!… Pagkilos • Sinalakay ang mga nag-aalsang Pilipino ng 50 Espanyol atEpekto isang libong alyadong Pilipino sa unang araw ng 1622. Inatake ng 1,500 na rebelde ang puwersang Espanyol ngunit sinagot ito ng mga superyor na armas ng mga Espanyol. • Tumakbo sa bundok ang mga nag-aalsa at dito nakita ng mga Kastila ang isang pamayanan, templo ng mga diwata, maraming pagkain at alahas na gawa sa ginto at pilak. Nasupil ang pag-aalsa. • Binitay ang ilang rebelde at pinatawad ang iba. • Nasupil ang pag-aalsa sa mga karatig na nayon at isla. Iginiit ng Espanya ang kanyang kapangyarihan. • Ang mga nakatakas ay nanatili sa bundok.Gawain 2. Pag-aalsa ni Maniago, 1660Pagsusuri ng sipi mula kay Casimiro Diaz ukol sa pag-aalsa ni ManiagoKonteksto Naganap ang pag-aalsa sa Pampanga noong Oktubre 1660.Aktor Mahalaga ang papel ng Pampanga sa kalakalan sa pagitan ngSanhi Maynila at Pampanga.Pagkilos Si Francisco Maniago na tubo ng Mexico, Pampanga, na siyangEpekto pinuno ng lugar at kinatawan ng hari ng Espanya, ang lider ng pag-aalsa. Kasama niya ang kanyang mga kababayan. • Nag-alsa ang mga naglalagari ng kahoy dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila. Halimbawa, hindi sila binabayaran ng sahod. • Samakatuwid, ang sanhi ng pag-aalsa ay ang polo. • Sinunog ng mga rebelde ang kanilang mga tirahan at hinarang ang daloy ng ilog upang pigilan ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Pampanga. • Sumulat sila sa mga lalawigan ng Pangasinan at Ilocos upang hikayatin ang mga ito na mag-alsa laban sa Espanya at patayin ang mga Espanyol sa kani-kanilang mga lalawigan. • Humiling ng amnestiya ang mga nag-alsa sa pamamagitan ni Padre Andres de Salazar. Ibinigay ni Gobernador-Heneral Manrique de Lara ang amnestiya at nag-alok ng bahagi ng bayad na hinihingi ng mga rebelde. • Ngunit noong isinalin sa wikang katutubo ang amnestiya ay ibinaliktad ang mga salita at binago ang nilalaman; kaya’t nag- alsa muli ang mga rebelde.! 48
!Gawain 3. Mga Pag-aalsang Agraryo sa mga Tagalog naProbinsya, 1745 Pagsusuri ng sipi mula kina Pedro Calderon Enriquez, 1739; Juan de laConcepcion, 1788-1792; at Haring Felipe V, 1751Konteksto Naganap ang pag-aalsa sa mga Tagalog na probinsiya noong 1745.Aktor Sa mga lalawigang ito, malalaki ang lupaing pag-aari ng mgaSanhi prayleng Espanyol, kung saan ipinagbayad ang mga magsasaka ngPagkilos renta hindi lamang para sa lupang sinasaka kundi pati na rin saEpekto lupang kinatatayuan ng kanilang bahay. Sa panig ng Espanya, mga prayleng Hesuwita, Dominikano, at Agostino Sa panig ng mga Pilipino, ang mga magsasaka sa lupain ng mga prayle sa Parañaque, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna at ibang Tagalog na lugar • Pagkamkam ng mga relihiyoso ng lupa ng mga katutubo • Pagbawal sa mga magsasaka na kumuha ng kahoy, prutas at iba pang pangangailangan sa mga burol, gubat, at ilog dahil itinuring ang mga ito na pag-aari ng mga prayle; o ang pagsingil sa pagkuha ng mga pangangailangan • Pagbawal sa paggamit ng lupa at burol para sa pastulan • Lumaban ang mga magsasaka ng Batangas, Cavite at iba pang probinsiyang Tagalog kung saan hawak ng mga prayle ang malalaking lupa. • Sa Batangas, sinunog ang mga bahay ng Heswita at ibang mga gusali. • Kumalat ang pag-aalsa sa ibang bayan. Inutos ng gobyerno (hari) ang sumusunod: • Pagtigil sa pagbabayad ng mga magsasaka ng di makatarungang buwis • Pagbalik ng titulo ng mga lupang kinamkam ng mga prayle • Pagbigay sa mga magsasaka ng mga lupang kinamkam ng mga relihiyoso • Deklarasyon ng ilang lupain bilang pag-aari ng hari • Imbestigasyon ng mga anomalyang may kaugnayan sa pagsukat ng lupa sa Laguna na pag-aari ng mga prayleng Dominikano! 49
!Pagtataya Sabihin sa klase na pagbalik-aralan ang mga sipi at tsart sa tatlonggawain upang sagutin ang matrix sa ibaba na nagsisilbing buod ng modyul.1. Mga sanhi ng pag-aalsa laban sa 2. Bakit hindi nagtagumpay ang mgaEspanya pag-aalsaa. Mithiing bumalik sa relihiyon ng a. Paggamit ng mga Pilipino laban sa mga ninuno kapwa Pilipino upang supilin ang pag-aalsab. Pagtutol sa sapilitang pagtrabaho o polo b. Superyor na armas ng mga Espanyol (halimbawa, mga riple laban sa mgac. Pagkamkam ng mga relihiyoso ng sibat at itak ng mga Pilipino) mga lupang pag-aari ng mga katutubo at pagbawal sa pagkuha c. Paggamit ng mga relihiyoso bilang ng mga yamang gubat tulad ng tagapamagitan ng mga katutubo at kahoy, rattan, kawayan, prutas, at pamahalaang Kastila yamang ilog d. Kawalan ng kamalayang Pilipino,d. Pagbawal na magpastol sa mga kaya hiwa-hiwalay ang pag-aalsa at burol naging madaling supilinKaugnayan sa Kasunod na Modyul Mahalaga ang mga pagtutol ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraangpananakop, ngunit hindi pa nahuhubog ang kamalayang kumikilala sakahalagahan ng pagsasarili. Sa mga susunod na modyul, aaralin ang pagbuo ngkamalayang ito.! 50
!Markahan 2 Pagsibol ng Kamalayang PilipinoGabay ng Guro 2 Iba-Ibang Mukha ng ProgresoGawain 1. Ang ideya ng progreso sa kasalukuyan 2. Pagsuri sa mga ideya ng progreso sa siglo 19Oras 3. Tatlong mukha ng progreso: Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco, at Juan Luna Pito (7) GABAY NG GUROGamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.Layunin, Tema at Kakayahan Layunin ng modyul na maunawaan ang mga ideya ng progreso o pag-unlad mula sa iba’t ibang pananaw—ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba—base sa mga nakasulat at biswal na sanggunian. Bibigyang interpretasyon angmga pananaw nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna, atilalahad ang mga ito sa isang talumpati matapos suriin ang kanilang mga akda.Itong mga paksa ay kaugnay sa sumusunod na tema ng Araling Panlipunan. • Tao, Lipunan at Kapaligiran • Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago • Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal • Produksyon, Distribusyon at PagkonsumoSa pamamagitan ng mga gawain, sasanayin ang mga kakayahan sa ibaba.Pamantayan sa Pagganap Kakayahan• Nakauunawa ng iba- • Nabibigyang kahulugan ang ideya ng progresoibang konsepto ng mula sa iba’t ibang panahonprogreso sa ika-19 na • Naipaliliwanag ang pananaw ng bawat may-akda siglo ng sanggunian tungkol sa progreso • Naipaliliwanag kung bakit iba-iba ang kanilang• Nakasusuri ng mgapasulat at biswal na pagtinginprimaryang sanggunian • Naisasaayos ang kanilang mga ideya sa concept map at iba pang graphic organizer • Nakasasagot ng tanong tungkol sa iba-ibang pananaw • Naihahayag at naipaliliwanag sa maayos at kaakit-akit na talumpati ang mga pananaw na ito base sa interpretasyon ng kanilang mga nilikha.! 51
!Pamantayan sa Pagganap Kakayahan• Nakapaghahambing ng • Nakababasa sa mapanuring pamamaraan upang iba-ibang pananaw maunawaan ang historikal na konteksto ng sanggunian at ang motibo at pananaw ng may-• Nakauunawa sakonsepto ng pananatili akdaat pagbabago • Nakikilala ang historikal na perspektibo ng awtor o manlilikha • Nakatataya ng impormasyon sa pamamagitan ng pagkilala sa punto de bista ng awtor/manlilikha • Nakakukuha ng datos mula sa iba’t ibang primaryang sanggunian • Nakahihinuha mula sa datos o ebidensya • Nakagagawa ng buod ng impormasyon sa sariling salita • Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto • Nakapaghahambing ng impormasyon mula sa mga sanggunian at nakikilala ang mga punto ng pagkakasundo at di pagkakasundo • Nasusuportahan ang sariling interpretasyon base sa impomasyong nakuha at nahinuha • Nakabubuo ng konklusyon base sa interpretasyon ng impormasyon • Nakasasagot ng tanong base sa angkop at sapat na ebidensya • Naipaliliwanag ang kahulugan ng progreso sa kasalukuyang panahon • Naihahambing ang kahulugang ito sa kahulugan noong ika-19 na siglo • Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba sa konsepto ng progreso noon at ngayon • Nakauunawa ng kahalagahan ng historikal konteksto at personal na background ng may- akda sa paghubog ng kanyang pananaw tungkol sa progreso • Nakapagpapakita ng pantay na pakikitungo at paggalang sa mga may ibang pag-iisip kahit hindi ito sumasang-ayon sa sariling ideya, posisyon o pagtingin! 52
!Gawain 1. Ang Ideya ng Progreso sa KasalukuyanMga halimbawa ng progreso• Grupo 1: Progreso sa bahay • Grupo 4: Progreso sa bansang• Grupo 2: Progreso sa paaralan Pilipinas• Grupo 3: Progreso sa probinsya • Grupo 5: Progreso sa mundoGrupo 1: Progreso sa bahay Tanda ng Progreso PakinabangMas malaking Mas madalingbahay para sa gawin ang mga trabaho sa bahay pamilya dahil may lugar naMga appliance at PROGRESO Gagaan at bibilis iba pang mga ang gawaing gadget bahay Pagpasok ng Makakukuha ng isang kapatid sa trabaho matapos ng pag-aaral at mataas na makatutulong sa paaralan o sarili at sa kolehiyo pamilya! 53
Grupo 2: Progreso sa paaralan ! Tanda ng Progreso Pakinabang Malaking silid- Lalawak ang aklatan na may pagkatuto ng mga maraming libro mag-aaralComputer sa mga Dadali ang silid-aralan proseso ng pag- PROGRESO aaral; mas maramingInternet na magagawa pasilidad Magkakaroon ng isa pang paraan ng pagkatuto at bibilis ang komunikasyon! 54
Grupo 3: Progreso sa probinsiya ! Tanda ng Progreso Pakinabang Mga daan at tulay Magiging mas mabilis ang biyahe, mararating ang iba pang lugar, at menos sa orasModernong Gaganda ang ospital kalusugan ng mamamayan at PROGRESO komunidadIndustriya at Magkakaroon ng pagawaan trabaho ang mga tao sa lugar! 55
Grupo 4: Progreso sa bansa ! Tanda ng Progreso Pakinabang Industriya sa bawat lalawigan Trabaho para sa lahat at pag-ahon sa kahirapan Sapat na paara PROGRESO Pantay-pantay na an at kl lasrum oportunidad parapara sa lahat ng matuto, bata makakuha ng trabaho, magingMabisa at malinis produktibo sana pamamalakad buhay, at sa gobyerno tumulong sa kapwa Kontentong mamamayan, katahimikan sa lipunan, pagtugon sa mga problema at pangangailangan ng tao! 56
Grupo 5: Progreso sa mundo ! Tanda ng Progreso Pakinabang Social networking Mas madali at tulad ng mabilis na Facebook at komunikasyon; Twitter pagkakaroon ng mga kaibigan saPagsulong ng PROGRESO agham at ibang bansa; medisina paglalahok sa mga kampanya para sa kalikasan at iba pa Paglunas sa malulubhang sakit katulad ng kanser; mas mahabang buhayPagkalat ng Paghanap ng kaalaman solusyon sa iba’t ibang suliranin; mas aktibo at responsableng mga mamamayan at lipunan! 57
!Gawain 2. Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 191. Grupo 1: Sinibaldo de Mas Tungkol sa Mga Rekomendasyon Impormasyong Nahinuhaa. Edukasyon • Limitahan ang edukasyon • Ang paaralan sa bawat sa primaryang paaralan bayan ay nasa kung saan ituturo ang 3R pamamalakad ng upang manatiling mas prayle. mababa ang mga Pilipino • Limitado ang kaysa sa mga Espanyol. edukasyon ng • Ang mga kolehiyo sa kababaihan. Maynila—na para lang sa • Ang hindi pagturo ng lalaki—ay dapat isara. wikang Espanyol ay • Huwag ituro sa mga isang instrumento Pilipino ang wikang Kastila upang makontrol ang dahil maaaring gamitin ito mga Pilipino. upang hamunin o kalabanin ang mga prayle at alkalde.b. Pamamahala ng • Dapat may prayleng • Ang parokya ay Espanyol sa bawat bayan. basehan ngmga parokya o Huwag ibigay ang mga kapangyarihan ng parokya sa mga paring prayle.simbahan • Pilipino. • Mababa ang pagtingin ng mga prayle sa mga paring Pilipino.c. Pananamit ng • Dapat magkaiba ang • Kamiseta at salakot mga Espanyol pananamit ng mga ang karaniwang suot at Pilipino Espanyol sa damit ng ng mga Pilipino. mga Pilipino at mestizo. • Bihirang gumamit ng • Ang mga hepeng Pilipino kerchief (panyong lamang ay maaaring itinatali sa leeg) ang gumamit ng coat mga Pilipino. (amerikana). • Pati ang pananamit ay naging tanda ng pagkakaiba at diskriminasyon laban sa mga Pilipino.! 58
!d. Pagtrato ng • Ang purong Espanyol • Ang Pilipino ay itinuring mga Pilipino at Espanyol sa lamang ang dapat ituring na mababang uri ng isa’t isa na marangal. tao at hindi dapat • Dapat tumigil sa anumang itratong kapantay ng gawain ang Pilipino o Espanyol. mestizo kapag makita ang • Ang di pagkapantay- isang Espanyol (maliban pantay ng Pilipino’t sa Maynila). Espanyol ay isang • Kung nakaupo ang matingkad na katangian Pilipino, dapat siyang ng kolonyalismo. tumayo kapag dadaan sa harap niya o kakausapin siya ng isang Kastila. • Hindi dapat payagang umupo ang Pilipino o mestizo sa bahay ng isang Espanyol at lalong hindi dapat makikain sa mga ito. • Kung may Pilipinong lalaban sa isang Kastila, kahit upang ipagtanggol ang sarili, dapat siyang parusahan. Buong buhay siya dapat magtrabaho sa gawaing pampubliko.e. Ano ang inaasahang epekto ng kanyang mga rekomendasyon? na• Lalakas ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas at patuloy at mangingibabaw ang mga prayle at opisyal na Kastila.• Mananatili ang mga Pilipino sa mababang antas ng kabuhayan kakayahang intelektuwal.f. Ano ang pangkalahatang pananaw ni Sinibaldo de Mas tungkol sa progreso?• Para kay Sinibaldo de Mas, ang progreso ay ang patuloy na pagkontrol ng mga Espanyol sa halos lahat na aspeto ng buhay ng mga Pilipino upang manatili ang Pilipinas bilang kolonya ng Espanya. Sa ganitong paraan lamang uunlad ang Pilipinas.! 59
!2. Grupo 2: Gregorio Sancianco Tungkol sa Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa sangguniana. Mga balakid sa Hindi pinagtuunan ng pansin ang mga gawaing pang- pagsulong ng agrikultura. Halimbawa: agrikultura • Maraming restriksyon sa pagbenta at pagkalat ngb. Epekto ng mga mga produkto. balakid na ito sa • Wala o kulang ang kalye o daan mula sa bukid kalagayan ng ekonomiya patungo sa palengke. • Hindi sapat ang presyo sa palengke upang mabawic. Mga dapat gawin upang lutasin ang ng magsasaka ang kanyang gastos. mga problema sa • Nakasama sa magsasaka ang monopolyo sa tabako ekonomiya dahil sapilitan itong ipinatanim at ang presyo ay itinakda pa ng gobyerno. • Kung mayroon mang labis na ani, mababa ang presyo nito sa palengke kung ikumpara sa Maynila. • Hindi makatrabaho nang masigasig ang magsasaka dahil sa kawalan ng insentibo o tulong mula sa gobyerno at dahil sa iba’t ibang restriksyon sa kalakalan. • Naghirap ang mga Pilipino. • Alisin ang mga limitasyon sa pangangalakal ng mga produkto. • Gumawa ng daan mula sa bukid patungo sa palengke. • Itigil ang monopolyo sa tabako o ayusin ang mga tuntunin nito.d. Ano ang pananaw ni Sancianco tungkol sa progreso?• Para kay Sancianco, ang progreso ay ang pag-unlad ng mga Pilipino sa kanilang kabuhayan. Mangyayari ito kung makaaani nang sapat, maging maayos at mas madali ang pagbenta ng ani sa palengke, at payagan ang malayang pangangalakal ng mga produkto sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas.e. Ano ang inaasahang resulta sa ekonomiya ng Pilipinas at sa buhay ng mga Pilipino kapag naisagawa ang mga hakbang na sinabi ni Sancianco?• Gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas at aangat ang buhay ng mga Pilipino. Ito ay dahil lalakas ang kalakalan, tataas ang presyo ng bentahan ng ani sa palengke, at mahihikayat ang magsasaka na pataasin ang produksyon.! 60
!3. Grupo 3: Juan Lunaa. Sino sa inyong • Babae sa kaliwa: Espanya, dahil maputi at palagay ang matangkad, kanluranin ang damit at ayos ng kinakatawan ng buhok, at inaakay niya ang babae sa kanan babae sa kaliwa at (Pilipinas) babae sa kanan? Bakit? • Babae sa kanan: Pilipinas, dahil nakasuot ng baro’t saya, kayumanggi ang balat, mas mababab. Bakit inaakay ang kaysa sa babae sa kaliwa, at ginagabayan siya babaeng nasa ng babae sa kaliwa (Espanya) kanan? Ano ang kahulugan nito? • Batay sa pamagat ng kwadro na España Y Filipinas (“Espanya at Pilipinas”), masasabingc. Ano sa inyong tingin kinakatawan ng dalawang babae ang dalawang ang itinuturo ng bansa. babae sa kaliwa? • Inaakay ang babae sa kanan (Pilipinas) upangd. Ano ang kahulugan gabayan siya ng babae sa kaliwa (Espanya). ng hagdan? • Nangangahulugan itong ginagabayan ng Espanyae. Ano kaya ang ibig ang Pilipinas. sabihin ng mga bulaklak sa hagdan? Itinuturo ng babae sa kaliwa (Espanya) ang liwanag o simbolo ng progreso na nasa kanilang harapan.f. Paano makakamit ang progreso sa Ang hagdan ay antas ng pag-unlad o progreso. Nasa punto de bista ni unang hagdan lang ang Pilipinas; malayo pa siya sa Luna? itinuturong liwanag o progreso. Maaaring simbolo ito ng pagkakaibigan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at ng katahimikan ng panahon. Naniniwala si Luna na ang progreso ay ipagkakaloob ng Espanya sa Pilipinas. Kung susunod ang Pilipinas sa mga pagbabagong nagaganap sa Espanya, uunlad din ito katulad ng Espanya.! 61
!Gawain 3. Tatlong Mukha ng Progreso: Sinibaldo de Mas,Gregorio Sancianco, at Juan LunaRubric sa pagtataya ng talumpati Mahusay Sapat Kaunti Kulang 9-10 7-8 5-6 0-4 na puntos puntos puntos puntosNaunawaan at nagamit nang wasto satalumpati ang kahulugan ng progresoayon sa tao na kinakatawanNaipakita sa talumpati ang mgabalakid at paraan patungo sakaunlaran ayon sa iniatas na puntode bistaNaisulat ang talumpati sa isangkaakit-akit na paraan at gumamit ngmga batayang tuntunin ng epektibongkomunikasyonPagtataya Ipagawa sa mga estudyante ang buod ng mga ideya ng progreso ninaSinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna. Dapat nilang gamitin angsarili nilang salita sa pagsagot ng tsart sa ibaba.1. Ano ang progreso para kaya. Sinibaldo de Mas b. Gregorio Sancianco c. Juan Luna Ang progreso ayAng progreso ay ang Ang progreso ay ang liwanag na maaaring mangahulugan napatuloy na pagkontrol ng pag-unlad ng mga Pilipino kaalaman, kalayaan at mga bagong ideya atmga Espanyol sa halos sa kanilang kabuhayan, pamamaraan.lahat na aspeto ng buhay sa agrikultura atng mga Pilipino upang kalakalan upangmanatili ang Pilipinas guminhawa ang buhay ngbilang kolonya ng Espanya. mga Pilipino.! 62
!2. Paano makakamit ang kaunlaran ng Pilipinas?a. Sinibaldo de Mas b. Gregorio Sancianco c. Juan Luna Uunlad ang PilipinasUunlad ang Pilipinas kung Mangyayari ito kung kungmananatili • makaaani nang sapat; • matatamasa niya• ang kontrol ng mga • may maayos at mas ang mga prayle; madaling paraan ng pagbabagong• ang di pagkakapantay- pagtinda ng ani sa nagaganap sa Espanya; atpantay na ugnayan ng palengke, at • magkasama ang Pilipinas at Espanyamga Pilipino at • papayagan ang patungo saEspanyol; at malayang pagbenta ng progreso.• ang limitadong mga produkto sa iba- edukasyon ng mga ibang bahagi ngPilipino. Pilipinas.Kaugnayan sa Kasunod na Modyul Ang mga repormang hinangad nina Sancianco at Luna ay naging bahaging kilusang reporma ng mga Pilipino sa Espanya. Sa pamamagitan ng pagsulat,inihayag ng mga propagandista ang mga repormang makatutulong sa pagsulongng Pilipinas. Tatalakayin ang mga repormang ito sa susunod na modyul.! 63
!Markahan 2 Pagsibol ng Kamalayang PilipinoGabay ng Guro 3 Kilusang PropagandaGawain 1. Mga repormista at kanilang adhikain 2. Mga problema ng kolonya ayon sa propagandistaBilang ng oras 3. Sariling dyaryong pampropaganda Pito (7) GABAY NG GURO Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.Layunin, Tema at KakayahanNilalayong ipakilala ng modyul ang sumusunod: 1. Mga repormista (na tinawag na ilustrado) at ang kanilang simulain 2. Mga problema ng kolonya sa siglo 19 ayon sa pananaw ng mga repormista (na ang tawag din ay propagandista) 3. Layunin at pamamaraan ng Kilusang Propaganda 4. Papel at kahalagahan ng kilusan sa paghubog ng kamalayang Pilipino Kaugnay ang nilalaman ng modyul sa sumusunod na tema ng AralingPanlipunan. • Tao, Lipunan at Kapaligiran • Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago • Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa • Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan • Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal Sa pag-aaral ng mga paksa at tema, sa pamamagitan ng iba’t ibang sipi,matututunan ng mag-aaral ang mga kakayahan sa ibaba.Pamantayan sa Pagganap Kakayahan• Nakauunawa ng • Nabibigyang kahulugan ang salitang ilustradokonsepto at layunin • Nakatutukoy ng mga ilustrado na kasapi ngng reporma sa ika-19 Kilusang Propagandana siglo • Nabibigyan ng historikal na konteksto ang pagkakatatag at simulain ng Kilusang Propaganda! 64
! Pamantayan sa Kakayahan Pagganap • Nakasasabi at nakauunawa ng mga layunin at• Naipaliliwanag ang adhikain ng Kilusang Propaganda layunin, tunguhin at paraan ng Kilusang • Naipaliliwanag ang mga repormang hiniling ng Propaganda mga repormista• Nakauunawa ng mga • Nakauunawa ng papel ng mga propagandista sa problema ng siglo 19 pagmumulat sa mga Pilipino noong siglo 19• Nakapag-uugnay ng • Naipaliliwanag sa sariling salita ang mga suliranin mga problema noon ng siglo 19 at mungkahing reporma sa sa kasalukuyan pamamagitan ng sariling dyaryo• Nakagagawa ng • Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga problemang sariling dyaryo bilang ito at ang kanilang epekto sa mga Pilipino aplikasyon ng mga natutunan sa modyul • Nakapagtataya ng papel ng mga propagandista sa pagmumulat sa mga Pilipino noong siglo 19 • Mapanuring nakababasa ng satiriko at sipi ng mga sanaysay • Nakapagsusuri ng mga sipi at nakasasagot ng tanong tungkol sa punto de bista at nilalaman ng mga ito Naihahayag ang personal na saloobin tungkol sa sinasaad ng mga manunulatGawain 1. Pagpapakilala sa mga Repormista at KilusangPropaganda 1. Halaga o gamit ng dyaryo (lokal o pahayagan ng paaralan) sapang-araw-araw na buhay! • Ginagamit ang dyaryo bilang pinagmulan ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa bayan at sa komunidad sa iba- ibang larangan ng buhay katulad ng pulitika, ekonomiya, kultura, at libangan. • Makukuha rin sa dyaryo ang opinyon ng mga kolumnista at mambabasa tungkol sa mahahalagang isyu. • Sa pagbabasa ng dyaryo, nagiging bahagi ng bayan at komunidad ang mambabasa dahil nalalaman niya ang nangyayari at sa ganitong paraan ay nakikiisa siya sa mga isyu o suliraning hinaharap at maaari rin maging bahagi ng solusyon.! 65
!2. Sipi mula sa La Solidaridad, 1889: batayang impomasyon Tanong Bahagi ng Petisyong Binilugan o Kinulayana. Sino ang sinulatan ng liham- Unang linya ng petisyon (Ministro ng Kolonya) petisyon? Mga pangalan sa huling talata ng petisyonb. Sino ang mga pumirma sa (Miguel Morayta, Galicano Apacible atbp.) Unang talata ng liham (mga Pilipino at liham-petisyon? Espanyol sa Espanya)c. Ano ang mga nasyonalidad Ikatlong talata (representasyon sa Cortes, pagtigil sa pagbawal ng pahayagan at mga ng mga pumirma? publikasyon, at pagtigil sa pagtapon ngd. Ano ang hiningi ng mga mamamayan) Ikalawang talata (sa pagsulong ng Pilipinas pumirma sa petisyon? ay naging kapantay na siya ng ibang mga probinsiya ng Espanya)e. Ano ang ginamit na batayan ng mga nagpetisyon para isulong ang kanilang hinihiling?3. Sipi mula sa La Solidaridad, 1889: pagsuri ng nilalamana. Bakit sumulat sa Ministro Sa tingin ng mga sumulat, hindi sila papansinin ng ng Kolonya sa Espanya pamahalaan sa Maynila, kung kaya sa Ministro at hindi sa opisyal na mismo sila nagpetisyon. Inakala nilang mas nasa Pilipinas? pakikinggan sila kung ang kinatawan ng Hari sa Espanya mismo ang kanilang susulatan.b. Ano kaya ang impact ng Maaaring mas makikinig ang opisyal ng Espanya sulat kung may mga kung makita niyang may kapwa Espanyol na Espanyol ding pumirma nakikisimpatya sa petisyon. sa hinihinging pagbabago? a. Magiging pantay ang karapatan ng mga Pilipino at mga Espanyol.c. Anong mga benepisyo ang makukuha ng b. Sa pamamagitan ng kinatawan sa Cortes, Pilipinas sa mga makalalahok ang Pilipinas sa pagbuo ng batas repormang hiningi sa na makaaapekto sa kanya. petisyon? c. Maihahayag nang malaya ang mga problema at perspektibo ng mga Pilipino nang walang takot na huhulihin o itatapon sila sa ibang lugar.! 66
!Gawain 2. Mga Problema ng Kolonya ayon sa Propagandista1. Grupo 1 at 2: sipi mula kay Marcelo H. del Pilar a. Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa Monarchism in the PhilippinesTalata Gabay na Tanong Sagot 1 a. Aling salita ang nagsasaad “the friar handles the Filipino as he pleases”2 at 3 ng lawak ng kontrol ng mga 4 prayle sa mga Pilipino? Hinayaan ng gobyerno sa mga prayle b. Anong aspeto ang hinayaan ang mga paaralan o ang edukasyon ng gobyerno na at pag-aaral ng mga Pilipino. impluwensyahan ng mga pari? Ginamit ng mga prayle ang mga c. Ano ang ginamit na dahilan sagradong turo at ritwal ng Simbahan ng mga prayle para (halimbawa, sa paglibing). mangolekta ng pera sa mga Pilipino? Nasabing hindi makatarungan ang d. Bakit nasabing di pangongolekta dahil kahit ang mga makatarungan ang ginawang namatayan at gipit sa pera ay pinilit pangongolekta? magbayad para malibing ang namatay. e. Bakit magiging walang silbi Hindi nirereklamo sa korte ang mga kung ireklamo man sa korte prayle dahil malakas ang ang di makatarungang impluwensiya ng mga ito sa pangongolekta? pamahalaan at lipunan.2. Mula sa “Aba Ginoog Barya” ni M. H. del Pilar• Anong pagmamalabis ng • Ang pagmamalabis ng prayle ay angprayle ang inilantad sa sipi? sobrang pagkuha ng pera mula sa tao.Tukuyin ang mga salita sa • Makikita ito sa mga salitang “aba, ginoong‘dasal’ na nagpapahiwatig ng barya,” “nakakapuno ng alkansya,” “kabanpagmamalabis. mong mapusok,” at “santa barya.”• Para kanino, sa tingin ninyo, Ang ‘dasal’ ay para sa karaniwang tao dahilang ‘dasal’ na ito? Sino ang isinulat ito sa Pilipino (at hindi sa Espanyol) atkausap ni del Pilar? Bakit sa anyo ng isang dasal na kilala ng marami.mo sinabi ito?• Mabisa kaya ang paggamit Mabisa ang paggamit ng satiriko dahil katawa-ng satiriko? Bakit o bakit tawa ito ngunit may sinasabi. Kahithindi? ordinaryong tao ay makakaunawa nito.! 67
!3. Grupo 3 at 4: sipi mula kay Graciano Lopez-Jaena Aspeto Anong problema ang nakita saa. Pagtupad ng mga • Naging pabaya ang mga opisyal sa pagtupad ng opisyal sa kanilang kanilang tungkulin, o hindi nila alam kung paano tungkulin tugunan ang mga problema. • Walang oras ang gobernador-heneral para sa pamamahala ng kolonya.b. Kasanayan ng mga Hindi karapat-dapat sa posisyon o may kakulanganempleyado ng gobyero sa kasanayan ang mga empleyado ng pamahalaan.c. Pagpapalit ng mga Nagdulot ito ng korupsyon at pagkalito. Marahil ay opisyal at empleyado hindi natapos o nasundan ang mga proyektong nasimulan.d. Pagtupad sa batas Hindi ipinatupad ang batas sa pag-empleyo ng mga tungkol sa pag-empleyo Pilipino sa serbisyong sibil. ng mga Pilipino sa pamahalaan Walang pagbabago o pag-asenso sa pamumuhay ng mga Pilipino.e. Kalagayan ng Pilipinas sa pangkalahatanf. Sa tingin ninyo, Opo, mayroon pang problemang nananatili mayroon pa bang hanggang ngayon, katulad ng sumusunod. problema sa itaas na • Nakikita pa ang korupsyon sa pamahalaan at nananatili pa rin ngayon? Aling maging sa ibang aspeto ng buhay. • May mga opisyal at empleyado ng pamahalaan problema? Magbigay ng halimbawa. na walang sapat na kasanayan sa kanilang posisyon. • May mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na naging pabaya sa kanilang tungkulin. • May mga bahagi pa rin ng bansa na halos hindi umaasenso ang kanilang kalagayan.! 68
!3. Grupo 5 at 6: sipi ni Jose Rizal, “On the Indolence of Filipinos”a. Ano ang ibig sabihin ni Ito ang damdaming dulot ng pagiging isang bayan Rizal sa “national katulad ng organismong may mga ugat na sentiment” (damdaming dinadaanan ng dugo para bumuhay at kumilos nang pambansa)? isa. Sa damdaming ito ay umiiral ang bayan at hindi ang indibidwal na tao.b. Anong mga halimbawa • Ang Pilipino ay isang indibidwal lamang at hindi ang ibinigay niya upang patunayan ang kawalan kasapi ng bansa. ng ganitong • Kakaunti ang Pilipinong tumututol sa mga kamalayan? hakbanging nakakasama sa bayan at kakauntic. Sa tingin ni Rizal, bakit rin ang lumalaban para sa kanyang kapakanan. wala o mahirap hubugin • Tinatanggap ng mga Pilipinong pinuno ng ang kamalayang ito? munisipyo ang pagmamalabis ng mga prayle at Kastilang opisyal.d. Bakit mahalaga ang • Interesado lamang ang mga Pilipinong opisyal sa pagbuo ng damdaming kanilang kikitain. pambansa sa ika-19 na • Dahil walang kalayaan sa kolonya—bawal siglo? maghayag o magtatag ng asosasyon, halimbawa— naging mahina at mabagal ang mga Pilipino at nahirapan silang bumuo ng mas malawak na kamalayan. • Mahirap ding hubugin itong kamalayan dahil sa pagnanais ng Pilipino sa katahimikan at kawalan ng gulo o away. • Mahina ang mga nanungkulan sa mababang antas ng gobyerno samantalang walang pakialam ang mga nasa itaas at papalit-palit pa. • Walang pagkakaisa ang mga Pilipino. • Sariling interes lang ang habol ng mga lokal na opisyal na Pilipino. • Maraming Pilipino ang naghihirap simula pa lamang ng kanilang pagkasilang. • Inasahang magsisilbi itong basehan ng pagkabuklod-buklod ng mga Pilipino. • Ang sama-samang pagkilos ay susi sa pag-unlad ng bansa. • Mababawasan ang pangungurakot sa gobyerno kung may damdaming pambansa. • Pagtutuunan ng pansin ang mga kapos-palad na kababayan dahil di lang ang sarili ang pag- iisipan.! 69
!e. Sa tingin ninyo, (Pakinggan ang opinyon ng mga mag-aaral at ang problema pa ba ngayon basehan ng kanilang opinyon.) ang kawalan ng damdaming pambansa? Patunayan ang inyong sagot. 4. Mga problemang tinukoy ng mga repormista sa siglo 19 naproblema pa rin ngayon \" • Pangungurakot sa gobyerno (at sa ibang larangan ng buhay) • Pabago-bagong administrasyon lalo na sa lokal na pamahalaan, na nakaaapekto sa pagpapatuloy o pagtigil ng mga proyekto • Ang hindi pagtupad ng batas • Ang hindi pagkapantay-pantay na administrasyon ng hustisya • Mga abusadong opisyal • Mga empleyado at opisyal sa gobyerno na hindi handa o walang kakayahan para sa trabaho • Kahirapan ng taoGawain 3. Sariling Dyaryong Pampropaganda1. Ebalwasyon ng dyaryoa. Kung buo ang dyaryoBahagi ng Dyaryo Grupo 1 Grupo 2 Grupo 3 Grupo 4 Grupo 5 Grupo 6PangalanLogoMottoEditoryalMga balitaTula, karikatura,guhit o ibangmalikhaing akdaMga sanggunian! 70
! b. Ang nilalaman ng dyaryo (1 bilang pinakamababa at 5bilang pinakamataas); ang kabuuang marka ay ang average ng lahat ngmarka.Kalidad ng Dyaryo Grupo 1 2 3 4 56Malinaw ang paglahad ng editoryal at ng isyung tinalakay;may halimbawang sumusuporta sa posisyon ng editoryal.Sapat ang bilang ng mga balita; sinasalamin nito ang mgapangyayari at problema noong siglo 19; kumpleto angdetalye ng mga balita.Malikhain ang tula, sanaysay, o karikatura; sinasalaminang panahon ng siglo 19.Mahusay ang lay-out; malikhain ang kabuuang disenyong pahayagan.Sumasalamin ang pangalan, logo at motto ng dyaryosa adhikain ng Kilusang Propaganda; naipaliwanag saklase ang kahulugan ng logo at motto. Kabuuang Marka:Pagtataya 1. Ipaliwanag sa klase na hindi naging matagumpay ang KilusangPropaganda sa Espanya sa pagkamit ng reporma mula sa pamahalaan. Dahildito, may ibang propagandista tulad ni Jose Rizal na minabuting umuwi saPilipinas upang dito isulong ang pagbabago. Sa kanyang pagbalik, itinatag niRizal ang La Liga Filipina, isang asosasyon ng mga Pilipino sa Pilipinas. 2. Ibigay ang konteksto sa ibaba.! • Inilunsad ni Jose Rizal ang La Liga Filipina noong 3 Hulyo 1892 sa Tondo, Maynila. • Kabilang sa naging kasapi nito ay sina Deodato Arellano, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Ambrosio Rianzares Bautista at marami pa. • Tatlo ang lebel ng konseho sa liga: Konseho Suprema, Konsehong Panlalawigan, at Konsehong Popular. • Naging panandalian lamang ang samahan dahil hinuli si Rizal noong 6 Hulyo 1892 at itinapon siya sa Dapitan sa Mindanao.! 71
!3. Ipabasa ang mga layunin ng La Liga Filipina. Ipagamit ang glosari.! 1. To unite the whole archipelago into one compact, vigorous and homogeneous body. 2. Mutual protection in every want and necessity. 3. Defense against all violence and injustice. 4. Study and application of reforms. Konstitusyon ng La Liga Filipina, sa Vicente Albano Pacis et. al. (eds.), Founders of Freedom: History of the Three Philippine Constitutions (Quezon City: Capitol Publishing House, 1971) p. 336. # Glosari Homogeneous … iisa Mutual protection … pagtatanggol sa isa’t isa Vigorous … malakas; buhay4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa sipi.a. Bakit itinatag ni Itinatag ni Rizal ang liga sa Pilipinas dahil: Rizal ang liga sa • hindi nakuha ng Kilusang Propaganda ang kanilang Pilipinas? ikinampanyang reporma sa Espanya; atb. Ano sa palagay mo • nakita ni Rizal na ang kilusan para sa reporma ay ang karahasan at kawalan ng hustisya dapat nakaugat sa Pilipinas, at ang pagbabago ay na itinukoy ng dapat ilunsad ng kapwa Pilipino sa Pilipinas mismo. konstitusyon? • Pang-aabuso ng mga prayle Magbigay ng tatlong • Pagpapabaya ng pamahalaang kolonyal sa halimbawa batay sa pangangailangan ng mga Pilipino tinalakay sa modyul • Pangungurakot at pang-aabuso ng mga opisyal ng na ito. gobyerno • Kawalan ng kalayaanc. Alin sa mga • Di pantay na administrasyon ng hustisya hangarin ng Kilusang • Kahirapan ng tao Propaganda sa Espanya ang nais • Kalayaang maghayag ipagpatuloy ng liga? • Kalayaang bumuo ng asosasyon • Representasyon sa Cortes • Pagbabago sa edukasyon • Pagtigil sa mga abuso ng prayle! 72
!d. Ano pa kayang mga • Magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino pagbabago ang • Tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino nilayon ng liga na • Tumulong sa isa’t isa may kinalaman sa • Kumilos bilang bansa at hindi bilang indibidwal na damdaming pambansa na Pilipino isinaad ni Rizal?Transisyon sa Kasunod na Modyul Hindi man nagtagumpay ang Kilusang Propaganda, naimpluwensiyahannito ang Katipunan na itinatag pagkatapos itinapon si Rizal sa Dapitan. Angorganisasyon ng Katipunan, halimbawa, ay katulad ng istruktura ng La LigaFilipina. Sa mga unang buwan ng Katipunan ay dinalaw si Rizal ni Pio Valenzuela,isa sa mga lider ng Katipunan, upang hingin ang kanyang opinyon at payo parasa pinaplanong himagsikan. Tatalakayin ng susunod na modyul ang rebolusyonlaban sa Espanya.! 73
!Markahan 2 Pagsibol ng Kamalayang PilipinoGabay ng Guro 4 Himagsikan para sa KalayaanGawain 1. Ang Katipunan at ang pagmamahal sa bayan 2. Deklarasyon ng kalayaan sa KawitOras 3. Ang Saligang Batas ng Malolos Walo (8) GABAY NG GUROGamitin ang gabay hawak ang modyul sa pagkatuto.Layunin, Tema at Kakayahan Nilalayong ipakilala ng modyul ang mga layunin ng himagsikan at angkahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Lima ang primaryang sangguniangsusuriin sa mga araling nakapaloob sa modyul:1. Kahulugan ng pagmamahal sa bayan2. Layunin ng himagsikan at ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas3. Kahulugan ng kalayaan mula sa pananaw ng himagsikan at mga kaugnay na konsepto katulad ng soberanya at kasarinlan4. Konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago5. Konsepto, uri at kahalagahan ng karapatan6. Kahulugan ng kapangyarihan sa pananaw ng himagsikanInaasahang matututunan ang sumusunod na kakayahan. Pamantayan sa Pagganap Kakayahan• Nakauunawa ng kahulugan ng • Naipapakita ang pag-unawa ng pagmamahal sa bayan pagiging kasapi ng Katipunan sa• Nakauunawa ng mga aral ng pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong, pagpili ng pangalan, at Katipunan at ang kaugnayan nito sa panunumpa bilang katipunero kasalukuyan • Naipaliliwanag ang ibig sabihin ng• Naipaliliwanag ang mga konsepto ng tula ni Bonifacio tungkol sa kalayaan, kasarinlan at soberanya pagmamahal sa bayan• Nabibigyang kahulugan at • Nasusuri ang mga aral (Kartilya) ng kahalagahan ang konsepto ng Katipunan at ang kaugnayan nito sa karapatan kasalukuyan• Naipaliliwanag ang konsepto ng kapangyarihan base sa mga sinulat ng mga rebolusyonaryo! 74
! Pamantayan sa Pagganap Kakayahan• Mapanuring nakababasa at • Nakasusuri at nabibigyang nakasusuri ng mga sipi mula sa sinulat ng mga rebolusyonaryo interpretasyon ang deklarasyon ng• Nakapag-uugnay ng mga problema noon at ngayon kalayaan, ang kahulugan nito at ang• Nakapagtataya ng kahalagahan ng mga simulain ng himagsikan kaugnayan nito sa kasalukuyan • Nakakukuha at nakahihinuha ng impormasyon mula sa mga primaryang sanggunian • Nabibigyang kahulugan ang mga batayang konsepto ng Saligang Batas ng Malolos katulad ng kalayaan, kasarinlan, soberanya, republika, karapatan • Nakakukuha at nakapag-uugnay ng datos mula sa iba't ibang sanggunian • Nakapaghahambing ng kahulugan ng kalayaan mula sa iba-ibang sipi • Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol na kahalagahan ng kalayaan sa mga kilusan sa ika-19 na siglo at sa kasalukuyan • Nakapag-aayos ng datos mula sa sanggunian sa isang graphic organizer at naipapaliwanag ito sa klase • Naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga simulain ng himagsikan sa pagbubuo ng bansa sa kasalukuyan! 75
Search