Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore try panitikang pilipino

try panitikang pilipino

Published by Jamir San Jose, 2022-07-16 03:38:16

Description: panitikang pilipino

Search

Read the Text Version

Sa Baul ng mga Antigong letra panitikang pilipino

PARA SA MAMBABASA, Maligayang araw sa iyo! Kumusta ka, kaibigan? Panibagong yugto na naman ng buhay ang iyong lalakbayin sa araw na ito. Tiyak na marami kang mababaong aral at magiging kaibigan sa panibagong araw na ito. Lubos mo silang makikilala sa mga pahina at tulang nakapaloob sa libro. Produkto ka man ng kasalukuyan, mababalikan mo pa rin ang nakaraan. Hindi lamang mga ordinaryong kaibigan ang makikilala mo rito, pati na rin ang mga dakilang bayani ng nakaraan. Sa paraan ng kanilang pagsasalita, pamumuhay, at pagkilos ay tila nakaharap ka sa salamin. Mahahanap mo rin ang kabuluhan ng iyong pagka-Pilipino na nakakubli sa mga letrang nakalimbag sa mga pahina ng libro. Mababatid mo rin ang makamundong suliraning hinaharap ng iyong kapwa Pilipino at maging ng sarili mo. Ang aklat na ito ay nahahati sa sampung tula na pupukaw sa damdamin, kaluluwa’t isipan mo. Bawat tula ay may mapupulot na aral sa buhay. Matutunan mo rin na mahalin ang pagiging Pilipino mo nang higit pa sa inaakala mo. Samantala, makakapulot ka rin ng aral sa kung paano nahubog ang wika, panitikan, kultura, paniniwala, tradisyon, relihiyon, at pamumuhay ng mga Pilipino. Huwag kang mag-alala dahil hindi masasayang ang oras mo sa pagbabasa. Magiging susi mo ito sa pag-abot ng tagumpay sa mga yugto ng buhay mo. Maging matalas ang mata sa paghanap ng kahulugan ng bawat matalinhagang salita. Ano pa ang hinihintay mo kaibigan? Simulan mo na ang matalinong pagbabasa at pagsusuri. Nawa ay gawin mo itong kasiya-siya. Ang mga May-akda

I. Wika, Tradisyon, Kultura, Paniniwala, Ugali........................... p. II. Panahon ng Espanyol............................................................ p. III. Panahon ng Amerikano.......................................................... p. IV. Panahon ng Hapon................................................................ p. V. Kasaysayan ng Wikang Pambansa........................................ p. VI. Panahong Kasulukuyan......................................................... p. VII. Sinaunang Panitikan at ang mga Bayani.............................. p. VIII. Wikang Filipino at mga Pamahiin, Tradisyon at Kultura...... p. IX. Reyalidad: Buhay ng isang OFW........................................... p. X. Wikang Filipino at Kultura sa Panahong Moderno at Pandemya............................................................................ p.

Jerome Atadero Princes Margareth Biscocho Reggie Mae Butal Kylla Mae Exconde Patrick Fampula Maria Gemaima Gazer Jared Radoc Ace Sagetarios Janelle San Jose Christian Sarabia

Ang Huwad na Kototohanan Likha ni: Maria Janelle A. San Jose Pilipinas kay ganda mong pagmasdan Sagana sa kultura, tradisyon at yaman. Wikang Filipino ang siya’ng kaluluwa. Wika na sa ati’y naghatid pang-unawa. Nagbubuklod sa puso at diwa. Wikang Filipino na siyang sandigan Hagdan sa pag unlad nitong bayan. Wikang Filipino’y matibay na hukbo Tinuturing na apoy sa sulo Nagsisilbing lakas ng mga Pilipino. Sa bawat pag galaw ng mga paa’t kamay Kulturang Filipino sa lipuna’y nanalaytay. Kulturang pinagyaman ng karanasan. Kasipagan at kasiyahan ang siyang puhunan. Nagbibigay daan sa ating kaunlaran.

Mga talentong kakaiba at natatangi Saan mang ibayo lubos na ipinagmamalaki. Talentong umusbong mula sa’ting kamalayan. Mga Pilipino ito ang siyang tunay na kayamanan. Naghahatid ng dunong at aliw sa sangkatauhan. Pilipinas kayraming tinatagong lihim Halina’t ating tuklasin ang kasaysayang ubod ng dilim. Panitikan, sining at kultura ang siyang lakas. Liwanag sa pagtahak ng tuwid na landas. Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas.

Pamagat Likha Ni: Jared Clent F. Radoc Pilipinas na kalaban ang opresyon, Hirap hanapan ng solusyon, Noon pa man sa mga kastila'y nasunod, Ang mga Pilipinong labis na kumakayod. Kastilang sakim sa yamang Filipino, Pati ang mamamayan ay inaabuso, Ang mga impluwensyang ikinalat, Mga nakasanayang kultura'y nabago para sa lahat. Ang hindi sumunod, kapalit ay parusa, Mga opinyon ay ibinabasura, Ang kumalaban sa kanila'y ipapahiya, Sinuman ang sumang-ayon, kamatayan ang madadama. Mga Pilipino'y dapat nang matuto, Sa mga kasaysayang naibuo, Dahil ang ating karapatan ay mahalaga, Mabibigyang hustisya ang mga taong lumaban para sa ating bansa.

Pamagat Likha Ni: Kay ces dito hjhjh

Pamagat Likha Ni: Kay ces dito hjhjh

Kasaysayan ng Lupang Tinubuan Likha Ni: Christian Paul M. Sarabia O aking sinisintang Pilipinas, Dinungisan ng mga dayuhang kupas, Nalublob ng matagal na panahon, Ngunit ito'y may lakas pang umahon. Hapon na umalipusta sa atin, Kinontrol ang ating pamahalaan, Nihonggo, ating bagong edukasyon, Pagtanim ng bulak ay sapilitan. Gerilya! Paratang nilang Hapones, 'Kinulong sa madilim na piitan, Mickey Mouse Money, salapi ng Hapon, KALIBAPI naging organisasyon. Mga Pilipinang kababaihan, Naging libangan, nilaspatangan, Ikinasindak ang bantang pagpatay, Sa sinuman na lalabas ng bahay.

Magasing ingles, bawal sa lipunan, Palimbagan ay ipinatigil din, Panitikan ay umunlad ng todo, Gintong panahon sambit ng Pilipino. Kay tagal nasakop ng Pilipinas, Lupang hinirang na mahal ng lubos, Kaya't sa pagahon na ala-perlas, Tiyak sa atin ang kaygandang bukas.

Ka Felipe Likha Ni: Ace Paolo N. Sagetarios Sa isang baryong liblib, sa tabi ng dalampasigan, Mga nakatira’y taranta’t ‘di magkaintindihan, Kung kaya’t mga nakatatanda’y may napagdesisyunan, “Kailangan nating magtalaga ng isang kapitan.’’ Isang pinunong magsisilbing gabay, Kagustuhang pagkaisahin ang lahat ay mahalaga, Sa pagkakabuklod ay siyang magsisilbing tulay, Nagngangalang Ka Felipe ay itinalaga. Si Ka Felipe ay naging isang magaling na pinuno, Ngunit nakalimutan niyang maging alisto, Sapagkat ang dating mga nakasunod na tila anino, Hinahangad na pala ang kaniyang pwesto. Ang gurong si Ka Stella ang unang nagtangka, Relihiyon pa ay ginamit, Katulong ang mga prayleng nakasakay ng bangka, Pwesto ni Felipe ay nakamit.

Tumagal ang pagtuturo, lumaganap ang salita, Sa mga bahayan at maging sa kalye, Walang pinipili kahit ang mga anak-dalita, Ng mga pangaral at sermon ng mga prayle. ‘Di lahat ay natuwa, kayraming nagalit, Maging si Jose na estudyante ng guro’y hindi sumang-ayon, Nasaan ba daw ang pagkakaisang sinasabing nakamit, Bakit ang baryo tila’y nagkakagulo ngayon. Kaya’t naisip ni Jose na sumulat ng liham para sa guro, Ang guro nama’y nagalit at umapela, Bagama’t nabasa na ng mga taga baryo ang kasulata’y, Huli na’t namarkahan na si Pepe ng pula. Napatalsik ang guro, natapos ang unos, Ang siya namang pagdating nitong kutis labanos, ‘’I am Erica’’, kaniyang bungad sa lahat, Inakalang malinis ang intensiyon dahil sa maputi nitong balat. Agad-agad na pagtanggap, Walang sabi-sabi, Aral ni Binibining Erica ang ating ilalaganap, Turo ni Felipe’y isantabi.

May iilang nagprotesta, bagong lider ay patalsikin, Andiyan si Lope, Cecilio, Teodoro, at maging si Gillego’y nakisali na rin, Ngunit sadyang batas na ang dayuhan, Na kinakailangan nilang sundin. ‘Di tumagal lahat ay nagkaroon ng katapusan, Nang itatag ni Manuel ang Komonwelt na Pamahalaan, Ito na ang sagot sa mga pangarap ng unang kapitan, Nang ang batas ni Felipe’y kaniyang nilagdaan.

Pilipinas sa Kasalukuyan Likha Ni: Reggie Mae A. Butal Kalayaan. Natamasa na sa wakas, Sa mapang-aping dayuhan ay nakatakas, Heto na ang kasalukuyang panahon, Ang pag siklab ng bagong henerasyon. Sa pag usbong ng makabagong imbensyon, Modernong teknolohiya ang siyang gamit ngayon, Nagdulot ng malawakang pag-unlad, Ngunit, tayo nga ba talaga ay umusad? Ngayon, mas napahusay ang edukasyon, Napadali at napabilis ang pagkuha ng mga impormasyon, Mas napalawak ang kaalaman at karunungan, Sa komunikasyon ng guro't mag-aaral, hindi na pahirapan. Tunay na nakapagpabago, Nagbigay ng pag-asa sa mga tao, Ngunit ang akala nating may mabuting dulot lamang ito, Ay mayroon nagtatagong sikreto.

Ang yaman ng bansa, sariling wika, Nadungisan ng mga nag-uusbungang makabagong salita, Imbento ng iba't ibang kaisipan, Naging dahilan upang lalong hindi magkaintindihan. Malaya, ngunit kultura ng dayuhan ang ginagaya, Namana ba o impluwensya ng teknolohiya? Pamumuhay, wika, kasuotan, Maging ang tunog ng musika ay natakluban. Ngunit, nang dahil sa modernisasyon, Nakilala ang ating sariling kultura't tradisyon. Naipagmalaki sa buong mundo, At mas nakilala ang mga Pilipino. Nagbigay tulong rin sa oras ng pandemya, Salamat teknolohiya't nariyan ka, Suliranin sa paggagamot ay mas naibsan, Bilang ng may sakit ay nabawasan. Matapos ang pagsakop, ito ang Pilipinas, Maraming pagbabago sa panahong lumipas, Sa kasalukuyang modernisasyon, Hangad ay pag asa ang hatid, ngayon at sa susunod na henerasyon.

Tinig sa Himagsikan Likha Ni: Maria Gemaima V. Gazer Tinanaw ang hangganan ng Perlas ng Silangan Ibang lipi'y nabihag sa iyong kagandahan Narahuyo sa taglay mong karilagan Sapagkat isang hiyas kung ika'y pagmamasdan. Ika'y hindi lamang pugad ng mga likas na yaman 'Pagkat pinagpala ka rin sa karunungan Duklay pa man o nasa laylayan Bumabalong ang awanggang katalinuhan. Bago sapitin ng banyagang kabihasnan Panitikang Pilipino ay talaga nang mayaman Mula sa sari-saring lipon ng mga taong nanahan, Mula sa mga katutubong bumagtas sa kapuluan. Alamat, salawikain, epiko, at kwentong-bayan, Alibata, parabula, bugtong, at kasabihan Ilan lamang sa mga sinaunang panitikan Akdang nagtatala ng unang yugto ng iyong kasaysayan.

Malao'y nabanaag ang iyong dagitab Mga Kanlurani'y iyong nabihag Mutya kang karikitan ay umaalab Mga mestiso'y tunay na nag-apuhap. Panitikang karaniwang pasalindila Dinatnan ng mga Kastila Ang iba ay sa puno't bato nakatala Mabatid ang kultura at paniniwala ang adhika. Anaki'y isang tanghalang dinadaluhan Subalit may ibig lamang silang isakatuparan Ipalaganap ang Kristiyanismo sa buong bayan Ngunit salamisim rin ng matinding kasiphayuan. Panahon ng paghahari ng Espanya Maraming Pilipino ang nagdusa Kinatakutan ang banyagang pwersa Kaya't matagal na panahong ikaw ay nagdusa. Sanaysay, talumpati, nobela Talinhaga, tula, at iba pa Laman nito'y sari-saring karanasan Sa kolonyalismong ikaw ay nilapastangan.

Maraming Pilipino ang tumangis Sa kalupitang sinuma'y hindi magnanais Silakbo ng damdamin ay nagmamalabis Pahimakas man ito, hindi paiimpis Kaya't bagaman dehado sa pakikipagdigmaan Mga bayani'y ipinagpatuloy ang laban Pluma ang sandatang kanilang tangan Nang ang ulyaw ng linggatong ay maulinigan. Rizal, Del Pilar, Bonifacio Mabini, Silang, Lopez-Jaena, Graciano Mga paham na nagtulak Sa pagkilos laban sa banyagang yumuyurak. Punyal nila'y panulatan Likha'y inilimbag sa mga pahayagan Ito'y nagsilbing pananawagan Nang ang sambayana'y maging mulat sa katotohanan. Sumiklab ang pulitikal at literaturang paghihimagsik Tuluyang tinuligsa, dayuhang nagdulot ng pasakit Lumitaw ang iba't-ibang kilusan Lumaganap ang pagkanasyonalismo ng mamamayan.

Sinilip ang nakatagong kadiliman Sa bayang iginapos ng mandarayuhan Kumakawala sa tanikalang nagbibigkis Upang sapitin ang kalayaang ninanais. Sinipat ang babaw at lalim ng tubig Inaninaw ang sarili at prinsipyo'y ipinanindig Sa Inang Bayan mga ninuno ay pumanig Tinig ng mayamang panitikan ay kanilang ipinarinig. Pilipinas, ikaw ay pinipithaya Nagkumahog upang ika'y makalaya Nagbata man sa hirap ng mahabang panahon Sa pagkakalugmok, ikaw ay naiahon.

Filipino, Wikang Makabayan Likha Ni: Patrick B. Fampula Wikang Filipino’y sadyang matikas, Nakaangkla sa bayan at kusang bumabagtas, Sa mga karagatan at kalupaang nilalandas, Salitang Filipino’y tunay ngang hiyas. Katuwang sa pagyabong ay mga pamahiin, Mga kaugaliang nakatatak sa puso’t nakadiin, Laman ng makulay na isipan at mga hangarin, Pagpapakabuti ang s’yang landasin. Samu’t-saring mga ideya’t katha, Binuo ng mga magigiting na salita, Filipinong tunay ang syang nagbadya, Sa maiikling kwento’t mga likha. Awit, korido, at epiko, Bugtong, alamat, at soneto, Salawikain, nobela, at mga kwento, Mga gintong humubog sa pagka-Pilipino.

Bagamat ang ugat ay sa bayan, Namumutawi naman ang kariktan, Sa pagtayog ng mga kaalaman, Bukambibig kahit saan pa man. Kung saan mang lugar na may Pilipino, Umaagos sa dugo ang wikang Filipino, Ang mga kwento’t likha ay isinasatrono, Pagpupugay sa dakilang mga ehemplo.

Sa Mata ng Agila Likha Ni: Kylla Mae A. Exconde Sa Pinas, mahihina'y nababalisa, Nagbabakasakali sa ibang bansa, Labi'y dumampi sa lupang ninanasa, Kultura't wika'y parang naparalisa. Hindi nahaplos ng kamay ang tagumpay, Kalupitan sa lingkod nyo'y nagpatamlay, Nanaghoy at inakay ng kapwa Pinoy, Bagong pag-asa sa litid ko'y dumaloy. Kay raming napagtanto sa 'king paglisan, Wikang Filipino ang kinabukasan, Tila liwanag sa dilim ng buhay ko, Kinukulayan pagka-Pilipino ko. Nalayo man sa perlas ng silanganan, Wikang minana pa rin patutunguhan, Hinila ng wika mula sa kumunoy, Kahit na sa dayuhang lupa lumangoy.

Talentong tinataglay ay pagpipinta, Sa Pinas lang pala maipakikita, 'Di na kailangang mangibang bansa pa, Pinas, ako'y 'tinayo sa pagkadapa. Sa 'king obra gusto kong gisingin sila, Panitikan, kultura't paniniwala, Walang maliw at bakas sa pagkatao, Saan man magtungo, ika'y Pilipino.

Pamagat Likha Ni: Jerome A. Atadero Oras ay pabago-bago, Na tila ang mundo’y hindi nakasentro, Mga pangyayari’y patuloy na lumalabo, Parang ang pandemya ay bagong moderno. Ngayong tayo ay nahaharap, Sa iba’t ibang bagay na satin nagpapahirap, Dating modernong buhay na nilalasap, Ngayo’y atin na lamang pinapangarap. Gaya ng Wikang Filipino, Na sa puso’t isip ay nakapako, Pati wika at kultura, Mga pamanang hanggang ngayon ay dala-dala. Wika na kung saan ay napakahalaga, Napakalaking tulong lalo na ngayong pandemya, Sa pagbibigay impormasyon sa bawat isa, Upang sa mga nangyayari ay maalarma.

Wika na kahit saan ka magpunta ay makakasalamuha, Kahit sa libro, radyo, tv, at birtwal na plataporma, Maging mapanuri lamang sa nakikita at nababasa, Dahil bawat impormasyon ay may halaga. Sa kabila ng mga pinagdaraanan, Pagka-Pilipino’y laging nariyan, Wika at kultura ay di pinabayaan, Bagkus ginagawa pang sandalan. Kaya’t panitikan, ating yaman, ating lakas, Sa digmaan, sing talim nang dahas, Ito’y mag-iiwan ng napakaraming bakas, Na sisimbolong ating pag-asa sa darating na bukas.

ANG MGA AWTOR Si Jerome B. Atadero ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawanpung taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Purok 3 Rosal Street Barangay Uno Crossing Calamba City. Naniniwala siya na “Aanhin mo ang banyagang wika, kung ang sarili mong wika ay di mo matalima” Si Princes Margareth G. Biscocho ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Labing siyam na taong gulang na babae. Nakatira siya sa Brgy. Gonzales Tanauan City Batangas. Naniniwala siya na \"Nabubuhay tayo, para hindi bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto\" Si Reggie Mae A. Butal ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawangpung taong gulang na babae. Nakatira siya sa Brgy. Banadero, Calamba City, Laguna. Naniniwala siya na “Isa sa pinakamalaking pagsisisi sa buhay ay ang pagbibigay ng higit na importansya sa kultura ng iba kaysa sa aking sariling kultura” Si Kylla Mae A. Exconde ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawampung taong gulang na babae. Nakatira siya sa Barangay San Buenaventura, San Pablo City, Laguna. Naniniwala siya na \"Wika lamang ang may kakayahang iangat ang bawat isa mula sa kalugmukan, tila liwanag sa dilim.\" Si Patrick B. Fampula ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. dalwampung taong gulang na lalaki/babae. Nakatira siya sa Calamba City, Laguna. Naniniwala siya na \"Mahalin ang sariling wika gaya ng pagmamahal sa jowa\"

Si Maria Gemaima V. Gazer ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawampung taong gulang na babae. Nakatira siya sa Boot, Tanauan City, Batangas. Naniniwala siya na ang wika ay kayamanan ng isang bayan kaya't nararapat lamang itong ingatan, mahalin, at higit pang payabungin. Si Jared Clent F. Radoc ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawampu na taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Kay-Anlog Calamba City Laguna. Naniniwala siya na \"Kung nabubuhay ka sa pagtanggap ng mga tao, mamamatay ka sa kanilang pagtanggi\" Si Ace Paolo N. Sagetarios ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawapung taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Makiling, Calamba City Laguna. Naniniwala siya na \"Ang wika ay susi sa lagusan para sa magandang kinabukasan\" Si Maria Janelle A. San Jose ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Dalawampu na taong gulang na babae. Nakatira siya sa San Pablo City, Laguna. Naniniwala siya na “Aanhin pa ang talino kung Wikang Filipino ay di kabisado, mas maigi pa na maging mangmang kaysa matalinong utal” Si Christian Paul M. Sarabia ay isang Pilipinong mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sto. Tomas. Kasalukuyang nasa pangalawang taon sa kursong Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriyang Pang-industriya. Labing siyam na taong gulang na lalaki. Nakatira siya sa Sta Maria, Talisay Batangas. Naniniwala siya na \"Kung nasyonalismo'y paiiralin, tiyak ang pagganda ng lupang sinilangan\"


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook