Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Physical Education Grade 1

Physical Education Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 21:50:19

Description: Physical Education Grade 1

Search

Read the Text Version

Gawain 26 – Pasahang Bola sa Itaas at IbabaPanuto: Sa larong ito, kayo ay magpapangkat-pangkat.Makinig sa panuto ng guro. Kailangan ng bola ngbawat pangkat. Gagawa kayo ng isang hanay.Tingnan ang larawan sa ibaba. 12 34 Ang mga manlalaro ay nakatayo sa likod ng bawat isa. Ang unang manlalaro ng bawat hanay ay may hawak ng bola. Kapag narinig ang hudyat, ipapasa ng unang manlalaro sa ikalawang manlalaro ang bola. Ipapasa ito sa itaas ng ulo. 10

Ipapasa naman ng ikalawang manlalaro ang bola sa ikatlong manlalaro. Ipapasa ito sa ibaba, sa pagitan ng dalawang hita. Ipapasa naman ng ikatlong manlalaro sa susunod na manlalaro sa itaas ng ulo. Samakatuwid, halinhinan ang paraan ng pagpapasa. Hahawakan ng huling manlalaro ang bola sa itaas ng kanyang ulo upang ipakitang tapos nila ang laro. Gawain 27 – Lumukso sa Patpat at Hula HoopPanuto : Kumuha ng kapareha. Tumayo nangmagkatabi at gawin ang sumusunod na gawain.Tingnan ang larawan sa ibaba. 11

Hawakan ang kamay ng kapareha. Sabay na lumukso nang pasulong at paatras sa unang patpat. Muling lumukso pasulong sa una at ikalawang patpat. Pagkatapos, lumukso nang paurong sa ikalawang patpat. Lumukso sa loob ng hula hoop, bitawan ang kamay ng kapareha at umikot paharap sa simulang guhit. Pulutin ang hula hoop at sabay na lumabas sa loob nito. Lumukso pabalik sa una at ikalawang patpat hanggang makarating sa simulang guhit.Ilang beses kayong lumukso ng iyong kapareha? ___Naisagawa ba ninyo nang sabay ang gawain? ____ Gawain 28 – Mga Gawaing Gumagamit ng Laso at LoboPanuto:Gawing Mag-isa:1. Lumikha ng iba’t ibang hugis gamit ang laso. Gamitin ang mabagal at mabilis na galaw ng braso sa paglikha ng iba’t ibang hugis. 8 12

Gawin nang may kapareha :1. Hawakan ang lobo ng dalawang kamay. Magkahiwalay ang mga paa.2. Ipasa ito paitaas sa iyong kapareha. Ganoon din ang gagawin ng iyong kapareha.Ibang paraan: ipasa ito gamit ang siko-sa-siko;tuhod-sa-tuhod; ulo-sa-uloNagawa mo ba ito? ___Oo ___HindiNasiyahan ka ba sa gawain? ___ Oo ___Hindi Aralin 8 – Mga Larong may AwitAnong laro ang pinakagusto ninyongmagkakaibigan? Naaalala mo ba ang mga awit namay kilos o action song na inyong kinagigiliwan?Ano namang laro na may bilang o number gamesang gusto ninyo? 13

Ang larong “Sino ang Ibong Dumapo sa Sanga”ay masayang laro . Maari mo itong laruin satahanan kasama ng pamilya o sa paaralan. Bagomagsimula ang laro, bibigyan ng bilang ang bawatmanlalaro ng ayon sa pagkakasunod-sunod nito.Tatayo nang pabilog ang mga manlalaro. Gawain 29 - “Sino ang Ibong Dumapo sa Sanga?”Panuto: Pag-aralan ang hakbang sa paglalaro.Ang guro o lider ang magsisimula ng laro. Gagawasiya ng kilos at tunog na may ritmo, halimbawa,pagpalakpak at pagtapik sa hita. Mabagal lamangsa simula, sasabihin ng guro o lider, ”Sino ang ibongdumapo sa sanga?”Sasabihin ng guro na si Ibon 1 ang dumapo sasanga.Sasagot ang batang si Ibon 1 “Sino? Ako ba ?Ang lahat ng manlalaro ay sasagot nang sabay-sabay, “Oo ikaw nga.”Sasagot ang batang si Ibon 1, “Pero, hindi ako.”Sasagot nang sabay-sabay ang manlalaro ”Kunghindi ikaw, sino?”Muling sasagot si Ibon 1, ”Si Ibon 2 ang dumapo sasanga.”Ituloy ang pagsasagawa ng laro hanggang samakapagsalita ang lahat ng manlalaro. 14

Layunin ng larong ito na magkaroon ng patuloy naritmo o tuloy-tuloy na pagsasalita ang mgamanlalaro.Subukin MoNasiyahan ka ba sa laro? Iguhit ang iyongdamdamin sa loob ng parihabang kahon. Gawain 30 - Sawsaw Suka Mahuli TayaPanuto: Makilahok sa larong ito upang masubukankung gaano ka kabilis tumugon.Sawsaw Suka Mahuli Taya 15

Binubuo ang laro ng isang ”taya” at mga manlalaro.Sabay-sabay silang aawit ng, “sawsaw suka mahulitaya.” Habang nakabukas ang isang palad ng tayaat nakasawsaw ang mga hintuturo ng mgamanlalaro. Pagkatapos ng awit, isasara ng taya angkanyang palad upang makahuli ng mga daliringnakasawsaw dito. Ang mahuling daliri ang susunodna magiging “taya.” Gawain 31 – Pagsukat sa KaalamanKulayan ang kahon ng berde kung ikaw ay sang-ayon at pula kung di sang-ayon. Nagtago ang bata sa ilalim ng mesa. Sa babala sa trapiko, ang ibig sabihin ng pula ay “GO.” Ang “Sawsaw Suka Mahuli Taya” ay sumusukat ng iyong kaalaman. 16


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook