8 Titulo Modyul sa Filipino para sa Baitang 8 PANITIKAN SA PANAHON NG MGA KATUTUBO A.Panitikan : KARUNUNGANG- BAYAN Salawikain, Sawikain, Kasabihan at Bugtong B.Wika : Dalawang uri ng Paghahambing i
8 PANITIKAN SA PANAHON NG MGA KATUTUBO A. Panitikan : KARUNUNGANG- BAYAN Salawikain, Sawikain, Kasabihan at Bugtong B. Wika : Dalawang uri ng Paghahambing Modyul para sa Mag-aaral sa Filipino para sa Ikawalong Baitang MARITES V. OSOTEO Manunulat ii
TALAAN NG NILALAMAN Nilalaman Pahina Pahinang Panakip i Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi iii Panimula iv Pasasalamat v Talaan ng Nilalaman vi Introduksiyon 1 Panuntunan sa Paggamit ng Modyul 2 Mga Inaasahang Matututuhan 2 Paunang Pagtataya 3 Tuklasin 5 Linangin 8 Pagnilayan at Unawain 16 Ilipat 17 Panghuling Pagtataya 19 Susi sa Pagwawasto 21 Talasanggunian 25 iii
INTRODUKSIYON Isang mapagpalang araw sa iyo. Pinauuna ko na ang aking pagbati dahil sa iyong pagsisikap na magtamo ng mga karagdagang kaalaman upang matuto at umunlad. Ang modyul na ito ay isa sa mga kagamitan upang magabayan ka upang lubusang maunawaan ang tungkol sa iba’t ibang mga karunungang bayan at mga uri ng paghahambing. Narito ang iba’t ibang bahagi ng modyul upang magkaroon ka ng panimulang kaisipan ukol dito: 1. Mga inaasahang matutuhan – Ito ang mga kaalaman at kompetensi na inaasahang maisasagawa mo hanggang sa pagtatapos ng modyul na ito. 2. Panimulang Pagsusulit – Ang bahaging ito ang magsisilbing panukat kung gaano na kalawak ang nalalaman mo tungkol sa paksang tatalakayin sa modyul. 3. Yugto ng Pagkatuto – Ito ang iba’t ibang mga gawain at talakayan tungkol sa paksa. Malilinang dito ang iyong kaalaman at kasanayan sa pagkatuto. Ito ay may apat na bahagi: A. Tuklasin: Aalamin sa bahaging ito kung ano ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa paksa o mga kaugnay nito. B. Linangin: Ilalahad at tatalakayin dito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa mga paksa at mga halimbawa nito. Mahahasa rin ang kasanayan mo sa balarila o gramatika. C. Pagnilayan at unawain: Dito tatayahin kung gaano na kalawak ang pagkaunawa at pagsuri sa mga akdang natalakay. D. Ilipat: Dito ay hahamunin ka na gamitin ang lahat ng natutuhan mo upang maisagawa ang naitakdang pamantayang pagganap. 4. Pangwakas na Pagsusulit – Susukatin nito ang lawak ng iyong natutuhan sa pagkatapos ng mga talakayan at mga gawaing humamon sa iyo. Nilikha ang modyul na ito upang gabayan ka sa bawat hakbang ng iyong pagkakatuto upang malinang mo ang mga inaasahang kasanayan na hinihingi sa Gabay Pangkurikulum Baitang 8 ng Kagawaran ng Edukasyon. Inaaasahang matapos mo ito sa apat na sesyon para sa unang linggo ng unang markahan. Makatulong sana ang modyul na ito sa paghubog ng iyong pangkaisipan na magagamit mo sa iyong pakikipagsapalaran sa buhay. -1-
PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG MODYUL Ang modyul na ito ay isang self learning kit. Inaasahan ang iyong pagkatuto kahit walang paggabay ng iyong guro. Kailangang sundin mo lamang ang mga sumusunod na hakbang: 1. Basahin nang pauna ang mga inaasahang matutuhan mo sa modyul. Ang mga ito ay batay sa kasanayang pagkatuto at pamantayang pagganap na nakasaad sa Batayang Pangkurikulum ng K to 12 sa Baitang 8. 2. Sagutin ang Panimulang Pagtataya upang masukat mo kung gaano na ang kaalaman mo sa paksang ito. Kung tama lahat ng sagot mo sa panimulang pagtataya maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin na inihanda ng iyong guro. 3. Basahing mabuti at may pang-unawa ang mga panuto sa bawat Yugto ng Pagkatuto. Ang bawat antas ay gagabay sa iyo upang lubos mong mauunawaan ang araling tinatalakay. 4. Sa bawat Yugto ng Pagkatuto, may mga naihandang mga talakayan, gawain at pagsasanay. Sagutin nang buong pagsisikap upang malinang mo ang mga inaasahang kasananayan sa pagkatuto. 5. Isagawa ang itinakdang gawain sa Yugtong Ilipat. Gamitin ang Rubrics na inihanda upang maging gabay mo sa pagsasagawa nito. Maging malikhain at mapamaraan. 6. Sa pagtatapos ng modyul, sagutin ang Panghuling Pagtataya upang malaman mo kung lubos na ang iyong pagkatuto. Kung may hindi ka naunawaan, maaari mong balikan ang bahagi ng modyul na makatutulong upang madagdagan ang iyong kaalaman ukol dito. MGA INAASAHANG MATUTUHAN Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang: LO1. Natutukoy ang pakahulugan sa mga pahayag upang higit na maunawaan at magamit sa pagsusuri sa nilalaman ng akda. LO2. Nasusuri ang iba’t ibang mga karunungang bayan kung saan ito napapabilang batay sa mga katangian at kung anong halaga at kaisipang nakapaloob dito. LO3. Nailalahad ang mga kasalukuyang pangyayari gamit ang kaalaman sa mahusay na paghahambing batay sa sariling mga karanasan at mga pangyayari sa lipunan. LO4. Nakabubuo at nakapagtatanghal ng isang spoken poetry na naglalaman ng lahat ng kaalaman at kaisipan batay sa mga paksa. -2-
PAUNANG PAGTATAYA Bago natin simulan ang talakayan, subukan mo munang alamin ang iyong mga paunang kaalaman ukol sa ating paksa. I. Panitikan 1. Isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian na naglalaman ng aral, karunungan, at katotohanan. A. Sawikain B. Bugtong C. Salawikain D. Kasabihan 2. Isang uri ng palaisipan na nasa anyong patula. A. Kasabihan B. Bugtong C. Salawikain D. Palaisipan 3. Tinatawag rin itong idyoma. A. Sawikain B. Kasabihan C. Salawikain D. Bugtong 4. Ginagamit ng mga matatanda upang magbigay ng aral sa mapanudyong paraan. A. Bugtong B. Palaisipan C. Kasabhan D. Salawikain 5. “Anak na ‘di paluhain, ina ang patatangisin” Ito ay isang halimbawa ng ___________. A. Bugtong B. Palaisipan C. Kasabihan D. Salawikain -3-
6. “Kung kailan ko pinatay, saka humaba ang buhay.” Sagot:___________ A. Buhok B. Tali C. Kandila D. Sinulid 7. Parang lantang gulay ang mga doktor at nars dahil sila ang mga frontliners ngayon. Ang nasalangguhitang salita ay nangangahulugang ____________ A. Nawalan ng malay B. Sobrang pagod C. Nagkasakit D. Maraming trabaho 8. Higit na mahirap ang buhay sa Pilipinas ngayong panahon ng pandemik. Ang nasalungguhitang pahayag ay pahambing na ___________. A. Magkatulad B. Pasahol C. ‘Di magkatulad D. Pahambing 9. _________ sina Pangulong Duterte at dating Pangulong Marcos sa paraan ng pamamalakad sa bansa. A. Magkasingtalino B. Higit na maasikaso C. Lubhang maginoo D. Magkasingsipag 10. May _______ na uri ang hambingang ‘di magkatulad A. 5 B. 4 C. 3 D. 2 -4-
YUNIT 1 – UNANG LINGGO Aralin 1.1: KARUNUNGANG BAYAN YUGTO NG PAGKATUTO A. Tuklasin Sa nakalipas na taon ay huli mong napag-aralan ang isang korido na pinamagatang Ibong Adarna. Ito ay isang walang kamatayang kasaysayan na nagpasalin-salin at hanggang sa kasalukuyan at magpakailanman ay hinahangaan at kinalulugdang basahin. Hindi lamang kasiyahan at aliw ang makukuha sa marikit na kuwentong ito. Ito ay nagbibigay rin ng magagandang aral na tunay na mabuting gabay sa buhay. Ngayon naman ay pag-aaralan naman natin ang iba pang uri ng panitikan na maituturing ding panghabambuhay dahil naglalaman ito ng iba’t ibang karanasan at mga pangyayari sa buhay ng ating mga ninuno na nagsilbing gabay nila tungo sa mabuting pamumuhay at ipinapasa nila sa ating panahon upang magsilbing inspirasyon din natin sa ating pakikipaglaban sa hamon ng buhay at magbigay ng gabay tungo sa mabuting landasin. Kasama rin dito ang tamang pahayag na nararapat gamitin kapag tayo ay nagtutulad o naghahambing ng mga bagay at pangyayari na ating nakikita sa ating paligid. GAWAIN 1. Tuklasin ang Sariling kakayahan. Hanapin sa loob ng kahon ang mga katangian at halimbawa ng mga nasa dayagram at isulat ang letra. A. Patalinhaga – may B. Nagpapatalas ng C. Isa ang pinasukan nakatagong kahulugan kaisipan Tatlo D. Ang kilos , ugali, at E. ‘Pag ang tubig ay F. Nasusulat nang may gawi ng isang tao ay magalaw ang tubig ay sukat at tugma masasalamin mababaw G. Patambis H. Payak ang I. Hindi gumagamit ng kahulugan. mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. J. Isang palaisipan K. Tulak ng bibig, kabig L. Isda kong kapak ng dibdib Sa loob ay burak 12 3 SALAWIKAIN SAWIKAIN KARUNUNGANG KASABIHAN BAYAN BUGTONG -5-
2. Subukin Simulan mo namang bumuo ng mga hugot lines (maaaring hango sa mga nabasa o narinig) na maaaring gamiting pampalakas ng loob sa mga taong nasa sumusunod na mga sitwasyon. Halimbawa: 1. “ Hindi ako balat sibuyas ngunit tao Para sa kaibigang palaging lang na nakararamdam. Ang sorry ay gumagawa ng mga para sa mga bagay na hindi sinasadya, pagkakamali at paulit ulit at hindi para sa mga bagay na paulit- ring humihingi ng ulit na ginagawa.” paumanhin Umpisahan mong sumagot dito: 2. Para sa kaibigang nasaktan dahil naghiwalay sila ng kaniyang kasintahan na piniling bigyang prayoridad ang pag-aaral 3. Para sa kaibigang hindi binibigyang halaga ang mga pag-aaral at mas inaatupag ang pagkokompyuter 4. Para sa kaibigang hindi marunong magbayad ng utang 5. Para sa kaibigang lalaki na hindi tapat sa mga nililigawang babae Magaling! Ngayong may panimulang kaisipan ka na ay maaari nang paunlarin pa ang iyong mga kaalaman at kakayahan, gamitin mo ito para mahubog ka pa sa tulong ng modyul na ito. -6-
3. Balikan Bago tayo dumako sa pagtalakay sa ating mga paksa, maiging balikan muna natin ang ating mga nalalaman at naunawaan sa mga bagong paksang ating tatalakayin mula sa iyong dati nang mga kaalaman at pang- unawa. A. Sa bawat uri ng panitikan, isulat ang mga salita o parirala na nalalaman mo sa bawat isa. Alamat Karunungang Mga bayan panitikan Epiko B. Paghambingin ang mga natukoy na kaisipan. Gamitin ang bawat pahayag sa pagbuo ng sariling pangungusap. 1. lalo ____________________________________________________________ 2. higit ____________________________________________________________ 3. di hamak ____________________________________________________________ 4. kawangis ____________________________________________________________ 5. gaya ____________________________________________________________ -7-
B. Linangin 1. Pagyamanin. Ang mga sumusunod na gawain ang tutulong sa iyo upang mapagyaman at madagdagan pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa ating mga paksa. Gawain 2. Paghawan ng balakid. Isulat kung ano sa iyong ideya ang pakahulugan / ipinapahiwatig ng bawat pahayag : 1. salitang kaloob ng langit 2. sanglang kalayaan 3. mahigit pa sa hayop at malansang isda 4. salitang anghel 5. dinaanan ng sigwa Mahusay! Ang pagkakatukoy mo sa mga kasingkahulugan ng bawat pahayag ay mahalaga upang maunawaan ang ating babasahin at susuriin. Simulan na ang pagbabasa... Sa Aking Mga Kabata ni Jose P. Rizal Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharián, At ang isáng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaán. Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ, Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na tulad sa ináng tunay na nagpalà. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingín Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ Ang lunday sa lawà noóng dakong una -8-
Gawain 3. Palawakin ang kaalaman at kasanayan: Alamin natin ang mga kaisipang nais ihatid sa atin ng ating pambansang bayani sa muling pagbibigay pansin sa tunay na kahulugan ng mga mahahalagang pahayag sa bawat saknong. Isulat ang pinapahiwatig o kahulugan ng bawat saknong. Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ, Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na tulad sa ináng tunay na nagpalà. Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ Ang lunday sa lawà noóng dakong una Sa kabuuan, maaari ka bang sumulat ng isang patama quote tungkol sa kabuuang mensahe ng tula ni Jose Rizal sa isang kabataang tulad mo? Napansin mo ba ang mga pahayag at mga taludtod na nasalungguhitan? Ang mga ito kaya ay halimbawa ng mga karunungang bayan? Upang malaman mo kung ano ang ginamit upang maging malikhain ang paghahatid ng mahahalagang kaisipan sa mga tula at iba pang mga panitikan, basahin at unawain natin ang nasa alamin natin. ALAMIN NATIN KARUNUNGANG-BAYAN (Folk Speech) Isang sangay ng panitikan na kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunalm na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural. Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago dumating ang mga Espanyol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, kasabihan at bugtong. -9-
Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat nang may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. Mga Halimbawa: ‘Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan “Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga sa taong matiyaga.” natutupad ang ninanasa. Sawikain/Kawikaan – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Mga Halimbawa: parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa bato- pakatandaan malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Inihahayag ang kaisipan sa mapanudyong paraan na parang nang-iinis o nang-aasar lang. Mga Halimbawa: Ang paghahangad ng tuwa Tutubi wag kang magpapahuli Di karali-raling lubha sa batang mapanghi Kung ang pagkikita’y bigla Bigla rin ang pagkawala Tulak ng bibig Kasama sa gayak Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad. Bugtong- mga palaisipan na may tugmaang naghahamon sa tao upang mag-isip nang madalian nang walang pagbabatayan kundi mga inilalarawang mga salita. Ang ganitong gawain ng isipan ay magpapatibay ng kasiglahan ng guni-guni, ito ay binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at tugma. Mga halimbawa : Dagat noong lutuin Nang hawak ko’y patay Lupa noong kainin Nang ihagis ko’y buhay Sagot : sinaing Sagot : trumpo Bumili ako ng alipin Kwadra-kwadradong kulay Mataas pa sa akin Kahariabng nag-aaway Sagot : sombrero Sagot : Chess/ aguhilya Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Magaling! - 10 -
Higit pa nating subukan ang iyong kaalaman at kasanayan tungkol sa mga karunungang bayan sa pamamagitan ng sumusunod pang gawain. GAWAIN 4: Tukuyin mo. Suriin kung ang mga sumusunod ay salawikain, sawikain, kasabihan o bugtong : ______________________ 1. Putak, putak Batang duwag Matapang ka’t Nasa pugad. ______________________ 2. Bagong – tao 3. May aklat si Pedro ______________________ Inaangkin ng buong mundo 4. Tiririt ng ibon, ______________________ Tiririt ng maya Kaya lingon nang lingon Hanap ay asawa 5. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ______________________ di makararating sa paroroonan GAWAIN 5: Magsuri ka pa. Narito ang iba pang mga karunungang – bayang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Basahin ang mga ito at tukuyin kung anong mahalagang kaisipan ang nais ipahiwatig nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot. ____ 1. Pag may isinuksok, may madudukot A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok. B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para kapag dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao. ____ 2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak. A. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong mataas ang pangarap B. Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagbagsak C. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang pag-isipan ng masama ang kapwa. ____ 3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain. A. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso B. Kung kailan lamang kailangang ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito. C. Kailangang magtrabaho upang may makain ____ 4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan. B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin C. Ang masarap na kanin ay mahirap kainin ____ 5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon A. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay B. Matutong umahon sa anumang pagsubok ng iyong nilusong C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos - 11 -
Gawain 6. Palalimin Natin. Upang higit pang mapaunlad ang iyong kaalaman at kasanayang natamo, subukan mong gawin ang mga sumusunod. Pagsasanay 1. Sumipi o bumuo ng sariling karunungang-bayan batay sa mga pagpapahalaga o core values ng Dep ed. Maaari kang magtanong, maghanap sa internet at magbasa. Sariling Halimbawa Mga Pagpapahalaga Maka-Diyos Makatao Makakalikasan Makabansa Pagsasanay 2. Suriin ang ilang karunungang-bayang makikita sa talahayanan. Ilahad ang iyong sariling kuro-kuro kung ito ay makatotohanan (may batayan) o walang katotohanan (kathang-isip). Lagyan ng tsek (√) ang iyong sagot at ipaliwanag. Karunungang - May Walang Paliwanag bayan katotohanan katotohanan 1. Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim 2. Kung hindi ukol, hindi bubukol 3. Anak na di- paluhain, magulang ang patatangisin 4. Daig ng maagap ang masipag 5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa Bakit mahalagang masuri ang kahulugan, katotohanan at batayan ng mga karunungang – bayan ? Ipaliwanag. ____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ - 12 -
Gawain 7. Iugnay Mo. Magtanong sa iyong mga lolo, lola, magulang o sa sinumang nakatatanda sa inyong tahanan ng mga halimbawa ng mga karunungang – bayan na alam nila. Itala ito sa graphic organizer at iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Mga Karunungang - bayan Salawikain Sawikain Kasabihan Bugtong Gawain 8. Pagsasanib ng Gramatika Basahin at suriin ang isang maiksing akda sa ibaba Maganda Pa Rin Ang Bayan Ko! Maliit pa ako ay naririnig ko na ang mga kuwento tungkol sa bayang iyon sa kaunlaran, sa bayan ng mga puti. Napakayaman daw ng bansang iyon, makabago, napakalinis, magaganda at mababait ang mga tao. Kaakit- akit pa ang mga tanawin, matatayog ang mga gusali, mura ang bilihin lalo na ang pagkain. Sa tahanan naman naglalakihan ang mga ito, tig-iisa ng kotse ang bawat miyembro ng pamilya. - 13 -
Madalas tuloy sa aking pag-iisa ay maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Higit kayang maganda iyon kaysa bayan ko ? Mas mabait ba ang mga tao roon kaysa sa mga kababayan ko ? Kasingganda kaya ng mga tanawin dito ang mga tanawin doon ? Sinsarap kaya ng adobo, sinigang at kare-kare ang mga pagkain doon ? Tapos na ako ng kolehiyo ng magkaroon ako ng pagkakataong makapunta sa bayang iyon ng mga puti. Nakapagtrabaho ako at kumita ng dolyar. A, talaga ! Mayaman , malinis,makabago. Pero bakit ang palagay ng mga puti ay mas mababa ang pagkatao ko kaysa sa kanila ? Bakit kung may itataas ng tungkulin ay sila ang nauuna gayong sa sipag at pinag-aralan ay nakahihigit sa kanila, ang pagkain ay napakasasarap ngunit iba naman ang lasa ? Bakit naghahanap ako ng dalampasigan ng Boracay, ng Talon ng Pagsanjan, ng ating mga kabundukan, kabukiran at katubigan ay wala na akong nakita. Ngayon ay narito na ako kung saan ako isinilang. Maganda pa rin ang bayan ko. (Mula sa https://www.slideshare.net/kezzygilo/pang-uripowerpoint-presentation) PALAWAKIN ANG KAALAMAN Mula sa binasang akda, ihambing ang dalawang bayan na binanggit : Paghahambing 1. Paghahambing 2. Paghahambing 3. Paghahambing 4. - 14 -
Alamin Mo Ulit MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING M1.ayPadgahlaahwaamngbiunrgi intao:magkatulad Gin2a.g1amPaitsaithookl-uKnugnagngandgalpaiwnaanghgaphianmagbhinahgaamy bminags amyamliiat,y patas na katangian. Ginaggaummitaagnaimtoitnigtomnggampgaanlsaapliitnagnkgatsuilnagd, snigngla,mloa, gdsi-ignagaanto, magkasing o kayadia-tyotnogo,mdgilaubshaali,taondgi-ggaaysain,toulad, paris, kapwa, at pareho. 2.2 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o 2. GPaingahgaahmamit bitionkgunnmnagagdkaaian-shmgaihlpaiitgigankinataggsthauhalipaghidiant,malgabhbinaisgh,aaamyt bdmiin-ahgyaammn,aakgguk. amibaagnamg it ito ng katangian. a. Hambingang pasahol –may mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing Mga maaaring gamitin – lalo, di gasino, di gaano, di totoo b. Hambingang palamang – may mahigit na katangian ang inihahambi ng sa bagay na pinaghahambingan Mga maaaring gamitin – higit/ mas, labis, di hamak Ngayong alam mo na ang mga dalawang uri ng paghahambing na ginamit din sa akda, magsanay ka naman para magamit mo ito sa pagbuo ng iyong iyong sariling karunungang bayan. Pagsasanay 1. Balikan ang akda at tukuyin ang mga pahayag na ginamit at tukuyin kung anong uri ng paghahambing ito. Pahayag mula sa akda Uri ng paghahambing ______________________ _____________________ ______________________ _____________________ Pagsasanay 2. Bumuo ka naman ng sarili mong matalinghagang pangungusap na katulad ng salawikain, sawikain , kasabihan o bugtong na naghahambing batay sa mga hinihingi sa bawat bilang. 1. Ikaw at ang iyong kapatid o itinuturing na kapatid (Magkatulad) ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 2. Ang mga kabataan noon at ngayon (Di-magkatulad) ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 3. Mga paraan ng panliligaw noon at ngayon (Palamang) ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 4. Ang iyong ina at ama (Pasahol) ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 5. Ang paraan ng pag-aaral noon at ngayong may pandemic (Di magkatulad) ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ - 15 -
C. Pagnilayan at Unawain 1. Isaisip. Ang gawaing ito ang higit na magkikintal at maglilinaw sa iyong isipan at pang-unawa ng mga mahahalagang kaalaman at kasanayang hinubog sa mga nakaraang gawain at pagsasanay. Isulat ang mga mahahalagang katangian at layunin ng bawat karunungang – bayan. Karunungang Mga Katangian Layunin bayan Salawikain Sawikain Kasabihan Bugtong 2. Isagawa. Sa paggawa ng gawain, gamitin ang lahat ng iyong mga natutunan sa pagsuri ng mga karunungang-bayan at paghahambing. Sa iyong panonood at pakikinig, itala ang mga maririnig mong mga karunungang – bayan at tukuyin kung saan ito napapaloob gayundin kung paano ito binuo. Huwag kalilimutang isulat ang programa at ang taong nagsabi nito. Halimbawa : 1. TV Patrol ni Kim Atienza (isulat ang programa at ang nagsabi) “Ang buhay ay weather-weather lang.” Sa bawat pagsubok ng panahon, mas mainam pa rin na tayo ay lagging handa… Anong uri ng karunungang bayan ? Kasabihan Paano nabuo ? __gumamit ng talinghagang pahayag__at paghahambing_ *Simulan rito ang pagsagot 2. ___________________________________ (isulat ang programa at ang nagsabi) Anong uri ng karunungang bayan ? ____________________________________ Paano nabuo ? ________________________________________________________ - 16 -
3. ___________________________________ (isulat ang programa at ang nagsabi) Anong uri ng karunungang bayan ? ____________________________________ Paano nabuo ? ________________________________________________________ D. ILIPAT 1. Tayahin Napakagaling! Nagawa mong sagutan at gawin ang lahat ng mga naihandang pagsasanay at gawain sa araling ito. Ngayon naman ay ilalapat natin lahat iyong mga natutunan sa paggawa ng panghuli nating produkto – spoken poetry. Sa pagsasagawa nito, maging malikhain at huwag kalimutang magsaliksik tungkol sa iyong paksa upang makabuluhan ang mga opinyong iyong ilalahad. Spoken Poetry – isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kuwento o pagsasalaysay. Ang may-akda ay naglalahad ng tula sa madlang tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay o nararation sa wikang Ingles. Mas nalikhain at mapanghamong gawain. Mas nakaaaliw itong pakinggan. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Spoken Poetry: 1. Gumamit ng kongkretong lenggwahe – kabilang ditto ang mga matitingkad na imahe, tunog, kilos, pakiramdam, emosyon, at iba pa. Ang isang magandang spoken poetry ay nakaliliikha ng mayayamang imahe sa isip ng mga nakikinig, 2. Gumamit ng pag-uulit – kabilang ditto ang pag-uulit ng mga kaisipan o imahe. 3. Gumamit ng mga rhyme o tugmaan para may element ng aliw at sorpresa. 4. Gumamit ng iyong sariling saloobin. Ito ay upang makuha mo ang emosyon at pakiramdam ng mga nakikinig. 5. Gumamit ng persona. Halimbawa, kung gagamit ka ng persona ng ibang tao, gamitin mo rin ang opinyon nito kahit na ito ay iba sa opinyon mo. PANUNTUNAN: 1.Ang tulang isusulat ay moderno (malayang taludturan). 3.Malayang makapipili ng tema at paksa sa isusulat na tula. 4. Ito ay kailangang orihinal. 5,Bibigkasin sa harap ng guro sa itatakdang araw 6.Maaaring bigkasin sa saliw ng musikang instrumental Kategorya 4 3 2 1 Tema o laman Ang buong tula ay Ang buong tula Ang buong tula Ang tula nagpapakita ng ay nagpapakita ay ay may matinding ng ekspresyon malabong ekspresyon patungkol sa pangkaraniwa tema. n at Ang mga patungkol sa tema. tema. May ideya ay Ang mga ideya ay ugnay ang mga nagpapakita ng kulang at magkakaugnay at konting ideya sa tula repleksyon sa - 17 -
Pagpapaha ito’y orihinal na .Naipamalas tema. Hindi bahagyang yag ginawa. Naipamala ang damdamin gaanong konektado s nang mahusay sa pagbigkas ng naipamalas Galaw ng ang damdamin sa ang damdamin lamang katawan tula sa pagsabi ng pagbigkas tula. Hindi Estruktura Naipapahayag tula. tumitingin o pagkaka May ang tula sa Medyo sa mata ng buo ng epektibong pagpapa pamamagitan malikot ang tula ng pagtingin mata,hindi mga hayag ng tula sa mata, klaro ang boses, nakikinig, Boses sa pamamagitann malinaw na may bahagyang pagbigkas ng paggambala hindi g pagtingin sa mga salita at pagdating sa gaanong mata, maganda nag may tono. ibang linya klaro ang tindig,malinaw ang boses, ekspresyon, malinaw Ang ekspresyon Ang ekspresyon isang tono ng mukha, ng mukha, at hirap na pagbigkas sa pagbig sa bawat salita at ideya at galaw ideya at galaw kas ng ng katawan ay ng katawanay sa tono. kumukuha ng mga interest patun hindi linya. Ang ekspresyon ng gkol sa tema. gaanong kum Hindi mukha, ideya at gumamit Halos lahat ng ukuha ng galaw ng katawan ay mga linya ay interest at ng kumukuha ng maayos na pagkasabik ekspresyo patungkol sa malaking interest pinili at n ng pagkasabik may pagkakat tema mukha at Halos ang mga galaw ng patungkol sa tema. ugma. linya ay hindi katawan Malikhain Organisado magkakatugma sa pagpa ang presen pahayag tasyon. ang , hindi ng tula pagkakagawa organisado Lahat ng mga linya Maayos ang ang pagkakag Hindi ay maayos na pinili pagbibigay diin oranisado at may pagkaka sa mga salita, awa. ang pagpili sa pagtataas ng mga tugma. at pagbaba Di gaanong salita at Organisado ang maayos pagkakagawa at ng tono. ito’y Medyo ang pagbibgay walang nakakadala sa malakas ang diin sa mga tugma. damdamin boses. salita,sa pagtataas at Hindi Mahusay ang pagbaba ng maintindih pagbibgay diin sa tono. Mahina mga salita, sa ang boses. an ang pag pagtataas bigkas ng at pagbaba bawat ng tono. Malakas salita. at malinaw ang Mahina boses. Mahusay ang ang boses pagbigkas at pagdedeliber. - 18 -
Ngayong nagawa mo nang palawakin ang iyong pag-unawa at kasanayan, handa ka na para ipamalas ito sa pagsagot sa panghuling pagtataya. Pagbutihin mo…… PANGHULING PAGTATAYA Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang letra ng sagot. 1.Isang sangay ng panitikan na naging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng tao. A. kuwentong bayan C. karunungang bayan B. alamat D. epiko 2. Gumaganap bilang pagbibigay-diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan, isang pilosopiyang Pilipino na nagsisilbing gabay na nabuo sa paraang may tugmaan. A. salawikain B. sawikain C. kasabihan d. bugtong 3.Ito ay mga patalinghagang pananalita na isang paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng tao, nakalilibang at nakadaragdag ng kaisipan dahil sa nakatagong kahulugan nito. A. salawikain B. bugtong C. kasabihan D. sawikain 4.Ito ay maaaring magsilbing libangan sa mga panahon ng kalungkutan dahil sa taglay nitong paghuhula sa mga katangiang inilalarawan na iniuugnay sa mga bagay o pangyayari sa paligid. A. kasabihan B. bugtong C. sawikain D. salawikain 5. Ano ang ipinapahiwatig ng kasabihang ito : “tulak ng bibig, kabig ng dibdib” A. napipilitang magsalita dahil sa masama ang pakiramdam B. iba ang sinasabi sa tunay na nararamdaman C. kung ano ang lumalabas sa bibig ay siyang nararamdaman D. nahihiyang magsabi ng nararamdaman sa sinisinta 6.Ano ang sagot sa bugtong na ito: Mahaba dinugtungan ng maiksi Maiksi dinugtungan ng baluktot Baluktot nilagyan ng patay Na sinundan ng buhay na gustong magpakamatay A. Sinulid B. bingwit c. tali d. patibong 7.Sino ang pinatutungkulan ng kasabihang : “Tutubi, tutubi wag kang pahuhuli sa batang mapanghe”? A. mga magulang C. mga kabataan B. mga magsasaka D. mga magbubukid 8.Karamihan sa mga Pilipino ay isang kahig, isang tuka, kaya ipinatyupad ng pamahalaan ang SAP (Social Amelioration Program) ngayong panahon ng pandemic. Ano ang ibig ipahiwatig ng nasalungguhitang pahayag? A. may alagang manok C. kasya lang ang kinakayod na pangkain B. mahirap pa sa daga D. kailangang magbungkal ng lupa - 19 -
9.May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing. A. Hambingang palamang C. Hambingang pasahol B. Magkatulad D. Di magkatulad 10. Ang kawangis ay halimbawa ng pahayag na ginagamit sa paghahambing na _______________. A. magkatulad C. di magkatulad B. hambingang pasahol D. hambingang palamang - 20 -
SUSI SA PAGWAWASTO PAUNANG PAGTATAYA 1. C 6. C 2. B 7. B 3. A 8. C 4. C 9. A 5. D 10. D - 21 -
TALASANGGUNIAN ENRIJO, Willita A., Panitikang Pilipino Filipino 8; Modyul para sa mga mag-aaral . Quezon City. Book Media Press, Inc. pp. 14-16. JULIAN, Ailene B., et. al. 2017. Pinagyamang Pluma 8 (Ikalawang Edisyon). Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc. pp. 7-25. MATEO, Renato R., 1996. Gabay sa Panitikang Filipino. Tondo, Manila. Arenar Book Marketing. pp. 19-28. Mga Panuntunan at |Pamantyan sa Pagbuo ng Spoken Poetry .https://www.slideshare.net/kezzygilo/pang-uripowerpoint-presentation. Accessed on May 6,2020. Sa Aking Mga Kabata. ssshttps://www.tagaloglang.com/sa-aking-mga-kababata-jose-rizal/. Accessed on April 28,2020. Uri ng Paghahambing. https://www.tagaloglang.com/dalawang-uri-ng-paghahambing/. Accessed on May 2,2020. Karunungang Bayan. https://philnews.ph/2020/03/10/halimbawa-ng-karunungang-bayan- kahulugan-at-mga-halimbawa/. Accessed on April 26,2020. Mga Halimbawa ng Hugot Lines. https://www.philstar.com/pang-masa/punto- mo/2016/02/01/1548824/mga-hugot-lines-na-funny-true. Accessed on May 7,2020. - 22 -
Search
Read the Text Version
- 1 - 25
Pages: