\"Bilang isang mamamayan ay kinakailangang gawin din natin ang ating parte sa pag-iwas ngpagsayang ng tubig at pananatili ang kalidad nito. Maging sa paaralan, trabaho, eskwelahan, osa ating mga sariling tirahan ay maaari itong gawin.\"
\" Ang Ekonomiya ng malinis na enerhiya ay may kapangyarihan na lumikha ng Bago, napapanatiling paglago ng trabaho sa ating mga komunidad\"
\"Ibig-sabihin, maraming pagkakataong kinakaharap ang mga mamamayan na ito ngunit hindi man lang nila makamit ang trabaho na mag aahon sakanila sa kahirapan at magdadala sakanila sa ginahawa. \"
\"Huwag na tayo maghintayan pa, Isipin natin lagi na kung gusto nating guminhawa ang ating buhay, matuto dapat tayong magsikap para dito.\"
\"At bilang mga naninirahan sa planetang ito dapat nating tawagan ang ating sarili sa pagkilos upang protektahan at pangalagaan ito. At sa napakaraming ideya na ibinigay ng milyun- milyong tao naniniwala ako na mapoprotektahan natin ang ating planeta. \"
Pagbibigay Parangal
PADLET ACTIVITIES Sana ngayong pasko
PADLET ACTIVITIES Sana ngayong pasko
PADLET ACTIVITIES Awit ng Buhay ko Luigi Centeno Lagi kong pinakikinggan ang kantang \"Make it Better\" ni Andersno .Paak tuwing ako ay nagpapahinga. Madalas ay wala talaga akong iniisip kapag naririnig ko ito at talagang ine- \"enjoy\" ko lang ang awit na ito Jelyka Dizon Maganda ang tinding ng kantang ito na kung saan ay napapasayaw ako kapag naririnig ang kanta. Pinapatugtog ko rin ito kapag ako ay gumagawa ng mga takdang aralin para ako ay maganahan at hindi aantukin. Sa mga panahong hindi ako sigurado sa aking sarili, sa tuwing napapakinggan ko ito ay naibabalik ang aking tiwala sa aking sarili. Na kung saan ay patuloy lamang ang plano sa buhay kahit ano mang pagsubok ang madadatnan. Justin Gregorio Your man - Josh Turner
PADLET ACTIVITIES Awit ng Buhay ko Prince Luarca Madalas kong pinapakinggan ang kantang \"Babe\" ni Taylor Swift dahil ako ay nakakarelate dito at sa tuwing pinapatugtog ko ito ako ay napapa in the feels. Althea-Lyn Villones Isa sa mga kantang nakaaantig sa akin ay ang \"Torete\" ng Moonstar88. Ang dahilan kung bakit nakakaaantig sa akin ang kantang ito ay hindi dahil sa mensaheng dala nito, bagkus, ang mga ala-ala ng aking pagkabata na naaalala ko tuwing naririnig ko ito. Ito ang unang kanta na natutunan kong kantahin. Sabi ng aking nanay, mali- mali ang mga salitang kinakanta ko, ngunit nakakatuwa pa rin pakinggan dahil kuha ko naman ang tono nito/
URI NG LAGOM Bionote
URI NG LAGOM Bionote
CN Ang panungahing paninindigan ng posisyong papel ay tungkol sa malalalang epekto ng COVID-19 outbreak sa ating bansa. Pinapangunahan nito ang 10 kaligtasan at kalusugan ng mga maamayan kabilang na rito ang mga iba't CN ibang sekto ng lipunan. Lalong lalo na rito ang mga mag-aaral at ang delikad ng edukasyon. Nakasaad dito ang iniplementang Enhance Community 15 Quaratine (ECQ) hanggang ika-30 ng Abril sa Luzon upang mapapaalahanin ang kahihinatnan ng mga mag-aaral sa ikalawang semestre. May mga inilahad na mga alternatibong solusyon upang tugunan ang mga suliraning kinahaharap ng kasalukuyang semester. Ito ay ang pagsagawa ng mass promotion at pagtapos ng semestre o ang pansamatalang pagtigil ng semestre at pagbalik sa oras na maaari na para sa lahat. Ayon sa aking pagsusuri sa posisyong papel ay ang mga tawag at reklamo tungkol sa pagdaraos ng mga natitirang araw ng kasalukuyang semestre ay umaalingawngaw sa sektor ng mag-aaral bilang resulta ng lumalalang epekto ng pagsiklab ng COVID-19 sa iba't ibang bahagi ng lipunan. Ang una sa mga ito ay ang paraan kung saan isinasagawa ang mga online na klase. Ayon sa Konseho, ito ay nagpapakita ng kakulangan ng konsiderasyon para sa karamihan ng mga mag-aaral, na walang device o koneksyon sa internet. Bilang karagdagan, ang mga mag-aaral ay maaaring makaranas ng mga problema sa kalusugan ng isip habang nasa quarantine, pati na rin ang mga problema sa pananalapi sa mga buwan na tumatagal ang pagkakakulong. CN Bilang mambabasa, nahikayat ako sa isinulat na posisyong papel ng mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Ako ay nahikayat dahil ang 42 argumento ng posisyong papel at mga ebidensya at impormasyong sumusuporta rito ay makatotohanan at lohikal. Bilang isang mag-aaral, naintindihan ko rin ang kanilang pag-aalala at ang pangangailangan na itaas at ibahagi ang kanilang posisyon sa naturang isyu, lalo na sa panahong iyon. Sa pagbibigay ng mga solusyon sa isyung inihain ng mga manunulat, isinaalang-alang nila lahat ng kasangkot, tulad ng mga mag-aaral, guro, kawani, at ang mismong paaralan. Nagbigay rin sila ng mga detalyadong plano at inilagay nila ang mga katwiran sa bawat hakbang ng plano na kanilang iminungkahi.
Pagbibisekleta: Ang Aking Libangan sa Panahon ng Pandemya ni Kerby Adasa Ang libangan ay isang aktibidad na ginagawa mo sa iyong libreng oras na nagbibigay sa iyo ng interes at kasiyahan at makakatulong sa iyo upang maging mas mabuting tao. Ito ay isang paraan upang makapagpahinga, at mapawi ang stress. Mahilig ako sa sports at pagbibisikleta. Ito ang paborito kong libangan noong panahon ng pandemya dahil dinala ako nito kahit saan ko gustong pumunta. Ang pagbibisikleta ay hindi lamang kasiya-siya, ngunit ito ay kapaki-pakinabang din sa iyong kalusugan. Mula noong pandemya, ginawa kong bahagi ng aking pang-araw-araw na gawain ang pagbibisikleta. Matagal na akong gumagamit nito, at naging libangan ko ito at ng mga kaibigan ko. Maaari kang sumakay ng iyong bisikleta at marating ang iba't ibang lugar kagaya ng mga bundok at mga bayan para sa kasiyahan o transportasyon. Nagagamit ng mga tao ang kanilang mga bisikleta para sa transportasyon habang nagsasaya rin. Nakakapagod, pero napanatiling masaya ako sa panahon ng pandemya. Marami akong nakikilalang tao na nagbibisikleta at naging kaibigan ko sila. Ang pagbibisikleta ay nagpapahintulot sa akin na panatilihing nasa kondisyon ang aking katawan at kalusugan bilang isang atleta. Pinapaginhawa nito ang aking pagkapagod at pagkabalisa, at tinutulungan akong makapagpahinga kapag bumibisita ako sa ibang mga lugar sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga tanawin. Itinuturing ko na ang libangan na ito ay isang personal na tagumpay para sa akin. Kapag nakikipagkumpitensya ako sa mga karera, nanalo ako ng mga premyo habang nakadadama ng lubos na kasiyahan. Ito ang isa sa mga pinakamagandang bagay na nagawa ko sa aking buhay. Ang kaligayahan ko kapag nagbibisikleta ay katumbas ng dami ng padyak na nagawa ko. Ang libangan na ito ay mabuti at malusog sa puso, katawan at pag-iisip. Ito rin ay isang mahusay na paraan ng transportasyon. Sa aking karanasan, ito ay isang kamangha-manghang libangan sa labas na nagpapasigla sa akin, at maiwasan ko ang paggugol ng masyadong maraming oras sa loob ng bahay na nakakasama sa aking kalusugang mental. Ang pagbibisikleta ay hindi gaanong nakaka-stress sa mga kasukasuan kaysa sa pagtakbo at maaari itong gawin araw-araw sa kahit na anong oras. Sa pangkalahatan, ang pagbibisikleta ay isang malusog na pisikal na ehersisyo at libangan
Unang Hakbang sa aking Kinabukasanni Luigi Centeno A Noong nakaraang buwan ng Oktubre, isinagawa ang unang pangkat o batch ng University of Santo Tomas Entrance Test (USTET) at ang Ateneo College Entrance Test (ACET). Ako ay pinalad na makakuha ng pagkakataong kunin ang dalawang pagsusulit na ito. Alam ko na malaking bagay at parte ng aking kinabukasan ang magiging resulta ng mga pagsusulit na ito kaya naman buong sipag at tiyaga akong nag-aral upang matiyak na handa ako pagdating ng araw ng pagsusulit. Noong panahong iyon, iba-iba ang aking naramdaman, kaba, pagiging sabik o excited at may halo rin na pagdududa sa sarili. Dahil bukod sa kahalagahan nito, ito rin ang unang malaking pagsusulat na aking kukunin mula noong nagsimula ang online class. Natutunan ko sa sitwasyong ito kung paano harapin ang mga malalaking kaganapan sa buhay, kung saan ako ay tiyak na kakabahan. Magkasunod na linggo ang schedule ng aking mga pagsusulit. Kaya dumagdag pa ito sa aking kaba, ngunit pagkatapos ng USTET ay nabawasan ang aking kaba at tumaas din ang aking kumpyansa sa aking sarili para sa paparating na ACET. Mula noon ay lumakas na ang aking loob at unti-unti nababawasan ang aking kaba tuwing may mga ganoong sitwasyon sa aking buhay. Natutunan ko rin mula rito na malaking bagay ang magkaroon ng pagkakaton na maranasan at maramdaman ang mga sitwasyong ganito. Dahil maraming matututunan at magiging daan ito upang matulungan ang ating sarili at maiwasan na maulit ang mga pagkakamali noon.
Ang mga ipinakita sa palabas na Wednesday na nangyayari sa kasalukuyang panahon ni Jelyka Dizon May napanood ako na isang palabas sa Netflix na ngayon ay pumapatok na dahil sa mga karakter at daloy ng kwentong ito. Alam ko sa sarili ko na mabilis rin ako magsawa at nagsisimula ka agad sa panibagong palabas habang hindi ko pa natatapos ang iba. Bagkus, patagal nang patagal ay lalo akong nahihikayat at hindi ko na rin namamalayan ang takbo ng oras sa tuwing nanonood ako. Aaminin ko na naging produktibo ako sa paggawa ng iba pang mga gawain ngunit hindi ko malilimutan ang buong nangyari sa palabas. Sa unang isang oras ng palabas ay napapansin ko na iba ang babaeng ito sa kaniyang nanay maging sa kaniyang mga kaklase. Ang pangalan ng babaeng ito ay si Wednesday at siya ay anak ng isang pamilyang Addams na nag-aaral din dati sa paaralang papasukin niya. Pinakita at sinabi ni Wednesday sa kaniyang ina na hindi niya magugustuhan ang paaralang ito at hindi siya tutulad sa kaniyang ina. Dahil ang kaniyang nanay na si Morticia Addams ay kilala rin sa kanilang paaralan at maraming sinasalihan na paligsahan. Maaaring nape pwersa si Wednesday sa paraang pagpilit ng kaniyang ina na gawin ang mga dapat gawin upang makisama siya sa ibang mga estudyante at makilala ang kaniyang husay at talento. Ngunit ang gusto lamang ng kaniyang ina ay ang ikinabubuti para sa kaniya. Noong tumagal ang daloy ng kwento ay mayroong natutuklasan si Wednesday – ang kasaysayan ng nakaraan. Dahil nga sa kuryosidad ay marami siyang nakita at natuklasan tungkol sa nakaraan. Napapahamak rin ang kaniyang buhay dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari at ang ilan naman ay nahuhuli siya sa kaniyang mga ginagawa. Hindi naman lahat ng impormasyon ay basta basta lamang binibigay o nakukuha kaya’t kinakailangan din na pag-isipan ito kung paano at saan sila makukuha. Sa kabuoan ng kaniyang paglalakbay sa katotohanan, maraming tao siyang nakilala at naging mga kaibigan. Na inaakala rin niya ay walang may gustong makipagkaibigan sa kaniya dahil naiiba siya sa kanilang lahat
Ang personalidad niya ay sobrang magkasalungat sa mga estudyante sa paaralan maging ang kaniyang kasama sa dormitoryo na si Enid Sinclair. Dahil si Enid ay sobrang masayahin, aktibo at mapala kaibiganin ngunit si Wednesday ay kabaliktaran nito dahil siya ay walang pakielam sa kapaligiran at ayaw makihalubilo sa iba. Kahit man iba ang personalidad ng bawat isa ay may kaniya kaniya rin silang bitbit na problema. Ang problemang iyon ay hindi hadlang sa kanilang buhay bagkus naging motibasyon pa ito upang mapatunayan nila ang kaya nilang gawin. Habang pinapanood ko ay namangha ako at natuwa dahil hindi ko rin inaasahan na kahit iba man ang personalidad o iba man tingin ng mundo sa iyo, may mga tao paring kakaibiganin ka kahit sino ka man. Ang mga taong iyon ay lagi ring nariyan kapag kailangan mo ng tulong. Nandiyan din sila kapag wala ka na ring masasandalan sa mga panahong hindi mo na rin kaya ang iyong sarili. Naalala ko ang aking mga kaibigan sa nakita ko sa palabas. Sabihin natin na iba man kami ng personalidad, ng iniisip o pakay sa buhay pero laging nandiyan para sa isa’t isa. May mga linya rin sa teleserye na tumatak sa aking isipan kaya’t isinulat ko sila sa isang papel para matandaan. Ang isang linya nabanggit ay nangyayari hanggang ngayon maging sa ating bansa. “Those who forget history are doomed to repeat it” ang sabi ni Wednesday at ako ay sang-ayon sa kaniya. Ang ibang tao ay naniniwala na hindi na muli mauulit ang nangyari sa nakaraan bagkus hindi nga ito mauulit pero bakit nanatili paring bulag sa mga nangyari. Kaya naimbento at nagawa ang mga libro upang malaman at mabasa natin ang tunay na nangyayari noon. Ang tanging kaalaman ay nagsisilbing liwanag ngunit naging bulag pa rin ang iba. Tulad na lamang sa teleserye, nabanggit ng punong-guro na hindi naman mauulit ang nangyare noon pero pinatunayan ni Wednesday na ang kasaysayan ay nauulit lalong lalo na kapag may mga taong nasa likod na bubuhayin muli ang kasaysayan na nangyari noon. Kahit man ito ay masama, ang mahalaga lamang ay makuha ang kapangyarihan na nais nilang kimkimin.
Kahirapan at Edukasyon sa Gitna ng Pandemya ni Justin Gregorio Kahirapan sa pandemya ay isang isyung ikinahaharap ngayon ng Pilipinas. Ano nga ba ang estado ng kahirapan ngayon sa Pilipinas? Ano nga ba ang nagdudulot ng kahirapan? Base sa aking pagsasaliksik at obserbasyon, bago pa man mag pandemya bahagi at nararanasan na rin ng ating mga kababayang hikahos ang kahirapan sa ating bansa, lalong lumaganap ang kahirapan sa pilipinas dulot ng pandemya. Maraming tao ang lumubog sa kahirapan dahil sa pagkawala ng hanap-buhay at kasunod nito ay ang pagmahal ng bilihin, pagsara ng mga establisyemento, paglockdown, at pagkalugi ng ibang naghahanap buhay na labis na nakapagpabagsak ng ekonomiya at nakaapekto sa pang araw-araw ng buhay ng mga tao. Walang bumibili dahil walang pambili o walang nagtratrabaho dahil walang trabaho. Ito ang aking napiling paksa dahil ako rin, bilang estudyante ay naapektuhan nitong pandemya. Paano nalang kaya ang mga kabataang mas nahirapan mag-aral dulot ng pandemya? Paano nakakapagaral ang mga batang walang access sa internet noong kasagsagan ng pandemya? At kung paano na sila nakabangon ngayon? Nung una, ako rin ay nag-a-adjust sa online class, dahil hindi nga naman ako sanay. Maraming gamit ang kailangan tulad ng selpon o laptop, mga libro, module, kwaderno, stable na internet atbp. na hindi kayang taglayin ng isang hikahos. Iba’t-iba ang naging dulot sa magaaral ngayong pandemya, marami akong kilala na tumigil na muna sa pag-a-aral dahil sa hirap ng buhay. Hindi na sila kaya masustentuhan ng kanilang pamilya dahil sa kawalan ng trabaho. Marami ang naghanap-buhay na lang kesa magaral sa kadahilanang mas madali para sa kanila ang face-to-face class. Marami rin ang naging tambay na lang at piniling tumulong sa bahay. Ang iba naman ay natuwa dahil hindi na nila kailangan pa pumasok sa paaralan para bumyahe. Sa mga kilala kong tumigil noon, ngayon ay pinagpapatuloy na nila ang kanilang pagaaral dahil bumaba na ang bilang ng covid positive at unti-unti na rin bumabalik ang lahat sa dati. Nagkaroon na ulit ng trabaho ang ibang nawalan at nagiging maganda na ang pag aksiyon ng gobyerno, Kaya’t bumabangon na ulit ang Pilipinas. Kung tutuusin, ako ay may prebihileyong makapag patuloy ng pag-aaral. Sobrang pasasalamat ko sa pamilya ko sa pagsuporta sa amin, na nalagpasan naming ang ganoong pagsubok sa buhay. Laking hanga ko rin sa mga taong hindi nawalan ng pagasa sa buhay, kahit gaano pa man ito kahirap. Sa ngayon hindi na talaga mawawala ang kahirapan sa Pilipinas, ang tanging magagawa nalang talaga natin ay enjoyin ang buhay at magsikap ng maiigi. Maging kuntento at magpahalaga ng bagay bagay. Natutunan ko rin ngayong pandemya na hangga’t kaya natin tumulong sa kapwa kahit sa maliit na bagay, ay gawin natin
Kaibahan ng Paggawa sa Pag-alam ni Prince Luarca \"\"There is a certain kind of power that comes with fully accepting your circumstances for what it is. Knowing that you can't change the situation in this immediate moment, but it doesn't mean that it will be always be this way. Knowing that you have the power in you to change things, but it takes time. And if anything, time and effort are two of the things you have in you to give. And understanding that with enough effort and time, you can change anything. It is all within your control.\" Ayan and pinaka nakakaagaw pansin na sinabi sa librong aking ibinasa na pinamagatang \"no idea what I'm doing but f*ck it\" ni Ron Lim. Ang librong ito ay isang klaseng chapbook at nais ng aklat na ito na ipakita sa mga tao na ang kanilang pananaw ay isang realidad, at hindi kahaka-haka\" Sa librong ito, nagpakita ito ng realisasyon sa aking sarili. Sinabi sa librong ito na minsan ayos lang na ika'y nawawala sa landas ng buhay. Ayos lang na hindi mo alam ang lahat at ayos lang na gumawa ka ng sarili mong pagkakamali. Sinasabi sa akin ng librong ito na hindi ko kailangan mag fit-in sa mga bagay na hindi naman talaga ako nabibilang. At hindi ko rin kailangang hingin ang validation ng mga tao sa kung ano man ang mga dapat kong gawin o desisyon sa aking buhay. Dahil kay Ron Lim, natuto din akong subukan ang lahat ng bagay. Binanggit niya na wala namang mawawala sa ating sarili kung susubukan natin ang mga bagay. Dahil sa huli, dalawa lang naman ang kalalabasan nito. Ay ang magtagumpay ka o hindi ka magtagumpay, ngunit meron kang napulot na aral at karanasan dito. Sa pangkalahatan, binigyan ako ng life advices ng librong ito at katiyakan na ayos lang na hindi mo alam ang iyong ginagawa. Kumbaga, \"it's about the doing that makes the difference, not the knowing.\"
Metal na Musikani Miguel Meris Bilang mga tao nag papakinggan tayo sa mga iba't ibang uri o genre ng mga musika kagaya lamang ng Pop, Hip-Hop, at mga iba pa. At lahat rin tayo ay may mga partikular na paborito na pakingan. Kaso para sa akin, ang personal ko talaga na gusto ang genre ng \"Metal\" o \"Heavy Metal\". So, ano nga ba ang metal music, batay sa nabasa ko na artikulo ito ay isang uri ng musika na may istylo na matindi at malakas. Ito ay may mararaming sub genre kagaya ng Glam Metal at Power Metal. Naalala ko noon ako ay bata pa hindi ko talaga gusto ang mga kanta na metal, naiisip ko dati na sobra siyang maingay, hindi maganda pakingan at walang porma ang mga kanta. Noon ata ng mga grade 8 na ako napakilala ako sa banda na Black Sabbath at isa sa mga kanilang kanta na War Pigs. Bago ko matuloy ang aking sasabihin, alam natin lahat na ang mga kanta ay may mga mensahe na dinadala, kagaya lamang ng pagmamahal at kahalagahan ng pamilya. Sa mga kanta na metal madalas iba-iba ang mensahe na pinapakita depende sa sub-genre, kaso madalas na makikita ang mga mensahe na \"anti-establishment\". Sa kanta na War Pigs na gustuhan ko talaga ang mensahe na dulot nito kaya siya isa sa mga aking paboritong kanta. Ang mga lyris ng kanta ay nagpapakita ng imahe ng mga kakila-kilabot ng digmaan sa utak ng mga tagapakinig at pumupuna sa mga politko at mga tao na nagdudulot ng mga gyera para sa kanilang mga benepisyo. At ako rin ay nagagandahan sa pagagamit at pag compose ng mga banda sa kanilang mga kanta, lalo na yun sa Through the Fire and Flames ng Dragonforce, na isa rin sa aking mga paboritong kanta, kung saan sinasabi ng mga tao na ito ay isa sa mga kanta na mahirap laruin dahil sa mga guitar solo nito. Naging paborito ko nga rin siya dahil sa mga instrumental at lyrics ay bumibigay ng pakiramdam ng pagganyak. Sa panahon na ito mas napapahalaga ko talaga ang uri ng musika na ito, sila ay yun pinapakingan ko kapag ako may ginagawa para sa eskwela, kung masama ang aking kalooban, at kung ako ay lumalakbay sila yun pinapakingan ko sa earphones ko. Ngayon na patapos na ako sa aking sulatin, gusto ko lang masabi na ang muskia na pinapakingan natin ay repleksiyon sa ating mga pag-iisip at kung sino tayo bilang mga tao. Ang metal noon una beses ko binigyan ng maayos na pagkinggan ay dumala sa aking ng mga ideya na nakakapanibago sa aking pag-iisip, nag dulot ito ng pagkaiba sa kung paano ako nabubuhay araw-araw, at pinapakingan ko ako ay nabibigyan ng motibasyon na humarap sa mga problema na mapagdadaanan ko.
sBaaSkiaqsuyiojonr
Bangkok Kahoy Valley
Subic Saya
Ang aking karanasan sa lugar ng Bataan
Misibis Bay, Cagrayray, Albay
Ang kaTgilaanmdbaohan ng kabukiran
“Ano ang naging karanasan ko sa Filipino ngayong Semestre? Sa pagtatapos ng semester na ito ay masasabi Ang huling semestre sa FPL ay puno nang saya’t ala- ko na malaki ang naging impluwensya ng ala. Mga hindi makakalimutang pagbabahagi’t asignaturang Filipino sa Piling Larang sa akin. pangkalahatang gawain kasama ang mga mag-aaral. Nakapagbigay ito sa akin ng mga panibagong Lubos kong ikinagagalak ang aming guro sa FPL dahil kaalaman sa iba’t ibang paksa. Masasabi ko na isinisiguro ni binibini na nauunawaan ang lahat at sa matagumpay ang ginawang paghuhubog at pagbibigay ng mga halimbawa sa bawat aralin. Ang mga pagtuturo ng aming guro sa akin pati na rin sa araling aking natutuhan ay ang mga uri ng pagsulat, mga aking mga kapwa mag-aaral. Lalo akong nahasa katangian ng akademikong sulatin maging ang iba’t sa paggamit ng wikang pambansa o Filipino sa ibang uri ng talumpati. Maging ang lakbay, at larawang pamamagitan ng mga natutunan ko katulad ng sanaysay at huwag kakalimutan ang replektibong akademikong sulatin, paggawa at pagbigkas ng sanysay. Kasama na rin dito ang iba’t ibang uri ng lagom talumpati, paggawa ng bionote, at iba pa. Sa at iyon ay ang abstrak, bionote, sinopsis at sintesis. Sa tulong ng aming mahusay na guro at mga kabuoan, hindi lang sa pagtuturo ng mga aralin kundi sa masisipag na mga kapwa mag-aaral pagbibigay rin ng mga asignaturang pinapalalim at matagumpay ko na natutunan at nauunawaan pinapalawak ang aming kaalaman tungkol dito. Kahit ang mga paksa sa asignaturang ito. man isang semestre lamang ang sakop nito, kitang kita ko pa rin ang pagsisikap ng aking guro maging ang aking mga mag-aaral. Marami akong naransan sa semestreng ito. Ang natutunan at nalaman ang kahalagahan ng May mga bago akong natutunan, at mayroon araling ito ay naging malinaw sa akin dahil ako ding nadagdagan ang aking kaalaman sa ibang ay nag-isip at nagsumikap na maunawaan kung paksa. Nahasa din ang aking paggamit ng ano ang sinisikap nitong sabihin. Naunawaan ko wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsagot ang kahalagahan ng araling ito pagkatapos sa recitation, pagsulat ng mga akademikong kong matanto ang mahahalagang sulatin, at ang pagbigkas ng talumpati. Dahil sa impormasyon na kailangan at maraming mahusay na pagtuturo ng guro at sa tulong na natutunan patungkol sa aralin ng Filipino sa rin ng maayos at madaling intindihin na mga Piling Larang. modyul, madali kong natutunan at naunawaan agad ang mga paksang pinag-aaralan.
“Ano ang naging karanasan ko sa Filipino ngayong Semestre? Ilan sa aking mga natutunan sa asignaturang ito Marami akong naging karanasan sa asignatuang ay walang kinalaman sa kabuoan nito, kundi ang Filipino ngayong semestre. Natutunan ko muling pakikipagsama at ang pakikihalubilo sa mga makihalubilo sa aking mga kamag-aral dahil sa kagrupo bilang isa. Natutunan ko na ang pagbalik ng face to face learning. naranasan ko pagtutulungan ay isa sa pinaka importanteng muling magtalumpati at mas nahasa ang aking bagay sa ating buhay, ultimo sa pang araw-araw pagbigkas, pagsulat, at pagtanghal kahit na na pamumuhay. Sa pamilya, kaibigan, kagrupo, recorded video lamang ito. Hindi ko masasabi na kahit pa sa mga guro. Tulong-tulong tayo sa naging madali ang karanasan ko ngayong pagsumikap sa pag-aaral at ang makapasa nang semestre sa Filipino pero naging maganda ang may mataas na marka sa bawat asignatura. Ang daloy nito dahil sa mahusay na pagtuturo ng aming guro ay laking tulong sa paglalim ng aming guro at sa organisadong iskedyul na kaalaman tungkol sa asignaturang ito dahil sa binigay sa amin. Kahit na may kaunting pagsubok magandang daloy ng mga diskusyon sa parehas na hinarap sa mga ibinigay na gawain ng guro, na Face to Face classes at online class. naging masaya pa din naman ako at ang aking mga kaklase sapagkat lahat kami ay nahuhubog at natututo sa asignaturang ito. Sa ngayong semestre ako ay maraming Ang nakalipas na semestre sa FPL ay nakatulong sa naranasan. Sa pagbalik ng face to face classes, akin na paunlarin ang aking mga kaalaman at naranasan ko ulit ang pakiramdam ng pagagawa kasanayang may kaugnayan sa asignatura. Ipinaalala ng mga pangkatang gawain sa loob ng klase at rin sa akin nito kung bakit mahalagang mahalin ang ang atmospera at enerhiya na nararamdam mo pag-aaral ng Filipino. Dahil sa mga talakayan at iba’t pag nasa loob ka ng classroom. Masasabi ko rin ibang gawain, nahasa ang aking kritikal na pag-iisip na gumaling ang paggamit ko ng wikang Filipino at kasanayan sa pagsulat, pagsasalita, at pakikinig. dahil sa PT noong unang quarter. Sa wakas, para Masaya ako dahil nakasama ko ang aking mga sa akin kahit ako ay nahihirapan minsan ang kaklase at guro dahil nakatulong din sila na pabutihin unang semstere ay naging masayahin at ang aking karanasan sa pagkatuto. Bagama't naging matupad. produktibo ang huling semestre, napagtanto ko na marami pa rin akong dapat matutunan at kailangan ko pang pagbutihin ang aking akademikong pagganap.. Dahil dito, gagamitin ko ang aking mga natutunan at napagtanto mula sa asignaturang ito upang higit na paunlarin ang aking sarili.
Bionote
Ang Huling Hakbang sa Filipino sa Piling Larang S i Kerby O. Adasa o mas kilala bilang “Kerby”, isang mag-aaral ng San Beda University Rizal sa ika-labing dalawang baitang ng STEM (Science, Technology, Engineering & Mathematics). Pinanganak noong Pebrero 28, 2004 at kasalukuyang labing walong (18) taong gulang. Siya ay kasalukuyang student-athlete sa larangan ng Table Tennis. Mahigit labing dalawang taon na ang nakalipas ng siya ay nagsimula sa paglalaro ng sport na ito at nabigyan siya ng scholarship kaya’t kasalukuyan siyang nag-aaral sa San Beda University. Nabibigyan niya ng parangal ang San Beda sa pamamagitan ng pagpanalo o pagkuha ng kampeonato sa iba’t ibang laro na kaniyang kinabibilangan kagaya ng NCAA, Milo Olympics, PRADA, at iba pa. Nakatatanggap din siya ng mga parangal tulad ng SILAKBO2023: Battle of the bands Champion, Math Honors, Academic Distinction, With Honors at iba pa. Ang kaniyang pangarap ay ang mairepresenta ang Pilipinas sa kaniyang paglalaro o sport at makapagsilbi sa bansa o maging kabilang sa Philippine Marine Corps.
Ang Huling Hakbang sa Filipino sa Piling Larang Si Jelyka Mae M. Dizon o mas kilala bilang “Jelay” ay isang mag- aaral sa ika-labing dalawang baitang ng STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) ng San Beda University. Pinili niya ang strand na ito dahil sa hilig niya sa Agham at makakatulong ito sa kaniyang pipiliing kurso sa kolehiyo na Civil Engineering. Bago man siya lumipat sa San Beda ay dati siyang isang mag-aaral sa Claremont School of Binangonan, Rizal at simula sa unang baitang hanggang ika-sampung baitang ay consistent honor student siya. May nakuha siyang ibang parangal tulad na lamang English Language Proficiency Awardee, Most Active at iba pa. Ngunit sa kasalukuyang panahon, sa San Beda University, ay nakakuha rin siyang ibang parangal tulad na lamang Academic Distinction at With Honors. At ngayong ika-labing dalawang baitang ay may mga nakuha siyang parangal tulad na lamang With High Honors, best in English for Academic and Professional Purposes, Seventh Place in STEM Strand, at Sixth place for Distinction in Deportment.
Ang Huling Hakbang sa Filipino sa Piling Larang Si Luigi Miguel C. Centeno ay isang ika-12 baitang o grade 12 na mag-aaral sa San Beda University-Rizal sa pang-akademikong taong 2022-2023. Sa edad na labingwalong taong gulang, labingtatlong taon dito ay nag-aral siya sa San Beda. Mula noon pa lamang ay nahihiligan na niya ang mga asignaturang Matematika at Agham, kaya naman ngayon ay kabilang siya sa strand ng STEM (Science, technology, engineering & Mathematics). Isang siyang masipag at mahusay na mag-aaral na makikita rin mula sa kaniyang mga marka at mga gantimpalang nakukuha. Sunod-sunod o consistent din ang kaniyang pagkakaroon ng ”With Honors Award” mula pa noong nasa elementaraya pa lamang siya at minsan din siyang nasasama sa Top 10 ng buong baitang. Sa ngayon kabilang din siya sa mga organisasyong “Bedan Pastoral Club” at “Red Cross Youth”. At sa mga susunod na taon, inaasahan niyang makakapag-aral siya sa kaniyang piniling unibersidad upang ipagtaguyod ang kaniyang pangarap na maging isang Civil Engineer.
Ang Huling Hakbang sa Filipino sa Piling Larang Si Justin Carlisle G. Gregorio ay pinanganak noong Nobyembre 3, 2003, pangatlo sa lima na anak nina Ginoong Joy Gregorio at Ginang Charmaine Gregorio. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng science, technology, engineering and mathematics (STEM) sa akademiktrack ng senyor hayskul sa Unibersidad ng San Beda . Siya ay nasa ikalabing-dalawangbaitang at kasalukuyang nag- aaral ng mabuti upang maabot ang kanyang pangarap na maging Engineering sa pinapasukang paaralan at kasalukuyan skolar ito ng paaralan sa larangan ng Volleyball sports at patuloy sya na nagpapalakas at nag aaral ng mabuti upang mapag sabay ang akademiko at ang kanyang sports
Ang Huling Hakbang sa Filipino sa Piling Larang Si Nathaniel Cedrick M. Laroza; kilala bilang “Ced” ay isang ika- labing dalawang baitang na mag-aaral mula sa San Beda University- Rizal simula noong 2017 bilang ika-pitong baitang na estudyante. Siya ay nagkakaroon ng interes sa asignaturang Entrepreneurship at UCSP; bukod sa mga asignatura sa eskwela, hilig din nito ang kumuha ng litrato ng mga imported na sasakyan sa iba’t ibang lugar, at sumasama din siya sa mga car show upang makilahok sa car scene ng Pilipinas. Kabilang din siya sa club na “Bedan Computer Society” at “Family and Consumer Sciences Club”. Nagsisikap ang estudyanteng ito upang maka graduate sa susunod na lebel ng pag-aaral. Siya ay nakatanggap ng “with Honors” na award ngayong kwarter bilang gantimpala sa mahusay na performance ngayong kwarter. Si Ced ay nakapasa sa kanyang pangarap na eskwelahang University of Asia and the Pacific nitong 2022, isang eskwelahang naka pokus sa Business at Law. Gusto niyang mag-aral dito na may kursong BSBA Major in Management with Specialization in Business Analytics. Si Ced ay tumatayong punong tagapag-mana ng Interpath Laboratories, isang malaking kumpanya na humahawak ng outpatient clinic at mga lab tests na ang lokal na komunidad ang nag bebenipisyo. Sa hinaharap, si Ced ay nagsusumikap upang maging karapat-dapat na taga-manage ng kanilang negosyo.
Ang Huling Hakbang sa Filipino sa Piling Larang Si Prince Roger S. Luarca ay labingwalong taong gulang na mag- aaral sa Unibersidad ng San Beda simula noong 2008. Ang mga kinahihiligan at paborito niyang asignatura ay: Araling Panlipunan, Filipino, Mathematics, at Physics dahil sa tingin niya’y mahusay siya sa mga larangang ito. Sa kadahilanan, kabilang siya sa strand ng STEM (S cience, technology, engineering & Mathematics). Nakatatanggap din siya ng mga indibidwal na parangal tulad ng “Top 7 STEM Strand” noong siya ay nasa baitang 11 at “With Honors Award”. Kabilang din siya sa mga organisasyong Red Cross Youth at Bedan Pastoral Council kung saan siya ang nakatagang Presidente. May Hilig din siyang, maglaro ng basketball, mag - exercise, at sumayaw. Sa hinaharap, nais niya na makapag-aral sa pangarap niyang unibersidad at makapagtapos ng kursong Civil Engineering.
Ang Huling Hakbang sa Filipino sa Piling Larang Si Miguel Inigo S. Meris ay labinsyam taong gulang na mag- aaral sa San Beda University Rizal simula noong 2011. Siya ay may interes sa mga asignaturang Biology, Earth Science, Araling Panlipunan, at UCSP. Hilig nya rin ang paggawa ng 3D models at pagbasa ng mga libro. Kabilang din siya sa organisasyong Integrated Organization for Natural Sciences (IONS) at ang club na Makatang Bedista. Siya rin ay nagkaroon ng Academic Distinction Award ngayong taon. Sa hinaharap, nais nyang makapag-aral sa mga pinapangrap niyang mga unibersidad at makapagtapos ng kursong Computer Engineering.
Ang Huling Hakbang sa Filipino sa Piling Larang Si Althea-Lyn R. Villones ay isang mag-aaral mula sa San Beda University simula noong taong 2011 at kasalukuyang mag-aaral sa ika-labindalawang baitang. Bahagi siya sa STEM strand ng kanilang paaralan dahil sa kaniyang hilig at interes sa asignaturang agham. Nakatatanggap din siya ng mga pang- akademikong parangal at may mga pagkakataon din sa mga nakaraang taon na kabilang siya sa “Top 3” ng kanilang klase. Maliban sa akademiks, nakakuha na rin siya ng mga parangal sa pagkanta tulad ng unang gantimpala at “Defending Champion” mula sa pagsali niya sa Himigsikan, isang paligsahan sa pagkanta na ginaganap sa kaniyang paaralan. Sa kasalukuyang taon, miyembro siya ng Bedan International Relations Organization (BIRO) at Integrated Organization for the Natural Sciences (IONS). Pangarap niyang makapagtapos ng kursong Medical Technology sa kolehiyo at ituloy pa ang kaniyang pag-aaral upang maging isang doktor. .
Ang HulingPAHHIMAKASPPPPPPPPPAAAAAAAAAHHHHHHHHHIIIIIIIIIMMMMMMMMMAAAAAAaAAAk\"baKKKhKKKnKKKgaAAAsAAApnAAAaagFSSSgSSSiSSSglipkainiPPPnoPkPPPPgsiaAAAtAAAAAaPsi,laiHHHnGHbHHHHrgouihpLn2auIIIIAiIIIIrlb(MMMaiSMMMMMTniEgnMniaST\"tEAAAiMAAAAAn4g) KKKKKKKK
Search