Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino6 Q3 1.2 Pagbibigay-ng-Lagom-o-Buod-ng-Tekstong-Nnapakinggan_FilGrade6_quarter3_week1Aralin2_Final

Filipino6 Q3 1.2 Pagbibigay-ng-Lagom-o-Buod-ng-Tekstong-Nnapakinggan_FilGrade6_quarter3_week1Aralin2_Final

Published by Elaine Gladys Magaling, 2023-07-01 05:10:54

Description: Filipino6 Q3 1.2 Pagbibigay-ng-Lagom-o-Buod-ng-Tekstong-Nnapakinggan_FilGrade6_quarter3_week1Aralin2_Final

Search

Read the Text Version

6 Republic of the Philippines Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES FILIPINO Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan Ikatlong Markahan - Unang Linggo (Aralin 2)

FILIPINO – Ikaanim na Baitang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan Ikatlong Markahan – Unang Linggo (Aralin 2) Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan Sa Pinatnubayang Kasanayang Pamapagkatuto Manunulat: Analyn Marie A. Guivencan Editor: Joel Orcino Tagasuri at Taga-anyo: Mary Ann C. Ligsay PhD Divine Grace Esteban Tagaguhit at Tagalapat: Albin Lee A. Arabe Tagapamahala: Julius Hallado Ma. Editha R. Caparas EdD Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V Michelle A. Mejica EdD Manolito B. Basilio EdD Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD Garry M. Achacoso Rachelle C. Diviva Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III Pansanay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales Zone 6, Iba, Zambales Tel./Fax No. (047) 602 1391 E-mail Address: [email protected] Website: www.depedzambales.ph

Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan Panimula Mahilig ka bang magbasa o makinig ng mga kuwento? Ano-ano na ang mga kuwento o tekstong iyong nabasa at napakinggan? Naranasan mo na bang ibahagi sa iba o isalaysay muli ang tekstong iyong napakinggan? Paano mo ito ginagawa? Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan. Ito ay mainam na paraan upang maibahagi sa iba o maisalaysay muli ng malinaw at maayos ang anumang akda. Sa ganitong paraan makikita kung paanong ang mahabang kuwento, sanaysay o teksto ay napapaikli nang hindi nawawala ang kabuuang mensahe nito. Kasanayang Pampagkatuto Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan. (F6PN-IIIe19) Mga Layunin Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang: 1. nabibigyang kahulugan ang lagom o buod; 2. nakagagawa ng dayagram batay sa tekstong napakinggan; at 3. nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan. 1|Pahina

Balik Aral Panuto: Basahin at unawain ang tekstong Bakuna, Laban sa COVID-19. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Bakuna, Laban sa COVID-19 ni Analyn Marie A. Guivencan, Rabanes Elementary School Ayon sa Department of Health (DOH), bumababa na ang kaso ng naturang sakit na COVID-19 at dumarami na ang gumagaling. Layunin ng gobyerno at DOH na mabakunahan lahat ng tao sa Pilipinas ng libre upang sa gayon ay mas maging ligtas na. Inaasahan na kapag nabakunahan na ang lahat ay magbabalik na ang mga trabaho at pagpasok sa paaralan. Ngunit ayon sa DepEd ay marahil magsisimula ng magbukas ang klase sa mga lugar na kakaunti lang ang kaso ng virus. Pinag-aaralan pa ito ng presidente dahil maraming magulang at mga estudyante ang labis na nag-aalala sa kanilang kaligtasan. Marami rin namang estudyante at guro ang nahihirapan sa makabagong pamamaraan ng pag aaral. Ang dating layunin ng mga guro na magturo sa loob ng paaralan, ngayon ay estudyante na ang mag isang nag aaral ng kanilang mga aralin katuwang ang kanilang mga magulang sa kani-kanilang mga tahanan. Kaya't maraming mamamayan ang sabik ng maibalik sa normal ang lahat. Ngunit hindi pa din sang-ayon ang lahat sa pagpapabakuna. May ilan pa rin ang hindi sang-ayon ukol dito dahil sa takot na baka maulit ang nangyari noon sa Dengvaxia. Sa kabila nito, giit ng DOH na magkabakuna man ay hindi pa rin maaaring lumabas ng walang suot na facemask at faceshield na pamprotekta laban sa virus upang makasiguro sa kaligtasan ng bawat isa. 2|Pahina

1. Tungkol saan ang teksto iyong nabasa? 2. Bakit takot ang ilan sa pagpapabakuna? 3. Paano ang paraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya? 4. Ano ang layunin ng gobyerno at DOH upang maging ligtas ang lahat laban sa COVID-19? 5. Upang masagot ang mga tanong batay sa teksong iyong nabasa o napakinggan, ano-ano ang mga dapat mong tandaan? Pagtalakay sa Paksa Hilig mo ba ang maglakbay? Sa iyong paglalakbay, naranasan mo na ba ang sumakay sa iba’t ibang uri ng sasakyan tulad ng motorsiklo, dyip at bangka? Nasubukan mo rin ba ang dumaan sa mabato, maalikabok at matalahib na daan? Anong mga lugar na ang iyong narating? Ipabasa sa iyong magulang, nakatatandang kapatid o tagapag- alaga ang teksto sa ibaba na may pamagat na Tatlong Daan, Patungong Tatlong Sitio. Tatlong Daan, Patungong Tatlong Sitio ni Analyn Marie A. Guivencan, Rabanes Elementary School Sa barangay Aglao, San Marcelino, Zambales ay matatagpuan ang tatlong Sitio: ang Ibad, Quartel at Kahapa. May tatlumpu’t apat na kilometro ang layo nito mula sa kabayanan. Matatagpuan ang mga ito sa silangang bahagi ng bayan ng San Marcelino, sa paanan ng mga bundok at sa dulong bahagi ng kalaharan ng bayan. 3|Pahina

Ang mga naninirahan dito ay ang mga katutubong Ayta. Tatlong daan ang maari mong tahakin upang marating ang tatlong Sitio. Ang pagpili ng daan ay nakadepende sa uri ng sasakyan na gagamitin sa paglalakbay. Ang mga sasakyang may apat na gulong tulad ng trak at pick-up ay maaaring bagtasin ang pababa ng dike, patawid ng kalaharan patungong paanan ng bundok ng Sta. Fe at bundok Bagang. Dito ay madadaanan ang malambot na lupa, mabato, madamo at matalahib na daan. Pagkatapos nito, ay muling babagtasin ng sasakyan ang gitna ng kalaharan upang marating ang tatlong Sitio. Maaari ring gamitin ang sasakyang may tatlong gulong tulad ng kuliglig sa uri ng daang ito. Ang ikalawang uri ng daan ang madalas daanan ng mga taong naninirahan dito sapagkat higit na malapit at mabilis ang paglalakbay dito papunta at pabalik ng bayan. Kinakailangang tahakin ang maalikabok na itaas ng dike hanggang sa dulo nito, pababa ng mabatong gilid ng bundok Delta 8, hanggang sa makipot na tulay na bakal, na tanging may dalawa hanggang tatlong gulong lamang ang maaring magkasiya. Pagkatapos nito ay babagtasin muli ang gitna ng kalaharan upang tuluyang marating ang mga Sitio. Ang mga motorsiklo at “kulong-kulong” naman ang maaaring gamitin sa ikalawang uri ng daan. Ang “kulong-kulong” ay isang motor na kinabitan ng pakuwadradong hugis na tila isang kahon na may pagkakahawig sa pampasaherong traysikel. Ginawa ito upang maingatan ang mga bagay o anumang isasakay. Dito rin dumadaan ang mga kalabaw na ginagamitan ng kariton ng mga katutubong naninirahan sa tatlong Sitio. Sa kariton, isinasakay ng mga ito ang kanilang mga produkto upang ipagbili sa bayan. Sa ikatlong uri ng daan, ang dyip, bangka at kariton ang maaaring gamitin. Higit na mas malayo ito kung ihahambing sa ibang daan. Ang dyip ay daraan din sa itaas ng dike, paakyat ng bundok patungong barangay Aglao. Mula dito, pagbaba ng dyip, ay kinakailangang sumakay ng isang bangka upang matawid 4|Pahina

ang lawa ng Mapanuepe. Pagtawid ng lawa, ay maaari ng sumakay ng kariton bago makarating sa tatlong Sitio. Ang madalas gumamit ng daang ito ay ang mga opisyal ng barangay Aglao, mga Health Workers at iba pang mga nais bumista sa Sitio. Ibat iba man ang uri ng daan na kailangang tahakin upang marating ang mga Sitio, anumang sasakyan ang gamitin patungo dito, ang pagod at hirap na hindi maitatanggi sa paglalakbay ay tunay na mapapawi sa oras na marating ang tatlong Sitio sapagkat sariwang hangin, tahimik, payapa at mabubuting tao ang sasalubong sa iyo. Naunawaan mo ba ang tekstong iyong napakinggan? Ano ang masasabi mo sa teksto? Ang tekstong iyong napakinggan ay lubos na napakahaba. Kaya ba mo itong isalaysay sa mas maikling paraan? Ipabasa ang susunod na teksto at paghambingin ang unang tekstong binasa at ang tekstong susunod na babasahin. Ang Sitio Ibad, Quartel at Kahapa ay matatagpuan sa barangay Aglao, San Marcelino, Zambales. Ang mga ito ay malayo sa kabayanan at ang naninirahan dito ay mga katutubong Ayta. Upang marating ang mga Sitio, may tatlong daan na maaaring tahakin depende sa sasakyang nais gamitin. Sa unang uri ng daan ay maaring gumamit ng mga sasakyang may tatlo hanggang apat na gulong tulad ng kuliglig, pick up at trak. Tatahakin nito ang malambot na lupa ng lahar, mabato, madamo at matalahib na daan sa gilid ng bundok. Dahil mas madali at mas mabilis ang paglalakbay gamit ang ikalawang uri ng daan, ito ang madalas daanan ng mga naninirahan sa Sitio. Tanging mga sasakyan na may dalawa hanggang tatlong gulong lamang ang maaring dumaan sa maalikabok, mabato at makipot na tulay tulad ng motorsiklo, karison at “kulong- kulong”. Pinakamalayo sa lahat ay ang ikatlong uri ng daan na madalas daanan ng mga opsiyal ng barangay at iba pang nais bumisita sa Sitio. Kinakailangan pa ang pagsakay sa dyip, pagtawid sa lawa gamit ang bangka at pagsakay sa kariton bago marating ang tatlong Sitio. 5|Pahina

Mahirap at nakakapagod man ang tatahaking daan sa paglalakbay patungo sa tatlong Sitio, lahat ng ito ay mapapawi sapagkat may sariwang hangin, tahimik, payapa at mabubuting tao ang sasalubong sa iyo. Ano ang napansin mo sa huling tekstong iyong napakinggan? Hindi ba’t ito ay mas maikli kung ihahambing sa unang teksto? Ito ay dahil ang huling tekstong iyong napakinggan ay ang lagom o buod ng tekstong Tatlong Daan, Patungong Tatlong Sitio. Ang lagom o buod ay pinaikling bersiyon ng isang tekstong nabasa, napakinggan o napanood. Ang pagbibigay ng lagom o buod ay ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda sa maikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ang isinasama lamang sa isang lagom o buod ay ang mga pangunahing tauhan, ang mga mahahalagang detalye o pangyayari, at ang kinahinatnan nito. Mga Hakbang sa Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Teksto 1. Isulat ang pamagat ng tekstong nabasa o napakinggan. 2. Tukuyin ang paksang pangungusap o pinaktema. 3. Hatiin sa bahagi ang teksto batay sa paksa na bibigyang buod. 4. Sa bawat paksa dapat mailalahad ang mga mahahalagang detalye na magbibgay ng mga kaisipang mag-uugnay sa paksa. 5. Sikaping gamitin ang sariling pangungusap sa paggawa ng buod upang ito ay maging mas payak at agad mauunawaan. 6. Tiyakin ang organisasyon o pagkakasunod-sunod ng detalye o pangyayari sa teksto. Sa pagbibigay ng lagom o buod ng isang kuwento, mahalagang makabuo muna ng balangkas na maaaring nasa ating isipan lamang o kaya ay maaari rin namang isulat. Makatutulong ang paglalapat ng balangkas nito gamit ang dayagram. Gawin ang mga sumusunod na gawain upang mas mahasa ang inyong kaalaman sa pagbibigay ng lagom o pagbuod ng isang teksto. 6|Pahina

Gawain Pinatnubayang Pagsasanay 1 A. Panuto: Ayusin ang mga letra sa ibaba upang mabuo ang mga parirala na nagbibigay kahulugan sa salitang lagom o buod. Punan ang grapikong pantulong gamit ang mga nabuong parirala. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. 2. Lagom o Buod 5. 3. 4. 1. M A K I L I G N B E R Y O N S I 2. L I R I S A N G N A N A P A L I T A 3. M A L A H A H A G A N G N A H U A T 4. M A L A H A H A G A N G T A L D E Y E 5. B U O P A G N G K A S B A L A N G B. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tama patungkol sa lagom o buod at MALI naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. ________1. Ang lagom o buod ay pinaikling bersiyon ng isang tekstong nabasa, napakinggan o napanood. ________2. Sa pagbibigay ng lagom o buod, kinakailangan ang paggamit ng sariling pananalita. ________3. Ang lagom o buod ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa ng tekstong nabasa o napakinggan. ________4. Ang lahat ng tauhan, detalye o pangyayari sa nabasa o napakinggang teksto ay isinasama sa pagbibigay ng lagom o buod. ________5. Mahalagang makabuo muna ng balangkas na maaaring nasa ating isipan lamang o kaya ay maaari rin namang isulat sa pagbibigay ng lagom o buod ng isang kuwento. 7|Pahina

Pinatnubayang Pagsasanay 2 Paalala: Ipabasa ang teksto na may pamagat na Gulong ng buhay sa Kulong- kulong. Gulong ng Buhay sa Kulong-kulong ni David S. Tiglao “Kulong-kulong” ang tawag sa sasakyang de-motor na kinabitan ng pakwadradong hugis na tila isang kahon. Nakadisenyo ito upang maingatan ang mga gamit o ang alin mang bagay na isasakay. Dito ay maaari ring sumakay ang mga tao katulad ng sa traysikel. Ang kaibahan lamang nito sa traysikel ay wala itong bubong. Kadalasang ginagamit ang “Kulong-kulong” sa mga lugar na mahirap landasin at malalayo sa kabihasnan. Ito rin ang gamit ng ating mga kapatid na katutubo sa paaangkat ng kani-kanilang produkto patungo sa bayan. Ang Chiang Chio Te Memorial Aeta School na isang paaralan ay hindi basta- basta nararating ng lahat ng uri ng sasakyan sapagkat kinakailangan pang tawirin ang kalaharan bago makarating sa paaralang ito kung kaya’t saludo ang mga mag- aaral sa mga guro na matiyagang nilalandas ang paaralan upang magbahagi ng edukasyon sa mga bata. “Kulong-kulong” ang gamit nilang sasakyan patungo rito. Batid ng mga mag-aaral ang kanilang buhay sa “kulong-kulong”, sa araw-araw nilang paglalakbay. Tila gulong ang kanilang buhay kasama ang “kulong-kulong”. May mga pagkakataong at araw na masaya at puro tawanan ang hatid ng pagsakay nila dito. May mga pagkakataon din namang hirap ang kanilang dinaranas sa tuwing ito ay nasisira sa gitna ng daan. Ramdam nila ang kanilang pagod sa paglalakad at pagtutulak ng kulong-kulong sa mabato at mabuhangin daan. Ngunit sa kabila ng sakit ng katawang natatamo ng mga guro sa pagsakay dito, sa likod nito ay ang busilak na puso na handang maghatid ng mga bagong kaalaman. “Kulong-kulong”, hatid man nito’y saya, pagod, hirap at sakit ito naman ang naghahatid sa mag-aaral para sa magandang kinabukasan. 8|Pahina

A. Panuto: Punan ang dayagram sa ibaba batay sa tekstong Gulong ng Buhay sa Kulong-kulong. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Pamagat ng Teksto: Gulong ng Buhay sa Kulong-kulong Talata 1 PAKSANG PANGUNGUSAP MAHAHALAGANG DETALYE Talata 2 PAKSANG PANGUNGUSAP MAHAHALAGANG DETALYE KONKLUSYON Paalala: Ipabasa ang kuwento sa ibaba na may pamagat na Ang Alamat ng Amukaw. Pakinggan at unawain ang kuwento. Ang Alamat ng Amukaw ni Pia Fe D. Castillo, Chiang Chio Te MAS Sa bulubunduking bahagi ng bayan ng San Marcelino, Zambales ay masayang naninirahan ang mga katutubo. Sila ay mayroong pagkakaisa sa lahat ng bagay at may sinusunod na kultura. Pinangungunahan sila ng lider ng kanilang tribo na kung tawagin ay chieftain. Isang araw, may dumating na isang dayuhan o 9|Pahina

estranghero at nagsasabing sa kanya ang tinitirhang bundok ng mga katutubo. Siya ay nagngangalang Ampukaw. Pinapaalis ng malupit na estranghero ang mga kaawa- awang mga katutubo sa kanilang tirahan. “Hoy, mga kulot! Lumayas na kayo sa aking lupain ngayon din, kung hindi ay ipapasunog ko ang buong kabundukang ito!”, ang sabi nito. Sinubukang ipaglaban ng mga katutubo ang kanilang tahanan subalit lubhang malupit si Ampukaw. Ipinasunog niya ang buong kabundukan. Naubos ang kabuhayan at mga pananim ng mga katutubo. Napilitan ang mga ito na lisanin ang kanilang mga tirahan dahil sa pangyayaring ito. Lingid sa kaalaman ni Ampukaw ay may diwatang nagbabantay at nangangalaga sa kabundukan. Nagalit ang diwatang si Aglawa sa ginawang iyon ni Ampukaw. “Hahaha! Sa wakas ay napalayas ko na ang mga katutubong iyon! Sa akin na ngayon ang kabundukang ito!, malakas niyang tugon. “Tatayuan ko ng aking rebolto ang bawat bundok na matatanaw ko bilang tanda na pag-aari ko ang mga ito.” Narining ng diwata ang tinurang iyon ni Ampukaw. “Aha!, iyan pala ang balak mo. Parurusahan kita ayon sa nais mo”, bulong ni Diwata Aglawa. Habang abala si Ampukaw sa pagtatayo ng kanyang unang rebolto, may lumapit na isang matandang babae sa kanya. “Ano ang iyong ginagawa dito ginoo?” Nagulat si Ampukaw sa pagdating ng matanda. “Hoy tanda! Wala kang pakialam kahit anong gawin ko dito! Pag-aari ko ang lugar na ito. Lumayas ka dito!”, sabay tulak sa kaawa-awang matanda. Napaupo ang matanda sa lupa sa lakas ng pagkakatulak ni Ampukaw. “Lubhang napakasama mo talaga Ampukaw. Nararapat ka lamang na parusahan!”, biglang nagbago ang anyo ng matanda at naging isang magandang diwata. “Dahil sinunog mo ang mga pananim, kabuhayan at tirahan ng mga katutubo, nararapat lamang na panagutan mo ang iyong ginawa. Ikaw ay habang buhay na magbibigay ng kanilang ikabubuhay. Tulad ng nais mo, ikaw ay matatagpuan sa lahat ng kabundukan. Uusbong ka, tatayo sa lupa pagkatapos ay puputulin upang kunin ang iyong puso at mula sa iyong puno ay yayabong kang muli. Paulit-ulit na kukunin ng mga katutubo ang iyong puso na siyang magiging kabuhayan ng mga taong iyong inabuso.” Pagkawikang iyon ng diwata, ay biglang naging puno ng saging si Ampukaw. Ngunit kakaiba ang punong ito sa normal na puno ng saging. Ito ay may maliit at payat na puno. Ang kanyang bunga ay maraming buto. 10 | P a h i n a

Lumipas ang panahon at hindi napigilan ang pagdami ng puno ng Ampukaw. Yumabong na muli ang mga pananim at nanumbalik ang lahat sa kabundukan. Napag- alaman ng mga katutubo na wala na si Ampukaw. Balita nila ay bigla na lamang naglaho ito sa kabundukan. Dahil sa magandang balitang ito ay nagbalik na ang mga katutubo sa kanilang mga tirahan sa kabundukan. Napansin ng mga katutubo ang mga kakaibang puno ng saging na tumubo sa kanilang lugar. Gaya ng ibang puno ng saging, sinubukang din nilang kunin ang puso nito na matatagpuan sa mismong puno. Nakarating ang balita tungkol sa kakaibang puno ng saging sa chieftain ng mga katutubo. Naisip nito na marahil ay iniwan ito ni Ampukaw sa kanila bilang tanda ng paghingi ng tawad nito sa kanila. Katulad ni Ampukaw, sinakop ng kakaibang puno ng saging na ito ang buong kabundukan ng San Marcelino. Dahil dito, tinawag nila ang puno ng saging na ito na Ampukaw. Itinuring nila itong biyaya ng kalikasan. Lumipas ang maraming taon. Nagpatuloy ang pagdami ng puno ng Ampukaw. Hindi naglaon, ang puno ng ampukaw ay tinawag na puno ng Amukaw. B. Panuto: Punan ang dayagram ayon sa balangkas ng kuwentong Ang Alamat ng Amukaw. Gawin ito sa iyong sagutang papel. SIMULA GITNA (Tagpuan) (Tauhan, problema, PAMAGAT banghay at pangyayari) WAKAS (Solusyon, Kinalabasan) 11 | P a h i n a

Pang-isahang Pagsasanay A. Panuto: Balikan ang kuwentong Ang Alamat ng Amukaw. Batay sa Pinatnubayang Pagsasanay 2 na iyong ginawa, ibigay ang lagom o buod nito sa isang talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Lagom o Buod: Ang Alamat ng Amukaw ___________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG ISKOR (RUBRIK) Pamantayan 4 3 2 1 Nilalaman Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad ng 4-5 detalye ng 3 detalye lamang ng 2 lamang ng 1 detalye detalye Presentasyon Organisado at Hindi gaanong May ilang Maraming sunod- sunod organisado at detalye ang detalye ang ang mga sunod- sunod hindi naisama hindi naisama detalye sa ang mga sa buod sa buod buod detalye sa buod Wastong Naibabaybay Wasto ang May ilang Maraming baybay at ng wasto ang lahat ng hindi wasto salita ang bantas lahat ng mga bantas na ang bantas na hindi salita at wasto ginamit ginamit at naibaybay ng ang lahat ng ngunit may may wasto at bantas na ilang salita maraming marami ang ginamit ang hindi salita ang maling bantas wasto ang hindi wasto na ginamit. baybay ang baybay 12 | P a h i n a

Pagsusulit Paalala: Ipabasa ang tekstong Buhanging Hindi Maubos-ubos. Pakinggan at unawain ang kuwento. Buhanging Hindi Maubos-ubos ni Analyn Marie A. Guivencan, Rabanes Elementary School Isa sa pinagkukunang yaman ng bayan ng San Marcelino sa Zambales ay ang quarry. Ang pag-quarry ay isang proseso ng pag-alis o pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral na nagmumula sa lupa at ginagamit na materyales sa paggawa ng mga gusali at iba pang imprastraktura. Ang paraang ito ng pagkuha ng buhangin ay nananatili magpasa hanggang ngayon kahit maraming taon na ang nakalipas. Madami ng trak ng buhangin ang nahakot at pabalik-balik sa pagkuha dito. Iba’t ibang negosyante na din ang pumupunta at kumikita dahil dito. Ang buhangin sa bayan ng San Marcelino ang pinagkukunan ng mga negosyante sa kanilang quarry. Ito ay dulot ng pagputok ng bulkang Pinatubo noong 1991. Ang mga lahar na ibinuga ng bulkang Pinatubo ang sanhi ng paglubog ng ilang barangay sa San Marcelino. Sa kabila ng masamang idinulot ng pagsabog ng bulkan, may mabuti pa rin itong naidulot sa ekonomiya ng bayan. Ang lahar na tumabon sa mga kabahayan, ngayon ay isang malawak nang buhanginan. Ang mga tao sa bayang ito ay nagtataka bakit tila hindi maubos ang mga buhangin dito. Sa panahon ng tag-init, makikita ang malalim na hukay na dulot ng paghahakot ng buhangin ng malalaking trak. Ngunit pagsapit ng tag-ulan, ang malalaking hukay na ito ay nawawala sa tuwing madadaanan ng tubig baha. Sa oras na humupa ang tubig baha, nanunumbalik sa pagiging patag ang buhanginan sa 13 | P a h i n a

dati nitong anyo na tila dumami pa at hindi nakuhanan ng buhangin. Dahil dito, ito’y maituturing na likas na yaman ng bayan. Panuto: Ibigay ang lagom o buod ng Buhanging Hindi Maubos-ubos sa isang talata. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Lagom o Buod: Buhanging Hindi Maubos-ubos ____________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG ISKOR (RUBRIK) Pamantayan 4 3 2 1 Nilalaman Nakapaglaha Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad d ng 4-5 ng 3 detalye lamang ng 2 lamang ng 1 detalye detalye detalye Presentasyon Organisado Hindi gaanong May ilang Maraming at sunod- organisado at detalye ang detalye ang sunod ang sunod- sunod hindi naisama hindi naisama mga detalye ang mga sa buod sa buod sa buod detalye sa buod Wastong Naibabaybay Wasto ang May ilang Maraming baybay at ng wasto ang lahat ng hindi wasto salita ang bantas lahat ng mga bantas na ang bantas na hindi salita at ginamit ginamit at naibaybay ng wasto ang ngunit may may wasto at lahat ng ilang salita maraming marami ang bantas na ang hindi salita ang maling bantas ginamit wasto ang hindi wasto na ginamit. baybay ang baybay 14 | P a h i n a

Pangwakas Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag o ideya sa ibaba. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel. tauhan pagsasalaysay maikling napapaikli balangkas pinakadiwa pagsusulat maibahagi malinaw mahabang Ang paglalagom o pagbubuod ay ang _____________ o _____________ muli sa isang akda o narinig sa _____________ paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng _____________ nito. Ang isinasama lamang sa isang buod ay ang mga pangunahing _____________, ang mga mahahalagang pangyayari, at ang kinahinatnan nito. Ang pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong nabasa o napakinggan ay mainam na paraan upang _____________ sa iba o maisalaysay muli ng _____________ at maayos ang anumang akda. Sa ganitong paraan makikita kung paanong ang _____________ kuwento o teksto ay _____________ nang hindi nawawala ang kabuuang mensahe nito. Mahalagang makabuo muna ng _____________ sa pagbibigay ng lagom o buod ng isang kuwento at makatutulong ang paglalapat ng balangkas nito gamit ang dayagram. 15 | P a h i n a

BALIK-ARAL Mga Sanggunian B. 1. Ang teksto ay tungkol sa bakuna laban sa 1. TAMA COVID-19 Castillo, Pia Fe D., 2019, Ang Alamat ng Amukaw 2. TAMA 2. Layunin ng gobyerno at DOH naNato, Rochelle S., Oktubre 25, 2017, Pagbuo, Pag-uugnay at pagbuod ng mga ideya 3. TAMA mabakunahan ng libre ang lahat 4. MALI 3. Ang ilan ay takot magpabakuna dahilhttps://image.slidesharecdn.com/6-171025142331/95/pagbuo-pag-uugnay- 5. TAMA kanilang iniisip na baka maulit muli angat-pagbubuod-ng-mga-ideya-4-638.jpg?cb=1508941475 PATNUBAYANG PAGSASANAY 2 katulad ng nangyari sa dengvaxiaTeach Pinas, Desyembre 14, 2020, K-12 Most Essential Learning Competencies PAGSUSULIT B. 4. Posibleng sagot: sabik ang lahat na (MELC) https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning- ompetencies- 1. pagsasalaysay bumalik na sa normal dahil ang ilan ay melc/ nahihirapan na.Tiglao, David S., 2018, Ang Dekoro, Opisyal napahayagan sa Filipino ng Chiang Chio 2. pagsusulat 5. Ang mga dapat tadaaan sa pagsagot sa Te Memorial Aeta School. Tomo III, Blg.1 3. maikling mga tanong tungkol sa nabasa o 4. pinakadiwa napakinggang teksto ay ang mga Susi sa Pagwawasto 5. pangunahing tauhan importanteng detalye katulad ng mga PANGWAKAS tauhan o gumanap sa kuwento, lugar na 16 | P a h i n a 1. pagsasalaysay pinangyarihan, banghay o wastong 2. pagsusulat pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, 3. maikling mensaheng nais ipabatid, at paksang diwa 4. pinakadiwa nito. 5. tauhan PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1 6. maibahagi 7. malinaw A. 1. Maikling bersiyon 8. mahabang 2. Sariling pananalita 9. napapaikli 3. Mahahalagang tauhan 10. balangkas 4. Mahahalagang detalye 5. Pagbuo ng balangkas

Pasasalamat Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo: Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto. Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon; Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa tahanan. Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral na maging responsableng indibidwal sa hinaharap. Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño. Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat! Tagapamahala

Para sa katanungan o karagdagang puna, Paramsaaakaaritnagnusnugmaunlaot koatruamgdaawgaagngsap:una, maaaring sumulat o tumawag sa: PSanchsaonoglsaDy invaisiToannogfgZaapmanbanlgesmga Paaralan ng Zambales ZZonoene6,6I,bIab,aZ, Zamambablaelses TTele./lF./FaxaxNNo.o.(0(4074)7)60620213193191 EE-m-maial iAl Adddrdersess:sz: azmambablaelse@[email protected] WWebesbisteit:ew: wwwww.d.edpeepdezdazmambablaelse.sp.hph


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook