Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Physical Education Grade 2

Physical Education Grade 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 21:50:15

Description: Physical Education Grade 2

Search

Read the Text Version

B. C. D. Palawakin ang Kaalaman Gamitin ang natutuhang kakayanan sapagsasagawa ng pang-araw-araw na ehersisyo upangmapaunlad ang lakas ng mga paa. 334

Aralin 2.2.1 PAGLUNDAG SA DISTANSIYA Pag-isipan Likod sa Likod Bumuo ng bilog o tuwid na linya. Pakinggan ang utos na ipagagawa ng guro at sundin ito. Kapag napakinggan ang salitang ―likod sa likod‖ na sinabi ng guro, humanap ng kapareha at isagawa ang likod sa likod. Ang huling makakita ng kapareha ang siyang magbibigay ng sunod na utos at magsasabi ng ―likod sa likod‖ kapag naisagawa na ang utos na kaniyang ibinigay. Gawin Isagawa ang nasa ibaba nang wasto. Tatawag ang guro ng pangalan ng pangkat.Isasagawa ng matatawag ang nakatakdang gawain.Malakas-G1, Matibay-G2, Matibay-G3, Matatag-G4,Matigas-G5, Matipuno-G6, ang gawaing isasagawa ayang wastong paraan ng paglundag step a to step d. Kapag sinabi ng guro na Go hudyat na ito paramagsagawa ng kilos. Kapag narinig ang salitang Stop, 335

babalik ang mga bata sa dating linya nang tuwid,kasama ang lahat ng kasapi sa grupo. Susundan ito ngpagsasagawa ng tamang pagluksu-lukso at pag-igpaw. Sukatin Isagawa ang Jumping Jack sa pamamagitan ngpagsunod sa mga hakbang. Jumping JackPanimulang Ayos: Tumayong magkatabi ang paa naang mga bisig ay nakababa. 1. Lumundag nang magkalayo ang mga paa sabay ang pagpalakpak ng mga kamay lampas sa ulo. .. bilang 1 2. Lumundag at pagtabihin ang mga paa sabay ang pagbababa ng mga kamay sa tabi. …. Bilang 2 3. Ulitin ang bilang 1 at 2 . …. 12 bilang Palawakin ang Kaalaman Alamin ang mga sitwasyon na kung saan angkasanayan sa paglukso ay malaki ang maitutulong.Gumupit ng mga larawan nito mula sa magazine atidikit. 336

Aralin 2.3.1 RITMIKONG PAGKAKASUNOD- SUNOD SA TULONG NG MGA KAGAMITAN TULAD NG LASO, HULAHOOP, AT BOLA Pag-isipanGawain 1 Pakinggan ang awiting ―Magtanim ay di Biro‖. Awitin din ang awit.Gawain 2Grupong PagganapIsagawa ang sumusunod na kombinasyon habanginaawit ang ―Magtanim ay Masaya‖ sa saliw ng tugtogng instrumento.a. Skip 4x right/left alternately 4 cts while tapping your thigh 8 ctsb. One gallop step sideward R, 2 cts step R, close L to R alternately 2 cts 16 ctsc. Walk forward while clappingd. Walk backward while clappinge. Repeat all 337

Gawin Gamit ang napiling implement gumawa ng isangsimpleng ritmikong pagkasunod-sunod o rhythmicsequence. SukatinGrupong Pagganap Magpapakita ang bawat pangkat ng ritmikongmay pagkakasunod-sunod na kombinasyon gamit ang2 o higit pang implement. Gumamit ng simplengkasuotan. Mamarkahan ng guro ang ipakikitangkombinasyon gamit ang rubrics. Palawakin ang Kaalaman Magdala ng inayos na implements na mayroon sainyong bahay para magamit sa ritmikong pagkasunod-sunod. 338

Aralin 2.4.1 MAGSANAY TAYO SA PAGTAKBO Gawin Isagawa ang sumusunod na gawain: Tumakbo papunta sa harap kapag angpangungusap ay nagsasabi nang tama tungkol sapagtakbo. Kapag hindi nagsasabi nang tamatumakbo sa hulihan. 1. Ang pagtakbo ay nakatutulong sa pagkakaroon ng wastong pangangatawan at kalusugan. 2. Ang pagtakbo ay gawaing nakalilibang bukod pa sa nakatutulong pa ito sa pagpapatatag ng katawan. 3. Ang mga kamao ay bahagyang nakatikom habang tumatakbo. 4. Ang mga mata ay nakatuon kahit saang direksiyon habang tumatakbo. 5. Ang pagtakbo ay nagpapatalas ng isip. 339

Sukatin Basahing mabuti ang sumusunod. Piliin ang letrang tamang sagot.1. Sa pagtakbo saang direksiyon dapat nakatuon ang mga mata? A. sa itaas B. sa ibaba C. sa tabihan D. sa direksiyon ng patutunguhan2. Ang bigat ng katawan habang tumatakbo ay dapat na nakasalalay sa __________. A. mga binti B. isang paa C. dalawang paa D. dalawang tuhod3. Ano ang tamang posisyon ng siko habang tumatakbo? A. nakataas B. nakaunat C. nakabaluktot D. wala sa mga ito 340

4. Habang tumatakbo ang paa at kamay ay dapat laging __________. A. magkatapat B. magkapantay C. nasa magkasalungat na direksiyon D. Lahat ng ito5. Aling bahagi ng paa ang hindi dapat sumasayad sa lupa habang tumatakbo? A. sakong B. daliri ng paa C. unahan ng paa D. wala sa mga ito Palawakin ang Kaalaman Humanap ng larawan ng mga taong nagingmatagumpay sa larangan ng pagtakbo. Idikit ito sakuwaderno at isulat ang kanilang pangalan. 341

Aralin 2.4.2 MAKISALI SA MGA LARONG RELAY AT RACES Pag-isipan Relay ng Pag-slide at Pag-gallop Bumuo ng dalawang pangkat. Gumawa ngdalawang hanay. Maglagay ng silya sa tapat ngbawat hanay na siyang magsisilbing ikutan. Sa Hudyatna Go mag-slide patungo sa ikutan. Gawin angpag-gallop pabalik sa pangkat. Tapikin ang kasunodna manlalaro at pumunta sa dulo ng linya. Angpangkat na unang makatapos ang siyang panalo. 342

Gawin Lumundag ng dalawang beses kung angpangungusap na babasahin ay nagsasabi ng tungkolsa pagsali sa relay at unahan ay tama. Gumawa ngisang pagpapadulas pauna kung hindi tama. 1. Ang kooperasyon sa pangkat ay laging dapat panatilihin kapag sumasali sa relay at unahan. 2. Ang pagsali sa mga larong relay at unahan ay tumutulong upang mapaunlad ang katawan at isipan. 3. Ang pag-iingat sa sarili at kapwa manlalaro ay dapat isaisip. 4. Ang tuntunin sa paglaro ng relay at unahan ay hindi na kailangang isaisip lagi. 5. Ang relay at unahan ay tumutulong sa mga bata upang pisikal na maging handa ang katawan. 343

SukatinKulayan ang tamang bilog sa iyong sagutangpapel ayon sa kung paano mo naisagawa angsinasabi ng pangungusap sa ibaba. Mahusay Mahusay Kinaka na kong ilangan mahusay ipinakita ko kong pang mapa ipinakita unlad1. Sumunod ako satuntunin ng laro.2. Nakipaglaro ako ngpatas sa akingkalaro.3. Aktibo akongnakilahok sa laro.4. Naghihintay ako ngaking pagkakataonat hindi nakakasakitng aking kapwamanlalaro.5. Ipinakita ko angkooperasyon ko saaking pangkat.Palawakin ang Kaalaman Isulat sa dalawa o tatlong pangungusap angnaitutulong sa inyo ng pagsali sa larong relay atunahan. 344

Aralin 2.5.1 TIKAS NG KATAWAN Pag-isipan Round and Round We Go Sa saliw ng tugtog, ang mga kalahok aymaglalakad paikot sa mga upuan. Kapag huminto angtugtog, ang lahat ay mag-uunahan sa pagkuha ngupuan. Ang walang makukuhang upuan aytatanggalin sa laro. Isang upuan ang aalisinpagkatapos ng bawat pag-ikot. Ang batangmakakaupo sa huling upuan ang siyang tatanghalingpanalo. Gawin Pumili ng kapareha. Pagmasdan at isagawa angsumusunod na gawain nang wasto. Iguhit ang larawanng bituin kapag natapos nang maayos ng kaparehaang gawain. ____ 1. Lumakad sa direksiyon patungo sa pintuan. ____ 2. Dumampot ng bagay sa sahig at tumayo nang maayos. ____ 3. Kumuha ng upuan at ipakita sa kapareha ang wastong pag-upo. 345

Sukatin Isagawa ang sumusunod na gawain ngpangkatan. Mamarkahan ng guro ang isinagawanggawain ng pangkat gamit ang rubrics sa ibaba.Wastong tikas sa Pag-upo Pagtayo PaglakadWastong tikas habang Nakaupo Nakatayo NaglalakadRubrics or checklist Grupo Pinakamagaling (3) Mas Magaling(1) Ipinakita ang Magaling(2) SinunodUnang Grupo Sinunod lamang tamang postura ng ang tamang lamang angPangalawang pag-upo, pagtayo postura ng pag- tamanggrupo upo at pagtayo posturaPangatlong at paglakadGrupoPang-apat nagrupoPanglimangGrupoPang-anim naGrupo 346

Palawakin ang Kaalaman1. Gumupit o gumuhit ng larawan ng tao na nagbubuhat ng anumang bagay paakyat at pababa ng hagdan na may kausap na taong nakatayo, nakaupo, at naglalakad.2. Idikit ito sa kupon at lagyan ng kulay na maayos, lagyan ng paglalarawan. 347

Yunit IIIMga Laro at Sayaw 348

Aralin 3.1.1 ORAS, LAKAS, AT DALOY GawinMakinig sa guro habang binabasa ang sumusunod: Sina Nilo, Jose, Mario, Roberto, at Melvin ay mgafinalist sa 400 metrong takbuhan sa PalarongPanlalawigan. Sila ay may kaniya-kaniyang linyangtatakbuhan. Sa unang 200 metro, nangunguna si Nilosa unang lane kasunod sina Melvin at Jose namagkasunod sa ikalawang lane kasunod si Roberto nanasa ikaapat na lane samantalang si Mario ay nasahulihan sa ikalawang lane. Sa ika- 300 metro ay nagkaroon ng pagkakataonsi Roberto na makalipat mula sa ikaapat na lanepatungo sa unang lane sa mabilis at malakas napagtakbo. Sa huling ika-100 metro nagawa ni Nilo na maunasa ibang manlalaro subalit natapos ang laro na siMelvin ang unang nakarating sa finish line. Si Jose aypumangalawa, pangatlo si Roberto samantalang siNilo at Mario ay tie sa ikaapat na puwesto. 1. Bakit nanguna si Melvin sa ibang manlalaro at nakuha niya ang unang puwesto? 349

2. Sino ang nakakuha ng ikatlong puwesto? Habang isinasagawa nila ang paligsahan ano ang kaniyang puwesto? Bakit nakuha niya ang ikatlong puwesto?3. Ano ang naging dahilan at nakuha ni Nilo ang ikaapat na puwesto?4. Kung ikaw si Nilo na nanguna sa umpisa subalit nakuha mo ang huling puwesto, ano ang iyong mararamdaman?5. Anong ugali ang dapat taglayin ng isang manlalaro? Bakit? Sukatin Ilarawan ang direksiyon at bilis ng pagkilos ng mgapares ng manlalaro sa isasagawang larong Sack Race.Lagyan ng tsek ()ang column. Pangalan ng Direksiyon Bilis Manlalaro Pauna Pahuli Mabilis Mabaga1.2.3.4.5. 350

Pangalan ng Direksiyon Bilis Manlalaro Pauna Pahuli Mabilis Mabaga1.2.3.45. Palawakin ang Kaalaman Gamitin ang kasanayang natutuhan sa tamangpagkakataon at mga angkop na gawain. 351

Aralin 3.2.1 TAMANG POSISYON NG KATAWAN AT KAMAY SA PAGSALO Pag-isipan Saluhin ang Bola Bumuo ng isang malaking bilog. Ibibigay ng iyongguro ang bolang pang volleyball sa iyong kamag-aral.Ihahagis naman niya ang bola sa kamag-aral mo nagusto niyang pasahan. Kailangang tiyaking masaloang bolang ipinasa sa kaniya. At tuloy-tuloy angpagpasa sa iba pang bata. Kapag hindi nasalo angbolang inihagis nangangahulugan ito ngpagkatanggal mo sa laro. 352

Gawin Ipakikita ng bawat pangkat ang mga nakatalanggawain. Narito ang ayos ng pagkasunod-sunod ngmga pangkat na magsasagawa ng gawain.Una – Pangkat 6Ikalawa – Pangkat 1Ikatlo – Pangkat 5Ikaapat – Pangkat 2Ikalima – Pangkat 4Ikaanim – Pangkat 3Mga Gawaing Isasagawa a. Saluhin ang bola gamit ang kaliwang kamay. b. Saluhin ang bola gamit ang kanang kamay. c. Saluhin ang bola gamit ang dalawang kamay. d. Saluhin ang bolang inihagis ng iba nang malayo at mabilis at may distansiya.Sukatin Isagawa ang sumusunod na gawain ngpangkatan. Isang pangkat ang tagasalo at isa angtagahagis. 1. Overhead throw 2. Chest level 3. Below waist (low level) 4. Ibaba ang mga kamay patungo sa katawan. 353

Palawakin ang Kaalaman Magsanay sa pagsalo at paghagis ng bola. Gawinito sa bahay. Aralin 3.2.2 PAGHAGIS AT PAGSALOGawin Isagawa ang mga nakatalang gawain na maykaugnayan sa posisyon ng kamay at katawan habangmabilis na naghahagis at sumasalo ng bola.Pangkat 1 – Isagawa ang lampas-ulongPangkat 2 – posisyonPangkat 3 – Isagawa ang babang-baywangPangkat 4 – na posisyon. Isagawa ang malapit sa gitnang- katawan Isagawa ang mas malayo sa katawan 354

Sukatin Gamit ang bolang pang volleyball isagawa angsumusunod. Isang pangkat ang magiging tagahagis,at ang isa naman ay tagasalo. 1. Pagpasa at pagsalo ng bola gamit ang dalawang kamay. 2. Pagpasa at pagsalo ng bola gamit ang isang kamay. 3. Pagpasa at pagsalo ng bolang lampas ulo. Palawakin ang Kaalaman Gumuhit o gumupit ng mga larawan nanagpapakita ng kilos/galaw ng wastong paghagis atpagsalo. Lagyan ng simpleng paliwanag ang larawan. 355

Aralin 3.3.1 RITMIKONG GAWAIN Pag-isipan Gawain A Isagawa ang sumusunod na rutina sa saliw ngmusikang ―Pamulinawen‖. Gumamit ng mgaimplements tulad ng bola, hoop at sumbrero.Dagdagan ng simpleng rhythmic movements angpagsasagawa ng gawain. - Swing step (16 counts) - Touch step (16 counts) - Point step (16 counts) - Close step (16 counts) - Hop step (16 counts) Gawain B 1. Isagawa ang mga hakbang na natutuhan ng may pagkasunod-sunod. 2. Pagsanayang isagawa sa loob ng limang minuto. 3. Sumayaw ng may na tugtog bukod pa sa Pamulinawen. 356

Gawin Isagawa ang sumusunod na figure gamit anganumang implement.- Gumawa ng halinhinang 4 close steps in placeR and L 8 counts- Gumawa ng halinhinang 4 swing steps R and L 8 counts- Gumawa ng halinhinang 4 touch steps R and L 8 counts- Gumawa ng halinhinang 4 point steps R and L 8 counts- Hop R foot forward 4 counts- Hop L foot backward 4 counts- Hop R & L alternately in place 8 countsSukatin Gumawa ng simpleng sayaw at ritmikongkombinasyon gamit ang awiting ―Sitsiritsit‖. Palawakin ang Kaalaman Pagsanayang isagawa sa bahay ang mga natutuhang dance steps. 357

Aralin 3.3.2 HALUBILONG SAYAW Pag-isipan Isagawa nang pangkatan ang change step atheel and toe change step. Sukatin Ang bawat pangkat ay pipili sa sumusunod nasayaw na isasagawa.  Kamayan  Alahoy  Apat-apat Palawakin ang Kaalaman Pagsanayan muli ang change step at heel andtoe change step. Humanda sa muling pagpapakitanito. 358

Aralin 3.4.1 MAGSANAY TAYO SA WASTONGPAGHAGIS, PAGSALO,AT PAGTAKBO Pag-isipanGawin mo ang sumusunod: A.  Gumawa ng dalawang pangkat.  Gumawa ng dalawang hanay na magkaharap ang bawat pangkat na may pagitang dalawang metro.  Ang mga bata sa isang hanay ay maghahagis ng bola sa katapat na hanay.  Ang katapat na hanay ay sasaluhin ang bola na inihagis sa kanila.  Siguraduhin na ang bawat isa ay nakahagis at nakasalo ng bola. B.  Gumawa ng apat na pangkat.  Ang bawat pangkat ay gagawa ng bilog.  Ang pangkat ay tatakbo nang mabilis paikot sa bilog. 359

Gawin Isagawa ng bawat isang kasapi ng pangkat angsumusunod na gawain sa bawat estasyon. Estasyon I – Saluhin ang bola na inihahagis ng lider. Estasyon II – Kuhain ang bola at ihagis sa lider. Estasyon III – Tumakbo paikot sa bilog.Gawain E VS S NI Remarks1. Paunang paghagis nasasaluhin ng kapareha.2. Paghagis sa itaas ng ulona sasaluhin ngkapareha.3. Paghagis at pagsalo namay kapareha sa iba’tibang posisyon.4. Tumakbo pauna namay kapareha na hindimahahawakan angsinuman.5. Tumakbo nang mabilisat tumigil kapagnapakinggan ang pito. 360

Sukatin Gawin ang sumusunod at lagyan ng tsek () anginyong ginawang performance batay sa legend. Legend: E - Excellent VS - Very Satisfactory S - Satisfactory NI - Needs Improvement Palawakin ang Kaalaman Umisip ng laro na ginagamitan ng paghagis,pagsalo, at pagtakbo. Isulat sa inyong kwaderno athumanda sa paglalaro. 361

Aralin 3.4.2 PAGHAGIS AT PAGSALO RELAY AT RACES LEY AT RACES Gawin Sa mga naging karanasan ninyo sa paglalaro,sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Paano ninyo ito magagamit sa inyong araw-araw na gawain sa tahanan at paaralan? 2. Anong bahagi ng katawan ang napapaunlad sa ganitong mga gawain? Magbigay ng mga bahagi ng katawan at sabihin kung paano ito napapaunlad. 3. Ang mga gawain ba na inyong isinagawa ay makatutulong upang maging maganda ang inyong katawan? 362

Sukatin Isagawa nang pangkatan. CATCH, DRIBBLE, AND THROW 1. Ang bawat pangkat ay tatayo sa hulihan ng linya. 2. Bawat pangkat ay pipili ng captain ball, isang bata na mahusay sa paghagis at pagsalo ng bola. Siya ay tatayo sa hulihan ng linya. 3. Sa hudyat ng GO ihahagis ng captain ball ang bola sa unang manlalaro ng linya. Sasaluhin nya ang bola at pauulpukin ng 5 beses at ihahagis muli ang bola sa captain ball. 4. Ulitin ang ginawa ng nauna hanggang ang lahat ay makaranas ng pagsalo, paghagis, at pagpapaulpok ng bola. 5. Ang unang pangkat na matapos ang panalo. Sagutin ang mga tanong ng Oo o Hindi batay saiyong performance. Isulat ang sagot sa papel. 1. Ikaw ba ay nakilahok sa laro? 2. Ipinamalas mo ba ang iyong galing sa pakikikipagpaligsahan sa iba? 3. Sinunod mo ba nang wasto ang direksiyon? 4. Nakipagtulungan ka ba sa iyong pangkat? 5. Iniwasan mo bang masaktan ang ibang manlalaro? 363

Katumbas na Iskor: 5 Oo - Pinakamagaling 4 Oo - Magaling 3 Oo - Medyo Magaling 2 Oo - Magsanay pa ng Kaunti 1 Oo - Kailangan pa ng ibayong pagsasanay Palawakin ang Kaalaman Gumawa ng isang maikling talata tungkol sa iyongmagandang karanasan sa pakikipaglaro ng mgalarong relay at unahan. 364

Aralin 3.5.1 TAMANG AYOS NG KATAWAN SA PAGDAMPOT, PAGHILA AT PAGTULAK NG MGA BAGAY Pag-isipan Gawin ang sumusunoNd.GPumili ng lider na siyangmaglalarawan habang ang mga miyembro aynagsasagawa ng tamang paraan at tamang tikas ngkatawan sa pagpulot, pagtulak, at paghila ng bagay. Unang Pangkat – Pagsasagawa ng tamang tikas ng katawan sa pagpulot ng mga bagay Ikalawang Pangkat – Pagsasagawa ng tamang paghila ng isang bagay Ikatlong Pangkat – Pagsasagawa ng tamang pagtulak ng bagay 365

Gawin Gawin nang sabay-sabay ang tamang pagpulot,pagtulak at paghila ng mga bagay habang ito’yinyong inilalarawan. Ano ang mga dapat tandaan upang makamitang tamang tikas ng katawan sa pagpulot, paghila, atpagtulak ng mga bagay? Sukatin Masdan ang larawan nang tamang pagpulot,paghila at pagtulak sa tsart na ipinakita ng guro.Lagyan ng tsek ()kung ito ay naglalarawan ngwastong pagpulot, paghila, at pagtulak ng bagay atlagyan ng ekis (X) kung hindi. Gawin sa sagutangpapel._______1. Sa pagpulot ng bagay kailangang ibaluktot ang tuhod._______2. Ang bigat ng katawan ay kailangang balanse sa dalawang paa habang pumupulot ng bagay._______3. Gamitin ang mga paa sa paghila ng mga bagay._______4. Tumingin sa lugar na pagdadalhan ng itinutulak na bagay._______5. Ilapat na mabuti ang mga kamay sa mga bagay na itutulak. 366

Palawakin ang Kaalaman Magsanay sa pagsasagawa ng tamang tikas ngkatawan sa pagpulot, pagtulak, at paghila ng mgabagay sa inyong tahanan. 367

Yunit IVPagsasagawa, Laro, at Pagtataya 368

Aralin 4.1.1 MGA GAWAING MAGTATAYA NG SARILING KAKAYAHAN Gawin Isagawa muli ang mga gawain na unangisinagawa ng bawat pangkat. Lumikha ng iba pangmga kilos o galaw ng katawang nababagay sagawain. Mamarkahan ng guro ang pagsasagawabatay sa rubrics. Sukatin Pumili ng kapareha sa pagsasagawa ng Chineseget-up. Tayahin ang antas ng inyong pakikilahok gamitang sumusunod na rubrics.Antas KRITERYA Kasanayan sa Pagsasagawa ng Paggalaw KasanayanAntas Naisagawa ang Palaging naisagawa 4 kasanayan na nang tama ang hakbang may liksi para sa maingat na partisipasyon sa pagsasagawa ng gawain. 369

Antas KRITERYA Kasanayan sa Pagsasagawa ng Paggalaw KasanayanAntas Naisagawa ang Palagiang naisagawa 3 kasanayan sa nang tama ang hakbang paggalaw nang para sa maingat na may pagsasanay partisipasyon sa pagsasagawa ng gawainAntas Naisagawa ang Paminsan-minsang2 kasanayan sa naisagawa nang tama paggalaw at ang hakbang para sa nangangailangan maingat na partisipasyon ng maraming sa pagsasagawa ng pagsasanay gawain.Antas Nakitaan ng Hindi naisagawa nang 1 kahirapan sa tama ang hakbang para pagsasagawa ng sa maingat na kasanayan sa partisipasyon sa paggalaw. pagsasagawa ng gawain Palawakin ang Kaalaman Humanda sa pakikiisa sa pagsasagawa ng mgakilos o galaw gamit ang tambourine. 370

Aralin 4.1.2 PAGSASABUHAY NG SITWASYON TULAD NG KONDISYON NG KLIMA Pag-isipan Makinig ng ilang sandali sa tugtog na instrumentalna iparirinig ng guro. Sagutin at gawin ang sumusunod: 1. Ano ang naisip ninyo habang nakikinig ng musika? 2. Ano ang ipinahahayag ng musika? Ito ba ay mabilis, mabagal, malakas, at marami pang iba? 3. Mula dito, maaari kang maglarawan ng isang bagay at humanda sa pagpapakita nito sa klase. Gawin Sa loob ng isang minuto, lumikha ng isangsitwasyon sa loob ng isang jeep na punong-puno ngpasahero. Kapag narinig na sinabi ng guro na Freezeay iwasan ang gumalaw at maging istatwa. Ilarawanang sitwasyon at kondisyon sa loob ng jeep. 371

Sukatin Gumawa ng isang simpleng journal tungkol saiyong pakikiisa sa pagsasabuhay ng sitwasyon gamitang iyong paggalaw ng katawan tulad ng unangnaisagawa. Gawing malinaw ang iyongpagpapahalaga. Aralin 4.2.1 PAGHAGIS AT PAGPALO/PAGHAMPAS Gawin Isagawa ang larong ―Tamaan ng Bola‖. Sundinang sumusunod na panuto.Panuto 1. Humanay ng dalawang magkaparehong bilang ng manlalaro. 2. Bumuo ng malaking bilog sa palaruan. 3. Ang team A ay nakakalat sa gitna ng bilog. 4. Ang team B ay nasa labas ng bilog, ito ang magbabato ng bola sa mga manlalaro na nasa loob ng bilog. 372

5. Ang mga manlalarong nasa labas ng bilog ay magpapasahan ng bola sa isa’t isa, unang gagamitin ang taas-kamay at babang-kamay na paghagis, bago patamaan ang sinuman sa loob ng bilog. 6. Ang mga manlalaro ay puwedeng tumakbo, magtago, at umiwas para hindi tamaan ng bola. 7. Ang mga manlalarong tatamaan ng bolang ibinato ay tatanggalin sa gitna. 8. Ang team B ay bibigyan ng tatlong minuto para batuhin ang mga manlalaro sa gitna ng bilog. 9. Pagkatapos ng 3 minuto, ang natitirang manlalaro sa loob ng bilog ay bibilangin bilang puntos sa team. 10. Ang pagpapalitan ng team ay mangyayari bawat 3 minuto. 11. Ang team na makakakuha ng maraming puntos ang siyang tatanghaling panalo sa laro. Sukatin Gamit ang bolang pang volleyball o improvisedna bola, isagawa ang sumusunod. 1. Pagpasa at pagsalo ng bola ng lampas ulo overhand 2. Pagpasa at pagsalo ng bola ng underhand 3. Pagsipa ng bola 4. Pag-spike ng bola 5. Pagpalo o paghampas ng bola 373

Palawakin ang Kaalaman Magsanay ng iba’t ibang paraan ng paghagis,pagsalo at paghampas ng bola sa bahay. Aralin 4.2.2 PAGHAGIS NA PANG-ILALIM, PANG-IBABAW AT PAGHAMPAS Gawin Pagsanayan ang paghagis (throwing), pag-strikeng bola ng may kapareha. Sukatin Ipakita ang iba’t ibang throwing patterns atstriking skills. Palawakin ang Kaalaman Isagawa ang taas-kamay at babang-kamay napaghagis at pagsalo ng bola. Sanayin ang iba’t ibanggalaw sa bahay at maghanda para sa susunod nalaro. 374

Aralin 4.3.1 KATUTUBONG SAYAW- ALITAPTAP Pag-isipan Sanaying isayaw ang ―Alitaptap‖ ng maykapareha. Gawin Isagawa ang mga hakbang ng sayaw naAlitaptap ng may tugtog o musika. Sukatin Pangkatang pagpapakita Palawakin ang Kaalaman Humanda sa isasagawang culminating activity ngpagsasagawa ng sayaw na ‖Alitaptap‖. Isagawa itong maayos. Magsuot ng mga improvised na kasuotanmula sa kapaligiran. Maaari ding maging KasuotanMga babae – Mga lalaki –Balintawak, panelo, Barong Tagalog,over one shoulder, puting trouserstapis 375
















Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook