GAWIN MUNA Sanayin mong awitin ang mga so-fa silaba ng iskalang mayor.Mga notang pataas:Mga notang pababa:Mga notang inuulit:Mga palaktaw na nota
PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang Rain, Rain Go Away.2. Awitin mo ang mga so-fa silaba sa ilalim ng mga nota sa awit. Anu-anong mga nota ang inawit mo? Isulat mo nga.
3. Narito sa hagdan ang mga nota ng iskalang mayor na sinimulan mula sa ibaba. la do so ti fa mi redoGanito naman ang larawan kung ilalagay natin ang mga nota sa linguhit. Ilang nota ang bumubuo ng iskalang Bilangin mo. Sa anong nota nagsisimula at nagtatapos ito?4. Pag-aralan mo naman ang senyas kamay ni “Kodaly” na tumutugon sa iskala at awitin mo.5. Awitin mo nang paulit-ulit ang iskalang mayor na ginagamit ang senyas kamay ni “Kodaly”. do ti la so fa mire
TANDAAN MO Ang iskalang mayor ay binubuo ng walong sunod-sunod na nota nanakaayos sa guhit at puwang ng linguhit. Ito ay nagsisimula sa tonong do at nagtatapos din sa tonong do. GAWIN MOAwitin ang so-fa silaba ang pangkat ng tono.Sabayan ng senyas kamay.do - re - mi so - la - timi - re –-do do - mi - somi - mi - mi la - ti - do Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 12 ANG ISKALANG PENTATONIC ALAMIN MO Ang iskalang pentatonic ay binubuo ng limang nota, mula sa penta (lima)at tonic (tono). Ito ay binubuo ng limang sunod-sunod na nota – do - re - mi - so - la. la so mi re do Ganito nakasulat ang iskalang pentatonic sa limguhit. Ang iskalang pentatonic ay ginagamit sa mga musika ng Asya lalung-lalona sa Tsina, Hapon at Korea.
GAWIN MUNA Subukan mong awitin ang mga so-fa silaba ng iskalang pentatonic. 1. 3. 2. 4. PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang “Yaman ng Bayan”.
2. Awitin ang mga so-fa silaba ng awit. Ilang tono ang ginamit sa awit? Anu-ano ang mga ito?3. Awitin ang iskalang pentatonic. Ilan ang nota sa iskalang pentatonic? Ano ang pagkakaiba ng iskalang pentatonic sa iskalang mayor? Ilang nota ang bumubuo ng iskalang pentatonic? Ano ang pagkakaiba ng iskalang pentatonic sa iskalang mayor?
4. Awitin mo ngayon ang iskalang pentatonic sa iba’t ibang direksyon habang ginagamit ang senyas kamay ni “Kodaly”.A. Pataas D. Pataas na PalaktawB. Pababa E. Pataas na PahakbangC. Inuulit F. Pababa na PalaktawTANDAAN MO Ang iskalang pentatonic ay isang hanay ng limang nota na binubuo ngdo - re - mi - so - la.GAWIN MOAwitin mo ang mga sumusunod mi - so - la la - so - mi do - re - mi mi - re - do do - re - mi - so - la la - so - mi - re - do
Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ikaapat na Baitang Modyul 13 NGALANG PANTONO NG MGA GUHIT AT PUWANG ALAMIN MO Ang notasyon ng isang awit o tugtugin ay nakasulat sa limguhit. Ano ang limguhit Sa isang aralin ay napag-aralan mo na ang limguhit ay binubuo ng limangguhit. Ang bawat guhit o puwang ng limguhit ay may kani-kaniyang ngalangpantono. Mga titik ng alpabeto na ABCDEFG ang ginamit na pantono. Ang tawagsa mga titik na ito ay ngalang pantono o “pitch names”. Narito ang mga ngalang pantono ng guhit at puwang ng limguhit.5 F 4E4 D 3C3 2A2 B 1F G1 E mga guhit mga puwang
Ang bawat ngalang pantono ay may katumbas na nota. Pansinin angmga sumusunod:do re mi fa so la ti doC D E F G A BCPAG-ARALAN MO1. Ang limguhit ay binubuo ng limang guhit kaya ito tinawag na limguhit (limang guhit). Bilangin mo ang guhit. Magsimula ka sa ibaba pataas. 5 4 3 2 1 Bilangin mo rin ang puwang. 4 3 2 1Ilang guhit at puwang ang bumubuo ng limguhit.2. Ang mga guhit at puwang ay may kaukulang ngalang pantono. Ang mga titik ay nagsisimula sa A at natatapos sa G, magsisimula muli sa A. DEFG FA BC D B C E E AC F
3. Narito ang kabuuang ngalang pantono ng iskala.do re mi fa so la ti do re mi fa so laC D E F G A BCD E F G A Basahin mo ang mga so-fa silaba at kaukulang ngalang pantono.4. Maglaro ka ng “Music Spelling Game” Isulat mo ang mga ngalang pantono ng nota at tuklasin mo kung ano ang iyong mabubuong salita. Halimbawa: AG ESimulan mo:1. 3. ___ ___ ___2. 4. ____3. _ __TANDAAN MO Ang mga ngalang pantono (pitch names) ay ang mga titik A, B, C, D, EF, G, na ipinangalan sa mga guhit at puwang ng limguhit.
GAWIN MOIguhit mo ang mga nota sa linguhit.1. 3. 5. BAD DEAF BEAD2. 4. 6. FADE DEED FACE Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 14 TUNUGANG C ALAMIN MO Sa araling ito ay mararanasan mong umawit sa tunugang C. Kung ang isang awit o tugtugin ay gumagamit ng iskalang mayor nanagsisimula sa C o do, ito ay nasa Tunugang C. Narito ang iskala sa tunugang C. Ang do sa tunugang C ay matatagpuan sa unang maikling guhit (egerline) sa ilalim ng limguhit. Ang mataas na do ay nasa ikatlong puwang nglimguhit. Ang tunugang C ay walang pantaas ( # ) o pambaba ( ) sa unahanng notasyon.GAWIN MUNA1. Awitin mo nang paulit-ulit ang iskalang C.
2. Basahin at awitin mo ang mga sumusunod na tono. Ang bawat guhit o puwang ng limguhit ay may kani-kaniyang ngalangpantono. PAG-ARALAN MO1. Awitin mo “Ang Huni ng Ibong Pipit”.
2. Awitin mo din ang mga so-fa silaba na nakasulat sa ilalim ng notasyon ng awit. - Anu-ano ang mga notang ginamit? - Ano ang huling tono ng awit? - Saang nota nagtapos ang awit? - Ano ang ngalang pantono ng do (C)3. Awitin mo ang iskala ng tunugang C. mababang do mataas na doTANDAAN MO Ang mga awit na nasa Tunugang C ay gumagamit ng mga nota ngiskalang mayor na nagsisimula sa C o do. GAWIN MOIguhit mo ang mga apating nota sa limguhit.A. D. mi so la mi fa soB. E. la ti do so so la
C. F. do re mi fa mi rePAGTATAYA Sagutin mo nang matapat. Lagyan mo ng () kung ikaw ay masaya ohindi. 1. Natutukoy ko ba ang mga notang bumubuo ng tunugang C?2. Naaawit ko ba ang mga nota ng tunugang C?3. Naaawit ko ba nang wasto ang mga awitin sa tunugang C?Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 15 LUNDAYANG TONONG DO ng ISKALANG MAYOR ALAMIN MO Ang isang awit o tugtugin ay may wakas. Ito ay may huling tono na siyanguuwian. Ang tawag dito ay uwian o Lundayang Tono. Ang lundayang tono o home tone ay tumutukoy sa huling nota ng isanglikhang musika. Maraming awit at tugtugin ang nagtatapos sa lundayang tonong do lalo’tkung ito ay nasa iskalang mayor. PAG-ARALAN MO Ano ang ginagawa mo kapag ikaw ay umalis ng bahay at pumasok sapaaralan? Hindi ba’t umuuwi ka rin sa bahay pagkatapos mag-aral? Ang isang awit ay mayroon ding inuuwiang tono o katapusang tono.
Ito ay nagtatapos sa lundayang tonong do (hometone DO)1. Awitin mo ang “Tiririt ng Maya”. TIRIRIT NG MAYA2. Suriin mo ang awit:Ano ang palakumpasan? ?Ano ang tunugan? Walang # atSa iyong pag-awit naramdaman mo bang tapos na ang awit? Ganyan ang pakiramdam kapag ang nota ay bumalik sa lundayang tono.3. Awitin mo naman ang mga so-fa silaba ng awit.
Ano ang huling tono ng awit? Kulungin mo sa iskor ang lundayang tono ng awit.5. Tingnan mo ang iskalang mayor C.Ang mababa o mataas na do ay maaaring maging uwiang tono.TANDAAN MO Ang huling tono o nota ng iskalang mayor ay tinatawag na lundayangtonong do. Ang mababa o mataas na do ay maaaring maging lundayang tono. GAWIN MO Paghambingin ang mga katugunan sa Hanay B sa mga sagot sa Hanay A.Titik lamang ang isulat bilang sagot: Hanay A Hanay B_______ 1. tunugang mayor_______ 2. do a. karaniwang tonong nagtatapos ang_______ 3. walo iskalang mayor_______ 4. awitin o tugtugin b. tulad sa ibang bagay, alin ang may katapusan rin c. mga awitin o tugtugin sa tunugang menor d. panghuling himig ng isang awitin o tugtugin
_______ 5. lundayang tono e. bilang ng so-fa silabang bumubuo sa isang iskala f. awiting walang pantaas ( # ) o pambaba ( ) ang linguhit Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.Talaan ng Pagwawasto
1. f2. a3. e4. b5. d
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 16 PARIRALA NG AWIT ALAMIN MO Sa araling ito ay malalaman mo ang mga bahagi ng isang awit o tugtuginupang masuri ang anyo nito. Ang awit ay binubuo ng mga parirala o “phrase”. Ang parirala ay pangkatng mga himig at ritmo na nagpapahayag ng kaisipang musikal. Ang parirala ay maaaring magkatulad, di magkatulad, magkahawigayon sa ritmo o himig. GAWIN MUNA1. Awitin mo ang “Bahay Kubo” nang tuloy-tuloy at walang hingahan mula simula hanggang sa huli. Ano ang napansin mo sa iyong pag-awit? Ano ang nais mong gawin?2. Ulitin mong muli ang pag-awit at itaas ang kamay sa bahaging dapat kang huminga, o bahaging nagsasaad ng katapusan ng isang kaisipang musikal. Ano ngayon ang napansin mo? Ilang beses ka huminga?
PAG-ARALAN MO 1. Awitin mo ang “Paper Boat”.2. Sa pangalawang pag-awit, itaas ang kamay at iguhit sa hangin ang himig. Sail paper boats, over the sea. Sail, sail away happy ang free. Sail paper boats, under the sky. Sail while the stars are all watching by.
Ilan ang naiguhit mo? Ilan lahat ang parirala ng awit? Ano ang masasabi mo sa bawat isang parirala?3. Ilakad mo ang bawat parirala habang umaawit. Lumakad ka ng isang direksyon sa unang parirala at umikot sa ibang direksyon sa susunod na parirala. ABC4. Ikilos mo ang bawat parirala habang umaawit. a. Humanap ka ng kaklase o kalaro. Bumuo kayo ng isang bilog maghawak kamay. Umikot sa unang parirala at umiba ng direksyon sa susunod na parirala. b. Manatiling nakaupo sa sahig habang umaawit. Iimbay ang dalawang kamay sa taas ng ulo, kanan at kaliwa sa bawat parirala ng awit.
Sagutin: - Ilan ang naiguhit o naikilos mong parirala? - Ilan lahat ang parirala ng awit? - Anong simbolo ang nakikita mo sa huling bahagi ng bawat parirala sa iskor ng awit? ( ang tawag dito ay “breath mark” o marka ng pahinga) SURIIN MO1. Tingnan mo ang mga larawan. Ano ang masasabi mo sa larawan A, B, at C.?2. Tingnan mo ngayon ang iskor ng “ Paper Boats”- Ano ang mapapansin mo sa 1 una at ikatlong parirala? 2 3- Awitin ang himig 4- Ipalakpak mo ang ritmo ●●- Ihambing mo ang himig at ritmo ng pariralang 1 at 3.3. Suriin mo naman ngayon ang A 1 B 2 - pariralang 2 at 3 C 3 - pariralang 2 at 4 D 4 a) Kung magkatulad ang pariralang 1 at 3 lagyan natin ito ng pangalang titik A
b) Kung di-magkatulad ang pariralang 2 at 4, lagyan natin ito ng pangalang titik na B at C TANDAAN MO1. Ang isang awit ay binubuo ng mga parirala o “phrase”.2. Ang mga parirala ay maaaring magkatulad, di-magkatulad o magkahawig.3. Ang parirala ay magkatulad kung parehong-pareho ang daloy at galaw ng ritmo at himig.SUBUKIN MO1. Tingnan mo ang iskor ng awit na “Bagbagto” sa Modyul 3. Awitin mo.Sagutin :Ilang parirala mayroon ang awit?Paghambingan mo ang mga pariralang1 at 2 2 at 41 at 3 2 at 3 Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 17 URI NG TINIGALAMIN MO Ang tinig ang ginagamit natin sa pagpapahayag ng damdamin o kaisipansa pamamagitan ng pagsasalita o pag-awit. Ang elemento ng musika na tumutukoy sa uri ng tinig ay tinatawag natimbre.Iba-iba ang timbre ng tinig sa pagsasalita at pag-awit. May tinig na:Mataas manipis matagintingMababa makapal paosGAWIN MUNA1. Makinig ka sa mga tunog na nalilikha ng mga hayop sa paligid.Hayop Tunog Uri ng Tunog mooo – mooo - mababa, makapal
Hayop Tunog Uri ng Tunog
PAG-ARALAN MOA. Tinig na ginagamit sa Pagsasalita. Pakinggan mo ang mga tinig ng kasama mo sa bahay. Ano ang katangian ng bawa’t isa?1. Tatay a. manipis2. Ate b. magaralgal3. Lolo c. malaki4. Nanay d. mataas5. Kuya e. mababa6. Baby f. matinisAno ang pagkakaiba ng tinig ng babae sa tinig ng lalaki kung nagsasalita?ISAISIP MO1. Iba-iba ang uri ng tinig sa pagsasalita.2. Ang tinig ng babae ay matinis o maliit at mataas.3. Ang tinig ng lalaki ay mababa at malaki. SUBUKIN MOSa Tinig na Ginagamit sa Pag-awit. Makinig sa radyo o manood ng telebisyon. Itala mo ang mga mang-aawit na paborito mo at suriin ang uri ng kanilang tinig.Itala mo sa tsart.
Mang-aawit Kasarian Uri ng Tinig1. Sarah Geronimo2. Nora Aunor3. Jed Madela4. Regine Velasquez5. Willie Revillame6. Martin Nievera Ano ang masasabi mo sa timbre ng tinig ng babae at sa tinig ng lalakisa pag-awit?TANDAAN MOSa pag-awit – Ang tinig ng babae ay mataas at matinis. Mayroon ding tinig ng babae na mababa. Ang tinig ng lalaki ay malaki at mababa. Mayroon ding tinig ng lalaki na mataas. GAWIN MOPakantahin mo ang mga sumusunod at isulat mokung anong uri ang tinig nilakapag umaawit. Umawit Uri ng Tinig kapag UmaawitTatayNanayGuroLolo
LolaKaibiganKuyaBatang Kapatid Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 18MGA INSTRUMENTONG PERKUSYONALAMIN MO Ang mga instrumentong perkusyon ay mga instrumento ng musika napinatutunog sa pamamagitan ng:- pagpalo - pagkalog- pagpukpok - pag-uumpog o pagtama sa isa’t-isaAng mga instrumentong perkusyon ay nahahati sa dalawang uri.1) instrumentong may tiyak na tono.2) instrumentong may di-tiyak na tono.GAWIN MUNA1. Mangalap ka ng iba’ ibang instrumentong perkusyon. Alamin mo ang pangalan ng bawat isa.Intrumento Pangalan Kayarian
Hanapin dito ang sagot:marakas sand blokcs bell tambolbao castanets stick (pares ng patpat)batingting tamborin pompiyang pares ng kahoy
PAG-ARALAN MO1. Pag-aralan mo ang awit na “Little Band”. Nagustuhan mo ba ang awit? Ano ang nais mong gawin habang umaawit?2. Pumili ka ng gusto mong instrumentong perkusyon at isaliw mo sa awit na “Little Band”. Gamitin mo ang alin sa mga hulwarang ito.
3. Paano mo pinatunog ang mga instrumento? Ano ang tunog na nalikha ng mga ito?4. Tingnan mo ngayon ang mga instrumentong ito.
Kung mayroon kang laruan na tulad nito ay tugtugin mo. - paano ito tinutugtog? - isa lang ba ang tunog na naririnig mo? - ano ang pagkakaiba nito sa ibang instrumentong perkusyon? TANDAAN MO1. Ang instrumetnong perkusyon ay mga instrumentong pinapalo, pinag- uumpog, inaalog, pinagkikiskis o pinupukpok.2. Kung ang instrumentong perkusyon ay hindi nakatutugtog ng himig o melodiya, ang instrumento ay may di-tiyak na tono.3. Kung nakatutugtog ng himig o melodiya, ito ay may tiyak na tono.SUBUKIN MOIguhit mo ang larawan ng mga instrumentong may tiyak na tono at di-tiyakna tonoMay tiyak na tono May di-tiyak na tono
Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.
MUSIKA Ika-apat na Baitang Modyul 19 SIMBOLO NG MAHINA AT MALAKAS NA TUNOG ALAMIN MO Ang lakas o hina ng pag-awit at pagtugtog ay tinutukoy na daynamiks. Ang pananda para sa daynamiks ay ang p (piano) sa mahina at f (forte)sa malakas na pag-awit o pagtugtog. GAWIN MUNA1. Tumingin ka sa larawan. Ipakita mo ang kuwento ng larawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga instrumentong perkusyon. Gumamit nang mabigat at magaan na tunog ng instrumento. a) b)
c) Ano ang naipakita mo?2. Ipalakpak o ikilos mo ang isinasaad ng larawan. a) b) c) d) Paano mo ipinalakpak o ikinilos ang - malalaking hugis? - maliliit na hugis? PAG-ARALAN MO 1. Awitin mo ang “Ili-Ili Tulog Anay”, isang awiting bayan sa Bisaya.
Sagutin:Tungkol saan ang awit?Paano natin ito aawitin?2. Tingnan mo ang iskor na awit. Ano ang napansin mong simbolo sa itaas ng mga nota?p – piano - inaawit nang mahinaf – forte - inaawit nang malakas3. Awitin mong muli ang awit na sinusunod ang simbolong p at f.TANDAAN MODaynamiks – ang lakas o hina ng pag-awit at pagtugtog. p (piano) – awitin o tugtugin nang mahina f (forte) – awitin o tugtugin nang malakas
SUBUKIN MOIsagawa mo ang sumusunod: 1. lumakad na nakatingkayad (tip toe) – p 2. tunog ng kulog – f 3. magsalita ng pabulong – p 4. tunog ng sirena – f 5. sumutsot ka – p 6. sumigaw ka - f Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
Search