Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Creative Compilation

Creative Compilation

Published by Angelah Emmanuelle Gloriani, 2021-06-25 12:03:47

Description: Creative

Search

Read the Text Version

Mg aAkda ANGELAH EMMANUELLE GLORIANI

table of contents Kuwentong kalye: Ako ay May Titi: Pasada ng mga hari Pagtuwid sa kulu- kulubot na imahe ng ng kalsada titi Pagwasak sa tahanan Tuwing mayroon ang at panawagan: mga wala: Pagdurugo Napipintong demolisyon sa ng mga babae sa Intramuros lansangan Here For Queers: Isang pindot tungo Paglaladlad ng sa inaasam na bahaghari hiraya: Kuwento ng makabagong tagahatid

Pasada ng mga hari ng kalsada Paula Ador, Miguel Libosada, at Angelah Emmanuelle Gloriani Sa pagsikat ng araw, lalabas ang mga hari ng kalsada, baon ang Dagdag pa niya, mabuti pa raw sana kung mayroong panibagong determinasyon at tiyaga, lulan ng makukulay alternatibong mapagkukuhanan ng pera ang mga maaring nilang dyip habang nakasukbit ang good morning towel sa mawalan ng trabaho. Ngunit, kasabay ng malaking dagok na kanilang balikat. Sa lahat ng hari sa mundo, ang mga hari ng ito ang patuloy na panghahamak sa kanila. “Wala naman kalsada ang tila walang kaban ng yaman. Barya-barya lamang kaming natatanggap na kahit ano galing sa kanila. Utang pa ang kita, mula sa pagpapasada ng mga lumang dyip na araw- nga ang ibibigay nila sa amin,” pagsisiwalat niya. araw na nilang naging kasangga. Gasgas man ang paniniwala sa gulong ng buhay, \"Kaunting usod po, kaliwa't kanan, sampuan yan,\" sigaw nila pinanghahawakan pa rin ito ng mga taong naghahangad na sa mga pasahero ng dyip habang tumutulo ang mga butil ng baka sakaling makakaahon din. Taimtim na umaasang pawis mula sa kanilang noo. Pilit pinagkakasya sa kanilang mapakikinggan ang kanilang hinaing. Patuloy na ipinapakitang munting dyip ang mga pasahero, upang lumaki-laki ang kitang may buhay at binubuhay-- hindi lamang basta mga makinang maiuuwi sa pamilya bago lumubog ang araw. Pilit hinaharap at humaharurot sa kalsada. nilalabanan ang reyalidad na sa nakaambang modernisasyon, maaaring tuluyan nang maging bato ang kakarampot na Hapis sa pagitan ng reyalidad at modernisasyon baryang inuuwi nila sa kanilang pamilya. Sa kasalukuyan, bukod sa pamamasada, kumikita si Glenn sa pamamagitan ng water station na itinayo ng kaniyang mga Hari ng sakayan, alipin ng lansangan kamag-anak. Kaagapay niya rin ang kaniyang asawa na Sari-saring tao, amoy, at paglalakbay sa bawat pagpara at nagtratrabaho sa ibang bansa upang tustusan ang mga gastusin pagsakay. Gigising nang maaga, mag-uunahan sa pasahero, sa bahay. Kahit tila maraming mapagkukunan ng salapi, malaki sasalubungin ng trapik at uuwing gipit ang kita. Sa araw-araw pa rin umano ang ginhawang hatid ng pamamasada para sa na pagkayod at pagtitiis sa kalsada, sa kakarampot na kita araw-araw nilang bayarin kung kaya’t tutol siya sa pagtanggal lamang puwedeng pumarada. ng maraming dyip. Para sa kaniya, “Rehabilitasyon lang, ‘di phaseout.” Pagkakasiyahin ang perang natitira sa kanila, sapagkat wala namang pagpipilian kahit gipit pa. “Sapat lang. Binabudget Sang-ayon sa panambitang ito si Manong Eddie*, 52 taong para magkasiya,” paglalahad ni Glenn Eugenio, 18 taon nang gulang na drayber sa Pasay. Ginugol niya ang 28 taon ng jeepney driver sa Indang, Cavite. Malaking bahagi na ng buhay kaniyang buhay para sa trabahong ito. Malaking bagay para sa niya ang pamamasada. Ito ang kauna-unahan niyang naging kanilang pamilya ang kaniyang pamamasada dahil ito ang hanapbuhay simula noong mag-asawa at bumuo siya ng bumubuhay sa kaniyang anak. Malaking dagok ang phase out pamilya. Dahil sa trabahong ito, nagawa niyang punan ang dahil bagamat mayroon silang sari-sari store, sa pamamasada pangangailangan ng kaniyang asawa at bugtong na anak. ni Eddie nakasalalay ang buhay ng kaniyang pamilya. Reklamo. Angal. Asar. Hatid. Pahid. Pawis. Dasal. Ito ang Ayon kay Eddie, mas makatutulong ang pagpapaganda kaysa araw-araw na daloy ng buhay ng mga jeepney drivers na tulad sa malawakang modernisasyon ng mga jeepney sa Pilipinas. ni Glenn sa bansa-- umaasang hindi matutuloy ang “Eh para sa’kin puwede naman yung jeepney lang kaysa nakaambang jeepney phase out na isang malaking pasakit palitan kaya ang gawin nila dapat baguhin; pagandahin, hindi umano sa mga drayber at operator ng jeep. nila kailangang palitan,” giit niya. Kaniya ring ipinababatid na huwag nang ituloy ang ipinaplanong phase out kung maaari Mistulang walang kasiguraduhang kinabukasan ang namang palitan ang mga lumang makina. naghihintay para sa kanila. “Pinaghirapan namin kung ano ang meron kami ngayon, kaya wag niyo na agawin ang hanapbuhay “Willing naman kami na sumunod sa mga panuntunan ng na bumubuhay sa amin,” matapang na mensahe ni Glenn para ahensya ng humahawak sa amin, kaya lang huwag naman sa gobyerno. gano’n kabigat. Sumusunod kami sa lahat ng requirements ng ibinibigay sa amin. Pero huwag naman kami ibaon sa utang, na

sa hinaharap ay alam naman namin Pagtuwid sa kulu-kulubot na imahe ng titi na ang pinautang sa amin ay kailanman ay di na namin Angelah Emmanuelle Gloriani at Heba Hajij matatawag na sa amin,” matindi nilang panawagan. “Junjun,” “birdie,” “putotoy”—iilan lamang ang mga ito sa mga salitang pamalit para sa bahagi ng katawan ng isang lalaki: ang titi. Hanggang ngayon, may humahalakhak Sa kabila ng panggigipit na pa rin sa tuwing naririnig ito sa karaniwang usapan. Agarang tugon din ang “Bad word nararanasan, hindi sila tumitigil sa ‘yan!” sa tuwing naririnig ito mula sa kabataan. Hanggang sa paglaki, tuluyan nang pagseserbisyo sa taumbayan. Ang nabahiran ng kahihiyan ang salitang nararapat namang pangkaraniwan na sa atin. mga gulong na nagdadala sa destinasyon ng maraming Pilipino Maraming nagtataka sa pinagmulan ng konsepto ng hiya na pumapasok sa tuwing ang mismong gulong na kanilang pinag-uusapan ang mga pribadong bahagi ng ating katawan. Marahil nanggaling ito sa inaasahan. Sa araw-araw na pagiging konserbatibo ng ating lipunang ginagalawan. Gayunpaman, naging susi ito sa pagsabak sa lansangan, ang mga paglikha ng makabuluhang aklat na hindi lamang para sa kabataan, pati na rin sa mga tsuper na madalas ipagsawalang- magulang na nais turuan ang kanilang mga anak tungkol dito nang walang bahid ng bahala ang minsan nang nagsilbing hiya. ‘Ako ay May Titi’ —sa una pa lang, walang duda na magugulat ang sinomang kasagutan sa milyon-milyong makababasa ng pamagat ng aklat na isinulat ni Genaro Gojo Cruz. Subalit, sa hiling na makarating sa sari- pagbuklat at pag-alam sa mga nilalaman nito, sinong mag-aakala na makararating tayo sariling tahanan. sa panahong unti-unti nang natutuldukan ang konsepto ng kahihiyan at kabastusang nakapulupot sa salitang ‘titi’. Minaniobrang kapalaran Sa hinaba-haba ng biyahe ng ating Tungo sa paglikha ng aklat buhay, nagsilbing tulay ang mga tsuper upang marating natin ang Umiikot ang akdang ‘Ako ay May Titi’ sa kuwento ng isang inang itinuturo sa anak ating mga paroroonan. Umulan ang kahalagahan at tamang pag-aalaga sa titi. Sa una, nabanggit ni Gojo Cruz sa man o umaraw, patuloy pa ring kaniyang pakikipanayam sa Rappler na naging mahirap ang proseso ng pagsusulat hahamakin ang lahat dahil sa nito. Lumayo umano ang aklat sa pangunahing layunin nito sapagkat may mga biyahe ng buhay ng isang jeepney mambabasang ginawa itong katatawanan at tila hindi sineryoso ang mga nilalaman driver-- hindi puwedeng pumara. nito. Ngunit, nito lamang taon, tuluyang nakamit ni Gojo Cruz ang inaasam na Sa araw-araw na pagpapakaripas reaksyon nang makatanggap ito ng papuri mula sa mga guro at mga magulang. ng dyip sa kalsada, Paglalahad niya sa nasabing panayam, “Sa bawat libro, may kaba kung paano ito pansamantalang tumigil ang mga tatanggapin ng bata at ng mga guro, pero kapag nanay at eksperto na yung nagsalita, hari ng kalsada upang marinig din bigla akong nabunutan ng mga tinik.” ang kanilang mga boses. Isang paghinto upang ipaalala na tao rin Hindi man madali, iginiit ni Gojo Cruz ang kahalagahan ng pagpapakawala sa salitang sila, isang asawa, ama, at isang ‘titi.’ Sa paglikha niya ng kaniyang akda, kinailangan niya ang pananaliksik at mamamayang Pilipino. paghingi ng opinyon mula sa eksperto. Sinigurado rin niyang mananatili ang pagka- inosente ng bata pagkatapos basahin ang libro, kaya binanggit niya rin ang Tuwing nakatigil ang mga gulong kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na age restriction. Aniya, “Kailangan talaga ng jeep sa pag-ikot at nakalaya na na mayroon kang malinaw na edad ng bata na tinatarget sa mga sinusulat mo, kasi ang kanilang mga kamay sa kina-categorize ko sila sa tatlo eh. ‘Yung age bracket may 0-4, 5-7, 8-13. ‘Pag manibela at kambyo, mga yakap at nagsusulat ako ng kwentong pambata, malinaw doon sa tatlo kung sino ‘yung ngiti mula sa kanilang pamilya ang kinakausap ko.” sumasalubong kina Glenn at Eddie. Kasabay pa ito ng mga Bago ilathala, ipinabasa niya muna sa kabataan ang akdang kaniyang isinulat upang pangangamusta at maliliit na makatanggap ng komento mula sa kanila. Sa una, nabastusan ang kabataan, ngunit sa usapan na unti-unting pumapawi sa kalaunan, naunawaan umano nila ang mensahe ng kuwento. Binigyang-diin ni Gojo kanilang pagod na naipon dala ng Cruz na kailangang malaman ng kabataan ang kahalagahan ng titi upang araw-araw na pamamasada. maipagtanggol nila ang kanilang sarili sakaling malagay sa hindi inaasahang sitwasyon. Mula sa pagiging hari ng kalsada, pagiging padre-de-pamilya naman ang gampaning kailangan nilang pagtuunan ng panahon. Mula sa init ng lansangan, uuwi sila sa init ng bisig na inihahandog ng kanilang mga mahal sa buhay.

Dulot ng konsepto ng hiya Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Dr. Drew Valdez, isang urosurgeon in training, inilahad niyang may mabigat na kahihinatnan ang konsepto ng hiya lalo na sa pribadong bahagi ng katawan. Aniya, “dahil nga may stigma doon, marami kaming sakit na nagkakaroon ng delays in diagnosis dahil nga sa embarrassment.” Bilang halimbawa, isinalaysay ni Dr. Valdez ang naidudulot ng hiya para sa mga may penile cancer o kanser sa titi. Pagpapaliwanag niya sa APP, nagsisimula ang penile cancer sa isang maliit na sugat sa titi, at sa oras na lumaki ito, hindi na ito maaaring magamot pa. Inihayag niya ang panghihinayang sa mga sitwasyong kagaya nito, sapagkat kung mawawala lamang umano ang hiya, maaaring magbago ang kapalaran ng mga pasyente. Bilang isang lalaki naman, hindi rin ipinagkakaila ni Dr. Valdez na may kaakibat ngang hiya ang salitang ‘titi’. Bagamat edukado at bihasa siya sa wikang Filipino, iniiwasan pa rin niyang banggitin ang mga salitang kagaya ng ‘titi’ at ‘puke’. Dahil dito, napagtanto ni Dr. Valdez na maaari umanong hindi naman kulang ang edukasyon tungkol sa mga ganitong bagay— marahil malakas lamang talaga ang mantsa ng malisya. Gayunpaman, naniniwala siyang kailangan lamang i-normalize ang salitang ito sa lipunan upang tuluyan nang mawala ang hiya sa tuwing mababanggit ito. Bilang isang doktor ng titi sa kasalukuyan at biktima ng stigma sa nakaraan, puno ng papuri si Dr. Valdez sa libro ni Gojo Cruz. Malayo pa umano ang tatahakin upang tuluyan nang matanggal ang malisya sa mga pribadong bahagi ng katawan, ngunit naniniwala siyang isang magandang simula ang pagkakasulat ng librong ito. Pagsulong tungo sa progresibong hinaharap Sa paglipas ng panahon, patuloy ang pagkawala ng panibagong henerasyon sa gapos ng mga maling nakasanayan. Mabagal man ang usad, patuloy pa rin ang pagsulong tungo at para sa progresibong kinabukasan—isang hinaharap na malaya sa malisya at mapaglimitang mga kaugalian. Sa pagdating ng panahong tuluyan nang nabura ang mantsa ng malisya sa lipunan, isa ang aklat na ‘Ako ay may Titi’ sa mga lilingunin bilang naging unang hakbang pasulong. Isang pagpupumiglas na nakakubli sa librong pambata—isang patunay na makapangyarihan ang mga salita. Napipintong demolisyon sa Intramuros Angelah Emmanuelle Gloriani at Maui Magat Paano haharapin ang bawat kinabukasan gayong napipinto na ang mga huling araw sa tahanang hindi na maaaring angkinin pa? Tahanang naging saksi sa mga kuwento at pagsubok na pilit nilagpasan masilayan lamang ang panibagong simula. Tirahang niyakap ng mga haliging pinatibay ng walang humpay na pagsisikap laban sa kahirapan. Subalit mistulang sa bawat laban, kung minsan, sila ang umuuwing talunan. Kinabukasang walang kasiguraduhan Ilegal man kung maituturing ang mga naitayong tirahan sa Legazpi St., Intramuros, lehitimo ang kanilang mga kuwento at panawagan. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel kay Emma Velasco, 74 taong gulang na residente sa Legazpi St., ibinahagi niya kung paano siya napunta sa Maynila kahit may pag-aalinlangan. “Nagpunta ako dito kasi kakagraduate ko lang noon ng Elementary galing sa Bisaya, probinsya. Eh di ako nakapagpatuloy sa pag aaral. Kaya naisipan ko pumunta dito sa Maynila. Sapalaran ba,” pag-aalaala niya.

Sa pag-asang may mas magandang buhay na nakalaan sa Sakaling matutuloy ang demolisyon, walang ibang Maynila, hinayaan niyang kapalaran ang magdikta sa kaniyang mapupuntahan ang mga taga-Legazpi St. kundi ang kalsada. kinabukasan. Gayunpaman, hindi niya man lang nagawang Paglalahad ni Tala, \"[...] mayroong budget na nakalaan doon makamtan ang pagkakaroon ng isang legal na tirahan. Isa si eh, para sa mga informal settlers ng Intramuros.\" Subalit may Nanay Emma sa mga napipintong mawalan ng bahay dahil mali sapagkat hindi umano maramdaman ng mga taga-Legazpi pagmamay-ari ng isang dayuhan ang lupang kinatatayuan nito. St. ang badyet ng Intramuros Administration na nakalaan para Sa kabila ng takot na mawalan, nariyan pa rin ang pagtanggap sa kanila. Tanging karahasan umano at pagpapaalis lamang ang sa posibleng hangganan. Ani Nanay Emma, “Willing naman tugon ng Intramuros Administration sa kanilang mga hinaing— yung mga taong umalis, kasi di naman talaga kami yung may- ngunit wala sa hinihingi nilang relokasyon. ari diba? Pero sana man lang, may matitirhan.” Tila mga mahihirap ang naisasaalang-alang habang mga Handa silang rumespeto sa legal na proseso kung sinuman ang dayuhan naman ang nakikinabang. Tanong ni Nanay Emma, may karapatan sa nasabing espasyo. Kaya’t nararapat lamang \"Bakit ganoon? Halimbawa dinemolish kami, yung may-ari na pakinggan din ang kanilang hinaing at sentimyento. Dagdag kukuha ng mga demolition team, ng kapulisan, diba puro pa niya, “Kasi nga hindi naman kami nagmamatigas, sana lang Pilipino yun? Pag minsan may gulo [sa demolition], sinong bago naman nila kami palabasin diyan, dahil wala pa kaming nag-aaway-away? Pilipino sa Pilipino. Kaya yan ang laging mapupuntahan, asikasuhin muna nila ang pagdadalhan ng may nasa isip ko na hanggang ngayong matanda na ako. Parang pamilya.” napakasakit isipin na Pilipino sa Pilipino, pinag-aaway-away, dahil lang sa kanila na di naman lehitimong dugong Pilipino.\" Hindi lamang kagutuman at kawalan ng trabaho ang karaniwang suliranin ng ilang maralita, kaakibat ng kanilang Karapatan ang seguridad at kaligtasan pagharap sa bawat umaga ang pangambang mapaalis sa kanilang tirahan. Saan nga ba sila pupulutin sakaling matuloy Sa mga pagkakataong pinalilitaw ng isang bayan ang sinasabi ang demolisyon? nitong kaunlaran, mistulang lagi’t laging may mga biktimang maiiwan. Para sa mga residente ng Legazpi St., karapatang- Pagpupumiglas sa gapos ng makapangyarihan pantao rin ang karapatan ng isang maralita—hindi ito nagsisimula sa pagkain nang tatlong beses sa isang araw at Ipinangako ng kasalukuyang administrasyong ang planong “No nagtatapos sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon. Kaakibat ng Demolition without Relocation” ngunit hanggang ngayon, ito mga karapatang ito ang kanilang kaligtasan at seguridad sa loob pa rin umano ang isinisigaw ng mga maralita tulad ng mga ng isang disenteng tirahan. residente ng Legazpi St. Kaya’t sa kanilang pagtutulungan, kasalukuyan nilang nilalaban ang kaso sa korte kahit tila Wala mang hangganan ang kanilang pakikipaglaban, hindi pa dagdag-oras lamang ang hatid nito. Ani Tala*, higit 35 taon rin sigurado kung kailan mapakikinggan. Sakali mang maibaon nang residente sa Legazpi St., \"[Binigyan kami ng] hanggang na naman sa limot ang mga nabitawang pangako ng relokasyon katapusan ng March para sa demolition, idedemolish na talaga at trabaho, patuloy na naman silang makikipaglaro sa kami.\" kapalaran. Pikit-matang aasa at haharapin ang bawat umaga, wala mang kasiguraduhan at puno man ng pangamba. Pagdurugo ng mga babae sa lansangan Angelah Emmanuelle Gloriani, Christine Lacsa, at Miguel Libosada Dugo ang siyang bumubuhay sa atin, subalit nagiging indikasyon din ng sakit, paghihirap at ng dumadaloy na buhay. Kakatok nang hindi sadya ang duguang dalaw: marahan ang mga unang pagtulo hanggang bumuhos—umagos ang likidong pula habang naiiwan sa sakit ng dalaw na hindi naman tinatanggap kung tutuusin, subalit buwan-buwan kung bumisita. Ihaharap ka niya sa digmaang madalas na kinahaharap ng mga kababaihan. Pipilipitin ka sa sakit na tila pinipigang basang damit mula sa labahan. Pinipiga—at pilit na pinipiga ngunit hindi natutuyo. Ito ang sakit na maaari mong antabayanan kahit kailan, alaala ang tagos sa masalimuot na karanasan.

Wala kang pagkakasala subalit tila ikukulong ka ng takot nakabibili naman siya ng pasador dahil sa pagiging sa bakas ng ikinukubling dugo sapagkat madalas, tumitira madiskarte at dahil na rin sa mga taong tumutulong sa nang patalikod ang buwanang dalaw. Higit na pasakit ito kaniya. \"Kasi may diska-diskarte naman, lalo na pag para sa mga nawala, ninakawan, at kalsada ang malawak na nagtitinda, pag may okasyon, sa Pasko. Yung boyfriend ko tirahan, dahil labis pa sa sumpa ang magdugo. ngayon, nakakatulong din naman sa akin,” aniya. Kapag nakabili na siya ng pasador, nabanggit niyang inaasikaso Krusada ng isang pobreng lagalag niya ang pagreregla sa mga pampublikong palikuran. Mabilis ang takbo ng buhay ni Marietta Villamor—oras, Ibninahagi niya rin na sa mga panahong nangangailangan pera, at masasayang alaala. “Unang hiwalay ko sa asawa ko siya, may mga kaibigan siya sa canteen ng Luneta na sa probinsya [sa Leyte] naglayas ako, dito ako napunta [...] tumutulong at nagpapautang sa kaniya. “Walang problema nagtrabaho ako sa Divisoria. Tapos nagkaroon ako ng kasi meron naman akong inuutangan, minsan tumutulong- boypren na gwardiya hanggang sa naalis ako sa trabaho ko tulong din ako dyan sa mga canteen. Pag ano, tapos napatambay ako dito. Hanggang sa naghiwalay na nagpapautang din sila dyan,” paglalahad niya. kami ng boypren ko, napunta na ako dito [sa Luneta at] nasanay na ako,” mabilis niyang pagsasalaysay sa kaniyang Masuwerte na kung maituturing si Villamor sa milyun- naging buhay bago manirahan sa Luneta. milyong maralitang naninirahan sa bansa. Bukod sa may mga taong taos-pusong tumutulong sa kaniya, isa siya sa Sa tulin ng kaganapan sa kaniyang nakaraan, sa nasabing mga nakapagrehistro sa Department of Social Welfare and parke, gamit ang saping karton, natagpuan ni Villamor ang Development (DSWD) upang makahingi ng tulong. mabagal na usad ng kaniyang kapalaran. Isang krusada— “Nagbibigay sila ng gamot, for medical assistance. Nahingi misteryo ang bawat paghinto, marahan ang lakad habang ako ng tulong doon. Pag kailangan ko ng gamot na hindi ko pasan-pasan ang krus ng kahirapan. kayang bilhin, pang laboratory, humihingi ako ng tulong sa DSWD,” saad niya. Sa 16 na taon nang paninirahan sa Luneta, kakambal na ni Villamor ang buhay sa lansangan. Nasanay man si Subalit sa kasamaang palad, hindi siya nabibigyan ng Villamor sa matinding buhay sa kalsada, may kalakip pa tulong pagdating sa kaniyang buwanang dalaw lalo na ring hirap ang pagtira sa lansangan. Walang bubong kundi tuwing nararanasan niyang magkaroon ng dysmenorrhea. ang lilim ng mga puno, walang sariling kwartong Kaya’t para sa isang tulad niya, pag-inda na lamang ang mapapahingahan, at limitado ang mga kagamitan. Marami nalalabing solusyon sa matinding pananakit ng puson. umanong hamon kapag tahanan mo ang lansangan. Pag-inda sa kapalaran ng paghahapdi “Diskarte lang at pagiging mabait,” iyan ang madalas na mabanggit ni Villamor ukol sa pakikipagsapalaran sa Para sa mga babaeng itinakda ang dumugo buwan-buwan, lansangan. Upang tustusan ang mga pangangailangan, tila laging pagtitiis ang sagot sa hapdi na dulot ng pasimpleng nagtitinda si Villamor sa Luneta ng mga sapin buwanang dalaw. Kaakibat nito ang katotohanang hindi ito para sa mga namamasyal at tuwing may okasyon sa lubusang matutugunan dahil sa kahirapan. Ipanggagastos tinutuluyang parke. Sa kabila ng lahat ng ito, nanatiling pa sa pasador ang dapat sanang para sa pagkain. masayahin at positibo si Villamor, hindi kailanman nagpatinag sa hirap ng mundo. Hindi pinili ng mga kababaihan ang digmaang ito— nakatigil at walang magawa sa tuwing sumasakit ang Katuwang mula sa duguang dalaw sa lansangan puson, dinudugo, umaalma, pero walang kumakanlong. Kadalasan, nakasalalay sa swerte o diskarte ang Maliban sa pakikipagsapalaran sa buhay, dagdag pa sa pagkakaroon ng pasador, na bagama’t isang kalbaryo ni Villamor ang pasakit ng buwanang dalaw. pangangailangan, maituturing na pribilehiyo dahil sa Paglalahad ng 45 taong gulang na ale, “Pag malapit ka na kakulangan nito. magregla, katulad sa akin na may edad na, maranasan natin yung [dysmenorrhea] eh gumagaling naman. Tinitiis ko Pinatunayan ng kuwento ni Villamor na kung hindi lang.” Para sa isang babaeng may sariling kalbaryo, hindi matutugunan ang pangangailangan ng sistemang basta-basta ang hamon ng pagtira sa lansangan. reproduktibo ng mga kababaihan, mananatiling pag-inda at pagkimkim ang sagot sa matinding sakit dulot ng walang Bilang babae, isa sa mga pangangailangan niya ang abisong pagdalaw. pasador tuwing may buwanang dalaw. Ayon sa kaniya,

Paglaladlad ng bahaghari Miguel Joshua Calayan at Angelah Emmanuelle Gloriani Musika ang init na bumabalot sa atin at nagpapaliyab sa ating Isa sa mga queer artist na nagtanghal ng isang makahulugang mga puso sa mga emosyong kagaya ng kasiyahan, kanta si Ela Figura, singer at songwriter mula sa Lungsod ng kalungkutan, at pagmamahal. Sa mga panahon namang Cagayan De Oro, na isa ring estudyante sa UP Theater Arts. masyado nang malamig at magulo ang tunay na mundo, Kinanta niya ang kaniyang orihinal na komposisyong nagsisilbing kanlungan ang musika na maaaring pinamagatang Free Spirit, na kaniya umanong isinulat noong pansamantalang mapagpahingahan. Gayunpaman, ang musika mapagtanto niyang isa siyang bisexual nang kaniyang rin ang paminsang malamig na tubig na gumigising sa atin sa maranasang magkagusto sa isang babaeng hindi interesado sa reyalidad. Kagaya ng lahat ng sining, may kakayahan itong kaniya. Sa bawat kalabit ng mga istring at bawat lirikong pumukaw ng diwa at magmulat ukol sa mga isyung kaniyang binibitawan, madadama ang pagmamahal at sakit na panlipunan. kaniyang naranasan. Gamit ang musika, ipinagdiwang ng UP Babaylan ang Maliban sa pagkanta, ipinamalas din ng mga queer artist ang International Day Against Homophobia, Biphobia, kanilang galing sa iba’t ibang uri ng sining. Nanguna na rito Intersexphobia, and Transphobia (IDAHOBIT) 2021, sa ang drag queens na sina Vivi Cee at Mrs. Tan na nagtanghal sa pamamagitan ng isang benefit concert na pinamagatang Here pamamagitan ng pag-lip sync na tunay namang ikinahumaling for Queers: Benefit Concert. Ang Golden Gays mula sa ng mga manonood. Gamit ang makukulay na kolorete at Lungsod ng Pasay ang napiling benepisyaryo ng organisasyon, kanilang talento, naitawid ng mga drag queen ang mensahe ng sapagkat layon nilang tulungan ang mga nangangailangang ingklusyon at pangangalampag para sa pagkakapantay-pantay miyembro ng komunidad ng LGBTQ+ na nasa punto na ng ng lahat. dapithapon. Idinaos ang nasabing konsyerto noong Mayo 22, ika-8 ng gabi. Subalit hindi naman nag-iisa ang komunidad sa pagsulong sa mas progresibo at ingklusibong lipunan. Katuwang nila sa Makulay na kumpas kanilang mga panawagan ang mga kilalang personalidad kagaya nina Bise Presidente Leni Robredo at Senador Risa Lakasan ang bolyum ng mga tugtog, at sumabay sa indayog ng Hontiveros. Sa mensahe ng pakikiisa ni Bise Presidente musika. Ipikit ang mga mata at panandaliang dumako sa Robredo, isinalaysay niya na malayo na ang narating ng katahimikan. Alalahanin ang mga naging biktima, saka komunidad ng LGBTQ+ at kanilang allies sa laban para sa mamulat sa mga karahasan, at sama-samang kumawala sa pagkakapantay-pantay—samakatuwid, marami nang mga nakasanayan. miyembro ng LGBTQ+ ang nagpupunyagi sa iba’t ibang larangan. Gayunpaman, kaniya ring nilinaw na marami pa ring Magkahalong musika at panawagan ang pinaigting sa idinaos kailangang gawin at pagtuunan ng pansin ukol dito, sapagkat na benefit concert ng UP Babaylan. Mula sa pag-alala kina hanggang ngayo’y may kinakalaban pa ring diskriminasyon at Ebeng Mayor at Junjie Bangkiao na pawang mga queer na estigma kahit sa pagiging parte lamang ng komunidad ng naging biktima ng karahasan kamakailan lamang, hanggang sa LGBTQ+. Paalala niya, kinakailangang sumulong tayo para sa usapin ng patuloy na paglaban para sa SOGIE Equality Bill, isang lipunang hindi lamang tatanggapin ang mga LGBTQ+ pati na rin ang panawagan para sa mas maayos na plano ng para sa kanilang makubuluhang ambag, kundi isang lipunang gobyerno ukol sa pandemya — ginamit ng UP Babaylan at ng yayakap sa kanila bilang mga kapwa-tao. mga dumalo mula sa komunidad ng LGBTQ+ ang musika upang ipaglaban ang karapatang pantao at isulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat. Makabuluhang pagpapakita ng angking talento ng queer artists ang naganap sa Here for Queers: Benefit Concert, sapagkat ipinamalas din nila sa lahat ang kulay na tinataglay ng kanilang identidad at mga kuwento. Sa pamamagitan ng mga liriko at tono, ikinuwento ng mga queer artist ang kanilang mga istorya ng pagmamahal, pagkabigo, at pagiging totoo sa kanilang sarili.

Para naman kay Senador Hontiveros, “Napakahalaga ng pagkakapantay-pantay kaya natin ito ipinaglalaban.” Pinaalingawngaw niya ang panawagan sa pagpapasa ng SOGIE Equality Bill, sapagkat mas kinakailangan ito lalo na ngayong may pandemya. Binigyang-diin din niya na “dapat makita ng lahat kung gaano katingkad ang bahaghari, kung gaano kaganda ang mga babaylan.” Dagdag-paalala pa ni Sen. Hontiveros, “Remember that the fight for women’s rights also paved the way for an important conversation on SOGIE.” Kaya naman nararapat na sama-sama ang bawat isa sa martsa tungo sa pagkakapantay-pantay. Hindi man tayo ipinagbubuklod ng ating sekswalidad o pagkatao, ang pagpapakatao pa rin ang siyang nararapat na humihimok sa atin. Ginto sa dulo ng bahaghari Makulay ang mga kuwento’t identidad ng mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+, subalit hanggang ngayo’y patuloy pa rin silang ipinipilit pagkasyahin sa kahon ng dalawang kasarian at sekswalidad lamang. Diskriminasyon, pangungutya, pagbabawal umibig, at pagpatay—napakaraming balakid na kinahaharap ng komunidad para sa inaasam nilang kalayaan. Hindi man maipagkakaila na mas natatanggap na ng mga tao ngayon ang malawak na ispektrum ng sekswalidad, kinakailangan pa rin ang kolektibong pagkilos at pagsulong para sa tunay na pagkakapantay-pantay. Paalala ni Robredo, “Hanggang may batang natatakot magpakatotoo sa sarili dahil sa panghuhusga, hanggang may anak na hindi matanggap ng magulang dahil sa kanyang kasarian, hanggang may mga estudyanteng tinutukso ng mga kaklase dahil naiiba siya sa kanila, hanggang may nababastos sa kalsada man o sa palikuran, sa opisina o paaralan, at hanggang may hindi malayang nakakapili ng mamahalin, kasama niyo kaming mamartsa.” Idaan man muli sa himig o sa pagsigaw bilang protesta, hanggang may sumusulong at lumalaban, darating din ang araw na wala nang matatakot magpakatotoo sa sarili. Darating din ang panahon na malayang maiwawagayway ang makulay na bahagharing watawat, kasabay ang malakas at malayang pagsigaw ng “Mabuhay ang mga bakla, mabuhay ang mga babaylan.” Kuwento ng makabagong tagahatid Athena Cardenas, Angelah Gloriani at Miguel Libosada Bitbit niya sa mga kamay ang pagkaing Kuwentong payak ng yapak at bisikleta gastusin ko sa pag-aaral magamit ko para inihanda para sa iba habang iniinda ang sa sarili [nang hindi] humingi sa kanila,” kumakalam na tiyan. Pahinga ang Mistulang traydor ang gulong ng tadhana, paglalahad ni Mengote. serbisyong inaalok habang binabalot ng binabaluktot ang daang siyang tinatahak at pagod ang sariling katawan. Oras ng ibang nililigaw tayo sa isang landas na hindi Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel tao ang sinasalba habang nauupos ang inaasahan. Tulad na lamang ng nangyari kay Lyndon, kaniyang inilahad ang mga sarili. Dala-dala ang mga padala habang kay Lyndon Mengote, 20 taong gulang at karanasan bilang tagahatid ng GrabFood sa akay-akay ng puso ang matayog na isang Lasallian Scholar sa De La Salle loob ng mahigit dalawang buwan. pangarap. University (DLSU). Hamak na estudyante Bagamat may hirap sa nararanasan, lamang si Lyndon nang sa isang iglap, nakikita niya ang sariling masaya sa Kayang indahin ang nakabubulag na sikat kinailangan niyang maghanap ng trabaho. trabahong ginagawa—nagsisilbing gamot ng araw, maaninag lamang ang pangako ng Pagsakripisyo sa kinasanayang buhay ang ang ligaya upang maibsan ang dinaranas hinaharap. Nariyan man ang pangamba’t siyang naging solusyon upang maibangon na hirap. \"Para kasing [paglalakbay ang panganib sa paligid, hindi nito ang sarili at pamilya. trabaho]. Pag hindi mo na-eenjoy yung mapapantayan ang takot na hindi maiahon trabaho mo, parang walang ring sense,” ani ang sarili’t pamilya. Kasama ang paa at “May panahon kasi na dumating na Mengote. bisikletang magdadala sa kaniya tungo sa nagkasakit yung papa ko, tapos nagkasakit mga lugar na hindi pamilyar sa paningin, din yung dalawang kapatid ko na maliit. Sinamahan namin si Lyndon sa kaniyang ang serbisyong iniaalok ang siyang Para kahit papaano maibsan yung gastusin trabaho. Madalas mang lulan ng kaniyang maghahatid tungo sa maunlad na sa mga magulang, kinuha kong bisikleta, may mga pagkakataong kaniya kinabukasan. oportunidad yung pagtatrabaho para yung na lamang nilalakad ang daan papunta sa

mga nagpapahatid ng kanilang mga pinamili. Bitbit ang mga ihahatid na pagkain, sabay- sabay naming binaybay ang mga kalsadang nakapaligid sa DLSU. Hindi handa ang aming mga katawan sa init ng araw at patuloy na dumanak ang aming pawis habang nilalakad ang mga daan patungo sa destinasyon. Subalit bukod pa sa laban ng lakaran, isa pang hamon ang matagal na oras ng paghihintay bago makakuha ng mga order. Namalagi sa aming isipan ang inip na nararanasan ng mga trabahador sa tuwing matagal silang naghihintay; kung paano nababawasan ang kanilang posibleng kita sa tuwing nalulustay ang hawak na oras. Sa bawat oras na dumadaan, nakakaltasan ang panggastos na nakalaan sana para sa pamilya. Naratibo ng naka-luntiang tagahatid Hindi biro ang pagiging isang delivery man. Sipag at tiyaga ang kinakailangan upang magpatuloy sa bawat paglalakbay. Hindi umano ito para sa mga mahihina ang puso at pangangatawan. Sa pakikipagsapalaran para sa mas magandang kinabukasan, hindi lamang oras ang tinataya kundi pati na rin ang buhay na malapit sa peligro. Ayon kay Lyndon, may pagkakataong muntikan na siyang mabangga ng sasakyan habang nagtatrabaho bilang isang delivery man. Bagamat aminadong may kasalanan din siya dahil sa biglaang pagpreno, lubha pa rin niyang ipinangamba ang kaniyang kaligtasan. Hindi rin nakatulong ang agresibong drayber ng sasakyang muntikang makabunggo sa kaniya. Pagsasalaysay niya, “[...] minura-mura niya ako. Sabi niya, gusto mo na bang mamatay? Sabi niya paano kung nabangga kita? […] Tapos tulala lang ako.” Mabuti na lang umano may mag-asawang nagtanggol sa kaniya laban sa galit na drayber at nagpakalma ng kaniyang takot. Sa biyahe ni Lyndon bilang isang delivery man, maraming mga pagkakataong nasubok ang kaniyang katatagan. Subalit para sa kaniya, isa pa rin itong biyaya. Maliban sa natulungan siya nitong makaipon para sa kaniyang sarili, tinuruan din siya nitong maging mapagkumbaba. Bilang isang mag-aaral na nangangarap maging isang inhinyero balang araw, namulat ang kaniyang mga mata sa mga karanasan bilang isang delivery man. Napagtanto niyang dakila ang bawat trabaho at pagsusumikap sa buhay. Ayon sa kaniya, “Anuman yung maging trabaho, hindi mo dapat sila maliitin. Tutulong din yun sa iyo pagdating ng araw. Kung nasa mas magandang pamumuhay ka, makikita mo na baka pwede [mo rin] silang tulungan sa ganitong paraan.” Hindi magmaliw na pag-ikot ng gulong Isang matinding sakripisyo kung maituturing ang daang tinahak, ngunit hindi ito alintana ng pusong nag-aalab. Kasing tatag ng mga gusaling inaakyat ang determinasyon ng binatang walang ibang hinangad kundi ang makatulong sa sarili at mga mahal sa buhay. Nakahahanap ng pahinga sa ngiting bakas sa mukha ng mga tumanggap sa kaniyang serbisyo at sa mga napasayang minamahal. Ilang butil ng pawis ang handang punasan kung katiwasayan ang kapalit nito. Traydor man ang sariling katawan, patuloy na mangingibabaw ang diwang hindi nawawalan ng pag-asa. Sa isang pindot, nabubuhayan ang tila napanghihinaang loob sapagkat hudyat nito ang pagkakataong makabangon muli. Isang pares ng gulong ang siyang maghahatid sa binata tungo sa magandang kinabukasan.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook