Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Karunungang Bayan 2020

Karunungang Bayan 2020

Published by deanmarvin.carreon, 2020-07-09 10:08:52

Description: Karunungang Bayan 2020

Keywords: Kaalaman

Search

Read the Text Version

Karunungang bayan Ni: G. Dean Marvin R. Carreon SY2020-2021

Ang karunungang-bayan ay binubuo ng mga sumusunod: Salawikain Sawikain Kasabihan Bugtong Palaisipan Bulong

Salawikain Katumbas ng proverb, adage, epigram, maxim sa ingles. Nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Mga aral at paalala Hango sa karanasan ng lahi.

Masasalamin ang kakanyahan bilang isang lahi. Ang paniniwala sa Dakilang lumikha. Ang uri ng pakikipagkapwa, paniniwala, at pagiging magalangin at matapat sa pakikisama

Mga Halimbawa: “Walang sumisira sa bakal Kundi ang sariling kalawang”

“Aanhin pa ang damo Kung patay na ang kabayo.”

“Kung ano ang itinanim Siya rin ang aanihin.”

“Ang may mabuting kalooban May gantimpalang nakalaan.”

SAWIKAIN Ang katutubong tawag sa mga idyoma Maaaring Isang salita (sawikaing leksikal) o Parirala (sawikaing parirala) Ang diwa o mensaheng inihahatid ay naiiba sa literal na kahulugan ng salita.

Mga Halimbawa:







Kasabihan: Noong unang panahon ay ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao. Ginagamit kapag nilalaro ang mga bata. Lalo’t sanggol pa lamang. Ginagawang panunukso kapag lumalaki na ang bata.

Halimbawa: Bata, batuta Samperang muta.

Tutubi! Tutubi! Huwag kang pahuli Sa batang mapanghi.

May dumi sa ulo Ikakasal sa Linggo.

BUGTONG Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Palaisipan na nasa anyong patula. Nagtataglay ng sukat at tugma Nilalaro ng mga naglalamay, kalaunan sa handaan at pistahan.

Halimbawa: May binti walang hita May tuktuk walang mukha (Sandok)

Umupo si itim Sinulat ni pula Lumabas si puting Bubuga-buga (Sinaing)

Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis. (Sili)

Palaisipan Humahasa ng talino sa tuluyang paraan. Gumugising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Isang uri ng libangan

Halimbawa: May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang hindi man lang nagalaw ang sombrero? (Butas ang tuktok ng sumbrero)

Ilang pares ng hayop ang pinapasok ni Moses sa kanyang arko bago dumating ang malakas na bagyo? (Wala)

Bulong: Ginagamit na pangkulam o pang- engkanto. Sinasabi kapag may nadadaanang punso sa lalawigan. Matandang katawagan sa orasyon Isang panalangin Nagtataboy ng masasamang diwa o maligno.

Halimbawa: Tabi, tabi nuno Kami lang po’y makikiraan.

Dagang malaki, dagang maliit Ito ang ngipin kong sira na’t pangit Sana’y bigyan mo ng bagong kapalit

Nagnakaw ka ng bigas ko Mamaga ang katawan mo Lumuwa ang mata mo Patayin ka nawa ng anito.

Maraming Salamat! Sa uulitin…


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook