Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore PUHON

PUHON

Published by ashleyericka2006, 2021-02-19 04:28:26

Description: PUHON

Search

Read the Text Version

PUHON \"IN GOD'S PERFECT TIME\" SOON HOPEFULLY SOMEDAY

PUHON OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG CASA DEL NINO SCIENCE HIGH SCHOOL @2021 Reserbo ang lahat ng karapatan Alin mang bahagi ng aklat na ito maliban sa maikling sipi para sa lathala o pagsusuri ay 'di maaring gamitin nang walang nakasulat na pahintulot ng may karapatang ari.



Editor's Note 'Di ko inaasahang huli ko pa palang magagawa itong editor's note. Hay..sa dami ng ginagawa , hindi malaman kung saan nga ba magsisimula. Naisip kong malapit na palang matapos ang school year na ito. 'Di manlang ito inakala... Tumatakbo ang oras sa bawat pagpindot ng mga letra para sa obra maestra.. Kinakabahan.. Pindot... Tama kaya ang mga ito? Maganda kaya? Pindot... Nawala sa pokus Maling letrang napindot Edit... Balik tayo sa pokus. Kaya natin 'to!

Kailan Ba Pwede? Nagtatago sa dilim Ang aking mga damdamin isinulat ni: nih Hindi maipaliwanag ang sinisigaw Ng puso kong naliligaw Mapasaya ka lamang ang aking gusto Ang lahat ay gagawin para sa iyo Pero para saan pa nga ba ang mga ito Ang lahat ng mga ginagawa ko Gusto kong sabihin sayo Kung gaano kita ka mahal Ngunit paano nga ba sabihin Paano ba aaminin Takot na takot akong sumugal Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magtatagal Ito’y pang habang buhay ba? 1 O hahantong tayo sa salitang ayoko na

Munting Barangay Ako si Calista isang kabataan na nakatira sa maliit ngunit masayang komunidad sa isinulat ni: shi bayan ng San Pedro. Ang karaniwang tawag nila sa akin dito ay Cali at halos lahat ng aming mga kapit-bahay ay malapit sa aking pamilya dahil na rin kay Kapitan Calixto, sino siya? Siya ay ang aking magiting na ama! Hindi lamang siya isang haligi ng aming tahanan ngunit siya rin ang ama ng aming munting barangay dahil sa kaniyang mabuting pakikitungo sa bawat mamamayan rito. “Calista!!” rinig kong tawag ng aking ina mula sa aming kusina. “Bakit ho, inay?” agad na aking sagot “Maari mo ba akong ibili ng mga sariwang prutas kay Aling Maria? Dahil nais ko rin itong ipabigay sa ating kapit-bahay na mayroong sakit.” sabi 2 naman ng aking ina.

“Sige ho inay, ako’y magpapalit lamang at aalis na rin” agad naman akong nagbihis at lumbas ng bahay para sundin ang utos ng aking ina. Habang ako’y naglalakad sa aming komunidad binabati ko naman ang bawat tao na aking mga nakakasalubong sa daan. “Magandang hapon po, Aling Maria! Pabili ho ako ng inyong mga sariwang prutas.” agad ko namang sabi sa kaniya pagkadating sa kaniyang tindahan. “Magandang hapon rin sayo, Cali! Tamang-tama bagong angkat pa ang mga prutas na ito at sariwang sariwa pa!” sagot niya naman sakin ng nakangiti. Pagkatapos kong bumili, ay agad naman akong dumiretso sa aming kapit-bahay na mayroong sakit upang ibigay ang mga prutas na aking binili at naglakad na pauwi. “Anak, nandito kana pala, buti at nakabalik ka agad. Tamang-tama tayo’y kakain na.” agad naman akong dumiretso sa kusina upang tumulong na mag-ayos sa lamesa. 3

Nang maayos na ang lahat, kami ay umupo na rin at nagsimulang kumain. Habang kami ay kumakain napansin kong parang problemado ang papa at parang hindi nababawasan ang pagkain niya. “Pa, okay lang ho ba kayo?” nag-aalalang tanong ko naman at napatingin din si mama. “Oo nga, mukha kang pagod at problemado, masyado bang maraming ginagawa sa barangay?” pag sang-ayon at tanong din ni mama. “Ako’y nalulungkot lamang dahil nagsisimula na namang maging madumi ang ating barangay. Nais ko sanang mag sagawa ng Cleaning Program dahil malapit na rin ang piyesta.” tugon naman ni papa. Agad naman akong nakaisip ng paraan upang makatulong din kaming mga kabataan sa aming barangay. “Naku papa! Huwag na ho kayong malungkot riyan dahil tutulungan ko kayo sainyong plano. Sasabihan at hihikayatin ko ang aking mga kaibigan dito sa barangay na tumulong din sa paglilinis natin.” Nakangiti ko namang sagot kay papa upang hindi na siya malungkot pa. 4

“Tama naman ang anak mo, Calixto. Huwag kanang malungkot at hihikayatin ko rin ang aking mga kumare para sumali sa ating paglilinis. Magandang bonding na rin ito para sa pamilya at buong barangay.” pag sang-ayon din naman ni mama sa aking plano. Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil isinama na kami ni itay sa barangay dahil ngayon magaganap ang Cleaning Program sa aming komunidad. Pagkarating namin ay nandito na rin ang aming mga kapit-bahay na handang tumulong sa paglilinis, kasama nila ang kanilang mga pamilya at nakita ko rin ang aking mga inayang mga kaibigan. Agad naman akong napangiti dahil sama-sama sila at mayroon pang mga dalang panglinis. “Tara na’t simulan ang paglilinis!” sigaw ni Tito Albert ang kaibigan ni papa. “Oo nga! Para tayo’y matapos din agad dahil siguradong mayroon ihahandang pagkain ang mga misis natin mamaya hahahaha!” pag sang-ayon naman ng isa pa at nagsi-tawanan naman ang lahat at nagsimulang maglinis gamit ang kanilang dala-dalang gamit. 5

Nagsimula na rin akong tumulong na magwalis at ganon din ang aking mga kaibigan, maganda rin itong pagkaabalahan upang maiwasan din namin ang masyadong pag gamit ng aming gadgets at kami ay masaya at nakakatulong pa sa aming barangay. Makikita mong nagtutulong-tulong talaga ang lahat, ang iba ay nagwawalis, nag-puputol ng damo at ang iba naman ay nagkakabit ng banderitas dahil malapit na rin ang piyesta. Dumating na ang tanghalian at tapos na rin kaming maglinis, ang aking ina at iba pang mga nanay ay naghanda ng munting salo-salo para sa amin . “Tama na muna iyan! Halina at magtanghalian muna tayo dahil mukhang pagod at gutom na kayo” tawag naman sa amin ni mama. “Hay sana ay naging masaya si papa sa aming nagawa sa barangay.” bulong ko naman sa aking sarili. Naging mahaba ang araw na ito para sa aming lahat, ngunit natapos naman ito ng masaya dahil marami kaming nagawa para sa aming barangay na kami ay nagtulong-tulong. Tunay na masaya nga na makatulong sa aking murang edad dahil dito ko rin naipapakita ang aking lubos na pagmamahal at 6pagmamalasakit sa aking pinakamamahal na munting barangay.

Pangarap isinulat ni: nih “Anak ano ba ang nais mong ihanda natin bukas para sa iyong kaarawan?” “Kahit ano naman po mama, hindi naman kailangang engrande” “Sigurado ka ba diyan anak? Kahit mga regalo, wala ka bang gusto? Mayroon naman kaming ipon ng papa mo.” “Mama wag na po, ipunin nalang po natin iyan. Masaya na akong kasama ko kayo ni papa.” “Naku! Napakabait mo talagang anak. Laging iniintindi ang mama at papa niya.” “Huwag po kayong mag-alala mama kapag ako’y nakatapos na mag-aral at nakapag trabaho, ibibigay ko po lahat ng gusto niyo ni papa.” 7 Bigla namang napaluha ang kanyang ina sa sinabi ng kanyang anak.

Mahal Kong Pamilya Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay Magulang ko ang aking naging taga gabay isinulat ni: ria Sila ang kasama ko sa lungkot at problema At hindi hinayaang walang kasama Hindi kailanman makakalimutan Ang pagmamahal ng aking mga magulang Na aking naging kanlungan Simula pa noong ako ay isinilang Sa pag pasok ko sa paaralan Ako’y laging pinapaalalahan Upang hindi ko makalimutan Ang mga turo’t aral nilang dapat kong kamulatan Sa mahihirap na gawain Mga kapatid ko ang tumutulong sa akin Kung minsan ay mayroong hindi pagkakaintindihan 8 Ngunit mas lamang naman ang aming pag mamahalan

Ala-ala “Aray! Sinong bumat-” inis kong sigaw ngunit agad din akong napatigil nang makita ang lalaking iyon. isinulat ni: shi “Ako, bakit? May problema ba? Maangas niyang 9 sagot at umigting pa ang panga kaya agad naman akong napairap... napaka yabang hmp “Malamang! At sino ka ba para batuhin ako?!” Pagtataray ko naman sakaniya. Agad siyang lumapit sa akin...sobrang lapit ng aming mga mukha. ‘Di ko malaman ngunit parang tumigil ang mundo ko at biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko....pamilyar siya, sino siya? napapikit na lamang ako ng mariin at bigla naman siyang lumapit sa tenga ko at sinabing.... “Asawa mo.”

Tatlong taon ang nakakaraan... “Itigil na natin ‘to, paulit-ulit nalang ang mga ginagawa mo, gabi-gabi kang nauwing lasing, lahat ng gastos dito sa bahay ako na ang nagbabayad! pagod na pagod na ‘ko River...” “Mahal, huli na ‘to pangako’y magbabago na ako...” “Ilang beses mo na ‘yan sinabi sa akin pero ni isang beses hindi mo naman nagawang tuparin.” “Pasensya na ngayon totoo na ‘to, pangako. ‘Wag mo lang akong iwan ayusin natin ‘to, Alisha.” “Tama na River..... ayoko na, pagod na pagod na rin tayong dalawa....paalam.” Nagmamadaling umalis si Alisha, wala sa sarili, gulong-gulo ang utak iyak lang siya ng iyak habang naglalakad at sa pagkakataong ito ay para bang bumilis ang takbo ng oras ng bigla siyang hinarap ng kadilimang hindi niya inaasahan....trahedyang behikulo ang sanhi. 10

Balik sa Kasalukuyan... Habang naglilinis ng kanyang maleta ay mayroong nakitang sulat si Alisha, agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang buksan ito. “Mahal kong asawa, Maligayang Anibersaryo sa atin! Pasensya kana kung itong sulat muna ang regalo ko sayo ha? Nag patong-patong lang ang aking mga problema nitong nakaraan dahil ako’y nawalan na ng trabaho, ngunit wag kang mag-alala dahil hahanap din agad ako ng panibagong trabaho dahil ayokong napapagod ang reyna ko. Sa bawat oras na nakikita kitang pagod na pagod ako’y lubos na nasasaktan. Pasensya na sa aking mga pagkukulang. Sana’y maintindihan mo ‘ko. Mahal na mahal kita, Alisha. -River” 11

At sa hindi inaasahang pangayari nagkita kami ulit....kaya pala siya pamilyar sa akin hindi siya maalala ng aking isipan ngunit ang aking puso’y mayroong isinasambit. Napatingin ako sakanya at sinabing “Makalimutan ka man ng aking isipan, ngunit sa aking puso’y hindi ka lilisan.” agad na napangiti si River at sinabing “Mahal na mahal kita.” 12

\"Bawat mag-aaral ay may mga sariling pangarap at kung dumating sa punto na gusto mong sumuko, magpahinga ka saglit bago ka magpatuloy sa pag-aaral.\" Isinulat ni: ley 13

Aming mahal na lipunan Ika’y patuloy na pangangalagaan PATUNGO SA AMING LIPUNAN Dahil kaming mga kabataan Ang susunod na pag-asa ng bayan isinulat ni: shi Kaligtasan, Kapayapaan at Kaunlaran Ito ang mga inaasahan ng mga mamamayan Ang pagtrato sa bawat isa ay pagbubutihan Para sa ating mga susunod na kinabukasan Ang ating lipunan ay patuloy nating paunlarin At ito ang unahin nating isipin Sa ating mundong puno ng kadugasan Na minsa’y pinapangunahan pa ng ating sariling pamahalaan Ang lahat nang ito’y hindi agad makakamtan Ngunit patuloy natin itong pagtutulungan at paghihirapan Dahil ito ang ating tanging daan 14 Patungo sa isang maunlad at masayang lipunan

Ang paaralan ay madalas nating tinatawag na Ang Paaralan \"Pangalawang Tahanan\" habang ang mga guro ay nag sisilbing \"nanay o tatay\" at ang mga kaklase naman natin isinulat ni: ley ay mga \"kapatid\" natin. Sa Paaralan, madami tayong natutunan tulad ng pag bilang, bigkasin ang mga salita ng tama, makipag kaibigan, gumalang sa nakakatanda at mag tanong sa guro o kaibigan pag may hindi naiintindihan at madami pa tayong pwede matutunan. Ang pag-aaral ng mabuti ay tumutulong sa atin para makamit ang mga pangarap natin, para magkaroon ng magandang kinabukasan, makapagtapos at makakuha ng magandang trabaho. Bawat mag-aaral ay may mga sariling pangarap pero kailangan mong mag-aral ng mabuti at pataasin ang grado at kung dumating sa punto na gusto mong sumuko, magpahinga ka lang saglit bago 15mo ipagpatuloy ang sarili mo sa pag-aaral.

Ang guro ay gumagabay satin sa lahat ng bagay, tinatama tayo kapag nagkakamali tayo sa mga pinapagawa nila, tinutulungan tayo para makamit ung pangarap natin at para tumaas o iimprove yung grado natin at tinuturuan tayo ng mga leksiyon para malaman natin kung ano man kailangan natin malaman para alam natin kung anong sasagutin natin sa susunod na mga pagsusulit o eexamin. Ang mga kaklase naman ay tinutulungan tayo kapag may hindi natin naintindihan ung tinuro o tinuturo ng guro, sumu suporta sa atin, nag tutulungan pag may nangangailangan ng tulong sa kahit anong mang bagay tulad ng mga gawain, proyekto o pagsusulit at pag ha handa at pag palamuti ng silid aralan sa tuwing may okasyon o kaarawan ng guro minsan nag aaway pero pagka lipas ng ilang araw bati nanaman. Ang iba nating kaklase ay nagiging kaibigan natin dahil magka parehas tayo ng interes sa buhay tulad ng pangarap sa buhay, mahilig manood ng k-drama, mahilig makinig sa musika, mahilig sa mga ganito-ganyang bagay at marami pa. Nasasabi natin sa mga kaibigan natin yung mga pinag dadaanan natin at gina guide tayo kapag hindi na natin alam kung ano yung gagawin natin pero madalas 16 nakaka away natin sila dahil sa ganitong bagay.

Hindi lahat ng mga kaklase natin gusto ipaalam sa atin yung pinag dadaanan nila kasi takot silang ma-judge ng iba dahil dun o kaya bigla nilang malalaman sa iba na dapat iba yung ginawa mo para hindi yun nangyari sayo parang ganon. Yung iba naman sinasarili lang yung mga problema nila kasi iniisip nila mas madami ng problema yung mga kaibigan nila tapos dadagdag pa sila sa problema nila. Ang guro at mga kaklase natin ay tutulong sa atin kung tatanungin natin sila dapat hindi ka mahihiya mag tanong sakanila kasi hindi kila matutulungan pag nahihiya ka. Madalas nag pa pagroupings ung guro natin para mag kooperate tayo at tulungan natin yung iba kapag hindi nila gets kung ano yung pinapagawa ng guro. Minsan pinapa solo tayo para ma improve yung “confidence” natin at masanay tayo pag magsasalita tayo sa harapan ng madaming tao. 17

bakit? pwede ba kita maging driver? para ikaw na magpatakbo ng buhay ko ayieeee 18

“Siguro nga hanggang dito nalang tayo, hindi man hanggang dulo, ngunit alam kong minahal mo ako ng buong buo, paalam na mahal ko..” isinulat ni: shi 19

Mga Kaklaseng Nagpasaya kinuhanan ni: nih \"Sa bawat segundo na tayo ay magkasama tayo ay may saya at drama natutunan kong makisama sa bawat isa sainyo at yun ay dadalin ko sa aking pagtanda. Dadating din tayo sa puntong magkakahiwalay at magkakaron ng sari-sariling buhay, yun man ay mangyayari pero hindi ko kayo makakalimutan mga pari.\" 20

Sisiw Sa Piyesta Sabi ni tito laging may namamatay tuwing piyesta. Ang huni ng kanilang mga huling hinga ay mariring sa tapat ng isinulat ni: Ria simbahan. Para bang ito ang huling panalagin nila bago isakripisyo kapalit ng onting barya. Pula, asul, berde, lahat na ng kulay na maisip ko sila ay nakabihis. Mga ulilang mga sisiw na binebenta ni manong. Hindi ko matiis bumili ng sisiw noong araw na iyon. Kung sana tinabi ko nalang yung pera ko. 21 “Oi iho, bibili ka ba oh ano? Kanina ka pa nakatitig,” sabi ng nagbebenta. Kanina pa ako nakatingkayad sa harapan ng hawla ng sisiw.

“Ano manong, isa. Yung masigla,” sagot ko naman sakanya ng nakangiti. Inisip ko na baka bumait si itay sa akin kung mag- aalaga ako ng manok o tandang. Mahilig kasi si itay sa pagsasabong. Kaya sa araw ng linggo, tulad ng isang deboto, nagsisimba siya sa sabungan at tumatawag ng Kristo. Naglakad na ako pauwi, bitbit ang isang asul na sisiw sa maliit na hawla gawa sa kawad. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng mosiko, palaro ng barangay, at pagkalembang ng kampana. Piyesta sing tulad ng mga piyestang nakaraan. Malayo sa kasiyahan at katuwaan ay aming maliit na bahay na nakatayo sa dulo ng barangay. Natatakot ako umuwi sa lugar na hindi ko matatawag na tahanan kahit kailan. Dalawang bagay lang ang sumasalubong 22 sa akin sa pag-uwi, ang pag-ubo ni nanay o ang kamao ni itay.

Habang palapit ng palapit ako sa bahay namin may naririnig akong pagalingawngaw ng sirena. Kumabog dibdib ko. Tumakbo ako nang mabilis, pati ang sisiw na dala ako nagiingay dahil sa pag- alog ng hawla.Halos mawalan na ako ng hininga pagdating ko. Si inay sinasakay sa ambulansya. Sana tuluyan nalang ako nawalan ng hininga. “Tito paano na si inay?” Tanong ko. Isang linggo na si inay walang malay. Ni minsan hindi namin nakita si tatay bumisita o maabutan sa bahay. Habang si tito naman nangungutang sa mga 23 kamag-anak na pwedeng malapitan.

isinulat ni: ley \"Ang mga pagkakamali mo ay nag papatunay na binibigay mo yung best mo, mahirap man pero sulit naman sa huli kung may natutunan ka sa mga pagkakamali mo.\" 24

Halamang Kina-aadikan! kinuhanan ni: shi “Mga halamang ngayo’y pinagkakaabalahan, lalo nga naman ng mga nanay! Naging libangan magmula nang nagsimula ang pandemya. ‘Di nga naman akalaing tatampok 25 ito. O kay ganda nga naman ng ating kalikasan.”

huh? bakit naman? safeguard kaba? ENEBE KESHE PAKILIG NAMAN TO kasi 99.99% akong patay na patay sayo 26

Anak Mayaman Ako'y isang anak mayaman pinanganak ako na komportable ang buhay ko lahat ng gusto at hiling ko binibigay sakin ng mga ni: botchikit magulang ko. Pinalaki ako ng maayos at matino ng mga magulang ko ako ay may takot sa Diyos at pag dating sa family ko ako ay isang 27 family oriented at mapagmahal ako sa pamilya ko sa mga magulang ko, lolo at lola ko. sa mga tita at tito ko, mga kapatid at pinsan ko. Tinuruan ako ng mga magulang ko kung paano rumespeto at gumalang sa lahat ng mga tao maraming nag mamahal sakin. Gusto ko makatulong sa mga bata dahil si mama ay ng galing sa hirap. Nung bata sya na ulila na sya sa mga magulang nya kaya pinaampon sya ni tita Beth nya sa bahay ampunan iniwan sya ni tita doon. Ayon ang naging pangalawang pamilya nya ang mga nag alaga sa kanya sa bahay ampunan doon sya naka hanap at naka kita ng mga taong mag titingin at mag aalaga sakanya naka hanap din sya doon ng mga ka gaya nya na wala din mga magulang na magiging kapatid nya at ng magiging pangalawang mga magulang na mag mamahal at mag aalaga sakanya.

Kaya nung nag asawa na sya at nag ka anak at nagka pamilya na ay naka pangasawa sya ng may kaya at mayaman kaya umahon ang kanyang buhay kaya nung biniyayaan sila ng kanyang asawa ng anak na si Andrea pinalaki nila itong hindi mayabang mapag kumbaba at matulungin kaya nung lumaki na si Andrea mahilig siya tumulong sa mga mahihirap lalo na sa mga batang nakatira sa bahay ampunan tinutulungan nya mga ito dahil ginawa nyang inspirasyon ang naging buhay ng kanyang mama dati noon. Nag tanong ang kanyang kaibigan kung bakit pag galing sa eskwela pa lagi sya na punta sa mga bata bahay ampunan sabi nila Nicole at Samantha? Kinuwento naman ni Andrea na gusto daw nya makatulong sa mga batang mahirap na kailangan ng tulong dahil na aawa daw sya sa mga ibang bata na ulila at walang mga magulang dahil napaka swerte nya daw dahil pinanganak sya na mayaman at komportable ang buhay at kumpleto ang pamilya at gusto ko ibahagi ang mga biyaya ko para marami akong mapasaya na bata sa tuwing napunta ako sa bahay ampunan pa lagi ko sila pinag luluto ng spaghetti, fried chicken at macaroni salad at dinadala ko sakanila. Tuwang tuwa sakin ang mga magulang ko nalaman nila na tumutulong ako sa mga batang mahihirap at nagbahagi ako ng aking biyaya na ikina-proud ng aking pamilya. 28

isinulat ni: ria \"Wala sa pera ang yaman ng pamilya, kung 'di sa pagsa- sama sama sa malulungkot na araw hangang masaya. Ang tunay na yaman ng pamilya ay ang pag mamahalan.\" 29

Pagbabawas isinulat ni: nih “grabe ang kalat na ng kalsada natin” “oo nga eh dami ding plastic na nakakalat” “paano naman kasi halos lahat ng nasa street natin plastic yung kanilang gamit” “nakakalimutan na nila yung kapaligiran” “tama ka diyan kaya dapat ianunsiyo ni kapitan na bawasan natin ang pag gamit ng mga plastic” *KINABUKASAN* “mga kababayan nandito ako para ianunsyo na pakibawasan ang mga paggamit ng plastic” “eh kapitan pano po pag di sumunod” 30 “sila ang maglilinis ng ating kalsada”

Ang Maligayang Pamilya iginuhit ni: ria \"Lahat ng araw ay masaya basta 't kasama ang aking pamilya\" 31

Maunlad na Komunidad iginuhit ni: ria \"Ang nagpupulong at nagtutulungang lipunan ay 32 isang maunlad na lipunan!\"

AKDA MAY AKDA PAHINA Ani (nih) Kailan Ba Pwede? Ashley (shi) 1 Munting Barangay Ani (nih) 2-6 Pangarap Carolina (ria) 7 Mahal Kong Pamliya Ashley (shi) 8 Ala-ala Jain (ley) 9-12 Unang Pahayag Ashley (shi) 13 Patungo Sa Aming Lipunan Jain (ley) 14 Ang Paaralan Ani (nih) 15-17 Ikalawang Pahayag Ashley (shi) 18 Ikatlong Pahayag Ani (nih) 19 Mga Kaklaseng Nagpasaya (Larawan) Carolina (ria) 20 Sisiw Sa Piyesta Jain (ley) 21-23 Ika-apat na Pahayag Ashley (shi) 24 Halamang kina-aadikan! Ani (nih) 25 Ika-limang Pahayag Janna (botchikit) 26 Anak Mayaman 27-28 Ika-anim na Pahayag Ashley (shi) 29 Pagbabawas Ani (nih) 30 Ang Masayang Pamilya (Drawing) 31 Maunlad na Komunidad (Drawing) Carolina (ria) 32 Carolina (ria)

Pasasalamat Sa Wakas at tapos na rin ang aming obra maestra! Ako nga pala ang isa sa mga editor ng \"Puhon\". Una ay nais kong magpasalamat sa mga taong naging mambabasa ng aming obra maestra, nawa'y nagustuhan at napasaya namin sila. Pangalawa ay ang mga naging bahagi sa pag-gawa nito, sa aking mga ka grupo na nagbigay ng kanilang buong pagsisikap sa paglikha ng kani-kanilang mga piyesa. Sa aming guro, na aming napag- konsultahan para dito at higit sa lahat sa Diyos na nagbigay sa amin ng lakas at kakayahan upang matapos ito ng tama sa oras at maayos.

e 2020-2021 d b Editorial in Chief o (Ashley Oliveroz) i a t r Features Editor o (Ashley Oliveroz) rd Literary Editor i (Ashley Oliveroz) a Entertainment Editor (Ani Domingo) Graphics Editor (Ashley Oliveroz) PhotoJournalist (Ashley Oliveroz, Ani Domingo, Carolina Adille) Technical Adviser l

BALLAD POEMS

The Journey of Love Love is not an adventure by: shi It is a ride A ride that goes up and down Also drags your heart all around There will be times that you’ll be apart Love is shared, yet also kept But they’ll always stay inside your heart A treasure for keeps, that you will never regret Some days will be sad and tough So when you get the chance to love But go back to the start, your love is enough Be the happiest and thank God, for it will take you to the clouds May your heart be filled with yellows above That symbolizes the happiness that flows When it arrives, you will not even notice We're now here, watching the moon together For love is like a crazy ride Praying and hoping that all of these will last Like a gentle kiss forever You will experience an unexplainable bliss You never choose when or who to love 1 Love chooses you, make sure you’re sincere and pure as a dove So let’s pack up and take your bag For love, you need is to fight and raise the flag

Too Many Reasons by: nih Full of sunshine when I’m with you You’re like an example of a perfect view It doesn’t seem so true But when I’m without you I feel blue Oh, love how can it be this way You’re perfect in every way Please stay Me and you will always have a perfect day I’m not a billionaire But I will be always be there And honey I swear I will treat you with care 2

Missing You 3 by: ria and ley Familiar memories engraved in my heart, Under the purple-colored sky, I only think about you throughout the day, even if you’re not here beside me Two hearts tangled and one won’t let go, Blooming with tears with a tired heart, I can only see your smile blooming like flowers The lonely night of the colder wind, It won’t be easy for me, Only thankful memories remain, I thought I could recall with a smile Those unforgettable days, Shines warmly in the sky, Still, you fill my days, I can’t swallow the words that linger in my mouth, I still miss you.

Missing You by: botchikit There is a voice inside of you That Whispers all day long \"I feel that this is right for me, I know that this is wrong\" No teacher, preacher parent, friend Or wise man can decide What's right for you- just listen to The voice that speaks inside. 4

BALLAD POEMS Journey of Love written by Ash (shi) Page 1 Too Many Reasons written by Ani (nih) Page 2 Missing You written by Carol and Jain (ria and ley) Page 3 The Voice written by Janna (botchikit) Page 4


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook