Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Araling Panlipunan Grade 1

Araling Panlipunan Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-04 01:18:28

Description: Araling Panlipunan Grade 1

Search

Read the Text Version

Ituro sa mga mag-aaral ang larong ―Paint Me a Picture.‖ Sabihin: “Ang“Paint Me a Picture ay isang laro kung saan bumubuo ng isang larawan ngisang pangyayari o bagay gamit mismo ang katawan ng mga taong kasalisa laro. Handa na ba kayong maglaro?Bumuo ng pangkat na may walong kasapi. Sa pamamagitan ng “Paint Me aPicture” magpapakita ako ng isang tagpo o larawan na nagpapakita ngnaidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan ng isang pamilya sa iba pangpamilya. Kapag sinabi kong “1, 2, 3 Paint Me a Picture” ipakita ang napilininyong tagpo o larawan at huminto sa paggalaw hanggang sasabihin kongmaaari na kayong muling kumilos. Huhulaan ng inyong mga kamag-aralkung ano ang ipinakitang larawan ng inyong pangkat.Mga mungkahing tagpo o eksenang ipapakita ng bawat pangkat.[Kailangang maging sensitibo ang bawat guro sa mga karanasan sa buhayng mga mag-aaral]: 1- mga pamilyang nagbibigayan sa araw ng Pasko 2- mga pamilyang nagtutulungan sa gitna ng isang sunog sa kanilang lugar 3- mga pamilyang nagkaisa sa pagpapaganda ng kanilang kapaligiran 4- mga pamilyang nagtutulungan habang bumabagyo 5- mga pamilyang nagkaisa pagkatapos ng isang nakawan sa kanilang lugar 6- mga pamilyang nagsama-sama upang tutulan ang pagmimina o pagpuputol ng mga punong kahoy sa kanilang lugarGawain 4 100

Ipasuri ang larawan sa ibaba.Itanong sa mga mag-aaral: a. Ano ang ipinapakita ng larawan? b. Bakit kaya masaya ang mga taong nasa larawan? c. Bakit kaya mahalagang nagkakasundo at nagtutulungan ang bawat pamilya?Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon sa ibaba. Tandaan Mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya. Sa pamamagitan nito, napananatiling masaya at tahimik ang inyong lugar na tinitirhan. Ang iba‘t ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan. 101

Ang Aking mga Nagawa at NatutuhanPanuto. Makinig sa babasahin ng guro.Lagyan ng tsek ang angkop na kahon sa iyong sagot. Mag-aaral GuroNagamit ko ang mga kasanayang ito: 1. Nasunod ko ang mga panuto. 2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining. 3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking mga kamag-aral. 4. Nakinig ako sa kwento ng aking guro. 5. Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase. 6. Nasuri ko ang iba‘t ibang mga larawan. 7. Nakapaghambing ako ng iba‘t ibang mga bagay. 8. Natukoy ko ang mga bagay na nagbago at nagpatuloy sa aking pamilya. 9. Napahalagahan ko ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya. 10. Naipaliwanag ko ang iba‘t ibang bagay tungkol sa aking pamilya.102

Nagawa ko ang mga bagay na ito: Mag-aaral Guro1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking pamilya.2. Nakaguhit ako ng iba‘t ibang larawan.3. Nakagawa ako ng stick puppet.4. Naisadula ko ang mabuting katangian ng pamilya.5. Naikumpara ko ang kwento ng aking pamilya sa kwento ng pamilya ng aking mga kamag-aral.6. Naipagmalaki ko ang aking pamilya.7. Nakagawa ako ng bar graph.8. Nakabuo ako ng timeline.9. Nakagawa ako ng graphic organizer.10. Nakagawa ako ng mosaic.11. Nakasulat ako ng liham pasasalamat sa akingmagulang.12. Nakagawa ako ng family tree.13 Nakabigkas ako ng isang tula.14. Nakaawit ako ng isang kanta. 103

Naipapahayag ko ang mga ito: Mag-aaral GuroNasasabi ko na binubuo ng iba‘t ibang kasapi ang isangpamilya.Nasasabi ko na may iba‘t ibang bahagingginagampanan ang bawat kasapi ng pamilya.Nasasabi ko na may mga bagay na nanatili at nagbagosa isang pamilya.Nasasabi ko na may iba‘t ibang alituntunin naipinatutupad sa bawat pamilya.Nasasabi ko na mahalaga ang mabuting ugnayan ngbawat pamilya sa isang pamayanan.Naipagmamalaki ko at napahahalagahan ang akingsariling pamilya.Iginagalang ko ang mga katangian at paniniwala ngibang pamilya.Komento ng iyong guro:________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 104

Yunit 3: Ang Aking PaaralanPanimula: Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isasa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na angbawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipanat kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ngbawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbingpangalawang tahanan nila. Mapahahalagan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mag-aaral namatukoy at makasunod sa iba’t ibang alituntunin ng paaralan para sapagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi—isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan. Mauunawaan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sapamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ngpaaralan. Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sapagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan.Mga Tema: Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 3 ang mga sumusunod na tema: 1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan 2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago 3. Kultura at pagkakakilanlanMga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3 gamit ang modyul na ito,inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod: 1. naipakikilala ang paaralan 2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan 3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa kanila 4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kwento ng paaralan 5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral 6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan 7. napahahalagahan ang kanilang paaralanMga Kasanayang Malilinang:Komunikasyon: Pagbabahahagi ng impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay Pakikipanayam Pagsusulat/ pagbubuo ng liham Pagsusulat ng impormasyon sa tsartMapanuring pag-iisip: Pagsusuri 51

Malikhaing pag-iisip: PaghahambingPaglahok: Pagbubuo ng timeline Pagbubuo ng graphic organizer Pagpapangkat ng mga impormasyon Pagsusuri ng mga larawan Pagbubuo ng hinuha Pagguhit Pagpapahalaga Pagkilala sa mahalagang bahaging ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa Pakikiisa sa mga pangkatang gawain Pagtapos sa gawain sa takdang oras Paglalaro Pagbabasa/pagbibigkas ng tula Pag-awit Pakikilahok sa talakayanIminumungkahing Oras na Ilalaan upang Matapos ang Yunit 3:50 sesyon (30 minuto bawat isang sesyon)Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking KinabibilanganPanimula:Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa aking PaaralanPag-isipan: Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon ang masasabi ngmga mag-aaral tungkol sa kanilang paaralan?Gawain 1 Anyayahan ang punong-guro ng inyong paaralan na magingtagapagsalita sa inyong klase. Hilingin na magbahagi siya ng tungkol sa mgabatayang impormasyon ng inyong paaralan. 52

Paalalahanan ang iyong mga mag-aaral na makinig nang mabuti atmaging magalang sa pakikipag-usap sa punong-guro. Gabayan sila sapagtatanong ng mga sumusunod: 1. Ano ang pangalan ng ating paaralan? 2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan? 3. Kailan itinayo ang ating paaralan? 4. Saan ito matatagpuan? 5. Sino-sino ang mga taong bumubuo sa ating paaralan?Gawain 2 Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa kanilangkwaderno o sa isang malinis na papel. Sabihin sa kanila na gawing makulayang larawang iguguhit. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang paaralan, maaariring hikayatin sila na ibahagi sa klase ang kanilang gawa. Ipalarawan din sakanila ang kanilang iginuhit batay sa pisikal na anyo nito tulad ng lawak ngpaaralan, dami ng silid-aralan, bilang ng palapag, at iba pa.Gawain 3 Ipabuo sa mga mag-aaral ang graphic organizer na makikita saibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sakanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel. Matapos ang pagbuo ng graphic organizer, itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Sa kasalukuyan, Ilang taon na ang ating paaralan? b. Sa inyong obserbasyon, ano-ano ang bahaging ginagampanan ng mga taong bumubuo sa ating paaralan? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Tandaan: Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong pinapasukan. Ito ang nagsisilbing iyong ikalawang tahanan. 53

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking BuhayPag-isipan: Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan sa mga mag-aaral?Gawain 1 Basahin ang kwentong pinamagatang “Celia Studious and ConradCat” na isinulat ni Regina S. Fernandez. Maaari itong isalin sa wikangsinasalita ng mga mag-aaral upang maging mas madali ang kanilang pag-unawa sa kuwento. ▬▬▬☺▬▬▬ Celia Studious and Conrad Cat Every morning, Conrad Cat watched Celia Studious walk to school. He listened to the tok!-tok!-tok! of her black shoes on the street. He smelled the pandesal and grape juice in her lunchbox. He watched her red backpack bobbing behind her. The backpack looked as if it were full of books to read. Celia Studious looked as if all she did was study. “Doesn’t Celia Studious ever have fun?” Conrad wondered. One morning, he decided that she should. Celia Studious walked to school, just like she did each morning. On Red Street, Conrad joined her. He walked right next to her. “Hello,” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like to join me and play? I will play sipa until sunset. I will kick this pompom way up high. I will kick it up one hundred times until it reaches the sky!” “Playing sipa sounds like fun!”Celia Studious said. “It is nice of you to ask me but I am on my way to school.” And Celia Studious walked ahead. On Yellow Street, Conrad joined her. From a mango tree branch, he swung right in front of her. “Hello again!” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like to join me and play? I will play my guitar until sunset; I will sing songs and dance to their time. You can play the drums with your lunchbox, a fork, and a spoon.” “Singing songs sounds like fun!” Celia Studious said. “It is nice of you to ask me, but I am on my way to school.” And Celia Studious walked ahead. On Blue Street, Conrad joined her. He rode a circus bicycle around her. “What a marvelous surprise to meet you once again!” Conrad said. “You really must join me today! You really must join me and play!” 54

“I will play the part of a king; You can be the queen who is taking a nap. I will save you from a make-believe dragon, we will bow, and the audience will clap! After the show, we will go on a picnic. We will sit on a red-yellow-blue- and-green blanket; we will eat puto, pancit, and hotdogs-on-sticks! Then we will chase dragonflies until sunset!” “Having a picnic and playing king and queen sounds like lots of fun!” Celia Studious said. “But I am very sorry, I cannot join you today. I am going to school, and must be on my way.” And Celia Studious walked ahead, leaving Conrad behind. “That Celia Studious has no fun,” Conrad sighed. Then he looked up and saw Celia Studious standing before him. “Hello,” Celia Studious said. “Would you like to join me today? I am on my way to school. You can help me lead the flag ceremony We will sing the National Anthem’s first line. We will beat our arms to the music, in 4/4 time.” “In class, we will sit next to Tembong, we will laugh at his jokes and his funny faces! We will color our books, and trade crayons with Luz, we’ll trade pencils, erasers, and places! “We will cut cardboard shapes of seashells and stars; we will string them together, and hang them up high! We will listen to Teacher Bing’s stories of traveling in a magical chair, of mermaids with electric blue hair, of a frog whose best friend is a fly!” “When the bell rings, it will be time for recess. We will eat chocolate biscuits and drink melon juice. We will play habulan and chase dragon flies with Rosita, Juan, Tembong and Luz!” Conrad could imagine Celia Studious in school, in a room full of seashells and stars. It looked grand! In his mind, he saw Teacher Bing telling stories. He heard Celia laugh with her friends. He could see himself laughing with them! “School sounds wonderful” Conrad said. “It is nice of you to ask me, Celia Studious! I would love to go to school with you!” And he did. ▬▬▬☺▬▬▬ Matapos basahin ang kwento, itanong sa mga mag-aaral angsumusunod: a. Saan pumupunta si Celia araw-araw? b. Ano-ano ang mga ginawa ni Conrad para hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa paaralan? c. Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa paaralan? d. Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia? e. Ano-ano ang mga masasayang karanasan ni Celia sa kaniyang paaralan? f. Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman? g. Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit? 55

Gawain 2Itanong sa mga mag-aaral. Ano-ano ang mga masasayangkaranasan mo sa iyong paaralan? Papiliin ang mga mag- Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralanaaral ng tatlong masasayangkaranasan nila sa paaralan atipaguhit ito sa loob ng mga bilog.Ipagawa ito sa kanilangkwaderno o isang buong papel.Ipabahagi sa klase angkanilang mga iginuhit na larawan. Itanong din sa kanila ang mgasumusunod:a. Bakit ito ang napili ninyong masasayang karanasan sa paaralan?b. Sino-sino ang mga kasama ninyo sa mga karanasang ito?c. Natutuwa ba kayo sa pagpasok sa paaralan araw-araw? Bakit?Gawain 3 Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart na naglalaman ng mga larawanng mga ginagawa at natutunan ni Celia sa paaralan. Ipaguhit sa kanila sakabilang kahon ang mga ginagawa at natututunan nila sa kanilangpaaralan. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilangkwaderno o sa isang buong papel.Ang mga ginagawa at natututunan ni Ang mga ginagawa atCelia sa paaralan natututunan ko sa aking paaralan Maaari ring ipagawa sa klase ang gawaing tinatawag na think-pair-share. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa atnatutunan sa klase, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iginuhit sa isasa kanilang kamag-aral. Bigyan ng sapat na oras ang magkakapareha namagbahaginan ng kanilang mga ginawa. Sabihin din na ihambing nila angkanilang mga iginuhit. Tanungin kung mayroon bang pagkakaiba atpagkakatulad ang kanilang mga ginawa. Kapag tapos na angpagbabahaginan ng dalawang mag-aaral, atasan naman silang ibahagiang kanilang mga napag-usapan sa apat pa nilang mga kamag-aral. Ipaulit 56

ang ginawang paghahambing ng mga iginuhit na larawan sa napili nilangapat pang kaklase. Sa huling bahagi ng gawain, gabayan mo ang klase sa pagtalakayng kanilang mga ginagawa at natutunan sa paaralan. Itanong ang mgasumusunod sa mga mag-aaral: a. Marami ba kayong ginagawa at natutunan sa paaralan? b. Ano ang naramdaman ninyo matapos ang ginawa ninyong pagbabahagi ng inyong ginawa sa inyong mga kamag-aral? Bakit ito ang naramdaman ninyo? c. Alin sa inyong mga iginuhit ang pinakagusto ninyong gawin at matutunan? Bakit? d. Kung mayroon kang kaibigan na katulad ni Conrad Cat na yayayain kang maglaro kaysa pumasok sa paaralan, ano ang gagawin mo? Sasama ka ba sa kanya o hindi? Bakit? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Tandaan: Ang paaralan ay isang lugar kung saan marami kang makikilalalang mga bagong kaibigan na iyong makakalaro, makakasama mo sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit at iba pang mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng paaralan sa iyong buhay.Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking PaaralanPanimula:Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Nagpatuloy sa Aking PaaralanPag-isipan: Ano-ano ang mga bagay na nagbago at nagpatuloy o hindinagbago sa paaralan ng mga mag-aaral?Gawain 1 Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa punung-guro osinumang tagapagsalita na iyong inanyayahan upang magbahagi tungkolsa pinagmulan ng inyong paaralan. Narito ang mga tanong na maaring tanungin mga mag-aaral satagapagsalita: a. Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito? 57

b. Nagbago po ba ang laki o sukat nito?c. Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming paaralan kung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming paaralan ngayon?d. May uniporme po ba sila?e. Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?f. Ano-ano pa po ba ang mga nagbago rito?Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Atasan ang bawatpangkat ng mga mag-aaral na punan ng impormasyon ang tsart namakikita sa ibaba. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilangkwaderno o isang buong papel. Ngayon Noon Pangalan ng iyong paaralan Lokasyon ng paaralan Laki o lawak ng paaralan Mga kasapi ng paaralan Bilang ng mga mag-aaral Uniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan Mga itinuturo sa paaralan Batay sa mga impormasyong nakuha at naisulat ng mga mag-aaral,tanungin sila kung ano ang mga bagay na nagbago at ang mga bagay nanagpatuloy o hindi nagbago sa paaralan?Gawain 3 Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa mga kahongnasa ibaba. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilangkwaderno o sa isang buong papel.Ang aking paaralan ngayon Ang aking paaralan noon Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:a. Marami bang bagay ang nagbago sa ating paaralan?b. Sa iyong palagay, bakit nangyari ang mga pagbabagong ito?c. Kung papipiliin ka, alin ang mas gusto mo, ang paaralan natin ngayon o ang paaralan natin noon? Bakit?Bigyang-diin ang mga kaisipan na nasa loob ng kahon. Tandaan: May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na nagpapatuloy o hindi nagbabago sa iyong paaralan. Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ng mga pagbabago o pagpapatuloy. 58

Aralin 3: Ako Bilang Mag-aaralPanimula:Aralin 3.1 Ang Aking mga Gawain sa PaaralanPag-isipan Ano-ano ang mga ginagawa ng mga mag-aaral sa paaralan?Gawain 1 Atasan ang mga bata na pagsunud-sunurin ang mga larawan ngmga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Ipasulat ang bilang 1-5 saloob ng bilog, 1 ang pinakaunang pangyayari at 5 naman ang pinakahuli.Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isangbuong papel.A. B. C. D. E. Matapos ang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mgasumusunod: a. Nadalian ka ba sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga larawan? Bakit? b. Bakit mahalagang alam mo ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa paaralan? c. Ginagawa mo rin ba ang mga gawaing nasa larawan? 59

Gawain 2 Magpagawa ng isang timeline na nagpapakita ng mga gawain ngmag-aaral sa kanilang paaralan sa loob ng isang araw. Ipaguhit ang mga itosa loob ng kahon. Sabihin sa mga mag-aaral na kulayan ang kanilang gawa.Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isangbuong papel. Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang Araw Bago Habang Oras ng Bago Mag-Magsimula Nagtuturo ang Pagkain o uwian angang Klase Aking Guro Recess Klase Pabalikan ang timeline na ginawa ng mga mag-aaral sa Gawain 2.Papiliin sila ng kanilang paboritong gawain na ginagawa sa paaralan atipabahagi ito sa kanilang mga kaklase. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Mayroon ba kayong kamag-aral na nagsabing paborito rin niya ang paborito ninyong gawain? b. Bakit ninyo ito naging paboritong gawain? Ano ang nararamdaman ninyo sa tuwing ginagawa ninyo ang paborito ninyong gawain sa paaralan?Gawain 3 Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan na nasa ibaba.Pakulayan ang mga larawan na nagpapakita ng iyong mga itinuturo sakanila at mga natututunan nila sa paaralan. Maari po ba akong makipaglaro kay Laya mamaya? 60

Gawain 4Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang liham-pasasalamat sakanilang guro. Maaari silang sumulat ng liham para sa iyo o sa iba pa nilangguro kung mayroon. Ipaalam sa kanila na maaari rin silang humingi ng tulongsa kanilang magulang o tagapag-alaga upang punan ang mga patlang sakanilang isusulatna liham. Mahal na ____________________, (Pangalan ng iyong Guro) Maraming salamat po sa inyong walang- sawang pagtuturo sa akin. Sa ating pag-aaral sa klase, natutunan ko pong mag-____________, mag-________________, at mag-_____________. Nangangako po akong ________________________________________________ _____________________________. Lubos na gumagalang, ____________________ (Isulat ang iyong buong pangalan) Bigyang-diin ang mga kaisipang nakatala sa loob ng kahon. Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang gawain sa paaralan. Nakatutulong ang mga ito upang matutunan mong magsulat, magbilang, magbasa, gumuhit at magkulay ng larawan, makipagkaibigan at iba pa. Pahalagahan mo ang iyong pag-aaral.Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa PaaralanPag-isipan: Ano-ano ang mga dapat gawin ng mga bata sa paaralan bilangmga mag-aaral?Gawain 1 Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng batang si Len. Sabihin sa kanila:“Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1. Ano-ano sapalagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyangpinapasukan?” 61

Ipasuri ang mga larawan at ipatukoy ang nagpapakita ng mgatungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral.Tahimik at maayos na Nakikipag-usap sa Bumabati sa kaniyangpumipila tuwing flag kaniyang katabi guroceremonyy habang nagtuturo ang guroHindi tinatapos ang mga Inililigpit ang Tinatapon ang mgagawaing ibinibigay ng pinagkainan ginamit na papel saguro at sa halip ay matapos ang silid aralaninuuna niya ang recesskaniyang paglalaro Itanong ang mga sumusunod:a. Bakit ito ang napili mong mga larawang?b. Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong napili?c. Ano naman ang magyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing hindi mo napili?Gawain 2Ipakita sa mga bata ang tsart na naglalaman ng mga larawan ngiba’t ibang tungkulin ng mag-aaral sa paaralan. Itanong sa kanila kung alinsa mga ito ang ginagawa nila sa bawat araw. Palagyan ito ng tsek ().Ipagawa ito sa kwaderno o sa isang buong papel.Mga Tungkulin ng Mag-aaral Mga Araw na May Pasok Lunes Mar Miyer Huwe Biyer Tes Kules bes NesPumapasok sa paaralan sa wastong orasNakikinig sa guro habang siya ay nagtuturoNakikilahok sa mga gawain sa klaseTinatapos ang mga gawaing ipinapagawa ngguro sa klaseInililigpit ang pinagkainan matapos ang recessItinatapon ang basura sa basurahan.Ginagawa ang takdang-aralinBinabati ang nakakasalubong na guro sa daan(Sumangguni sa Learner’s Material Aralin 3.2 Gawain 2 para sa mga larawan) 62

Matapos lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng kanilangmga ginawa, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart? b. Ano ang naramdaman mo matapos mong malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa mo bilang mga-aaral? c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin sa paaralan?Gawain 3 Ipakita at ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa titik A at titikB. Ipatukoy ang mga larawang nagpapakita ng posibleng mangyari sahuling bahagi ng ipinapakitang sitwasyon. (Sumangguni sa Learner’s ManualAralin 3.2 Gawain 3 para sa mga larawan)A.Pumasok si Jun Tahimik siyang Nagbigay ng pagsusulit angsa kanilang silid umupo sa kaniyang guroaralan kaniyang upuan Mababa ang makukuhang at nakinig sa marka. kaniyang guro habang Mataas ananggtuturo b. a. makukuhang marka.B. Masayang Nag magsisimula nagkainan sina na uli ang klase, Oras na ng Liberty kasama itinapon nina recess ng ng kaniyang Liberty sa sahig klase ni Liberty. mga kaibigan ang kanilang mga pinagkainan Magiging b. Mapapanatili a. marumi ang ang kalinisan ng paaralan paaralan. Matapos ipatukoy ang mga larawan, itanong sa mga mag-aaral angmga sumusunod: a. Alin sa dalawang larawan o sitwasyon ang nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang mag-aaral? b. Bakit ito ang mga napili mong huling pangyayari sa ipinakitang sitwasyon? c. Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga tungkulin? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. 63

Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa paaralan. Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.Aralin 4. Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-AralanPanimula:Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-AralanPag-isipan Ano-ano ang mga ipinatutupad na mga alituntunin sa inyong silid-aralan?Gawain 1 Atasan ang klase na bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakitang iba’t ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isangbuong papel.Bago magsimula Habang Tuwing recess Bago mag-uwianang klase nagkaklaseMatapos ang gawain, itanong sa kanila ang mga sumusunod: a. Bakit tayo mayroong mga alituntunin sa ating silid-aralan? b. Sinusunod ba ninyo ang mga ito? Bakit? 64

Gawain 2 Basahin sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba.Itanong sa kanila kung ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapagginawa nila ang mga ito. Kung nagsusulat na ang mga mag-aaral, ipasulatsa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang kanilang sagot sa bawatsitwasyon. Maaari ring ipaguhit ang kanilang mga sagot kung wala pangsapat na kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsusulat. Maaaring ipasulatang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buongpapel. A.Tahimik na hinihintay ang iyong guro bago magsimula ang klase B.Nakikipag-kwentuhan ka sa iyong katabi habang nagtuturo ang iyong guro C.Isinisigaw mo ang iyong sagot kahit hindi ka pa tinatawag ng iyong guro para sumagot D. Pumipila nang maayos E. Hindi nagpapasa ng takdang- aralin sa napagkasunduang araw ng pasahan F. Tinatapos ang gawaing ipinagpagawa ng guro sa takdang oras/ araw ng pasahanGawain 3Pabalikan sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang graphicorganizer.Itanong sa kanila ang mga sumusunod:a. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mgaalituntunin ng inyong silid-aralan?b. Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mgaalituntunin?Ipasulat sa mga mag-aaral ang titik ng sitwasyon sa loob ng angkopna kahon. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilangkwaderno.Pagsunod sa Alituntunin Hindi Pagsunod sa Alituntunin 65

Tanungin ang mga mag-aaral: a. Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin? b. Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin? c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin? d. May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Tandaan: May iba’t ibang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong silid- aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamag- aral at ng inyong guro.Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking PaaralanPanimula:Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng AkingPaaralanPag-isipan: Bakit mahalaga ang paaralan para sa mga mag-aaral?Bata Pa Ako Gawain 1Di ka ba nagtataka Sabayan ang mga mag-Ako'y nasa lansanganAt ikaw ay nasa sasakyan aaral na awitin o bigkasin angPapuntang paaralan “Bata pa Ako” na isinulat ni Julia Abueva.Makatapos kaya akoKahit mga libro'y pinaglumaan mo Bata sino baPangarap lang ba Ang nagtuturo't gumagabayPagka't mahirap lang ako sa'yoPwede bang sumali sa inyong laro May pag-asa pa bang Maturuan din nya akoKahit kunwa-kunwaring nag-aaral din akoDala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba Sa lahat ng inaasamSana balang araw maging tulad din kita Isa ang pinakagustoPaano bang sumulat, magbasa ng gaya Na sana'y pagtanda natinmo Wala ng batang tulad ko [From:Bata alam mo ba, na bata rin ako? http://www.elyrics.net/read/j/julia-Musmos pa rin ako, abueva-lyrics/bata-pa-ako-Di lang napapansin lyrics.html]Magulang at kapatid,Nakaasa sa akin 66

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ng iyong mga kaklase ang nilalaman ng “Bata pa Ako”? b. Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya? c. Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya? d. Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o maranasan?Gawain 2 Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng iba’t ibang tao nanakapag-aral at hindi nakapag-aral. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano kaya ang mangyayari sa mga bata sa kanilang pagtanda kung hindi man lamang sila makapag-aral sa isang paaralan? b. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral? c. Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong hindi nakapag-aral? Ipatukoy sa mga mag-aaral ang titik ng mga larawang nagpapakita ngmaaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral. Magpakita sa mga mag-aaral ng halimbawa bago ito ipagawa sakanila. Narito ang halimbawang makikita ng mga mag-aaral sa kanilangmodule: Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ngpaaralan. A. B. C.H. D. G. F. E. 67

Gawain 3 Ipaguhit sa mga mag-aaral ng isang larawan na nagpapakita ngkahalagahan ng kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno. Sa tulong mo o ng mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag-aaral, papunan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sakanila ang kanilang paaralan. Mahalaga ang aking paaralan dahil ___________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Tandaan: Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa tulong ng paaralan, mapapaunlad mo ang iyong mga angking kakayahan at mga kaalaman. Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan. Sa huling bahagi ng Yunit 3, tulungan ang mga mag-aaral na sagutinang ebalwasyon ng kanilang mga nagawa at natutunan. Matapos nila itonggawin, sagutan ang hanay para sa ebalwasyon mo sa kanilang mgakasanayan at kaalaman.Ang Aking mga Nagawa at NatutunanPanuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek ang angkop nakahon sa iyong sagot.Nagamit ko ang mga kasanayang ito: Mag-aaral Guro 1. Nasunod ko ang mga panuto 2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining3. Nagbahagi ako ng aking kwento sa aking kamag-aral 4. Nakinig ako sa kwento ng aking guro 5. Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase 6. Nasuri ko ang iba’t ibang mga bagay 7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang bagay 8. Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan 9. Nakapag-isip ako ng maaring mangyari ng isang sitwasyon 10. Napahahalagahan ko ang aking paaralang kinabibilangan 68

Nagawa ko ang mga bagay na ito: Mag-aaral Guro1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan2. Natukoy ko ang iba’t ibang kasapi ng paaralan3. Nakagawa ako ng isang panayam4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan5. Nakabuo ako ng timeline6. Nakagawa ako ng graphic organizer7. Nakaawit ako ng isang awit8. Nakabigkas ako ng isang tula9. Nakasuri ako ng isang awit o tula10. Naipagmalaki ko ang aking paaralan Mag-aaral GuroNaipapahayag ko ang mga ito:1. Natutunan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan2. Natutunan ko ang papel na ginagampanan ng paaralan sa aking buhay.3. Natutunan ko na may iba’t ibang kasapi na bumubuo sa aking paaralan4. Natutunan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan5. Natutunan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning ipinatutupad sa aking paaralan6. Natutunan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkulin bilang mag-aaral7. Natutunan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at paaralanKomento ng iyong guro__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 69

PANGALAN NG PAARALANTaon ng Pagkatatag LokasyonMga Taong Bumubuo ng Paaralan 70

Yunit 4: Ako at ang Aking KapaligiranPanimula: Sa yunit na ito, mapalalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaraltungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupo osamahang kinabibilangan niya. Malaking bahagi ng yunit na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mgabatayang konsepto sa heograpiya. Masisisyasat nila ang kapaligiran ngkanilang tirahan at paaralan. Sa pamamagitan nito, malilinang nila ang ilansa mga pangunahing kasanayan sa paggawa at pagggamit ng mapaupang matukoy, mahanap at masabi ang mga pamilyar na lugar sa paligidng kanilang tirahan at paaralan. Sa mga aralin sa yunit 4, magkakaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupongkanilang kinabibilangan. Mauunawaan din nila ang pag-uugnayan, pag-aasahan, at pagtutulungan ng pamilya at paaralan upang matugunan angkanilang mga pangangailangan at kagustuhan.Mga Tema: Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 4 ang mga sumusunod na tema: 1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan 2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago 3. Kultura at pagkakakilanlanMga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 4 gamit ang modyul na ito,inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod: 1. natutukoy ang distansiyang katulad ng malapit at malayo. 2. naituturo ang direksyon tulad ng kanan at kaliwa, likod at harapan, at iba pa. 3. natutukoy ang paraan ng pag-uugnayan at pagtutulungan ng pamilya at paaralan para sa kabutihan ng anak/mag-aaral. 4. napahahalagahan ang ugnayan at pagtutulungan ng pamilya at paaralan.Mga Kasanayang MalilinangKomunikasyon pagbabahahagi ng impormasyon pagsasalaysay pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay pagsusulat ng impormasyon sa tsartMapanuring pag-iisip pagsusuri paghahambing pagpapangkat ng mga impormasyon pagsusuri ng mga larawan pagbubuo ng hinuha 71

Pagpapahalaga Malikhaing pag-iisipPaglahok paggawa ng mapa pagguhit pagkilala sa ugnayan ng pamilya at paaralan paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa pakikiisa sa mga pangkatang gawain pagtapos sa gawain sa takdang oras paglalaro pakikilahok sa talakayan pag-awitIminumungkahing Oras na Ilalaan upang Matapos ang Yunit 450 sesyon; 30 minuto araw-araw sa bawat pagkikitaAralin 1: Ako at ang Aking Tahanan at PaaralanPanimula:Aralin 1.1: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng DistansyaPag-isipan: Ano ang distansya? Paano ito maituturo sa mga mag-aaral?Gawain 1 Tulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may tatlongkasapi. Magtakda ng titik sa bawat kasapi. Halimbawa, ang unang kasapi aytitik A, ang ikalawa ay titik B at ang ikatlo ay titik C. Bigyan ng dalawang taliang kasapi A. Ang kasapi B at kasapi C naman ang hahawak sa dulo ngmagkabilang tali. Hawak ang dulo ng tali, sabihan ang kasapi B at kasapi Cna lumayo sa kasapi A hanggang sa maunat ang tali. Itanong sa mga mag-aarala ang mga sumusunod: a. Ano ang napansin mong pagkakaiba ng dalawang tali? b. Aling tali ang hawak ng kasaping mas malayo? c. Aling tali ang hawak ng kasaping mas malapit? 72




























Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook