GAWAIN 2 MAGPAKITANG GILASIlabas ang mga ipinadala ng guro na iba’t ibang laking kahon, kawad, tali, tansan, at kung anumangbagay na makikita sa kapaligiran.Mula sa mga bagay na ito ay gagawa ka ng isangrobot o anumang bagay na gusto mong gawin.Tingnan ang ginawang anghel ng guro.Gumawa ka ng isang robot o anumang bagay naiyong gusto mula sa mga dala mo. ISAISIP MO Makabubuo ng robot o iba pang mga bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga kahon, kawad, tali, tansan, at iba pang bagay na makikita sa kapaligiran. 262
GAWAIN 3 IPAGMALAKI MOIhanay mo na sa unahan ng klase ang natapos monglikhang sining.Lagyan ng kung Oo ang iyong sagot at kungHindi.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.1. Gumamit ba ako ng mga kahon sa pagbuo ng aking likhang sining?2. Gumamit ba ako ng iba pang bagay na matatagpuan sa kapaligiran?3. Gumamit ba ako ng mga patapong bagay sa aking likhang sining?4. Naisagawa ko ba ang likhang sining sa sarili kong pagsisikap?5. Nakatulong ba ako sa kalinisan ng ating kapaligiran? 263
ARALIN 3 - PAGIGING MALIKHAINAng mga Pilipino ay likas na malikhain. Ang kanilangmga likha ay gawa sa iba’t ibang bagay na nakikita saating kapaligiran.Nakagagawa sila ng isang magandang sining sa iba’tibang pamamaraan. GAWAIN 1 ALAMIN NATINAlam mo ba kung ano ang nasa larawan?Ang tawag dito ay paper mache. Ito ay gawa mula samga papel o lumang diyaryo.Ito ay ginamitan ng balangkas upang mapanatili angkaniyang hugis. Pinatuyong mabuti sa init ng arawhanggang sa ito ay tumigas at pinintahan ng iba'tibang kulay. 264
Alam mo ba kung paano ginawa ang nasa larawan?Anong bagay ang ginamit sa larawang ito?Ito ay tinatawag na Taka. Ito ay gawa sa mga lumangpapel na ginupit gupit na pahaba at dinikit sahulmahang kahoy. Ito ay binibiyak sa gitnapagkaraang ito ay tumigas at muling tatapalanhanggang sa ito ay mabuo muli. Ang paper mache attaka ay gawa sa Paete, Laguna. GAWAIN 2 MAGPAKITANG GILASKilalanin ang likhang sining na nasa ibaba at isulat sainyong sagutang papel kung papaano at ano angginamit na bagay sa malikhaing sining na ito. 265
ISAISIP MO Ang mga likhang sining ng bawat pamayanan ay nakikilala sa pamamagitan ng mga ginamit na iba’t ibang bagay mula sa kanilang pamayanan. GAWAIN 3 IPAGMALAKI MOSuriin ang iyong mga sagot sa pagkilala ng likhangsining na ipinakita.Lagyan mo ng kung Oo ang iyong sagot atkung Hindi.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Naibigay ko ba nang tama ang mga bagay na ginamit sa likhang sining? 2. Naibigay ko ba nang tama ang pamamaraan kung paano ito ginawa ? 3. Makatotohanan ba ang likhang sining na ito? 4. Magagawa ko ba ang likhang sining na ito? 5. Maipagmamalaki ko ba ang likhang sining na ito? 266
ARALIN 4 - BALANSE AT PROPORSIYON SA SARANGGOLANakakita ka na ba ng saranggola?Nakapagpalipad ka na ba nito?Bakit nakalilipad ang saranggola? GAWAIN 1 ALAMIN NATINGumuhit ka ng saranggola na naaayon sa iyonggustong disenyo.Gawin ito sa iyong kuwaderno.Ano-ano ang kagamitang ginagamit upangmakagawa ng saranggola?Narito ang mga pamamaraan sa paggawa ngsaranggola.Mga kagamitan: dalawang (2) piraso ng patpat - 1/4 pulgada ang kapal papel de hapon pandikit tali palara o papel 267
Mga pamamaraan sa paggawa ng saranggola: 1. Pagkabitin ang dalawang piraso ng patpat at itali ito. 2. Gupitin ang papel de hapon sa hugis na diamond na kasukat lamang ng patpat na pinagkabit. 3. Idikit ang papel de hapon sa patpat na pinagkabit sa pamamagitan ng pagdidikit ng papel o palara sa bawat gilid. 268
4. Lagyan ng tali sa bandang ibaba at sa pinagtalian ng dalawang patpat. 5. Siguraduhin na balanse ang pagkakalagay ng tali upang ito ay makalipad nang maayos. GAWAIN 2 MAGPAKITANG GILASIlabas ang mga kagamitan at gumawa ng iyongsaranggola.Tularan ang mga pamamaraan sa paggawa nito. ISAISIP MO Sa paggawa ng saranggola laging siguraduhin na balanse ang pagkakagawa upang ito ay mapalipad nang maayos. 269
GAWAIN 3 IPAGMALAKI MOIpakita mo ang iyong natapos na gawaing sining saharap ng iyong kamag-aaral.Lagyan mo ng kung Oo ang iyong sagot atkung Hindi.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.1. Naisagawa ko ba sa tamang pamamaraan ang aking ginawa?2. Napanatili ko ba ang pagkakabalanse ng aking gawa?3. Naisagawa ko ba ang gawain sa sarili kong pagsisikap?4. Nakaramdam ba ako ng pagmamalaki sa natapos kong gawain?5. Mapapalipad ko ba nang maayos ang aking ginawang saranggola? 270
ARALIN 5 - PAGPAPALIPAD NG SARANGGOLAAlam mo ba ang awiting \"Saranggola ni Pepe?‖Ating awitin ng sabay-sabay ang kantang \"Saranggolani Pepe\".Ano ang nilalaman ng awiting ito?Gusto mo bang magpalipad ng saranggola? GAWAIN 1 ALAMIN NATINKunin mo ang natapos mong ginawang saranggola atlagyan ng tali.Sa paglalagay ng tali ito ay dapat pantay at balansesa magkabilang dulo, upang ito ay makalipad ngmaayos. 271
Tingnan mo ang mga larawang nasa ibaba upangmasundan ang tamang pagpapalipad ng saranggola.Ang pagpapalipad ng saranggola ay dapat naaayonsa direksiyon ng hangin upang ito ay lumipad ngmataas at matagal. GAWAIN 2 MAGPAKITANG GILASSubukan mong paliparin ang iyong saranggola salabas ng inyong silid-aralan at sundan ang tamangpamamaraan sa pagpapalipad nito. 272
ISAISIP MO Sa pagpapalipad ng saranggola laging siguraduhin na balanse ang pagkakagawa at pagkakabit ng tali upang ito ay mapalipad nang maayos. GAWAIN 3 IPAGMALAKI MOLagyan mo ng kung Oo ang iyong sagot atkung Hindi.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Naitali ko ba ng maayos ang aking saranggola? 2. Madali ko bang napalipad ang aking saranggola? 3. Balanse ba ang paglipad ng aking saranggola? 4. Nakalipad ba ng mataas at matagal ang aking saranggola? 5. Nakadama ba ako ng kasiyahan sa pagpapalipad ng saranggola? 273
ARALIN 6- PAPER MACHE : ATING LIKHANG SININGNatatandaan mo pa ba ang mga ginawa monglikhang sining gamit ang mga kahon, tansan at ibapang materyales?Alam mo bang kaya mong gumawa ng isangmagandang laruan gamit ang papel? GAWAIN 1 ALAMIN NATINAng paper mache ay isang katutubong sining na yarisa papel. Ang ganitong uri ng sining sa papel aykaraniwang ginagawa ng mga taga – Paete, Laguna.Nakabubuo sila ng magagandang laruan sapamamagitan ng paper mache.Pagsasanay sa paggawa ng paper mache.1. Gumawa ng balangkas ng isang hayop sa pamamagitan ng alambre o binalumbong na diyaryo. 274
2. Talian ang bahagi ng katawan upang manatili ang hugis at patuyuin ito sa isang kahoy.3. Punit-punitin nang maliliit ang lumang diyaryo at ibabad sa tubig ng magdamag.4. Hanguin ang ibinabad na diyaryo, pigain at pagkatapos ay dikdikin at ilagay sa isang lagayan. 275
5. Pagsamahin ang dinikdik na diyaryo at pandikit at haluin.6. Balutan ng dinikdik na diyaryong may pandikit ang ginawang balangkas ng hayop at ihugis nang maayos at makinis.7. Patuyuin ang hinulmang hayop at pinturahan. 276
GAWAIN 2 MAGPAKITANG GILASGamit ang mga kagamitan, gumawa ka ng sarili mongbalangkas ng hayop at gawin ang paper mache. ISAISIP MO Ang paper mache ay isang katutubong sining na yari sa papel. GAWAIN 3 IPAGMALAKI MOKunin ang iyong likhang sining. Ipakita ito sa klase atsagutan ang sumusunod na tseklis.Iguhit ang ___ kung nagawa nang maayos at _____kung hindi maayos.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Maayos ba at makinis ang pagkakagawa ko sa paper mache? 2. Naging matiyaga ba ako sa pagsunod sa mga pamamaraan ng paggawa ng paper mache? 3. Naibigan ko ba ang ginawa kong hayop? 4. Napanatili ko bang malinis ang paligid habang ako ay gumagawa? 5. Nakaramdam ba ako ng kasiyahan sa aking ginawang likhang sining? 277
ARALIN 7 - HAYOP NA INIHULMA, KILOS AT GALAW, KITANG-KITA GAWAIN 1 ALAMIN NATINAno ang paborito mong hayop?Gusto mo bang gumawa ng replika nito?Madali lang iyan. Pag-aralan mo ang paggawa nito sapamamagitan ng pagsunod ng tingin sa nakalarawan. Kunin ang kawad at ihugis itong hayop. Unti-unti mo itong pakapalin gamit ang maliliit na papel na ginamitan ng pandikit. Patuyuin Kulayan gamit ang pintura. 278
GAWAIN 2 MAGPAKITANG GILASHanda ka na bang gumawa?Ihanda mo na ang sumusunod na kagamitan: Pira-pirasong papel o diyaryo kawad o mapapayat na kawayan pandikit at pintura ISAISIP MO Makagagawa tayo ng replika ng anumang hayop gamit ang maliliit na papel na idinikit sa kawad na nakahugis hayop na nagpapakita ng kilos. Ang tawag dito ay paper mache. GAWAIN 3 IPAGMALAKI MOIdispley ang nabuo mong hayop na paper mache.Bigyan mo ito ng pangalan. 279
ARALIN 8-THREE-DIMENSIONAL FREE STANDING FIGUREAng mga bagay na iginuhit natin ng palapad aytinatawag na two-dimensional o 2D.Ang mga bagay na iginuhit natin nang may kapal atang mga bagay na ating nahahawakan ay tinatawagnating three-dimensional o 3D. GAWAIN 1 ALAMIN NATINAlamin natin kung kailan matatawag na ang isangbagay ay two-dimensional at kung kailan itotinatawag na three-dimensional.Isulat sa iyong kuwaderno kung ito ay 2D o 3D. 280
GAWAIN 2 MAGPAKITANG GILASIlabas na ang mga ipinadala ng guro na: clay, wood,recycled objects, metal, kawad, patpat, at anumangbagay na makikita sa kapaligiran.Mula sa mga bagay na ito ay gagawa ka ng isangthree-dimensional free standing figure.Ang gagawin mong likhang sining ay dapat nanakatatayo.Pagmasdan ang modelo ng guro. ISAISIP MO Makabubuo ng three-dimensional free standing figure sa pamamagitan ng paggamit ng mga three-dimensional objects at iba pang mga bagay na makikita sa kapaligiran. 281
GAWAIN 3 IPAGMALAKI MOIhanay na sa unahan ng klase ang natapos monglikhang sining.Iguhit ang ____ kung Oo ang iyong sagot ____kungHindi.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Gumamit ba ako ng mga three- dimensional objects sa pagbuo ng aking likhang sining? 2. Gumamit ba ako ng mga bagay na matatagpuan sa kapaligiran? 3. Gumamit ba ako ng mga patapong gamit? 4. Nakatatayo ba ang aking likhang sining? 5. Ito ba ay gawaing nagpapakita ng pagiging masinop at matipid? 282
ARALIN 9 - CLAYMaraming bagay ang maaaring gamitin upangmakalikha ng isang tao o robot. Ilan dito ay ang mgakarton, papel, o recycled material mula sa atingkapaligiran.Alam mo ba kung ano pa ang maaaring gamitingbagay upang makalikha ng modelo ng isang tao? GAWAIN 1 ALAMIN NATINAlam mo ba kung ano ang clay?Saan ito ginagamit?Ano ang maaaring gawin dito upang makagawa ngisang malikhaing sining?Ang clay ay maaaring gamitin upang makalikha ngmagandang bagay.Narito ang mga ilang bagay na likha sa clay.Ano ang masasabi mo sa mga larawang nasa itaas?Ito ba ay mukhang makatotohanan? 283
Ang mga likhang sining ba ay nakatatayo ng mag-isa?Saan gawa ang likhang sining na ito?Alam mo ba kung paano gumawa ng likhang sining sapamamagitan ng clay?Halina at pag aralan natin ang paglikha ng likhangsining na tao sa pamamagitan ng clay.Mga kagamitan: Wire cutterClay wire aluminum foilPamamaraan: 1. Pumutol ng mga kawad gamit ang wire cutter. Gamitin ang kawad para makabuo ng hugis ng tao.284
2. Gumawa nang hugis bola sa pamamagitan ng aluminum foil at ilagay ito sa kawad upang maging suporta sa mga malalaking parte ng iyong modelo. Ito ay maaaring gamitin bilang ulo, torso, kamay, at paa.3. Maglagay ng clay sa hugis na iyong ginawa.4. Ayusin ang clay sa mga kawad at aluminum foil at nang sa ganon ay hindi ito makikita. Ihugis ang mga parte ng katawan at mukha. 285
5. Gamitin ang ibang kulay para sa gusto mong maging modelo ng iyong likha. Ipatong ito sa nauna mong inilagay na clay.Suriin ang nagawang likhang sining.Ito ba ay naging hugis tao?Nakatatayo ba ang likhang sining na gawa sa clay?Handa ka na bang lumikha ng sarili mong likhang siningna tao na gawa sa clay. GAWAIN 2 MAGPAKITANG GILASIlabas ang iyong mga kagamitan at sundan ang mgapamamaraan upang makalikha ng sarili mong likhangsining na tao gawa sa clay. ISAISIP MO Sa paglikha ng tao gawa sa clay kailangan gumamit ng mga bagay na magbibigay ng hugis at balanse upang ang likhang sining ay makatatayo na mag-isa. 286
GAWAIN 3 IPAGMALAKI MOSuriin ang iyong natapos na likhang sining.Lagyan mo ng kung Oo ang iyong sagot atkung Hindi.Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Naisagawa ko ba sa tamang pamamaraan ang aking likhang sining? 2. Naipakita ko ba ang tunay na imahe ng tao? 3. Tama ba ang mga kulay na aking ginamit sa aking likhang sining? 4. May balanse at nakatatayo ba ng mag- isa ang aking likhang sining? 5. Maipagmamalaki ko ba ang aking likhang sining? 287
TALAHULUGANLinya – elemento ng sining na nagmula sa tuldok. Ito ay maaaring pahaba, patuwid, patagilid, paalon alon o pasigsagHugis – Anyo o porma ng isang bagay, maaaring bilog, haba, parisukat o trayangguloTekstura – maaaring biswal o artipisyalOverlap – pagkakapatong-patong ng mga bagay na iginuhitContrast – sa sining ay malamlam at matingkad na kulay, malaki, at maliit na hugisRitmo – pag-uulit, pagsusunod-sunod, pagsasalit-salit ng mga linya at hugisStill life – ang pangkat ng mga tunay na bagay na iginuhitImahinasyon – kathang isipPaglilimbag – pag-iiwan ng bakasKulay – ang mga batayang kulay ay asul, pula at dilawTaka – lumang papel na ginupit gupit ng pahaba at idinikit sa hulmahang kahoyPaper mache – katutubong sining na yari sa papelFree standing balanced figures – mga likhang sining na nakatatayong mag- isa 288
Three- dimensional – nagpapakita ng taas, lapad, at kapalTwo-dimensional – mga iginuhit ng palapadBalanse – pagtitimbang-timbangProporsiyon – tamang sukat ng bawat bahagiRecycled materials – mga bagay na nagamit na at muling gagamitin paClay - malagkit na lupa 289
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128