Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore MUSIKA 5

MUSIKA 5

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-28 22:33:13

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

Tingnan mo ang unang parirala. Ano ang pagitan ng dalawang notangmagkasunod? Ang dapat masagot mo ay una (prime).Halimbawa: Ipagpatuloy mo ang pagsusuri hanggang sa ikaapat na parirala. Maghanap ka naman ng mga notang may pagitan na una (prime),ikalawa (second), ikatlo (thirds), at ikaapat (fourths).Iguhit mo sa iyong papel at lagyan mo ng bilangHalimbawa: 1234

SUBUKIN MO Awitin mo ang “The Clown”. Tukuyin mo ang mga pagitan ng mga tonongbumubuo sa awit. Nabilang mo ba nang wasto ang mga pagitan ng mga tono?

TANDAAN MO Ang mga notang bumubuo ng isang himig ay may iba ibang pagitan. Ito ay maaaring una, ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, o oktaba.PAGPAPAHALAGA Isulat mo sa iyong papel ang pagitan ng mga sumusunod na mga tono o nota. 1. 2. 3. 4. 5.

Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.

MUSIKA Ikalimang Baitang Modyul 10 PAGITANG “IKATLO” AT “IKALIMA” ALAMIN MO Ang isang awit ay binubuo ng mga notang may iba’t ibang pagitan. Sa modyul na ito makaawit ka ng awiting may mga tonong ikatlo atikalima ang pagitan. PAGBALIK-ARALAN MO Isulat mo sa iyong papel ang pagitan ng mga tonong sumusunod. 1. 2. 3. 4. 5. Natukoy mo ba ang pagitan ng mga tono? PAG-ARALAN MO1. Awitin mo ang “Lightly Row” habang sinasabayan ng kilos ng kamay sa pagpapakita ng direksyon ng himig.

Halimbawa:2. Narito ang notasyon ng awit. Suriin mo ang mga pagitan ng mga notang ginagamit sa awit. Magsimula ka sa unang parirala hanggang matapos ang huling parirala. Maghanap ka ng mga tonong ikatlo ang pagitan. Ganito ang pagbilang. 123 Natukoy mo ba ang mga tanong may pagitang ikatlo?

Maghanap ka rin ng mga tonong ikalima ang pagitan. Halimbawa: 1 23453. Awitin muli ang “Lightly Row” at damhin mo ang pagitan ng mga tono nito. Naawit mo ba nang wasto ang pagitan ng mga tono? TANDAAN MO May iba ibang pagitan ang mga tonong bumubuo ng isang awit. May mga awit na mga ikatlo at ikalima ang karaniwang pagitan ng mgatono. Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

MUSIKA Ikalimang Baitang Modyul 11 PAGITANG “OKTABA” ALAMIN MO Napag-aralan mo ang iba’t ibang pagitan ng mga tono. Ito ang mgapagitang una, ikalawa, ikatlo, ikaapat at ikalima. Alam mo ba na may mga tonong mas malawak ang pagitan tulad nito? Ang tawag sa pagitang ito ay “Oktaba” Sa modyul na ito makikilala mo at matutukoy ang pagitang “Oktaba”. PAGBALIK-ARALAN MO Ang mga sumusunod na hulwarang pang-melodiya ay hango sa mgaawiting natutuhan mo. Tukuyin mo ang pagitan ng mga nota sa pamamagitan ng pagbilang ngmga guhit at puwang. 1. Ambo Hato

2. Santa Clara Natukoy mo ba ang mga pagitan ng mga tono? PAG-ARALAN MO1. Nakilala mo ang iba’t ibang pagitan tulad ng una, ikalawa, ikatlo, ikaapat at ikalima. May mga tono na mas malawak ang pagitan na tulad nito. 1 234 5 67 8 Ang pagitan ng mga tono ay ikawalo. Oktaba ang tawag sa pagitan na ito.2. Ang awit na “Dandansoy” ay may pagitan oktaba sa mga tono nito. Awitin mo habang iginuguhit mo sa hangin ang direksyon ng himig. Halimbawa:

3. Narito ang notasyon ng awit. Pansinin mo ang pagitan ng mga tono sa linguhit. Iba-iba ang pagitan. Tumutok ka sa unang parirala. May napansin ka bang malawak ang agwat o pagitan? Bilangin mo ang limguhit at isulat ang bilang. Ilan ang pagitan? Ano ang tawag dito? Subukan mong awitin ang mga tono. Halimbawa: mi mi Tukuyin mo na rin ang mga ibang pagitan sa awit.

TANDAAN MO May mga tonong may walo (8) ang pagitan. Ang tawag dito ay oktaba.PAGPAPAHALAGA Alin ang may pagitang oktaba sa mga sumusunod? Isulat mo sa iyong papel ang sagot. Natukoy mo ba ang mga tonong oktaba ang pagitan?

Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.

MUSIKA Ikalimang Baitang Modyul 12 TUNUGANG “C” ALAMIN MO Ang mga awit ay nakasulat sa iba’t ibang tunugan. Ang isang awit o tugtugin ay nasa tunugang “C” kung ito ay gumagamit ngiskalang Mayor na nagsisimula sa “C” o DO. Ito ang iskala ng tunugang “C”. do re mi fa so la ti do Sa modyul na ito matututuhan mo ang pagbasa at ang pag-awit ng mganota sa tunugang “C”. PAGBALIK-ARALAN MO Ang iskala sa tunugang “C” ay gumagamit ng iskalang Mayor. Ito aymagkakasunod na nota sa linguhit simula sa do. Halimbawa: do re mi fa so la ti do

Anu-ano ang mga tono o notang bumubuo sa iskala ng tunugang “C”? Ang iskala sa tunugang “C” ay nagsisimula sa “C” o do. Awitin mo nang pataas pababa ang mga nota sa pamamagitan ng so-fasilaba. do re mi fa so la ti do ti la so fa mi re do Sa anong tono nagsisimula at nagtatapos ang iskala? PAG-ARALAN MO Pag-aralan mo ngayon ang pagbasa sa notasyon ng isang awit nanakasulat sa tunugang “C”. Awitin muli ang “To The Falls of Pagsanjan”. Heto ang notasyon ng awit.

Pansinin mo ang notasyon. Ito ay walang simbolong sustinido (# sharp) obismol (b flat) sa unahan nito. Ito ay palatandaan na ito ay nasa tunugang C. Pag-aralan mong basahin ang mga notang bumubuo sa notasyon. Magsanay muna sa pagbasa/pag-awit sa isakala ng tunugang “C”.do re mi fa so la ti doSubukan mong basahin/awitin ang mga nota. Sa unang parirala.3 la so4 so do ti laIkalawang pariralami so fa re la so

Ikatlong pariralaso do ti la la soIkaapat na pariralaso so la ti doNaawit mo ba sa tamang tono ang mga notang nasa tonogang “C”?SUBUKIN MOKopyahin mo sa iyong papel ang mga hulwarang himig na sumusunod.Isulat mo ang so-fa silaba ng mga nota.Halimbawa. do re mi fa so so soItuloy mo.1.

2. TANDAAN MO Ang iskala sa tunugang “C” ay binubuo ng mga nota sa iskalang Mayor.Ito ay nagsisimula sa DO at nagtatapos sa DO.

Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.

MUSIKA Ikalimang Baitang Modyul 13 MGA PARIRALANG PANGHIMIG AT PANRITMO ALAMIN MO Ang mga pariralang bumubuo ng isang awit o tugtugin ang siyangnaglalarawan sa anyo nito. Kung paghahambingin ang mga parirala, mapapansin na may mgapariralang magkatulad, di-magkatulad o magkahawig sa himig. Mayroon dingmga pariralang magkatulad, di-magkatulad o magkahawig sa ritmo PAGBALIK-ARALAN MO Narito ang awit na “Paper Boats”

1. Awitin muli ang awit habang ipinapalakpak ang ritmo nito. 2. Ilan ang pariralang bumubuo sa awit? 3. Ipalakpak ang ritmo ng una at ikalawang parirala. Magkatulad ba sila o di-magkatulad? Ipalakpak din ang ikatlong parirala. Anong masabi mo? 4. Ipalakpak ang ikaapat na parirala. Ang ritmo ba nito ay katulad din ng una, ikalawa at ikatlong parirala? 5. Anong masasabi mo sa pariralang bumubuo ng isang awit? PAG-ARALAN MOA. 1. Awitin muli ang “Paper Boats” habang gumuguhit ng arko sa hangin tulad nito. Sail paper boats, over the sea. Sail, sail away happy ang free. Sail paper boats, under the sky. Sail while the stars are all watching by. Ilan ang parirala ng awit? Ang bawat parirala ay mga ngalan titik na A, B, C, D. 2. Tumingin sa notasyon habang umaawit. Awitin ang pariralang A at B. Magkatulad ba sila o di-magkatulad? 3. Awitin ang A at C. Anong masasabi mo? 4. Awitin naman ang B at C. Anong masasabi mo? 5. Ipagpatuloy ang pag-awit at paghahambingin ang himig ng A at D; C at D; at B at D.B. Anong masasabi mo sa mga pariralang panghimig ng isang awit?

SUBUKIN MO Awitin muli ang awiting sumusunod. 1. Ilan ang pariralang bumubuo sa awit? Anong masasabi sa himig ng mga parirala? Magkatulad ba sila o makahawig? 2. Ipalakpak ang ritmong hulwaran ng una at ikalawang parirala. Paano mo naman paghahambingin ang mga ito? Magkatulad ba sila o di-magkatulad? TANDAAN MO Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng mga pariralang panritmo atpanghimig. Ito ay maaaring magkatulad, di-magkatulad o magkahawig.

Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.

MUSIKA Ikalimang Baitang Modyul 14 MGA HULWARANG INUULIT ALAMIN MO Napag-aralan mo na ang mga pariralang panghimig at panritmongbumubuo sa isang awit ay maaaring magkatulad, di-magkatulad o makahawig. Ang mga hulwarang panghimig ay maaari ring inuulit sa mas mataas o samas mababang himig. Halimbawa: Ang unang parirala ay inuulit sa ikalawa ngunit ito ay nasa mas mababanghimig.PAGBALIK-ARALAN MO1. Awitin mo ang “Tayo ay Mag-aliw” habang sumasayaw. Tumawag ka ngilang mga kaklase.a. Ngayon, awitin at gumuhit ka ng bilog o bulaklak sa iyong papelpagkatapos ng bawa’t parirala. Ilang o ang naiguhit mo?Ilan ang parirala ng awit?

b. Ngayon, awitin muli at habang umaawit ay gumuhit ka ng bilog o bulaklak sa iyong papel pagkatapos ng bawa’t parirala Halimbawa: Tayo ay mag-aliw, tayo ay mag-libang, Ang hirap at lungkot, ating kalimutan; Sa buhay na ito dapat na magsaya Huwag mawawala ang ating pag-asa. Ilang bilog ang nagawa mo? Ilan ang parirala ng awit?c. Narito ang notasyon ng awit.

2. Awitin muli ang mga parirala. Bigyan mo ng pangalan titik na A, B, C, D. Suriin mo ang awit. Pagtuunan mo ng pansin ang bawa’t pariralang panritmo. Anong masasabi mo sa mga pariralang panritmo. Anong masasabi mo sa mga pariralang A, B, C, Ipalakpak mo ang ritmo. Ipalakpak mo rin ang D. Anong masasabi mo? May katulad ba siyang hulwaran? PAG-ARALAN MO1. Narito ang mga so-fa silaba ng awit. Awitin mo.

2. Awitin ang pariralang A at C. Pansinin mo na ang hulwarang himig ng pariralang A ay inuulit sa mas mababang himig sa pariralang C. Ang pariralang A ay nagsisimula sa tonong fa3. Awitin muli ang mga parirala. SUBUKIN MONarito ang notasyon ng “Tiririt ng Maya”Awitin mo.

1. Ilan ang pariralang bumubuo sa awit?2. Hanapin mo ang pariralang inuulit sa mas mababang himig. Awitin mo ang parirala. Naawit mo ba nang wasto? TANDAAN MO Ang pariralang panghimig na bumubuo sa isang awit magkatulad, di-magkatulad o magkahawig. Mayroon ding hulwarang inuulit sa mas mataas omas mababang himig. PAGTATAYA1. Aling hulwarang himig ang inuulit sa mas mababang himig?2. Aling hulwarang himig ang inuulit sa mas mataas na himig?

Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.

MUSIKA Ikalimang Baitang Modyul 15 IBA’T IBANG TIMBRE NG TINIG ALAMIN MO Ang mga tao, lalaki man o babae ay may tiyak na tinig. Ang tinig panlalakiay mas mababa kaysa sa tinig panbabae. Sa pag-awit, ang mga babae ay may dalawang uri ng tinig tulad ng: Soprano – mataas na tinig ng babae Alto – mababang tinig ng babae Ang mga lalaki ay may dalawang uri rin ng tinig gaya ng: Tenor – mataas na tinig ng lalaki Bass o Baho – mababang tinig ng lalaki PAG-ARALAN MO Ikaw ba ay nakikinig ng mga awitin ng iba’t ibang mang-aawit sa radio osa telebisyon? Iba-iba ang uri ng kanilang tinig.1. a. Kung ang tinig ng babae ay magaan at matinis lalo na kung matataas ang mga tono, ito ay SOPRANO. Narinig mo na ba ang tinig ni Regine Velasquez? - Ito ay SOPRANO dahil ang tinig niya ay matinis at mataas. b. Kung ang tinig naman ng babae ay mababa at makapal, ito ay ALTO. Ang boses ni Nora Aunor ay mababa at makapal kaya ito ay ALTO

2. a. Ang tinig ng lalaki na mataas ay tinatawag na TENOR tulad ng boses ni Luciano Pavarotti. b. Kung ang tinig naman ng lalaki ay mababa, dumadagundong at makapangyarihan, ito ay tinatawag na BASS o BAHO. Halimbawa nito ang boses ni Nomer Son. TANDAAN MOAng uri ng tinig ay tinatawag na TIMBRE.Iba-iba ang uri ng tinig sa pag-awit ng lalaki at ng babae. 1. Ang tinig ng babae ay tinatawag na - SOPRANO – mataas - ALTO - mababa 2. Ang tinig ng lalaki ay tinatawag na - TENOR – mataas - BASS o BAHO - mababa PAGTATAYA Anong uri ng tinig ang mga sumusunod na mang-aawit? Kopyahin sapapel at isulat ang uri ng tinig.Mga Babae1. Sheryn Regis _______________2. Nora Aunor _______________3. Sarah Geronimo_______________4. French Dy _______________5. Dulce _______________6. Jaya _______________7. Rachel Ann Go _______________

Mga Lalaki1. Robert Sena _______________2. Nolyn Cabahug _______________3. Gary Valenciano_______________4. Diomedes Maturan_______________ Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

MUSIKA Ikalimang Baitang Modyul 16 MGA INSTRUMENTONG ETNIKO ALAMIN MO Ang mga intrumentog etniko ay ginagamit ng mga iba’t ibang katutubo nahanggang ngayon ay naninirahan pa sa mga kabundukan at sa mga liblib napook ng ating bansa. Sa modyul na ito, makikilala mo ang mga instrumentong etniko. PAG-ARALAN MO Ang mga instrumentong etniko na ginagamit sa musika ay napapangkatsa tatlong (3) uri ayon sa paraan ng pagtugtog. Ito ay ang intrumentongkinakalabit ang kwerdas, instrumentong hinihipo at instrumentongpinupukpok. Kung hinid pa ninyo kilala ang mga instrumentong etniko, ipakikita sa’yoang larawan ng bawa’t instrumento.A. Mga Instrumentong kinakalabit ang kwerdas. Ang mga instrumentong ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng pagkalabit ng kwerdas. Karamaihan sa mga instrumentong ito ay gawa sa kawayan o kahoy. Halimbawa: 1. Kudyapi – Ang Kudyapi ay may mahaba at malapad na katawan. Gawa ito sa kahoy at may hugis barako. Pinatutugtog ito tulad sa pagtugtog ng cello. Ito ay maikling piraso ng patpat sa ilalim ng nakatungkod sa sahig.

2. Buktot – ang buktot ay natatagpuan sa ilang bahagi ng kapuluan ng Bisaya. Ito aya isang uri ng gitara na may apat na kuwerdas. Ang kanyang katawan ay gawa sa bao ng niyog. 3. Kawayang Byulin – ang kawayang byulin, katulad ng hugis ng byulin ng Kanluranin, ay may tatlong kuwerdas na gawa sa abaka. Ang kuwerdas nito ay nakakabit sa dulo ng isang matulis na piraso ng kahoy, at nakataas sa pamamagitan ng tukod. Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng pahilis ng arko na gawa sa hibla ng abaka, at kasinghaba ito ng kawayang byulin. Dahil sa paghilis ng arko, ito ay nakakagawa ng mas mahabang tunog kaysa sa ibang uri ng gitara.B. Mga instrumentong hinihipan Ang instrumentong hinihipan ay kilala sa tawag na aerophones. Ito ay pinatutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip. Ang posisyon ng labi at dila ay nakatutulong sa pagpapalabas ng hangin na nakagagawa ng tunog. Karamihan sa mga intrumentong hinihipan ay katulad ng iba’t ibang uri ng plauta. Karamihan sa mga ito ay gawa sa kawayan. Naririto ang halimbawa ng mga instrumentong hinihipan: 1. Balinging – Ang balinging ay plautang gawa sa kawayan at hinihipan sa pamamagitan ng ilong. Ito ay may iba’t ibang laki at matatagpuan sa mga bulubundukin sa buong bansa. May apat na butas daliri (finger holes) ito at tinutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas naman ng ilong ay may takip na isang malambot na hibla ng gulay o kaya naman ay nakadikit sa plauta upang takpan ang butas ng plauta. Ang tunog ay mas manipis kaysa sa regular na plauta.

2. Diw-diw-as – ang diw-diw-as ay isang pan pipe. To ay binubuo ng limang maninipis na kawayan na may iba’t ibang haba at tinatalian tulad ng balsa. Ito ay tanyag sa mga Tingguian ng Abra. Hinihipan ng manunugtog ang mga butas nito na hindi sumasayad ang mga labi sa butas. Maganda at naiiba ang tunog nito.3. Tulali – ang tulali ay isang uri ng plauta na ginagamit sa Pangasinan. Ito ay isang vertical flute o kung tawagin ay patayong plauta na hinihipan sa isang dulo at may anim na butas para sa daliri. Ito ay may malamyos at maliwanag na tunog. Karaniwang pinatutugtog ito tuwing Biyernes Santo.4. Hinihipan din ang mga sumusunod:

C. Mga instrumentong pinupukpok Ang mga instrumentong etniko na pinupupok ay maaaring pinupukpok sa isa’t isa o pinupukpok ng parang martilyong yari sa kahoy. Ang ilang halimbawa ay ang sumusunod: 1. Gong – ito ay pinupukpok ng martilyong yari sa kahoy. Malakas ang tunog nito 2. Kalutang – ito ay yari sa kahoy at pinag-uumpog ang dalawa sa pagpapatunog ng ritmo. 3. Bunkaka – ang bunkaka ay instrumentong yari sa kawayan. Ang hugis nito ay tulad ng tirador. Ginagamit ito ng mga Tingguian ng Abra. Ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng pagpalo ng dulo nito sa palad. Hindi nagbabago ang tunog nito hanggang sa mawala. 4. Sulibaw – ang sulibaw ay isang manipis na tambol na yari sa kahoy na ginagamit ng mga Ibaloi at Igorot. Ito ay nababalutan ng balat ng baboy o balat ng butiki. Tinutugtog ito nang nakapatong sa kandungan ng manunugtog at pinapalo ng palad. Ang tono ay nagbabago kung dinidiinan ang katawan ng tambol.

5. Kulintang – ang kulintang ang pinakakilala sa lahat ng instrumentong pinupukpok. Ito ay gawa saw along gong na magkakasunod ang laki at nakaayos nang pahanay. Ang hugis bola na nasa gitna ng gong ay pinupukpok ng dalawang martilyong yari sa kahoy na hawak-hawak ng dalawang kamay. Nakagagawa ito ng tiyak na tunog batay sa iskalang pentatonic na may limang nota. Ang tunog ay karaniwang parang may takip at nanggagaling sa ilong. PAGTATAYASabihin kung paano pinatutunog ang mga sumusunod na instrumentong etniko. 1. diw-diw-as 2. gong 3. kulintang 4. bunkaka 5. suling

Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.

MUSIKA Ikalimang Baitang Modyul 17 DAYNAMIKS ALAMIN MO Ang mahina o malakas na pag-awit o pagtugtog ng isang komposisyon obahagi nito ay tinatawag na daynamiks. Mahalaga ang daynamiks sa pag-awitupang maipahiwatig ang damdamin ng awit. Sa modyul na ito, matutuhan mo ang iba’t ibang antas ng daynamiks. PAGBALIK-ARALAN MO Sa nakaraang baitang, natutuhan mo ang mga simbolong ”p” at “f” para samadamdaming pag-awit. 1. Narito ang awit na “Pilipinas Kong Mahal” Awitin mo ito.

2. Pansinin mo ang mga simbolong “p” at “f” na nakasulat sa itaas ng ilang bahagi ng awit. Anong ibig sabihin ng “p” at “f”.3. Awitin muli ang awit. Sundin mo ang “p” (mahina) at “f” (malakas) para sa madamdaming pag-awit. Anong masasabi mo sa iyong pag-awit? PAG-ARALAN MOA. Nakarinig ka na ba ng busina ng tren na paparating? Ano ang napapansin mo sa tunog nito? 1. Kapag malayo pa ang tren, mahina ang tunog nito ngunit habang lumalapit ang lumalakas ang tunog. Ganito ang larawan ng tunog. malayo papalapit o paparating(mahina) (papalakas o unit-unti ng lumalakas)Gumuhit ka sa papel na nagpapakita ng papalakas na tunog.Halimbawa:

2. Kapag papaalis ang tren, ganito naman ang tunog. malapit papalayo(malakas) (papahina o unti-unting humihina)Gumuhit ka sa papel na nagpapakita ng malakas na tunog na papahina.Halimbawa:B. Sa musika, may mga simbolong pandaynamiks na dapat sunding para sa madamdaming pag-aawit tulad ng sumusunod: crescendo (papalakas) decrescendo (papahina

SUBUKIN MONarito ang awit na “Ahay Tuburan”

1. Awitin ang “Ahay Tuburan”2. Upang maging madamdamin ang pag-awit, sundan ang mga simbolongpandaynamiks na at .Nakasunod ka ba sa papalakas at papahinang pag-awit?TANDAAN MOAng daynamiks ang nagbibigay damdamin sa pag-awit at pagtugtog. Kailangang sundin ang mga simbolo para sa daynamiks upang madamdaminang pag-awit.Halimbawa:p (piano) - mahinaf (forte) - malakas(crescendo) - papalakas(decrescendo) - papahinaPAGTATAYA Kapag makikinig ka sa isang awit o tugtugin sa inyong tahanan,pakinggan mo ang daynamiks ng mga ito. Damahin mo nang may kasiyahanang pakikinig sa madamdaming awit o tugtugin.
















Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook