Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Araling Panlipunan Grade 2

Araling Panlipunan Grade 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 19:15:27

Description: Araling Panlipunan Grade 2

Search

Read the Text Version

Mahal na Mag-aaral, Ang Modyul na ito ay inilaan para sa mga batangmag-aaral sa IKALAWANG BAITANG. Ang mga aralin ayibinatay sa mga kasanayang nakapaloob sa bagong Kto 12 Basic Education Curriculum ng Kagawaran ngEdukasyon. Inaasahang ang modyul na ito ay magsisilbingdaan upang mapaunlad ang iyong kamalayan,mapalawak ang pag-unawa sa kapaligiran atmapayaman ang pagpapahalaga sa kasalukuyan atnakaraan ng kinabibilangang komunidad gamit angkonsepto ng pagpapatuloy at pagbabago,interaksyon, kasaysayan, mga simpleng konseptongheograpikal tulad ng lokasyon at pinagkukunangyaman at ang mga saksi ng kasaysayan tulad ngtradisyong oral at mga labi ng kasaysayan. Ang mga inilaang gawain sa bawat aralin aynaaayon sa iyong kakayahan at mga karanasan.Sadyang ginawang kawili-wili at may pagkamalikhainang mga gawain upang mapukaw at mapataas angiyong isip at damdamin sa bawat paksang tinatalakay.Katulong mo ang iyong guro sa pagtuklas ng mgabagong kaalaman at paglinang ng mga kasanayanna magagamit sa pang-araw-araw na buhay. Hangad namin na maisagawa at maipakita mo angtunay na pagpapahalaga sa Diyos, sa tao, sa kalikasanat sa bansa. Maligayang paglalakbay sa iba-ibang komunidad. Nagmamahal, Kagawaran ng Edukasyon iii

Mga Nilalaman Ikatlong Yunit: BUHAY KOMUNIDAD: Hanapbuhay at Pamumuno Modyul 5: Mga Hanapbuhay sa Komunidad .................................................. 143 Aralin 5.1. Mga Likas na Yaman sa Aking Komunidad .............................................. 146 Aralin 5.2. Mga Hanapbuhay sa Aking Komunidad .............................................. 152 Aralin 5.3. Mga Produkto sa Aking Komunidad .............................................. 162 Aralin 5.4. Ang Pamumuhay sa Komunidad .............................................. 169 Modyul 6: Pinuno at Pamumuno sa Komunidad .................................................. 177 Aralin 6.1. Pinuno at Pamumuno sa Komunidad .............................................. 179 Aralin 6.2. Paglilingkod sa Komunidad ..... 187 Aralin 6.3. Epekto ng Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad ................... 196 Ikatlong Markahang Pagsusulit .................... 204 iv

143

Ang yunit na ito ay naglalaman ng kamalayan at pag-unawa sa konsepto ng hanapbuhay, pamumuno, paglilingkod at pamumuhay sa komunidad. Ito ay nahahati sa dalawang (2) modyul: Modyul 5 – Mga Hanapbuhay at Pamumhay sa Komunidad Modyul 6 – Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad Sa yunit na ito, inaasahang maipamamalasng mag-aaral ang: • pag-unawa sa konsepto ng likas na yaman; • pagtukoy at paglalarawan sa iba-ibang uri ng likas na yaman: yamang lupa at yamang tubig • pagtukoy at pagkilala sa mga produktong galing sa likas na yaman ng komunidad at iba pang pinanggagalingan nito; • pag-unawasa konsepto ng hanapbuhay; • pagtukoy at paglalarawan sa uri ng hanapbuhay ng mga tao sa komunidad; • pag-uugnay ng uri ng hanapbuhay sa kapaligiran ng komunidad; - panahon - lokasyon - likas na yaman 144

• pagtukoy at pagtalakay sa epekto ng hanapbuhay sa pangangailangan ng pamilya at komunidad;• pagbibigay-kahulugan sa badyet;• paggawa ng simpleng badyet ng• mag-aaral para sa isang araw base sa kanyang baon;• pagbuo ng paglalahat tungkol sa kahalagahan ng hanapbuhay;• pag-unawa sa konsepto ng pinuno at pamumuno;• pagtukoy at pagkilala sa mga pinuno ng komunidad at kanilang tungkulin;• paglalarawan sa karapat-dapat na katangian ng isang pinuno;• pag-unawasa konsepto ng paglilingkod;• pag-uugnay ng konsepto ng pamumuno at paglilingkod sa tao at komunidad;• pagbibigay-halaga sa pamumuno bilang paglilingkod sa tao at komunidad; at• pagbibigay ng mungkahi na maaaring gawin upang palakasin ang tama, maayos at makatuwirang pamumuno. 145

146

Ang modyul na ito ay naglalamanng mga kasanayan, kamalayan, pag-unawaat pagpapahalaga sa hanapbuhay atproduktong nagpapakilala sa komunidadgamit ang konsepto ng likas na yaman. Ito ay nahahati sa apat na (4) aralin: Aralin 5.1: Mga Likas na Yaman sa Aking Komunidad Aralin 5.2: Mga Hanapbuhay sa Aking Komunidad Aralin 5.3: Mga Produkto sa Aking Komunidad Aralin 5.4: Ang Pamumuhay sa Komunidad Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: • mauunawaan ang kahulugan ng likas na yaman; • matutukoy at mailalarawanang iba- ibang uri ng likas na yaman; - yamang lupa - yamang tubig 147

• matutukoy at mailalarawanang mga produktong galing sa likas na yaman ng komunidad at iba pang pinanggagalingan nito;• mauunawaan ang kahulugan ng hanapbuhay;• matutukoy at mailalarawanang uri ng hanapbuhay ng mga tao sa komunidad• maiuugnay ang uri ng hanapbuhay sa kapaligiran ng komunidad; - panahon - lokasyon - likas na yaman• matutukoy ang epekto ng hanapbuhay sa pangangailangan ng pamilya at komunidad;• maibibigay ang kahulugan ng badyet• makagagawa ng simpleng badyet ng mag-aaral sa isang araw base sa kanyang baon; at• makabubuo ng paglalahat tungkol sa kahalagahan ng hanapbuhay. 148

Mga Likas na Yaman sa Aking Komunidad Sagana sa likas na yaman ang bawatkomunidad.Dito nakasalalay ang uri nghanapbuhay ng mga tao. Ito rin angpinanggagalingan ng mga produkto ngkomunidad. Sa wastong paggamit nito nakasalalayang pag-unlad ng tao at ng lugar. Kaya dapatnating pag-ingatan ang paggamit nito. Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang: 1. mabibigyang-kahulugan ang salitang likas na yaman; 2. matutukoy ang iba-ibang uri ng likas na yaman: 2.1 yamang lupa; 2.2 yamang tubig; 3. matutukoy ang mga yamang nakukuha sa anyong lupa at anyong tubig; 4. maiisa-isa ang mga likas na yamang nagpapakilala sa komunidad; at 5. maipakikita ang pagpapahalaga sa mga likas na yamang nagpapakilala sa komunidad sa malikhaing paraan. 149

Paano mo ipinakikita Alam mo ba kungang ano ang kahuluganpagpapahalaga sa ng likas na yaman?likas na yaman? Ano-ano ang yamang nakukuha mula sa likas na yaman ng iyong komunidad?Basahin: Maraming biyaya ang Diyos sa atingkomunidad. Ang lupa, gubat, mineral attubig ay mga likas na yaman na kaloob ngDiyos sa atin. Ang likas na yaman ay mga bagay nanagmumula sa kalikasan tulad ng lupa,kabundukan, kagubatan, karagatan, mga ilogat lawa maging ang mga deposito ng mineral.Ang mga ito ay tinatawag na kayamanangmana ng bansa. Dalawa sa ating likas na yaman ay makikita samga anyong lupa at anyong tubig. Ang mgabagay na nakukuha sa mga anyong lupa aytinatawag na yamang lupa. Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyongtubig ay tinatawag na yamang tubig. 150

Pagmasdan ang mga nasa larawan. Alin sa mga larawan sa kahon ang yamanglupa? Kulayan ng dilaw ang mga ito.Alin sa mgalarawan ang mga yamang tubig? Kulayan angmga itong asul.Sagutin: 1. Ano ang kahulugan ng likas na yaman? 2. Ano ang tawag sa mga bagay na nakukuha sa mga anyong lupa? sa anyong tubig? 3. Ano-anong anyong lupa mayroon sa iyong kumunidad? Anong yaman ang nakukuha rito? 4. Ano-anong anyong tubig mayroon sa iyong komunidad? Anong yaman ang nakukuha rito? 5. Paano pinangangalagaan ng iyong komunidad ang mga anyong lupa at anyong tubig? 151

A. Iguhit sa papel ang mga yamang lupa at yamang tubig na nakukuha sa iyong komunidad. Kulayan.B. Pagsama-samahin sa isang manila paper upang makagawa ng isang malaking collage. Ipaskil sa bulletin board.C. Gumawa ng poster tungkol sa pangangalaga ng mga yamang tubig. Lagyan ito ng pamagat.D. Gumawa ng isang babala tungkol sa pangangalaga sa mga yamang lupa. Isulat sa cartolina. Idikit sa mga daanang lugar upang mabasa ng mga mag-aaral. 152

 Sagana sa yamang lupa at yamang tubig ang bawat komunidad. May iba-ibang anyong lupa at anyong tubig na pinagkukunang yaman ng bawat komunidad. Mahalaga ang mga yamang lupa at yamang tubig kaya’t dapat pangalagaan. Ang mga ito ang pangunahing pinagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan ng mga naninirahan sa komunidad upang mabuhay.A. Isulat ang Yl kung yamang lupa at Yt kungyamang tubig.1. isda 6. punongkahoy2. palay 7. kabibe3. hipon 8. prutas4. bulaklak 9. perlas5. hipon 10.ibon 153

B. Isulat ang T kung nagsasaad ng pangangalaga sa yamang tubig at L kung nagsasaad ng pangangalaga sa yamang lupa.1. paglilinis ng mga kanal2. pagtatanim ng mga puno sa tabi ng ilog3. paglalagay ng basura sa tamang lalagyan4. paggamit ng lambat na may malalaking butas5. pagpapanatili ng kalinisan ng mga ilog at dagat6. pagtatanim ng mga puno sa dalisdis o gilid ng bundok7. pag-iwas sa paggamit ng dinamita o paputok sa paghuli ng isda8. hindi pagputol ng mga punongkahoy nang walang kapalit at pahintulot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)9. pagbabawal sa pagsusunog o pagkakaingin sa mga kagubatan at kabundukan10. pagbabaon ng mga bagay na madaling mabulok at matunaw bilang pataba sa lupa at halaman 154

Ang hanapbuhay ay isa sapinakamahalagang aspeto ng isang komunidad.Ang kinikita sa paghahanapbuhay angtumutugon sa pangunahing pangangailanganng pamilya. Dito rin nakasalalay ang ikabubuhayat ikauunlad nila. Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang: 1. mabibigyang-kahulugan ang salitang “hanapbuhay”; 2. matutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad; 3. maiuugnay ang uri ng hanapbuhay sa kapaligiran: • panahon; • lokasyon; at • likas na yaman; 4. makapangangalap ng kuwento tungkol sa karanasan ng isang taong may hanapbuhay; at 5. maipaliliwanag ang epekto ng hanapbuhay o kawalan ng hanapbuhay sa pamilya at komunidad 155

Mahalaga ba ang mga hanapbuhay na ito? Alam mo ba kung ano-anong uri ng hanapbuhay mayroon sa iyong komunidad?Basahin: Hanapbuhay sa Komunidad Mga karaniwang hanapbuhay ng mga tao sakomunidad: Pangingisda ang isa sa mga pangunahing hanapbuhay sa komunidad na malapit sa dagat at lawa. Kaugnay nito ang pagdadaing, pagtitinapa at pagbabagoong ng mga nahuling isda. 156

Pagsasaka ang angkop na hanapbuhay sa komunidad na may malawak na sakahan. Kaugnay nito pagtatanim ng palay at mga gulay na siyang iniluluwas sa mga kabayanan at pamilihan. Ang pagkakarpintero ay isa rin sa mga hanapbuhay sa komunidad. Sila ang gumagawa ng mga bahay, upuan, mesa at iba pang kagamitang yari sa kahoy.Ang pagtuturo ay isa ringhanapbuhay sakomunidad. Ang mgaguro ang siyangnagtuturo sa mga mag-aaral sa paaralan. 157

Ang pananahi ay isa rin sa hanapbuhay sa komunidad. Ang sastre ang nananahi ng mga kasuotang panlalaki. Ang modista naman ang tumatahi ng mga kasuotang pambabae.Ang paggawa ng tinapayay isa rin sa pinagkikitaansa komunidad. Ang paghahayupan ay mainam ring hanapbuhay sa komunidad. May mga nagmamanukan at babuyan. Mayroon ding bakahan, at itikan.Isa rin sa mga hanapbuhayang pagiging “domestichelper” o kasambahay saibang bansa. Tinatawag dinsilang Overseas FilipinoWorker (OFW). 158

May mga pagkakataon na ang katangiangpisikal ng isang komunidad ay iniuugnay sapamumuhay at hanapbuhay ng mga tao. Iba-ibang paraan ang ginagawang pag-aangkop ngtao sa kaniyang kapaligiran at hanapbuhay. Ang hanapbuhay ng mga tao sapamayanangurban o lungsod at bayan ay karaniwang samga pabrika, opisinao maaaring sa sarilingtahanan lamang. Ang mga naninirahan sa alin mang komunidaday gumagawa ng paraan upang makiayon sakalagayan ng kanilang komunidad. Ang pag-aangkop na ito ay hindi lamang sapaghahanapbuhay. Kasama rito ang pag-aangkop ng tirahan, pananamit, pananim at mgagawain. Anumang uri ng hanapbuhay opagkakakitaan kung ito ay marangal, dapat itongipagmalaki at pahalagahan.Sagutin: 1. Ano-ano ang hanapbuhay na inilarawan sa iyong binasa? 2. Ano ang mangyayari kung walang hanapbuhay ang isang tao? 3. Ano ang maitutulong ng taong may hanapbuhay sa kaniyang komunidad at sa kaniyang pamilya? 159

4. Ano ang kaugnayan ng katangiang pisikal ng isang lugar sa uri ng hanapbuhay ng mga naninirahan dito?5. Ano-ano pa ang hanapbuhay sa iyong komunidad na hindi nabanggit sa talata?A. Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy na hanapbuhay sa bawat bilang. Isulat ang letra ng sagot sa papel.A. Guro G. BumberoB. Nars H. MananahiC. Pulis I. KarpinteroD. Tubero J. MagsasakaE. Doktor K. MangingisdaF. Dentista1. Gumagawa ng ating tirahan2. Humuhuli sa masasamang tao3. Gumagamot sa mga may sakit4. Nangangalaga sa ating ngipin5. Sumusugpo sa sunog sa komunidad 160

6. Nagtatanim ng gulay, palay at iba pang pananim 7. Nanghuhuli ng mga isda at iba pang mga pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimasag at pusit 8. Nagtuturo sa ating bumasa at sumulat 9. Gumagawa ng ating mga kasuotan 10. Nagkukumpuni ng mga sirang tuboB. Kopyahin sa papel ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang mga hanapbuhay sa iyong komunidad. Hanapbuhay sa Aking Komunidad 161

C.Isagawa ang sumusunod: 1. Maghanda ng malapad na papel o manila paper at krayola. 2. Iguhit ang hanapbuhay ng iyong tatay. Kulayan. 3. Magtanong sa tatay ng kanyang karanasan tungkol sa kanyang hanapbuhay. Sumulat ng maikling kuwento. 4. Ikuwento ito sa klase gamit ang iginuhit na hanapbuhay nito.D. Gamitin ang multi-flow map upang maipakita ang epektong pagkakaroon ng hanapbuhay sa pamilya at sa komunidad.EPEKTO SA EPEKTO SA PAMILYA KOMUNIDAD PAGKAKAROON NG HANAPBUHAY 162

EPEKTO SA EPEKTO SA PAMILYA KOMUNIDAD WALANG HANAPBUHAYBasahin at isaisip. HANAPBUHAY  gawain, gampanin o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana o suweldo.  tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado o trabahador Ang hanapbuhay o kawalan ng hanapbuhay ay nakaaapekto sa pamilya at komunidad. 163

A. Suriin ang mga nakatalang hanapbuhay sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na lugar. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.A. Tabing-dagat D. LungsodB. Kapatagan E. TalampasC. Kabundukan F. Industriyal1. Pagpasok sa mga tanggapan2. Paggawa ng lambat3. Pag-aalaga ng baka4. Pagmimina5. Pagnenegosyo6. Pag-aalaga ng kambing7. Pagdadaing8. Pagtatanim ng mais at tabako9. Pagtitinda sa sentrong pamilihan10. Pagtatanim ng gulayB. Sumulat sa papel ng isang pangungusap na nagbibigay kahulugan sa hanapbuhay. 164

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga likasna yaman at hanapbuhay sa iyong komunidad.Tinukoy ang mga yamang tubig at yamang lupana matatagpuan dito. Ang mga hanapbuhay naito ang isa sa mga pinanggagalingan ng mgagawang produkto sa iba-ibang komunidad. Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang: 1. matutukoy ang mga produktong matatagpuan sa komunidad; 2. mailalarawan ang pinanggagalingan ng mga produkto sa sariling komunidad; 3. maiisa-isa ang mga produktong nagpapakilala sa komunidad; 4. maiuugnay ang produktong matatagpuan sa komunidad sa uri ng kapaligiran; at 5. maipakikita ang pagpapahalaga sa mga produkto ng komunidad sa iba-ibang paraan. 165

Ano-ano ang Paano moproduktong ipakikita angmatatagpuan sa pagpapahalagaiyong komunidad? sa mga produktong ito? Ano ang Ano angpinanggalingan kaugnayan ngnito? mga produktong ito sa kapaligiran ng iyong komunidad? Pagmasdan ang larawan. Sagutin ang tanong nakasunod:1. Ang komunidad na ito ay nasa lambak. May matabang lupa na angkop sa pagtatanim o pagsasaka. Angkop dito ang pagtatanim ng palay, mais, bulak, tubo, mani, pinya at tabako. Ano-ano kayang produkto ang maaaring gawin mula sa mga sangkap na ito? 166

2. Bulubundukin ang komunidad na ito. Pagtotroso ang pangunahing hanapbuhay ng mga naninirahan dito. Ano kayang produkto ang maaaring gawin ng mga tao mula sa troso?3. Malawak at mataba ang lupa sa kapatagan ng komunidad na ito. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay. Mga pangunahing pananim ang palay, tubo, pakwan, mais at mangga. 167

Ano kayang produkto ang galing sa mga tanim na ito?4. Napaliligiran ng tubig ang komunidad na ito. Pangingisda at paninisid ng perlas, pangunguha ng kabibi, at iba pang lamang- dagat, ang hanapbuhay dito. Anong mga produkto ang maaaring gawin mula sa mga ito?5. Ang komunidad na ito ay nasa lungsod. Ito ang bagsakan ng mga produktong galing sa iba-ibang komunidad. Dito matatagpuan ang mga pagawaan ng kendi, de-lata, sapatos, 168

tela at marami pang iba. Ano pang produkto ang maaaring ginagawa sa mga lungsod? May iba-ibang produkto na matatagpuan saiba-ibang komunidad. May komunidad na kilala sapaglalala ng banig na ginagawang mga bag,folder, sombrero, higaan at iba pa. Ang paggawang palayok na may iba-ibang disenyo ay isa rin samga produktong pinagkikitaan. Ang mgaproduktong tulad ng pinya, bayabas, kamote atiba pa ay ginagawang kendi, jam, jelly, pastillas atiba pang kakanin. Sa mga komunidad na dinarayo ng mgaturista, maraming produktong ginagawang souvenirang makikita rito tulad ng t-shirt na may tatak ngpangalan ng lugar, mga sigay na may disenyo,wallet, bag at iba pa.Sagutin: 1. Ano- anong produkto ang nagmumula sa paglalala? 2. Kung ang isang lugar ay dinarayo ng mga turista, ano-anong mga souvenir ang maaaring makita rito? 3. Ano-anong produkto sa ibang komunidad ang hindi pa nababanggit? 169

A. Iguhit sa iyong papel ang mga produktong makikita o nagmumula sa iyong komunidad.B. Magsaliksik tungkol sa produkto na nagpapakilala sa iyong komunidad. Iguhit ito sa loob ng kahon. Sumulat ng 1-2 pangungusap tungkol sa pinagmulan nito.  Ang bawat komunidad ay may mga ipinagmamalaking produkto na nanggagaling sa mga sangkap mula sa mga yamang lupa at yamang tubig.  May mga produkto na nagpapakilala sa komunidad.  Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nagpapakita ng pagpapahalaga rito. 170

A. Isulat sa papel ang hinihinging impormasyon. Sundan ang halimbawa. Produktong Pinagmulan Matatagpuan sa Iyong Kamote KomunidadHalimbawa: PastillasB. Gumuhit ng tala sa iyong papel at iguhit sa loob nito ang mga produktong nagpapakilala sa iyong komunidad.171

Ang pamumuhay sa komunidad ay nakasalalaysa uri ng kapaligiran nito. Iniuugnay ng mgananinirahan ang uri ng hanapbuhay sa kanilangkapaligiran. Ito ang pangunahing pinagkukunan ngkanilang ikinabubuhay. Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang: 1. maitatala ang batayang pangangailangan ng pamilya sa komunidad; 2. mabibigyang kahulugan ang salitang “badyet”; 3. makagagawa ng simpleng badyet para sa isang araw base sa talaan ng pangangailangan; 4. maiuugnay ang hanapbuhay sa pangangailangan ng pamilya; at 5. makabubuo ng paglalahat tungkol sa kahalagahan ng hanapbuhay sa pamumuhay ng mga tao sa komunidad. 172

Ano ang tinatawag Mahalaga ba angna pagbabadyet? pagkakaroon ngMahalaga ba ang hanapbuhay sapagbabadyet? Bakit? pamilya? Ano-ano ang pangunahing pangangailangan ng isang pamilya sa araw-araw?Basahin: Pangangailangan ng Tao sa KomunidadMay mga pangunahing pangangailangan ang taoupang mabuhay. Kasama sa mgapangangailangang ito ang pagkain, damit, attirahan. Hindi mabubuhay nang maayos ang taokung hindi matutugunan ang pangunahingpangangailangang ito. Kaya’t ang bawat tao aynagpupunyagi at nagsisikap sa paghahanapbuhayupang matustusan ang mga pangangailangan ngbuong mag-anak. Ang pagkakamit ng mga pangangailanganng bawat pamilya ay base sa kinikita at uri ngkanilang hanapbuhay. Sa uri ng kanilanghanapbuhay nakasalalay ang dami ng kanilangkinikita na mailalaan sa mga pangangailangan.May mga taong malaki ang kinikita sa kanilang 173

hanapbuhay at ang iba naman ay kaunti lamang.Ito ang dahilan kung bakit nagkakaiba angkalagayan sa buhay ng mga pamilyang bumubuosa komunidad.Sagutin: 1. Ano-ano ang pangunahing pangangailangan ng mga tao upang mabuhay? 2. Ano ang maaaring gawin ng mga tao upang matugunan ang kanilang pangangailangan? 3. Bakit may pagkakaiba-iba ang kinikita ng bawat pamilya sa komunidad? A. Basahin ang talata at sagutin ang kasunod na mga tanong. Ang pagbabadyet ay paglalaan ng salapi o halaga sa bawat pangangailangan ng buong pamilya tulad ng pagkain, damit, baon sa eskwela, pangangailangan sa loob ng tahanan tulad ng sabon, bigas asin, pang-ulam, gamot at iba pa. Ang mga ito ay ilan lamang sa pinaglalaanan ng kita ng ating mga magulang. Bilang mga anak, marapat lamang na gumastos tayo nang tama sa bawat halagang ibinibigay nila sa atin upang magkasya ang kinikita ng pamilya. 174

MGA TANONG: 1. Ano-ano ang pinaglalaanan ng kita ng isang simpleng mag-anak? 2. Ano ang tinatawag na pagbabadyet? 3. Ano- ano ang bagay na pinagkakagastusan ayon sa talata ng isang mag-anak? 4. May pagkakatulad ba sa inyong pangangailangan ang nabanggit sa talata? 5. Paano natin dapat gastusin ang salaping ibinibigay sa atin ng ating mga magulang?A. Gumawa ng badyet para sa isang araw na gastusin sa pagpasok sa paaralan. Gamitin ang talaan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong.PAGKAKAGASTUSAN HALAGA/BADYET Kabuuang Halaga1. Magkano ang iyong baon sa paaralan sa isang araw?2. Magkano ang kabuuan ng iyong gastos sa maghapon?3. May natira ba sa baon mo para sa pag- iimpok? Magkano?4. Kung walang natira, ano ang dapat mong gawin upang makapag-impok? 175

B. Tanungin ang mga magulang tungkol sa kanilang kinikita at gastusin sa loob ng isang araw. Isulat sa talaan. Sagutin ang mga tanong. Naghahanapbuhay/Kumikita Halaga ng Kita HalagaTatayNanay Kabuuang Kita Gastusin sa Isang Buwan 1. Pagkain 2. Pamasahe 3. Ilaw 4. Tubig 5. Gastusin ng mga Mag- aaral Kabuuang Gastusin1. Magkano ang kabuuang kita ng iyong pamilya sa isang buwan?2. Magkano ang kabuuang gastusin ng inyong pamilya?3. May natira ba sa kabuuang kita ng pamilya? Magkano?4. Ano ang masasabi mo sa kita at gastusin ng iyong pamilya? Sapat ba ang kinikita o kulang pa sa gastusin?176

C. Basahin ang sitwasyon. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa papel. Si Mang Nestor na isang karpintero at AlingMartha na isang labandera ay kumikita nghalagang Php 450.00 araw-araw. Mayroon silanglimang anak. Ang tatlo ay nag-aaral sa elementaryat ang dalawa ay maliliit pa. Dahil sa taas ngpresyo ng mga bilihin, nahihirapan si Aling Marthana pagkasyahin ang kinikita nilang mag-asawa.Sagutin: 1. Ano-ano ang hanapbuhay ng mag-asawang Mang Nestor at Aling Martha? 2. Magkano ang kabuuang kinikita ng mag- asawa? 3. Ilan ang kanilang mga anak? Ilan ang nag- aaral sa elementarya? 4. Ano ang masasabi mo tungkol sa kahalagahan ng hanapbuhay sa pangangailangan ng pamilya? 177

 Ang bawat pamilya ay may mga pangangailangan upang mabuhay nang maayos.  Ang bawat pamilya ay dapat matutong magbadyet upang mapagkasya ang kinikita sa kanilang pangunahing pangangailangan.  May malaking epekto ang uri ng hanapbuhay ng mga tao sa kanilang pangangailangan sa araw-araw.  May pagkakaiba-iba ang uri ng pamumuhay ng mga tao dahil iba-iba ang hanapbuhay at laki ng kinikita nila.Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa papelang letra ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang pangunahing pangangailangan ng mag-anak? A. sasakyan B. magandang bahay C. pagkain, damit, tirahan D. makabagong kagamitan 178

2. Bakit mahalagang matututo ang isang tao ng simpleng pagbabadyet? A.upang hindi maubos ang pera B. upang malaman ang mga bibilhin C.upang mapagkasya ang kita sa mga gastusin D. upang maraming mabiling mga kagamitan at pagkain ng mag-anak3. Alin sa sumusunod ang dapat unahing bilhinng isang mag-anak?A. magagandang damit C. cell phoneB. mga sapatos D. pagkain4. Kung walang hanapbuhay ang magulang at maliliit pa ang mga anak, ano kaya ang epekto nito sa pamumuhay ng pamilya? A.hindi matutugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya B. hindi mabibili ang mga pangangailangan sa tahanan C.hindi matutugunan ang pag-aaral ng mga anak D. lahat ay maaaring mangyari5. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng salitang pagbabadyet? A.labis na paggastos ng salapi B. paggamit ng lahat ng kinita para sa buong pamilya C.pagbili ng mga bagay kahit hindi kailangan D. tamang paggastos ng salapi base sa pangangailangan 179

180

Ito ay naglalaman ng pag-unawa at pagpapahalaga sa pamumuno ng pinuno ng mga bumubuo ng isang komunidad. Nakasalalay sa pinuno at kanyang pamumuno ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa kaunlaran ng lugar na kanyang nasasakupan.Ito ay nahahati sa tatlong (3) aralin: Aralin 6.1 – Pinuno at Pamumuno sa Komunidad Aralin 6.2 – Paglilingkod sa Komunidad Aralin 6.3 – Epekto ng Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ng mag-aaral ang: • pag-unawa sa konsepto ng pinuno at pamumuno; • pagtukoy at pagkilala sa mga pinuno sa komunidad at kanilang tungkulin; • paglalarawan sa karapat-dapat na katangian ng isang pinuno; • pag-unawa sa konsepto ng paglilingkod; • pag-unawa sa kaugnayan ng pamumuno at paglilingkod sa tao at komunidad; • pagbibigay-halaga sa pamumuno bilang paglilingkod sa tao at komunidad; at pagbibigay ng mungkahing gawain upang mapalakas ang tama, maayos at makatuwirang pamumuno. 181

Ang tagumpay ng pamumuno sa isangkomunidad ay nakasalalay sa talino atkahusayan ng pinuno nito sa pamamahala.Kailangang marunong siyang makiisa atmakisalamuha sa bawat naninirahan dito.Mahalagang maunawaan ng bawat isa angkonsepto ng pinuno at pamumuno, tungkulin ngmga pinuno sa komunidad at ang kahalagahanng kanilang pamumuno. Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:1. mabibigyang kahulugan ang salitang “ pinuno” at “pamumuno;”2. matutukoy ang mga pinuno ng iba-ibang bumubuo ng komunidad; (halimbawa: simbahan-pari; paaralan-prinsipal)3. mailalarawan ang katangian ng isang karapat-dapat na pinuno;4. masasabi kung bakit kailangan ang pinuno; at5. matutukoy ang tungkulin ng mga pinuno sa komunidad. 182

Ano ang Kilala mo ba kung mangyayari kung sino-sino ang walang pinuno? namumuno sa iyongBasahin: komunidad? Paano sila tumutulong sa mga tao at sa komunidad ? Ang pamumuno ay pambihirang karapatan at mahalagang katungkulan. Ang pinuno ang nangunguna at nangangasiwa sa gawaing itinakda ng isangpangkat, samahan o kalipunan ng mga tao. Ang kaunlaran at katahimikan ng isangkomunidad ay nakabatay sa uri ng pinuno.Kinakailangang magpakita siya ng magandanghalimbawana maaaring tularan. Matiwasay omasalimuot man ang mga nangyayari sakomunidad, ito ay nakasalalay sa uri ngpamamahala ng isang pinuno. 183

Narito ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno: • responsable; • may disiplina sa sarili; • naninindigan sa katotohanan; • huwaran at modelo ng mabuting gawa; • walang kinikilingan sa pagpapatupad ng batas; • inuuna ang kapakanan ng mga tao sa komunidad; at • mapagpakumbaba, matapat, at may pagpapahalaga sa mga karaniwangSagutin:1. Ano ang kahulugan ng pamumuno? pinuno?2. Mayroon ka bang kilalang pinuno na tumutugon sa mgakatangiang nabanggit?3. Tumutupad ba siya sa kaniyang mga tungkulin?4. Maaari mo bang ibahagi sa klase ang uri ng kaniyang pamumuno? 184

A. Pag-ugnayin ang larawan sa Hanay A at pinuno sa Hanay B. Isulat ang letra ng sagot sa papel. AB1. A. Prinsipal2. B. Kapitan3. C. Pari/Pastor/Imam4. D. Doktor5. E. Ama o Ina 185

A. Isagawa:1. Magsagawa ng panayam sa sinumang pinuno sa inyong komunidad. • Alamin ang kaniyang tungkulin sa komunidad. • Itanong sa mga tao sa barangay ang katangian ng piniling pinuno. • Itala ang mga impormasyon sa Notebook/Sagutang Papel.2. Iulat sa klase ang resulta ng panayam. Gamitin ang tsart sa ibaba.Mga Pinuno Katangian Tungkulin sa Komunidad 186

B. Gumawa ng liham pasasalamat sa paborito mong pinuno ng komunidad bilang pagpapahalaga sa kaniyang nagawa. Gamiting halimbawa ang nasa ibaba. Mahal kong _______________, Nais ko pong magpasalamat sa inyong nagawa para sa ating komunidad tulad ng: _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ ___________________________________________. _________________________________________________ ___________________________________________.Bilang pagpapahalaga po sa inyo, ipinapangakoko po na ____________________________________________________________________________. Nagmamahal, __________________ Pangalan 187

C. Tapusin ang pangungusap. Kailangan ng isang komunidad ang isang mabuting pinuno upang ____________________________________ ____________________________________ ______.  Mahalaga ang isang pinuno para sa kaayusan, kaligtasan, katahimikan at kaunlaran ng isang komunidad.  Dapat taglayin ng isang pinuno ang katangian ng pagiging maka-Diyos, makatao, makabansa at makakalikasan.  Kailangan ang pakikipagtulungan ng mamamayan upang maging matagumpay ang mga proyekto ng isang komunidad, organisasyon o samahan. 188

Sagutin kung Tama o Mali ang bawatpangungusap. Isulat ang sagot sa papel. 1. Ang mabuting pinuno ay naglilingkod nang kusa at hindi naghihintay ng ano mang kapalit. 2. Hindi isinasaalang-alang ng namumuno ang damdamin ng mga mamamayan na kaniyang nasasakupan. 3. Malaki ang bahaging ginagampanan ng isang pinuno sa pagpapabuti ng pamumuhay sa komunidad. 4. Kailangan ang pagtutulungan ng pinuno at mga kasapi ng pangkat upang magtagumpay sa kanilang layunin. 5. Kung hindi maayos ang pamumuno, maaaring magkawatak-watak ang mga tao sa isang komunidad. 189

Sa nakaraang aralin, nalaman mo angpamumuno ng mga pinuno sa iyong komunidad.Sa mga susunod na pahina, tatalakayin angpaglilingkod ng pinuno ng mga bumubuo ngiyong komunidad. Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang: 1. matutukoy at makikilala ang taong nagbibigay ng paglilingkod sa komunidad; 2. mailalarawan ang mga katangian at nagawa ng mga naglilingkod sa komunidad; at 3. makikilala ang mga mahahalagang tao/pamilyang nakaimpluweniya sa iba- ibang larangan sa buhay-komunidad. 190


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook