Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Malikhaing Pagpapakilala — (Pinal na Proyekto)

Malikhaing Pagpapakilala — (Pinal na Proyekto)

Published by kiannamariejanelle.mercado, 2022-06-01 15:41:47

Description: Proyekto sa Fili 103
RETORIKA

Panuto: Bawat pangkat ay magsasaggawa ng isang photo
blog na naglalaman ng sariling larawan at ipapakilala ang
kanilang sarili sa malikhaing paraan. Tig-iisa ang
pagsasagawa ng photo blog na ikokompayl ng inyong
grupo sa isang document lamang. Inaasahan ang pagiging
malikhain ng bawat pangkat sa pagbuo ng sariling photo
blog.

Search

Read the Text Version

ALIKHAING Magahis | Malabanan Malait | Mercado | Panganiban Santos |Sevilla |Sollestre Valenzuela | Villanueva FILI 103

PROYEKTO SA FILIPINO

Miski ang mga kulay na aming ginamit sa pagpapakilala ay mayroong simbolo. Aming inihahandog ang proyektong ito upang mas maipabatid ang mga nais naming sabihin tungkol sa aming mga sarili ☺ MGA MIYEMBRO • Magahis, Louis Raphael • Malabanan, Francis Louie • Malait, Ashley Shane • Mercado, Kianna Marie • Panganiban, Jemina • Santos, Reign Jazmine • Sevilla, Kien Miguel • Sollestre, Hermelyn • Valenzuela, Arnold • Villanueva, Leslie

Ako, sa aking pagkakakilala sa aking sarili, ay isang tao na hinding hindi titigil sa isang bagay na aking nasimulan. Ako si Louis Raphael Martinez Magahis, isang first year student ng BSN-1201, panganay sa dalawang magkakapatid, labing siyam na taong gulang na, nagtapos ng highschool sa St. Francis de Sales Major Seminary, at kasalukuyang naninirahan sa Balayan Batangas. Isa akong masiyahin at mahiyaing bata. Lumalabas din minsan ang kakulitan at kalokohan, pero inilulugar naman. Hindi ako ganun katalino, pero sinisigurado ko namang nagagawa ko ang mga dapat kong gawin at ibinibigay ko ang lahat ng makakaya ko.

Mahilig akong gumala at maglakbay. Mahilig din ako mag hiking, mag bike, at maglaro kahit nababangko. Marahil ito ang aking mga paraan upang takasan ang mga lungkot at isipin. Mahilig din akong sumuong at subukan ang mga bago at nakakatakot na bagay. At ako’y nakasisigurado na ako bilang “ako” ay hindi na natatakot harapin ang mga kahihinatnan sa aking buhay, dahil lahat naman ng mga bagay na nangyayari sa ating paligid ay bunga rin ng ating mga aksyon at desisyon, kaya naman buong tapang ko itong hinaharap kahit pa gaano kalungkot at kasama ang kahihinatnan nito.

Pagdating naman sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan, ay masasabi kong tunay sapagkat nasisigurado kong hindi lang sa kasiyahan ako nararamayan, pati na rin sa pinakamalungkot nilang parte ng buhay. Ako bilang kuya sa mga bata, napakalambing kong kuya. Lagi kong pinaparamdam na naririyan lang ako pag kailangan nila ng kuyang matatakbuhan at maiiyakan.

Sa kabila ng pagiging ako, hindi ko masasabing ako ay ako kung hindi dahil sa binibining nakilala ko. Hindi ko sinasabing binago niya ako, kung hindi ay pinili kong baguhin ang sarili ko para ibigay sa mga tao at lalo na sa kanya ang mas magandang bersyon ng sarili ko. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko masasabing ito ako ngayon. Ito ang aking bestfriend at girlfriend o di kaya mas malimit kabardagulan. Dahil sa kanya, nasabi ko ang lahat ng ito kung sino ba talaga ako.

FRANCIS L O U I E MALABANAN

Isa akong binatang na nanggaling sa isang simpleng pamilya. Isang pamilya na kahit maraming pagsubok ay masaya naman magkakasama. Isang binatang pinagkalooban ng pangalan na Francis Louie R. Malabanan. Pangalan na hango sa tiyo ng aking ina at ipinagkaloob ng aking mga magulang noong ako’y isinilang. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako at ang aking kaarawan ay ipinagdiriwang tuwing ika-3 ng Setyembre taon-taon.. Sa nakalipas na dalawampu’t dalawang taon, ako ay simpleng naninirahan sa isang payak na barangay ng Talangan sa lungsod ng Nasugbu. Kasama ang aking ama na si Eufracio Malabanan, ina na si Esperanza Malabanan, at ang aking nakatatandang kapatid na si Kim Louie Malabanan, at ang aming bunsong kapatid na si Erich Jane Malabanan. Binuhay kame ng aking ama at ina sa pamamagitan ng pagtitinda ng sari-sari sa tindahan.

Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Batangas, na mas kilala bilang BatStateU-ARASOF. Kumukuha ng kursong Narsing (Nursing) na ngayon ay nasa ika-tatlong baitang na sa kolehiyo.

Patuloy na nangangarap para sa kinabukasan at ngayon ay nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay maiaahon ko sa hirap ang aking pamilya at gayon na rin ang aking sarili sa pagdating ng panahon.

Pinili kong mabuhay. Sabi nila, ang bawat isa sa atin ay hindi magkapareha. Tayong lahat ay magkakaiba. Madalas kong naiisip kung aling parte ba ng aking pagkatao ang naiiba sa kanila. Ang alam ko lamang ay ako ay humihinga at naghihintay ng panghuhusga sa bawat araw na lumilipas. Panghuhusga mula sa mga taong nakaligtaan na atang tingnan ang kanilang sariling larawan.

Natatandaan ko pa ang aking pagkabata na punong puno ng mga nakakatakot na memorya na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sa kaibuturan ng aking isipan. Mga pangyayaring nakakayanan ko pang tawanan at ngitian kahit sa aking mga panaginip ay patuloy akong tinititigan. ASHLEY SHANE MALAIT Nasasaksihan ko ang iba't ibang pagkatao habang tahimik na nagmamasid at kumikilala sa mga bagong mukha na aking natatanaw. Ang iba ay mababaw, ang iba naman ay nasa kailaliman. Kung sino man sila, sila ay aking hinangaan habang kinakalimutan.

— Ang pananaginip na gabi-gabi kong nararanasan. Hindi na ako natatakot para sa aking kaligtasan dahil kadalasan ay wala na naman akong nararamdaman. Kahit ang pag-iyak na siyang pinakaunang nagagawa ng nakararami ay tila ba ako ay tuluyan na ring sinukuan. Emosyon. Ang kaisa-isang bagay na gusto kong maiparamdam sa karamihan. Ngunit, tanging kaligayahan ang aking nailalabas ano man ang aking nadarama. Ako man ay nalulungkot, nasasaktan, nagagalit, o nagluluksa, iisa lamang ang emosyon na kinakaya kong maipakita sa bawat isa. Ang tumawa.

Ito ay isang bagay lamang kung saan ako ay may kasanayan. Ito ang aking sarili na nais kong ipaalam sa karamihan. Tunay nga na mas kaya kong magmahal kaysa magalit kahit kanino man. At sa sarili kong ito nag-ugat lahat ng magagandang bagay na nangyari at patuloy na nangyayari sa aking buhay. Ang sarili ko ring ito ang naging dahilan kung bakit hindi ako naiintindihan at patuloy akong binibitawan.

Hindi pangalan, edad, libangan, kurso, o aking pinagmulan ang kailangan upang ako ay iyong makilala. Ang mahalaga ay iyong malaman na ang isang ako, na maaaring katulad mo, ay nandito at patuloy na lumalaban. Handang maiwan at makalimutan.

Pinipili kong mabuhay.

KIANNA MERCADO

Bawat patak ng dugo na nagbibigay ng buhay, Ay singhalaga ng bawat memoryang nagbibigay kulay — Sa aking simpleng buhay na tila ba'y isang alamat -— Mga bagay na aking naranasan na sa reyalidad saki'y nagmulat. Kianna Marie Janelle Mercado ang aking ngalan, Isang payak na studyante sa isang kilalang paaralan, Sa kursong narsing nais kong simulan ang aking landas, Tungo sa hiwaga at hamon ng 'di mapagtantong bukas. Marahil, sa aking dalawampu't isang taong pag-iral, Aking natikman ang pait at tamis ng buhay na kaniyang mga aral, Nakapaloob dito'y mga bagay nagdulot sakin ng pagluha, At mga pangyayaring nagparamdam sakin na tila'y hawak ko ang mga tala.

Paglubong ng araw, mga libro't sining, musika't potograpiya, Nagbibigay sakin ng kahinahunan sa tuwinang aking nagugunita, Ilan ito sa mga bagay na sa akin ay mahalaga at nagpapaalala - Na ang buhay, minsan ma'y malumbay ay may itinatagong ligaya at ganda.





Nariyang mga pagkain na saki'y nagbibigay sigla, na akin ding inihahanda - Para sa aking minamahal na pamilya, kaibigan, mga aso't pusa. Sila'y sa 'king isip ay mananatili, at sa 'king puso'y 'di lilipas, Ako ma'y subukin ng panahon, at panahon ma'y subukin ng bukas.

Ikumpara man ang aking kaalaman sa mundo at kaniyang kahiwagaan, Ito'y 'di aabot kahit sa kalingkingan, ngunit aking napagnilay-nilayan - Na ang buhay ay nariyan upang tahakin, landasin at danasin, Saya't lungkot, dismaya't pag-asa, ito ang buhay para sa 'kin.





Ako'y isang pangkaraniwang anak na may mga simpleng pangarap, Isang tunay na kaibigan, sa iyong likod man o pag ikaw ay kaharap. Ako ay isang simpleng tao na may pangkaraniwang hangari't layunin. Higit sa lahat ay isang 'ako', na may malayang pag-iisip at tapat na damdamin ☺

Ako ay si Jemina Panganiban, Dalawat'pung tatlong taong gulang. Ipinanganak sa Nasugbu Batangas. Ipinanganak ako sa pamilya na kung saan halos sa karamihan sa amin eh ang tinahak ay sa Medical Field. Mayroon akong mga tiyahin na Nurse na kung saan sila ay naninirahan na sa America. PANGANIBAN

Mayroon rin akong mga tiyuhin na Doctor na kung saan nagsisilbi naman siya dito sa mabuting lugar natin, ang Nasugbu. Ako rin ay mga mga alagang aso, masasabi ko na talagang mapagmahal ako sa mga hayop. Hindi lamang isa ngunit mahigit na tatlo na ang aking naalagaan. Mahilig rin akong lumabas at makipaghalubilo sa aking mga kaibigan. Sa aking mga pag palipas oras naman eh pumupunta ako sa dagat o kaya'y nageehersisyo. Eto na ang aking pahinga, ako rin ay isang working student. Kung saan ay nagttrabaho ako sa gabi at pumapasok naman sa umaga.

REIGN Kung ibabase sa aking mga kinunang larawan ay maipapakilala ko ang aking sarili bilang isang seryoso at isang random na tao. S A N T O S Isang katangian pag may nakapaligid na ibang tao at isang katangian na para bang ako pag mag isa.

— Ang mga larawan ang aking napili dahil sa tingin ko ay dito ko mas maipapakita at maipaparamdam kung ano at sino ako. Sa unang parte ay mapapansin ang hilig ko na kunan o gawing sabdyek ang ibang tao kaysa sa aking sarili. Para sa akin, ang kwento ng bawat tao ay sumasalamin sa reyalidad ng buhay. Mayroong saya, lungkot, pagod, araw ng dalamhati at pagbubunyi. Masasabi kong ang bawat mukha ng katotohanan ang nagmulat sa akin upang magkaroon ng malawak na pang unawa sa ugali at pananaw ng ibang tao. Kung kaya’t bilang isang indibidwal, masasabi ko na mulat ako sa takbo ng buhay, nakakaunawa ng iba’t-ibang takbo ng isip ng tao, at naiintindihan ko kung bakit ganun na lamang ang ugali at akto ng isang tao. Siguro nga ay halos lahat naman ay may may ganitong pagtingin, ngunit base sa aking obserbasyon ay ilan lamang ang may kakayahan na magkaroon ng malawak na pang unawa sa mga bagay bagay. Bukod pa rito, sa mga larawang kagaya nito ko rin mas naipapakita na mas mahilig akong mag obserba kaysa magsalita.

Mahilig akong mag obserba ng mga akto o ugali ng aking mga nakakasalamuha. Hindi para magkaroon ng ipula, ngunit para alam ko kung paano ko sila pakikisamahan. Isa pa sa mga rason kung bakit ko mas gustong kinukunan ang ibang tao ay dahil sa masaya ako na sa bawat larawan ay saksi ako at maaaring parte ako sa kung ano ang nararamdaman nila sa araw na iyon Ang mga taong nasa larawan din gaya ng aking mga kaklase ang siyang nagbigay sa akin ng saya nitong mga nakalipas na linggo. Masaya kong ibinabahagi na ang bawat isa sa kanila ang nag alis ng takot at kaba sa kabila ng gulo at sobrang pag iisip sa mga bagay na hindi naman dapat.

— Samakatuwid, ang mga ito ang nagturo sa akin na magkaroon ng pagtingin sa iba’t ibang mukha, estado, at katayuan ng mga tao. Maging ang pagpapahalaga sa mga taong nakapalibot sa iyo. Sa kabilang banda naman ay ang aking mga kuha ng takipsilim, lugar, at tanawin. Gaya ng pagbibigay nito ng kaluguran at kapayapaan sa makakakita rito ay maihahalintulad ko ang sarili ko na may kapayapaan sa kabila ng unos at hamon ng buhay. Isa pa ay ang positibong pagtingin sa buhay, na gaya ng Ika nga sa isang kasabihan, ang takipsilim ay nagpapakita ng panibagong araw upang magsimulang muli.

Sa kabilang larawan naman ay ang aking hilig sa kape. Siguro ay hindi ako ang aking sarili kung walang kape. Isa na yata ako sa mga taong kape ang dumadaloy sa ugat. Ngunit gaya ng kape, nakikita ko rin ang saktong timpla ng tapang sa pagharap sa suliranin ng buhay. Minsan ay matabang, minsan man ay napa sobra sa tamis, may pait man, pero makukuha sa tamang timpla ng pag ayos sa kung ano man ang pinagdadaanan.

Isang parte naman ng aking katangian ay ang pagiging random. Yun bang tipong “wala lang” gusto ko lamang gawin ang bagay na ito. Ang mga larawan na kagaya ng inyong nakikita ay isa lamang sa nagpapakita nito. Gusto ko lamang ito kunan, sapagkat gusto ko lamang. Maaari ding gusto kong balikan at maalala kung ano ang ginawa ko sa araw na ito. Sa bilis na rin siguro ng araw at sa kabila ng walang kasiguraduhan kung hanggang saan na lamang ang buhay mo ay mahalaga sa akin na pinili mong mabuhay sa araw na iyon. Ito rin ang nagtutulak sa akin upang ipasa sa aking mga nakasalamuha ang saya ng araw na iyon.

Puti, Itim, at Kulay Abo – Silweta. Litrato ang nagsesemento sa mga katangi-tanging memorya na lumipas na. Mahilig ako sa itim at puti, sa kulay abo, at sa lahat ng silweta sa likod ng tatlong kulay na nabanggit ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahuhumaling sa mga kulay na bagkus sa tingin ng lahat na ito ay patay na kulay. Sa daan-daang mga litrato na aking nakuhanan noon pa mang ako ay isang musmos, lagi kong napupusuan ang mga silweta. KIEN SEVILLA

Ang ganda nito at pagkamisteryoso, kilala mo yung tao sa litrato, pero sino ng aba ito? Anong nasa isip niya? Tama ba ang ginagawa niya? Sa aking talambuhay hindi ko hinangad na manguna sa lahat ng aspeto ng buhay, hindi ko ginusto na maging sentro ng usapan, sentro ng atensyon, hindi ko ginusto na maging pokus ng karamihan. Ngunit sa lahat ng pagkakataon, gusto kong makatulong sa lahat ng tao para makaangat sila, para walang maiwan na isang kaibigan. Sa aking pagkabata ginusto ko lang ng tahimik at masayang pagdiriwang ng kaarawan, kasama ang aking mga magulang, matalik na kaibigan at aming mga kamag-anak. Hindi ko hinangad ang kahit anong regalo mula kahit kanino, ngunit kung makatanggap man ay pinagpapasalamatan ko ito. Tila ang ganda, tiyak at payapa ng aking buhay ‘di ba? Oo, parang isang makulay na litrato na puno ng kasiyahan, ganiyan naman talaga. Ngunit lahat ng kasiyahan at katiyakan ay natatapos din. Ngayon tila isang silweta ang tinatahak ng buhay ko, walang kulay kundi puti, itim, at kulay abo. Ngayon napapaisip ako, bakit ang buhay ko ngayon ay misteryoso? Kilala ko nga ba yung tao sa litrato? Sino nga ba ako? Ano nga ba ang nasa isip ko? Tama ba ang ginagawa ko? – Hindi. Sabi sa panuto ilarawan ang sarili nang makulay gamit ang isang litrato. Patawad, sapagkat ang buhay ko ay kulay puti, itim, at kulay abo. – Itutuloy

Paghabol sa ulap. — Pagpapatuloy Hindi ako ‘yan, hindi ako ito, hindi ko gagawin ‘yan, hindi ko makakamtan ‘to. Paulit-ulit na umiikot sa mga salitang ‘yan ang buhay ko. Ang landas ng bawat isa ay nagiging tiyak lamang nang dahil sa kanilang mga ginawa sa kanilang buhay. Isa akong tao, hindi lahat perpekto, may sumosobra, may hindi na nakakahalina, may hindi na nakakatuwa, mayroon din namang kabaligtaran ng lahat ng sinabi ko. Ngunit sa kabila ng lahat naniniwala pa rin ako na hindi wala lang ang lahat. May katapusan ang paghabol ko sa ulap. Makikita ko rin ang araw na matagal ko nang hindi nasisilayan; Isang pag-asa na lahat ng kasamaan at kalungkutan ay iiwan. Maari rin akong ihalintulad kay bakunawa na tila’y gustong mahagkan ang buwan. Sapagkat tulad ng lahat, sino ba ang ayaw magbago? Tulad ng lahat, gusto ko ring sumama sa inyong masiyang tawanan.





Sariling larawan – Repleksyon; Susi. Si kuya ay hindi ako, alam natin ‘yan. Ano ba ang nakikita natin sa salamin? Repleksyon natin ‘di ba? Sino ang nasa repleksyon natin, tayo ‘di ba? Maaaring nakalimutan na nating tingnan ang ating sarili dahil tayo ay nakatutok nang maigi sa maingay na agos ng buhay, naghahanap ng pagkakataon upang baguhain ang takbo nito, para mapabuti, para mapatahimik. Subalit ang tanging susi sa pag-ayos ng ating buhay ay ang muling pagtingin sa ating sarili at muling kilalanin, siyasatin, at hanapin kung sino ng aba talaga tayo Si kuya ay hindi ako, alam ko. Dahil kung titingnan ko ang sarili kong repleksyon, hindi ito sing-linaw ng repleksyon tulad ng nasa litrato.

HERMELYN SOLLESTRE “Simple, at mahinhin na pabebe” ‘yan ang deskripsyon na natatanggap ko sa mga tao na nakakasalamuha ko. Ako si Hermelyn, Allenheart for short.

Bata pa lamang ako mahiyain na ako, dahil siguro ang aking mga magulang ay strikto. Bagat wala akong masyadong kaybigan noong aking pagkabata, marami naman akong dahilan upang sumaya kagaya ng aking mga alaga. Kahit istorbo sa pagtulog pananatilihin ko silang busog. Kahit mabaho ako’y magttyagang magpaligo. Sa kabila ng aking mga ngiti ang pait na nadarama ng aking puso .



Strikta ang aking ina kaya kahit anong ligalig ko maaayos talaga. Noong nagibang bansa siya at nalayo sakin naging masaya ako dahil nawala ang pagkahigpit sa aking buhay pero hindi pala ganon iyon. Yung akala mo na malaya ka pero habang tumatagal hinahanap mo ang paghihigpit ng iyong mga magulang dahil naiisip mong mas makakabuti ito sa iyong kinabukasan. Kaya noong shs ako umuwi ang ina ko, nangako ako sa sarili kong hindi na masyadong magtatampo kapag napagsabihan. Pangarap nila na maging Enhinyero ako ngunit sa kasamaang palad hindi matutustusan ang pera para sa aking pag aaral. Kahit na hindi natupad ang aking pangarap . Masaya ako sa kurso na aking tinahak ang nursing dahil nagkasakit ang akong tatay at naisip na makakatulong ako sa kanyang paggaling at pagtulong sa ginahwa ng kanyang karamdaman. Makikitang natatakpan ng aking mga ngiti sa litrato ang pigahati sa aking puso ngunit kahit na ganon ang mangyari ang gulong ng palad ay palaging hugis bilog may kalungkutan man na mararanasan, kinabukasan ay may kasiyahan naman.

Magangdang araw! Ako si Arnold at sa siyam na litratong ito ako ay mas makikilala nyo. Nursing student na hindi lang sa pag-aalaga magaling kundi mahilig din magluto at mag bake. May tatlong pusa, isang aso, at siyam na isda di naman halatang mahilig ako mag alaga.

Paglilingkod sa bayan ay aking naisin kaya pag may pagkakataon ay akin agad gagawin, nag boluntaryo ako sa bakunahan para pandemya ay mabilis nating mawakasan. Ma pa dagat, ilog at bukid man akoy marunong mag ingat sa kalikasan, isang estudyanteng hangad ay matulungan,inang kalikasan na tayo ay kailangan.

Ako nga pala ay bente dos anyos na, mulat na sa totoong hamon ng buhay, aking talento ay di sinayang bagkus ginamit upang ito ay pagkakitaan.

Kaya naman kung akoy gusto nyo pang mas makilala, huwag kayong mag atubiling ako ay kausapin pa.

LESLIE VILLANUEVA Ako si Leslie Bulac Villanueva. Nakatira ako sa Gulod, Bulihan, Bayan ng Calatagan, Batangas. Doraemon ang paborito kong cartoons. Mayroon akong 1 pusa at 3 aso na sina Elmie, Baldo, Fida at B1. Mahilig din ako sa Gulay lalo na ang Chopsuey. Sa lamang dagat naman, paborito ko ang hipon. Hugis bilog ang aking mukha at hindi katangusan ang aking ilong. Iyakin akong tao dahil mababaw ang luha ko, ngunit hindi ako showy sa ibang tao kung kaya't sa mga


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook