Araling Panlipunan IIIPART 3
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 19 Cold WarBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 19 COLD WAR Natatandaan mo pa ba ang modyul mo tungkol sa ikalawang DigmaangPandaigdig? Nang matapos ang digmaan, nagsumikap ang bawat bansa na maiangatang kani-kanilang kabuhayan at lugmok na kalagayan. Isinulong din ang kapayapaanupang maiwasan ang isa pang digmaang pandaigdig. Pinangunahan ng dalawangmakapangyarihang bansa, Estados Unidos at Unyong Sobyet, ang pagbabago.Gayunpaman, hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga tinawag na superpower. Lalopa itong umigting at nauwi sa Cold War. Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung ano ang Cold War at mga ideolohiyanito. Sisikaping sagutin ng modyul ang mga tanong na ito: Ano ang Cold War? Anu-anoang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War? Anu-anong mga bansa angsumailalim sa impluwensya ng Estados Unidos at Unyong Sobyet? Ano ang epekto ngCold War sa kalagayan ng mga bansa? Paano nagwakas ang Cold War? May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Cold War at Sanhi ng Pagkakaroon Nito Aralin 2: Mga Bansang Kasangkot sa Cold War Aralin 3: Epekto ng Cold War sa Kalagayan ng mga Bansa Aralin 4: Pangyayaring Nagpawalang-saysay at Nagwakas sa Cold War Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito; 2. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Russia at Amerika; 3. Matatalakay ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War; 4. Maiisa-isa ang naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo; at 5. Mapapahalagahan ang mga pangyayari at aksyon upang wakasan ang Cold War. 2
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. PANIMULANG PAGSUSULIT: Handa ka na bang suriin kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa natin sa modyul? Subukan mong sagutin ang mga tanong. Piliin angtamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa patlang sa kaliwa. Cold War, Stalin, Roosevelt, SALT I, Watergate Scandal, Détente, Peristroika, Glastnost, Demokratizatsiya, 38th parallel, 17th parallel, Taiwan, Mao Tse Tung, Supersonic, Apollo 11________1. Kauna-unahang misyon sa kalawakan na nakapagdala ng unang tao sabuwan.________2. Paraan ng paghahati sa Korea.________3. Pinuno ng USSR nang magkaroon ng Cold War.________4. Isyung kinasangkutan ni Pangulong Nixon at naging dahilan ng kanyangpagbitiw sa tungkulan.________5. Dating Formosa at bahagi ng kalakalang Tsina na pinamumunuan ni Dr.Sun Yat Sen.________6. Paraan ng pagkakahati sa Vietnam.________7. Tawag sa pagbabawas ng tensyon.________8. Nangangahulugang muling pagsasaayos ng ekonomiya ng Russia.________9. Pinuno ng kalakalang Tsina at nagtatag ng Komunismo sa bansa.________10. Nangangahulugan ng Openess ng Russia sa mga mamamayan.________11. Kauna-unahang spaceship na nakalibot sa kalawakan ng daigdig.________12. Alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng armas.________13. Pangulo ng Amerika nang magsimula ang Cold War. 3
________14. Kasunduang nilagdaan nina Nixon at Brezner na bawasan ang panganibng pagkakaroon ng digmaang nukleyar.________15. Nagbigay ng karapatan sa mga Russian na bumoto at pumili ng kanilangpinuno. 4
ARALIN 1COLD WAR AT SANHI NG PAGKAKAROON NITO Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsumikap ang bawat bansana maiangat ang kanilang kabuhayan. Isinulong din ang kapayapaan upang maiwasanang isa pang digmaang pandaigdig. Bakit nauwi ito sa Cold War? Sa araling ito,susuriin natin kung ano ang Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masasabi ang kahulugan ng Cold War; at 2. Maibibigay ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Cold War. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Alin sa palagay mo ang maaaring ilarawan sa Cold War? Bakit mo napili ang mga iyan? • Alitan ng mga bansa na hindi ginagamitan ng armas • Tunggalian ng kapangyarihan at ideolohiya ng bawat bansa • Matinding kompetensya ng mga bansa • Pagkakagalit ng walang kibuan ng mga bansa 5
Ang Pananaw sa Cold War Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang naging makapangyarihangbansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti angugnayan ng mga bansang ito na tinatawag na superpower. Ito ay nauwi sa Cold War. Ang Cold War ay bunga ng matinding kompatensya na naganap sa pagitan ngmga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian ng kapangyarihankundi ideolohiya ang kinatawan ng bawat bansa. Ang Estados Unidos ang nagtaguyodng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan sasosyalismo at komunismo. Malaki ang papel sa muling pag-aayos ng daigdig ng Estados Unidos bilangpinakamalakas na kapangyarihang kapitalista. Upang mapigil nito ang paglaganap ngsosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng iba’t ibang hakbang. Sa pamamagitan ng Marshall Plan, tiniyak ng Estados Unidos ang pagbangon ngkanlurang Europa bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan, tiniyak din nito angpagbangon ng Hapon sa pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur.Mga Tunay na Sanhi Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay magkakampi at kasama sa mgabansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Dumating ang pagkakataon na sila’ynagkaroon ng Cold War o tunggaliang hindi tuwirang labanan kundi magkaribal namilitar at pagkawala ng tiwala sa isa’t isa. May mga pangyayaring namagitan sa kanila na lumikha ng tension dahil sapaglalaban ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang Estados Unidos angpangunahing bansang demokratiko, samantalang ang Unyong Sobyet ay komunista.Ang kanilang sistemang pulitikal ay nakaapekto sa maraming bansa. Upang mapanatili ng Unyong Sobyet ang kapangyarihan sa Silangang Europa,pinutol nito ang pakikipag-ugnayan sa mga kanluraning bansa. Naputol ang kalakalan,limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radio. 6
Ito ay tinagurian ni Winston Churchill na Iron Curtain o pampulitikang paghahati sapagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran. Lalo pang umigting ang di pagkakaunawaandahil sa hindi pagkakaroon ng bukas na kalakalan ng mga ito. Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base military sa bahagi ng BlackSea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet. Bilang pagtugon sa isinasagawang pagpapalawak ng Unyong Sobyet,nagpalabas noong 1947 ng isang patakaran si Harry S. Truman, pangulo ng EstadosUnidos, ng Truman Doctrine. Layunin nito ang pagpapadala ng hukbong Amerikano saGresya at Turkey upang hadlangan ang pagpapalaganap ng Komunismo. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Makipag-usap sa inyong lolo at lola at ilang matatanda na buhay nanoong mga taong 1940 at ipakwento ang tungkol sa Iron Curtain, Truman Doctrine, atMarshall Plan Kontra Comecon. Sino sa dalawang may superpower na bansa ang maymagandang ideolohiya? Tandaan Mo! Ang Cold War ay labanan ng ideolohiya, kapangyarihan at alitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng puwersa o armas. Ang hindi pagsunod sa kasunduan, pagyakap sa sariling ideolohiya, kawalan ng respeto at tagisan ng kapangyarihan ng mga bansa ang dahilan ng pagkakaroon ng Cold War. 7
Gawain 3: Paglalapat Ipagpalagay mo na nabuhay ka na noong panahon ng Cold War. Kaninong ideolohiya ang itataguyod mo? Demokrasya at Kapitalismo ng Amerikano o Sosyalismo at Komunismo ng Unyong Sobyet?Pangatwiranan mo.ARALIN 2MGA BANSANG KASANGKOT SA COLD WAR Dalawang bansa ang naging makapangyarihan pagkatapos ng IkalawangDigmaang Pandaigdig. Ito ay ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Ang mgapangunahing kaalyansa ng Estados Unidos noong panahon ng Cold War ay angBritanya, Pransya, Kanlurang Alemanya, Hapon, at Canada. Ang Unyong Sobyetnaman ay ang mga bansa sa bahagi ng Silangang Europa tulad ng Bulgaria,Czechoslovakia, Hungary, Poland, Silangang Alemanya, at Romania. Ang Cuba atTsina ay nasa kampo ng sosyalismo. Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang mga bansang maka-demokrasyaat mga bansang maka-komunismo. Nakatulong kaya sa mga bansa ang kanilang mgaideolohiya? Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Amerika at Russia; 2. Masusuri ang mga bansang nahati sa dalawang ideolohiya; at 3. Masasabi ang mga kaganapan sa bawat bansa. 8
Gawain 1: Pag-isipan Mo!Suriin ang larawan. Ano ang nais ipahiwatig ng larawang ito? DEMOKRASYA 38th parallel KOMUNISMOTimog Korea – Naging sentro ang 17th parallel Hilagang Korea – Naging Seoul sa pamumuno ni Dr. nahati sa: sentro sa pamumuno ni Kim Syngman Rhee SungTaiwan – Naging kapital ang Taipei sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Sen People’s Republic of China – Ang kapital ay Beijing sa Timog Vietnam – Naging pamumuno ni Mao Zedong kapital ang Saigon sa ilalim Hilagang Vietnam – Naging ni Ngo Dinh Diem kapital ang Hanoi sa ilalim ni Ho Chi MinhPaggawa ng mataas na uri Paggawa ng mataas na uri ng armas ng armas Inilunsad ang Apollo 11 na Inilunsad ang supersonic – unang unang nagdala ng tao sa sasakyan na gumalugad sa kalawakan buwan at ang SputnikMga Bansang Nasa Ilalim ng Impluwensya ng Amerika at Russia Pagkatapos mapasailalim sa impluwensya ng demokrasya at komunismo angmga bansa ay nanatiling tapat sa kanilang paniniwala. Hindi natapos sa Silangan at Kanlurang Germany ang tunggalian ng dalawangbansa. Napunta ang tagisan nila ng galing sa mga bansa sa Asya na nahati rin dahil sakanilang mga ideolohiya. Halimbawa nito ay Korea. Ang mga Ruso ang namahala sa 9
mga nakatalaga sa hilaga 38° latitud (38th parallel) sa Korea samantalang ang mgaAmerikano naman ang nasa timog. Bago pa man nahati ang Korea, napagkasunduanna ng Estados Unidos at Unyong Sobyet na gawin nilang isang malayang bansa angKorea at bigyan ito ng malayang halalan upang makapagtatag ng isang sentral napamahalaan. Ngunit ang kasunduang ito ay hindi sinunod ng mga Ruso at sa halip,nagtayo pa sila ng komunistang pamahalaan sa Hilagang Korea. Ang Vietnam ay nahati sa Hilaga (17th parallel) sa pamumuno ng mga Ruso atang Timog sa pamumuno ng mga Amerikano. Ang Tsina ay nahati rin sa dalawa. Ang isa ay sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Senat ang isa ay sa pamumuno ni Mao Zedong.Mga Kaganapan sa Bawat Bansa Ang Kanlurang bahagi ng Alemanya ay sumailalim sa pinagsanib nakapangyarihan ng Pransya, Gran Britanya, at Estados Unidos sa tinawag napamamahala ng “Federal Republic of Germany”. Ginamit nito ang parliyamentaryong uring pamahalaan. Ang Silangang Alemanya naman ay sumailalim sa komunismongpamumuno ng Unyong Sobyet na kinilala bilang “German Democratic Republic”. Laban sa nakibakang Tsino sa pamumuno ni Mao, sinuportahan ng EstadosUnidos ang pamahalaang Chiang-Kai-Shek. Ganoon din ang Vietnam, Cambodia, atLaos. Sa Timog-Kanluran at Timog Asya, sinikap nitong magkaroon ng maiinit naugnayan sa Turkey, Iran, at India. Malakas ang suportang ibinigay ng USSR sa mga pamahalaang sosyalista saSilangang Europa, Mongolia, at Hilagang Korea. Ganoon din sa Asya, Aprika, at LatinAmerika. 10
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ngayong nabasa mo ang mga bansang kasangkot sa Cold War,buuin ang mga titik upang makabuo ng pangalan ng bansa. Kulayan ng pula angdalawang bansang pangunahing sangkot sa Cold War. PAI L RUII I PSN S AS 1. ___________ 2. _________ ARM IC AE 3. __________UP CE ER H4. _____________ LI 5. _______________ Tandaan Mo! Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang mga bansang tinatawag na superpower. Bawat isa ay may mga kaalyansang bansa. Ang Kanlurang Alemanya, Britanya, Pransya, Hapon at Canada ang kaanibng Estados Unidos. Ang Unyong Sobyet naman ay Silangang Europa tulad ngBulgaria, Czechoslovakia, Hungary, Poland, Silangang Alemanya, at Romania. AngTsina at Cuba naman ay nasa kampo ng Sosyalismo.Nahati ang Alemanya sa Silangan at Kanluran; Korea sa Hilaga at Timog; Tsina atVietnam ayon sa sistemang pulitikal. 11
Gawain 3: Paglalapat Magtanong sa iyong lolo o lola at ipakwento ang kaalaman tungkol sa Unyong Sobyet at Amerika..ARALIN 3EPEKTO NG COLD WAR SA KALAGAYAN NG MGA BANSA Bagamat may layunin ang dalawang bansa na tinatawag na “superpower”, angCold War ay nagkaroon ng iba’t ibang epekto sa kalagayan ng mga bansa. Dito samodyul ay malalaman mo ang mabuti at di-mabuting epekto nito sa mga bansa. Inaasahang pagkatapos ng aralin ay magagawa mo ang sumusunod: 1. Matutukoy ang mga kompetisyon sa kalawakan ng USSR at USA; 2. Maiisa-isa ang mga naging mabuting epekto ng Cold War; at 3. Masasabi ang mga di-mabuting epekto ng Cold War. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa araling ito. Sagutin ng oo o hindi.______ 1. Ang kasunduang naglimita ng panganib ng pagkakaroon ng digmaangnukleyar ba ay mabuti?______ 2. Ang Glastnost ba ay nakatulong sa mga bansa sa pagiging matapat sa isa’tisa?______ 3. Nakatulong ba ang Peaceful Coexistence sa mga Kanluranin? 12
______ 4. Si Mickail Gorbachev ba ang nagpatupad ng patakarang demokratizasiya?______ 5. Naging masama ba ang epekto ng iba’t ibang imbensiyon sa mga bansa?Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA Naunahan ng USSR ang USA sa pagpapadala ng sasakyang pangkalawakan.Binuksan ng paglipad ng Sputnik I noong Oktubre 1957 ang Panahon ng Kalawakan(Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR. Si Yuri Gagarin angunang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng Vostok I noong 1961. Naabutan at nahigitan pa ng USA ang USSR nang nakaikot sa mundo nangtatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7. Ang Estados Unidos ay hindi nagpahuli sa mga imbensyon. Ipinadala nito siAllan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanong astronaut na nakarating sakalawakan. Sinundan pa ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unangmakatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronauts na sina Michael Collins, NeilArmstrong, at Edwin Aldrin. Naunahan din ng USA ang USSR sa paggamit ng puwersang atomika.Nakagawa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng puwersang nukleyar, ang USSNautilus. Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng USA ang lakas atomika kundipati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa medisina, agrikultura, transportasyon,at komunikasyon. Noong ika-10 ng Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar,isang pang-komunikasyong satellite. Nagulat ang buong mundo sa nagawang ito ngUSA. Sa pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono atmakakita ng palabas sa telebisyon mula sa ibang bansa.Mabuting Epekto ng Cold War Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay nagpasikat sa pagpapalaganap ngkanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng Estados Unidos na 13
maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo angInternational Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan samundo. Kasabay ring inayos ang International Bank for Rehabilitation andReconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon atrekonstruksyon. Pagkamatay ni Stalin ng USSR, hiniling ni Khrushchev ang Peaceful Co-existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na pakikipaglaban sa digmaan. Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sapamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerikana tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya. Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig. Ang pagpapalipad ngSputnik I ng USSR, Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid samundo. Ang USA naman ang nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersangnukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi sa medisina at komunikasyon satellite.Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaan sa pampulitika, pang-militar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ngmalaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa matinding sigalot dahil sa Cold War, pilit iginigiit ng dalawang puwersaang kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa. May banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahantulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization oWarsaw Pact, at ikatlong pwersa o kilusang nonaligned. 14
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Anu-ano ang mabuti at di mabuting epekto ng Cold War? Isulat ang Msa patlang kung mabuti at DM kung di-mabuti:1. Nagkaroon ng iba’t ibang imbensyon2. Walang tunay na kapayapaan3. May banta ng digmaan4. Pagtuon ng pansin sa ekonomiya5. Kawalan ng pagkakaisa Tandaan Mo! Marami ang naghirap at nagkimkim ng sama ng loob dahil sa hindi pagkakaisa ng dalawang superpowers. Walang magawa ang mga bansang kaanib kundi sumunod sa ideolohiya ng namumunong bansa. May naging mabuti at di mabuting epekto ang Cold War sa mga bansa. Gawain 3: Paglalapat Sumulat nang naibigan mong epekto ng Cold War. Ipaliwanag kung bakit naibigan mo ito. 15
ARALIN 4PANGYAYARING NAGPAWALANG-SAYSAY AT NAGWAKAS SA COLD WAR Nang lumala ang sitwasyon ng ekonomiya sa pamahalaang Sobyet humina angloob ng mga bansang komunista. Nagkasundo na rin sina Gorbachev at Reagan natapusin na ang Arms Race. Sa araling ito, susuriin natin kung anu-ano ang mgapangyayaring nagpawalang-saysay sa Cold War. Anu-ano ang mga dahilan ngpagwawakas ng Cold War? Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matatalakay ang mga pangyayari sa daigdig na nagpawalang-saysay sa Cold War; at 2. Mapapahalagahan ang mga aksyon upang wakasan ang Cold War. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano sa palagay mo ang mga pangyayari na nagpawalang-saysay sa Cold War? Lagyan ng (√) o (x) ang patlang._____ 1. pagtakda ng Peaceful Co-existence o Mapayapang Pamumuhay_____ 2. pag-alis ng tropang Amerikano sa Vietnam_____ 3. paghanda ng kagamitang pandigma na gagamitan ng lakas nukleyar_____ 4. pagsasaayos ng ekonomiya ng mga bansa_____ 5. pagkawala ng kontrol ng Soviet Communist Party sa pamahalaan 16
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagwawakas ng Cold War Tunghayan ang timeline sa ibaba na nagpapakita ng mga pangyayaringnagbigay-daan sa pagpapawalang-saysay o pagwawakas ng Cold War:1953 – Namatay si Marshal Joseph Stalin ng Soviet Union. Pinalitan siya ni Nikita Khrushchev na nagtakda ng mga bagong patakaran. Ito ay ang Peaceful Coexistence sa mga Kanluranin.1969 – Naging pangulo ng United States si Richard Nixon. Pinaunlad niya ang relasyon ng US sa USSR sa pamamagitan ng Détente o pagpapaluwag ng tensyon. Inalis ang tropang Amerikano sa Vietnam. Dinalaw ang China at USSR.1972 - Nilagdaan ang SALT o Strategic Arms Limitation Treaty. Kasamang lumagda si Leonid Breznev. *Nakapagbigay ito ng malaking pag-asa na malimitahan na ang panganib ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar.1974 - Nagbitiw sa tungkulin si Richard Nixon dahil sa Watergate Scandal. *Nagkaroon uli ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.1985 - Naging pangulo ng Russia si Mikhail Gorbachev. Ipinatupad niya ang mga bagong patakaran sa Russia tulad ng:• Glastnost o openness, pagiging transparent ng pamahalaan• Perestroika o muling pagsasaayos ng ekonomiya• Democratizasiya o democratization, pagboto ng mga mamamayan ng kanilang pinuno Panghuling termino na ni Reagan sa Amerika. 17
1987 - Nilagdaan nina Gorbachev at Reagan ang Intermediate Range Nuclear1989 - Forces (INF) sa Wahington D.C.1990 - Ito ang kauna-unahang kasunduan sa kasaysayan na nag-alis ng lahat ng uri ng armas nukleyar.1991 - Binuwag ang Berlin Wall. Pinagsanib ang Silangan at Kanlurang Germany noong buwan ng Oktubre. *Nobyembre 1990 – Nilagdaan ang “Charter of Paris for a New Europe” na may 34 estado. Sila ang kumakatawan sa Silangan at Kanlurang Europe. Ito na rin ang naging hudyat ng pagwawakas ng Cold War. Nawalan ng control ang Soviet Communist Party sa pamahalaan na naging dahilan ng pagkabuwag ng Unyong Sobyet. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Anu-ano ang mga pangyayaring nagpawalang-saysay sa Cold War?Isulat ang titik ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod. A. pagkamatay ni Marshal Joseph Stalin B. pagpatupad ng Glastnost ni Gorbachev C. pagkasangkot ni Richard Nixon sa “Watergate Scandal” D. pagbuwag sa Berlin Wall E. paglagda sa “Charter of Paris” 18
Tandaan Mo! Marami ang nag-alala sa Cold War dahil sa pag-iisip na magkakaroon uli ng digmaang pandaigdig na gagamitan ng higit na mapanganib at mapamuksang armas nukleyar. Sa pagwawakas ng Cold War, naituon ang pansin sa pagpapabuti ng ekonomiya at angpagkakaroon ng kasunduang pag-alis ng lahat ng uri ng armas nukleyar. Gawain 3: Paglalapat Sumulat ng iyong pananaw tungkol sa INF o kasunduan na nag-aalis ng lahat ng uri ng armas nukleyar. Maaari mong hingiin ang opinyon ng mga guro at mga magulang tungkol sa armas nukleyar. 19
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Panuto: Pag-ugnayin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng wastongsagot.1. Bagong patakaran ng pakikitungo sa mga A. Berlin Kanluranin B. Richard Nixon K. Nikita Khrushchev2. Salitang ang kahulugan ay “openess” D. Glastnost3. Pumalit sa pamumuno ni Stalin E. Peaceful Coexistence4. Pangulo ng Amerika na nagpaunlad ng G. Détente H. Mikhail relasyon ng US at USSR I. Leonid5. Lugar sa Germany kung saan itinatag ang L. Joseph Stalin M. SALT pader na naghati sa Silangan at Kanluran6. Kasunduang naglimita ng panganib ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar7. Pangulo ng USSR sa panahon ng kainitan ng Cold War8. Si ________ Breznev ang isa sa lumagda ng Strategic Arms Limitation Treaty9. Si ________ Gorbachev ang nagpatupad ng patakarang Demokratizasiya10. Ipinatupad noong 1969 na nakapagpaluwag ng tensyon sa pagitan ng US at USSR 20
GABAY SA PAGWAWASTO:Panimulang Pagsusulit Pangwakas na Pagsusulit 1. Apollo 11 1. E 2. 38th parallel 2. D 3. Stalin 3. K 4. Watergate Scandal 4. B 5. Taiwan 5. A 6. 17th parallel 6. M 7. Détente 7. L 8. Perestroika 8. I 9. Mao Tse Tung 9. H 10. Glastnost 10. G 11. Supersonic 12. Cold War 13. Roosevelt 14. SALT I 15. Demokratizatsiya 21
(Effective and Accessible Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 20 NEO-KOLONYALISMOBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 20 NEO-KOLONYALISMO Tatalakayin sa modyul na ito ang mga sangkap ng sistemang neo-kolonyalismo;mga programang ginamit na instrumento upang patatagin ang neo-kolonyalismo at angepekto sa mga bansang sinakop at pinagsasamantalahan nito. May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Pamamaraan o sangkap ng Sistemang Neo-kolonyalismo Aralin 2: Mga Instrumentong Ginamit o Uri ng Neo-kolonyalismo upang makamit ang Nais nito; Aralin 3: Ang Epekto ng Neo-kolonyalismo sa mga Bansang Nasakop nito. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod: 1. Maipapaliwanag ang tunay na kahulugan at Layunin ng sistemang Neo- kolonyalismo; 2. Mabibigyang puna ang mga anyo o instrumentong ginamit upang makamit ang nais nito; 3. Masusuri ang epekto ng Neo-kolonyalismo sa pangkalahatang kalagayan ng papaunlad at di-maunlad na bansa; at 4. Maipapahayag ang sariling damdamin tungkol sa bagong uri ng pananakop. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwagkang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. 2
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang.AB_____1. Foreign Debt a. Imperyalistang bansa_____2. Surplus b. Bagong uri ng pagsasamantala_____3. Kapitalismo_____4. Komunismo sa mahihirap na bansa_____5. Foreign Aid c. Institusyong itinayo ng_____6. Ekonomiyang Hapon_____7. World War II 120 pribadong kompanya_____8. ADELA d. Panahong isinilang ang_____9. Neo-kolonyalismo_____10. USA at RUSYA neo-kolonyalismo_____11. IMF/World Bank e. Ang lumusob sa bansang Asya_____12. Debt Trap f. Tulong pang-ekonomiya_____13. Hapon g. Unyon Sobyet_____14. Pilipinas h. USA_____15. Neo i. Natitirang kagamitang militar_____16. Underdeveloped j. Pag-utang sa mayayamang bansa_____17. Base Militar k. Nagsagawa ng neo-kolonyalismo_____18. Ideolohiya l. Produktong banyaga_____19. Hamburger m. Uri ng neo-kolonyalismo_____20. Mayayamang bansa n. Anyo ng neo-kolonyalismo o. Biktima ng neo-kolonyalismo p. Nangangahulugang bago q. Papaunlad na bansa r. Maunlad na bansa sa Asya s. Hindi makaahon sa utang t. Britten Woods Twins 3
ARALIN 1ANG PAMAMARAAN O SANGKAP NG SISTEMANG NEO- KOLONYALISMO Pagnarinig mo ang salitang Neokolonyalismo, ano ang sumasagi sa iyong isipan?Tinatalakay dito ang talong Paraan o Sangkap ng Sistemang Neo-Kolonyalismo. Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa sa araling ito, ikaw ay inaasahang:1. Makapagsusuri ng mga dahilan na walang tunay na kalayaan sa mga bagong silang na bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig; at2. Maipaliliwanag ang mga Pamamaraan o sangkap ng sistemang neo-kolonyalismo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tukuyin ang mga bansang ipinakikilala sa larawan sa tulong ng mgabandila.1. _____________________________________________2. _____________________________________________3. _____________________________________________4. _____________________________________________5. _____________________________________________6. _____________________________________________7. _____________________________________________ Sila ang tinatawag na Group of Seven 4
Ang Pamamaraan ng Neo-kolonyalismo Pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang makabagong uri ngpananakop upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, ito ay ang neo-kolonyalismo atinterbensyon. Ang neo-kolonyalismo ay nangangahulugan ng bago at ibang uri ng pagsasamantalasa mahihirap na bansa. Sa pag-aaral ng agham-pampulitika, ang neo-kolonyalismo ay patungkol sapananatili ng kontrol ng isang dating kolonyalista. Ito ay sa pamamagitan ng masmalumanay at patagong (subtle) pamamaraan at pagmamanipula sa isang bansa. Layuninnitong patatagin ang pamumuhunan, pigilin ang pagkamit ng tunay na kalayaan, at kuninang mas malaking kita mula sa negosyo. Palakasin pa nito ang imperyalismo sa usapingpang-ekonomiya, pulitika, ideolohiya, at militar na paninindigan ng isang bansa. Isa sa maituturing na pinakamahalagang sangkap ng sistemang neo-kolonyalismoay ang pagkakaroon nito ng makabagong pamamaraan para sa pagluluwas ngpamumuhunang industriyal at pinansyal. Kabilang dito ay ang pagbuo ng iba’t ibang uri nglipunan at kumpanya, pandaigdigan at pampribadong pondo, pagkakaroon ng mgakorporasyon at konsoryum (samahan ng mga namumuhunan), pagsisiguro ngpamumuhunan, paglalaan ng mga pautang na makakatulong hindi lamang sanangangailangan kundi magbibigay rin ng sapat na tubo para sa magpapahiram, at iba pa. Ang mga imperyalista ay nakatuon sa kita ng kapital na kanilang inilagay sa mganegosyo ng papaunlad ng mga bansa. Ang mga kumpanya ng langis ang kadalasangkumikita ng malaki lalo na sa kanlurang Asya, Venezuela, Cambodia, Argentina, Brazil,Bolivia, at Aprika. Isa pang pamamaraan ay ang pagluluwas ng puhunan sa pamamagitanng paggawa ng mga internal at pribadong kumpanya upang makagawa ng konsorsyum atmakakuha ng mas magandang kundisyon sa negosyo sa papaunlad na mga bansa.Halimbawa nito ay ang Atalantic Community Development Group for LATIN America(ADELA) na itinayo ng 120 pribadong kumpanya at mga bangko ng kanlurang Europa,USA, Canada at Hapong na ang layunin ay magbibigay ng pondo sa mga bansang Brazil,Ecuador, Nicaragua at Chile. 5
Ang neo-kolonyalismo ay isang uri ng suliraning pampulitika at pang-ekonomiya naang lahat ng estado mayaman at mahirap ay maaring masangkot. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:1. Ano ang kahulugan ng neokolonyalismo at anu-ano ang mga pinakamahalagang sangkap ng sistemang ginamit nito? __________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________2. Anu-anong bansa ang nagsagawa ng neo-kolonyalismo at ano ang tunay na layunin nila? ____________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________B. Makikita sa ibaba ang mga pangalan ng iba’t ibang bansa. Pangkatin mo ang mga ito sa dalawa. Una, mga bansang mayayaman o makapangyarihan at ikalawa mga bansang mahirap o papaunlad pa lamang.USA, Japan, Pilipinas, Cambodia, Kenya, Great Britain, France, Laos, Pakistan, AustraliaUnang Pangkat Ikalawang Pangkat1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5. Aling pangkat ang nagsagawa ng neo-kolonyalismo? Ano ang kanilang katangian?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 6
Tandaan Mo! Lumitaw ang mga makabagong uri ng pananakop pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay itinuturing na “neo- kolonyalismo”. Ang neo-kolonyalismo ay nangangahulugan ng bago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahihirap na bansa. Ito ay ipinapakita sa tatlong paraan: • Ang mga mamamayam ng bagong layang estado ay sinasamantala at inaapi ng kanilang sariling mga pinunong nasusuhulan na ngayon, umaabuso sa kapangyarihan at nagpayaman ng kanilang mga sarili. • Ang ekonomiya ng mga bansang umuunlad ay patuloy na pinangingibawan • ng mayayamang bansa at mga kumpanyang multinasyonal. • Ang bagong layang mga estado ay nagsasagawa ng mga pananalakay at nagdaragdag ng teritoryong pag-aari ng ibang mga bansa Gawain 3: Paglalapat Isulat at ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan:1. Paano pinapalaganap ang neo-kolonyalismo? _________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________2. Mayroon bang naitulong ang kolonyalismo sa bansa? ___________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 7
ARALIN 2MGA INSTRUMENTONG GINAMIT O URI NG NEO-KOLONYALISMO Sa araling ito, tatalakayin ang mga instrumentong ginagamit at uri ng neo-kolonyalismo upang lalong epektibo ang pananakop ng mga mayayamang bansa tulad ngsa larangan ng ekonomiya at kultural Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Masusuri ang mga instrumentong ginamit ng neo-kolonyalismo upang makuha nito ang nais sa malalayang bansa; at 2. Matatakay ang mga kondisyong napapaloob bago magbigay ng pang- ekonomiyang at pampulitikang tulong ang mga mayayamang bansa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo ang nasa larawan. World Bank1. Ano ang mahalagang ginagampanan niya sa pagpapalaganap ng neo-kolonyalismo?2. Ano ang tunay na layunin niya sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na bansa? 8
Mga Instrumento O Uri ng Neo-kolonyalismo Ang mga instrumentong ginamit ng neo-kolonyalismo upang makuha nito ang gustosa malalayang bansa ay kinabibilangan ng mga uring pang-ekonomiya at pangkultura.May mga pagkakataong ginamit din ang militar at ang mga pailalim na gawain ng mgainstitusyong pang-espiya. 1. Ekonomiko- napalaganap ito sa pamamagitan ng kunwaring tulong tungo sa pagpapaunlad kalagayang pangkabuhayan ng bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong. 2. Kultural- sa anyong ito ay nabago ang ating pananaw sa mga bagay na likas na angkin ng bansa. Dala ng mga ipinakilala ng mga dayuhan. Nagkaroon ng pagbabago ang ating buhay. Higit na pinahahalagahan ang musika, palabas, babasahin ng mga dayuhan. Nagbigay ng masamang epekto sa mga Pilipino ang pagpapairal ng wikang Inglesbilang wikang gagamitin sa mga paaralan. Itinuro ng kabihasnan at kasaysayan ng mgaAmerikano kaya napabayaan ang sariling kalinangan at maging ang sariling wika. Ang mgaito ang ilan sa naging ugat upang magtaglay ang mga Pilipino ng kaisipang kolonyal napumupuri at dumarakila sa anumang bagay na gawa ng Estados Unidos at pagsasantabisa mga bagay na gawa sa sariling bayan. Bahagi rin ng neo-kolonyolistang kultural angpagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano na ngayo’y palasak na sa panlasangPilipino – hotdog, hamburger, at mansanas, na ipinagpalit na sa katutubong mga pagkaingtulad ng kalamay, puto, latik, ginataan, bibingka at marami pang iba. Maging ang mgapananaw ng mga Pilipino sa buhay ay nabahiran na rin ng imperyalismo. Naghangadang mga Pilipino ng pagkakaroon ng mga materyal na bagay na siyang batayan ngkatayuan sa lipunan. Sa pananaw ng mga katutubong pinunong pampulitika at pangekonomiya, nakauganay ang pambansang o pansariling nilang interes sa interes ng mganeo-kolonyalista. Dahil dito, madaling impluwensyahan nitong huli ang una upang gawinang mga hakbang na nais nila. 9
Dayuhang Tulong o Foreign Aid Ilang instrumento ng mga neo-kolonyalista ang napakaloob sa tinatawag nadayuhang tulong (foreign aid) – pang-ekonomiya, pangkultura, at pangmilitar. Sa Unang malas ay mga tulong na walang kondisyon, tulad ng pamimigay ng gatassa mga bata at pamamahagi ng libreng aklat ay may kapalit. Kung titingnan maigi, ang mgatulong na ibinigay ng Estados Unidos ay napunta rin sa mga negosyanteng Amerikano.Maging ang tulong militar ng Estados Unidos ay hindi rin libre. Ang ipinamimigay na mgakagamitang militar ay mga surplus na lamang.Dayuhang Pautang o Foreign Debt Anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ong Estados Unidos ay laging may mga kondisyon. Isa na rito ang mga kondisyon. Kabilangsa mga kondisyon ang pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan atkalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis.Kung hindi sundin ang mga kondisyon, hindi makautang ang umuutang. Dahil dito, hindi rinmakaahon sa utang ang mahihirap na bansa. Debt trap ang itinawag dito.Lihim na Pagkilos (Covert Operation) Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan ang mga neo-kolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan. 10
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Tukuyin kung anong uri ng neo-kolonyalismo ang ipinakita ng mga sitwasyon. Pang-Pulitika, Pang-ekonomiya, Pangkultural, Pangmilitar_________1. Pinalaganap nang mayayamang bansa ang kanilang ideolohiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig._________2. Nagpautang ang World Bank ng pera sa Pilipinas upang masurpotahan ang pagsasaayos ng sistema ng edukasyon._________3. Maraming mga organization at embahada ang mga nag-alok ng mga scholarship grant para mag-aral sa kanilang bansa._________4. Nagpadala ng mga sundalo ang bansang Amerika sa Pilipinas upang supilin ang mga terorista._________5. Ang wikang Ingles ang siyang itinadhana at papairalin bilang wikang gagamitin sa mga paaralan. Tandaan Mo! Ayon sa nabangit, masusuri natin ang neo-kolonyalismo sa sumusunod: • Ekonomiko- nagpapalaganap ito sa pamamagitan ng kunwaring tulong tungo sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng bansa, ngunit sa katotohan ay nakatali na ang mga bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong. • Kultural- sa anyong ito ay nabago ang ating pananaw sa mga bagay na likas na angkin ng bansa. Dala ng mga ipinakilala ng mga dayuhan. Nagkaroon ng pagbabago ang ating buhay. Higit na pinahahalagahan ang musika, palabas, babasahin ng mga dayuhan. 11
Gawain 3: PaglalapatA. Dapat bang tanggapin ang mga sumusunod, na mula sa mayamang bansa? Dapat Di-Dapat1. Madalas na Pag-utang2. Tulong teknikal3. Produktong dayuhan4. Tulong (gamot,pagkain)5. Wikang dayuhan6. Pelikulang dayuhan7. Musikang dayuhan8. Tulong militaryB. Ipaliwanag kung kailan naging mali ang pagtanggap nito at kung papaano itomaiwawasto. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 12
ARALIN 3ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA MGA BANSANG SINAKOP NITO. Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng neo-kolonyalismo sa mga bansang sinakop nito. Gawain 1: Pag-isipan Mo!Gumawa ng Talahanayan ng mabuti at di-mabuting epekto ng neo-kolonyalismo.Mabuti Di- mabuti1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.Epekto ng Neo-kolonyalismo Maraming naging epekto ang neo-kolonyalismo sa mga bansang sinakop atpinagsamantalahan nito. 1. Over Dependence o Labis na Pagdepende sa Iba Malinaw na umasa ng labis ang mga tao sa mga mayayamang bansa lalung-lalo na sa may kaugnayan sa United States. 2. Loss of Pride o Kawalan ng karangalan Sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at 13
magaling, na siyang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at produkto.3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin Totoo ngang ang mga umuumlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ng salitang kalayaan, ang mga maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran. Ang lahat ng aspekto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Gumawa ng talaan ng mga produktong yari sa Pilipinas at Produktonggaling sa ibang bansa.Mga Produktong Yari sa: A. Pilipinas B. Ibang bansa (imported)1. ________________________ 1. ________________________2. ________________________ 2. ________________________3. ________________________ 3. ________________________4. ________________________ 4. ________________________5. ________________________ 5. ________________________ Ayon sa talahanayang ginawa mo, masasabi mo ba na ikaw ay biktima ng neo-kolonyalismo? At Bakit? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________C. Ipaliwang sa sagutang papel ang mga sumusunod na epekto ng neo-kolonyalismo: 1. Mananatili bilang isang agricultural country ang ating bansa. 2. Stop regulating the oil prices. 3. It’s better if you import more flour and eat more bread. 14
4. Start Tightening your belt.D. Ipaliwanag sa sagutang papel ang mga sumusunod na tanong: 1. Paano nagsimula ang kaisipang kolonyal ng mga Pilipino? 2. Masasabi mo bang napabuti ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon dahil sa neo- kolonyalismo? Tandaan Mo! Ang epekto ng Neo-kolonyalismo ay ang mga sumusunod: • Over Dependence o Labis na Pagdepende sa Iba – na ang ibig sabihin na umasa ng labis ang mga tao sa mga mayayamang bansa. • Loss of Pride o kawalan ng karangalan – sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling. • Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin- ang mga umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ay nakatali pa rin sa malakolonyal na interes ng kanluran. Gawain 3: Paglalapat Gumawa ng isang sanaysay. Pumili ng isa at talakayin. 1. “ Walang bansa ang Makapag-iisa.” 2. “ Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa kulturang dayuhan”. 15
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagangkaalaman na dapat mong tandaan? Ang neo-kolonyalismo ay isang anyo ng pananakop ng mga mayayaman at makapangyarihang bansa. Ito ay hindi tuwirang pananakop. Ang neo-kolonyalismo ay may dalawang uri: ang ekonomiko at kultural. Ang una ay sa pamamagitan ng mga tulong at pautang na ipinagkaloob sa isang mahirap na bansa. At ang kultural ay binubuo ng mga awit, palabas, babasahin at iba pa na ipinagkakaloob ng mga dayuhan sa isang bansa. Nakakaapekto ang neo-kolonyalismo sa kadahilang nagiging labis na palaasa ang mga mahirap ng bansa at kadalasan nawawala sila ng karangalan. Patuloy na inaalipin ang mga bansang maliliit dulot ng neo-kolonyalismo. 16
PANGHILING PAGSUSULIT: I. Panuto: Upang matiyak ang mga natutunan sa aralin. Sagutan ang mgasumusunod na gawain. Bilugan ang tamang sagot.1. Mapayapang pananakop sa likod ng kunwaring malasakit.A. Neo C. ImperyalismoB. Neo-kolonyalisno D. Kolonyalismo2. Ahensyang ginagamit upang maisakatuparan ng mga mayamang bansa ang kanilangadhikain.A. ADELA C. Marshall PlanB. IMF-WB D. US Aid3. Nanguna sa pagsuporta sa mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa.A. Africa C. PhilippinesB. Cambodia D. United States4. Nawalan ng pagkakakilanlan dahil sa pagyakap sa mga bagay na gawa ng dayuhan. A. Pagtangkilik ng sariling atin B. Pagtangkilik ng produktong banyaga C. Isipang kolonyal D. Kolonyalismo5. Lahat ng aspeto ng pamumuhay ay kontrolado ng dayuhan.A. Continued Enslavement C. KompetisyonB. Kultural D. Tulong mula sa dayuhan6. Mga bansang mahihirap ay kabilang sa: C. Ikatlong Daigdig A. Unang Daigdig D. Mga bansang Asyano B. Ikalawang Daigdig 17
7. Tulong pinansyal at pangkabuhayan ang balat kayo ng Uring ito.A. Ekonomiko C. Colombo PlanB. Foreign Aid D. US Aid8. Ang pananakop ng malalakas na bansa upang matamo ang kayamana atkapangyarihan ng isang bansa.A. Neo-kolonyalismo C. KomunismoB. Imperyalismo D. Sosyalismo9. Higit ang pagpapahalaga sa mga palabas, musika, babasahin ng mga dayuhan.A. Colonial mentality C. EkonomikoB. Kultural D. Political10. Minana na produkto na galing sa ibang bansa. C. Loss of Pride A. Pagtangkilik ng sariling atin D. Peace Corps B. Alliance for Progress11. Anyo ng neo-kolonyalismo na ang layunin ay ipalaganap ang ideolohiyang pang-kabuhayan at politikal.A. Nasyonalismo C. KomunismoB. Globalisasyon D. Militarismo12. Ang mga bansang kabilang sa tinatawag na group of Seven: A. Africa at Nigeria B. Estados Unidos at Grand Britanya C. Pilipinas at Malasya D. South at North Korea13. Bahagi ng neo-kolonyalistang kultural ay ang pagpasok ng iba’t ibang pagkaingAmerikano tulad ng:A. bibingka at pinipig C. ginataan at latikB. hamburger at hotdog D. kalamay at puto 18
14. Instrumento ng mga neo-kolonyalista ang pagkakaloob ng tulong pang-ekonomiya atpangkultura.A. Foreign Aid C. Monetary FundB. Foreign Debt D. Debt Trap 15. Isinilang ang neo-kolonyalismo matapos ang: A. Digmaang China B. Ikalawang Digmaang Pandaigdig C. Digmaang Korea D. Digmaang Alemanya-B. Isulat kung ang Pangungusap ay Tama o Mali____1. Matatawag na malaya ang isang bansa kapag nagsasarili na ito sa lahat ng aspeto ng pamumuhay.____2. Sinasakop ang isang bansa kapag wala itong katatagan sa pulitika.____3. Sinasakop lamang ang mahihirap na bansa.____4. Ang mga tulong teknikal ng mayamang bansa ay may kaakibat na kapalit.____5. Sa neo-kolonyalismo, amg mayaman ay hindi maaring mabiktima 19
GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT1. J 6. E 11. K 16. P2. I 7. D 12. L 17. Q3. H 8. C 13. M 18. R4. G 9. B 14. N 19. S5. F 10. A 15. O 20. TARALIN 1: ANG PAMAMARAAN O SANGKAP NG SISTEMANG NEO-OLONYALISMOGawain 1: Pag-isipan Mo! 1. Canada 2. France 3. Germany 4. Great Bratain 5. Italy 6. USA 7. JapanGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang iyongsagot.Gawain 3: Paglalapat Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang iyongsagot. 20
ARALIN 2: MGA INSTRUMENTONG GINAMIT O URI NG NEO-KOLONYALISMOUPANG MAKAMIT ANG NAIS NITOGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3: PaglalapatARALIN 3: ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA MGA BANSANG NASAKOPNITO.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3: PaglalapatPANGHULING PAGSUSULIT 6. C 11. BA. 7. A 12. B 8. B 13. B 1. B 9. B 14. A 2. B 10. C 15. A 3. D 4. C 4. T 5. A 5. MB. 1. T 2. M 3. M 21
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 21 ANG PALIGSAHAN SA ARMASBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 21 ANG PALIGSAHAN SA ARMAS Ang digmaan ng mga bansa ay patuloy na mangyayari hanggat nagpapatuloy ang paggawa at bentahan ng mga armas. Marahil ay nangangamba ka rin, kagaya ng ibang kabataan, sa mga panganib na bunga ng tinatawag na paligsahan sa armas. Ano nga ba ito at bakit kailangang bigyang-pansin ang patuloy ma pagdami ng armas? Ang mga katanungang iyan ay sasagutin ng modyul na ito. May tatlong aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Paligsahan sa Kalawakan at Sandatang Nuklear Aralin 2: Mga Pagsisikap na Bawasan ang Pag-aarmas Aralin 3: Mga Epekto ng Pagpaparami ng Armas Pagkatapos ng modyul, inaasahang iyong: 1. Masusuri ang mga pangunahing dahilan ng mga bansang makapangyarihan sa pagpaparami ng armas; 2. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng mga pagsisikap na bawasan ang pag-aarmas; at 3. Matatalakay ang mga Epekto ng Pagpaparami ng Armas. Handa ka na ba? Sagutin mo muna ang panimulang pagsusulit bago kamagsimula sa mga aralin. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sapag-aaral na inihanda para sa iyo. 2
PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto: Itambal ang Hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang. A. B.____1. Digmaang patago A. Clark at Subic____2. Samahan ng Nagkakaisang B. Trident Submarine C. CAM RANH Bansa D. USA at USSR____3. Paglilimita ng armas sa E. SALT F. START Europa G. Allan Shepard____4. Patakarang iwas-digmaan H. Armstrong at Aldrin____5. Sputnik I. Radyasyon____6. Armas na lubhang malakas J. bomba atomika____7. Sandatang pumipinsala K. John Glenn L. Defoliant sa isip at katawan ng tao M. ZOPFAN____8. Kasunduan upang mapatatag N. Armas na biyolohikal O. Hydrogen bomb ang siguridad sa rehiyon P. Yuri Gagarin____9. Sandatang binubuo ng Q. deterrence R. CFE poison gas S. United Nation____10. Frienship 7 T. Cold War____11. Armas nukleyar U. China at Iraq____12. Maaring bunga ng digmaang nukleyar____13. Unang taong nakatapak sa buwan____14. Unang taong nakarating sa kalawakan____15. Strategic Arms Reduction Talk____16. Strategic Arms Limitation Talk____17. Bansang nagpaligsahan sa armas____18. Base militar ng Unyong Sobyet____19. 2,000 Milyon US$ ang halaga nito____20. Base militar ng Estados Unidos 3
ARALIN 1ANG PALIGSAHANG PANGKALAWAKAN AT SANDATANG NUKLEYAR Tinatalakay dito ang paligsahan sa kalawakan at sandatang nukleyar ngdalawang malalakas na bansa: ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Bakit kayakailangang gawin nila ito? May mga benipisyo ba o kapakinabangan sa pagpaparaming armas? Lilinawin sa iyo ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan. Pagkatapos ng pag-aralan ang paksang sa araling ito, ikaw ay inaasahang : 1. Makapagsusuri ng mga pangunahing salik o dahilan ng pagpaparami ng armas; 2. Matutukoy ang mga bansang may pinakamaraming armas; at 3. Makapagbibigay ng puna hinggil sa pagpapaligsahan sa armas ng Unyong Sobyet at Estados Unidos. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pag-aralan ang larawan. Paano nagpaligsahan sa larangangpangkalawakan and dalawang superpower: Unyong Sobyet at Estados Unidos? Isulatsa iyong kuwaderno ang sagot.Sputnik, ang unang artipisyal na satellite –USSR 4
Edwin Aldrin, isa sa mga astronauts na unang nakatapak sa buwan – USAMga Sandatang Nukleyar Samantalang umiiral ang Cold War, naging masidhi ang kompetisyon ng EstadosUnidos at Unyong Sobyet. Nagkaroon ng espiya ang bawat panig. Taun-taon, gumastaang mundo ng mga $ 1 trilyon sa mga armas at bomba. Kung higit na malaki ang pansing ibinibigay ng isang bansa sa mga bagay namilitar, mas maliit ang natitirang pondo para sa pagpapagawa ng mga ospital, paaralan,pabahay, kalye, tulay, at iba pang proyektong makatulong sa tao. Higit na malakingbahagi ng kita ng pamahalaan ang inilaan para sa mga bomba, bala, baril at iba pangsandata. Sapagkat mahalaga para sa isang bansa ang puwersa, higit na mapapasakanyaito kung lalong marami siyang sandatang pandigma. Naging malaking kompetisyonpara sa mga nangungunang bansa ang Estados Unidos at Unyong Sobyet angpagpaparamihan ng mga sandatang nukleyar. Nagsimula ang paligsahang ito noong 1945, nang bagsakan ng Estados Unidosng tig-isang bomba atomika ang Hiroshima at Nagasaki sa Japan. Nang gamitin ngAmerika ang bomba atomika, hindi lamang napadali ang pagtatapos ng giyera kundiipinaalam din niya sa buong mundo kung gaano siya kalakas. Gaya ng inaasahan, hindi nagpabaya ang mga Ruso na makahigit sa kanila angmga Amerikano. Gumawa rin sila ng bomba atomika. Noong 1949, matagumpay nanakapagsagawa ng atomic bomb testing ang Unyong Sobyet na ikinagulat ng EstadosUnidos. Hinangad ng bawat bansa na mahigitan ang bawat isa sa pagpapaunlad ng kani-kanilang armas at maging higit na makapangyarihan upang maiwasan ang anumangdigmaan. Tinawag itong deterrence, isang patakarang naglalayong maiwasan angpagsiklab ng digmaan sa magkabilang panig. Noong 1952, pinasabog ng Estados Unidos ang kauna-unahang hydrogen bomb,isang armas na higit na malakas at makapangyarihan kaysa sa bombang atomika.Makalipas ang isang taon, nagsagawa rin ang Unyong Sobyet ng hydrogen bomb 5
testing. Pinaunlad ng bawat bansa ang mga sasakyang pangkalawakan o rocket nanagtataglay ng armas nukleyar. Nagsagawa rin ng mga pagsabok sa armas nukleyar ang mga bansang Pransya,India, Tsina at Gran Britanya. Iba’t ibang uri ng armas lumalabas din ang iba’t ibang uri ng mga pakay. Angiba’y tinawag na mga sandatang biyolohikal na pumipinsala sa katawan at isip ng mgatao o kapiligiran. Halimbawa nito ang mga sandatang poison at nerve gas at yaong mgakemikal tulad ng defoliants na ginamit ng mga Amerikano sa Vietnam noon upangmakalbo ang lahat ng mga gubat na maaring pagtaguan ng mga kalaban nilangVietcong.Paligsahang Pangkalawakan Nagkaroon din ng paligsahang pangkalawakan ang Unyong Sobyet at EstadosUnidos. Nagsimula ito noong1957 nang ipinakilala ng Unyong Sobyet ang Sputnik, angkauna-unahang sasakyang pangkalawakan na nakarating sa kalawakan at lumibot sadaigdig. Nakarating sa buwan ang ipinadalang sasakyang pangkalawakan ng walangsakay na tao noong 1959. Makalipas ang dalawang taon, si cosmonaut Yuri Gagarinang kauna-unahang taong nakalibot sa labas ng daigdig. Dahil sa pangambang mahigitan ng Unyong Sobyet sa larangan ng teknolohiyangpangkalawakan, naglaan din ng malaking pondo ang Estados Unidos para sa mgaprogramang pangkalawakan. Noong 1962, si John Glenn Jr., sakay ng sasakyang Frienship 7, ay nakaikot samundo nang tatlong beses. Si Allan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanongastronaut na nakarating sa kalawakan. Sinundan ito ng isa pang matagumpay namisyon noong ika-20 ng Hulyo, 1969, nang unang nakatapak sa buwan ang mgaAmerikanong astronauts na sina Neil Armstrong at Edwin Aldrin. 6
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Suriin mo ang talahanayan sa ibaba. Alin ang mga bansang maymalalakas na armas?Hinihinalang Arsenal ng Sandatahang Nukleyar ng mga BansaBansa Hinihinalang Dami ng Hinihinalang dami Hinihinalang Strategic na Sandatang ng Non- Strategic Kabuuang Dami ng Sandatang Nukleyar na Sandatang Nukleyar NukleyarChina 250 120 400France 350 0 350India 60 ? 60+?Israel 100-200 ? 200+?Pakistan 24-48 ? 24-48Russia -6,000 -10,000United Kingdom 180 -4,000 185Estados Unidos 8,646 5 10,656 2,0101. Ano ang mga bansang may pinakamataas na uri nang armas? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________2. Bakit nagpaparami ng armas ang USA at USSR? 7
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204