Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Music Grade 1

Music Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 21:38:34

Description: Music Grade 1

Search

Read the Text Version

Musika 1 - Modyul 8I. Nilalayong Antas: Baitang 1II. Pamagat ng Modyul: Ikawalong Modyul sa PagkatutoIII. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig- 40 minutoIV. Kabuuan ng Modyul: Layunin ng modyul na ito na suriin ang pag- unlad pangmusika ng mga bata bunga ng aktibong pakikilahok at pagkakalantad sa mga kaalamang pangmusika na nakapaloob sa Modyul 5-7.V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin:Ang mag-aaral ay inaasahang; • naipakikilala ang lahat ng kasanayang kinakailangang matamo mula sa mga nakaraang modyulVI. Mga Naunang Kasanayan at Pagtatasa:Naipakikita ng mag-aaral ang lahat ngkinakailangang kasanayang nakapaloob samga nabanggit na modyul.VII. Nilalaman/ Paksa: 25

Unang Arawa. Pag-aralang muli at suriin ang mga konsepto at kasanayang pinag-aralan sa Pangalawang Kuwarter. • Ano ang mga pagkaing nakukuha sa dagat o ilog? • Ating pag-aralan ang isang larong awit tungkol sa alimango. • Paano ba kumilos ang alimango? • Maglaro tayo gamit ang ating daliri sa kamay upang ipakita ang galaw ng isang alimango habang umaawit ng “Tong, Tong, Tong.” “Tong, Tong, Tong” Tong, tong, tong , tong Pakitong-kitong Alimango sa dagat Malaki at masarap Mahirap mahuli Sapagkat nangangagat. • Kaya mo bang ipakita ang kumpas ng awit sa pamamagitan ng pagtapik sa iyong kandungan habang umaawit? 26

• Aling salita ang may MALAKAS na kumpas? • Nalaman mo ba ang sukat ng awit sa pamamagitan ng pagtapik sa iyong kandungan? • Ngayon, sagutan mo ang Gawain 1 sa iyong papel.Paglalapat: • Magpangkat-pangkat na tig-15. • Nalaman mo ba ang sukat ng awiting “Tong, Tong, Tong” sa pamamagitan ng pagtapik sa MALAKAS NA TUNOG nito? • Gumawa ng isang madaling ostinato pattern o PAULIT-ULIT NA PAG-AWIT. • Pumili ng angkop na galaw ng katawan para sa ginawang ostinato pattern. • Magsanay ng 5 hanggang10 minuto bago gawin ang gawain. • Ipakita sa klase.Pagbubuo: Paano mo ilalarawan ang presentasyon ng bawat pangkat? • Maghanda para sa kaparehong gawain sa susunod na araw. • Pumili ng isang awit na natutuhan at gumawa ng isang ostinato pattern. • Ulitin ang naunang gawain. 27

IKALAWANG ARAW Kung ikaw ay babatiin sa iyong pangalan saparaang paawit, kaya mo bang sumagot saparehong tono?1. Pagbuo ng Aralin Magkakaroon tayo ngayon ng presentasyon ng bawat grupo. • Matapos ang gawain, sagutin ang pagsasanay sa Gawain 2 sa kuwaderno mo. • Maging tapat sa inyong mga sagot.2. Pagbubuo • Alin sa mga gawaing ito ang pinakagusto mo. Bakit?VIII. Pangkalahatang PagtatasaBatayan sa PagganapPanuto: Babasahin ng guro ang mga pamantayan at markahan sa iyong papel ng  kung naisagawa mo at x kung hindi. 28

Pagtataya 1 Pamantayan Malinaw Bahagyang1. Naging malinaw malinaw at tuloy-tuloy ang pagkumpas mula sa simula hanggang katapusan ng awit.2. Akmang nailapat ang PAHINGA, MAHABA at MAIKLING TUNOG ng awit.3. Ang ostinato pattern na ginawa ng pangkat ay may kinakailangang pahinga, mahaba at maikling tunog. 29

Pagtataya sa Sarili para sa Ikalawang KuwarterIpakita ang iyong natutuhan sa musika. Lagyan ngtsek () sa iyong papel ang naaangkop sa iyongkakayahan.Pagtataya sa Sarili Hindi pa Kayang Kayang Gawin Gawin1. Kasanayang Pangmusika: a) napakikinggan ang pagkakaiba ng tunog at katahimikan; b) nahahanap ang malakas at mahinang kumpas; c) nahahanap ang mahaba at maikling tunog; d) nakabubuo ng maikling ostinato; at e) napananatili ang tuloy-tuloy na pagkumpas.30

2. Nakakukumpas nang tuloy-tuloy, at nakapapalakpak, nakaaawit, nakatatapik, at naisasakilos ang malakas at mahinang kumpas, mahaba at maikling tunog sa anumang uri ng ostinato pattern.3. Napakikinggan at nasasagot ang mga panuto at tuntunin; naipakikita ang akmang kilos; tuloy-tuloy na naipakikita ang pakikipagtulungan, pagtitimpi, paggalang sa isa’t isa, at pagkamamamayan. 31

1Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Unit 3 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 1

Music, Art, Physical Education, and Health- Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindimaaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna angpahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabingakda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilangkondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapangmahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin nikinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral MUSIC Consultant at Editor: Mauricia D. Borromeo Manunulat: Cielito Margo Mirandilla ART Consultant at Editor: Alice Pañares, MA Manunulat: Anna Victoria C. San Diego Mga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art) Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art) Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. Castro PHYSICAL EDUCATION Consultant: Larry A. Gabao, PhD. Manunulat: Salve A. Favila, PhD. HEALTH Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD. Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento, Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. Callo Mga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. Vicencio Mga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia, Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health) Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE), Ma. Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng _______________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected] 2

TALAAN NG MGA NILALAMAN MUSIKA 51 51YUNIT 3: 53Modyul 9: Ritmo ………………......................................... 53 Gawain 1: Twinkle, Twinkle Little Star .…………... 56 Gawain 2: Gawin ang 4-time Meter …………… 56 Gawain 3: Halina’t Maglakbay sa 3-time 57 Meter at 4-time Meter …….………………… 58 59Modyul 10: Anyo ………………….…………………....…. 62 Gawain 1: Daloy ng Phrase .……………….…..… 63 Gawain 2: Magkatulad at Magkaiba …………. 64 Gawain 3: Are You Sleeping ……………………… 65 Gawain 4: Isang Hamon sa Kalesa ……..……..... 68Modyul 11: Himig ………………..……………………..….. 71 Gawain 1: Ang Una Kong Komposisyon ...……... 73 Gawain 2: Talbog Pataas .……………..….……… 74 Gawain 3: Ang Paglalakbay sa Buwan ……….. 75 Gawain 4: Pagguhit ng Mataas at Mababang Tunog …………………………………………..Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong Kuwarter …….….…. Gawain 1 .…………..……………………..……....… Gawain 2 ……………………………….……....…..... Gawain 3 ………….…………………………………..3

YUNIT 3 Musika 1 - Modyul 9: RitmoI. Awit / Ritmo a. “Twinkle, Twinkle Little Star”- Awiting Pambata b. “Pan de Sal” (translation of “Hot Cross Buns”) ni D. De Vera)- Awiting Pambata c. “Pong Pong Piyangaw”- Awiting Pambata ni Miriam FactoraII. Mga Gawain Gawain 1 Twinkle, Twinkle Little StarPanuto: Narito ang mga kumpas ng awiting “Twinkle, Twinkle Little Star”. Gumuhit ng sa ilalim ng MALAKAS na kumpas sa iyong sagutang papel. Tingnan ang halimbawa. IIIIIIII Sukat I I I I I I I I 4

IIIIIIII IIIIIIII IIIIIIII IIIIIIII Pagkatapos mong lagyan ng bituin angmalakas na kumpas ng awit, gumuhit ng bar lines saunahan ng bawat malakas na kumpas upangmakagawa ng bars. Bilangin kung ilang kumpas angnasa bawat bar. Isulat sa iyong papel ang sukat salinya na nasa unahan ng awit.Tandaan:Dalawang bar lines ang inilalagay sa katapusan ngawit. Ito ay tinatawag na Double Bar . Ipinakikitanito na tapos na ang awit.Gumuhit ng double bar sa huling kumpas ng awit na“Twinkle, Twinkle Little Star.” Ano ang meter ng awit? Ang awit ay nasa _________ time meter. 5

Gawain 2 Gawin ang 4-time MeterPanuto: Pumili ng kilos na aangkop sa malakas na kumpas at mahinang kumpas ng awiting “Twinkle, Twinkle Little Star”. Muling awitin ito habang ipinakikita ang kilos na napili mo para sa malakas at mahina na kumpas. Maaari mong gawing batayan ang iyong sagot sa Gawain 1. Gawain 3 Halina’t Maglakbay sa 3-Time Meter at 4-Time Meter!Panuto: Ito ay mga halimbawa ng bars na nasa 4-time meter at 3-time meter. Kung matatandaan sa nakaraang kuwarter, ang malakas na kumpas ay ang laging unang kumpas sa bar. Lagyan nang tamang bilang ang bawat kumpas. Tingnan ang halimbawa.4I I I I I I I I 1 234 6

3 I I I I I I I II 3 12 Pumili ng mga tunog gamit ang katawan opagkilos para sa malakas at mahinang kumpas.Ipakita ang pagkilos na naaayon sa 3-time meter at4-time meter habang inaawit ang mga awitingnatutuhan sa ikalawang kuwarter.III. Pagtatasa Ipakita kung gaano mo natutuhan ang mga aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa iyong papel.Kasanayan Kayang Hindi Gawin pa kaya1. Nakaririnig at nakasusunod sakumpas2. Nakasusunod sa mga kumpasna malakas at mahina3. Nakasusunod sa kumpas nangmay pagkilos4. Nakakikilala ngpalakumpasan ng isangkilalang awit5. Nakakikilos nang wasto ayonsa tiyempo sa mga awitingnasa 2 meter, 3 meter, at 4meter time. 7

IV. Pagbubuo Natutuhan natin sa modyul na ito na ang mga kumpas ay maaaring pangkatin ng apatan (4- time meter). • Upang makilala ang kumpas ng isang awit, kailangang bilangin ang _______ na matatagpuan sa bawat bar. • Magbigay ng isang halimbawa ng awiting pambata o kaya’y isang katutubong awit na nasa 4-time meter.Pamagat: 8

Musika 1 - Modyul 10 : AnyoI. Laro/ Mga Tugma a. “Aso, aso” - Awiting Pambata ni K. Forrai b. “Pan de Sal” (salin ng “Hot Cross Buns” ni D. De Vera) c. “Are You Sleeping” - Awiting Pambata d. “Kalesa”- Awit ni E. CuencoI. Mga Gawain Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na tinatawag na Phrases. Awitin ang mga Phrase ng isang awit upang malaman kung ang mga ito ay magkakatulad o magkakaiba. Gawain 1 Daloy ng PhrasePanuto: Awitin ang “Aso, aso” at sundan ang kilos ng braso ng guro habang ipinakikita ang simula at katapusan ng isang phrase. Gumuhit ng linyang pahilis (/) sa dulo ng huling salita ng bawat phrase upang ipakita na tapos na ito. Tingnan ang halimbawa.Gawin sa hiwalay na papel. 9

“Aso, Aso” (Doggie, Doggie) (Awit na Pambata ni K. Forrai) Aso, aso nasaan ang iyong buto? May kumuha nito. Sino ang kumuha? Nasa akin ang buto. Ilang phrase ang makikita sa awit? Ito ay may ________ na phrase. Muling kantahin ang awit habang iginagalawang braso mula kaliwa pakanan tulad ng pagguhitng bahaghari upang maipakita kung saannagsisimula at nagtatapos ang iba’t ibang phrase. Gawain 2 Magkatulad at MagkaibaPanuto: Narito ang mga salita sa awiting “Pan deSal”. Gamit ang iba’t ibang hugis sa ibaba, kilalaninang mga phrase na may mga katulad atmagkaibang tono. Iguhit sa ibabaw ng linya angwastong hugis para rito. Maaaring gamitin angat . Tingnan ang halimbawa at sagutan sa iyongpapel. 10

Pan de Sal _________ Pan de Sal _________ ’Tig Singkwenta, tig mamiso _________ Pan de Sal Matapos iwasto ang gawain, pakinggang muliang awit ng guro. Pumalakpak kapag narinig angbahaging may . Kung marinig naman angbahaging may , tapikin ang inyong balikat.Gawain 3 Are You Sleeping?Panuto: Narito ang awiting Are You Sleeping?Alamin kung aling phrase ang magkakatulad atmagkakaiba. Markahan ng , , okaya’y sa sagutang papel.____ Are you sleeping,____ Are you sleeping?____ Brother John?____ Brother John?____ Morning bells are ringing,____ Morning bells are ringing,____ Ding ding dong,____ Ding ding dong 11

Gawain 4 Isang Hamon sa KalesaPanuto: Pakinggang mabuti ang awiting “Kalesa”.Magmartsa sa sariling lugar kasabay ng kumpaskapag sinimulan ang pag-awit. Sa tuwingmagbabago ang bahagi ng awit, ibahin din angpagkilos upang maipakita ang panibagong bahaging awit. Ang mga bahagi ng awit ay maaaring ulitin.Dapat tandaan ang mga kilos na ginawa sa una atikalawang bahagi. Kapag narinig na naulit ang isangbahagi, baguhin ang pagkilos ayon sa naunangginawa.Tandaan: Maging handa! 12

PagtatasaIpakita kung gaano mo natutuhan ang aralin sapamamagitan ng paglalagay ng tsek ()sa tamangkahon sa iyong papel. Kasanayan Kayang Hindi Gawin pa kaya1. Nakaririnig at nakakikilala ngisang karaniwang tno.2. Nakasusunod sa magkakatulad at magkakaibang hugis tulad ng tatsulok o bilog upang maipakita ang anyo o form ng isang awit.3. Nakikilala kung kalian nababago ang tono ng awit4. Nakasusunod sa phrase ng isang awit sa pamamagitan ng paggalaw ng braso.III. Pagbubuo Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na tinatawag na phrase. Ang mga phrase na ito ay maaaring magkakatulad o magkakaiba habang tumutugtog ang isang awitin. 13

Kapag ang pagkakatulad at pagkakaibang mga phrase ay namarkahan na gamit angiba’t ibang hugis, tinatawag ang mga itongform ng isang awit.Ano ang form ng awiting “Pan de Sal”?Ano ang form ng awiting, “Are You Sleeping”?• Ano ang tawag sa maliliit na bahagi na bumubuo sa isang awit? _________________• Buuin ang pangungusap: Upang makilala ang anyo o form ng isang awit, kailangan itong pakinggang mabuti at lagyan ng tanda ang _______________ at _______________ ng phrase na matatagpuan sa awit. 14

Musika 1 - Modyul 11: HimigI. Awit/ Tugma a. “Talbog Pataas” (Bounce High)- Awiting Pambata b. “Duyan” (See Saw)- Awiting Pambata c. “Piko Piko Angking” - awit ni Miriam Factora d. “Ang Paglalakbay sa Buwan” (The Journey to the Moon)- kuwento ni C. MirandillaII. Mga Gawain Gumagamit ang musika ng iba’t ibang kombinasyon ng mga tunog. Tingnan natin ang linya sa ibaba. Aah Pumili ng isang pantig at panimulang pitch nasusundan ng iyong tinig. Sa simula, maaari monggamitin ang ibinigay na pantig. Sundan ang mgalinya habang itinuturo ito ng guro. Gumamit ngibang pantig at sikaping may pagtaas at pagbabang linya na maririnig din sa iyong tinig. 15

Gawain 1 Ang Una Kong KomposisyonPanuto: Gumawa ng sariling linya ng komposisyon sakuwaderno at pumili ng isang pantig na nais monggamitin para rito. ___________ (pantig) Subukan ang una mong komposisyon atpakinggan ang tunog nito. Pakinggan din angkomposisyon ng iyong kamag-aral at pagsamahinninyo ang inyong ginawa. Bilugan ang bahaging mataas at mababa saiyong komposisyon. Sabihin kung ang bahagi aymataas o mababa. 16

Gawain 2 ”Talbog Pataas” (Bounce High, Bounce Low)Panuto:1. Muling awitin ang “Talbog Pataas, Talbog Pababa” at magkunwaring nagpapatalbog ng bola pataas kapag ang awit ay may mataas na tunog at pababa naman kung ito ay may mababang tunog. “Talbog Pataas, Talbog Pababa” (Bounce High) Talbog pataas, talbog pababa (Bounce high, Bounce low) Ipasa ang bola kay Rita! (Bounce the ball to Rita!)2. Humarap sa kamag-aral at pumalakpak kapag narinig ang malakas na kumpas.3. Kapag umawit ka ng may mataas na tunog, itaas ang iyong kamay at ipalakpak ito.4. Kung mababa naman ang tunog, ilagay ang kamay sa tapat ng beywang at ipalakpak ito. 17

Gawain 3 Ang Paglalakbay sa Buwan (The Journey to the Moon)Panuto: Ito ay kuwento ng isang batang babaeng si Athena at ang kaniyang kapatid na lalaking si Arthur na naglakbay sa buwan upang humanap ng lunas sa sakit ng kanilang nanay. Ito ay isang natatanging kuwento sapagkat ang bawat tauhan at pangyayari ay may sariling tunog. Subukin nating alamin ang tunog ng bawattauhan at pangyayari sa kuwento.Arthur Sa itaas ng mga puno/langit atAthena bituinNanay Sa ibaba ng mga bituin/langit at puno Sa ibabaw ng bundokManggamot Sa ibaba ng lambakSi Bahin 18

Pakinggan natin ang kuwento. Tandaangdapat gawin ang mga tunog na nakalaan sa bawattauhan at pangyayari sa kuwento. Hintayin anghudyat ng guro bago magbigay ng angkop natunog. Ang Paglalakbay sa Buwan (The Journey To the Moon) ni C. Mirandilla Noong unang panahon, may isang mabaitna batang ang pangalan ay Issa. May kapatidsiyang batang lalaki na Gabby ang pangalan.Nakatira sila sa isang kubo kasama ang kanilangtatay at nanay. Isang araw, nagkasakit angkanilang nanay. Nagsimula ito sa pagbahin, atpagbahin, at pagbahin. Dahil sa mahirap humanap ng gamot sakanilang lugar, pinaalalahanan ng mga tao sinaIssa at Gabby na humanap ng manggagamot namakapagpapagaling sa kanilang nanay. Subalit,ang manggagamot na ito ay sinasabing nakatirasa buwan. Nang marinig ito nina Issa at Gabby na agadsilang naglakbay papunta sa buwan. Umaasa silana mabibigyan sila ng manggagamot ng lunaspara sa kanilang nanay. Umakyat sina Issa at Gabby sa itaas ng mgapuno. Umakyat din sila sa ibabaw ng mga bundok. 19

Umakyat sila sa langit. Umakyat din sila sa mga bituin. At sa wakas, narating din nila ang buwankung saan nakatira ang manggagamot. Sa una, ayaw ng manggagamot sa kaniyangmga panauhin ngunit nang maipaliwanag ninaIssa at Gabby ang kanilang problema at ang layong kanilang nilakbay, unti-unti nang ngumiti angmanggagamot at naging mabait na sa kanila.Humanga kina Issa at Gabby ang manggagamotdahil sa kanilang pagmamahal sa kanilang nanay.Agad na ibinigay ng manggagamot angkailangan nina Issa at Gabby. Nang matanggap nila ang gamot ay dali-dalina silang nagpasalamat sa manggagamot atagad na umalis pabalik sa kanilang nanay.Patakbo silang bumaba sa mga bituin. Patakbo rin silang bumaba sa langit. Patakbo silang bumaba sa mga bundok at samga puno hanggang sa marating nila angkanilang tahanan. Pinainom kaagad nina Issa at Gabby nggamot ang kanilang nanay. Nawalang bigla angbahin ng kanilang nanay. Niyakap ng nanay sinaIssa at Gabby dahil sa napawi ng gamot angkaniyang pagbahin, pagbahin at pagbahin. Sa musika, gumagamit ang mga musikero ngsimbolo na tinatawag nilang nota o NOTES upangmaipakita ang mataas at mababang tunog. Angmga notang ito ay nakalagay sa pangkat ng 20

linya na tinatawag na STAFF upang maipakitakung ang nota ay mataas o mababa. Bago mo iguhit ang mga nota ng awiting“Duyan” (See-Saw) sa STAFF, awitin muli natin atpakinggang mabuti ang tunog nito. Kung sa iyongpalagay ay mataas ang tunog ng pag-awit,hawakan mo ng dalawang kamay ang iyong ulo.Kung mababa naman ang tunog ng iyong inaawit,hawakan mo ang iyong balikat. Gawain 4 Pagguhit ng Mataas at Mababang TunogPanuto: Ito ay mga halimbawa ng 2-line staff na nagpapakita ng unang phrase ng awiting “See-Saw.” Buuin ang awit sa pamamagitan ng paglalagay ng nota sa 2-line staff sa iyong papel . Tingnan ang halimbawa. LINYA 1 LINYA 2 See – saw up and down. LINYA 1 LINYA 2 In the sky and on the ground. 21

Ilang linyang mataas mayroon sa awiting See- Saw? __________ Ilang mababang linya mayroon sa awiting See- Saw? __________III. Pagtatasa Ipakita kung gaano ka kahusay sa mga gawain sa modyul na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa kahon.Gawin sa sagutang papel.Kasanayan Kayang Hindi Gawin pa kaya1. Nakapagtutugma ng tonong ibinigay ng guro.2. Nakasusunod sa mataas at mababang tunog gamit ang voice picture cards3. Nakakikilala ng pagkakaiba ng mataas sa mababang tunog4. Nakaaawit nang mataas at mababang tunog sa 2-line staff5. Nakaaawit ng isang maganda at kawili-wiling tunog 22

IV. Pagbubuo Natutuhan sa modyul na ito na ang musika ay binubuo ng mataas at mababang tunog. Ang mga tunog na ito ay kinakatawan ng mga simbolo na tinatawag na NOTES ng mga musikero. Isinusulat ng mga musikero ang NOTES sa pangkat ng linya na kung tawagin ay STAFF. Sa pamamagitan nito, naipakikita nila kung ang tunog na nais nilang iparinig ay malakas o mahinang tunog. • Gamit ang 2-line staff, sa aling linya mo iginuhit ang mataas na tono? ang mababang tono? • Nasiyahan ka ba sa mga gawain sa modyul na ito? Kung papipiliin ka sa mga gawain, alin ang nais mong gawin at bakit? 23

Musika 1 - Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong KuwarterI. Awit/ Tugma “Piko-Piko Angking” a. “Are You Sleeping?” b. Pagtataya at Talaan ng Pagkatuto sa MusikaII. Mga Gawain Alam mo ba ang larong “Sawsaw Suka?” Kumuha ng kapareha at laruin ito. Ang susunod na awit ay isang maikling laro mula sa Maguindanao, isang lalawigan sa Mindanao. Ang katumbas nito ay ang ating “Sawsaw Suka. Pag-aralan natin at alamin ang anyo o form ng awit na ito. Piko-Piko Angking Piko-piko angking. Salageta angking. Di kalubayan na tapsing. Guiam - ban, bo-te-te! 24

Panuto: Ang maikli at mahabang mga linya sa ibaba ay kumakatawan sa maikli at mahabang tunog sa awit na “Piko-Piko Angking”. Pag-aralan ang mahaba at maikling tunog na matatagpuan sa bawat phrase ng awit na ito, gumuhit ng mga hugis sa patlang na nagpapakita ng mahaba at maiikling tunog sa papel. Makatatanggap ng gantimpala ang sinumang makapagbibigay ng anyo o form ng awit sa hulihan nito.________ Pi - ko, pi - ko ang - king hugis Sa - la - ge - ta ang - king._______ hugis Di ka - lu - ba - yan na tap –sing. _______ Guiam - ban bo - te - te hugis ______ hugis GANTIMPALA: Ano ang anyo o form ng buongawit? ______ ______ ______ ______ 25

Gawain 1Panuto: Ilagay ang nawawalang mataas at mababang tunog ng “Piko-Piko Angking” gamit ang mga hugis para sa mahaba at maikling tunog na ginawa sa unang gawain. Gawin sa inyong kuwaderno. Tingnan ang halimbawa.Pi - ko, pi - ko ang - king ?? king.Sa - la - ge - ta ang - ?? Di ka - lu - ba - yan na tap - sing. ? X XX Guiam - ban bo - te - te!• Paalala: Ang huling 3 Xs ay nangangahulugan na ang mga tunog nito’y pabigkas at hindi paawit. Ibig sabihin, walang mataas at mababang tunog dito.26

Gawain 2Panuto: Sundin ang mga panuto. • Bumuo ng pangkat na may 10 kasapi. • Pumili ng isang awit mula sa listahan: Are You Sleeping? Piko-Piko Angking Pan de Sal Twinkle, Twinkle Little Star • Maghanda ng isang awitin na magpapakita ng lahat ng iyong natutuhan sa Pangatlong Kuwarter tulad ng:  Pagkilala at pagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng iba’t ibang bahagi ng isang awit sa pamamagitan ng kilos  Pag-awit ng pitch ng isang awit  Pagkilala sa mataas at mababang tunog  Pagpapakita ng mataas at mababang tunog sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan o galaw ng kamay • Ito ay isang panapos na gawain para sa Ikatlong Kuwarter. 27

Gawain 3Pagtataya: Lagyan ng tsek () ang angkop na nakitangkakayahan sa kuwaderno. MayPagtataya Nakita Ipinakitang Pag-unlad1. Ang anyo o form ngisang awit ay wastongnaipakita sapamamagitan ngpagkilos ng katawan.2. Ang himig o melody aymalinaw at nasatamang pitch sasimula hanggang sakatapusan ng awit.3. Ang galaw na ginawang pangkat aymalinaw nanakapagpakita ngbawat bahagi nganyo o form, at ngbahaging mataas atmababang tunog ngnapiling awit. 28

Pansariling Pagtataya sa Ikatlong KuwarterPanuto: Gumuhit ng upang ipakita kung gaano mo natutuhan ang mga aralin sa kuwarter na ito. Gawin sa inyong kuwaderno. Pansariling Pagtataya Kayang Halos Gawin NagaMga kasanayang pangmusika: gawa1. Nakakikilala ng magkatulad at magkaibang himig o melody sa pamamagitan ng paggamit ng mga hugis.2. Nakakikilala at nakapagpapakita ng pagtaas at pagbaba ng himig sa pamamagitan ng pagguhit ng melodic contours sa hangin.3. Nakagagawa ng kilos na nagpapakita ng mga bahagi o phrase ng isang awit na napakinggan.4. Nakagagamit ng boses o tinig upang maipakita ang iba’t ibang direksyon ng isang himig.5. Nakapakikinig at nakasusunod sa mga panuto at tuntunin, wastong pagsisikap, pakikiisa, paggalang, at pagkamamamayan.29

1Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Unit 4 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 1

Music, Art, Physical Education, and Health- Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindimaaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna angpahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabingakda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilangkondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapangmahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin nikinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral MUSIC Consultant at Editor: Mauricia D. Borromeo Manunulat: Cielito Margo Mirandilla ART Consultant at Editor: Alice Pañares, MA Manunulat: Anna Victoria C. San Diego Mga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art) Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art) Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. Castro PHYSICAL EDUCATION Consultant: Larry A. Gabao, PhD. Manunulat: Salve A. Favila, PhD. HEALTH Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD. Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento, Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. Callo Mga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. Vicencio Mga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia, Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health) Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE), Ma. Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng _______________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected] 2

TALAAN NG MGA NILALAMAN MUSIKA 77 78YUNIT 4: 79 80Modyul 13: Himig …….……………………..……..……….. 82 Gawain 1: Mataas at Mababang Puzzle ……... 83 Gawain 2: Rocky Mountain High ………………... 85 Gawain 3: Mataas, Mababa …………………..… 87 87Modyul 14: Tekstura o Texture ………...……………..….. 89 Gawain 1: Pakikinig at Pagsasaya ....................... 90 Gawain 2: Hamon sa Pakikinig .……………...…… 90Modyul 15: Balik-aral sa mga Elemento ……...……...… 90 Gawain 1: Isang Malaki at Masayang Pamilya.. Gawain 2: Balik-aral sa mga Elemento ……..…... 92Modyul 16: Ebalwasyon …..………………………………. Gawain 1: Magdaraos Kami ng Isang Konsiyerto .………………………………..……. Gawain 2: Ebalwasyon ng Gawain……………… Gawain 3: Ebalwasyon ng Sarili sa Ikaapat na Kuwarter ………………………………………...3

YUNIT 4 Musika 1 - Modyul 13: HImigI. Awit / Tugma a. “BitinBitin 2” – Philipppine Children’s Songs, Spoken Rhymes and Games for Teaching by MiriamFactora b. “Si Nanay at si Tatay” – Creative Music Teaching at the Elementary Level by Miriam Factora c. “Rocky Mountain” – Southern Folk SongII. Mga Gawain Pag-aralan natin ang isa pang laro ng ating mga kapatid mula sa lalawigan ng Sagada. Hanapin ang lokasyon ng Sagada sa mapa ng Pilipinas (Mountain Province) at ang kanilang ikinabubuhay(Pagsasaka at Paghahabi). Banggitin na ang Sagada ay nasa rehiyong kinaroroonan ng tanyag na Banaue Rice Terraces (a UNESCO World Heritage Site). BitinBitin 2 Sagada, Mountain Province Bitinbitin, Si kawali’tsikapat Binting ken salaumat Silat! 4

Gawain 1: Mataas at Mababang PuzzlePanuto: Ang nasa ibaba ay ilang MATAAS at MABABANG tunog ng awit na “BitinBitin”.Kumpletuhin ang mga parirala sa pamamagitan ngpaglalagay ng nawawalang nota. Gawin sakuwaderno.Bi - tin, bi -tinSi ka - wa -li’t si ka - patBin – ting ken sa - la xx u - mat. Si - lat! Mula sa mga bundok ng Sagada, maglalakbaynaman tayo sa mga bundok ng United States ofAmerica. Narito ang isang tanyag na awiting-bayantungkol sa kanilang mga bundok. 5

Rocky Mountain AdaptedChildren’s Song Rocky Mountain, Rocky Mountain, Rocky Mountain high. When you’re on that rocky mountain, Look up to the sky. Do, do, do, do, do remember me. Do, do, do, do, do remember me. Gawain 2: Rocky Mountain HighPanuto: Gumuhit ng isang larawan ng galaw ng melody kasabay ng lyrics ng awit na “Rocky Mountain”sa inyong papel. Halimbawa: Rocky mountain Rocky mountain highLook up to the sky. When you’re on that 6

Gawain 3: Mataas, MababaPanuto: Sa ibaba ay mga halimbawa ng pattern na MATAAS at MABABA. Makinig sa guro habang inaawit ang bawat pattern. Isulat ang letra ng pattern na inyong narinig. Gawin ito sa inyong kuwaderno. A.1. ___ B.2. ___ C.3. ___ D.4. ___5. ___ E. 7

III. Pagtataya Ipakita kung kaya mo nang kilalanin at awitinang MATAAS at MABABANG tunog ng awit sapamamagitan ng pagguhit ng bituin .Kulayan ngDILAW- para sa PINAKAMAHUSAY, PULA – para samas mahusay at BERDE – para sa Makakaya na.Gawin sa kuwaderno. 1. Awitin ang pitch ng buong awit. 2. Iangkop ang pitch ng isang melodic phrase na narinig. 3. Pakinggan at sabihin kung pataas o pababa ang melody. 4. Hanapin ang MAHABA at MAIKSING TUNOG sa awit nang hindi nagpapatulong sa guro.IV. Pagbuo Sa modyul na ito, natutuhan nating gumawa, lumikha, at tumugon sa MATAAS at MABABANG tunog ng isang MELODY.  Ano ang magiging tunog ng isang awit kung sa buong awit ay MATATAAS na tunog lamang ang ginagamit nito?  Ano ang magiging tunog ng isang awit kung sa buong awit ay MABABABANG tunog lamang ang ginagamit? 8

 Kumpletuhin ang pangungusap: Mahalagang pagsamahin ang MATAAS at MABABANG tunog sa isang awit sapagkat __________________________________________ __________________________________________ . Musika 1 - Modyul 14: Tekstura o TextureI. Awit/ Tugma a. “Are You Sleeping Brother John?” – Tugmang Pambata b. “Row, Row, Row Your Boat”- Tugmang PambataII. Mga Gawain Ang thickness ng tunog ng Musika ay batay sa bilang ng linya na magkakasabay; samantalang ang thinness ng tunog ng Musika ay batay sa isang linyang musikal. Ang elementong ito ng musika na tumutukoy sa thickness at thinness ng musika ay tinatawag na Texture. Pagbalik-aralan natin ang awit na Are You Sleeping Brother John? Una, awitin ito nang pangkatan. Awitin ito ng dalawahan , tatluhan at pangkatan. Ang bawat pangkat ay 9

magsisimula nang hindi magkasabay ngunit tatapusin ang awit. Hihintayin ng bawat pangkat ang hudyat ng pagsisimula ng awit sa guro. Are You Sleeping Brother John? Are you sleeping? Are you sleeping? Brother John? Brother John? Morning Bells are ringing, Morning bells are ringing Ding-dong, ding. Ding-dong, ding. Ano ang inyong napuna nang umaawit kayo bilang isang pangkat; nang umaawit kayo bilang dalawa o tatlong pangkat na hindi sabay-sabay ang umpisa? Kailan thin ang tunog ng musika? Kailan thick? Gawain 1: Pakikinig at PagsasayaPanuto: Bilang isang klase, gumawa ng isang payak na Ostinato na binubuo ng Maiksi at Mahabang tunog. Isulat sa inyong kuwaderno ang Ostinato at sanayin ang paulit-ulit na pagpalakpak nito. Pagkatapos, pumili ng instrumento sa silid- aralan upang gawin ang napiling Ostinato. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. 10

Ang unang pangkat ang gaganap ng Ostinato. Ang pangalawang pangkat ang gaganap ng kaparehong Ostinato sa isang tiyak na bahagi na kahawig ng sa awit na “Are You Sleeping, Brother John?”. OSTINATO: Upang maging higit na kawili-wili ang Ostinato,pumili ng isang tiyak na galaw ng katawan para samga tunog na MAHABA at tunog na MAIKSI. Gawinang mga galaw na ito sa pagsasakilos ng OSTINATOng inyong pangkat. Napansin ba ninyo ang pagkakaiba sa tunognang patugtugin ng unang pangkat ang OSTINATOat ang tunog nang idagdag ng ibang pangkat angkaparehong OSTINATO na sinimulan sa ibangpagkakataon? Anong pagkakaiba ang inyong napansin? Ang tunog bang musika ay thicker o thinner?Bakit? Kapag may idinagdag na instrumento o tunogsa isang pattern o melody, sinasabi ng mga musikerona ang tunog ng musika ay nagiging thicker. Gayundin naman, kung ang isang pattern omelody ay tinugtog o inawit nang walang kasabay,sinasabi ng mga musikero na ang Texture ng musikaay thin. 11

Gawain 2: Hamon sa PakikinigPanuto: Iguhit ang 1 nota kung ang narinig ninyo ay isang linya ng musika. Ngunit kung ang naririnig ninyo ay dalawa o mahigit pang linya ng musika na pinatutugtog o inaawit, iguhit ang 2 nota sa kuwaderno. Pakinggang mabuti ang mga halimbawa.A1 2 B1 2C1 2 D1 2 Ano ang kailangan mong tandaan upangmakilala Textures ng tunog ng Musika? 12

Pagtataya Ipakita kung natutuhan ninyo ang aralin sapamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa isa samga kahon sa ibaba. Gawin sa inyong kuwaderno .MGA KASANAYAN Oo Hindi pa1. Nakaririnig at nakakikilala ngisang linyang musical.2. Nakapagpapakita ng iba’tibang textures sa pamamagitanng mga galaw ng katawan.3. Nakagagawa ng mga simplengpattern na gagawin kasama ngibinigay na pattern sa istilo ngisang bilog.4. Nakagagawa ng pattern sa istilo ng isang bilog.III. Pagbuo Natutuhan natin sa modyul na ito na ang tunog ng Musika ay maaaring Thick ayon sa bilang ng linya ng musika na sabay-sabay na inaawit o tinutugtog. Ang tunog ng musika ay maaaring THIN na may isa lamang linya ng musika. 13


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook