Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 1

Filipino Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-07 22:57:55

Description: Filipino Grade 1

Search

Read the Text Version

2. Tukoy-Alam Sabihin: Ipakikita ko ulit ang mga larawan sa inyo. Sabihin ninyo sa akin kung ano ang ginagawa sa larawan gamit ang wikang Filipino. 3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ibabahagi natin ang mga gawain natin sa ating mga tahanan 4. Paglalahad Awitin: “Magtanim ay Di Biro” Magtanim ay Di Biro Magtanim ay di biro. Maghapong nakayuko. Di naman makatayo. Di naman makaupo. Halina, halina, mga kaliyag. Tayo ay magsipag-unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas. Para sa araw ng bukas. 5. Pagtuturo at Paglalarawan a. Ipakita muli ang mga larawang ginamit sa pagtuturo ng awit. b. Tumawag ng ilang piling bata at ipaugnay ang larawan sa kanilang sariling karanasan. GAWAING BAHAY: Mag-survey ng nakatatandang kapamilya ukol sa kanilang sariling karanasan sa paaralan noong sila ay bata pa.IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Naibabahagi ang mga karanasan ukol sa gawaing pampaaralanORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN:PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magbabahagi kayo ng inyong mga karanasan ukol sa mga gawain ninyo sa paaralan. 2. Paglalahad Para sa Guro: Tumawag ng ilang piling bata para ibahagi ang kanilang gawaing bahay; itala ang mga ito sa pisara. 3. Pagtuturo at Paglalarawan Para sa Guro: Tumawag ng ilang piling mga bata at itala ang kanilang mga karanasang pampaaralan.

4. Kasanayang Pagpapayaman Para sa Guro: Pumili ng ilang mga bata na maghahambing ng kanilang mga karanasan sa mga karanasan ng mga matatanda sa kanilang tahanan.IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nasasabi ang pangalan ng lugar kung saan natatagpuan ang mga hayop at halaman sa wikang FilipinoORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: “Tong-Tong” (song chart)PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, susubukin nating sabihin ang mga pangalan ng lugar kung saan natatagpuan ang mga hayop at halaman. 2. Paglalahad a. Kantahin ang “Tong-Tong” kasama ang klase “Tong-Tong” Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong Alimango sa dagat Malaki at masarap Mahirap mahuli Sapagkat nangangagat 3. Pagtuturo at Paglalarawan Sabihin: Tularan ako sa pagpalakpak nang papantig ng mga pangalan ng lugar kung saan maaari ninyong matagpuan ang mga hayop at halaman. 4. Kasanayang Pagpapayaman Tumawag ng piling mga bata at ipapalakpak nang papantig ang pangalan ng lugar kung saan maaari makatagpo ng mga hayop at halaman habang binibigkas ito.IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro kaugnay ng mga karanasan sa tahanan at paaralan, noon at ngayonORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN:PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magbibigay tayo ng mga salitang tugma na may kaugnayan sa mga karanasan sa tahanan at dito sa paaralan, noong mga nakalipas na panahon at ngayon.

2. Kasanayang Pagpapayaman Sabihin: Maglalaro tayo ng “stop dance” Para sa Guro: Kumanta ng “Magtanim ay Di Biro”. Huminto makalipas awitin ang ilang linya ng kanta. Sabihan ang mga bata na dapat hindi sila sasayaw o gagalaw kapag hindi kumakanta ang guro. TANDAAN: Ang mga batang gagalaw ay kailangang magbigay ng dalawang salitang katugma ng salitang ibibigay ng guro. 3. Kasanayang Pagkabisa Sabihin: Magbibigay ako ng tatlong salita. Kung ang tatlong salita ay magkakatugma, tapikin ang balikat ng kaklase na nasa harap ninyo. Kung ang tatlong salita ay hindi magkakatugma, tapikin ang balikat ng kaklase na nasa likod ninyo. 4. Pagtataya a. Igrupo ang mga bata (tig-lima o anim bawat grupo). b. Ituro ang grupo na dapat makapagbigay ng tatlong magkakatugmang salita. c. Kung tagumpay na makapagbigay ng mga salitang magkakatugma ang grupo, maaaring humakbang ang “tren” nila ng tatlong beses. d. Ang unang grupo na makararating sa harap ng klase ang siyang tatanghaling panaloIKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nakikilahok sa isang laro kung saan tatakbo sa harap ng silid kung ang ipinakitanglarawan ay gawaing pambahay at tatakbo sa likod ng silid kung ang ipinakitang larawan ay gawaingpampaaralanORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: Mga larawang nagpapakita ng mga halimbawa ng gawaing pambahay at mgagawaing pampaaralanPAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, maglalaro tayo ng laro kung saan tatakbo kayo sa harap ng silid kung ang ipinakitang larawan ay gawaing pambahay at tatakbo sa likod ng silid kung ang ipinakitang larawan ay gawaing pampaaralan 2. Pagtataya a. Magpakita ng mga larawan ng iba’t-ibang gawain sa paaralan at iba’t-ibang gawain sa bahay b. Kung ang larawan ay nagpapakita ng halimbawa ng gawaing bahay, dapat tumakbo ang mga bata sa harap ng silid ; kung gawaing pampaaralan, dapat silang tumakbo sa likod ng silid.

LINGGO 16Tema: Mga Tao sa PamayananWikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring naranasan gamitang payak na salitaGramatika: Nagagamit ang “harap” at “likod”Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salitaUNANG ARAWLAYUNIN: Naipagtutugma ang mga lugar sa pamayanan kung saan matatagpuan ang mga tao sapamayananORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: “Sino Ang Filipino” (song chart) ; mga larawan ng piling lugar sa pamayanan(istasyon ng pulis, istasyon ng bumbero, barangay hall, heath center, atbp)PAMAMARAAN: 4. Paunang Pagtaya Para sa Guro: Tumawag ng ilang piling mga bata para magbahagi sa klase ng kanilang natatanging mga karanasan patungkol sa mga tao sa pamayanan 5. Tukoy-Alam a. Tanungin ang mga bata kung sino-sino ang mga kilalang tao sa kanilang pamayanan. b. Isulat ang mga babanggitin ng mga bata sa talaan o pisara. 3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pupunan natin ang: “Ang mga (tao sa pamayanan) ay matatagpuan / ay nagtatrabaho sa (lugar).” 4. Paglalahad a. Magtanong ng dalawa hanggang tatlong tanong tungkol sa katangian ng mga Pilipino. b. Ituro ang kantang “Sino Ang Filipino?” Lyrics by: Rene O. Villanueva Music by: Mike Pedro Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako? Ako ay maputi Ika’y kayumanggi. Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako? Itim ang buhok ko Kulay-kalawang ang sa’yo.

CHORUS O sina kaya? Sino kaya? Sino ang Pilipino? O sino kaya? Sino kaya? Sino ang Pilipino? Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako? Bilog ang mata ko Singkit ang mata mo. Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako? Bakit magkaiba Ang ating mga anyo? CHORUS: Tayo ay Pilipino Ito’y alam natin Kung Nanay o Tatay Ay Pilipino rin. Kung Nanay o Tatay Ay Pilipino rin Tayo ay Pilipino Pare-parehong Pilipino! 5. Pagtuturo at Paglalarawan a. Magpakita ng larawan ng iba’t-ibang lugar sa pamayanan b. Pumili ng ilang mga batang pupuno sa pangungusap na ito: “Ito ang aming ___. Dito nagtatrabaho ang mga ____. (o Dito makikita ang /ang mga ____) ”

IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nakapagsasalaysay ng sariling karanasan ukol sa mga tao sa pamayanan gamit ang mgasalitang “harap” at “likod”ORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: talaan na naglalaman ng mga halimbawang pangungusap gamit ang mgasalitang “harap” at “likod” ; mga palatandaang papel, ang harap ay may TSEK at ang likoday may EKIS.PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, susubukin nating magsalaysay ng inyong mga karanasan ukol sa mga tao sa pamayanan gamit ang mga salitang “harap” at “likod”. 2. Paglalahad a. Ilagay ang talaan ng mga pangungusap na may mga salitang “harap” at “likod” sa pisara. b. Basahin ang mga pangungusap sa klase ; bigyang diin ang tamang gamit ng “harap” at “likod” c. Maaaring iguhit o imuwestra ang mga pangungusap upang lalong higit na maintidihan ng mga bata ang wastong gamit ng mga salitang “harap” at “likod” sa wikang Filipino. 3. Pagtuturo at Paglalarawan a. Bigyan ng palatandaang papel ang mga bata kung saan ang HARAP ay may isang malaking TSEK at ang likod naman nito ay may isang malaking EKIS. b. Magbigay ng mga payak na pangungusap gamit ang “harap” at “likod”. c. Kung tama ang pagkakagamit ng mga salitang “harap” at “likod” sa pangungusap na sasambitin ng guro, itaas ang harap ng palatandaang papel (tsek); kung mali ang pagkakagamit ng mga salitang “harap” at “likod” sa pangungusap, itaas ang likod na bahagi nito (ekis) 4. Kasanayang Pagpapayaman a. Tumawag ng ilang piling mga bata na magbibigay ng payak na pangungusap na gamit ang mga salitang “harap” at “likod” b. Kung tama ang pangungusap na ibibigay ng bata, ituturo ng mga kaklase ang harap ng silid ; kung mali, ituturo ng mga kaklase ang likod ng silid

IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nakikilahok sa isang laro kung saan makapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salitaang bawat grupoORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: isang kahon na may lamang mga bagay o larawan ng iba’t-ibang mga bagay(50% ay may isa o higit pang katugma)PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, maglalaro tayo ng isang laro patungkol sa mga salitang magkakatugma 2. Kasanayang Pagpapayaman Para sa Guro: Igrupo ang mga bata sa tig lilima (o anim, depende sa bilang nila). Sabihin: Magbibigay ako ng salita at tulong-tulong kayo sa inyong grupo na mag-iisip ng dalawa o higit pang mga salitang tugma sa aking mga babanggitin. Ang grupong may pinakamaraming tamang sagot ang siyang mananalo. 3. Kasanayang Pagkabisa Sabihin: May mga larawan at totoong mga bagay sa loob ng aking kahon. Bubunot ako ng tatlong bagay, kung ang mga pangalan ng mga bagay na ito ay magkakatugma, ituro ang mga hinlalaki paloob at kung hindi lahat ay magkakatugma, ituro ang mga hinlalaki palabas.IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga pangungusap na may kaugnayan sa mga tao sa pamayanangamit ang “harap” at “likod”ORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: mga larawan ng mga tao sa pamayanan (dalawa bawat tao, isang nakaharap atisang nakatalikod)PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magbibigay tayo ng mga pangungusap na may kaugnayan sa mga tao sa pamayanan gamit ang harap at likod. 2. Kasanayang Pagpapayaman a. Idikit ang mga larawan (nakaharap) ng mga tao sa pamayanan sa pisara. b. Idikit ang mga kaparehang larawang nakatalikod sa likod ng silid. c. Tumawag ng ilang piling mga batang magpapares ng mga larawan ng iba’t-ibang tao sa pamayanan 3. Kasanayang Pagkabisa a. Ipalarawan sa mga bata ang mga larawang nabuo nila gamit ang mga salitang “harap” at “likod.” 4. Pagtataya Para sa Guro: Bigyan ng pagkakataong magbahagi ng pansariling karanasan ang mga bata ukol sa mga nabuo nilang mga tao sa pamayanan. (hal: pulis, bumbero, tindera, tsuper ng dyip)

IKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nakapagbabahagi ng mga natatanging karanasan patungkol sa mga tao sa pamayananORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: bond paper ; lapis at mga gamit na pangkulayPAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magbabahagi kayo ng inyong mga naging karanasan patungkol sa mga tao sa pamayanan. 2. Pagtataya a. Bigyan ng bond paper, lapis, at mga pangkulay ang bawat bata. b. Sabihin: Iguhit ang larawan ng tao sa pamayanan na nais ninyo maging paglaki. c. Pagkatapos ng pagguhit, pumili ng ilang piling bata para maibahagi sa klase ang kanilang trabaho.LINGGO 17Tema: Ang ating mga BayaniMGA LINGGUHANG LAYUNIN:Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring nasaksihan gamitang payak na salitaGramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw” ,“ilalim” at “gitna” sa pagngungusapPhonological Awareness: Nagbibigay ng serye ng magkakatugmang salitaUNANG ARAWLAYUNIN: Natutukoy ang mga bayani gaya ng mga mang-aawit, pintor, at manunulatORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Ako’y isang Pinoy”, larawan ni Dr.Jose Rizal, larawan ng mgalokal na bayani gaya ng mga tanyag na manunulat, mang-aawit, pintor, atbpPAMAMARAAN 1. Paunang Pagtaya Itanong sa mga bata kung sino ang bayani para sa kanila. 2. Tukoy-Alam Itanong sa mga bata kung ano ang naiisip nila tuwing nababanggit ang salitang bayani. Isulat ang mga sagot nila sa semantic web.

BAYANI 3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, malalaman natin kung sino-sino pa ang ibang mga bayani. 4. Paglalahad Ipakita sa mga bata ang larawan ni Dr. Jose Rizal. Ipaliwanag sa kanila na siya ang pambansang bayani ng Filipinas. Sabihin ang mga dahilan kung bakit siya naging bayani. Ituro sa mga bata ang awit na “Ako’y Isang Pinoy”. Intro: Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa Pinoy na isinilang sa ating bansa Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Koro: Wikang pambansa ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan Hangad kong lagi ang kalayaan. Si Gat Jose Rizal nuo’y nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw magmahal sa sariling wika Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda. 5. Pagtuturo at Paglalarawan Ipaliwanag sa mga bata na maliban kay Dr.Jose Rizal, marami pang ibang bayaning Filipino. Ibigay na halimbawa ang mga lokal na bayani gaya ng mga tanyag na manunulat, mang-aawit, pintor, atbp. Ipakita ang mga larawan ng mga ito.

IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Natutukoy kung ang bagay ay nasa “ibabaw”, “ilalim” o “gitna”ORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Ako’y isang Pinoy”, larawan ng isang lokal na bayani naipinapakita ang kaniyang kagamitan na nasa gitna ng dalawang bagay, larawan ng isang lokal nabayani na ipinapakita ang kaniyang kagamitan na nasa ilalim ng isang bagay, larawan ng isang lokalna bayani na ipinapakita ang kaniyang kagamitan na nasa ibabaw ng isang bagayPAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin ang wastong gamit ng mga salitang “ibabaw”, “ilalim” at “gitna” sa pangungusap 2. Paglalahad Ipaawit muli sa mga bata ang “Ako’y Isang Pinoy” 3. Pagtuturo at Paglalarawan a. Idikit sa pisara ang larawan ng isang lokal na bayani na ipinapakita ang kaniyang kagamitan na nasa gitna ng dalawang bagay. Halimbawa: pintor na may dibuho sa gitna ng dalawang pinto. Sabihin: Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Nasaan ang dibuho? Nasa gitna ng mga pinto ang dibuho. Magbigay ng iba pang halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang “gitna”. b. Idikit sa pisara ang larawan ng isang lokal na bayani na ipinapakita ang kaniyang kagamitan na nasa ibabaw ng isang bagay. Halimbawa: Mang-aawit na may mikropono sa ibabaw ng mesa. Sabihin: Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Nasaan ang mikropono? Nasa ibabaw ng mesa ang mikropono. Magbigay ng iba pang halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang “ibabaw”. c. Idikit sa pisara ang larawan ng isang lokal na bayani na ipinapakita ang kaniyang kagamitan na nasa ilalim ng isang bagay. Halimbawa: Manunulat na may papel sa ilalim ng aklat. Sabihin: Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Nasaan ang lapis? Nasa ilalim ng aklat ang lapis. Magbigay ng iba pang halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang “ilalim”. 4. Kasanayang Pagpapayaman Kumuha ng isang bagay at ilagay ito sa “ibabaw”, “ilalim” at “gitna” ng iba pang bagay sa silid. Sabihin: Kapag nasa ibabaw ang bagay, hawakan ang ulo. Kapag nasa ilalim ang bagay, hawakan ang paa. Kapag nasa gitna ang bagay, hawakan ang tiyan.

IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nagbibigay ng serye ng magkakatugmang salitaORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: goma/garterPAMAMARAAN: 4. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magbibigay tayo ng halimbawa ng magkakatugmang salita. 5. Kasanayang Pagpapayaman Hatiin ang klase sa mga pangkat na binubuo ng 4-5 miyembro. Magbigay ng isang salita sa bawat pangkat. Halimbawa: pintor, manunulat, mananayaw, atbp. Bawat miyembro ay kailangang magbigay ng salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro sa pangkat. 6. Kasanayang Pagkabisa a. Maglaro ng Chinese garter. Itali ang magkabilang dulo ng goma/garter. Magsabi ng isang salita. Bawat bata ay kailangang magsabi ng tatlong salitang katugma nito. Kapag tama ang sagot, maaaring talunin ng bata ang goma/garter. b. Magbigay ng panibagong salita at ipagawang muli ang panuto (a). Taasan ng limang pulgada ang goma/garter bago patalunin ang mga bata. c. Ulitin ang laro hanggang umabot sa ulo ang taas ng goma/garter.IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw” ,“ilalim” at “gitna” sa pagngungusapORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: mga papel, mga lapis, mga pangkulayPAMAMARAAN: 1. Tunguhin: Ngayong araw, gagamitin natin sa pangungusap ang mga salitang “ibabaw”, “ilalim” at “gitna” 2. Kasanayang Pagpapayaman a. Tumawag ng isang bata at papuntahin sa harap. Paupuin siya sa ibabaw ng mesa. Tumawag ng isa pang bata upang kumpletuhin ang pangungusap: Nasa___ng ___ si ___. b. Tumawag ng isa pang bata at padapain siya sa ilalim ng mesa. Tumawag ng isa pang bata upang kumpletuhin ang pangungusap: Nasa___ng ___ si ___. c. Tumawag ng isa pang bata at patayuin siya sa gitna ng dalawang silya. Tumawag ng isa pang bata upang kumpletuhin ang pangungusap: Nasa___ng ___ si ___. 3. Kasanayang Pagkabisa Pumunta kasama ng mga bata sa iba’t-ibang bahagi ng paaralan. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang Pangkat A ay kailangang humanap ng mga bagay na nasa ibabaw. Ang Pangkat B ay kailangang humanap ng mga bagay na nasa ilalim. Ang Pangkat C ay kailangang humanap ng mga bagay na nasa gitna.

4. Pagtataya Base sa gawain sa kasanayang pagkabisa, tumawag ng mga bata upang kumpletuhin ang mga pangungusap na “Nasa ibabaw ng __ ang __.”, “Nasa ilalim ng ___ ang ___.” at “Nasa ____ ng __ ang ____.” IKALIMANG NA ARAWLAYUNIN: Naisasalaysay ang pangyayaring nasaksihan gamit ang payak na salitaORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: mga papel, mga lapis, mga pangkulayPAMAMARAAN: 1. Tunguhin Ngayong araw, ibabahagi natin sa klase ang ginawa ng mga taong itinuturing nating bayani. 2. Pagtataya a. Ipaalala sa klase ang talakayan noong unang araw tungkol sa kung sino ang bayani para sa kanila. Itanong sa mga bata kung sino ang bayani sa kanilang tahanan at ang dahilan kung bakit ito ang kanilang napili. b. Ipaguhit sa mga bata ang isang pangyayaring kanilang nasaksihan kung saan nagpamalas ng kabayanihan ang kanilang kasama sa bahay. c. Tumawag ng ilang mga bata upang ibahagi ang iginuhit sa klase.LINGGO 18Tema: Mga Natatanging Lugar sa Pamayanan: pokus sa paaralanMGA PANLINGGUHANG LAYUNIN: 1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naibabahagi ang mga pangyayaring naranasan; Nakapagbibigay ng opinyon at hinuha ukol dito 2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw”, “ilalim” at “gitna” sa pangungusap 3. Phonological Awareness: Nagbibigay ng serye ng magkakatugmang salitaUNANG ARAWLAYUNIN: Nakapagbabahagi sa pamamagitan ng pagguhit ng larawan ng tungkol sa paboritongkaranasan sa paaralanORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: “Ayokong Pumasok sa Paaralan!” Kuwento ni Rene O. Villanueva; Guhit ni DindoA. Llana; Inilathala ng Cacho Publishing House, 1995PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Tanungin sa klase: Gusto mo ba ang pumapasok sa paaralan? Ano ang paborito mong pangyayari o karanasan sa paaralan? Bigyang pagkakataon ang mga bata na magbahagi. 2. Tukoy-Alam

Tumawag ng ilang mga bata upang magbahagi ng kanilang paboritong lugar sa paaralan at ilarawan ang karaniwang ginagawa sa lugar na ito. 3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin ang mga dahilan natin kung bakit gusto natin ang pumasok sa paaralan. 4. Paglalahad Ibahagi ang kuwentong “Ayokong Pumasok sa Paaralan!” ni Rene Villanueva. 5. Pagtuturo at Paglalarawan Simulan ang talakayan ukol sa kuwento sa pagsasabi ng mga naging dahilan ng bata sa kuwento kung bakit niya ayaw pumasok sa paaralan. Ihambing ang nararamdaman ng bata sa maaaring nararamdaman ng mga mag-aaral. Ipaguhit sa klase ang kanilang mga personal na dahilan kung bakit nila gusto ang pumasok sa eskuwela.IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang mga salitang “ibabaw” at “ilalim” sa mga pangungusap na tumutukoy sapaboritong lugar o karanasan sa paaralanORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN:PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tayo’y muling magsasanay sa paggamit ng “itaas”, “ibaba” at “gitna” sa mga pangungusap. 2. Paglalahad Tumawag isa-isa ng mga bata upang magbahagi ng mga tampok na bahagi ng kuwentong “Ayokong Pumasok sa Paaralan!” hanggang sa makumpleto ang saysay nito (halimbawa, tatawag ng isang bata upang ilahad gamit ang payak na salita ang simula, at tatawag muli ng isa pa upang ipagpatuloy ito, at isa pa muli hanggang sa matapos). 3. Pagtuturo at Paglalarawan Gamit ang mga pangungusap na mula sa kuwento, ilahad ang tamang gamit ng mga salitang “itaas”, “ibaba” at “gitna”. Maaaring gumamit ng totoong bagay upang ipahayag o imodelo ang ideya. 4. Kasanayang Pagpapayaman Pangunahan ang klase sa isang laro kung saan mailalagay nila ang bola sa tinurang posisyon na maaaring maging ITAAS, IBABA o GITNA.

IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salitaORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN:PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, titignan natin kung kaya na nating magbigay ng mas maraming salitang magkakatugma. 2. Kasanayang Pagpapayaman Payuhan ang klase na ipalakpak ang mga kamay kung ang salitang babanggitin ay hindi katugma ng mga kasama nito sa serye. Magbigay ng mga 10 pangkat ng serye ng salitang magkakatugma na may tig-isang pambiso. 3. Kasanayang Pagkabisa Magbigay ng salita at tumawag ng mga bata upang magbigay ng dalawa o higit pang salitang katugma nito (may saysay na salita o wala).IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Natutukoy ang posisyon ng isang bagay sa paaralan gamit ang mga salitang “ibabaw”,“ilalim” at “gitna” sa isang laroORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: mga larawan ng iba’t ibang bagay sa tahanan at mga larawan ng kinalalagyanng mga itoPAMAMARAAN: 6. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin ang posisyon ng mga paborito nating lugar sa paaralan 7. Kasanayang Pagpapayaman Magpakita ng mapa ng paaralan sa klase. Tukuyin ang mga tampok na lugar. Gumamit ng mga salitang “itaas”, “ibaba” at “gitna” sa paglalarawan. 8. Kasanayang Pagkabisa Maghanda ng isang treasure hunt game kung saan bawat grupo sa klase ay bibigyan ng mapa at unahan ang mga ito na mahanap ang itinagong bagay. 9. Pagtataya Tumawag ng ilang bahagi upang ilarawan ang eksaktong lokasyon ng itinagong bagay sa treasure hunt game gamit ang mga salitang ITAAS, IBABA at GITNA.

IKALIMANG NA ARAWLAYUNIN: Naibabahagi ang piling karanasan sa paboritong lugar sa paaralan gamit ang wikangFilipinoORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN:PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Ngayong araw, gagawa tayo ng mural kung saan maaari nating ipakita ang mga bagay na gusto natin tungkol sa ating paaralan. 2. Pagtataya Igrupo ang klase sa tig-walong bata, at maaaring (a) bigyan ng lugar o pader sa paligid (b) bigyan ng manila paper ang bawat grupo kung saan maaari nilang iguhit ang kanilang mga paboritong karanasan ukol sa pag-aaral sa eskuwela.LINGGO 19Tema: Ang Mga Mahahalagang Lugar sa Ating PamayananMGA LINGGUHANG LAYUNIN: 1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naibabahagi ang pangyayaring nasaksihan; nakapagbibigay opinyon at hinuha ukol dito 2. Gramatika: Natutukoy ang mga pandiwa sa mga pangungusap 3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salitaUNANG ARAWLAYUNIN: Natutukoy ang mga mahahalagang lugar sa pamayanan at ilang gawain dito sa wikangFilipinoORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: iba’t-ibang larawan ng mga mahahalagang lugar sa pamayanan; mga puzzle ngmga mahahalagang lugar sa pamayananPAMAMARAAN: 1. Paunang Pagtaya Sabihan ang mga bata na magbigay ng isang mahalagang lugar sa pamayanan. 2. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tatalakayin natin ang mga iba’t-ibang mahahalagang lugar sa pamayanan 3. Tukoy-Alam Magpakita ng mga larawan ng mga mahahalagang lugar sa pamayanan at itanong sa mga bata ang pangalan ng bawat isa. 4. Paglalahad

a. Hatiin ang klase sa sampung pangkat at bigyan ang bawat pangkat ng isang puzzle b. Kailangang isigaw ng pangkat ang pangalan ng nabuo nilang puzzle. 5. Pagtuturo at Paglalarawan a. Ipakita sa buong klase ang mga nabuong puzzle. b. Tanungin ang mga bata tungkol sa mga ginagawa sa mga lugar na ito sa pamayanan.IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nakapagsasalaysay ng isang pangyayaring nasaksihan sa isang mahalagang lugar sapamayanan gamit ang mga pandiwa sa wikang FilipinoORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: aklat na “But that Won’t Wake Me Up”PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, mag-aaral tayo tungkol sa mga pandiwa. 2. Paglalahad Basahin ang kuwentong “But that Won’t Wake Me Up.” 3. Pagtuturo at Paglalarawan a. Tumawag ng mga batang magbibigay ng mga ginawa ng nanay at bata sa kuwento para magising siya kinabukasan. b. Ipaliwanag na may mga salitang nagsasaad ng kilos at tinatawag itong pandiwa. 4. Kasanayang Pagpapayaman a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. b. Ipaliwanag na ang bawat miyembro ay magbabahagi ng isang nasaksihang pangyayari sa isang mahalagang lugar sa pamayanan gamit ang mga pandiwa. c. Umikot sa mga pangkat upang marinig ang pagbahagi ng mga bata ng kanilang nasaksihan gamit ang mga pandiwa.IKATLONG ARAWLAYUNIN: Natutukoy ang pandiwa sa pangungusap sa wikang Filipino.ORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN:PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, muli nating tatalakayin ang mga pandiwa.

2. Kasanayang Pagpapayaman Magkaroon ng isang laro sa klase kung saan iaarte ng mga bata ang mga pandiwang nakapaloob sa mga sasabihing pangungusap. hal. Ang mga bata ay tumatalon. 3. Kasanayang Pagkabisa a. Ipagpares ang mga bata at pag-isipin ang bawat isa ng pangungusap na may mga pandiwa. b. Sasabihin ng isa ang kaniyang pangungusap at kailangang tukuyin naman ng ikalawa kung alin ang pandiwa sa nabanggit na pangungusap. c. Kapag hindi ito nahulaan, magbibigay ng ikalawang pangungusap ang kapareha.IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita sa wikang FilipinoORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: mga batoPAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magkakaroon tayo ng mga gawain tungkol sa mga tugmang salita. 2. Kasanayang Pagpapayaman a. Magkaroon ng laro kung saan pipiringan ang isang bata at kung sino ang kaniyang mahawakan ay kailangang magbigay ng tatlo-lima magkakatugmang salita. b. Pagkatapos, siya naman ang pipiringan at hahawak ng susunod na taya. 3. Kasanayang Pagkabisa a. Magkaroon ng isa pang laro kung saan ang sinumang batang makapagbibigay ng dalawa-tatlong salitang katugma ng ibinigay na salita ay tatayo sa harap at hahawak sa kamay ng guro. b. Siya rin ang mag-iisip ng panibagong salita na kailangang mabigyan ng mga tugmang salita. Ang sinumang may dalawa-tatlong tamang sagot ay tatayo at hahawak naman sa kamay niya. 4. Pagtataya a. Magbigay ng sampung salita (may lima-walong magkakatugma at may dalawang hindi) b. Tumawag ng mga piling batang makakapagsabi ng tatlo-limang salitang magkakatugma mula sa mga ibinigay ng guro. c. Magsabi muli ng sampung salita at tumawag uli ng mga batang magsasabi ng mga tatlo-limang salitang magkakatugma sa mga nabanggit. d. Ulitin ang gawain ng ilang beses.

IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita sa wikang FilipinoORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: mga batoPAMAMARAAN: 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magkakaroon tayo ng mga gawain tungkol sa mga tugmang salita. 2. Kasanayang Pagpapayaman a. Magkaroon ng laro kung saan pipiringan ang isang bata at kung sino ang kaniyang mahawakan ay kailangang magbigay ng tatlo-limang magkakatugmang salita. b. Pagkatapos, siya naman ang pipiringan at hahawak ng susunod na taya. 3. Kasanayang Pagkabisa a. Magkaroon ng isa pang laro kung saan ang sinumang batang makapagbibigay ng 2-3 salitang katugma ng ibinigay na salita ay tatayo sa harap at hahawak sa kamay ng guro. b. Siya rin ang mag-iisip ng panibagong salita na kailangang mabigyan ng mga tugmang salita. Ang sinumang may dalawa-tatlong tamang sagot ay tatayo at hahawak naman sa kamay niya. 4. Pagtataya a. Magbigay ng sampung salita ( may lima-walong magkakatugma at may dalawang hindi) b. Tumawag ng mga piling batang makakapagsabi ng tatlo-limang salitang magkakatugma mula sa mga ibinigay ng guro. c. Magsabi muli ng sampung salita at tumawag uli ng mga batang magsasabi ng mga tatlo-limang salitang magkakatugma sa mga nabanggit. d. Ulitin ang gawain ng ilang beses.LINGGO 20Tema: Ang Ating MusikaMGA LINGGUHANG LAYUNIN:1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at nagtatanong patungkol sa narinig na personal na salaysay ng iba2. Gramatika: Natutukoy ang mga pandiwa sa mga pangungusapUNANG ARAWLAYUNIN: Naiguguhit ang kahulugan ng awit na tinalakay sa klaseORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: radyo/MP3 Player kopya ng awit na “Mamang Sorbetero” ni Celeste Legaspi tsart ng awit papel at pangkulay

PAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Balikan ang isang awit na tinalakay sa klase. Himukin ang mga bata na gawan ng kilos o galaw ang mga titik ng awit. Tanungin: Aling salita ang puwedeng gawan ng kilos? Aling salita ang hindi?2. Tukoy-Alam Tanungin ang klase tungkol sa kanilang paboritong awit; tanungin kung bakit ito ang kanilang paboritong awit.3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, titingnan natin kung kaya nating iguhit ang ibig sabihin ng awit na “Mamang Sorbetero.”4. Paglalahad Patugtugin at pakinggan ang awit na “Mamang Sorbetero” ni Celeste Legaspi.5. Pagtuturo at Paglalarawan Pangunahan ang talakayan ukol sa awit. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong: a. Ano ang naramdaman ninyo habang pinakikinggan ang awit? b. Tungkol saan ang awit? c. Nakakita na ba kayo ng sorbetero? d. Nakatikim na ba kayo ng sorbetes?6. Pagtataya Ipamahagi ang mga papel at pangkulay at hikayatin ang klase na iguhit ang kanilang naiisip o nararamdaman ukol sa awit.IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Natutukoy ang mga pandiwa sa awit na “Mamang Sorbetero”ORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: radyo/ MP3 Player kopya ng awit na “Mamang Sorbetero” ni Celeste Legaspi tsart ng awitPAMAMARAAN:1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tayo’y magsasanay sa pagtukoy ng mga salitang galaw.2. Paglalahad Talakayin muli ang awit na “Mamang Sorbetero” gamit ang isang rebus chart (chart na may mga larawan sa halip na salita; ang rebus chart para sa partikular na gawaing ito ay naka-pokus sa salitang galaw). Tukuyin ang pagkakaiba ng mga salitang galaw mula sa ibang salita.3. Pagtuturo at Paglalarawan Hatiin ang klase sa dalawang malalaking grupo. Maglaro ng charades gamit ang mga salitang galaw mula sa awit na “Mamang Sorbetero.”4. Kasanayang Pagpapayaman Balikan ang mga salitang ginamit sa charades; talakayin kung bakit salitang galaw ang mga ito. Himukin ang mga bata na magbigay ng mga salitang galaw sa pamamagitan ng pag-arte ng mga ito sa harap ng klase.

IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng opinyon ukol sa musika gamit ang mga pangungusapna may pandiwa (Halimbawa: Nakikinig ako sa radyo tuwing umaga.)ORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN: bolaPAMAMARAAN:1. Tunguhin Tanungin ang klase: “Mahalaga ba ang musika para sa iyo? Sa paanong paraan?”2. Kasanayang Pagpapayaman Magpatugtog ng masayang musika sa klase at ipasa ang isang bola; payuhan ang klase na itigil ang pagpasa kasabay ng pagtigil ng musika. Ang mag-aaral na may hawak ng bola ay kailangang magbigay ng opinyon ukol sa musika.3. Kasanayang Pagkabisa Tumawag ng ilang bata at himuking tukuyin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kanilang mga opinyon ukol sa musika mula sa opinyon ng kanilang kaklase.IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng halimbawa ng awit na may pandiwahalaw sa mga awiting Filipino na natalakay sa klaseORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN:PAMAMARAAN:1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, titingnan natin kung alin sa ating mga pinakinggang awit ang may mga salitang kilos.2. Kasanayang Pagpapayaman Subukang balikan muli ang ilang awit na tinalakay sa klase. Tukuyin ang mga salitang kilos na matatagpuan sa mga ito.3. Kasanayang Pagkabisa Bigyang pagkakataon ang bawat isa na magbigay ng halimbawa ng salitang kilos.4. Pagtataya Tumawag ng ilang bata upang tumukoy ng mga awit (tinalakay sa klase o hindi) na may salitang kilos. IKALIMANG NA ARAWLAYUNIN: Naibibigay ang mga pandiwa sa isang awit na FilipinoORAS: 40 minutoMGA KAGAMITAN:

PAMAMARAAN:1. Tunguhin Ngayong araw, titingnan natin kung sino ang grupong pinakamagaling sa pag-arte (interpret) ng mga awiting Filipino.2. Pagtataya Igrupo ang klase sa tig-walong bata. Bigyan ng piling awit ang bawat grupo at payuhang ipahayag ang kahulugan nito sa pamamagitan ng kilos o sayaw.

Ikatlong YunitLINGGO 21TEMA: Ang Aming mga SayawMGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binibigkas: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa narinig na personal na salaysay ng iba2. Gramatika: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusapUNANG ARAWLAYUNIN: Masagot ang tanong na “Ano-ano ang mga katutubong sayaw sa ating lugar?”ORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: CD / tugtog ng katutubong sayaw, video ng katutubong sayawPAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Itanong: Ano-ano ang mga katutubong sayaw dito sa ating lugar?2. Tukoy-Alam a. Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang mga sayaw na alam nila. b. Isulat sa pisara ang mga sayaw na babanggitin; ibukod ng hanay ang mga katutubong sayaw sa inyong lugar na babanggitin ng mga bata. c. Pumili ng ilang bata at ipakita ang mga kilos na ginagawa sa katutubong sayaw sa inyong lugar.3. Tunguhin Tanungin ang mga bata: Ano-ano muli ang mga katutubong sayaw dito sa ating lugar?4. Paglalahad Gawain: Tumawag ng ilang piling bata at tanungin kung paano nila natutuhan ang kilos o galaw sa katutubong sayaw sa kanilang lugar. Maaari ring tanungin kung gusto ba nila ang sayaw na ito at kung bakit.5. Pagtuturo at Paglalarawan Ituro / magpakita muli ng video sa mga bata kung paano isinasayaw ang katutubong sayaw at ipagaya ito sa ilang piling mga bata. Pasayawin ang lahat ng bata. Gumamit ng tugtog / CD para sa iba’t ibang sayaw. IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap sa wikang Filipino 1

ORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: mga larawan ng pinakatanyag na katutubong sayaw sa inyong lugar, mp3 player, musikang ginagamit para sa pinakatanyag na katutubong sayaw sa inyong lugarPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, susubukin nating gamitin sa mga payak na pangungusap ang pandiwa.2. Paglalahad Gawain: Tatalakayin ang pinakapopular na sayaw sa inyong bayan. a. Ipakita sa mga bata ang mga larawan tungkol sa tanyag na sayaw sa inyong lugar. b. Hingian ang ilang piling bata ng pangungusap hango sa larawang ipinakita. c. Iparinig nang bahagya ang musika para sa sayaw na tinatalakay. Hingian din ng pangungusap na naglalarawan ng musika ang mga bata.3. Pagtuturo at Paglalarawan a. Pangkatin ang mga bata. b. Bigyan ang bawat pangkat ng larawang hango sa katutubong sayaw na tatalakayin. c. Hikayating bumuo ng isang payak na pangungusap na may pandiwa tungkol sa larawan ang bawat pangkat. d. Atasang magtalaga ng taga-ulat ang bawat pangkat. Ang taga-ulat ang siyang magsasabi ng pangungusap na nabuo nila sa harapan ng buong klase.4. Kasanayang Pagpapayaman a. Magtala ng iba’t ibang pandiwa sa pisara. b. Tumawag ng ilang piling bata at bigyan ng pandiwa ang bawat isa. c. Bigyan ang mga bata ng ilang segundo para makapag-isip ng isang payak na pangungusap tungkol sa katutubong sayaw na natalakay gamit ang pandiwang nakatalaga sa kanila. IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang pandiwaPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, susubukin nating gamitin sa tamang pangungusap ang mga pandiwa. 2

2. Kasanayang Pagpapayaman Sabihin: May mga larawan akong ipapakita sa inyo. Sasabihin ninyo kung ano ang kilos na ginagawa ng mga tao sa larawan. Kailangan ninyong gamitin ang salitang kilos o pandiwa sa isang payak na pangungusap. Tumawag ng ilang piling bata.3. Kasanayang Pagkabisa Sabihin: May mga larawan akong ipakikita sa inyo. Magbigay ng mgapangungusap na may pandiwa. Kung tama ang paggamit ko ng pandiwa, sabay-sabaykayong tumayo. Kung mali naman ang gamit ko, manatili kayong nakaupo. Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ay magbibigay ng 3-5 pandiwa at gagamitinang mga ito sa pangungusap. Magpasadula ng isang eksena. Ipatukoy ang mga pandiwa na nakita. Gawin itonang pangkatan.I - Sa Parke III - Sa OspitalII - Sa Palengke IV - Sa Paaralan IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa salaysay ng kamag-aral tungkol sa iba’t ibang sayaw gamit ang mga pandiwaORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: larawan ng iba’t ibang sayaw, larawang nagpapakita ng pandiwaPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, isasalaysay natin ang tungkol sa ating paboritong sayaw. Ang mga tagapakinig ay maaari ding magtanong tungkol sa inyong salaysay.2. Kasanayang Pagpapayaman Gawain: Tumawag ng ilang piling bata at ipakilos ang kanilang paboritong kilos sa sayaw na tinalakay. Maaari rin namang turuan ang mga bata ng isang katutubong sayaw. Tukuyin ang mga pandiwang isinakilos.3. Kasanayang Pagkabisa Tanungin: Bakit ito ang paborito mong kilos sa buong sayaw? Tumawag ng ilang piling bata. 4. Pagtataya Ipakita ang paboritong kilos at sabihin sa kaklase kung bakit ito ang napiling paboritong kilos; siguraduhing tama ang pandiwa na gagamitin sa pangungusap. IKALIMANG ARAW 3

LAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusapORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan ng mga pandiwaPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magbibigay at gagamitin natin ang pandiwa sa mga payak na pangungusap.2. Pagtataya a. Pangkatin ang mga bata sa lima. b. Magpakita ng larawang may pandiwa. c. Ang bawat pangkat ay dapat bumuo ng limang payak na pangungusap na may pandiwa. d. Kapag nakabuo na ang pangkat ng pangungusap, ang kanilang unang kinatawan ay dapat tumakbo sa harap at sabihin ang nabuong pangungusap. e. Ang pangkat na unang magkakaroon ng 5 puntos ang tatanghaling panalo.LINGGO 22TEMA: Ang Aming SiningMGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at nagtatanong patungkol sa personal na salaysay ng iba2. Gramatika: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusapUNANG ARAWLAYUNIN: Natutukoy ang mga likhang sining sa sariling lugarORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: iba’t ibang likhang sining na natatangi sa bayan (halimbawa: taka sa Paete, Laguna; t’nalak sa Cotabato; atbp.)PAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Itanong sa mga bata: Ano ang mga alam ninyong likhang sining sa ating lugar?2. Tukoy Alam Ipaliwanag sa klase kung ano ang sining. Ipaliwanag na ang mga Filipino ay tanyag sa iba’t ibang sining.3. Tunguhin Sabihin: Aalamin natin ngayon ang mga likhang sining sa ating lugar.4. Paglalahad 4

Ipakita sa klase ang iba’t ibang likhang sining sa lugar. Kung maaari, hayaanghawakan ng mga bata ang mga ito.5. Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin ang iba’t ibang likhang sining. Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong at makipagtalakayan. IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang salitang kilos sa pangungusapORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: iba’t ibang likhang sining na natatangi sa bayanPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, gagamit tayo ng mga salitang kilos sa pangungusap.2. Paglalahad Ipakitang muli ang mga likhang sining. Tanungin ang mga bata kung ano ang masasabi nila sa mga ito.3. Pagtuturo at Paglalarawan Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng mga likhang sining na ipinakita. Ipagawa sa mga mag-aaral ang kilos. Itanong: Sino-sino ang gumawa nito?4. Kasanayang Pagpapayaman Sabihin: Pumili ng paboritong likhang sining mula sa mga ipinakita. Magsabi ng pangungusap tungkol sa likhang sining na may salitang kilos. Halimbawa: Nagtatanim ang mga magsasaka sa obra. IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang mga salitang kilos sa isang payak na pangungusapORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Leron, Leron Sinta” salitang kilos sa mgaPAMAMARAAN1. Tunguhin Leron, leron sinta Buko ng papaya Sabihin: Ngayong araw, gagamitin natin ang mga Dala dala’y buslo pangungusap. Sisidlan ng bunga Pagdating sa dulo2. Kasanayang Pagpapayaman Nabali ang sanga a. Ituro sa klase ang awit na “Leron, Leron Sinta.” Kapos kapalaran 5 Humanap ng iba.

b. Ipagawa sa mga bata ang sumusunod:  Umisip ng isang kilos para sa awit na natutunan.  Kantahin ang “Leron, Leron Sinta.” Sa bahagi ng awit na “Humanap ng iba,” umikot at humanap ng kapareha.  Sabihin sa kapareha: “Lagi akong ____ (kilos na hilig gawin).”  Awiting muli ang “Leron, Leron Sinta” at sabihin ang: “Lagi akong ____” sa ibang kapareha.3. Kasanayang Pagkabisa a. Sabihin sa mga bata na humanap ng kapareha. b. Ang unang bata ay magsasabi ng pangungusap tungkol sa kapareha. Kailangang may salitang kilos ito. Halimbawa: Tumatakbo si Lito. c. Ang pangalawang bata ay isasakilos ang sinabi ng kapareha. d. Hayaang magpalit ng gawain ang magkapareha. IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap; Nakikinig at nagtatanong tungkol sa personal na salaysay ng ibaORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: papel. lapis, pangkulay, clay, at iba pang gamit na maaaring gamitin sa paglikha ng siningPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, gagawa tayo ng likhang sining na nagpapakita ng kilos. Ibabahagi natin sa klase ang ating gagawin.2. Kasanayang Pagpapayaman Ipakita sa mga bata ang mga kagamitan. Sabihin sa mga bata na gagawa sila ng sariling likhang sining. Kailangang nagpapakita ng kilos ang likhang sining. Halimbawa: Guhit ng mga batang naglalaro, clay na hugis hayop na tumatakbo, atbp. Malaya silang pumili ng ano mang kagamitang nais. 3. Kasanayang Pagkabisa Tawagin ang ilang mga bata upang ipaliwanag sa klase ang kanilang likha. Ipapaliwanag ang kilos sa likhang sining na ginawa.4. Pagtataya Hayaang magpakita ng isang kilos ang Bata A. Sasabihin naman ng Bata B sa kumpletong pangungusap ang isinakilos ng kapareha. IKALIMANG ARAW 6

LAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusapORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: likhang sining ng mga bataPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pipili tayo ng paboritong gawa ng kaklase at ipaliliwanag natin kung bakit ito ang ating napili.2. Pagtataya Magkaroon ng isang gallery walk na itinatampok ang mga likhang sining ng mga bata sa mga naunang araw. Tanungin ang bawat isa kung ano ang kanilang paborito sa gawa ng mga kaklase. Pumili ng mga batang nais ibahagi ang sagot. Tanungin din ang dahilan kung bakit ito napili at kung ano ang kilos na ipinakikita ng likhang sining na napili.LINGGO 23TEMA: Mga Paborito Naming PagkainMGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa narinig na personal na salaysay ng iba2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklaseUNANG ARAWLAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa kuwentong binasaORAS: 30 minutoKAGAMITAN: aklat na Haluhalo Espesyal ni Yvette Ferreol at Jill Arwen Posadas (Adarna House, 2006)PAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Tanungin ang klase: Ano ang iyong paboritong pagkain?2. Tukoy Alam Tanungin ang klase: Bakit mo ito paborito?3. Tunguhin 7

Ipakilala ang aklat, awtor, at tagaguhit ng kuwento. Sundin ang Reading Plan. Itanong: Paano kaya gumaling ang bata sa kuwento?4. Paglalahad Ikuwento ang Haluhalo Espesyal ni Yvette Ferreol at Jill Arwen Posadas (Adarna House, 2006).5. Pagtuturo at Paglalarawan a. Ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod: I - Isadula ang mga pangyayari sa kuwento. II - Gumawa ng parada ng mga tauhan sa kuwento. III - Iguhit ang mga pagkain na nabanggit sa kuwento. IV - Gumawa ng poster para ipakita ang tamang gawain ng isang bata upang maiwasan ang pagkakasakit. b. Hayaang mag-ulat ang bawat pangkat.IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga salitang naglalarawanORAS: 30 minutoKAGAMITAN: larawan ni Jackie, ang bata mula sa kuwentong Haluhalo EspesyalPAMAMARAAN1. Tunguhin Itanong: Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?2. Paglalahad Magpakita ng larawan ni Jackie, ang bata mula sa kuwentong binasa. Tanungin ang klase kung ano ang masasabi nila kay Jackie ayon sa kaniyang mga katangian tulad ng kaniyang hitsura at ugali. Gumawa ng character map. Halimbawa: Ano ang kulay ng kaniyang buhok? Ano kaya ang ugali niya?3. Pagtuturo at Paglalarawan Ipagawa ito nang pangkatan. Pumili ng isang pahina sa aklat upang mapunan ang hinihingi ng tsart. Ipatala ang mga bagay at tao na makikita sa larawan. Ipalarawan ang bawat isa. TAO BAGAY4. Kasanayang Pagpapayaman Magpalaro ng taguan. Itago ang iba’t ibang larawan ng mga bagay na makikita sa kuwentong binasa (Halimbawa: Jackie, monggo, haluhalo, yelo, lola). Ilarawan ang bawat bagay at ipahanap ang mga nakatagong larawan. 8

IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nailalarawan ang sarili sa pamamagitan ng wastong paggamit ng pang-uriORAS: 30 minutoKAGAMITAN: lapis o mga pangkulay, papel, salaminPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Humarap sa salamin at ilarawan ang sarili.2. Kasanayang Pagpapayaman Magtawag ng ilang bata upang ilarawan ang kanilang mga sarili sa harap ng salamin.3. Kasanayang Pagkabisa a. Ipaguhit sa mga bata ang kanilang sarili at ipaulat sa klase ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng wastong pang-uri. Halimbawa: Ang aking buhok ay kulay________. Ang aking paboritong pagkain ay ______ dahil ito ay _________. Siya ay may mahabang buhok! b. Magsagawa ng isang laro. Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Hayaang pumila ang bawat pangkat ayon sa:  haba ng buhok  hugis ng mata  taas  bilang ng miyembro ng pamilya  (maaaring magdagdag pa ng ibang kategorya) IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nailalarawan ang mga kaklase sa pamamagitan ng wastong paggamit ng pang-uriORAS: 30 minutoKAGAMITAN: tsart ng “Nasaan ang kaibigan ko?”PAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ilalarawan natin ang ating mga kaklase. 9

2. Kasanayang Pagpapanayam Anyayahan ang klase na maglaro ng “Sino ang kaklaseng tinutukoy?” Ilarawan ang ilang bata sa pamamagitan ng paggamit ng wastong pang-uri at ipatukoy ang kaklaseng inilalarawan. Halimbawa: Nasaan ang kaibigan ko? Kaibigan ko? kaibigan ko? Nasaan ang kaibigan ko? Siya ay may mahabang buhok! Pagpangkatin ang klase at bigyan ng oras ang bawat pangkat na pumili mula sa mga kaklase ng kanilang ilalarawan gamit ang wastong pang-uri.3. Pagtataya Bigyang pagkakataon ang bawat pangkat na maibahagi sa klase ang kanilang ginawang paglalarawan sa isang kaklase. Huhulaan naman ng ibang pangkat ang tinutukoy na kaklase.IKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklaseORAS: 30 minutoKAGAMITAN: mga piraso ng papel na may nakasulat na bahagi ng katawan o kasuotan (halimbawa: buhok, mata, sapatos, atbp.)PAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ilalarawan natin ang ating sarili at ang ating mga kaklase.2. Pagtataya a. Tumawag ng dalawang bata upang bumunot ng tig-isang piraso ng papel. b. Basahin ang nakasulat sa papel. Sabihin ang parte ng katawan o ng kasuotan na nabunot upang kanilang ilarawan. Halimbawa: Bata A – buhok “Ang buhok ko ay mahaba. Ang buhok niya ay maigsi.” Bata B – blusa “Ang blusa ko ay bughaw. Ang blusa niya ay bughaw din.” c. Tumawag pa ng ibang bata upang gawin ito.LINGGO 24TEMA: Mabuting PagkamamamayanMGA LINGGUHANG LAYUNIN 10

1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalahad muli ang salaysay ng iba gamit ang mga payak na salita2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase UNANG ARAWLAYUNIN: Natutukoy kung sino ang inilalarawan ng iba gamit ang mga pang-uri dito sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoPAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Magpakita ng mga larawan sa mga bata. Hayaang magbigay ang mga bata ng isang salitang maglalarawan sa ipinakita.2. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang ating mga kaibigan sa paaralan gamit ang mga pang-uri. Maaaring gumawa ka ng sariling likhang kuwento upang maipakilala ang mga kaibigan sa paaralan.3. Tukoy-Alam Itanong: Sino-sino ang mga kaibigan natin sa paaralan? Ipalarawan ang bawat isa gamit ang character map.4. Paglalahad a. Ilarawan ang isang bata sa klase gamit ang mga pang-uri at ipahula sa mga bata kung sino ito. b. Maglarawan pa muli ng lima hanggang sampung bata.5. Pagtuturo at Paglalarawan Ipalarawan ang paboritong kaibigan ng bata sa paaralan. Pahulaan kung sino ito sa ibang bata. IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nailalahad muli ang mga salaysay ng iba tungkol sa mga pamamaraan ng pagiging mabuting mamamayan sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tatalakayin natin ang mga gawain ng isang mabuting mamamayan.2. Paglalahad Magkuwento tungkol sa mga ginagawa bilang isang mabuting mamamayan. 11

Halimbawa: Tuwing umaga, nagwawalis ako sa loob at harap ng aming bahay para malinis ang paligid.3. Pagtuturo at Paglalarawan a. Tumawag ng mga batang magbabahagi ng kanilang mga gawain bilang mabuting mamamayan. b. Ipaliwanag na may mga salitang naglalarawan at tinatawag itong mga pang-uri.4. Kasanayang Pagpapayaman Tumawag ng mga batang maglalahad muli ng mga mabubuting gawain ng mga kaklase at magbigay ng opinyon tungkol dito gamit ang mga pang-uri. Halimbawa: Sina _____, ______, at _____ ay masisipag dahil naglilinis sila ng bakuran araw-araw. IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng kaklase sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: lapis, papel, at mga pangkulayPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, iguguhit natin ang ating kaklase.2. Kasanayang Pagpapayaman Papiliin ang mga bata ng isang kaklase na gusto nilang iguhit.3. Kasanayang Pagkabisa Ipabahagi ang iginuhit sa mga kaklase. Hayaang bigyang larawan ito ng ibang bata. IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga gawain ng isang mabuting mamamayan sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan na nagpapakita ng mga gawain sa pamayanan (Halimbawa: nagbibigay sa mga mahihirap, nagtatapon ng basura sa kalsada)PAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tayo ay magpapakita ng mga gawain ng mabuting mamamayan sa pamamagitan ng pag-arte.2. Kasanayang Pagpapayaman Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipasadula ang mga posibleng solusyon sa 12

sumusunod na suliraning makikita sa ibibigay na larawan: I - maruming kapaligiran II - lantang mga halaman sa hardin III - namatay na mga halaman dahil sa paglalaro ng mga bata IV - tambak na mga basura sa tabi ng daan3. Kasanayang Pagkabisa Tumawag ng mga batang magbibigay ng kanilang opinyon tungkol sa mga ipinakitang solusyon ng mga pangkat gamit ang mga pang-uri.4. Pagtataya a. Magpakita ng mga larawan. b. Tanungin ang mga bata kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuti o di-mabuting gawain ng isang mamamayan gamit ang mga salitang mabuti o hindi mabuti. IKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng ilang angkop na pang-uri para sa mga pangngalang naibigay sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: mga pangalan ng mga mag-aaral na nakasulat sa papelPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tayo ay magkakaroon ng isang laro gamit ang mga pang-uri.2. Pagtataya Ipaliwanag na ang klase ay magkakaroon ng isang laro kung saan ang bawat bata ay bubunot ng pangalan ng isang kaklaseng kaniyang ipahuhula gamit ang mga pang-uri.LINGGO 25TEMA: Mga Pagdiriwang sa Ating KomunidadMGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalahad muli ang salaysay ng iba gamit ang mga payak na salita2. Gramatika: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangugusapUNANG ARAWLAYUNIN: Nailalarawan ang dahilan ng mga pagdiriwang sa tahananORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: output ng gawaing bahay mula sa linggo 24 13

PAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Pangunahan ang klase sa isang gawain kung saan ang bawat isa ay magbibigay ng pangugusap na may salitang kilos ukol sa kanilang paboritong pagdiriwang. Magbigay ng sariling halimbawa at tumawag ng ilang bata upang sumagot. Halimbawa: Kumakain ako ng masarap na pagkain tuwing Pasko.2. Tukoy Alam Bigyang pagkakataon ang ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan ukol sa mga pagdiriwang na naranasan sa kanilang sariling tahanan at ipalarawan ito.3. Tunguhin Tanungin ang klase: Ano-ano ang mga pagdiriwang sa inyong tahanan? Paano ito ipinagdiriwang?4. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang mga pagdiriwang sa inyong tahanan? Paano ninyo ito idinadaos? Magpaguhit ng pagdiriwang sa tahanan batay sa kanilang sariling karanasan. Ipalarawan ito sa mga bata.5. Pagtuturo at Paglalarawan Sumahin ang aralin. Talakayin ang mga dahilan ng pagdiriwang sa tahanan at tukuyin ang kahalagahan ng mga ito sa pamilya. Tukuyin din kung ano ang karaniwang nararamdaman ng bawat isa ukol dito. IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa pagkukuwento ng mga pagdiriwang sa paaralanORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: larawan mula sa mga pagdiriwang sa paaralanPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang ating paboritong pagdiriwang sa paaralan. Ano kayang mga pandiwa ang nasasagawa kapag may pagdiriwang?2. Paglalahad Pangunahan ang klase sa pagbabalik-tanaw sa mga naranasang pagdiriwang sa paaralan. Maaaring gumamit ng larawan kung mayroon. Talakayin ang nabanggit na pagdiriwang.3. Pagtuturo at Paglalarawan Balikan ang kuwento ng bawat isa. Tulungan ang klase na tukuyin ang mga ginamit 14

na salitang kilos sa mga nasabing pangugusap. Isulat ang mga salitang kilos sa pisara.4. Kasanayang Pagpapayaman Bigyang pagkakataon ang bawat isa na magbahagi ng sariling kuwento ukol sa mga naranasang pagdiriwang sa paaralan. Himukin ang bawat isa na gumamit ng mga salitang kilos sa pangugusap. IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nailalahad ang paboritong pagdiriwang sa komunidad gamit ang mga salitang kilosORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: larawan ukol sa mga pagdiriwang sa pamayananPAMAMARAAN1. Tunguhin Tanungin ang klase: Ano ang paborito ninyong pagdiriwang sa ating komunidad / pamayanan?2. Kasanayang Pagpapayaman Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga pagdiriwang na maaaring maganap sa pamayanan. Bigyang pagkakataon ang ilang bata upang ilarawan ang mga ito o magbahagi ng mga sariling karanasan ukol dito.3. Kasanayang Pagkabisa Balikan ang kuwento ng bawat isa. Tumawag ng mga bata upang tukuyin ang mga ginamit na salitang kilos sa mga nasabing pangugusap. Isulat ang mga salitang kilos sa pisara. IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Naibabahagi ang karanasan ng kaklase ukol sa mga pagdiriwang sa tahanan, paaralan, o komunidad sa pamamagitan ng pagguhit nitoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: papel at pangkulayPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin ang paboritong pagdiriwang ng bawat isa sa pamamagitan ng pagguhit.2. Kasanayang Pagpapayaman 15

Ipagpares ang mga bata (o himukin ang bawat isa na humanap ng kapareha). Bigyan ang klase ng walong minuto upang magbahagi ng kuwento ukol sa kanilang paboritong pagdiriwang.3. Kasanayang Pagkabisa Bigyan ng oras ang klase upang maiguhit ang ibinahaging kuwento o karanasan ng kanilang kapareha.4. Pagtataya Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase. IKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa isang pangugusap ukol sa paboritong pagdiriwang ng kamag-aral.ORAS: 30 minutoPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, babalikan natin ang gawain kahapon at ibabahagi natin ang ginawa ng bawat isa sa klase. Ano-ano ang mga pandiwang ginamit sa pagdiriwang? Gamitin ang mga ito sa pangungusap.2. Pagtataya a. Bigyang pagkakataon ang bawat bata na ibahagi ang ginawa nila sa klase gamit ang isa o dalawang pangungusap na may salitang kilos. Maaaring gawin ito ng magkapareha o dalawahan. b. Ipabigay kung ano ang saloobin ng kapareha ukol dito.LINGGO 26TEMA: Mga Pagdiriwang sa Ating KomunidadMGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakapagbibigay ng pagpapakahulugan sa narinig na salaysay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling katapusan o pagsasadula ng piling tagpo2. Gramatika: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap UNANG ARAWLAYUNIN: Nailalarawan ang isang karanasan ng kaklase sa isang pangungusap na may salitang kilos 16

ORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Lubi-Lubi”PAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya a. Itanong sa mga bata kung ano-ano ang kanilang hindi malilimutang karanasan (gaya ng kaarawan, Pasko, atbp). b. Himuking ibahagi nila ito sa kanilang katabi. c. Tumawag ng ilang piling bata at ipasalaysay sa kanila ang karanasang ibinahagi sa kanila ng kanilang kamag-aral. Bigyang-diin na ito ay isasalaysay na may salitang kilos.2. Tukoy Alam Itanong sa mga bata kung paano ipinagdiriwang ang pista ng kanilang pamayanan. Itala ang mga ito sa pisara.3. Tunguhin a. Ipaawit ang \"Lubi-lubi.\" (Sundin ang protocol para dito). b. Isulat sa pisara ang 12 buwan na bumubuo ng isang taon. c. Itanong sa mga bata kung ano-anong mga pagdiriwang ang ginaganap sa bawat buwan ng taon -- mga pagdiriwang sa pamayanan, sa bayan, maging sa buong mundo. d. Tumawag ng ilang piling bata na magbibigay ng mga pagdiriwang.Itala ang mga pagdiriwang sa pisara.4. Paglalahad a. Ipaawit muli ang “Lubi-lubi” sa klase. b. Hingian ng angkop na aksyon para sa bawat pagdiriwang ang ilang piling bata. c. Ipaawit ito muli habang ipinapakita ang tamang aksyon ng awit.5. Pagtuturo at Paglalarawan Tumawag ng ilang piling mga bata at tanungin sila kung ano ang paborito nilang pagdiriwang at kung paano nila ipinagdiriwang ito. IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Makabuo ng payak na pangungusap na mayroong salitang kilosORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: larawang nagpapakita ng salitang kilos, larawang kuha mula sa iba’t ibang pagdiriwang ng mga festivalsPAMAMARAAN1. Tunguhin 17

Sabihin: Ngayong araw, gagamit tayo ng mga pandiwa sa isang payak na pangungusap tungkol sa pagdiriwang na nasaksihan.2. Paglalahad Magtalakayan tungkol sa mga pagdiriwang na nasaksihan. Itala ang mga pangungusap at pandiwang binanggit ng mga mag-aaral. Itala rin ang sarili mong pangungusap.3. Pagtuturo at Paglalarawan Tumawag ng ilang mga bata at sabihin na ibigay o tukuyin nila ang mga pandiwang ginamit ng kanilang mga kamag-aral at ng guro.4. Kasanayang Pagpapayaman Tumawag ng ilang piling mga bata upang ilarawan at ikuwento ang kanilang karanasan at saloobin tungkol sa isang pagdiriwang na kanilang nadaluhan. Bigyang diin na dapat gumamit sila ng salitang kilos sa pagkukuwento. IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng mga pista sa pamayananORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: larawan ng isang piling pagdiriwang sa pamayanan (tulad ng pista ng pamayanan)PAMAMARAAN:1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, isasalaysay natin ang iba’t ibang paraan ng pagdaraos ng mga pagdiriwang sa ating pamayanan.2. Kasanayang Pagpapayaman a. Ipangkat ang klase sa sampu. Bigyan ang bawat pangkat ng puzzle na bubuuin. b. Itanong: Ano ang nabuong larawan? Magtalakayan tungkol sa mga nabuong larawan. c. Ipaulat sa mga pangkat ang kanilang maikling kuwento.3. Kasanayang Pagkabisa Magpakita ng mga larawan. Hayaang magbigay ng mga salitang maglalarawan sa ipinakita. IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Naisasadula ang mga salaysay tungkol sa pagdiriwang ng pistaORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: larawan ng iba’t ibang pagdiriwang 18

PAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, isasadula natin ang iba’t ibang pagdiriwang sa iba’t ibang lungsod.2. Kasanayang Pagpapayaman a. Hatiin ang klase sa sampung pangkat at bigyan ng takdang pagdiriwang na isasadula ang bawat pangkat. b. Bigyan ng ilang minuto para makapaghanda ang bawat pangkat para sa kanilang presentasyon. c. Maglaan ng 10 minuto para sa mga presentasyon.3. Kasanayang Pagkabisa Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang inihandang pagtatanghal. Ipalarawan sa mga nanood ang mga eksenang nasaksihan.4. Pagtataya a. Tumawag ng ilang piling bata at papiliin sila mula sa mga larawan ng mga pagdiriwang na natalakay sa klase. b. Ipaulat o ipasalaysay sa bata kung ano ang nagaganap sa larawang kaniyang napili. IKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nailalarawan ang isang karanasan ng kaklase sa isang pangungusap na may salitang kilosORAS: 30 minutoPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ilalarawan ninyo ang iba’t ibang karanasan ng inyong mga kamag-aral gamit ang mga salitang kilos.2. Pagtataya a. Tumawag ng ilang piling mga bata at ipalarawan sa kanila ang mga naging karanasan ng kanilang mga kamag-aral sa pamamagitan ng pagbuo ng isang payak na pangungusap. b. Paalalahanan ang mga bata na gumamit ng wastong salitang kilos sa kanilang mga pangungusap. c. Maaaring papuntahin ang mga piling mag-aaral sa harap para doon nila ibahagi ang kanilang pangungusap.LINGGO 27TEMA: Ang Aming Transportasyon 19

MGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya UNANG ARAWLAYUNIN: Naibabahagi sa klase ang karaniwang sinasakyan ng pamilyaORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Bangkang Papel,” bangkang papel, papel at pangkulay, malaking batya na may tubigPAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Itanong sa mga bata kung ano ang kariniwang sinasakyan ng kanilang pamilya. Halimbawa: jeep, tren, bangka, atbp.2. Tukoy Alam Itanong: Ano-ano ang iba’t ibang uri ng transportasyon sa inyong lugar?3. Tunguhin Hayaang gumawa ang mga bata ng isang bangkang papel.4. Paglalahad Ipakita sa mga bata ang bangkang papel. Talakayin ang gamit ng bangka sa mga tao. Ituro sa mga bata ang awit na “Bangkang Papel.” Pagkatapos ng ulan, paligid ay pagmasdan At sa ating bakuran, may naipong tubig ulan Tubig ulan (2x), may naipong tubig ulan... Kaya’t kumuha ng papel, itupi-tupi ito ayan bangkang papel, makakapaglaro ako! Bangkang papel (2x), gumawa tayo ng bangkang papel! Halika na, halina, palutangin na natin, Sa ibabaw ng tubig, bangka ay paglayagin May malaki, at maliit, at may pinakamalaki... Dali lakasan ang ihip, unahan, unahan tayo, talunin mo ang bangka ko, tatalunin ko ang sa’yo... Bangkang papel (2x), kay tulin, ng bangkang papel (2x) **Mula sa http://www.isp101.net/2011/04/batibot-songs-lyrics-and-video.html 20

5. Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin ang kahalagahan ng bangka sa pamumuhay at kabuhayan ng mga tao. Itanong: Ano-ano ang mga uri ng sasakyan na makikita sa sariling pamayanan? IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng sasakyanORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “ Bangkang Papel,” bangkang papelPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ating ilalarawan ang mga bangkang papel na ginawa natin.2. Paglalahad Ipaawit muli sa mga bata ang “Bangkang Papel.”3. Pagtuturo at Paglalarawan Ipalarawan sa mga bata ang sariling bangkang papel. Halimbawa: “Ito ang aking bangkang papel. Ito ay malaki at kulay pula.”4. Kasanayang Pagpapayaman Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang kanilang bangkang papel. Kung may sapat na panahon, hayaang lahat ng bata ay ilarawan ang kanilang bangkang papel. IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng mga sasakyanORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: larawan ng mga sasakyanPAMAMARAAN1. Tunguhin Itanong: Ano ang paborito mong sasakyan? O Ano ang pangarap mong sasakyan? Ilarawan ito na parang hinihimok mo ang iba na bilihin ito.2. Kasanayang Pagpapayaman Ilarawan ang iba’t ibang uri ng sasakyan. Itanong sa mga bata kung anong sasakyan ito. Isulat ang kanilang mga sagot sa pisara.3. Kasanayang Pagkabisa a. Ipakita ang iginuhit na sasakyan sa mga kaklase. 21

b. Tumawag ng ibang bata upang ilarawan ito. IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilyaORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: tsart ng awit na “Ang Jeepney ni Tatay,” larawan ng jeepney, larawan ng mga miyembro ng pamilyaPAMAMARAAN1. Tunguhin Pagbabahaginan ng karanasan tungkol sa pagsakay sa isang jeep.2. Kasanayang Pagpapayaman Ipakita sa klase ang larawan ng jeepney. Ituro ang awit na “Ang Jeepney ni Tatay.” Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong Takpan natin ng bubble gum! Itanong: Ano-anong mga pang-uri ang ginamit sa awit?3. Kasanayang Pagkabisa Ipalarawan ang jeep na inyo nang nakita at nasakyan.4. Pagtataya Magpalarawan ng iba pang jeep bukod sa inyong mga nasakyan na. IKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilyaORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: papel, lapis, at pangkulayPAMAMARAAN1. Tunguhin Magpaguhit ng ideya ng mga mag-aaral ng isang pambihirang sasakyan o jeep.2. Pagtataya Ipabahagi sa mga mag-aaral ang ginawa nila sa klase at ipalarawan ito. 22

LINGGO 28TEMA: Komunikasyon: cell phone / telepono, radyo, warning signal, telebisyon, word of mouthMGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binigbigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya UNANG ARAWLAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa kuwentong binasaORAS: 30 minutoKAGAMITAN: aklat na Si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo Alvarado (Adarna House, 2004)PAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Tanungin ang klase: Ano ang paborito mong laro sa bahay?2. Tukoy Alam Tanungin ang klase: Masaya bang maglaro ng taguan? Nakapaglaro na ba kayo ng taguan sa loob ng bahay? Sino-sino ang inyong mga kalaro sa taguan?3. Tunguhin Sabihin: Ang kuwento natin sa araw na ito ay tungkol sa isang batang mahilig magtago. Sino-sino kaya ang kaniyang mga tinataguan? (Sundin ang Reading Plan).4. Paglalahad Ikuwento sa malikhaing paraan ang Si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo Alvarado (Adarna House, 2004).5. Pagtuturo at Paglalarawan Tanungin: Sino-sino ang mga tinaguan ni Pilo? a. Kilalanin ang bawat miyembro ng pamilya ni Pilo at ang kanilang ginagampanan sa pamilya. Halimbawa: Ang kuya ni Pilo ay ang kaniyang kalaro. Magkaroon ng malawak na talakayan tungkol sa kuwento. b. Itanong: Ano-ano ang mga naganap sa kuwento? Sino-sino ang mga tinaguan ni Pilo? IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon 23

ORAS: 30 minutoPAMAMARAAN1. Tunguhin Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon sa aralin at kuwento na tinalakay kahapon.2. Paglalahad Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin kung ano-ano ang ginawa ng mga kasama ninyo sa bahay sa buong maghapon.3. Pagtuturo at Paglalarawan a. Pangunahan ang talakayan sa pagbibigay ng ulat ng mga bagay na ginawa ng mga kasama ninyo sa bahay noong nakaraang araw. (Halimbawa: Ang nanay ko ay nagpunta sa palengke upang bumili ng isda. Si kuya ay naglaro ng habulan kasama ang kaniyang mga kaibigan.) b. Bigyang pagkakataon ang bawat bata na ibahagi sa klase ang kanilang takdang aralin. Gawin itong isang laro (pass the message) na lalaruin ng sampung mag-aaral.4. Sabihin ang mga natatandaang naganap sa loob ng silid-aralan / paaralan ng nagdaang mga araw. IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nailalarawan ang pamilya sa pamamagitan ng wastong pang-uriORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: lapis, papel, at pangkulayPAMAMARAAN:1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, makikilala at mailalarawan natin ang bawat miyembro ng ating pamilya.2. Kasanayang Pagpapayaman Magpaguhit ng mga miyembro ng pamilya sa mga bata gamit ang lapis, papel, at mga pangkulay.3. Kasanayang Pagkabisa Hayaang ipakilala ng mga bata ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbahagi sa klase. Ipalarawan ang bawat miyembro ng mag-anak gamit ang wastong pang-uri.IKAAPAT NA ARAW 24

LAYUNIN: Natutukoy ang mga miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng wastong paglalarawan ng pamilyaORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: iginuhit ng mga bata noong nakaraang arawPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tayo’y maglalaro ng “Sino siya?” kung saan huhulaan ninyo ang miyembro ng inyong pamilya na ilalarawan ko.2. Kasanayang Pagpapayaman Ipakita ang larawan ng bawat kasapi ng mag-anak. Hayaang magbigay ang mga bata ng mga pang-uri na maglalarawan sa katangiang pisikal at di-pisikal ng bawat kasapi.3. Kasanayang Pagkabisa Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang mga miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng paggamit ng pang-uri.4. Pagtataya a. Ipalarawan ang isang miyembro ng pamilya at maglaro ng “pass the message.” Halimbawa: Si Nanay ay mabait. b. Bumuo ng 4-5 na pangkat. Papilahin ng tig-isang hanay ang bawat pangkat. Kailangang makarating ang mensahe sa pamamagitan ng pagbulong sa kasunod sa hanay. IKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan sa bahayORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulay, iginuhit ng mga bata noong ikatlong arawPAMAMARAAN:1. Tunguhin Sabihin: Sino ang nanonood ng balita? Ngayong araw, tayo’y magiging mga tagapag-balita.2. Pagtataya a. Bumuo ng 4-5 pangkat, ipamahagi ang kanilang iginuhit noong ikatlong araw at muling balikan ang tinalakay noong nakaraang araw tungkol sa paglalarawan ng mga miyembro ng pamilya. b. Ang bawat pangkat ay muling magkakaroon ng talakayan tungkol sa mga miyembro ng kanilang pamilya. Ang bawat isa ay mamimili ng kanilang paboritong miyembro ng pamilya at iguguhit ito. 25

c. Tawagin ang bawat pangkat upang ibalita sa klase ang kanilang natalakay. d. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit gamit ang mga wastong pang-uri.LINGGO 29TEMA : Mga Likas na Yaman sa Ating PamayananMGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng kapaligiran UNANG ARAWLAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga produktong galing sa ating kapaligiran sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan ng kapaligiran (Halimbawa: tabing-dagat, bukirin, tabing-ilog), kopya ng awiting “Tong, tong, tong, pakitong-kitong”PAMAMARAAN1. Paunang Pagtataya Sabihan ang mga bata na magbigay ng isang produktong alam nilang galing sa ating kapaligiran. Halimbawa: bigas2. Tukoy-Alam Magpakita ng mga larawan ng kapaligiran at ipalarawan ang mga ito sa mga bata gamit ang mga pang-uri.3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga produktong nakukuha sa ating kapaligiran.4. Paglalahad Ituro ang awiting “Tong, tong, tong, pakitong-kitong.” Tong, tong, tong, pakitong-kitong Alimango sa dagat Malaki at masarap Mahirap hulihin sapagkat nangangagat5. Pagtuturo at Paglalarawan Tumawag ng mga batang makapagbibigay ng mga produkto mula sa mga larawan ng kapaligiran at sa awiting natutuhan. (produktong nakukuha sa anyong tubig at anyong lupa) 26

IKALAWANG ARAWLAYUNIN: Nakapaglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: mga larawan ng iba’t ibang produkto sa kapaligiranPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, muli nating pag-uusapan ang mga produktong nakukuha sa ating kapaligiran.2. Paglalahad a. Hatiin ang klase sa sampung pangkat. b. Pagtambalin ang pangkat 1 at 2, 3 at 4, 5 at 6, 7 at 8, 9 at 10. c. Ang bawat pangkat ay magbabahagi sa kapares na pangkat tungkol sa mga produktong nakukuha mula sa kani-kanilang kapaligiran. d. Ang kapares na pangkat ay magbabahagi rin ng tungkol sa kanilang mga produkto.3. Pagtuturo at Paglalarawan a. Tawagin ang isang miyembro ng bawat pangkat upang ilahad ang kaniyang nakuhang impormasyon mula sa kapares na pangkat tungkol sa kanilang mga produkto. b. Ipaliwanag na iba’t ibang produkto ang makukuha sa ating kapaligiran.4. Kasanayang Pagpapayaman Tumawag ng mga batang maglalarawan ng mga nailahad na produkto gamit ang mga pang-uri. IKATLONG ARAWLAYUNIN: Nakapaglalarawan ng kapaligiran gamit ang mga wastong pang-uriORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: lapis, papel, at pangkulayPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, iguguhit natin ang ating kapaligiran.2. Kasanayang Pagpapayaman Magpaguhit ng kapaligiran sa mga bata gamit ang lapis, papel, at mga pangkulay. 27

3. Kasanayang Pagkabisa Ipabahagi sa mga bata ang kanilang iginuhit na kapaligiran gamit ang mga pang-uri. IKAAPAT NA ARAWLAYUNIN: Natutukoy ang mga produktong nanggaling sa kapaligiran sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: iba’t ibang larawan ng mga produktong nakukuha sa ating kapaligiranPAMAMARAAN1. Tunguhin Itanong: Saan nagmula ang lapis? lamesa? plastik?2. Kasanayang Pagpapayaman Magpapakita ng mga larawan ng produktong mula sa kapaligiran. Ipatukoy sa mga bata kung saan galing ang bawat isa.3. Kasanayang Pagkabisa Tumawag ng mga batang maglalarawan ng mga produktong ginamit sa laro gamit ang mga wastong pang-uri. Halimbawa: bangus – masarap; malinamnam4. Pagtataya a. Magkaroon muli ng isang laro. b. Pabunutin ang mga bata ng isang larawan ng produkto. c. Ipalarawan ang mabubunot na larawan gamit ang pang-uri. IKALIMANG ARAWLAYUNIN: Nakapaglalarawan ng isang produkto sa pamayanan gamit ang wastongpang-uri sa wikang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulayPAMAMARAAN1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tayo ay guguhit ng ating paboritong produkto.2. Pagtataya a. Magpaguhit sa mga bata ng kanilang paboritong produkto. b. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit gamit ang mga wastong pang-uri. c. Ipatukoy ang mga pang-uring ginamit ng bawat bata. 28

LINGGO 30TEMA: Komunikasyon – pasulat – dyaryo, pasalin-dila, liham, posters / billboards, streamersMGA LINGGUHANG LAYUNIN1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Natutukoy, nailalarawan, at nagagamit ang ilang karaniwang pasalita at di-pasalitang katangian sa isang hanay ng teksto2. Gramatika: Nailalarawan ang sarili, pamilya, at kapaligiran gamit ang mga karaniwang pang-uri UNANG ARAWLAYUNIN: Natutukoy ang mga katangian ng mga batang FilipinoORAS: 30 minutoMGA KAGAMITAN: tsart para sa awit na “Sino ang Filipino?”, mga larawan ng kapaligiranPAMAMARAAN1. Paunang Pagtaya Tumawag ng ilang piling bata at ipalarawan ang alinman sa sumusunod:  sarili (kasuotan, haba o kulay ng buhok, kulay ng balat, atbp.)  pamilya  kapaligiran2. Tukoy-Alam Magpakita ng mga larawan ng batang Filipino at ipalarawan ang mga ito sa mga bata gamit ang mga pang-uri.3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga katangian ng batang Filipino.4. Paglalahad Sino ang Pilipino (Titik ni Rene O. Villanueva, Musika ni Mike Pedro) Iparinig sa Sino ang Pilipino? mga bata Ikaw ba o ako? Ako ay maputi ang awiting “Sino ang Ika'y kayumanggi. Pilipino.” Sino ang Pilipino? Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako? Itim ang buhok ko Kulay-kalawang ang sa 'yo. 29


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook