Ikalawang Pangkat – Piliin ang pang-uring naghahambing sa tatlo o higit pang pangngalan. 1. Ang aking aso ang may pinakamahabang balahibo sa lahat. 2. Ang tigre ang pinakamabangis na hayop sa gubat. 3. Pinakamakulay ang kaniyang damit sa lahat ng batang babae. 4. Ang relo ng tatay ang pinakaluma niyang gamit. 5. Sa apat na magkakapatid, ang doktor ang pinakamatalino.Ikatlong Pangkat – Isulat ang wastong antas ng pang-uri sa loob ng panaklong. 1. Ang tatay ang _______ (mabait) sa kanilang magkakapatid. 2. Ang pusa ang ________ (maamo) na hayop sa bahay. 3. Sino ang may ________ (mahaba) ng buhok sa mga babae? 4. Aling sasakyan ang _________ (mabilis) sa EDSA? 5. Sa lahat ng guro sa paaralan, si Gng. Navarro ang _________ (mabait).Ikaapat na Pangkat – Isulat ang wastong antas ng pang-uri. (maluwang) 1. Ang bus ay ______ na sasakyan. (mahaba) 2. Ang tulay na San Juanico ang _____ tulay sa buong Pilipinas. 408
(malusog) 3. Si Erna ang _________ sa apat na magkakapatid. 409
(matipid) 4. Sino ang ________ na bata sa( mabunga) klase? 5. Ang puno ng abokado ang _______ sa lahat ng mga puno sa bukid. Nagbabago ang anyo ng pang-uri kung naghahambing ng higit sa dalawang tao, bagay, o lugar. Ito ay ginagamitan ng unlaping pinaka- o pariralang ubod ng. Pag-aralan ang mga larawan. Paghambinginang mga ito. Gamitin ang mga salita sa loob ngpanaklong.(mabango)1. Ang sampagita ang _________ sa tatlong bulaklak.(maliit) 2. Ang santan naman ang ____________.(mahal) 3. Ang rosas ay ang _______ sa tatlo. 410
(mahalaga) 4. Sa tatlong bagay na nasa(bago) larawan, ang relo ang _____ sa akin. 5. Ang hikaw naman ang ______ kong alahas. Ang Huwarang Barangay Ang Barangay Talon ay isang maipagmamala-king barangay. Ang mga nakatira rito aynagtutulungan sa pagpapanatiling maayos attahimik ang lugar. Ang magkakapitbahay aynagkakaisa. May mga barangay tanod nanagpapatrolya sa lugar kung gabi. Lahat ng mgatao ay may disiplina. Ang mga babae aytumutulong sa paglilinis at pagpapaganda ng lugar. Kung may napinsala ng bagyo, taos-pusongnagbibigay ang bawat isa ng tulong. Bukas-paladna namamahagi ng mga pagkain ang mga tao. Itoang mga dahilan kung bakit sila nabigyan ngparangal bilang “Huwarang Barangay” ng kanilangbayan.
Sagutin ang mga tanong. • Sino ang nagtutulong-tulong sa paglilinis ng barangay? • Ano-ano ang ginagampanan ng kalalakihan sa barangay? Ng kababaihan? • Paano sila nagtutulungan sa panahon ng sakuna o kalamidad? • Ano-anong salita sa talata ang binubuo ng dalawang salitang may magkaibang kahulugan? • Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ang barangay ay magiging tahimik at maayoskung nagtutulungan at nagkakaisa ang mga taongnakatira rito.
Pagtambalin ang tambalang salita at angkahulugan nito. Isulat ang letra ng iyong sagot saiyong kuwaderno.___1. hapag-kainan a. pinuno ng paaralan___2. punongguro b. gawain o trabaho___3. silid-aralan c. pag-aaral muli ng nakaraang aralin___4. hanapbuhay d. mesa___5. balik-aral e. lugar kung saan nag-aaral ang mga mag-aaralUnang Pangkat – Iguhit ang larawan ng isang malinis at maayos na barangay.Ilakawang Pangkat – Magbigay ng mga pang-uring naglalarawan ng Barangay Talon.Ikatlong – Magbigay ng halimbawa ng tambalang salita na hindi nagbabago ang kahulugan kapag pinagsama.Ikaapat na Pangkat – Isadula ang ginagawa ng mga tao sa barangay.
Ang tambalang salita ay isang salita na binubuo ng dalawang magkaibang salita at nagkakaroon ng panibagong kahulugan. Sipiin sa kuwaderno ang tambalang salita sapangungusap.1. Ang kapitbahay namin ay may malawak na halamanan.2. Ang tatay ay masipag maghanapbuhay.3. Ipinahayag niya ang kaniyang taos pusong pasasalamat sa kaniyang mga kasama sa bahay. Isulat ang pangungusap sa paraang kabit-kabit
2 Filipino Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 4 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayatnamin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon namag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ngEdukasyon sa [email protected]. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang BaitangFilipino - Kagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: 978-971-9990-66-6 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ngpamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat naito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap atmahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdangito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akdaang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Punong Tagapangasiwa: Luz S. Almeda, Ph. D.; Pangalawang Tagapangasiwa: Rizalino Jose T. Rosales; Lider: Victoria R. Mayo; Manunulat: Nilda S. D. Garcia, Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola, Aida J. Cruz, Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N. Padalla, Galcoso C. Alburo, Estela C. Cruz; Tagapag-ambag: Aurora E. Batnag, Ma. Fe C. Balaba, Nelly I. Datur, Avizen C. Siño, Felix Q. Casagan, Ruby E. Baniqued, Nora C. Bernabe, Maribel R. Mendoza, Kristina L. Ballaran, Rechelle M. Meron; Editor: Arsenia C. Lara, Amaflor C. Alde; Kasangguni: Angelika D. Jabines; Tagapagtala: Ma. Cynthia P. Orozco; Taga-anyo: Christopher C. Artuz, Leonor Barraquias; Tagapag-guhit: Bernie John E. Isip at Francischarl S. IsipInilimbag sa Pilipinas ng Rex Book Store, Inc.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor, Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634 -1054 o 634 -1072E-mail Address: [email protected] ii
PAUNANG SALITA Kumusta ka na? Binabati kita at ikaw ay nasaIkalawang Baitang na ng iyong pag-aaral! Ang Kagamitang ito ay sadyang inihanda parasa iyo. Ito ang magsisilbing gabay mo para sa iyongpag-aaral ng asignaturang Filipino 2. Inaasahan nasa paggamit mo nito ay magiging aktibo ka satalakayan sa loob ng klase at maipahahayag monang wasto at maayos ang iyong mga personal naideya at karanasan kaugnay ng pinag-aaralan saklase. Ang mga babasahin at mga gawain dito ayisinaayos at pinili upang magkaroon ka ng maunladna kasanayan sa pagsasalita, pakikinig, pagsulat,pagbasa, at panonood.Ang mga aralin ay nahahati sa apat na yunit.Ito ay ang sumusunod:Yunit I - Pagpapakatao at Pagiging Kasapi ngPamilyaYunit II - Pakikipagkapwa-Tao iii
Yunit III - Pagmamahal sa Bansa Yunit IV - Panginoon ang Sandigan sa Paggawa ng Kabutihan Sa bawat aralin, ang sumusunod na gawain ayiyong masusubukan upang higit na mapagyamanang iyong kakayahan. SUBUKIN NATIN – Sa bahaging ito malalamannatin ang kakayahan at kasanayang abot-alam mona. Ito ay gagawin sa unang araw ng bawat aralin olinggo. Huwag kang matakot sa pagsasagotsapagkat ito ay hindi makaaapekto sa iyong grado.Nais lamang nating malaman ang dati mongkaalaman o karanasan na may kaugnayan sa pag-aaralan. BASAHIN NATIN – Babasahin mo ang mgatekstong sadyang isinulat para sa iyo upangmatukoy o magkaroon ka ng ideya kung ano angpag-aaralan mo sa buong linggo. Ang mga tekstongito ay maaaring alamat, pabula, kuwentong bayan, iv
mga pantasya o likhang isip, at mga salaysay ayonsa karanasan ng mga ibang mag-aaral. Ito angmagiging susi upang higit mong maunawaan angmga aralin natin. Huwag kang mabahala. Lagingnakaagapay ang iyong guro sa lahat ng gagawinmo. SAGUTIN NATIN – Dito susubukin natingmalaman kung lubos mong naunawaan angnapakinggan o nabasa mong teksto. PAHALAGAHAN NATIN – Sa bahaging ito,mauunawaan natin ang kagandahang asal at pag-uugali na nais ituro sa atin ng napakinggan onabasang teksto. GAWIN NATIN – Dito magkakaroon ka ng iba’tibang pagsasanay kaugnay ng aralin. Maaaring itoay kasama ng iba mong kamag-aral o maaari dinnamang pang-isahang gawain. v
SANAYIN NATIN – Dito magkakaroon ka ngpagkakataon na malinang lalo ang kasanayan sanapag-aralan kasama ang ibang pangkat sapamamagitan ng mga karagdagang gawain. TANDAAN NATIN – Sa bahaging ito, mababasanatin ang mga kaisipang dapat nating tandaankaugnay ng araling tinalakay. LINANGIN NATIN – Dito higit na papaunlarin angkasanayan at kaalaman na natutunan sa nataposna aralin. Sa pamamagitan din ng Kagamitang ito, nawaikaw ay maging maka-Diyos, makatao,makakalikasan, at makabayang batang Pilipino. Isang Bagong Batang Pinoy na handa sa mgapagbabagong dala ng kapaligiran at ngmakabagong teknolohiya. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY AKDA vi
Talaan ng NilalamanPanimulaTalaan ng NilalamanYunit 4: Panginoon ang Sandigan sa Paggawa ng Kabutihan Aralin 1: Magtiwala sa Panginoon . . . . . . . . . 378 Pang-ukol na Ng Magtiwala sa Panginoon . . . . . . . . . 378 Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti . . . . . . . . . . . . . . . . . . 382 Huwarang Magkapatid . . . . . . . . . . 387 Aralin 2: Paggalang sa Diyos at Kapwa . . . . 390 Pang-ukol na Ni at Nina Titser Gosoy . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 390 Ang Palalong Loro at si Askal . . . . . . 395 Aralin 3: Karapatan Mo, Igagalang Ko . . . . . 406 Pang-ukol na Kay at Kina Karapatan Ay Igalang . . . . . . . . . . . 407 Pangulong Corazon C. Aquino. . . . 410 Aralin 4: Maging Huwaran sa Paningin ng Diyos . . . . . . . . . . . . 421 Pang-ukol na Ayon Sa Manamit nang Angkop . . . . . . . . . . 422 Ang Portfolio ni Cheska . . . . . . . . . . 427 Gawing Gabay . . . . . . . . . . . . . . . . . 430 Aralin 5: Ang Pag-ibig sa Kapwa Ay Pag-ibig sa Diyos . . . . . . . . . . . . . 437 Pang-ukol na para sa / para kay / kina Ako Ay para sa Iyo . . . . . . . . . . . . . . 438 vii
Si Bathala . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 441 Ecosavers para sa Kalikasan . . . . . . 443 Mga Tuntunin sa Paggamit ng Silid-aklatan. . . . . . . . . . . . . . 447Aralin 6: Ang Diyos Ay Pasalamatan . . . . . . . 450 Pang-angkop na -Ng Dakilang Tagapag-ingat. . . . . . . . . . 451 Sumakit ang Tiyan ni Niknok . . . . . . . 462Aralin 7: Purihin ang Panginoon . . . . . . . . . . . 466 Pang-angkop na Na Ang Paglikha ni . . . . . . . . . . . . . . . . . 467 Pagpuri sa Iba’t Ibang Paraan . . . . 474 Mga Hulog ng Langit . . . . . . . . . . . . 478Aralin 8: Pag-ibig ng Diyos sa Tao at Bayan . . . . . . . . . . . . . . . . . 483 Pang-angkop na -g Ginintuang Butil . . . . . . . . . . . . . . . . . 483 Hello Pilipinas! Hello Buong Mundo! . . . . . . . . . 487 Nasaan ang Biyaya ng Tag-ulan? 490Aralin 9: Buhay at Kalikasan: Pahalagahan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 497 Simuno at Panaguri Pangalawang Buhay nina Otoy at Tinay . . . . . . . . . . . . 498 Paniningil ng Kalikasan . . . . . . . . . . . 503 Digital Daw! Ano Iyon? . . . . . . . . . . . 506 viii
377
Aralin 1: Magtiwala sa Panginoon Sabihin kung ng o nang ang angkop sa bawatpangungusap.1. Ang mga ibon ay kumakain ______ uod.2. Nilipad _______ hangin ang mga papel.3. Malakas kumain _______ saging ang unggoy.4. Bumili kami _______ mababangong bulaklak.5. Tanghali na _______ sila ay gumising.Von: Magtiwala sa PanginoonTatay: Itay! May aksidente po sa kanto.Von: Marami pong nadamay at kasama siTatay: Betsy. Nakakatakot! Naku! Huminahon ka, anak, ganyan talaga ang buhay, kaya dapat lagi tayong magdasal at magtiwala sa Panginoon. Alam n’yo po, ‘Tay, galit na galit si Mang Ambo sa pagkakadamay ni Betsy. Nakapanlulumo, matalinong bata pa naman si Betsy. Halika, ipagdasal natin siya at ang iba pang nadamay. 378
• Ano ang pinag-uusapan ng mag-ama? • Ano ang ginawa nila? • Bakit nila ipinagdasal ang mga naaksidente? • Tama ba ang ginawa nila? • Ano ang damdamin nila para kay Betsy? • Ano-anong damdamin ang nasa usapan? Ang pagdarasal para sa kapakanan ng kapwaay isang mabuting gawain. Anong damdamin ang ipinakikita ng sumusunod na larawan sa Hanay A? Piliin ang letra ng sagot sa Hanay B. 1. A. nagagalit B. natatakot 2. C. nagtataka 3. D. natutuwa 4. E. nalulungkot 379
A. Tukuyin ang kasalungat ng ipinapakita sa bawat larawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. naglalakad sumisigaw sumasayaw nagtatanim nagdarasal 12B. Ipakita sa klase ang damdamin na nadarama sa sumusunod na sitwasyon.1. Nabigla si Lorena nang malamang nanalo siya sa patimpalak sa kagandahan.2. Matinding paghanga ang naramdaman ni Rita sa magaling niyang guro.3. Naiinip si Lito sa tagal ng paghihintay sa kaniyang ama.4. Nalungkot si Vicky sa pagkamatay ng kaniyang lola.5. Nanghinayang ang magkapatid na Ben at Pat dahil nahulog ang kanilang baon sa kanal.C. Ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan?12 3 4 380
• May iba’t ibang damdamin tulad ng pagkatuwa, pagkalungkot, pagkagalit, panghihinayang, pagkainis, paghanga, at pagkagulat na maaaring makita sa isang teksto o sa isang pahayag na nabasa o napakinggan.• Upang maibigay ang kasalungat ng isang salita, kailangang alamin muna ang kahulugan ng salitang bibigyan ng pagpapakahulugan.Hanapin sa pangungusap ang mga salitangkasingkahulugan ng salitang nasa loob ngpanaklong.1. (matatayog) Ang mga puno sa bundok ay matataas.2. (nanlumo) Nanghina ang loob ng ama sa pagkamatay ng kaisa-isang anak.3. (magiliw) Ang mga bisita ay masayang tinanggap ng mag-anak.4. (silya) Nilinis ng mga mag-aaral ang kanilang upuan pagkatapos ng baha.5. (maestra) Napakagaling ng aming bagong guro. 381
Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti Nakagawa ka na ba ngkabutihan sa kapwa? Ang paggawa ng bagayna mabuti sa kapwa aykatumbas ng pag-ibig saLumikha. Tumingin sa paligid atmakikita mo na maramingnangangailangan ng iyong pagtulong atpagkalinga. Masasabi ba natin na iniibig natin ang Lumikhakung ang ating kapwa ay hindi naman natinpinagmamalasakitan? Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa aypagpapakita ng pagmamahal sa Lumikha. Pero paano natin ito magagawa? Kapag sila aynagugutom, bigyan natin sila ng pagkain. Kapagnauuhaw, sila ay ating painumin. Ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa ayhindi dapat naghihintay ng kabayaran o kapalit.Sapat na nakatulong tayo at napasaya ang Lumikhana nasa kapwa rin natin. • Sino ang dapat mahalin at pagmalasakitan? • Bakit dapat natin itong gawin? • Paano natin matutulungan ang ating kapwa? 382
• Sino ang matutuwa sa paggawa natin ng kabutihan sa kapwa? • Sino ba ang iyong kapwa? Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa aypagpapakita ng pagmamahal sa Lumikha. Ano-ano ang kaisipang natutuhan mo sabinasang teksto?A. Sipiin at iwasto ang mga salitang may maling baybay. Ang mga bata ay dapat tinuturruan ng kanilang mga magulang ng pigawa ng mabuti sa kapwa. May kassabehan tayo na “kung anu ang puno ay siya ring bunga.” Kiya, kung mabote ang magolang, dapat mabuti rin ang ginagawa ng kanilang mga anak. Eng paggging mabuteng mga bata ay nagsisimola sa pattuturu ng mga magolang. 383
B. Iguhit ang sinasabi ng katagang ito. “Gawain ng magulang na alagaan ang anak at gawain naman ng anak na igalang ang mga magulang.” Ang pagsulat ng mga salita na may wastong baybay ay susi upang higit na maipahayag ang nais na mensahe. Ito rin ang isa sa mga susi sa madaling pagkaunawa ng isang babasahin. Isulat nang may wastong baybay ang tinutukoysa bawat inilalarawan.1. sinusulatan ng guro sa harap ng klase2. dito nag-aaral ang mga bata3. bahagi ng bahay na ating dinudungawan4. gamit sa bahay kung saan tayo nanonood ng mga palabas5. lugar kung saan namimili ng mga gulay at isda6. tindahan ng mga gamot7. kuwaderno sa Ingles8. dinidilig ng tubig para lumago9. kasingkahulugan ng tali 384
Basahing muli ang tekstong “Halinang Gumawang Bagay na Mabuti.” . • Anong salita ang ginamit sa pag-uugnay ng mga salita sa teksto? • Ano ang pinag-uugnay nito? • Kailan ginagamit ang ng? • Kailan ginagamit ang malalaking letra? Ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa ayhindi dapat naghihintay ng kabayaran o kapalit. Punan ng wastong pang-ukol ang patlang.Tukuyin kung ano ang salitang inuugnay nito.1. Nakalikom kami ____ maraming basura para sa Ecosavers Program ng paaralan.2. Nasanay na akong maglakad _____ dalawang kilometro tuwing araw ng Sabado.3. Umupa kami ____ computer para sa proyekto ng aking kapatid na bunso. 385
4. Ang paglalakad ay mabuting uri _____ ehersisyo sa katawan ng tao.5. Ang labis na panonood _____ telebisyon ay nakasasama sa kalusugan. Isulat nang wasto ang mga salitang mali angpagkakasulat sa bawat pangungusap.1. ang hangin ay dumudumi dala ng polusyon sa ating paligid.2. dumalaw si Pangulong benigno aquino III sa mga nasalanta ng bagyo.3. Ang pagiging Makakalikasan ay tanda ng pagmamalasakit sa ating kapwa at kapaligiran.4. disiplina ang kailangan upang umunlad ang pilipinas.5. Bawat Tao ay may kani-kaniyang pagpapahalaga. • Ang pang-ukol na ng ay ginagamit kapag ang salitang sumusunod dito ay isang pangngalan o kaya ay pangngalang-diwa at pang-uri. • Ang malaking letra ay ginagamit sa pagsisimula ng mga salitang pangngalang pantangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, at iba pa. Ginagamit din ito sa simula ng pangungusap. 386
Gamit ang ng, lagyan ng caption ang mgalarawan.12 3 45 Huwarang Magkapatid Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarangmga bata. May oras sila sa paglalaro, pag-aaral, atsa pagtulong sa mga magulang. Tumutulong munasila sa mga gawaing bahay bago maglaro. Sa gabinaman ay nag-aaral muna sila bago manood ngtelebisyon. Dahil dito, ang kanilang mga magulangay natutuwa sa kanila. 387
• Bakit sinabi na huwarang bata ang magkapatid? • Ano-anong katangian ng magkapatid ang dapat na tularan? • Ano ang napansin mo sa mga pangungusap sa seleksiyon? • Ano ang payak na pangungusap? Ang mabuting bata ay kayamanan ng mgamagulang. Bumuo ng mga payak na pangungusap mulasa mga larawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 12A. Sa isang payak na pangungusap, ilarawan ang isang bagay na makikita sa iyong kapaligiran. 388
B. Bumuo ng isang payak na pangungusap gamit ang mga larawan sa ibaba. Ang payak na pangungusap ay nagsasaad ng isang diwa o kaisipan. Ito ay may isang simuno at panaguri. Gumuhit ng isang larawan na iyong nais.Sumulat ng isang payak na pangungusap tungkoldito. Pumili ng isang pangungusap mula sa “HalinangGumawa ng Bagay na Mabuti” at sipiin ito sa kabit-kabit na paraan. 389
Aralin 2: Paggalang sa Diyos at Kapwa Pumili ng isang salita mula sa kahon upangmabuo ang pangungusap.anim pamuhatankasukdulan simulani tauhannina wakasng1. Ang mga nagsisiganap sa isang teksto ay ____.2. Ang mga tauhan ay ipinakikilala sa ____ pa lamang ng isang teksto.3. Ang bahagi ng sulat o liham na nagsasabi ng pinagmulan nito ay ang ______.4. Binili ____ Nita ang magandang bag.5. Si Marielle ay isinama ____ Betong at Cora sa kanilang pamamasyal. Titser Gosoy Si Titser Gosoy ay bagong guro sa PaaralangElementarya ng Barangay Labo. Nakatawag ngpansin ang kaniyang galing sa pagtuturo, kakaibangkulay, at paika-ikang paglalakad. 390
Hindi niya pinapansinang pangungutya sakaniya. Tuloy lamang siya sapagtuturo, pagtulong sakapwa, at pamimigay nggamit at laruan sa mgabata. Isang araw, may ilangmag-aaral angnagkuwentuhan tungkol kayTitser Gosoy. “Alam n’yo ba, si Titser Gosoy, napakagalingmagturo! Mabait pa,” ang wika ni Noel. “Tama ka, at nabasa ko sa diyaryo, iniligtasniya ang mahigit 400 katao sa Marikina noongnanalanta ang bagyong Ondoy,” ang sabi ni Janet. “Wow! Ang galing! Pero baluga pa rin siya,”pangungutya ni Yulo. “Huwag kang ganyan, Yulo! Maputi ka lang,”pasinghal na wika ni Janet na halos tusukin nghintuturo sa ilong si Yulo. “Si Titser Gosoy! Nasa likuran natin,” pabulongna wika ni Noel. “Magandang umaga po, Sir Gosoy,” sabay-sabay na bati ng mga bata. “Bakit parang nakakita kayo ng multo? Mayproblema ba?” tanong ni Titser Gosoy sa mga bata. “Wa––wala po, Sir...” wika ni Janet. “Narinig ko ang pinag-usapan ninyo,”mahinahong wika ni Titser Gosoy. 391
Nagkatinginan ang mga bata saka ibinalingang kanilang tingin kay Yulo. “Kahit bata kayo, dapat matutuhan ninyo angmagagandang asal na dapat taglayin ng isangbata,” paliwanag ni Titser Gosoy. “Huwag kayong mangutya ng kapwa,anuman ang kasarian, kulay, kalagayan, okapansanan. Isipin ninyo, tao silang marunongmasaktan,” seryosong sabi ni Titser Gosoy. “Lahat ng tao ay likha ng Diyos, kaya dapatigalang,” paliwanag pa niya. Niyakap ni Yulo si Titser Gosoy. Ginantihannaman ito ng guro ng isang mahigpit na yakap. • Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento. • Sino ang dapat mong tularan sa mga bata? Ang hindi dapat tularan? Ipaliwanag ang sagot. • Ano ang naramdaman mo habang binabasa at matapos basahin ang kuwento? • Anong bahagi ng kuwento ang nakatawag ng iyong pansin? Bakit? • Paano nagsimula ang kuwento? • Paano ito nagwakas? Igalang natin ang lahat ng tao anuman angkanilang kasarian, kulay, at edad. 392
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sateksto. Isulat ang bilang na 1- 3 upang maipakita ito._____ Niyakap nang mahigpit ni Yulo si Titser Gosoy._____ Napag-usapan ng mga bata si Titser Gosoy._____ Narinig ni Titser Gosoy ang usapan ng mga bata.A. Isulat sa palibot ng mukha ang iba’t ibang katangian ni Titser Gosoy.B. Ano-ano ang sinabi ng sumusunod?- Janet - Titser Gosoy- Yulo - Noel 393
Ang isang kuwento ay binubuo ng simula, gitna, at wakas. Sa simula ay karaniwang ipanapakilala ang mga tauhan at ang tagpuan kung saan nagaganap ang pangyayari. Sa gitna naman o sa katawan makikita ang mga pangyayari sa kuwento. Ang wakas ang nagpapakita kung paano nagtapos ang kuwento. Tukuyin ang sumusunod batay sa nabasangkuwento. Pamagat ng Kuwento: Tagpuan: Mga Tauhan: Simula: Kasukdulan: Wakas: 394
Ang Palalong Loro at si Askal Magkaiba ang karanasan nina Loro at Askal. Si Loro ay alagang-alaga ng kaniyang amo. Inaayusan at pinakakain siya ng amo. Maraming natutuwa sa kaniya at ibig humawak sa kabila ng palalo niyang bibig. Si Askal ay walang nagpapaligo kaya galisin. Wala siyang amo kaya siya ay palaboy sa lansangan. Siya ay madalas sinisipa at pinandidirihan ng mga tao kaya lalong naging kawawa. Minsan, namasyal ang mag-amo. Nakitaniya si Askal. “Ew! Kadiri! Maligo ka nga! Ang baho mo!”sigaw ni Loro kay Askal. Siniraan pa niya si Askal saibang mga hayop na nagdaraan. Hindi siya pinansin niAskal. Bagkus, tuloylamang ito sa pagkakalkal ngbasura dahil sa gutom. Isang araw, nakita ngpusa si Loro at gustongkagatin. Tinangkang lumaban 395
ni Loro sa pusa ngunit mas malaki ito sa kaniya.Sinakmal siya ng pusa at iwinasiwas sa kalye. “Aray ko! Masisira ang maganda kongbalahibo!” sigaw ni Loro. Mula sa isang dako ay biglang sumaklolo siAskal kay Loro. “Aray ko! Kawawa naman ang balahibo ko.Salamat sa’yo, mabantot at galising aso,” wika niLoro. “Nagpasalamat nga, nanlait naman!” naiinisna wika ni Askal sabay alis. Bumalik ang galit na galit na pusa. Kinagatniya muli si Loro sa leeg, katawan, at sa buntot. Walasiyang nagawa kundi ang sumigaw hanggang samawalan ng malay. Hindi matiis ni Askal si Loro kaya iniligtas niya itosa kamay ng kamatayan. Binantayan ni Askal si Loro hanggang magkamalay. Dinala niya ito sa tapat ng bahay ng kaniyang amo. Pinagsisihan ni Loro ang mga nagawa niya kay Askal at labis-labis ang pasasalamat niya kay Askal. • Ano-ano ang pagkakaiba ng karanasan nina Loro at Askal? • Ano ang katangian ni Loro? Ni Askal? Ng pusa? 396
• Ano naman ang naramdaman mo sa inasal ng bawat isa sa kuwento? • Ano ang natutuhan mo sa binasa? • Paano mo ipakikita ang paggalang? • Sino-sino ang dapat nating igalang? • Makatotohanan ba ang binasa mo? Igalang ang kapwa at pahalagahan ang ibapang nilikha ng Diyos. Matutong pagsisihan angpagkakamaling nagawa sa kanila.A. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip. Gamitin ang Venn Diagram upang maipakita ito.B. Paghambingin ang mga kuwentong “Titser Gosoy” at “Ang Palalong Loro at si Askal.”Si Titser Gosoy Ang Palalong Loro at si Askal 397
Paano mo ipakikita ang paggalang sa mga:- may kapansanan - guro- nanay at tatay - taong iba ang relihiyon Ang pabula ay kuwento na anggumaganap ay mga hayop. Ito ay kathang-isiplamang ngunit ang mga pangyayari aymaaaring mangyari sa tunay na buhay ng mgatao. Subukang gumawa ng isang pabula. Muling basahin ang kuwentong “Titser Gosoy.”• Sino ang tumawag ng “baluga” kay Titser Gosoy? Tama ba ito?• Anong ideya mo sa salitang “baluga?”• Sino ang gumanti ng mahigpit na yakap kay Yulo? 398
• Paano ipinahayag nina Noel, Nikki, at Janet ang kanilang mga damdamin? • Ano naman ang mga salitang binitiwan ni Yulo tungkol kay Titser Gosoy? • Anong klaseng damdamin ang ipinakita ni Yulo? • Kung ikaw si Yulo, ano ang mararamdaman mo? Kung ikaw si Titser Gosoy? Unawain ang damdamin ng kapwa at igalangang pagkakaiba-iba ng mga nilalang ng Panginoon. Punan ng tamang pang-ukol.1. Dinampot ______Abet ang mga tuyong dahon upang gawing pataba sa mga halaman.2. Malaki ang pag-asa _____ Matilde, Lumeng, at Tomas na muli nilang makikita ang kanilang nawawalang kapatid.3. Iniabot _____ Mayor Panganiban ang kaniyang tulong sa mga namatayan niyang kababayan.4. Hinihikayat _____ Direktor Angela de Guzman ang lahat ng empleyado na magtanim ng mga gulay sa paligid ng kanilang opisina.5. Ikinagulat ______ Ed, Cynthia, Vicky, at Amcy ang pagkakatalaga kay Koko bilang bagong pinuno. 399
A. Lagyan ng angkop na pang-ukol ang pangungusap tungkol sa larawan. 1. Niyaya ____ Mang Kanor sina Mang Abel at Mang Caloy na dumalo sa pagpupulong ng barangay. 2. Tinulungan ______ Lola Ising si Lola Bising na maalala ang kaniyang hinahanap. 3. Pinakinggan ____ Ben ang kaniyang kakambal na si Bert sa pagbabasa ng aklat. 4. Pinaalalahanan ____ Harmi si Amcy sa kanilang takda. 5. Pinaiyak ____ Ali ang batang lalaki.B. Gamitin ang ni at nina sa sariling pangungusap. 400
Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa isang tao. Samantalang ang nina ay ginagamit kung ang isang bagay o kilos ay ginawa o para sa dalawa o mahigit pang tiyak na tao. Punan ng angkop na pang-ukol ang bawatpatlang upang mabuo ang diwa ng talata. Maagang gumising ang mag-anak na Lopez.Agad-agad na tinungo ___ Gng. Lopez ang kusina atipinagluto ng agahan ang kaniyang pamilya.Samantala, si G. Lopez naman at ang tatlo nilanganak na sina Roy, Phoebe, at Ivy ay nag-ayos ngkanilang mga pinaghigaan. Pagkatapos, kinuha ___ Ivy at Phoebe ang walisat bunot at agad na nagsimulang maglinis ngbahay. Pinuno naman ___ Roy ng tubig ang mgabalde. Ikinatuwa ___ G. at Gng. Lopez angkasipagan ng mga anak. Nang matapos ang mga gawaing bahay aynagyaya ang mag-asawa na mamasyal sa mall.Subalit hindi gusto ___ Ivy at Roy sa mall. Mas ibignilang mamasyal sa tabing-ilog dahil sariwa anghangin dito. Pinagbigyan ____ G. at Gng. Lopez anggusto ng dalawang anak. Ginusto na rin ___ Phoebena sumama sa tabing-ilog. 401
Blk. 1 Lot 7 Villa Concepcion I Lungsod ng Marikina Agosto 20, 2012Mahal kong Lucy, Kumusta ka, aking kaibigan? Alam mo, Lucy, natutuwa ako kasi pinuriako ni Gng. Cruz, ang aking homeroomadviser, dahil mataas ang grado ko sapagsusulit. Sumang-ayon din si Bb. Roman,guro ko naman sa Matematika. Baka raw sasusunod na taon kapag nasa ikatlong baitangna ako ay nasa Pangkat 1 na ako. Darating nga pala sa paaralan namin siKong. Delfin Bendal, makakasama namin siyasa Araw ng Pagbasa. Darating din si Pang. Noynoy at mgaMuslim na mag-aaaral mula sa Mindanaopara sa sabay-sabay na pagbasa. Abangan mo sa telebisyon ang amingpagbabasa, ha. Tiyak, isa itong karanasan nahindi ko malilimutan. Ang iyong kaibigan, Loradel 402
• Sino ang sumulat ng liham?• Sino ang sinulatan?• Saan nagmula ang liham?• Ano ang nilalaman ng liham?• Paano sinimulan ang liham?• Paano ito tinapos?• Hanapin ang mga salitang dinaglat.• Paano mo ito babasahin?• Bakit natin dinadaglat ang mga ito? Ipadama natin nang lubos ang pagmamahalat pag-alala sa ating mga mahal sa buhay.Gamitin sa sariling pangungusap.- Bb. - Peb.- Dr. - Ave.- Gng. - G.- Brgy. - Pang. 403
A. Daglatin.Ginang D Doktor Kapitan BaranggayGinoo Kagawad Pebrero AvenueBinibini Kongresista BlockMisis PanguloMister NobyembreB. Isulat ang tsek (√) sa patlang kung ang salita ay bahagi ng liham pangkaibigan at ekis (X) kung hindi.___ a. petsa ____ h. pamuhatan___ b. kuwaderno ____ i. koreo___ c. pasyalan ____ j. lagda___ d. bating panimula ____ k. talata___ e. bating pangwakas ____ l. pangungusap___ f. papel ____ m. tao___ g. katawan ng liham ____ n. kaibigan• Ang pagdadaglat ay isang paraan ng pagpapaikli ng mga salita. Ginagamit ang tuldok pagkatapos paikliin ang salita. 404
• Ang liham pangkaibigan ay may iba’t ibang bahagi. Sa pamuhatan makikita ang petsa at tirahan ng sumulat. Sa bating panimula naman makikita ang pangalan ng sinulatan. Sa katawan ng liham mababasa ang nilalaman o mensahe na nais iparating ng sumulat. Ito ay nagtatapos sa bating pangwakas at pangalan o lagda ng sumulat. Sumulat ng isang liham pangkaibigan. Isulat ang sagot sa tanong sa paraang kabit-kabit. Bakit tayo sumusulat ng isang liham? 405
Aralin 3: Karapatan Mo, Igagalang Ko Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod napangungusap. 1. Ang kay at kina ay mga pang-ukol. 2. Ang kay ay ginagamit sa isang tao. 3. Ang kina ay ginagamit sa dalawa o higit pang bilang ng tao. 4. May mga salitang kilos na ginagamit bilang pangngalan. 5. Ang salitang pagsasayaw ay salitang kilos. 6. Ang salitang pagmamahal ay hindi nagpapakita ng kilos. 7. May iba’t ibang paraan sa pagbuo ng mga bagong salita. 8. Ang pangungusap na nagsasalaysay ay nagkukuwento ng mga pangyayari. 9. Mahalaga ang pagkuha ng mga impormasyon sa binasa. 10. Mababago ang kahulugan ng salita kapag napalitan ang isang tunog nito. 406
Narito ang isang patalastas. Karapatan Ay IgalangBunso: Inay! Ano po ba ang kahulugan ngNanay: karapatan? Narinig ko kina Ma’am Sol atAte: Sir Daniel, may karapatan daw po ang bawat bata.Tatay: Tama iyon, anak. Ang karapatan ay dapat tinatamasa. Karapatan ng bata na maranasan ang pangangalaga at pagmamahal ng mga magulang, mapag- aral, at mabigyan ng disenteng tirahan. Tama, Inay! Ayon naman kay Titser Marissa, kalakip daw ng karapatan ang responsibilidad at paggalang sa karapatan ng kapwa. Kung may karapatan tayo, may karapatan din ang kapwa natin na dapat igalang. Magaling! Nakikinig ka talaga sa guro mo. Nagmana ka kina Lolo at Lola mo, a! 407
Ate: Opo, ‘Tay, matalino yata ito. Nagmana kina Lolo at Lola, at sa inyo rin ni Nanay.Tatay: Tandaan ninyo, mga anak, kung karapatan ninyong mabigyan ng disenteng tirahan, pagmamahal at edukasyon, obligasyon at responsibilidad din ninyong igalang kami bilang mga magulang.Bunso at Ate: Opo, Tay, Nay! Makaaasa po kayo, igagalang namin kayo! Bawat tao ay may karapatan, responsibilidad,at pananagutan. Ang infomercial na ito ay hatid sa inyo ngHuman Rights Commission at ng himpilang ito. • Ano ang tinalakay sa patalastas? • Ano-ano ang karapatan ng mga bata? • Ano ang kaakibat ng karapatan? • Paano natin maipakikita ang paggalang sa karapatan? • Ano-anong salita ang nagpakita ng kilos? • Paano ito ginamit sa pangungusap? • Ano ang tawag sa mga salitang ito? Dapat nating igalang ang karapatan ng bawatisa. 408
Gamit ang dayagram, ibuod ang informercial sa sariling pananalita. Itala ang ilang impormasyon na napakingganmo sa patalastas sa radyo o sa telebisyon. May mga pandiwang ginagamit bilang pangngalan sa pangungusap. Ito ang siyang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. 409
A. Tukuyin ang mga pandiwa na ginamit bilang pangngalan sa pangungusap.1. Ang paglalakad ay isang mabuting ehersisyo.2. Ang pagdarasal ay isang magandang gawain.3. Ang labis na panonood ng telebisyon ay masama sa kalusugan.4. Ang pagpapasalamat ay dapat nating inuugali.5. Ang paglilinis ng paligid ay nakatutulong para mawala ang mga lamok na nagdadala ng sakit.B. Magsalaysay ng isang karanasan na napakinggan mula sa kaklase tungkol sa paggalang niya sa kaniyang magulang o sa nakatatanda sa kaniya. Pangulong Corazon C. Aquino 1 Si Corazon C. Aquino ay ika-11Pangulo ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang babaeng namuno sabansa. Siya ay mas kilala sa tawagna “Tita Cory.” 2 Ipinanganak siya noong ika-25ng Enero, 1933. Napangasawa niya si dating 410
Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at biniyayaansila ng limang anak na sina Balsy, Viel, Pinky, Noynoy,at Kris. 3 Isinulong ni Tita Cory ang “ComprehensiveAgrarian Reform Program” na nagbibigay ng lupa samahihirap na magsasaka. Itinaguyod din niya angpagiging maka-Diyos ng mga Pilipino. Ipinakita niyaito sa pamamagitan ng pagiging madasalin atmadalas na paglapit sa Diyos. 4 Higit sa lahat, siya ang naging daan upangmaibalik ang kalayaan ng mga Pilipino na magsalitaat maipahayag ang kanilang damdamin. Dahil dito,naging simbulo ni Tita Cory ang dilaw na laso natanda rin ng kalayaan. 5 Si Tita Cory ay tinaguriang “Ina ngDemokrasya” sa bansa. Ang kaniyang mga nagawaay nagpapakita na siya ay isang babaeng uliran,may kakayahan, at karapat-dapat na igalang. • Paano inilarawan ang dating pangulo ng bansa? • Bakit siya minahal ng mga Pilipino? • Paano mo siya tutularan? • Ano-anong impormasyon ang nakuha mo sa teksto? 411
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304