Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-04 03:32:54

Description: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1

Search

Read the Text Version

EDUKASYON SAPAGPAPAKATAOPatnubay ng Guro  Grade 1

EDUKASYON SAPAGPAPAKATAO Grade 1 Teacher’s Guide (Units 1 & 2)

Yunit 1 Ako ay Mabuting Kasapi ng Pamilya Kabuuang Pananaw Sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa Unang Baytang, dapat na isaalang-alang ng guro na ang mga bata ay wala pa munang pormal na kaalaman. Dahil dito, mahalagang simulan ang pagbubukas ng kanilang mga isipan sa pamamagitan ng pag-uusap-usap at pagtalakay ng mga karanasan at paksang nauukol sa tahanan at sa kanilang mga sarili, sapagkat ito ang paksang kanilang nalalaman. Pinaniniwalaan din na ang kagandahang-asal at mabuting pag-uugali ay nagsisimula sa pagkakaroon ng kamalayan at pagtuklas sa sariling kakayahan, pangangalaga sa sarili upang higit pa ng malinang ang mga kakayahang ito, at paggamit ng nasabing mga kakayahan upang makapagdulot ng kaligayahan sa pamilya. Sinasabing kapag naranasan ng mga bata ang masayang pamilya, ito ang maghahatid sa kanya ng pagtitiwala sa sarili at kahalintulad na mga karanasan sa mga susunod pang kapaligirang kanyang gagalawan. Ang mga kaalamang ito ang magsisilbing unang pundasyon ng mabuting pag-uugali at magandang kaasalan ng mga mag-aaral. Upang matugunan ang pananaw na ito, ang unang yunit ay hinati sa tatlong aralin: Aralin 1: Ako ay Natatangi Aralin 2: Inaalagaan ko ang Aking Sarili Aralin 3: Mahal Ko ang Aking Pamilya Sa pagtatapos ng mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. natutukoy at nalilinang ang mga pansariling kakayahan; b. naisasabuhay ang iba’t ibang paraan upang malinang ang mga hilig at kakayahan; c. naipadarama nang may pagmamahal ang mga kilos at gawaing nagpapasaya sa tahanan. Iminumungkahing talakayin ang mga araling ito sa Yunit I sa loob ng sampung (10)linggo, o sa unang kwarter ng taon.Mga Gabay na Katanungan Ang sumusunod na mga katanungan ang magiging gabay sa pagtalakay ng mgakonseptong ituturo sa mga araling nakapaloob sa yunit. 1. Ano-ano ang mga gawaing hilig mong gawin? Ano-ano ang mga gawaing kaya mong gawin? 1

2. Paano mo mapaghuhusay ang paggawa mo ng mga gawaing ito? 3. Paano mo magagamit ang talentong ito upang makatulong ka sa pagpapasaya ng iyong mag-anak? Aralin 1: Ako ay Natatangi pahina 2 Alamin1. Sapagkat unang araw ng pasukan, magkaroon muna ng ilang mga gawain upang mapalagay ang loob ng mga bata sa klase. Magkumustahan at bigyan sila ng pagkakataon upang makilala ang kanilang mga kaklase. Ipaawit ang sumusunod. Kumusta ka? (magkamayan) Kumusta ka? Umikot nang umikot At humarap sa iba. (humanap ng ibang kapareha) Ulitin ang pag-awit nang ilang beses pa upang makakita ng ibang mga kapareha ang mga bata. Maaari ring magpaawit ng ibang awiting alam ng guro.2. Sa mga sandal ng pagpapakilala, himukin ang mga bata na sabihin din kung ano- ano ang mga talentong kaya nilang gawin. Hal. pag-awit, pagsayaw, atbp.3. Ipakilala ang mga karakter na sina Aya at Buboy. Ipakita ang kanilang larawan sa aklat. Talakayin ang mga hilig na madalas na ginagawa ng dalawang bata. Pag-usapan ang mga talentong taglay nila.4. Ipasagot ang mga katanungan sa katapusan ng kwento. a. Ano ang hilig ni Aya? b. Ano ang paboritong gawin ni Buboy? c. Bakit sila mahal ng kanilang pamilya? Sikaping maipakita sa mga bata na kung minsan, ang pagpapakigang-gilas sa tahanan sa pamamagitan ng paggamit ng talento, ay nakapagpapasaya sa tahanan.5. Sa puntong ito, tanungin ang mga bata kung kagaya rin kaya sila nina Aya at Buboy. Ano-ano naman ang mga gawaing kaya nilang gawin? Ipasagot ang mga pagsasanay sa aklat, pahina 4. 2

6. Tapusin ang aralin sa pamamagitan ng kunwa-kunwariang Talent Search sa klase. Bayaang magpagalingan ngpagpapakita ng talent ang mga mag-aaral. Isaisip 1. Pag-usapan ang kararaang gawain tungkol sa pagtuklas ng kani-kanyang talento. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang naramdaman nila nang sila ay nagpakitang-gilas. Sila ba ay natuwa? O kaya’y nahiya? O kaya’y ninerbyos? Ilahad ang pagsasanay sa pahina 5-6. Pag-usapan ang mga kasagutang ibinigay ng mga bata. 2. Sa bahaging ito, dahan-dahang ikonekta ang aralin sa uri ng damdaming kanilang nadarama. Kung may alam sila, handa ba silang ito ay ipakita? Ano ang naramdaman nila nang ginawa nila ito? Naging masaya ba sila? Papiliin ang mga bata ng smiley characters na magpapakita ng kanilang damdamin. 3. Para sa mga guro, maging sensitibo sa mga batang kulang ang pagtitiwala sa sarili. Sana’y mabigyan sila ng mga payong makapagpapalakas ng kanilang loob. 4. Paano kung mahina ang loob ng mga mag-aaral ? Talakayin ang mga dahilan kung bakit sila nahihiya o natatakot. 5. Magdaos ng role-play tungkol sa paghingi ng tulong mula sa mga kasambahay. Ipakita rin sa pamamagitan ng role -play ang mga pamamaraan kung paano mapahuhusay ang talentong kanilang taglay. 6. Bigyan ng pagtataya ang role-play na ipakikita ng mga bata. Hikayatin din ang mga mag-aaral na magbigay ng sarili nilang mga puna. Aling pagtatanghal ang nagustuhan nila? Bakit? 3

Isagawa Ilahad ang mga pagsanay sa aklat. Ipagawa ito sa mga mag-aaral. 1. Bumuo ng grupo sa klase. Ipakilala ang sarili, pati na ang mga hilig at kakayahang magagawa nila. 2. Maglaro ng Bingo. Umikot at papirmahan sa mga kaklase ang mga kakayahang kaya nilang ipakita. Ang unang makapagpupuno ng pirma ng mga kaklase ang siyang panalo. Siguruhin lamang na iba’t iba ang pirmang mapapalagay sa pahina ng aklat. 3. Iminumungkahing gumawa ang guro ng mga smiley characters na nagpapakita ng sumusunod na mga damdamin: a. Natutuwa b. Nagagalit c. Nalulungkot d. Natatakot Ipamigay ito sa grupo ng mga bata. Pag-usapan ang ilang mga sitwasyon tungkol sa iba’t ibang damdaming nadarama ng mga bata kapag kailangan nilang ipakita ang kanilang mga kakayahan. Papiliin ang mga mag-aaral ng smiley characters na tumutugma sa kanilang mga damdamin. Maaaring iba’t ibang characters ang ipakita ng mga bata. Maaari pa ring dagdagan ng guro ng kaunting talakayan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagtatanong kung bakit. 4. Magbigay ng mga sitwasyong nakalilinang o hindi nakalilinang ng kakayahan. Bigyan ng pagtataya ang kakayahan ng mga bata sa pagpapasya kung tama o hindi ang aksyong inilarawan. Bayaang ipaliwanag nila nang maikli ang kanilang kasagutan. 5. Tapusin ang aralin sa pamamagitan ng pag-awit. (Himig: TheFarmer in the Dell) Ano ang kaya mo? Ano ang kaya mo? Ano kaya ang kaya mo? Ano ang kaya moi? Kaya kong kumanta. (Ipakita ang aksyon.) Kaya kong kumanta. 4

Kaya ko, oh, kaya ko, Kakanta ako. (Palitan ang salitang-kilos.) Isapuso1. Sa pagsisimula ng aralin sa bahaging ito, magpakita ng larawan ng mga personalidad na kilalang-kilala ng mga mag-aaral: a. Lea Salonga b. Charice Pempengco c. Manny Pacquiao d. Romy Garduce e. Azcals Bakit kilala ang mga personalidad na ito? Ano-ano ang tangi nilang mga kakayahan?2. Balik-aralan ang pinag-usapan na tungkol sa paglinang ng mga kakayahan. Paano mapahuhusay ang isang talentong taglay na nila? Paano naman malilinang ang isang talentong pinapangarap nilang mapasakanila? Bigyang-halaga ang pagbubuo ng pangarap at pag-asa sa mga bata sa pamamagitan ng paglinang ng nais nilang talento. Sa panahon ngayon, maraming mga batang nakikilala sa pamamagitan ng kanilang mga hilig at kakayahan. Maaaring sila rin naman, baling araw.3. Bigyan ng paglalagom ang aralin. Ipabasa ang nilalaman ng text box. Ang bawat bata ay natatangi. Ang bawat batang katulad mo ay may kakayahan. Paunlarin mo ang iyong sarili. Isabuhay1. Bigyan sila ng pagkakataong maiguhit ang kanilang sarili. O kaya naman, pagdalahin sila ng sari-sarili nilang mga larawang ididikit sa isang pahina ng kanilang notbuk. Sa ilalim ng larawan, ipasulat ang kanilang palayaw nang pababa. Sa bawat titik, palagyan ito ng salitang naglalarawan ng kanilang katangian. 5

Halimbawa: Ako si Aya. Ito ang mga kaya kong gawin. A- wit (kaya kong umawit.) Y-oyo (Kaya kong magyoyo.) A-rte (Kaya kong umarte.) 2. Ilahad ang mga gawain sa aklat, pahina 12. 3. Ipaskel sa bulletin board ang mga natatanging gawa ng mga mag-aaral. Subukin 1. Ilahad ang mga pagsasanay sa pahina 13. 2. Talakayin ang ibinigay na kasagutan ng mga bata. Sa kanilang mga kasagutan, matataya ng guro kung tumimo na sa kanilang mga isipan ang araling ito tungkol sa pagtukoy at paglinang ng kanilang mga kakayahan. Aralin 2: Inaalagaan Ko ang Aking Sarili pahina 14 Alamin1. Mula sa pagtuklas at paglinang ng kani-kanyang mga kakayahan, gabayan ang mga bata upang makita ang kahalagahan ng pangangalaga sa sariling kalusugan. Ang pagiging masakitin ay hadlang sa paglinang ng kakayahan. Paano nila maipakikita ang kanilang talento kung sila’y maysakit at nanghihina?2. Ipakita ang larawan ng isang batang babae at isang batang lalaki, sina Mila at Sam. Paghambingin ang mga bata. Sino kaya sa kanila ang magiging higit na mahusay? Bakit kaya?3. Pag-usapan ang pagliban sa klase. Ano ba ang kadalasang sanhi ng pagliban? Kung palagi silang lumiliban, paano nila ganap na mauunawaan ang aralin?4. Tanungin ang mga mag-aaral. Ano kaya ang dapat nilang gawin para maging malusog at hindi sakitin? 6

5. Ilahad ang aralin sa pahina 16-18 ng aklat. Ipakilala ang mga karakter na sina Aya at Buboy. Anyayahan ang mga mag-aaral na basahin ang teksto at alamin kung paano nananatiling malusog sina Aya at Buboy.6. Ipasagot ang mga katanungan sa katapusan ng kwento. Ano-ano ang ginawa ng dalawang bata? Malinis kaya silang tingnan bago pumasok sa paaralan?7. Ihambing ang ginawa nina Aya at Buboy sa ginawa ng mga mag-aaral bago sila pumasok sa paaralan. Bayaang magkwento sila ng kanilang mga karanasan.8. Pasagutan ang check list sa pahina 20 tungkol sa pagiging malinis sa pangangatawan. Mag-survey ng mga kasagutan ng mga bata sa pamamagitan ng pagtataas ng mga kamay.9. Bilang panghuling gawain ay paawitin ang mga bata: Tayo nang maligo, para laging presko, Pakiramdam ko, pakiramdam ko, Mabango na ako. Tayo’y magsepilyo ng ating ngipin, Pakiramdam ko, pakiramdam ko, Malinis na ako. Tayo nang magbihis, para laging ayos, Pakiramdam ko, pakiramdam ko, Maganda na ako. (Maaaring ulitin nang ilang beses ang awitin. Ipakita ang aksyon habang umaawit) Isaisip 1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng Health Check. Sino-sino sa mga mag- aaral ang may malinis na kamay, kuko,atbp? Sino ang nakasuot ng malinis na uniporme, sapatos, atbp? 2. Piliin ang pinakamalinis na bata, o kaya ay pinakamalinis na grupo ng mga bata sa klase. Iharap sila sa klase upang mapalakpakan. 3. Ituro ang isang awitin tungkol sa mga bahagi ng katawan na dapat pamalagiing malinis. Sampung mga daliri, kamay at paa, Dalawang tenga, dalawang mata, Ilong na maganda, 7

Magandang mga ngipin, Masarap ikain, Dilang maliit, nagsasabing Huwag magsinungaling.4. Ilahad ang isang kwento tungkol kay Enteng. Ipakita ang ilang larawan habang nagkukwento sa mga bata. (Buod) Si Enteng ay isang batang ayaw na ayaw maligo. Palagi siyang marumi. Dahil dito, palagi siyang nagkakasakit. Minsan, gusto niyang sumali sa larong habulan. Hindi niya kaya. Madali siyang nadadapa. Minsan din, gusto niyang magpalipad ng guryon. Hindi niya magawa. Hindi niya mahatak nang maayos ang tali ng guryon. Kasi, nanghihina siya. Gusto rin niyang sumali sa paligsahan ng pagkanta. Kaya lang, nagkasakit siya nang araw ng kontes. Ang masakit pa nito, tinubuan siya ng mga butlig. Naglayuan tuloy ang kanyang mga kamag-aral. Kaya, si Enteng ay madalas na nag-iisa.5. Pag-usapan ang detalye ng kwento. a. Bakit palaging nagkakasakit si Enteng? b. Bunga nito, ano ang palaging nangyayari sa kanya? c. Sa palagay mo kaya, masaya si Enteng? d. Bakit? e. Ano kaya ang dapat gawin ni Enteng para siya ay maging masaya?6. Iugnay sa karanasan ng mga bata ang karanasan ni Enteng. Tanungin sila kung may mga pagkakataon ba na hindi nila nagagawa ang gusto o hilig nilang gawin? Bakit? Iugnay ito sa marahil ay kalagayan ng kanilang kalusugan.7. Hanguin mula sa pananaw ng mga bata ang kahalagahan ng pagiging malusog. Ano ang kaugnayan ng kalusugan nila sa paglinang ng kanilang mga kakayahan?8. Maaaring tapusin ang aralin sa pamamagitan ng pagpapagawa ng simpleng mga poster tungkol sa kalusugan. Ipaskel ang gawa ng mga bata sa bulletin board. 8

Isagawa1. Simulan sa pamamagitan ng awitin (sa himig ng Baa, Baa, Black Sheep). Magsepilyo ng ngipin, ng ngipin, ng ngipin, Magsepilyo ng ngipin, ganito’ng gawin. Taas-baba, taas-baba, taas-baba, taas-baba, Taas-baba, taas-baba, magsepilyo na. Habang inaawit, ipakita sa pamamagitan ng demonstrasyon ang tamang pagsesepilyo ng ngipin.2. Magpakita ng puppet na mga gulay o prutas. Pagsalitain ang mga gulay, tulad ng sumusunod. Ampalaya: Hu! Hu! Hu! Kalabasa: Ampalaya! Bakit ka umiiyak? Ampalaya: Kasi, ayaw akong kainin ng mga bata. Ayaw nila sa akin. (Ituloy ang diyalogo.)3. Ipakita sa mga bata na bukod sa mga gamit sa paglilinis, mahalaga rin ang pagkain nang tama. Pag-usapan ang mga pagkaing mainam para sa katawan. Talakayin ang kahalagahan ng pagkain ng prutas at gulay. Gayundin, talakayin ang mga kasamaang dulot ng junk food.4. Sumunod na pag-usapan ang mga gawaing nakasasama sa kalusugan. Hal., pagpapaulan, pagtatampisaw sa baha. Bakit ito masama sa kalusugan?5. Ilahad ang mga pagsasanay sa aklat. Ipasagot ang mga gawain sa pahina 22- 24.6. Bigyan ng paglalagom ang aralin. Ano-ano ang mga bagay o gawaing mainam para sa ating kalusugan? Bakit natin dapat na pangalagaan ang ating kalusugan? Isapuso1. Balik-aralan ang mga gawaing nakabubuti sa ating kalusugan. Magdaos ng role play na nagpapakita ng mga magagandang kaugalian tungkol sa mabuting kalusugan. 9

2. Idayagram sa pisara ang kaugnayan ng kalinisan sa kalusugan. Talakayin: paano nauugnay ang ating pagiging malinis sa ating pagiging malusog? Bakit natin kailangang maging malusog?3. Ipasagot ang mga pagsasanay sa pahina 25-26.4. Bumuo ng paglalagom. Pagkatapos ay Ipabasa nang malakas at sabay-sabay ang sumusunod na kaisipang dapat nilang tandaan: Alagaan ang sarili. Maging malinis. Kumain nang tama. Huwag magpabaya.5. Sundan ito ng gawain para sa pag-eehersisyo. Sa saliw ng masayang tugtugin, igalaw-galaw ang mga paa, kamay, ulo, at buong katawan para sa mabuting kalusugan. Isabuhay1. Ipakita ang ilang mga larawang nagpapakita ng pagsasabuhya ng mga aralin para sa kalusugan. Lakipan ito ng ilang mga larawang hindi mainam para sa kalusugan. Tingnan kung mahahalata ito ng mga bata. Halimbawa a. mga batang naglalaro sa lilim b. mga batang nagpapaulan c. mga batang kumakain ng junk food d. Mga batang kumakain ng gulay2. Talakayin ang ipinakikita ng mga larawan at bayaang magpasya ang mga bata kung mabuti o di-mabuti ang ginagawa ng mga bata sa larawan. Kapag sinabi nilang di-mabuti, tanungin sila kung bakit.3. Ilahad ang mga pagsasanay sa aklat.4. Bigyan ng pagtataya ang kasagutan ng mga bata. 10

Subukin 1. Tayahin ang kaalaman ng mga bata tungkol sa aralin. 2. Pasagutan ang mga pagsasanay sa pahina 28-30. 3. Iwasto ang kasagutan ng mga bata. Pahapyaw na talakaying muli ang mga naging maling sagot ng mga bata upang matiyak na natutuhan nila nang mataman ang aralin. Aralin 3: Mahal Ko ang Aking Pamilya pahina 311. Ipakita ang larawan ng isang masayang pamilya na namamasyal sa parke: Nanay, Tatay, anak na babae, at anak na lalaki. Ipakilala ang mga tauhan, sina Aya at Buboy, at ang kanilang mga magulang. Tanungin ang mga bata kung ano sa palagay nila ang ginagawa ng mag-anak sa parke. Sa palagay kaya nila ay masaya ang pamilya? Bakit nila nasabi ito?2. Ipakita ang kasunod na larawan sa pahina 32. Tanungin ang mga bata kung ano ang ginagawa ng dalawang bata. Anong mga katangian ang ipinakita nina Aya at Buboy?3. Hindi lamang iyon ang ginagawa nang sama-sama ng mag-anak. Ipakita ang kasunod na mga pahina. Pag-usapan ang iba pang mga gawaing ginagawa nila sa pamilya.4. Talakayin kung ano ang naidudulot ng pagsasama-sama ng mag-anak sa pamilya. Pag-usapan ang ilang mga natatanging okasyon kung saan ay nagsasama-sama ang pamilya. Halimbawa, Pasko. Nagkakaroon din kaya sila ng mga pagkakataong magpakitang-gilas sa kanilang mga kamag-anak, tulad nina Aya at Buboy?5. Tanungin sila kung may kapareho silang karanasang katulad ng ginagawa ng mag- anak ni Mang Edwin.6. Bigyan ng panahon ang pagbabahagi ng mga mag-aaral ng sarili nilang mga kwento. Upang makapagkwento ang lahat ng mga bata, maaaring hatiin ng guro ang klase sa maliliit na pangkat. 11

Hikayatin ang pagkukwentuhan ng mga myembro sa kani-kanilang mga pangkat. Pumili ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang kwento sa harap ng klase.7. Bilang panapos ay ipaawit ang awitin ni Aya, na kinanta niya para sa kanyang Lolo at Lola. Ako ay may lobo Lumipad sa langit Di ko na nakita Pumutok na pala. Sayang lang pera ko Pambili ng lobo Sa pagkain sana Nabusog pa ako. Lapatan ng aksyon ang awitin. Isaisip 1. Tanungin ang mga bata kung sila ay nanonood ng telebisyon. May kilala ba silang mga child star? Ano-ano ang talento ng mga batang ito? 2. Anong damdamin ang nadarama nila kapag pinanonood nila ang kanilang idolong child star? Natutuwa kaya sila? 3. Ihambing ang damdaming ito sa pagpapakitang-gilas nila sa kanilang mga magulang, o kaya ay Lolo at Lola. Ano ang napapansin nilang reaksyon mula sa mga ito? 4. Tanungin ang mga bata kung ano ang ipinahihiwatig ng reaksyong ito. Bakit sila natutuwa? 5. Sikaping makita ng mga bata ang koneksyon ng pagiging masaya o pagpapasaya sa pagmamahalan sa pamilya. 6. Tanungin ang mga bata ng kanilang masasayang kaaranasan sa pamilya. Subukin kung kaya nilang ipaliwanag kung ano ang nagpasaya sa kanila. 7. Iugnay ang talakayan sa Unang aralin tungkol sa pagkakaroon nila ng iba’t ibang kakayahan. Pag-usapan ang mga naaiibang talento, tulad ng kakayahang magpatawa, kakayahang makapagkwento, makapagpakita ng madyik (na pambata), atbp. 12

Maaaring balikan ang ginawang Talent Search noong tinalakay ang unang aralin.8. Balikan ang mga kailangang gawin ng mga batang katulad nila upang kanilang mapaunlad ang kanilang mga talento.9. Bigyan ng paglalagom ang aralin. a. Mahal ba nila ang kanilang pamilya? b. Gusto ba nilang maging masaya ang kanilang pamilya? c. Ano-ano ang mga makakaya nilang gawin upang mapasaya nila ang kanilang mga kasama sa pamilya? Isagawa1. Ilahad ang mga pagsasanay sa aklat. Ipasagot ito sa mga mag-aaral.2. Pagawin ang mga bata ng isang kard na maaari nilang ibigay sa kanilang mga magulang. Bukod sa mga kagamitang binanggit sa aklat, maaari rin silang mag-isip ng iba pang mga kagamitan upang mapaganda ang kanilang kard.3. Maaaring maglaan ang guro ng panahon upang kumbidahin ang mga magulang. Magpalabas ng isang pagtatanghal na, kung saan, maaaring magpakitang-gilas ang mga mag-aaral na may natatanging kakayahan. Sa pagtatapos ng palabas, ipabigay sa mga bata ang kard sa kani-kanilang mga magulang. Isapuso1. Bigyan ng pagtataya ang palabas na ginawa. a. Nagustuhan ba nila ang pagtatanghal? b. Nagustuhan kaya ng kanilang mga magulang ang kanilang programa? c. Aling bahagi kaya ng palabas ang nagustuhan nila? d. Bakit?2. Pag-usapan ang iba’t ibang mga mungkahi kung paano nila mapasasaya ang kanilang mga mahal sa buhay.3. Ipabasa ang mga konseptong dapat nilang tandaan sa araling ito. 13

Mahalin natin ang ating pamilya. Pasayahin natin sila. Gamitin natin ang ating mga kakayahan para mapasaya sila. IsabuhayMagbigay ng mga sitwasyon sa pamilya. Tanungin ang mga bata kung ang mgasitwasyong ito ay nagpapakita ng pagmamahalan o hindi. Bayaang ipaliwanag nila angkanilang kasagutan. Subukin 1. Sa huli, magpadrowing sa mga bata ng eksenang magpapakita ng pagmamahalan sa pamilya. 2. Ipaskel sa bulletin board ang kanilang mga gawa. 3. Magtanghal ng role play tungkol sa masayang pamilya. Bigyang-papuri ang mahusay na pagtatanghal. 14

Yunit 2 Mahal Ko ang Aking KapwaKabuuang Pananaw Ang pakikipagkapwa ay isang magandang katangian ng mga Pilipino. Kahit saangdako, dito man sa bansa o sa ibayong dagat madaling makakahanap ng kaibigan,kababayan man o dayuhan dahil magaling at maayos tayo sa pakikipagkapwa-tao. Mayrespeto o paggalang sa pakikitungo sa iba. May pakikinig at kabukasan sa opinyon atpananaw ng iba. Marunong tumanggap ng puna at pagkakamali. May mapayapangdisposisyon. May paniniwala sa pagkaka-pantay-pantay ng lahat (walang paghuhusgamaging sa relihiyon, kulay, kasarian o lahi). Sa modyul na ito, inaaasahang maipamamalas ng mga bata sa unang baitang angsumusunod:  maunawaan ang kahulugan ng pakikipagkapwa-tao.  malinang ang pagpapahalaga ng pakikipagkapwa-tao sa kani-kanilang buhay bilang bata  maisabuhay ang natutuhang gawi at pagpapahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang bata sa tahanan, paaralan at sa kanyang kapaligiran. Ituturo ang yunit na ito sa loob ng sampung (10) linggo ng ikalawang kwarter. Upang maisakatuparan ang adhikaing ito, iminumungkahi ang sumusunod nakatanungan bilang patnubay sa pagtuturo ng guro sa araling ito.Mga patnubay na tanong: 1. Ano ang konsepto ng pakikipagkapwa? 2. Ano ang mga halimbawa ng pakikipagkapwa? 3. Ano-ano ang tatlong pagpapahalaga na maaring malinang sa ating pakikipakapwa? 4. Bilang batang Pilipino, sa paanong paraan mas maipakikita ang ating pakikipagkapwa sa tahanan, paaralan at kapaligiran? 15

Aralin 1: Alam ko ang damdamin ng iba1. Pabuksan ang modyul pahina 46 at patingnan ang larawan sa Aralin 1.2. Itanong:  Ano-ano ang inyong nakikita sa larawan?  Ginagawa rin ba ninyo ang ganitong gawain sa inyong kapwa?  Ano ang nararamdaman mo tuwing nakagagawa ka ng mabuti sa iyong kapwa?3. Pag-usapan ang mga kasagutan ng klase. Magpabigay pa ng mga halimbawa. Alamin 1. Pabuksan ang modyul pahina 47. Ipaliwanag sa klase ang paraan ng pagsasagot sa bawat sitwasyon. 2. Bigyan ng pagkakataon ang klase sa pagsasagot. Kung hindi pa marunong magbasa, maaaring basahin ng guro ang mga sitwasyon. 3. Pagkatapos, talakayin ang mga naging kasagutan ng klase. 4. Bigyan sila ng pagkakataon na maipaliwanag ang kabuuang kasagutan. 5. Iugnay ito sa aralin. Isaisip 1. Ganyakin ang klase sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng maysakit. 2. Pag-usapan ang mga ginagawa nila kung mayroong maysakit sa bahay. 3. Ganyakin silang makapagbigay ng mga gawaing makakapagpasaya sa maysakit. 4. Talakayin ang nilalaman ng Isaisip sa pahina 48. 16

Isagawa1. Hatiin sa tatlong (3) pangkat ang klase.2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 49-51 ng modyul. Sundin ang matrix sa ibaba.Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3Gawain 2 Gawain 3 Gawain 1Gawain 3 Gawain 1 Gawain 23. Ipaulat at ipapaskil ang ginawa ng bawat pangkat. Isapuso1. Ipamasid ang larawan sa pahina 52.2. Hayaang magnilay ang mga bata sa larawang nakikita.3. Itanong: Kung nagawa mo ang ganitong pangyayari, ano ang maaari mong gawin humingi ng paumanhin sa nagawa mong pananakit ng kanyang damdamin?4. Ipaguhit o ipasulat ang kanilang kasagutan.5. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang ginawa.6. Ipabasa ang tandaan sa pahina 53. Isabuhay1. Pakuhanin ang klase ng malinis na papel. Ipasulat sa papel ang mga nagawa nilang pangyayari sa kanilang kapwa na nakasakit ng kanilang damdamin. Maaaring 1 o 2 lamang na pangungusap. Gabayan sila na makasulat.2. Maaaring ipapunit sa mga bata ang papel na kanilang sinulatan. Mag-isip ng isang seremonya para rito.3. Pagbalik sa silid-aralan, pagawain sila ng liham o kard na humihingi ng paumanhin sa kanilang nagawa. Gabayan sila sa pagawa nito.4. Ipabigay ang liham o kard sa taong kanilang nasaktan.5. Isagawa ang “Isabuhay” sa pahina 53.6. Itanong ang kanilang naramdamam pagkatapos gawin ito. 17

Subukin 1. Ipasagot ang “Subukin.” 2. Talakayin ang mga kasagutan. Aralin 2: Ako ay magalang sa lahat1. Ipalarawan sa klase ang kanilang nakikitang larawan sa pahina 55.2. Magpabigay pa ng iba pang katulad na halimbawa.3. Ilunsad ang aralin tungkol sa paggalang.4. Ipaunawa sa klase ang kahulugan nito. Alamin 1. Pabuksan ang modyul pahina 56-57. Ipaliwanag sa klase ang paraan ng pagsasagot sa bawat sitwasyon. 2. Bigyan ng pagkakataon ang klase sa pagsasagot. Kung hindi pa marunong magbasa, maaaring basahin ng guro ang mga sitwasyon. Pag-usapan ang kasagutan ng klase. 3. Iugnay sa aralin. Isaisip 1. Pahulaan: Anong magalang na pananalita ang sinasabi kung  papasok ka na sa paaralan?  nakasalubong mo ang iyong guro?  binigyan ka ng tinapay ng kaklase mo?  nagpasalamat sa iyo ang kaibigan mo? 2. Isulat sa pisara ang mga magagalang na pananalita na ibinigay ng klase. Talakayin. 3. Ipabigkas ang tulang “Ang Po at Opo” sa pahina 58. 4. Ipasagot ang mga tanong na kasunod ng tula. 5. Talakayin ang mga dapat tandaan sa pahina 59-60. 18

Isagawa1. Hatiin sa tatlong (3) pangkat ang klase.2. Ipagawa ang mga Gawain sa pahina 61-66. Sundin ang matrix sa ibaba.Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3Gawain 2 Gawain 3 Gawain 1Gawain 3 Gawain 1 Gawain 23. Ipaulat at ipapaskil ang ginawa ng bawat pangkat. Isapuso1. Basahin at ipaliwanag sa klase ang mga salawikaing nasa modyul pahina 66.2. Papiliin ng salawikain ang mga bata at hayaang pagnilayan nila ang kahulugan nito.3. Magpakita ng larawan ng isang batang hindi marunong gumalang sa magulang at isang batang magalang. Paghambingin at pag-usapan kung ano ang maaaring maging bunga nito sa kanilang paglaki.4. Ipagawa ang isinasaad sa pahina 67.5. Hayaang ibahagi ng bata sa klase ang kanilang iginuhit. Isabuhay1. Pangkatin ang klase na may apat na kasapi ang bawat pangkat. Sundan ang nakasaad sa Isabuhay pahina 68.2. Pagawain ang bawat pangkat ng islogan tungkol sa paggalang. Gabayan sila sa pagbuo nito.3. Palagyan ng dekorasyon ang islogan.4. Ipapaskil sa loob at labas ng silid-aralan. Subukin1. Ipasagot ang “Subukin” sa pahina 68-69.2. Talakayin ang mga kasagutan 19

Aralin 3: Ako ay matapat sa lahat ng oras1. Pag-usapan ang mga larawang sa modyul, pahina 70.2. Talakayin kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan.3. Isulat sa pisara ang mga kasagutan ng klase.4. Ipaunawa ang kahulugan ng pagkamatapat. Magbigay ng mga halimbawa. Alamin 1. Ipaliwanag ang panuto ng pagsasagot sa pagsubok na nasa modyul, pahina 71. 2. Pag-usapan ang sagot ng mga bata. Maaaring hingan ng paliwanag ang bawat bata mga naging sagot nila. Isaisip 1. Gumupit sa dyaryo ng mga larawan at kwento ng mga taong nagpakita ng katapatan. 2. Gumawa ng collage ng mga larawang nakalap. Ipakita ito sa klase at gawing halimbawa. 3. Ipabasa o basahin ang kwento ni Tinay na Tapat sa pahina 72. 4. Ipasagot ang mga tanong na nasa ibaba ng kwento. Hatiin sa 4 na pangkat ang klase at ipasagot ang tanong sa pamamagitan ng: o Pangkat 1 – Pagguhit o Pangkat 2 – Pagsasadula (Role Playing) o Pangkat 3 – Pagmomolde o Pangkat 4 – Munting Aklat (Mini Book) 5. Maghanda ng mga kagamitan para sa pangkatang gawain. 6. Ipaulat ang pangkatang gawain. 7. Talakayin ang “Laging isaisip” na nasa pahina 73 ng modyul. Isagawa 1. Pahanapin ng kapareha ang bawat bata. Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain 1, pahina 73-74. 2. Bigyan ng pagkakataon na magkaroon ng diyalogo ang magkapareha. 3. Ipaulat ang naging bunga ng usapan. 4. Ipasagot ang Gawain 2, pahina 74-75. Ipaliwanag ang panuto. 5. Talakayin ang sagot ng klase. 6. Pahanapin muli ng bagong kapareha ang bawat bata. 20

7. Ipagawa ang Gawain 3, pahina 75.8. Ipabahagi sa bawat magkapareha ang kwento ng kanilang katapatan. Ibuod ang mga kwento ng bata at isulat sa papel at gumawa ng isang collage.9. Ipaskil ito. Isapuso1. Isulat sa pisara ang salitang “Ako ay Matapat sa Lahat ng Oras”2. Itanong sa klase kung ano ang kanilang nararamdam sa tuwing maririnig ang salitang ito. Pag-usapan ang mga sagot ng klase.3. Iugnay ito sa gagawing “Kahon ng Katapatan.” Sundin ang Isapuso sa pahina 75.4. Pagawain ang bawat bata ng maliit na kahon.5. Ipasulat o ipaguhit sa bawat bata ang kanilang nagawang katapatan. Ipalagay sa kahon. Isabuhay1. Ipaliwanag ang pamamaraan kung paano gagawin ang Poster ng Pagiging Matapat na tulad ng nasa pahina 76.2. Gabayan ang klase sa paggawa nito.3. Ipapaskil at ginawa ng mga bata. Maaari ring magpakwento kung ano ang kahulugan ng kanilang poster. Subukin1. Ipasagot ang “Subukin” sa pahina 77-78.2. Talakayin ang mga kasagutan. 21

Aralin 4: Mahal ko ang aking kapwa1. Magpakita ng larawan ng mga batang biktima ng baha.2. Pg-usapan kung ano ano kayang gawin ng klase upang matulungan ang mga batang biktima.3. Maaari ring gawing pangkatang gawain. Bigyan sila ng pagkakataong mag-isip.4. Iugnay ang ipinakita ng bawat pangkat sa aralin.5. Pabuksan ang modyul, pahina 79. Pag-usapan ang larawan. Itanong ang mga tanong sa ibaba nito. Alamin 1. Ipasagot ang “Star ka ba?” sa pahina 80. 2. Tingnan kung sino ang nakakuha ng pinakaraming star. 3. Maaari ring bigyan ng gawad ang nakakuha ng pinakamaraming star. Isaisip 1. Gumupit sa dyaryo ng mga larawan at kwento ng mga taong nagpakita ng pagmamahal sa kapwa. 2. Gumawa ng poster ng mga larawang nakalap. Ipakita ito sa klase at gawing halimbawa. 3. Ipabasa o basahin ang kwento ni Wigan sa pahina 81. 4. Ipasagot ang mga tanong, pahina 82. Mungkahing gawain: o Tanong 1 – Character Mask o Tanong 2 – Pagsasadula (Role Playing) o Tanong 3 – Storytelling o Tanong 4 – Si Ikoy at Ako 5. Maghanda ng mga kagamitan para sa pangkatang gawain. 6. Ipaulat ang pangkatang gawain. 7. Talakayin ang pag-uulat na ginawa ng bawat pangkat. Isagawa 1. Hatiin sa tatlong (3) pangkat ang klase. 2. Ipaliwanag ang pamamaraan ng pagsasagawa ng bawat Gawain na nasa pahina 82-84. 3. Maghanda ng mga kagamitan sa pagsasagawa. 22

4. Ipagawa ang sumusunod: Sundin ang matrix sa ibaba.Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3Gawain 2 Gawain 3 Gawain 1Gawain 3 Gawain 1 Gawain 25. Ipaulat at ipapaskil ang ginawa ng bawat pangkat. Isapuso1. Ipagawa ang isapuso mo, pahina 85. Gabayan sila sa paggawa nito.2. Ipapaskil ang ginawa at bigyan ng pagkakataon na magkwento tungkol sa kanilang ginawa. Isabuhay1. Magpadala sa klase ng mga gamit o bagay na hindi na nila ginagamit.2. Ipagawa ang listahan na katulad ng sa pahina 86 ng modyul.3. Maaaring lumabas ng paaralan upang ipamahagi ang mga naipong gamit o bagay sa nga batang higit na nangangailangan.4. Maaari ring ang unang bahaginan ay ang mga kaklase na mahihirap. Subukin1. Ipasagot ang “Subukin” pahina 87.2. Talakayin ang mga kasagutan. 23

Pangwakas na Gawain (Culminating): 1. Hatiin ang klase sa 4 pangkat. Pumili ng lider para sa bawat pangkat. Ipagawa ang sumusunod: Pangkat 1Accordion Book: Ang Batang MagalangKagamitan: tape cardboard krayola bond paper marker guntingPamamaraan: 1. Hatiin ng pahaba ang cardboard. Pagdugtungin ito upang makabuo ng mahabang istrip. 2. Itupi sa 5 bahagi ang istrip. 3. Iguhit sa bond paper kung paano ipakikita ang paggalang sa matatanda, sa guro, sa magulang, sa kaklase at sa kapwa bata. Kulayan at gupitin. 4. Idikit sa ginawang accordion book. 5. Ipaskil ang ginawa. Pangkat 2 Collage: Ang Batang MatapatKagamitan: lapis bond paper pandikit krayola gunting manila paperPamamaraan: 1. Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng pagiging matapat. Hal. batang nagsauli ng wallet, batang nagsauli ng sobrang sukli, at iba pa. 2. Kung walang makuhang larawan, maaaring iguhit ang mga ito sa bond paper at kulayan. 3. Gumawa ng collage sa isang manila paper. Lagyan ng pamagat na “Ang Batang Matapat” 4. Ipaskil ito sa paskilan. 24

Pangkat 3 Poster: Ang Batang MapagkawanggawaKagamitan:manila paper pandikitkrayola lapisPamamaraan:1. Gumupit ng mga larawan sa magasin o sa dyaryo ng mgapangyayari dulot ng kalamidad tulad ng biktima ng sunod, baha,bagyo at iba.2. Idikit sa manila paper upang makabuo ng poster.3. Isulat kung paano tutulong sa mga kapwa batang biktima sa paligidng larawan.4. Ipaskil. Pangkat 4 Word Wall: Mga Magagalang na PananalitaKagamitan:meta istrip pentel penpandikit guntingPamamaraan:1. Pag-usapan ang mga magagalang na pananalitang ginagamit satahanan, paaralan at pamayanan.2. Isulat ang mga ito sa metastrip.3. Gumawa ng Word Wall.4. Ipaskil sa Bulletin Board ng Eduk. Sa Pagpapakatao.2. Ipaulat sa bawat pangkat ang ginawang output.3. Itala ang mga kaisipang nabuo ng mga bata at iugnay ito sa pakikipagkapwa-tao.4. Gallery Walk: Ipakita sa lahat ng bata ang mga output na ginawa ng bawat pangkat.5. Maaaring mag-anyaya ng mga magulang upang maipakita ang ginawa ng kanilang anak.6. Magdaos ng isang maikling palatuntunan. 25

Yunit III PAGMAMAHAL SA BANSA AT PAKIKIBAHAGI SA PANDAIGDIGANG PAGKAKAISAKabuuang Pananaw Bilang mamamayan, ang isang bata ay nararapat lamang matutunangmahalin ang kanyang bansa at makibahagi sa pandaigdigang pagkakaisa.Ang mga araling tatalakayin sa yunit na ito tulad ng pagkamasunurin,pagpapahalaga sa kaayusan at kapayapaan, at pagkalinga sa kapaligiran aymakatutulong upang maisakatuparan ang mga mithiing ito. Magkakaroon siyang kamalayan na siya ay may tungkulin at may kakayanang tuparin ang mgaito. Unti-unti ay mauunawaan niya na kahit siya ay isang paslit pa lamang aymayroon na siyang mahalagang papel tungo sa ikabubuti ng lahat. Angmahalagang papel na ito ay nagsisimula sa kanyang pagiging kasapi ng mag-anak, sa kanyang tahanan. Maiging malaman niya sa kanyang sarili na kungginagampanan niya ang mga tungkulin niya bilang kasapi ng pangkat na itoay magagampanan na rin niya ang kanyang tungkulin hindi lamang bilangisang Pilipino kundi bilang mamamayan din ng pandaigdigang samahan. Sa yunit na ito, inaaasahang maipamamalas ng mga bata sa unangbaitang ang sumusunod:  naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng tahanan at paligid para sa mabuting kalusugan  nagkakaroon ng kamalayan at naipamamalas ang mga gawaing nakatutulong sa pagpapanatili kalinisan ng kapaligiran  naisasagawa ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin bilang kasapi ng mag-anak  naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan Gagabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay at pagsasabuhay ngmga aralin sa yunit na ito sa loob ng sampung linggo ng ikatlong kwarter. 1

ARALIN 1: Pagiging Masunurin Upang maisakatuparan ang adhikaing ito, iminumungkahi angsumusunod na tanong bilang patnubay sa pagtuturo sa araling ito.Mga patnubay na tanong:1. Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng pagiging masunurin?2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa mga magulang at sa iba pang nakatatanda sa tahanan?3. Sa anong paraan mo maipakikita ang iyong pagiging masunurin sa inyong tahanan?ALAMIN1. Tanungin ang mga bata kung bakit kaya maraming mata ang pinya bago basahin sa kanila ang Alamat ng Pinya. Ipaalala ang tamang gawi sa pakikinig.2. Talakayin ang kuwentong kanilang napakinggan. a. Bakit maraming mata ang pinya? b. Ano ang aral na iyong natutunan sa alamat na ito?ISAISIP1. Iugnay ang Alamat ng Pinya sa Munting Gamo-gamo. a. Ano ang katangian ng munting gamo-gamo na katulad sa katangian ni Pina? Bakit mo ito nasabi? b. Kung ikaw si Pina o ang munting gamo-gamo, ano ang iyong gagawin? Bakit?2. Pangkatin ang mga mag-aaral sa ____ pangkat. Tatalakayin nila ang sumusunod sa loob ng limang minuto. Ipaalala ang mga tuntunin sa pangkatang-gawain. Halimbawa: Bigyan ng pagkakataon ang bawa’t isa na magsalita. Igalang ang opinyon ng iba. Mga gabay na tanong: a. Minsan ba ay naging tulad ka ni Pina o ng munting gamu-gamo? Kung ang iyong sagot ay oo, ipaliwanag mo ito. Ganon din naman kung ang sagot mo ay hindi. b. Ano ang iyong dahilan kung bakit ito nangyari? c. Ano ang iyong natutunan matapos ang pangyayaring ito? 2

3. Matapos ang pangkatang-gawain, tumawag ng ilang mag-aaral mula sa mga pangkat upang ibahagi ang kanilang napag-usapan.4. Gabayan ang mga bata upang makagawa ng kanilang paglalahat mula sa mga ibinigay na halimbawa. Inaasahang paglalahat: Mahalaga ang pagsunod sa utos o bilin ng magulang. Ito ay para sa ating kabutihan at kaligtasan.ISAGAWA1. Talakayin ang mga sagotg nakalap sa pamamagitan ng tsart (semantic differential) sa Gawain 1. Mga gabay na tanong: a. Gaano kadalas ipinakikita ng iyong kamag-aral ang kanyang pagkamasunirin? b. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi niya ito naipakikita ng madalas o hindi niya ito naipakikita? Sabihin sa mga mag-aaral na muling bumalik sa kanilang pangkat upang mag-isip ng iba pang paraan upang maipakita ang pagiging masunurin. Bigyan diin din na maipakita nila ang mabuting maibubunga nito. Bigyan sila ng 5-7 minuto upang ito ay pag-usapan at kung sa paanong paraan nila ito ipakikita (halimbawa: role play, patula, etc.). Ipaalala na ang kanilang palabas ay tatagal lamang ng isa hanggang dalawang minuto.2. Talakayin ang mensahe ng bawat pangkat (Iminumungkahi na talakayin agad ang ipinakita ng bawat pangkat.)3. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang sagutan ang Gawain 2, Gawain 3, at Gawain 4. Talakayin ang mga sagot.4. Batay sa mga gawain, gabayan ang mga mag-aaral na masabi ang kahalagahan ng pagiging masunurin.ISAPUSO1. Gabayan ang mga bata na maunawaan ang nakasulat sa TANDAAN.2. Bigyan ng pagkakataon ang klase na pag-isipan at pagnilayan ang nilalaman nito. 3

3. Hikayating isulat o iguhit nila sa kanilang kuwaderno ang isang bagay na kanilang gagawin pag-uwi nila sa kanilang tahanan upang maipakita nila ang kanilang pagiging masunurin.ISABUHAY1. Kung may oras pa, ipagawa ang gawain sa klase o gawin itong takdang- aralin.2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginagawa (Isapuso, Gawain 3) na nagpapakita ng pagiging masunurin.SUBUKIN1. Pasagutan ang Gawain 1 hanggang Gawain 5 sa mga bata.2. Pag-usapan ang kanilang mga sagot.ARALIN 2: Pagpapahalaga sa Pagpapanatili sa Kaayusan at Kapayapaan Iminumungkahi ang sumusunod na tanong bilang patnubay sapagtuturo ng araling ito.Mga patnubay na tanong:1. Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng kaayusan at kapayapaan?2. Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan?3. Paano mo makakamit at mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng inyong tahanan?ALAMIN1. Ipaalam sa mga bata na may kaibigan kang may suliranin. Itanong sa kanila kung maaari bang tulungan nila ang kaibigan mo. Ipaskil ang manila paper sa pisara at sabihing makinig silang mabuti sa babasahin mong liham mula sa iyong kaibigan. 4

Mahal kong _______ (Pangalan ng guro), Hindi kami nakauwi sa takdang oras kahapon. Ito po kasingaking kambal, nakipaglaro pa ng patintero pagkatapos ng klase.Hayan, pati tuloy ako ay napagalitan ng nanay. Hindi ko namankasalanan iyon, hindi po ba? Kaya mula kagabi ay hindi ko na siyakinikibo. Kanina, narinig ko siya. Sinabi niya sa nanay ang nangyari.Pagkatapos, nakita ko ang sulat na inipit niya sa aking aklat. Nagso-sorry po siya sa akin pero masama pa rin ang aking loob.Patatawarin ko na po ba siya? Ano po ang aking gagawin? Sanapo ay matulungan ninyo ako. Salamat po. Umaasa, Rufo2. Itanong ang sumusunod: a. Bakit ginabi sa pag-uwi ang magkapatid? b. Bakit sumama ang loob ni Rufo sa kanyang kambal? c. Ano ang nakaipit sa aklat ni Rufo? d. Ano ang nilalaman ng sulat?3. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha at pag-usapan ang kanilang opinyon sa suliranin ni Rufo. Bigyan sila ng 2-3 minuto. Mga gabay na tanong: a. Ano ang dapat gawin ni Rufo? b. Dapat ba niyang patawarin ang kanyang kambal? Bakit?4. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot.5. Itanong sa klase kung sila ang kapatid ni Rufo, ano ang kanilang dapat gawin matapos siyang patawarin?ISAISIP1. Iugnay ang mga sagot ng mag-aaral sa talakayan tungkol sa suliranin ni Rufo.Mga gabay na tanong:a. Ano ang iyong gagawin kung may nakasakit ng iyong damdamin? Bakit? 5

b. Kung ikaw naman ang nakasakit ng damdamin ng iba, ano naman ang iyong gagawin? Bakit? c. Ano ang pakiramdam kung ikaw ay tumatanggap ng kapatawaran? Kung ikaw ang nagpapatawad? d. Bakit mahalaga ang magpatawad?2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng kahalagahan ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan. Gabay na tanong: a. Ano ang mangyayari kung lahat ng mga kasapi ng mag-anak ay nagkakasundo? Isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Halimbawa: magiging masaya ang lahat, maiiwasan ang away3. Batay sa kanilang mga sagot, gabayan ang mga mag-aaral upang maibigay nila ang kahulugan ng kaayusan at kapayapaan. Isulat ito sa pisara.4. Pangkatin ang klase sa _____. Sabihin sa klase na mag-isip ng mga paraan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan. Ipasulat ang mga ito sa manila paper. Ipaalala ang mga tuntunin sa pangkatang gawain. Bigyan sila ng limang minuto sa pagtalakay at paghahanda sa kanilang presentasyon. Gabayan sila sa pagsulat ng kanilang mga sagot.5. Hayaang ibahagi sa klase ng bawat pangkat ang kanilang presentasyon. Iminumungkahi na talakayin agad ang mga sagot ng bawat pangkat bago talakayin ang sa susunod na pangkat.)6. Pagkatapos makapaglahad lahat ng pangkat, hikayatin pa ang mga mag- aaral na magbigay ng iba pang paraan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Gabayan ang mga bata sa iba pang halimbawa na makikita sa diyalogo na nasa yunit . Hikayatin silang magpaliwanag.ISAGAWA1. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang sagutan ang Gawain 1, 2, 3, at 4.2. Talakayin ang sagot ng mga bata. 6

ISAPUSO1. Gabayan ang mga mag-aaral na lubos na maunawaan ang nakasulat sa TANDAAN sa yunit.2. Bilang karagdagang gawain, ipaskil ang sagisag ng kapayapaan (kalapati o dove) sa gitna ng pisara. Itanong kung ano ang kanilang ideya sa isinasagisag nito. Kung wala silang ideya, sabihin kung ano ang sinasagisag nito.3. Pangkatin ang mga bata. Pagkatapos, bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at ipasulat ang kanilang maaaring gawin / ginagawa upang makamit at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan. Halimbawa: Isulat / iguhit sa manila paper ang mga ito. Sa paligid ay isusulat naman ng mga mag- aaral ang kanilang mga sagot. Iiwasan ko ang maiinggit sa aking kapatid. Susundin ko ang mga tuntunin sa bahay.4. Pagkatapos na makagsulat ang mga bata, sabihing ibahagi naman sa ibang pangkat ang kanilang ginawa.5. Hayaang pagnilayan ng mga bata ang kanilang ginawa. Maaaring ipaskil ang mga ito sa isang sulok ng silid aralan o itabi upang maiugnay sa pagtalakay sa pagdiriwang ng United Nations. 7

ISABUHAY Ipagawa ang Gawain 1. Ipabahagi sa klase ang kanilang napilingsimbolo ng kapayapaan. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na ipakitaikung ano ang napili nilang simbolo at bakit nila pinili ito.SUBUKIN1. Pasagutan ang Gawain 1, 2, 3, at 4.2. Talakayin ang sagot ng mga bata sa iba’t ibang gawain.ARALIN 3: Pagkalinga sa Kapaligiran Upang maisakatuparan ang adhikaing ito, iminumungkahi angsumusunod na tanong bilang patnubay sa pagtuturo sa araling ito.Mga patnubay na tanong:1. Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng kapaligiran?2. Bakit mahalaga na mapangalagaan ang kapaligiran?3. Magbigay ng mga paraang iyong ginagawa upang mapangalagaan ang iyong kapaligiran.ALAMIN1. Sabihin sa mga mag-aaral na maglabas ng isang bagay mula sa kanilang bag o bulsa na sa kanilang palagay ay maituturing nilang basura.2. Bigyan ang bawat isa ng kopya ng KWL chart (o pakopyahin ang KWL chart). Ipaliwanag ang mga bahagi nito.Ano ang aking Ano ang nais ko pang Ano ang aking nalalaman? malaman? nalaman?3. Ipasulat sa unang kolum kung ano ang alam nila tungkol sa salitang basura.4. Ipagtambal ang mga mag-aaral at talakayin ang kanilang sagot. Bigyan sila ng 2-3 minuto. 8

5. Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot.6. Itanong sa mga-aaral kung ano pa ang nais nilang malaman tungkol sa basura. Ipasulat ito sa ikalawang kolum. Bigyan sila ng 2-3 minuto.7. Sabihin sa mga mag-aaral na ibahagi sa kanilang kapareha ang kanilang sagot.8. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang napag- usapan.9. Sabihin na itabi muna ang kanilang KWL chart. Balikan ito matapos ang pagtalakay sa aralin ukol sa pagkalinga sa kapalilgiran.ISAISIP1. Dalhin ang mga mag-aaral sa halamanan ng paaralan at hayaang silang magmasid sa paligid. Hikayating gamitin nila ang kanilang limang senses. Bigyan sila ng tatlong minuto.2. Matapos ang kanilang pagmamasid, hikayatin ang mga mag-aaral na sabihin ang kanilang mga naobserbahan. Hayaang ilarawan nila ang mga ito.3. Isulat ang kanilang mga sagot sa pisara. Hayaang sila ang magsabi na ang lahat ng ito ay makikita sa kanilang paligid. Gabayan ang mga mag- aaral na ibigay ang kahulugan ng kapaligiran. Halimbawa: Gumuhit ng bata sa gitna at sa paligid niya ay isulat ang mga sagot ng mag-aaral.4. Pangkatin ang mga bata. Tatalakayin ng bawat pangkat ang sumusunod na konsepto: a. Bilang isang kasapi ng mag-anak, paano mo mapangangalagaan ang kapaligiran ng inyong tahanan? b. Bakit mahalagang mapangalagaan ko ang aming kapaligiran? Bigyan sila ng 10 minuto sa pagtalakay at paghahanda sa kanilang presentasyon – role play, patula, atbp. at 2-3 minuto lamang ang ilalaan nila para sa presentasyon. Ipaalala ulit ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.)5. Presentasyon ng bawat pangkat 9

(*Iminumungkahi na talakayin agad ang mensahe ng bawat pangkat. Isulat ito sa pisara.)6. Matapos ang lahat ng presentasyon, ibaling ang pansin ng mga mag-aaral sa mga isinulat sa pisara. (Halimbawa: Gumawa ng dalawang kolum gaya ng nasa ibaba. Itatapon ang basura sa tamang Mapapanatiling malinis ang paligid lalagyan Isasara ang ilaw kung di ginagamit Makakatipid ng kuryente7. Gabayan ang mga mag-aaral upang sa kanila maggaling kung ano ang heading na ilalagay sa una at ikalawang kolum.Gabay na tanong: Ano ang isinasaad ng mga nakasulat sa unang kolum? Sa ikalawangkolum? Inaasahang sagot:Mga paraan sa pagkalinga Epekto ng gawaing ito sa kapaligiran sa kapaligiran8. Talakayin ang iba pang mahahalagang konseptong nasa yunit.9. Balikang muli at talakayin ang ikatlong kolum ng KWL chart.ISAGAWA1. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na gawin ang iba’t ibang gawain.2. Talakayin ang mga sagot sa bawat gawain.ISAPUSO1. Gabayan ang mga bata na maunawaan ang nakasulat sa TANDAAN.2. Bigyan ng pagkakataon ang klase na pag-isipan at pagnilayan ang nilalaman nito. 10

ISABUHAY1. Pag-usapan ang mga sitwasyon na nasa yunit upang maunawaan ng mga bata ang kanilang gagawin.2. Gabayan ang mga bata habang sinasagutan ang gawain.3. Ipaliwanag kung ano ang gagawin ng nanay o tatay sa kanilang sagot sa gawain.SUBUKIN1. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng Gawain 1, 2, 3, 4 at 5.2. Pag-usapan ang kanilang mga sagot sa bawat gawain. 11

CULMINATING ACTIVITY Sa mga gawaing ito ay binibigyang-diin ang mga konseptong tinalakaysa Aralin 1, 2, at 3.I. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang magawa nila ang bookmark na matatagpuan sa yunit. Ito ay maaaring ibigay nila sa isang tao na kanilang nasaktan ang damdamin. Ang mga ito, kasama ng mga ginawa nilang mga gamit na ni-recycle ay maaaring isama sa exhibit sa Earth Day Celebration.II. Maglaro Tayo Gumawa ng isang board game gamit ang isang manila paper at pentel pen katulad ng nasa ibaba. Layunin: Makarating mula sa starting line hanggang sa finish line. Kung sino sa mga manlalaro ang unang makarating sa finish line ay siyang itatanghal na panalo. Bilang ng manlalaro: 2 hanggang 5 Mga kailangan: 2 – 5 tansan (bilang pamato), 1 dice Paraan: 1. Maglalaro muna ng “gunting-papel-bato” upang malaman ang pagkakasunod-sunod ng maglalaro. 2. Ihahagis ng unang manlalaro ang dice upang malaman kung ilang hakbang ang kanyang gagawin. Maaring sumulong o manatili sa kinalalagyan ang pamato ayon sa bilang na makikita sa dice. 3. Susunod na maglalaro ang ikalawang bata at gagawin ang mga naunang hakbang hanggang matapos ang laro. Mga nilalaman ng board game: Paalala: Maaaring i-modify / simplify sa pamamagitan ng pagdagdag ang mga kahon. 1. Humingi ako ng paumanhin sa aking nanay. (3 hakbang pasulong) 2. Maingay kaming naglaro ng aking kapatid kahit alam naming natutulog pa ang tatay. (5 hakbang pabalik) 3. Tumulong akong magtanim ng mga bulaklak sa bakanteng lote ng aming bakuran. (2 hakbang pasulong) 12

4. Nang aking marinig ang tawag ng lolo ay agad akong sumagot. (1 hakbang pasulong)5. Padabog akong sumunod sa utos ni Tatay. (Bumalik sa starting line.)6. Hindi ko kinibo ang tiyo dahil si Kuya lang ang ibinili niya ng bagong laruan. Kaarawan kasi ni Kuya. (3 hakbang pabalik)7. Gumawa ako ng lalagyan ng aking mga gamit tulad ng gunting, ruler, at lapis mula sa lumang kahon ng sapatos. (3 hakbang pasulong)8. Binato naming magkakapatid ang mga ibon sa aming bintana. (2 hakbang pabalik)9. Palagi akong nagpapaalam sa nanay kung hindi ako makakauwi sa oras. (2 hakbang pasulong)10. Hinahayaan kong nakabukas ang telebisyon kahit na ako ay naglalaro. (manatili)11. Ginagamit ko ang bag ni Ate kahit walang paalam. (3 hakbang pabalik)12. Kung sira ang aming gripo ipinapaalam ko sa tatay. (2 hakbang pasulong)13. Gumagamit ako ng malinis na tubig sa paglilinis ng aking mga laruan kahit may tubig mula sa pinagbanlawan ng mga damit. (manatili)14. Umaalis ako sa bahay kapag alam kong maglilinis na kami ng aming silid ni Kuya. (3 hakbang pabalik)15. Sa pagtatapon ng basura ay nilalaro ko ito ng parang basketball. (2 hakbang pabalik)Mga Mungkahi:1. Maaring gumawa ng 4 na board game para sa apat na pangkat. Maaari rin naming hikayatin ang mga bata na gumawa ng sarili nilang board game. Matapos laruin ang kanilang board game ay maaaring makipagpalitan sa ibang pangkat.2. Ipaalala ang mga alituntunin sa paglalaro.(Halimabawa: Maglaro nang tapat. Bigyan ng pagkakataon ang lahatupang makapaglaro.) 13

START Humingi ako Maingay kaming Tumulong akong Nang aking ng paumanhin naglaro ng aking magtanim ng mga marinig ang tawag sa aking kapatid kahit bulaklak sa ng lolo ay agad nanay. alam naming bakanteng lote ng akong sumagot. natutulog pa ang aming bakuran. (2 (3 hakbang tatay. hakbang (1 hakbang pasulong) (5 hakbang pasulong) pasulong) pabalik) Padabog akong sumunod sa utos ng ate. (2 hakbang pabalik)FINISH 14

Yunit IV PANANALIG SA PANGINOONKABUUANG PANANAW Likas sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng matibay na pananalig saPanginoon gayundin ang matatag na pananampalataya. Bagama’t may iba‘tibang paniniwala at pamamaraan ng pagsamba, hindi maikakaila na ang mgaPilipino ay palaging nakikipag-ugnayan sa Panginoon. Bunga ng matatag napananalig, may pag-asang taglay ang bawat isa na nagbibigay ng lakas ngloob upang harapin ang anumang problema na dumarating sa buhay. Isa samagagandang katangian ng mga Pilipino ay ang kakayahang bumangonmula sa isang trahedya o sakuna. Nagagawa ng mga Pilipinongmakapagsimulang muli taglay ang pag-asa na may mas magandangnakalaan sa kinabukasan. Dulot ito ng ating positibong pananaw sa buhay. Ang mga katangiang ito na nagbibigay kahulugan sa pagiging maka-Diyos ng mga Pilipino ang siyang paksa ng mga araling tatalakayin sa yunit.Sa murang edad ng mga mag-aaral, nais makamit ng yunit 4 ang sumusunodna mga layunin:  Magkaroon ng kamalayan sa paraan ng pananalig sa Panginoon.  Maipakita ang kakayahang magpasalamat sa mga biyayang tinatamasa.  Makapagbigay ng iba’t ibang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Panginoon.  Malaman ang iba’t ibang paniniwala tungkol sa Dakilang Lumikha at igalang ang mga paniniwalang ito.  Maunawaan ang kahalagahan ng pag-asa at positibong pananaw sa buhay. Iminumungkahi na ang yunit na ito ay hatiin at ituro sa loob ngsampung linggo (10 weeks). Sa yunit na ito, pagtuunan ng pansin angsumusunod na mga tanong na magiging gabay sa pagtalakay ng mgakonseptong ituturo sa mga araling nakapaloob dito.MGA GABAY NA TANONG1. Ano ang konsepto ng pananalig at pananampalataya sa Panginoon?2. Ano-ano ang mga paniniwalang may kinalaman tungkol sa Dakilang Lumikha?3. Ano-ano ang mga paraan ng isang tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon? 15

4. Ano ang pag-asa? Paano ito nakatutulong upang magkaroon ng positibong pananaw ang isang tao? Ano ang kahalagahan nito sa pagharap sa bawat problemang dumarating sa ating buhay?ARALIN 1: Pananampalataya sa PanginoonALAMIN1. Sandaling pasagutan sa mga bata ang mga tanong tungkol sa larawan. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa kanilang mga sagot. Bigyan ng pagkakataon ang mga batang maibahagi ang kanilang mga sagot. Itanong sa mga bata ang sumusunod: a. Ano ang iyong naisip at naramdaman habang sinasagot ang mga tanong? b. Ano ang masasabi mo sa sagot ng iyong kaklase? c. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba ang inyong mga sagot?2. Gabayan ang mga bata na maibigay ang buod ng mga sagot. Matapos nito, ituon ang atensyon ng mag-aaral sa mga layunin ng aralin.ISAISIP1. Pag-aralan ang mga larawan at pag-usapan ang tungkol dito.2. Bigyang diin ang kahulugan ng pagpapala o biyaya. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay pa ng mga halimbawa ng mga pagpapala o biyayang natatanggap nila at ng kanilang pamilya araw-araw. Maaaring isulat ang sagot ng mga bata sa pisara upang maging konkreto ang konsepto at halimbawa nito. Itanong sa mga bata ang sumusunod: a. Ano ang inyong nararamdaman kung kayo ay nakakatanggap ng mga biyaya? b. Ano ang dapat gawin ng isang taong binigyan ng maraming pagpapala?3. Bigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng pagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap maliit man o malaki.4. Ipaliwanag sa mga bata kung ano ang kahulugan ng mga mithiin na nais makamit ng isang tao. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang mga mithiin sa buhay. Tanungin ang mga bata kung paano nila ito makakamit. 16

5. Ipaliwanag ang kahulugan ng pananalangin o pagdarasal. Tanungin ang sumusunod: a. Sino sa klase ang marunong manalangin? b. Sino ang nagturo sa inyong manalangin? c. Kailan naman kayo nananalangin? d. Ano ang inyong hinihiling tuwing kayo ay nananalangin? e. Sino ang inyong kinakausap kung kayo ay nananalangin?6. Basahin nang sabay-sabay ang huling talata na nakapaloob sa nilalaman ng ISAISIP. Bigyang diin ang kahalagahan ng pasasalamat sa Panginoon at ang pananalig sa Panginoon. Ituon din ang atensyon ng mga bata sa iba’t ibang paraan kung paano magpapasalamat sa mga biyayang tinatamasa.ISAGAWA1. Gawin nang tahimik ang unang gawain. Maglaan ng sapat na oras upang masagutan ito ng mga bata.2. Matapos nito, gabayan ang mag-aaral upang maisagawa ng klase ang susunod na gawain. Hayaan ang mga bata na makapagbahagi ng kanilang sagot sa kanilang kapareha. Bigyan sila ng oras upang masagutan ang hinihingi sa gawain.3. Talakayin ang sagot ng bawat pares. Pagtuunan ng pansin ang kanilang sagot at palawigin pa ang mga ito sa pagbibigay ng mga halimbawa at tanong.4. Pasagutan sa mga bata ang Gawain 2. Isa-isahin ang sagot ng klase. Ipaliwanag ang kahalagahan ng paghihintay sa tugon sa mga panalangin.5. Gawin ang huling Gawain – Gawain 3. Talakayin ang sagot ng mga bata. Magbigay ng maikling buod mula sa kanilang mga ginawa. Maaaring ilagay ang buod sa isang kartolina at ipaskil ito sa bulletin board upang makita at maalala ng mga bata ang napag-aralan.ISAPUSOGabayan ang mga bata na masabi ang buod ng aralin na nakasulat saTANDAAN. 17

ISABUHAY1. Tingnan ang larawan ng treasure box. Itanong sa mga bata kung ano ang nilalaman ng isang treasure box? Mahalaga ba ang mga bagay na inilalagay dito?2. Sabay-sabay basahin ang panuto ng gawain. Bigyan ng sapat na oras ang mga bata upang maiguhit nila ang mga bagay na nais nilang pasalamatan.3. Paalalahanan ang mga bata na sa susunod na sila’y manalangin, huwag kalimutang banggitin ang kanilang mga iginuhit.SUBUKIN1. Sagutan ang pagsubok na gawain.2. Markahan ang gawa ng mga bata. Talakayin ang kanilang mga sagot. 1. 2. 3. 4. 5. 18

ARALIN 2: Paggalang sa Paniniwala ng IbaALAMIN1. Pag-aralan ang mga larawan at hayaang tukuyin ng mga mag-aaral kung ano ang mga gusaling ito.2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga larawan. Itanong sa mga bata ang sumusunod: a. Sino ang pumunta sa mga gusaling nasa larawan? b. Kailan kayo pumupunta at gaano kadalas kayo pumunta sa lugar na ito? c. Ano ang ginagawa mo at ng iyong pamilya sa lugar na ito?ISAISIP1. Basahin at talakayin ang nilalaman ng unang gawain. Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga taong nasa simbahang Katoliko, Iglesia ni Cristo, Protestante, at Islam. Isa-isahin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga paniniwalang ito.2. Tanungin ang klase kung sino sa kanila ang nabibilang sa mga relihiyong ito. Alamin sa mga bata kung ano pa ang kanilang alam tungkol sa paniniwala ng mga nasabing relihiyon.3. Isa-isahin ang mga larawan na nagpapakita ng paggalang sa iba’t ibang paniniwala. Talakayin ang kahalagahan ng paggalang sa paniniwala ng ibang tao.4. Magbigay pa ng mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.5. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng sarili nilang pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.ISAGAWA1. Basahin at ipaliwanag ang Gawain 1. Bigyan ng oras na magbahaginan ng sagot ang magkakaklase. Gabayan ang mga bata sa gawaing ito.2. Ipaliwanag ang Gawain 2.3. Sagutin ang tanong sa Gawain 3. Magkaroon ng malayang talakayan. Hikayatin ang bawat mag-aaral na magbigay ng sariling opinyon. Ipagawa 19

ang Gawain 3. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang gawin ito.4. Magkaroon ng pangkatang gawain. Hatiin ang klase sa pangkat na may limang miyembro. Hayaan ang mga batang pumili ng kanilang lider. Bigyan ng pagkakataon ang mga batang maibahagi ang kanilang sagot sa kanilang pangkat. Himukin ang mga lider na ibahagi ang napag-usapan ng kanilang pangkat sa buong klase.ISAPUSOBasahin nang sabay-sabay ang nilalaman ng TANDAAN.ISABUHAY1. Magbalik tanaw sa mga natutunan sa araling ito. Hikayatin ang mga bata na isa-isahin ang kanilang mga natutunan at isulat ito sa pisara.2. Pasagutan ang gawain. Maaaring makatulong ang kanilang mga sagot na nakasulat sa pisara.3. Tumawag ng mag-aaral na maaring magbasa ng natapos na gawa.4. Ipaliwanag sa klase ang kahalagahan ng isang kasunduan. Sabihin ang kahalagahan ng lagda sa isang kasunduan. Ipakita ang isang halimbawa ng kasunduan o pangako na nakasulat sa yunit. Kumpletuhin ang gawain na “Pangako ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba.” Tumawag ng mga mag-aaral na magbabasa ng kanilang isinulat.SUBUKIN1. Pasagutan ang binigay na gawain.2. Markahan ang gawa ng mga bata. Magkaroon ng maikling pagtalakay sa kanilang mga sagot. 1. 2. 20

3. 4. 5.Aralin 3: Pagkakaroon ng Pag-asaPanimula1. Paupuin ang klase ng pabilog. Magkuwento tungkol sa isang batang dumaranas sa iba’t ibang uri ng problema ngunit hindi nawalan ng pag- asa. a. Maaaring humanap ng mga kuwentong pambata na nakalathala. Ilang maaaring halimbawa ang sumusunod: • “Xilef” ni Augie Rivera - tungkol sa isang batang dyslexic o nahihirapang magbasa. Nagpursige ang bata upang matutong bumasa. • “Pambihirang Buhok ni Raquel” ni Luis Gatmaitan - tungkol sa isang batang may kanser pero nananatiling maganda ang pagtingin sa buhay. b. Maaaring bumuo ng sariling kuwento. Gumamit ng mga larawan upang maging kaiga-igaya ang pakikinig ng mga bata sa kuwento. Ilang maaaring paksa ng kuwento ang sumusunod: • Isang batang nangangarap maging first honor sa klase para matuwa ang kanyang mga magulang. Pero hindi niya ito nakamit sa unang quarter. Nag-aral pa siya nang mas mabuti para mas tumaas ang kanyang grado. • Isang bata na natalo sa isang contest. Tinutukso siya ng kanyang mga kaibigan. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Pinaghandaan niya ang susunod na contest. 21

2. Pag-usapan ang kuwento. Tanungin ang mga bata kung ano ang tingin nila sa pangunahing tauhan.3. Pagkuwentuhin ang mga bata ng kanilang karanasan kung saan may bagay silang gustong-gusto ngunit hindi nila agad ito nakuha. Tanungin sila kung ano ang ginawa nila sa mga pagkakataong iyon?4. Bilang pagpapayaman sa mga kuwento ng karanasan, maaaring ipasagot sa kanila ang unang gawain sa Yunit 4, Aralin 3. Pag-usapan ang mga sagot ng mga bata.5. Ipakilala sa kanila ang salitang pag-asa sa pamamagitan ng mga kuwento ng bawat isa. Alin sa mga pangyayari / kuwento ang nagpapakita ng isang batang hindi nawawalan ng pag-asa?6. Hayaan ang mga bata na bumuo ng sariling pakahulugan sa pag-asa. Ipunin ang mga terminong iuugnay ng mga bata sa salitang pag-asa. Tulungan ang klase na makabuo ng sariling kahulugan ng pag-asa.ISAISIP1. Magpakita ng mga larawan sa mga bata. Maaaring gumamit ng mga larawang galing sa dyaryo o internet. a. Unang ipakita ang mga larawan tungkol sa mga kalamidad. Ang mga ito ay maaaring pamayanang nasalanta ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, sunog, at iba pa. b. Sunod na ipakita ang mga malulungkot na taong biktima ng mga kalamidad. c. Huling ipakita ang larawan ng mga taong nakabangon mula sa pagkalugmok. Piliin ang mga larawang may nakangiting mga bata at mga larawan ng pagtutulungan.2. Mula sa mga ipinakitang larawan, bigyang-diin ang dalawang imahe: isang positibo o may pag-asa at isang negatibo o walang pag-asa. Hilingin sa mga bata na pagkumparahin ang mga larawan.3. Talakayin sa klase ang ISAISIP. Gumamit ng mga karaniwang karanasan ng mga bata sa pagtalakay ng pagpapamalas ng pagiging positibo o may pag-asa.4. Maaaring ipangkat ang mga bata at magpagawa ng poster na magpapakita ng kanilang sariling interpretasyon sa isang batang may pag- asa. 22

ISAGAWA1. Ipagawa sa mga bata ang Gawain 1. Iugnay ang kanilang sagot sa gawain sa ALAMIN.2. Ipagawa ang Gawain 2. Tiyaking may sapat na oras ang mga bata upang makapag-isip ng kanilang isasagot. Hayaang maghanap ang mga bata ng kanilang kapareha. Bigyan sila ng pagkakataong maibahagi sa isa’t isa ang kanilang isinulat. Tumawag ng ilang mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang napag-usapan sa buong klase.3. Talakayin ang mga sagot. Pumili ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot sa mga partikular na sitwasyon.ISAPUSO1. Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang natutuhan tungkol sa pagkakaroon ng pag-asa. Maaari nila itong iguhit sa malinis na papel.2. Gabayan ang mga bata na maibigay ang buod ng mga natutuhan na nakasulat sa TANDAAN.3. Bilang pagpapayaman, maaaring ipangkat ang mga bata. Bigyan sila ng partikular na sitwasyon at hayaan silang isadula ang kanilang gagawin sa bawat pangyayari.ISABUHAY1. Ipabigkas sa klase ang tula sa ISABUHAY. PAG-ASA Sa bawat pagsubok sa ating buhay, Pag-asa sa puso ay palaging taglay, Sa puso mo ito ay ‘wag kalimutan, Lakas at tibay ng loob ay makakamtan. Ang bawat problema ay dapat harapin, Ng may pag-asa at tiwala sa Panginoon, Pangarap sa buhay ay iyong kakamtin, Dulot ng pag-asa na nasa puso natin. 23


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook