PAGPAPAHALAGALagyan ng tsek () ang kaukulang hanay na nagsasabi ng iyong sagot. Oo Di-tiyak Hindi1. Nakabuo ka ba ng isang disenyo?2. Naipahayag mo ba ang iyong kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik?3. Nasunod mo ba ang mga pamantayan sa paggawa?4. Naibalik mo ba nang maayos ang mga bagay na ginamit sa pagpinta?
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa batik. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.Modyul 2 – Batik – Grade V
Ikalimang Baitang PAGLILIPAT NG DISENYO Sa modyul na ito, ikaw ay makapagpapakita ng kakayahan sa paglikha atpaglilipat ng disenyo sa pamamagitan ng krayon. ALAMIN MO Ang Paglilipat ng Disenyo ay isang sining kung saan ang disenyong nakalimbagay naililipat sa ibang bagay. Noong araw ay may tinatawag na “karkamunya.” Ito ay parang laruan ng mgabata. Ito ay disenyo na nasa kapirasong matibay na papel. Ang papel na ito ay binabasaat idinidikit sa braso o balat ng bata ang gawaing may disenyo. Hahagurin at medyopatutuyuin. Lilipat na sa braso o balat ng bata ang disenyo. Ngayon ay may nabibiling stickers. Ang sticker ay disenyo na inililipat. Mayinililipat sa mukha o balat ng tao, may para sa gamit tulad ng notebook at scrapbook atmayroon ding para sa T-shirts. GAWIN MO Sa ating sining, ikaw aya maglilipat din ng disenyo ngunit ito ay sa pamamagitanng krayon. 1. Ihanda mo 2. Tiklupin sa kalahati ang papel. 3. Guhitan ng disenyo ang ½ papel. 4. Baligtarin ang tiklop ng papel. 5. Kuskusan mo ng chalk nang mariin ang likod ng may disenyo. 6. Mariin patungan ng krayon ang buong kalahati na may chalk. Maaaring gumamit ng iba’t ibang kulay ayon sa disenyo mo.
7. Baligtarin uli ang tiklop ng papel, nasa loob ang may krayon at nasa labas ang disenyo.8. Sundan ng ballpen nang mariin ang buong disenyo.9. Unatin ang papel kung tapos na.ISAPUSO MOLagyan ng ang kolum ng iyong sagot.Sagutin mula sa Puso Oo Di-tiyak Hindi1. Mariin ko bang ikinuskos ang chalk sa papel?2. Mariin ko rin bang ikinuskos ang krayon sa ibabaw ng chalk?3. Nakalikha ba ako ng sariling disenyo?4. Nailipat ko ba nang maayos ang disenyo ko?5. Nasiyahan ba ako sa aking natapos na gawain? TANDAAN MO Sa muli mong paggawa ng Paglilipat ng Disenyo, isaisip mo angsumusunod: 1. Mahalaga ang chalk sa paglilipat ng disenyo. 2. Ang chalk ang pumapagitan sa papel at krayon sa papel. 3. Madaling ilipat ang disenyo dahil sa chalk kaya dapat ikuskos ito nang mariin.
PAGTATAYA Isulat ang T kung tama ang sagot at M kung mali.______1. May iba’t ibang paraan sa paglilipat ng disenyo.______2. Ang chalk ang nagpadali sa paglilipat ng disenyo sa tinapos na gawain.______3. Ang disenyo ay iginuguhit sa ibabaw ng kinuskos na krayon.______4. Magaang lang ang pagkuskos ng chalk sa papel.______5. Dapat mariin ang pagsunod ng bolpen sa disenyo para maganda ang paglipat.
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa paglilipat ng disenyo. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.Modyul 10 – Paglilipat ng Disenyo – Grade V
Ikalimang Baitang PUPPET PANGKAMAY (Hand Puppet) Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang makagagawa ka ng isang puppetpangkamay (hand puppet). ALAMIN MO Nakakita ka na ba ng puppet? Ang puppet ay isang uri ng manika na ginagamit bilang tau-tauhan sa drama o kuwento. Ang puppet ay may tatlong dimension na likhang sining may taas, lapad at kapal. May iba’t ibang uri ng puppet. Puppet na Patpat (Stick Puppet) Pinagagalaw ang kamay sa pamamagitan ng nakadugtong na patpat o alambreng matigas. Aninong Puppet (Shadow Puppet) Ang puppet sa likod ng telon na ang nakikita ay anino lamang.
Puppet na may Pisi o Tali (String Puppet o Marionette) Ang puppet na pinagagalaw ang paa, kamay at ulo ng pisi buhat sa itaas. Puppet Pangkamay (Hand Puppet)Ang puppet pangkamay sa larawan ay yarisa tela. Pinapasok ang kamay sa loob ngdamit para mapagalaw ito.
PAGSANAYAN MOGagawa ka ngayon ng isang puppet pangkamay o hand puppet. 1. Ihanda mo ang supot na papel, art paper, gunting at pandikit. 2. Gumupit ka ng mata, kilay, ilong at bibig sa art paper sa sukat na angkop sa ilalim ng iyong supot. Magkahiwalay ang nguso at labi sa paggupit. 3. Idikit ang ginupit na mga bahagi ng mukha nang maayos sa ilalim ng supot. Sa gawing nabubuka sa supot ididikit ang nguso. 4. 5. Idikit ang labi sa supot sa tapat ng nguso. 6. Lagyan ng damit ang puppet sa pamamagitan ng ginupit na art paper. TANDAAN MO 1. Ang puppet pangkamay ay pinagagalaw ng mga daliri. 2. Pinapasok ang kamay sa loob ng damit ng puppet pangkamay kaya dapat may sapat na luwang at haba ang damit nito. 3. Ang puppet pangkamay ay maaaring yari sa tela, papel o iba pang bagay. 4. Dapat madaling maibuka ang bibig o maigalaw ang ulo ng puppet gayon din ang kamay kung mayroon.
SUBUKAN MO1. Ipasok ang kamay sa supot.2. Ilagay ang apat na daliri sa ilalim ng supot sa gawing nabubuka at ang hinlalaki sa ilalim nito.3. Ibuka at isara ang mga daliri para bumukas at sumara ang bibig ng puppet.4. Mag-isip ng isang kuwento.5. Magkuwento ka gamit ang puppet mo sa iyong kapatid o kasambahay.PAGTATAYA A. Isulat ang T kung tama ang sagot at M kung mali.______1. May iba’t ibang uri ng puppet.______2. Ang puppet pangkamay ay maaaring yari sa papel o tela.______3. Gumagamit ng patpat sa pagbuka at pagsara ng bibig ng puppet pangkamay.______4. Ang puppet pangkamay ay pinagagalaw ng pisi.______5. Higit na kawili-wili ang kuwento kung may gamit na puppet ang nagkukuwento. B. Lagyan ng ang kolum ng iyong sagot. Sagutin mula sa Puso Oo Hindi Hindi Gaano1. Natapos ko ba ang aking puppet?2. Sinikap ko bang mapaganda ang aking puppet?3. Nagkuwento ba ako sa iba na gamit ang puppet ko?4. Natuwa ba ang mga nakinig sa aking kuwento na may puppet?5. Nasiyahan ba ako sa ginawa kong puppet?
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kasipagansa paggawa ng puppet. Ipagpatuloy mo angmagandang ugali.
Modyul 11 –Puppet Pangkamay – Grade V
Ikalimang Baitang MOSAIK Sa modyul na ito, inaasahang maipakikita mo ang iyong pagkamaparaan sapaggamit ng iba’t ibang bagay sa paggawa ng mosaik. Nakalilikha ng sariling disenyona hindi kinokopya o pinaparisan. ALAMIN MO Ang mosaik ay isang paraan ng paggawa ng disenyo. Kailangang iugnay mo ito sa isang paksa na kawili-wili. Ito ay ginagamit bilang pandekorasyon sa mga bintana, pintuan, lampara, salamin at ibang dekorasyong pambahay. Ang isang napakagandang halimbawa ng mosaik ay ang simbahan ng Sto. Domingo, Francisco Del Monte Quezon City, na nagtataglay ng iba’t ibang hugis at porma. Halos lahat ng bagay ay maaaring gawing mosaik kung ang mga ito ay napuputol nang maliliit o pira-piraso. Ang mga bagay na maaaring gamitin sa paggawa ng mosaik ay mga pira-pirasong papel, salamin, kahoy, buto ng mga prutas o gulay, balat ng itlog, plastic, bato, balat ng suman at maliliit na butones. Sa ating gawaing sining ngayon, ikaw ay gagawa ng mosaik na ang gagamitin ay papel o lumang pahina ng magasin na may kulay. Ang paggupit ng maliit o pira-pirasong papel ay maaaring hugis geometriko o malayang hugis. Masdan ang larawan sa ibaba. Ito ay isang halimbawa ng mosaik. Anong dibuho ang binuo?
Anong bagay ang ginamit sa pagbuo ng mosaik? Ano-anong mga hugis ang ginupit?PAGSANAYAN MOIhanda ang mga sumusunod na kagamitan.Mga kagamitan:puting papel pandikitlapis guntingpapel na may kulay o lumang pahina ngmagasin/diyaryo na may kulay Gumuhit ng isang simpleng balangkas ng isang bagay na nais mo. Gupitin nangmaliliit o pira-piraso ang papel o lumang magasin na may kulay. Pagpangkat-pangkatinito ayon sa kulay. Ayusin ito sa balangkas na ginuhit. Lagyan ng pandikit ang likod nitoat idikit ito sa loob ng balangkas. Mag-iwan ng manipis na espasyo sa pagitan ng bawatpiraso. TANDAAN MO Ang mosaik ay isang paraan ng paggawa ng disenyo na ginagamit ay maliliit opira-pirasong bagay. Sa paggawa ng mosaik na papel, maaari ding gamitin ang pahina nglumang magasin o diyaryo na may kulay. Handa ka bang gawin ang likhang-sining na ito?
SUBUKIN MO1. Ihanda ang puting papel, lapis, lumang magasin o pahayagan na may kulay.2. Awitin ang “Bahay Kubo.”3. Pumili ng isang halaman na nabanggit sa awit. Iguhit ang balangkas nito.4. Gupitin nang maliit ang mga lumang magasin o pahayagan na may kulay.5. Ayusin ito sa balangkas at idikit.6. Lagyan ng pangalan o pamagat ang iyong likhang sining. PAGTATAYAA. Lagyan ng tsek () ang mga bagay na maaaring gamitin sa paggawa ng mosaic. _____ 1. balat ng itlog _____ 2. papel _____ 3. tubig _____ 4. plastik _____ 5. bakal _____ 6. buto ng prutas _____ 7. pandikit _____ 8. alambreB. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Anong dibuho ang iyong nabuo? 2. Ano-anong mga kulay ang ginamit mo sa iyong mosaik? 3. Ano-anong mga hugis ang ginupit mo? 4. Paano mo ipinakita ang iyong pagkamaparaan? 5. Nasundan mo ba ang mga panuto sa paggawa ng mosaik?
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa paggawa ng mosaik. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.Modyul 12 – Mosaik – Grade V
PAGHAHABI Sa modyul na ito, inaasahang makalilikha ka ng isang uri ng habi sapamamagitan ng iba’t ibang bagay at pamamaraan. Natutukoy ang mga bagay naginagamit sa paghahabi. Nakakaugaliang ingatan at linisin ang mga kagamitanmatapos gamitin. ALAMIN MO Ang paglala o paghahabi ay isang sinaunang sining at isa sa mga bahagi ng kultura n gating bayan. Ang sining na ito ay hindi lamang ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin at pagkamalikhain kundi ito ay isang sa mga Gawain kapakipakinabang. Maaari itong magawang isang libangan at maaaring magamit rin sa paghahanapbuhay. Maraming bayan sa ating bansa ang ipinagmamalaki ito. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba. Ilocos – kilala sa paggawa ng magaganda at matitibay na hinabing kumot Jolo – makukulay na banig laminosa na gawa sa dahon ng pandanu Leyte – makukulay at makikinis na hinabing banig Iloilo – magaganda at makukulay na hinabing patadyong at hablon Bicol – magagandang hinabing tsinelas, bag at abaniko Basilan – makukulay na tela na ginawa ng mga Yakan Lake Sebu – telang T’nalak na ginawa ng mga T’boli Tawi-tawi – makukulay na pantakip sa pagkain na gawa sa nipa at dahon ng pandan Marami pa tayong mga bagay na hinahabi gaya ng duyan, buslo at iba’t ibang uri ng basket na ginagawa sa Ifugao, Bontoc, Palawan, Jolo, Lake Sebu at iba pang dako sa Pilipinas. Maaaring gawin ang paghahabi sa pamamagitan ng paggamit ng habihang kahoy, karton at alambre. Maraming bagay ang maaaring gamitin sa paghahabi, maliban sa sinulid, ginagamit ang papel, abaca, buli, estambre, pisi, sanga, straw, dahon, damo, kawayan, baging, balat ng mais o anumang bagay na maaaring ipantali.
PAGSANAYAN MO Paghahabi sa Patpat Bago ka magsimula, ihanda ang mga kagamitan at lugar na paggagawaan.Paghahabi 1 Mga kagamitan: - patpat - pisi o lubid - gunting 1. Ihanda ang lima o pitong patpat. Ihanay ang mga ito na magkapareho ang pagitan sa bawat isa. Maging maingat sa paghawak ng patpat upang hindi masaktan. 2. Itali ang pisi sa dulo ng isang patpat. 3. Umpisahan ang paghahabi sa pamamagitan ng pagsusuksok ng pisi sa ilalim ng patpat nang pasalit-salit. Ingata ang pagsasagawa nito upang hindi masaktan 4. Pagdating sa dulo, isuksok ang lubid nang pabalik na pasalit-salit pa rin. Ipagpatuloy ang paghahabi hanggang mapuno ang buong patpat. Ibuhol ang tali sa huling patpat upang hindi makalas.Paghahabi 2
Mga kagamitan: - patpat - sinulid o straw - mga bagay na ginagamit sa paghahabi1. Ihanda ang dalawa o tatlo o apat na patpat. Pagpapatungin ang mga ito na magkakalayo ang mga dulo.2. Talian o idikit sa gitna upang hindi magkahiwa-hiwalay.3. Kumuha ng dalawa o tatlong bagay na gagamitin sa paghahabi. Ihabi ito nang pasalit-salit at paikot sa patpat. Ipailalim sa unang rayos. Ulit-ulitin ito hanggang mapuno ang patpat.4. Itali ang dulo nito upang hindi makalas. Tingnan ang mga natapos na gawa sa ibaba:
TANDAAN MO Sa araling ito, gagawa ka ng isang gawaing-sining ng paghahabi sa pamamagitanng patpat at ibang bagay na ihahabi. Ang pamamaraan sa paggawa ay kahalintulad din sapaghahabi ng papel. Dalawang paraan na paghahabi ang matutunan mo, pumili ka langng isa na gusto mo. SUBUKIN MO1. Gumuhit ng isang disenyo ng paghahabi na gawa ng ating mga ninuno.2. Maaari mong paghahalu-haluin ang iba’t ibang disenyo upang magiging kawili- wiling tingnan.3. Kulayan mo ito.PAGTATAYAA. Hanapin ang katapat ng iba’t ibang hinabing bagay sa Hanay A sa bayang tanyag ang mga ito sa Hanay B.Hanay A Hanay B_____ 1. hinabing kumot a. Basilan_____ 2. banig laminusa b. Bicol_____ 3. patadyong at hablon c. Leyte_____ 4. hinabing tela ng Yakan d. Jolo_____ 5. hinabing tsinelas, bag at e. Ilocos f. Iloilo abaniko
B. Lagyan ng tsek () ang kaukulang hanay na tumutugon sa iyong sagot. Mga Tanong Oo Di-gaano Hindi1. Nasunod ba nang maayos ang mga hakbang sa paghahabi?2. Nakawiwili bang tingnan ang nayaring likhang-sining?3. Nilinis ba ang paligid pagkatapos ng paggawa?4. Nalaman mo ba ang pinagmulang lugar ng mga hinabi at nalilimi ang pagkakaiba ng bawat isa?
Binabati kita sa pagpapakita mo ng iyong kaalaman sa paghahabi. Ipagpatuloy mo ang magandang gawi.Modyul 13 – Paghahabi – Grade V
Search