Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore SINING VI

SINING VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-28 22:29:39

Description: SINING VI

Search

Read the Text Version

SINING VI

IKAANIM NA BAITANG PAGKILALA AT PAG-UNAWA SA LINYA Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na higit mong mauunawaan ang mga katangian ng linya na nagpapakita ng galaw at lawak sa paningin. PAGBALIK-ARALANMO Natatandaan mo pa ba ang mga katangian ng linya na pinag-aralan mo sa Ikalimang Baitang? Kung malinaw pa sa iyong alaala, subukan mo ngang sagutin ang mga tanong sa linya. Isulat mo ang mga sagot sa papel. Pagmasdan ang larawan, hanapin at tukuyin mo ang mga bagay na may mga uri at katangian ng linya.

1 – 3. Isulat ang mga bagay na may linyang tuluy-tuloy1 – 6. Ano ang mga bagay na may mga linyang paputul-putol?7 – 8. Ano ang mga bagay na may mga linyang patulduk-tuldok?9 – 10. Ano ang mga bagay na may mga linyang hindi gumagalaw?ALAMIN MOA. Mga Linyang Tila Gumagalaw Ang linyang patayo  , o pahiga  ay hindi nagpapakita ng kilos, subalit ang pahilis / \ ay may bahagyang kilos sapagkat ito ay parang natutumba o napapahiga. Masdan mo ang ilang halimbawa ng mga bagay o gamit na may mga linyang patayo, pahiga at pahilis. May napuna ka bang mga linya na tila gumagalaw? Wala, di ba kahit pa nga may pahilis na linya? Upang maipakita na ang mga linyang pahilis ay tila gumagalaw, dapat itong iguhit nang tuluy-tuloy at paulit-ulit, tulad ng nasa larawan.Ang mga linyang pakurba ay totoong may galaw at higit na tilagumagalaw ito kapag paulit-ulit at tuluy-tuloy ang pagkakaguhit dito tulad ng larawan sasusunod na pahina.

B. Lawak sa Paningin ng Espasyo sa Pamamagitan ng Linya Ang espasyo ay nagpapalawak sa paningin sa pamamagitan ng posisyon ng mga linya. Masdan mo ang mga halimbawang larawan. AB C D Sa larawan A, ang guhit-tagpuan (horizon) ng langit sa dagat at bundok ay nasa bandang gitna, samantalang sa larawan B, ang guhit-tagpuan ay mas mababa. Sa A, mas malawak sa paningin ang dagat, samantalang sa B, mas malawak ang kalangitan, bagaman mas maulap ito kung ikukumpara sa A. Sa larawan C; ang espasyo ng kalye na nakaguhit perspektibo ay makitid at mas malayo, kung ikukumpara sa larawan D na mas malapad at mas malapit sa paningin.

PAGSANAYAN MOA. Matapos mong matutuhan ang kaalaman sa mga linyang nagpapakita ng galaw, pagsanayan mo ang isa sa dalawang larawang nasa ibaba. Iguhit sa iyong kuwaderno ang simula ng mga guhit na tila gumagalaw at dugtungan. Gumamit ng lapis o ballpen. 12B. Para sa iyong ikalawang pagsasanay, subukan mong dagdagan ang mga bagay na nakaguhit sa harapan ng larawan ng dalawa o higit pang tulad nito. Ipakita ang lawak sa espasyo sa pamamagitan ng paraang perspektibo. Pumili ng isa sa dalawang larawan at iguhit ng lapis o ballpen sa kuwaderno ang pagsasanay. 12

TANDAAN MO  Ang espasyo ay maaaring lumaki o lumiit depende sa pagkakaguhit ng linya  Sa mga disenyo ng tanawin, ang guhit-tagpuan ay maaaring iguhit sa bandang itaas o ibaba, depende kung saan iguguhit ang mahahalagang bagay sa larawan.  Ang hugis ay nagmula sa pinagdugtong sa dulo ng linya.  Ang isang bagay ay maaaring magtaglay ng pinagsama-sama o pinagdugtong na mga linya at hugis.  Ang lawak sa paningin ng espasyo sa pamamagitan ng mga linya ay iginuguhit sa paraang perspektibo (ang mga bagay na nasa harap ay mas malalaki kaysa sa mga bagay na nasa likod na paliit nang paliit habang papalayo) Masdan mong muli ang larawan sa unang pahina, kung paano paliit nang paliit angmga puno habang papalayo ang mga ito. SUBUKIN MO Matapos mong magawa ang mga pagsasanay, ngayon naman ay subukan monggumuhit ng mga linyang tila gumagalaw na nagpapakita ng malawak na espasyo. Kunghanda ka na, sundin ang pamamaraan ng gawaing sining:  Buuin muna sa imahinasyon ang komposisyon ng mga linya.  Maaaring gumuhit ng tanawin sa karagatan o kabukiran; maaari din namang magdisenyo lamang ng mga linya.  Gamitin ang ballpen sa pagguhit sa papel.  Subukang lapatan ng kilos ng kamay ang ilang linyang iginuhit.

PAGTATAYA Sukatin ang likhang sining batay sa sumusunod na alituntunin, kung saan ang 5 aypinakamataas. Lagyan ng tsek ang antas na sa palagay mo ay tugma sa iyong gawa.Pagsama-samahin ang kabuuan ng antas na nakuha na magsisilbing grado mo sa nataposna sining.Kasanayan 5 4 3211. Naipakita ang mga linyang tila gumagalaw2. May lawak sa paningin ang mga espasyo na iginuhit3. Nakagamit ng iba’t ibang linya4. Nalapatan ng kilos kamay ang ilang linyang iginuhit5. Natapos ang likhang sining sa takdang oras Kabuuan (Total)Kabuuan x 20% = Marka

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul…Congratulations!Modyul 1 – Pagkilala at Pagunawa sa Linya – Grade IV

IKAANIM NA BAITANG PAG-UNAWA SA TATLONG DIMENSIYONG LAWAK NG HUGIS Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na makagagawa ka na ng tatlong dimensiyong lawak sa pamamagitan ng pagsasanib-sanib ng iba’t ibang hugis. PAGBALIK-ARALANMO Sa nakaraang gawaing sining, lumikha ka ng isang komposisyong may lawak sa paningin na ginagamitan mo ng mga linyang tila gumagalaw. Tingnan nga natin kung ganap mo nang natutuhan ang kasanayang ito. Ilabas ang iyong kuwaderno, iguhit dito ang dalawang magkahiwalay na drowing sa ibaba at dugtungan ng mga linyang tila gumagalaw. Maaari mong baguhin ng kaunti ang drowing, hindi kailangang kopyahin nang eksakto. Basta ang mahalaga ay maipakita mo ang mga linya na may iba’t ibang lawak o espasyo sa paningin.

ALAMIN MO Ang dalawang dimensiyong hugis ay may dalawang sukat lamang, ang taas athaba. Halimbawa: ang mga drowing sa modyul, larawan sa aklat o magasin, painting sacanvass at iba pa na pawang pang ibabaw na hugis lamang ang nakikita. Na kapag hinipoay pawang kinis o gaspang lamang ng papel o canvas ang masasalat. Hindi katulad satatlong dimesiyong hugis o bagay, na bukod sa taas at haba ay mayroon pa itong kapal.Ang kabuuan nito ay nakikita at nahihipo mula sa harap, sa dalawang gilid, sa likod, saibabaw, at sa ilalim. Halimbawa: aklat, bag, bolpen, lamesa, silya, bote, tinapay,cellphone, mga nililok na bagay, iskultura, monumento at marami pang iba. Masdan mosa larawan ang pagkakaiba ng dalawa.Dimensyonal Dimensyonal Kapag ang espasyo o ayos ng mga bagay ay may dalawang dimensiyong lawak,lahat ng nakadrowing ay paharap lamang. Kahit pa iba’t iba ang sukat at laki ng mga itoay walang nagkakapatungan o nagkakatakipan. Samantalang sa tatlong dimensiyong lawak, ang drowing ng mga bagay bukod samay kapal ay nakaayos pa sa paraang perspektibo, kung saan ang mga hugis aypinagsanib-sanib, nagkakapatungan at nagkakatakipan.

PAGSANAYAN MO Ngayong naunawaan mo na ang aralin, subukin mong isaayos ang mga bagay salarawan sa pamamaraang tatlong dimensiyong lawak. Babaguhin mo ang ayos at laki ngmga lata sa drowing para may malaki at maliliit na hugis, sa paraang pinagsanib-sanib.Iguhit mo ang iyong pagsasanay sa kuwaderno gamit ang lapis. Tapusin kaagad sa loobng pitong minute.

TANDAAN MO  Sa tatlong dimensiyong lawak, ang pinakamalaking hugis ay nasa harapan at ang pinakamaliit ang pinakamalayo.  Ang tatlong dimensiyong lawak ay iginuhit sa pamamaraaan ng perspektibo, kung saan pinagsanib-sanib ang mga hugis batay sa laki at posisyon sa drowing. SUBUKIN MO Para sa iyong gawaing sining, guguhit ka ng isang komposisyon na nagpapakitang tatlong dimensiyong lawak, sa pamamagitan ng pagsasanib-sanib ng iba’t ibang hugisat sukat. Kung handa ka na ilabas na ang iyong papel, lapis at krayola.  Umisip ng lima o higit pang bagay, gamit o pagkain na paborito mo.  Pag-aralan sa papel kung paano mo isasaayos ang iba’t ibang hugis at laki ng mga bagay na napili mo.  Iguhit nang mabilis ang mga balangkas (outlines) ng hugis gamit ang lapis.  Kulayan ang mga hugis ayon sa tunay o likas na kulay ng mga ito.  Tapusin sa loob ng 20 minuto.

PAGTATAYA Sukatin ang likhang-sining batay sa sumusunod na alituntunin, kung saan ang 5ay pinakamataas. Lagyan ng tsek ang antas na sa palagay mo ay tugma sa iyong gawa.Isuma ang kabuuan ng antas na nakuha na magsisilbing grado mo.KASANAYAN 543211. Naipakita ang tatlong dimensiyong lawak ng mga hugis2. Napagsasanib-sanib ang iba’t ibang hugis sa komposisyon3. Naiguhit sa tamang hugis at proporsiyon ang mga bagay4. Nakulayan nang tama ang mga hugis5. Natapos ang gawaing sining sa takdang oras Kabuuan (Total)Kabuuan x 20% = Marka

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul…Congratulations!Modyul 2 –Pagunawa sa Tatlong Dimensyon – Grade IV

IKAANIM NA BAITANG PAGKILALA SA MGA KUMBINASYON NG KULAY Makulay ang modyul na ito, kaya inaasahan na matapos mong maunawaan at makilala ang mga kumbinasyon ng kulay ay matutukoy at magagamit mo na ang mga ito sa lahat ng iyong malikhaing gawain sa sining. PAGBALIK-ARALANMO Tatlong dimensiyong lawak ng mga hugis ang pinag-aralan mo sa natapos na modyul. Matalino ka at natatandaan mo pa ang mga ito, di ba? Kaya ilabas na ang iyong kuwaderno at gawin ang pagsasanay sa ibaba. Nakikita mo ang hindi natapos na ayos ng mga bulaklak at dahon sa plorera. Kokopyahin mo ito sa notbuk. Tandaan, hindi kailangang eksakto. At kung nais mong magdrowing ng ibang bulaklak at dahon, puwede rin. Ang mahalaga ay maipakita mo ang tatlong dimensiyong lawak ng mga bulaklak at dahon sa plorera. Lapis at bolpen lang ang gagamitin kaya inaasahang matatapos mo kaagad.

ALAMIN MO Sa nakaraang baitang ay napag-aralan mo na ang mga pangkat ng kulay:pangunahin, pangalawa, at pangatlong kulay. Sa araling ito ay pagtutuunan naman natinng pansin ang mga kombinasyon ngkulay na nakabatay sa ayos ng mgakulay sa colorwheel. Napansin mo ba naang mga kulay na magkakahawig aymagkakatabi, halimbawa: dilaw, dilawberde at berde; dilaw, dilaw dalandan,dalandan, pulang dalandan at pula. Angmagkakatabing kulay sa colorwheel aytinatawag na analogo (analogous).Samantalang ang magkakatapat na kulaysa colorwheel at tinatatawag nakomplementaryo (complimentary),katulad ng pula sa berde, dilaw sa lila,asul sa dalandan, dilaw berde sa pulanglila, at iba pa. Ang monokromatiko(monochromatic) naman ay angpaggamit ng iisang kulay na paiba-iba ang katingkaran, kapusyawan, kalamlaman okadiliman sa komposisyon. Masdan mo sa ibaba kung paano napipili mula sa colorwheelang mga halimbwang kombinasyon sa analogo at komplementaryo. At samonokromaitko, kung asul ang gagamitin, kailangang maipakita sa komposisyon angiba’t ibang tingkad at lamlam ng asul. Komplementaryo

PAGSANAYAN MO Ngayong naunawaan mo na ang iba’t ibang kumbinasyon o harmony ng kulay(color harmony), kaya mo ng sumubok ng isa, di ba? Gagamit ka ng komplementaryongkulay, at ikaw na rin ang pipili ng magkatapat na kulay na gusto mo. Ang iguguhit mo sakuwaderno ay ang pinaka paborito mong gamit, halimbawa: bag, sapatos, polo shirt,sombrero, cellphone, baso, aklat, computer. Gumamit ng krayola o craypas sa pagkulay. TANDAAN MO  Sa paghahalo ng kulay, kailangang magkasindami ang dalawang pangunahing kulay upang matimpla ang pangalawang kulay na gusto mo.  Pero kung ang hangad mo ay manilaw-nilaw na berde, kailangan mas lamang ang dilaw sa berde.  Ang paghahalo ng kulay ay sa watercolor at pintura tugma, hindi sa solidong pangkulay tulad ng krayola at craypas. SUBUKIN MO Sa sining ang bawat mag-aaral ay kailangang bihasa sa paggamit ng colorwheel,sapagkat ito ang batayan ng tamang kombinasyon ng mga kulay. Gagawa ka ngayon ngsariling colorwheel kaya ilabas na ang iyong papel, ruler, lapis, pangkulay at sundin angmga hakbang sa paggawa.  Kung walang kompas, maghanap ng pambilog na lata o platito na may diametrong 12 hanggang 14 na sentimetro.  Gamit ang lapis, bakatin ang kabilugan ng lata o platito sa papel.  Kunin ang pinakagitna ng bilog at mula rito ay gumuhit na patayo at pahigang diametro gamit ang ruler.  Hatiin sa 12 pantay-pantay na sukat at diametro ang bilog.  Kulayan ng crayola o craypas ang bawat espasyo ayon sa pagkakasunud- sunod ng kulay sa colorwheel.

PAGTATAYA Sukatin ang likhang sining batay sa sumusunod na alituntunin, kung saan ang 5 aypinakamataas. Lagyan ng tsek ang antas na sa palagay mo ay tugma sa iyong gawa.Isuma ang kabuuan ng antas na nakuha na magsisilbing grado mo.Kasanayan 543211. Naipakita ang tatlong dimensiyong lawak ng mga hugis2. Napagsasanib-sanib ang iba’t ibang hugis sa komposisyon3. Naiguhit sa tamang hugis at proporsiyon ang mga bagay4. Nakulayan nang tama ang mga hugis5. Natapos ang gawaing sining sa takdang oras Kabuuan (Total)Kabuuan x 20% = Marka

Binabati kita sa magandang colorwheel na natapos mo. Alam mo bang ito ang magiging gabay mo sa pagpili ng tamang kombinsyon ng kulay para sa mga susunod mo pang gawaing sining? Higit na binabati kita sa mga kaalaman at kasanayan sa kulay na natutuhan mo sa modyul….Congratulations!Modyul 3 – Pagkilala sa mga Kumbinasyon – Grade IV

IKAANIM NA BAITANG PAG-UNAWA SA TEKSTURA Sa modyul na ito ay inaasahan na higit mong mauunawaan ang tekstura hindi lamang sa punto ng sining biswal kundi pati na rin sa pagkilos o pagsayaw. PAGBALIK-ARALANMO Bago natin talakayin ang tekstura, pagbalik-aralan mo muna ang mga kombinasyon ng kulay na natutuhan. Nakasubok ka ng gumamit ng komplementaryo, kaya ngayon ay gagamit ka ng kombinasyong Analogo. Ano mang magkakatabing kulay sa colorwheel ang nais mong gamitin ay puwede. Ilabas na ang iyong notbuk at pangkulay at magdrowing ka ng mga prutas o gulay na paborito mo. Ang drowing sa ibaba ay halimbawa lamang, huwag kokopyahin. Lumikha ng sariling tatlong dimensiyong lawak ng mga pagkain na idodrowing mo. Halimbawa ng Tatlong Dimensiyong lawak ng mga Prutas

PAG-ARALAN MO Ang tekstura ang pang-ibabaw na katangian ng likas o di-likas na bagay nanadarama at nasasalat ng ating balat, lalo na ng kamay. Kaya nga nasasabi mo na angbagay ay makinis o magaspang, malambot o matigas, malamig o maiinit, kapag nahipomo na ito.A. Tekstura sa Sining Biswal Sa sining biswal, maraming pintor na ang estilo nila ay konserbatibo atmakatotohanan, kaya makinis ang pang-ibabaw na tekstura ng kanilang likhang sining.Subalit para sa makabagong alagad ng sining, ang kanilang istilo ay pagpahid ng makapalna pintura, o kaya ay ang pagdidikit ng mga patapong bagay na may iba’t ibang teksturasa gawaing collage. Ganoon din naman sa mga batikang eskultor, may makinis at maymagaspang maglilok at magmolde ng kanilang tatlong dimensiyong sining. Masdan moang ilang halimbawa ng kanilang tanyag na sining.

Tandaan mo na lahat ng likas at di-likas na bagay ay may tanging tekstura nataglay. Kung naipakikita at naipapahipo ang kagaspangan ng tekstura sa mga modernongsining, sa mga simpleng drowing at naipapakita lamang ito. Masdan ang mga larawan. 12 Sa larawan #1 ang balangkas ng hugis ng mga pagkain na paborito mo aynakadrowing na walang tekstura. Bagaman tama ang mga hugis, parang may kulang sadrowing, di ba? Samantalang ang larawan #2 ay mukhang mas makatotohanan sapagkatmay mga guhit na ito na nagbibigay ng tekstura. Kaya hindi ka nasiyahan sa larawan #1 ay kulang ito ng detalye at tekstura bataysa konsepto at karanasan mo sa mga pagkaing iyan. Samantalang ang larawan #2 aykompleto sa detalye at tekstura kaya tugma sa imahinasyon mo. Iyan ang mahalaga satekstura, naiuugnay nito ang drowing ng bagay sa totoong teksturang biswal nito.B. Pino at Magaspang na Tekstura sa Kilos at Sayaw Sa musika, ang mga awitin na nakakaaliw pakinggan dahil sa pinong teksturanito. Minsan nakakadala sa emosyon ang napapakinggan na musika gaya ng pagpapagaanng saloobin o karamdaman. Napapaindak din ang nakikinig sa mabilis at magaspang natekstura ng musika. May mga sayaw na pino ang kilos lalo na kung ito ay espirituwal.Mga sayaw na nagpapakita ng paghanga, panunuyo, pakikiramay sa may karamdaman aygumagamit ng pinong tekstura sa kilos at sinasabayan din ito ng pinong tekstura namusika.

PAGSANAYAN MOA. Para sa sining biswal, kokopyahin mo sa notbuk ang mga nakalarawang hugis at guguhitan mo ng nababagay na tekstura gamit ang lapis at bolpen.B. Para sa tekstura sa kilos at sayaw, subukan mong ikilos ang kamay, paa, at buong katawan ayon sa sumusunod:  tugtog o tunog na nadidinig sa kapaligiran  nagtatatakbo at lumulundag  magdi-dribble at anyong magus-shoot sa basketball  kilos ng lumalangoy  nagsasayaw ng otso-otso

TANDAAN MO  Ang teksturang nahihipo sa dalawang dimensiyon (2D) na sining biswal ay sinadya lamang at hindi likas sapagkat kasing kinis lang ito ng papel na pinagdrowingan o canvass na pinagpintahan .  Ang collage ay isang 2D na gawaing sining na dinidikitan ng iba’t ibang hipo ng tekstura.  Ang tekstura sa musika, sayaw at pampalakasan ay naririnig at ikinikilos, sa sining biswal ito ay nakikita at nahihipo. SUBUKIN MO Para sa gawaing sining, gagawa ka ng collage na didikitan mo ng iba’t ibangmaninipis na bagay na may tekstura. Ihanda mo na ang mga kagamitan, tulad ng: papel,cardboard, gunting, pandikit, pangkulay, at mga patapong bagay, karton, banig, tela, tali,plastic wrappers, pahinang may kulay mula sa diyaryo o magasin, at iba pa. Para sapaksang pangkawilihan, subukin mong palawakin ang iyong imahinasyon sa“Mahiwagang Sasakyan”. Sundin ang sumusunod:  Buuin muna sa imahinasyon kung ano ang hugis o disenyo ng mahiwagang sasakyan na gagawin.  Pumili ng karton o cardboard para sa katawan ng sasakyan, lagyan ng disenyo, gupitin at idikit sa papel o cardboard.  Gumupit sa pahinang may kulay at mga wrapper ng mga hugis na kailangan sa disenyo at idikit.  Habang gumagawa, magbigay o magpahiram ng kagamitan sa katabing kamag-aral.  Kung kulang pa ang mga bahagi ng mahiwagang sasakyan, idrowing, kulayan, gupitin at idikit.  Kung may matitira pa sa 20 minuto na takdang oras, kulayan ang panlikod na tanawin.  Panatilihing malinis ang paligid mo habang gumagawa at matapos gumawa.

PAGTATAYA Lagyan ng pagtataya ang natapos na collage batay sa sumusunod na kasanayan,kung saan ang 5 ang pinakamataas. Lagyan ng tsek and kolum ng antas na sa palagay moay tugma sa iyong natapos na collage. Pagsama-samahin ang kabuuan ng antas nanakuha na magsisilbing grado mo.Kasanayan 543211. Nakalikha ng “Mahiwagang Sasakyan” sa pamamaraan ng collage2. Nakagupit ng iba’t ibang bagay na may tekstura na tumugma sa disenyong sasakyan3. Tama ang pagkakadikit ng mga baha-bahagi ng sasakyan.4. Nakulayan ang panlikod na tanawin na umangkop sa disenyong sasakyan5. Napanatiling malinis ang kapaligiran habang gumagawa at matapos ang paggawa Kabuuan (Total)Kabuuan x 20% = Marka

Binabati kita sa matagumpay mong pagkatuto ng mga kaalaman at kasanayan sa Tekstura. At dahil natapos mo nang maayos ang lahat ng gawain ng Modyul…Congratulations!Modyul 4 – Pagunawa sa Tekstura – Grade IV

IKAANIM NA BAITANG PAGTALAKAY SA SENTRO NG KAWILIHAN AT PAGBIBIGAY-DIIN Sa modyul na ito ay inihanda upang maunawaan mo ang Sentro ng Kawilihan (Center of Interest) at kung paano ito binibigyan-diin sa komposisyon. PAGBALIK-ARALANMO Marami ka bang natutuhan sa tekstura? Sige nga kung malalapatan mo ng kaukulang tekstura ang nasa larawan. Iguhit sa notbuk ng lapis at bolpen at bahagyang kulayan.

PAG-ARALAN MO Tapos na nating talakayin ang mga elemento ng sining: linya, hugis, kulay attekstura. Ngayon naman ay bibigyan natin ng pansin ang mga prinsipyo ng sining. Alammo ba na kung ang mga elemento ang bumubuo at nakikita sa isang likhang sining, angmga tamang pamamaraan sa paggamit ng mga elementong ito ang kahalagahan ngprinsipyo ng sining. Ang Sentro ng Kawilihan ang Binibigyang Diin sapagkat ito angpinakamahalagang hugis sa likhang-sining. Ito ang higit na pinaganda at binigyan nglubos na atensiyon ng pintor o eskultor. Dito rin nakasentro ang paksa o mensaheng naisipahiwatig sa likhang sining. Narito ang mga pamamaraan kung paano matutukoy ang sentro ng kawilihan atkung paano ito gagawin at ipakikita sa sining: 1. Karaniwang nakikita at nakapuwesto sa gitna ng larawan o eskultura. 2. Ito ang pinakatampok, pinakamaganda at may pinakamatingkad na kulay. 3. Ito ang may pinakamalaking hugis o espasyo. 4. May mga linya o hugis na nakaturo dito. 5. Ito ang pinakamatingkad sa maliwanag na paligid o ito ang pinakamaliwanag sa madilim na paligid. 6. Dito nakasentro ang pinakapaksa o mensahe ng painting o iskultura.

PAGSANAYAN MO Para sa iyong pagsasanay, iguguhit at kukulayan mo ang sentro ng kawilihan sabandang itaas, gawing kanan sa iyong notbuk. Maaari kang mamili ng alin man sasumusunod na paksa: bulaklak, ibon, paru-paro, isda, prutas, gulay, pagkain, bag, cap,sapatos, bote, cellphone, at iba pa. Kulayan nang mabilis ang pagsasanay na ito. TANDAAN MO Kung wala sa pinakagitna ng larawan ang sentro ng kawilihan, basta’t taglay nitoang mga paraang 2-6 sa kabilang pahina ay maliwanag na ito pa rin ang sentro ngkawilihan. SUBUKAN MO Ngayong natutuhan mo na ang mga paraan kung paano matutukoy atmailalarawan ang sentro ng kawilihan, gagawa ka ng sarili mong pagbibigay diin. Parasa paksang pangkawilihan, idrowing mo ang pinakamagandang isda sa iyongimahinasyon. Ilabas mo ang papel at pangkulay at sundin ang sumusunod na hakbang.  Buuin sa imahinasyon ang magandang isda na idodrowing mo na sentro ng kawilihan.  Iguhit nang malaki at maganda ang isda sa gitna ng papel.  Gamitin ang krayolang kulay dilaw sa pagguhit ng balangkas upang mabilis matapos, huwag lapis. Bakit dilaw? Sapagkat ang dilaw ay madaling patungan ng ibang kulay.  Gumuhit pa ng ibang isda at mga halamang dagat sa paligid.  Kulayan muna ang isdang binigyan ng diin, gawin mong pinakamatingkad at pinakamakulay ito.  Kulayan ang maliliit na isda at halamang-dagat ayon sa alam mong likas na kulay ng mga ito.

 Kulayan din ang panlikod na tanawin. Tapusin sa loob ng 25 minuto.PAGTATAYA Sukatin ang kaganapan ng iyong sentro ng kawilihan, kung saan ang 5 angpinakamataas. Lagyan ng tsek ang kolum ng antas na tugma sa iyong gawa. Isuma at angkabuuan nito ang grado. Kasanayan 543211. Naipakita ang pinakamakulay at pinakamalaking isda bilang sentro ng kawilihan2. Nakapagdrowing ng iba pang isda at mga halamang dagat3. Nakulayan ang likod na tanawin.

Kasanayan 543214. Makatotohanan at likas ang mga kulay ng ginamit sa mga isda at halaman5. Natapos ang likhang sining sa takdang oras. Kabuuan (Total)Kabuuan x 20% = Marka

Binabati kita sa kaalaman at kasanayang natutuhan mo Sentro ng Kawilihan at Pagbibigay Diin…Congratulations!Modyul 5 – Pagtalakay sa Sentro ng Kawilihan – Grade IV

IKAANIM NA BAITANG KAWILI-WILING ANYO Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na makalilikha ka ng isang kawili-wiling anyo mula sa isang payak na hugis sa pamamagitan ng pagbabago ng anyo nito. ALAMIN MO May isang paraan ng pagbabago ng isang likhang-sining. Ito ay ang pag-aalis ngwasto at normal na kaayusan ng isang bagay o hugis o kaya’y pagdagdag ng ilang bahaginito upang maging kawili-wili ang isang nilikha. Ginagawa rin ito upang magigingunique at kakaiba sa ibang likhang-sining. Ang tawag sa paraang ito ay distortion. Angisang uri ng distortion ay ginagawa sa pamamagitan ng paggugupit ng isang drowing atpagsasaayos nito sa ibang paraan na kawili-wiling pagmasdan. Ang isang paraan ay angpagsosombra (shade) sa ibang bahagi ng nilikha at pagkakulay nang madiin (darken) saibang bahagi. Sa aralin natin ngayon, ang gagawin nating distortion ay simple lamang ngunitnakapagbibigay-kasiyahan. Pagmasdan ang ginawa ng bata sa bilog sa kanan. Iba-ibang hugis at laki angkanyang ginupit. Inayos niya ito at idinikit ang mga pira-pirasong ginupit. Kawili-wili bang pagmasdan ang nabuo niyang dibuho? Mayroon pang isang paraan ng distortion. Ito ay ang paggupit ng isang larawansa lumang magasin o diyaryo.

Tingnan ang larawan sa kanan. Gawa ito ng isang batang tulad mo. Masdankung paano niya ginupit at inayos ang napiling larawan. TANDAAN MO Ang distortion ay isang paraan sa sining na ginugupit nang pira-piraso na mayiba’t ibang porma ang isang larawan o hugis. Pagkatapos idinidikit ang bawat piraso naang nabuong dibuho ay kawili-wiling pagmasdan. PAGSANAYAN MO Bago ka magsimula sa iyong likhang-sining, ihanda ang mga kagamitan. Mga Kagamitan:  Larawan o hugis mula sa lumang magasin o diyaryo  Lapis  Gunting  Pandikit Gumupit ka ng isang hugis o larawan na may kulay sa isang lumang magasin operyodiko. Gupitin ito nang pira-piraso ayon sa gusto mo. Ayusin ang mga ginupit sa ibabaw ng isang puting papel (bond paper). Kailanganmay espasyo sa pagitan ng bawat piraso. Subukin munang gumawa ng iba’t ibang ayos.Kung sa tingin mo ay kawili-wili nang tingnan ang ginawa mong distortion, maaari mona itong idikit. Ipakita mo ito sa kaklase mo at ikuwento mo ang ginawa mong distortion. Ipakitarin ito sa guro mo bago ikabit sa paskilan.

PAGTATAYAPanuto: Lagyan ng tsek () pagtataya ang natapos na collage batay sa sumusunod na kasanayan, kung saan ang 5 ang pinakamataas. Lagyan ng tsek and kolum ng antas na sa palagay mo ay tugma sa iyong natapos na collage. Pagsama- samahin ang kabuuan ng antas na nakuha na magsisilbing grado mo.Kasanayan Oo Di-Gaano Hindi1. Nabago mo ba ang anyo ng napili mong larawan?2. Kawili-wili ba ang ginawa mong distortion?3. Nasiyahan ka ba sa nabuo mong likhang-sining?4. Maayos ba ang pagkagupit at pagkadikit mo sa mga pira-pirasong hugis o larawan?5. Nailigpit mo ba nang maayos ang mga kagamitan pagkatapos ng paggawa?

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul…Congratulations!Modyul 6 – Kawili-wiling Anyo – Grade IV


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook