mga bisyo sa droga, alak, babae-lalake, sugal, at iba pa. Wala siyang kaugnayan sa mga taong may masamang kalakaran.
3 / 15 May maganda siyang halimbawa, malinis at tapat na pamumuhay.
4 / 15 Hindi siya sangkot sa pandaraya sa eleksyon o anumang pag-labag sa mga batas ng eleksyon.
5 / 15 Hindi siya sangkot sa pagnanakaw at pangungurakot sa kaban ng bayan; wala siyang di- maipaliwanag na yaman o ‘unexplained wealth’.
6 / 15 Mayroon siyang sapat na kaalaman at edukasyon bilang paghahanda sa posisyong hinahangad (knowledge & education). Mayroon siyang sapat na karanasan para sa posisyon o may maipakikitang talaan ng mga naisakatuparang mga programa mula sa mga nakaraang tungkulin (experience or track record).
7 / 15 Mayroon siyang matibay na kalooban na magpatupad ng batas (political will).
8 / 15 Makatarungan siya, walang kinikilingan o pinapanigan; may tapang na ipag-laban ang tama at labanan ang mali.
9 / 15 May malinaw at konkreto siyang Programa at Plataporma ng pamumuno; nagsusulong ng mga programa o batas tulad ng solusyon sa kahirapan ng nakararaming mamamayan, paglaban sa droga at smuggling.
10 / 15 Napapangalagaan niya ang kaban ng bayan at hindi ito gina-gamit sa pansariling kapakanan, tulad ng labag na paggamit ng DAP at Pork Barrel.
11 / 15 Napangangalagaan, napananatili at napalalago niya ang likas na yaman ng bansa.
12 / 15 Hindi siya nagpapalaganap ng pamumuno bilang isang pamilya o political dynasty. Naniniwala siya na ang pamumuno ay hindi dapat kontrolado ng iilang pulitikal na pamilya o political dynasty.
13 / 15 Hindi siya lumalabag sa mga utos ng Diyos; sinisikap ipamuhay ang kalooban ng Diyos.
14 / 15 Mayroon siyang pagpapahalaga sa buhay, magulang at pamilya, Simbahan at lipunan; may respeto sa dignidad at karapatang pantao bilang nilikha sa wangis ng Diyos.
15 / 15 May puso siya at malasakit sa mga mahihirap at nangangailangan.
Bumoto ng TAPAT. Iboto ang TAPAT.
Para sa Diyos. Para sa bayan.
Search
Read the Text Version
- 1 - 18
Pages: