Ang mga letra ay tatawagin at bibigkasin gaya ng sa Ingles: a (ey), bi (bi), c (si), d (di), atiba pa, maliban sa ñ na tatawaging enye. Bakit ginawang 28 letra ang alfabeto? Hindi pa ba sapat ang 20 letra? Ang totoo’y sapat pa hanggang sa ngayon ang 20 letra ng dating abakada, ngunitkinailangang magpasok ng mga dagdag na letra upang madaling magsimula ang mga salita sa ibapang katutubong wika sa Pilipinas. Ang mga ito’y may tunog na /f/, /j/, /v/, at iba pa, na wala samatandang tagalong. Ang binagong alfabeto ay may mga letrang kakatawan sa lahat ng tunog naumiiral sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas. Praktikal din ang bagong alfabeto, sapagkat ang mga nagsisimulang mag-aaral ay di- namalilito sa pag-aaral ng alfabetong Ingles at Abakada. Paano gagamitin ang mga dagdag na letra? Ang walong karagdagang letra ay gagamitinsa mga pantanging ngalan ng tao, lugar o bagay at sa mga salitang mula sa ibang katutubongwika sa Pilipinas tulad ng cañao, hadji at vuji. Mananatili ang dating baybay ng mga salitang hiram na nagsisimula na at matagal nangginagamit ayon sa binagong baybay, tulad ng kape, na hindi ibabalik sa orihinal napinaghiramang café. Gayundin mananatili ang ispeling na badyet, hindi bajet; dyip hindi jip,telepono at hindi telefono; tseke at hindi cheque. Naging malinaw ba ang mga paliwanag na aking ginawa? Kung gayon, natitiyak kongmasasagot mong lahat ang mga gawaing aking inihanda.LinanginMga tuntunin sa panghihiram 1. Letrang C a. Pananatilihin ang letrang c kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo. Halimbawa: calculus chlorophyll carbohydrates cellphone carnage de facto b. Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/. at letrang K kung ang tunog ay /k/. CS C K participant - partisipant magnetic - magnetik central - sentral card - kard census - sensus cake - keyk circular - sirkular empirical - empirikal 34
2. Letrang Ña. Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo.Halimbawa: La Tondeña Sto. Niño El Niño Malacañang La Niña Coñob. Palitan ang letrang Ñ ng mga letrang Ny kapag binaybay sa Filipino anghiram na salitang may letrang Ñ. Ñ Ny Piña - pinya paño - panyo Cariñosa - karinyosa bañera - banyera Cañon - kanyon3. Letrang Qa. Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.Halimbawa: Quo vadis quotation quad Quartz quantum opaqueb. Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /KW/, at angletrang K kung ang tunog ay /K/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram nasalitang may letrang Q. Q KW Q KW Quarta - kwarta quorum - korum Sequester - sekwester quota - kota Equipment - ekwipment querida - kerida4. Letrang Xa. Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyoHalimbawa: Axiom wax export Exodus xylem praxisb. Palitan ang letrang X ng Ks kung ang tunog ay /KS/ kapag binaybay saFilipino ang hiram na salitang may letrang X. X KS X KSExperimental - eksperimental texto - tekstoTaxonomy - taksonomi exam - eksam Matapos mong basahin ang mga kaalamang inilahad, maaari mo nang sinimulan angpagsubok na inihanda ko. Handa ka na ba? 35
A. 1. Paghihiram ng salitaPanuto: Isulat ang / (tsek) kung hindi na dapat pang baguhin ang salitang may salungguhit sa pangungusap at x (ekis) kung dapat. 1. Nanalo ang mga Pilipinong lumahok sa ASEAN games sa larangan ng basketbol dahil magaling ang coach na kanilang nakuha. 2. Hindi siya natuloy sa pangingibang bansa dahil sa hindi maganda ang naging resulta ng kanyang eks-ray. 3. Bumili siya ng relong quarts nang magtungo siya sa England. 4. Sa Las Pinyas matatagpuan ang bantog na pangkat kawayan. 5. Nagbakasyon sila ng dalawang linggo sa Canada kaya’t di mapatid-patid ang kanyang pagkukuwento sa mga kaibigan.A. 2. Panuto: Baybayin sa Filipino ang mga sumusunod na salitang nasasalungguhitan. 1. Ginagawang kabinet ang mga tablang nakukuha mula sa kagubatan. 2. Nag-experimento ang mga magsasaka sa bisa ng pestisidyong kanilang naimbento. 3. Sa centro ng kabayanan nila inilalagay ang mga bagong aning palay. 4. Sinubukan niyang balatan ang bagong pitas na mangga na dala niyang puñal. 5. Isang bañerang isda ang kanilang dala-dala nang umahon sa dalampasigan.B. Pagsulat Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Ito’y may kaugnayan sa pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Walang katotohanan ang sinasabi ng ibang kritiko na hindi matututuhan ng isang tao ang pagsusulat. Ang totoo, ang sinumang tao ay makasusulat kung gugustuhin lamang nila, at kung handa siyang subukin ito. Ang mahusay na pagsulat ng isang komposisyon ay nakasalalay sa dalawang salik: (1) sa epektibong paraan ng pagsusulat ng isang tao at, gayundin (2) sa kanyang natatanging katangiang taglay na niya sapul pa sa kanyang pagkakasilang. 36
Nakabatay sa dalawang apekto ang pagsulat ng sulatin. 1. Ang pagpapahayag ng ibig mong sabihin. Hindi kinakailangang napakahalaga ng sasabihin mo. Ang mahalaga nito’y maipahayag mo ang iyong nais sabihin. 2. Ang paraan kung paano mo ito sasabihin. Ang taong masalita at marunong makipag-usap sa sinumang tao ay madaling makalinang ng ideya. Ito ang kanyang puhunan para sa isang pagsulat. Panuto: Isulat ang bilang ng wastong pagkakasunud-sunod ng mga pahayag upang makabuo ng mabisang talata. 1. Alam natin na malaking bahagi ng pambansang produksyon ay nababatay sa eksploytasyon ng mga likas na kayamanan. 2. Kinakailangan natin ang paggamit ng iba pang sangkap at mga pamamaraan sa pagtatanim na maaaring makapagpaalis ng mga mineral sa lupa tulad ng sobrang gamit ng mga pertilizer at komersyal na pataba. 3. Isang mnahalagang isyung nagiging matingkad sa pag-unlad ng ating ekonomiya sa hinaharap ay ang wastong paggamit ng likas na yaman ng bansa. 4. Ito’y nangangahulugang bibilis ang eksploytasyon ng mga lupaing hindi gaanong produktibo at gagamit ng maraming patubig na maaaring maglihis sa natural na daloy ng tubig. 5. Mapupuwersa ang malaking populasyon na gamitin sa kumersyo, industriya at pabahay ang mga dating taniman. 6. Ang produksyon sa agrikultura ay batay sa paggamit ng mga lupain.Lagumin A. Panghihiram ng salita Panuto: Piliin ang wastong baybay ng salitang angkop sa bawat patlang. 1. __________ ng malaking negosyante ang iba’t ibang uri ng negosyo sa bansa. 2. Maiiwasan ang __________ sa likas-yaman kung mahigpit na ipatutupad ng DENR ang mga batas hinggil dito. 3. Iba’t ibang yaman ang angkin ng karagatan gaya ng mga halamang dagat, kabibe, perlas, __________ at marami pang iba na iniluluwas natin sa iba’t ibang bansa. 37
4. Namulat ang mga mamamayan sa pangangalaga ng kapaligiran nang mapanood ang __________ tungkol sa walang habas na paggamit ng yamang- likas.5. May __________ ang mga imported na produktong inaangkat ng Pilipinas upang di- naman malugi ang mga mangangalakal natin.Pagpipiliancontrol eksploytasyon coralkontrol exploitation koral eksposisyon quota exposition kotaB. Pagsulat ng talataanPanuto: Piliin at isulat ang karugtong na kaisipan ng mga sumusunod na pahayag sa talataan upang mabuo ang diwang nais nitong ipahayag. Hindi naging madali para sa mga bansang Asyano ang pagtatamo ng kaunlaran sapagkat maraming nararapat pag-ukulan ng pansin nang sila’y magsimulang magsarili. (1) ___________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________. Programang pangkaunlaran ang agad nilang isinaayos upang madaling matugunan ang pangangailangan di-lamang ng mga mamamayan kundi pa rin ng bansa. Sa pamamagitan ng paglinang sa likas-yaman at sama-samang pagtutulungan ng mga taong-bayan, (2) _________________________________ __________________________________________________________________ ano pa nga ba ang aasahan sa ganitong gawain? Ang makabagong teknolohiya ay naging sangkap sa pagtatamo ng industriyalisasyon. (3) _____________________ __________________________________________________________________ Binago rin nito ang paraan ng pamumuhay sa tao. (4) ______________________ __________________________________________________________________ sapagkat ang dating gawaing pangkamay ay napalitan na ng mga makinarya na nalikha sa pamamagitan ng walang humpay na pananaliksik ng tao. (5) ______________________________________________________ __________________________________________________________________ 38
• unti-unting nagkakaroon ng linaw ang tungkulin ng bansa.• Sadya nga namang mahirap ang pagsisimula kahit na saang bagay o larangan lalo pa’t nangangailangan ito ng masusing pag-aaral at maingat na pagbabalak upang di- magsisi sa banding huli.• Wala na ngang mahihiling ang tao sa kaginhawahang kanyang natatamasa dulot ng makabagong teknolohiya.• Sa aking palagay, ito ang mahalagang pangyayaring nakapagpabago ng takbo ng buhay sa mundo hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa lipunan at pulitika.• Naging madali nga naman ang pagpoprodyus ng mga produkto sapagkat ang dating gawaing pangkamay ay napalitan na ng mga makinarya na nilikha sa pamamagitan ng walang humpay na pananaliksik ng tao.PaunlarinPanuto: Piliin ang wastong sagot. Letra lamang ang isulat.1. Sa panghihiram ng salita, pananatilihin ang letrang Q kung ang salita ayhiniram sa orihinal na anyo. a. quad c. kuwad b. qowad d. kwad2. Papalitan ang letrang Q ng letrang Kw kung ang tunog ay /kw/, at ng letrangK kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitangmay letrang Q gaya ng salitang: a. queso – keso c. quantum – kwantum b. quotation – kotasyon d. quarts – kwarts3. Pananatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo gayang: a. Dasmariñas c. Dasmari-ñas b. Dasmarinyas d. Dasma-riñas4. Pananatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.Ang halimbawa nito ay: a. export c. exist b. exam d. exact5. Pananatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo tuladng: a. cariñosa c. paño b. cañon d. Los Baños 39
Panuto: Piliin at isulat ang karugtong na pahayag na makikita sa ibaba upang mabuo ang isang tekstong nagpapahayag ng reaksyon/saloobin ukol sa isang paksa. Mataas ang presyo ng gasolina. Halos linggu-linggo ay nagpapatong ng presyo kayat umaangal na rin ang mga drayber dahil daw sa wala na silang kinikita. ________________________________________________________________________ _____________________. Kaakibat ng pangyayaring ito ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. ______________________________________________________. Dahil dito, sinisikap ng pamahalaang makontrol ang mga presyo ng bilihin. Nagkakaloob ng mga pautang ang bangko sa mga magsasaka upang matugunana ang pangangailangan sa pagkain ng mga mamamayan. _______________________________ _______________________________________________________________________. Nakikipag-ugnayan din ang pangulo sa iba’ ibang lider ng bansa upang mahikayat ang mga ito na mamuhunan sa Pilipinas. _____________________________ ____________________________________________________. Sa krisis na nararanasan natin ngayon, sa palagay ko’y walang pinakamainam kundi ang maghigpit ng sinturon at maging payak sa pamumuhay at gumawa ng paraan kung paano pa madaragdagan ang kita. Pagpipilian: • Paano na yaong walang hanapbuhay? • Para sa akin, malaking tulong din ito sa kanila upang maitaas ang antas ng kanilang kabuhayan. • Heto at ihanda na ang ating mga sarili sa panibagong dagdag na pasahe • Paano nga’y di rin nawawala ang pagsasamantala ng ibang negosyante • Sa palagay ko, magiging malaking biyaya ito sa mga Pilipino dahil maraming mapagkakalooban ng trabaho. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Hingin ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Mataasba ang iskor na iyong nakuha? Kung marami kang mali, muli mong balikan ang bahagi ngpagsusulit kung saan ka nagkamali at muli itong pag-aralan upang maging malinaw sa iyo anglahat. 40
Pangwakas na PagsusulitA. Mga Pahayag na Interaksyunal Panuto: Isulat ang bilang 1 kung ang layon ng pahayag ay interaksyunal at bilang 2 kung hindi. 1. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mababawi mo ring lahat ang mga nalugi sa iyo. 2. Bakit ako makikialam sa buhay niya. Hindi ko naman siya kaibigan. 3. Ipagpaumanhin mo sana ang di- ko pagdalo sa iyong kaarawan. 4. Kumusta na ang iyong pakiramdam? Huwag mo nang intindihin ang iyong mga gawain. Ako na lamang ang gagawa. 5. Ano ngayon kung galit ka sa akin. Hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo.B. Panuto: Isulat ang letrang A kung ang pahayag ay nagpapaliwanag at letrang B kung ito naman ay nangangatwiran. 1. Tungkulin ng ekonomiya na hanapin ang umiiral na antas ng pamumuhay. Alamin ang sanhi ng kahirapan, kilalanin ang kasalukuyang yaman ng bansa na mahalaga sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan. 2. Dapat gumawa ang bawat nilalang dahil sa kanyang pagkatao at dahil ito ang ipinag-uutos ng Diyos. 3. Ekonomiks ang tawag sa mga bagay na tumutukoy sa limitadong likas-yaman ng bansa na ginagamit upang matugunan ang pangangailangan ng tao. 4. Itinuturing na isa sa pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng bansa ang tao sapagkat taglay niya ang kakayahan, lakas, kasanayan at talento upang makagawa ng iba’t ibang produkto. 5. Nagsisikap silang mabuti dahil tulad ng iba, nais din nilang umasenso sa buhay.C. Paglikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at pinagsama. Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan sa talata. (1) Bukas-palad ang mga tagalalawigan. Madali silang lapitan kayat di- ka na magdadalawang-salita kung kaya rin lang nila. (2) Taos-puso ang paraan ng kanilang pagtulong. (3) Kusang-loob nila itong ipinagkakaloob sa lahat. Bukas ang kanilang tahanan sa kahit sinong nilalang. (4) Anak-dalita man o (5) dugong bughaw huwag lamang (6) lamang-lupa.Pagpipilian:Mahirap engkanto mayaman sariling kagustuhanHandang tumulong tapat 41
D. Mga salitang may magkakaugnay na kahulugan Panuto: Piliin at isulat ang salitang di kasingkahulugan ng may salungguhit sa talataan sa mga hanay ng salitang nakasulat sa ibaba. Itinituring na isang mahalagang salik ng pambansang kaunlaran ang agrikultura. Hindi nga ba’t nagmumula rito ang halos lahat ng mahahalagang pangangailangan ng tao? Dito rin (1) nagmumula ang mga produktong kailangan ng industriya upang bumuo ng iba’t ibang produktong ikinakalakal sa ibang bansa at lokal na pangkonsumo. Ngunit nakalulungkot isiping kadalasa’y (2) nakalilimutan ang paglinang sa likas-yaman na nagiging dahilan upang di-ganap na (3) matamo ang kaunlaran. May mga bansang magkasabay na binibigyang-pansin ang pagpapaunlad ng agrikultura at industriya sa paniniwalang kailangan ito sa pagsulong ng bansa. Masasabing tama sila sapagkat ang kahinaan ng isa’y kawalan ng isa. (4) Magkatuwang ang dalawang ito sa pagpapalago ng ekonomiya. Nararapat lamang na pag-ukulan ng (5) patas na pagtingin at pagpapahalaga ang agrikultura’t industriya sapagkat ang mga ito’y mahahalagang salik sa pag-unlad. Samakatwid, ang pamahalaan ay dapat lamang magsagawa ng mga hakbanging makapagpapataas pang lalo sa antas ng agrikultura’t industriya upang maging (6) produktibo ang programang pangkabuhayan. Magiging daan ito ng mabilis na (7) paglaki ng iba’t ibang komersyo at kalakal dahil sa magiging mabilis ang paggawa ng mga produkto at mga hilaw na materyales na maipagbibili sa mga pamilihan sa loob at labas ng bansa.Pagpipilian: 2. nakaliligtaan 3. makita nakasanayan makamit1. nanggagaling nawawaglit makamtan nagbibigay hinahango 5. pasado 6. maunlad parehas kaaya-aya4. magkaagapay pantay kapaki-pakinabang magkasama magkaanyo7. pagtaas pagbabago pag-unlad 42
E. Pagpapangkat ng mga kaisipan Panuto: Isulat ang letra ng kaisipang hindi kapangkat ng mga kaisipan sa bawat bilang. 1. a. Nagaganap ngayon sa Asya ang pinakamabilis na pagsulong ng ekonomiya. b. Higit na mabilis ang industriyalisasyon at pag-unlad sa Silangan at Timog- Silangang Asya. c. Ito ang pinakadinamikong rehiyon sa mundo. d. Karamihan sa umuunlad na bansang Asyano ay nauudyukang maging industriyalisado dahil sa matinding kahirapan. 2. a. Ang patuloy na pag-unlad ng Asya ay nagpapalala sa kasalukuyang sitwasyon sa kapaligiran. b. Sinasayang natin ang mahalagang sariwang tubig c. Tunay na nakagigimbal ang dumi sa hangin, asidong ulan, pagkalason ng tubig at pagkasira ng mga kagubatan. d. May mga produkto at basura ring nagdadala ng panganib sa mga manggagawa, konsyumer at mga pamayanan. 3. a. Gumagamit ang mga magsasaka ng mga pataba upang palitan ang mga nawawalang mineral sa lupa. b. Dahil sa kahirapan, napipilitan ang mga taong galugarin nang husto ang mga likas na kayamanan. c. Anupa’t nasisira ang likas na kakayahan nito na tustusan at mapangalagaan ang kapaligiran. d. Ang pagkasira ng kapaligiran ay nagbubunga ng ibayo pang paghihirap dahil bumababa ang ani ng mga pananim. 4. a. Marami sa madadalang at umuunting mga uri ng hayop sa mundo ay nanganganib dahil sa wala na silang lugar na matitirhan. b. Binago ng tao ang kanilang pook-tirahan at ginawang mga lunsod at bukirin. c. Maraming bansa ang may pambansang mga parke at iba pang iniingatang pook na naglalaan ng tahanan para sa mga hayop at halaman. d. Pinalala pa ang problemang pangkapaligiran ng Asya sa pamamagitan ng pagtatapon dito ng basura galing sa ibang industriyalisadong bansa. 5. a. Lahat tayo ay dapat kumilos nang sama-sama upang ipagsanggalang ang mga hayop at pananim. b. Magtulungan tayong masugpo ang mga ilegal na pangangaso at pangangahoy. c. Kailangang lalo pang pag-ibayuhin ang pagbabawal sa paghuhuli ng balyenang isda at iba pang lamang-dagat upang mapangalagaan ang tubig-dagat. d. Kailangang ipagbawal sa lahat ng bansa ang pagbili at pagbebenta ng sungay at balat na kinukuha mula sa hayop. 43
F. Pagbaybay ng salita batay sa binagong alpabeto Panuto: Isulat nang wasto ang baybay ng mga salitang may salungguhit. 1. Tanyag ang lalawigang Sebu sa mga produktong daing na danggit at “dried mango”. 2. Madaling malalagpasan ng bansa ang kinakaharap na crisis kung magkakaisa’t magtutrulungan ang lahat. 3. Sa hirap ng buhay ngayon, kailangang maglibang-libang at magrelax paminsan- minsan. 4. Sa pag-unlad ng agham at teknolohiya, dumepende ang mga tao sa compyuter. 5. Nasalanta ng malakas na bagyo ang lalawigan ng Quezon kaya maraming pananim, bahay at cable ang nasira. G. Pagbuo ng talatang nagpapahayag ng sariling reaksyon at saloobin. Panuto: Punan ng pahayag na makikita sa ibaba ang bawat patlang sa talata upang mabuo ang isang tekstong nagpapahayag ng sariling reaksyon at saloobin. Isulat ang buong talata. Damang-dama ng bawat mamamayan ang hirap ng buhay ngayon. (1) __________________________________________________________. Hindi sila masisisi sapagkat ito lang ang paraan upang makatulong sa mga gastusin ng pamilya. (2) __________________________________________________________________ ______________________________. Kung may sapat ka namang puhunan at magandang mapupuwestuhan sa itatayong negosyo walang dahilan upang magdalawang-isip pa (3) ________________________________________________ ____________________________________________________________________. Hindi na kailangan pa ang mataas na pinag-aralan sa larangang ito. (4) ___________ ____________________________________________________________________. Tiyak na magtatagumpay ka sapagkat taglay mo ang mga katangiang kailangan, (5) _ ____________________________________________________________________ _________________________________________________________________. Pagpipilian: • Hindi na kailangan pa ang mataas na pinag-aralan sa ganitong uri ng gawain. • Basta’t masipag at matiyaga ka lamang ay sapat nang puhunan. • Kaya’t di- nakapagtatakang marami ang sumusubok makipagsapalaran sa larangan ng kalakalan. • Kung tutuusin, sa rami ng mga pabrika at tanggapang nagsasara ngayon, talagang darami ang mahihirap at naghihikahos. • Maliban pa sa pagiging magiliw sa mga kostumer. Tapos mo nang pag-aralan ang modyul na ito. Binabati kita. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Kunin sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Malalaman mo kung ano pa ang dapat mong pagtuunan ng pansin sa mga aralingiyong pinag-aralan. Salamat! 44
Curriculum Development Division Bureau of Secondary Education Department of Education DepEd Complex Meralco Avenue Pasig City FILIPINO II SAMPLE TEST ITEMSI. A. Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Ang Likas na Yaman ng Pilipinas 1. Mayaman ang Pilipinas dahil sagana ito sa mga likas na yaman. Ngunit tayong mga tao ay di-marunong magpahalaga sapagkat sinasamantala o inaabuso natin ang yamang pinakikinabangan. Isa na rito ang mga kabundukang dati’y tila mga umbok ng kamelyong naghanay na ngayo’y unti-unting nasisira dahil sa mga buwaya sa katihan. 2. Ang pangangalaga sa kabundukan natin ay nasa kamay ng mga namamahala at mamamayan. Tayo’y kailangang magsama- sama at di magkanya-kanya sa pagsasagawa ng mga programa para sa ating kaligtasan dahil kung hindi ay lalong manganganib ang buhay ng marami. Nakatatakot isipin na pagkatapos ng ating pagsasamantala ay wala tayong magamit at makain kaya lalong makakaisip ng kasamaan sanhi ng matinding kagutuman. 3. Kumilos na tayo! Kumilos bago ganap na mahuli ang lahat. Hihintayin pa ba natin na tumindi pa ang galit ng inang-kalikasan? Gawin na natin ang ibayong pangangalaga sa ating mga likas na yaman dahil sa huli tayo rin ang makikinabang … ang magtatamasa.B. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pangunahing ideya na tinutukoy sa bawat bilang. 1. Sa unang talata A. Mayaman ang Pilipinas dahil sa likas na yaman nito. B. Nasisira ang yaman ng bansa dahil sa mga sakim. C. Kailangan nating pagyamanin ang likas na yaman ng Pilipinas. D. Maihahambing ang mga kabundukan sa umbok ng naghanay na kamelyo
2. Sa ikalawang talata A. Mahalagang magkaroon ng mga programa para sa kaligtasan. B. Kailangang kumilos ang pamahalaan para mapangalagaan ang kalikasan. C. Responsibilidad natin ang kaligtasan ng kalikasan at ng ating buhay. D. Ang pagkaubos ng likas na yaman ang sanhi ng kahirapan.3. Ikatlong talata A. Sa tuwina ay laging nasa huli ang pagsisisi. B. Nagagalit na ang inang kalikasan dahil sa ating kapabayaan. C. Panahon na upang umaksyon para sa pangangalaga ng kalikasan. D. Marami tayong tinatamasa sa mga likas na yamang pinagsasamantalahan natin4. Kabuuang teksto A. Lahat tayo’y nagdurusa sa pagsasamantala ng iba. B. Pagkakaisa ang kailangan sa programang pangkalikasan. C. Nagbibigay ng pangamba ang kalagayan ng ating likas na yaman. D. Pangalagaan ang mga likas na yaman upang patuloy na pakinabangan.II. Hanapin ang tinutukoy ng mga piniling bahagi batay sa pagkakagamit sa teksto. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.5. Ang salitang buwaya sa katihan ay maaaring ipalit sa __________.A. mapag-imbot B. mapagsariliC. mapagmalabis D. mapagsamantala6. “Mayaman ang Pilipinas dahil sagana ito sa mga likas na yaman.” Ang panghalip na “ito” ay tumutukoy sa ______________.A. kayamanan B. kasaganaanC. kalikasan D. Pilipinas 2
7. “Nakatatakot isipin na pagkatapos ng ating pagsasamantala ay wala na tayong magamit at makain.” Sa pangungusap na ito, ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ay ____________.A. wala na B. isipin naC. nakatatakot D. pagkatapos8. “Ang kabundukan na dati’y tila mga umbok ng kamelyong naghahanay ay unti-unting nasisira.” Ang salitang tila sa pangungusap ay tanda ng ___________.A. ellipsis B. hambinganC. pagpapalit D. pag-uugnay9. “Tayong mga tao ay di-marunong magpahalaga sapagkat sinasamantala o inaabuso natin ang mga likas na yaman.” Sa pangungusap na ito ay may panandang kohesyong leksikal na __________________.A. pag-uulit B. kasalungatC. kolokasyon D. kasingkahuluganIII. Piliin ang mga panuring ginamit sa modipikasyon ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.10. Malakas na bagyo ang darating kaya maghanda kayo sa paglikas.A. bagyo B. malakasC. darating D. magbanta11. Ang lahat ay mabilis na kumilos upang maisalba ang kanilang mga gamit.A. lahat B. mabilisC. maihanda D. maisalba12. Sumama tayo bukas sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalantaA. bukas B. sumamaC. nasalanta D. pagbibigay13. Mag-ingat tayo sa mapanganib na ganti ng kalikasan.A. ganti B. mag-ingatC. kalikasan D. mapanganib 3
IV. Isulat sa sagutang papel ang titik na nagbibigay ng pahiwatig sa mga sumusunod na pahayag.14. “Anak, tumigil ka muna sa pag-aaral.” Ang pahayag ay isang ___________.A. pamimilit B. pagpapasyaC. pagtatangka D. pagbababala15. Ang pahayag na “Hindi ko ikinahihiya ang kulay kong kayumanggi ay isang __________.A. pagtanggi B. pagtanggapC. pagmamalaki D. panghihikayat16. “Wow! Ang laki pala ng bahay ninyo.” Ito ay nagpapahiwatig ng ___________.A. paghanga B. pagkatuwaC. pagkagulat D. pagmamalaki17. “Mabait ang Diyos, sa Kanya ka lumapit.” Nagpapahiwatig ito ngA. pakikiusap B. pagpapayoC. pagpapaalala D. pangangatwiranV. Pagsunud-sunurin ang bilang ng mga salita mula sa mababang antas. (1) hanggang sa mataas na antas (4) na kahulugan nito. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.18. nanaghoy lumuluha nagpapalahaw umiiyak (1) (2) (3) (4)A. 1,2,4,3 B. 1,2,3,4C. 4,3,1,2 D. 4,3,2,119. mawarak maluray madurog masira (1) (2) (3) (4)A. 1,2,4,3 B. 1,2,3,4B. 4,3,1,2 D. 4,3,1,2 4
20. nagkagusto nagkanasa nahibang nahumaling (1) (2) (3) (4)A. 1,2,4,3 B. 2,1,4,3C. 3,4,1,2 D. 4,2,1,321. nakaaawa nakapanghihilakbot nakalulunos nakahahabag (1) (2) (3) (4)A. 1,3,4,2 B. 1,4,3,2C. 1.4.2.3 D. 4,1,2, 3VI. A. Basahin at unawain ang teksto Teksto 2 Hindi Masama Ang Mangarap Likas sa tao ang pagiging mapangarapin. Ito ang nagsisilbing inspirasyon upang lalong magsikhay sa buhay. Sabihin pa, na ang anumang balakid ay handa niyang harapin, maabot lamang ang bituing nais abutin. Sa madaling salita, patuloy siyang maghahanap ng bangang umaapaw sa ginto. Anupa’t ang iba ay mapalad at ang iba ay bigo. Anuman ang dahilan, walang masama kung patuloy na mangarap. Huwag titigil sa pag-asam. Ang pinakamahalaga at una sa lahat ay magkaroon nang lubos na pananalig sa Diyos. Sa pagwawakas, masasabing ang sarili niya mismo ang drayber ng kanyang buhay saan man niya nais makarating. Ang mahalaga ay alam niyang umiwas sa maputik na landas tungo sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.B. Isulat sa sagutang papel ang titik na may pinakamalapit na kahulugan ng mga sumusunod na salita at pahayag batay sa pagkakagamit nito.22. magsikhayA. magtiis B. magbigayC. mangarap D. magsikap 5
23. mapalad B. talo D. matagumpay A. bigo C. masuwerte B. kasaganaan ng buhay D. karangalang hinahangad24. bituing nais abutin B. masaganang buhay A. mataas na pangarap D. masarap na kinabukasan C. gabay na inspirasyon B. nagpapaikot25. bangang umaapaw sa ginto D. nagpapaandar A. maraming ginto B. marumi B. labis-labis na yaman D. mapanganid26. drayber ng buhay A. nagdadala C. nagkokontrol27. maputik na landas A. mali C. maguloB. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.28. Sa ikalawang talata, ano ang ginamit na pananda na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod?A. una B. anumanC. patuloy D. ganon pa man29. Aling salita sa ikalawang talata ang nagsasaad ng paglalagom?A. iba B. lubosC. anupa’t D. patuloy30. Aling salitang tanda ng kabuuan ang nais ipahayag sa ikatlong talata?A. tungo B. masasabiC. saan man D. sa pagwawakas 6
VII. Pagsamahin ang dalawang salita upng makabuo ng isang bagong salita na tinatanggap na ng marami31. dalubhasa sa wikaA. sawika B. lubwikaC. hasawika D. dalubwika32. mami at itlogA. logmi B. milogC. mamilog D. mami’t itlog33. sigla at lakasA. sigkas B. silakasC. lalakas D. siglakas34. bagong anyo ng buhayA. bayubay B. bagyobuC. banyuhay D. bangongbuVIII. Panuto: Basahin ang teksto. Teksto 3 Maikling Bahagi ng Kasaysayan ng Pilipinas Makulay ang kasaysayang pinagdaanan ng ating bansa. Katulad nito ng isang magandang dalaga na dahil sa taglay na kagandahan ay maraming naaakit na dayuhan. Unang dumating ang Ita, Indones at Malayo na itinuturing nating mga ninuno. Pagkatapos ay mga Tsino, Arabo, Persya ai iba pa. Dala nila sa atin ang kanilang kabihasnan at kultura gaya ng pananampalataya, pamahalaan at maging ang panitikan. Halimbawa nito ay ang awitin at karunungang bayan. Sumunod ang mga Kastila na ang layuni’y isulong ang relihiyong Kristiyanismo. Itinuro nila ang mga aral ng Panginoon sa pamamagitan ng pasyon, senakulo at iba pang akda. Napakalaki ng naging impluwensiya sa atin ng mga ito. Sa madaling salita, halos nawala ang sarili nating pagkakakilanlan dahil sa matagal nilang pananakop sa atin. 7
B. Sagutin ang mga sumusunod. Titik lamang ang isusulat sa sagutang-papel.35. Ang salitang isulong sa loob ng teksto ay kasalungat ngA. itaboy B. iurongC. paunlarin D. palaganapin36. Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ng pananakop ay halos nawala ang sarili nating pakikilanlan.” Ito ay nagpapakita ng ating pagiging _____________.A. talo B. duwagC. huwad D. alipin37. Ipinahihiwatig ng pamagat ng teksto na _____________.A. makasaysayan ang PilipinasB. maikli ang kasaysayan ng PilipinasC. may mahabang kasaysayan ang ating bansaD. ilang bahagi lamang ng kasaysayan ang ilalahad38. Sa kabuuan, binibigyan diin ng teksto na ___________.A. wala tayong sariling identidadB. iba-iba ang nagkainteres ng mga dayuhanC. maraming dayuhan ang nagkainteres sa ating bansaD. nabago ang ating kultura dahil sa impluwensiya ng mga dayuhan39. Ang binasang teksto ay may uring ____________.A. informativ B. prosijuralC. ekspositori D. argumentativ40. Ang teksto ay naglalayong _________________.A. isalaysay ang mga pangyayari sa PilipinasB. ipaliwanag ang kasaysayan ng ating bansaC. ilarawan ang pagdating ng mga dayuhanD. magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Pilipinas41. Ang salita sa unang talata na nagsasaad ng pagkasunud-sunod ay ang _____________.A. una B. gayaC. katulad D. halimbawa 8
42. Ang salitang ginamit sa unang talata na naghuhudyat ng paghahalimbawa ay ang ___________.A. una B. katuladC. halimbawa D. pagkataposIX. Panuto: A. Basahin at unawain ang teksto, pagkatapos ay sagutan ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Teksto 4 Ang Mag-asawa’y Hindi Biro Dapat bang pairalin ang batas na diborsyo sa Pilipinas? Kung mangyayari ito, ano kayang damdamin ang mamamayani sa kalooban ng mga bata … lumbay, lungkot, pighati? Naghihinagpis ang kanilang puso dahil sa dalamhating dulot nito. Napakahirap … Tulong na marahil ang batas na ito sa mag- asawang hindi magkasundo ngunit paano nga naman ang mga anak na lubhang naapektuhan nito? Totoong ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kung mapaso.43. Ang mga salitang lumbay, lungkot at pighati ay ___________.A. walang kahuluganB. magkakatulad ang kahuluganC. magkakaiba ang kahuluganD. katumbalikan ang kahulugan44. “Naghihinagpis ang puso nila dahil sa paghihiwalay ng mga magulang” Ang pariralang may salungguhit ay nangangahulugang ____________.A. nalilito B. nagdurusaC. nagsisikip D. nagtatampo45. “Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa pag napaso.” Sa pangungusap ay gumamit ng salitang may ____________.A. pag-uulit B. kolokasyonC. salungatan D. kasingkahulugan 9
46. Batay sa iyong hinuha, alin ang pinakamatinding dahilan ng pagkakahiwalay ng mag-asawa sa Pilipinas? A. di-magkasundo B. suliranin sa pera C. kawalan ng anak D. parehong walang kahandaan47. “Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.” Nais ipahiwatig nito na ___________. A. mag-asawa ng marami B. mabuti pang di mag-asawa C. dapat pag-isipan ang pag-aasawa D. maaaring maghiwalay pag ayaw na48. Batay sa teksto, kung maisasakatuparan ang diborsyo sa Pilipinas ay maaaring ______________ A. dumaming lalo ang populasyon B. maraming anak ang magdurusa C. matutuwa ang mag-asawang di magkasundo D. mapadadali ang paghihiwalay ng mag-asawa49. Ang larawan ng pamilyang nais mabuo ng may-akda sa ating isip kung maisasabatas ang diborsyo sa Pilipinas ay ___________ A. masaya at mapayapa B. mahirap at magastos C. maunlad at masagana D. magulo at walang pagkakaunawaan50. Ang pamagat ng teksto ay nagpapahiwatig na _____________ A. huwag mag-asawa B. hindi masayang mag-asawa C. mahirap ang buhay may asawa D. pinag-iisipang mabuti ang pag-aasawa51. Ang binasa ay isang uri ng tekstong ___________ A. narativ B. prosijural C. descriptiv D. argumentativ 10
52. Ang teksto ay may layong _____________A. magbigay ng impormasyonB. magsalaysay ng pangyayariC. pangatwiran ang isang panigD. ilarawan ang kalagayan ng mag-asawa53. “Naghihinagpis ang puso nila dahil sa paghihiwalay ng mga magulang.” Sa pangungusap ay ginamit ang dahil bilang _________A. pag-ugnayB. pagpapalitC. paghahambingD. pagpapahayag54. “Sa mag-asawang di magkasundo, malaking tulong kung maisasabatas ang diborsyo sa Pilipinas.” Ang bahaging may salungguhit ay isang ___________A. pragmatic B. kontekstwalC. proposisyonal D. pangangatwiranX. Basahing mabuti ang teksto at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.Teksto 5 Ekonomiya at Globalisasyon Iba-iba ang antas ng ekonomiya sa bawat bansa, lalung-lalo nasa Asya. May mga ilang mayayaman at mauunlad katulad ng bansangHapon at Singapore. Kung may mga bansa mang nabibilang naman samahihirap, sa pangkalahatan, ang ekonomiya ng Asya ay binubuo ngekonomiyang papaunlad. Nagkakaiba ang bansa sa rehiyon sa antas ng kaunlaran dahilsa maraming bagay. Una na rito ang kolonisasyon. Ito ay maaaringmakatulong o makasagabal sa pag-unlad ng isang bansa. Sumunodang pagkakaroon ng magkaibang pinagkukunan ng yaman, mgayamang taong taglay. Dagdag ang antas ng edukasyon, ngpopulasyon, kalusugan, kalayaan at pangkalahatang kalagayan nanakaaapekto sa takbo ng ekonomiya, ang pagpasok ng makabagongteknolohiya at pinakahuli, ang pagkakaroon ng pamahalaangmapanghikayat sa turismo. 11
Ang pagpasok ng globalisasyon ay magiging isang magandangparaan o proseso upang makabuo at magkaroon ng tinatawag napamilihang pandaigdigan. Ang mga kumpanyang multinasyonal aynamamahala ng mga kasangay sa kumpanya sa iba’t ibang bahagi ngdaigdig. Ang produktong may tatak na “ginawa sa Japan” ay hindimasasabing ginawa sa Japan sapagkat, halimbawa sa isangkagamitang tulad ng kompyuter na yari sa Japan, may hard disk mulasa Singapore, monitor mula sa Taiwan, keyboard at mouse na mula saChina at printer sa Malaysia. Ang globalisasyon ay hindi lamang nauukol sa produksyon ngpaninda. Sinasakop din nito ang sektor ng paglilingkod kung kayanaman batay na rin sa pagsusuri na may kaugnayan sa pagpapaunladng mga bansa sa Asya, makikitang nagkaroon ng malaking pagbabagosa tulong ng globalisasyon. Ang mga bansa sa Asya at sa buongmundo ay nagkaisa at nagkasama-sama upang itaguyod angekonomiya sa pagpapasok ng globalisasyon.55. Ang pagpasok ng globalisasyon ay magiging isang magandang proseso sa bansa. Ang salitang globalisasyon ay nangangahulugang ______________A. globo B. bansaC. teknolohiyang makabago D. malawak na pangangalakal56. Ang mga bansa sa Asya at sa buong mundo ay nagkakaisa at nagkasama-sama upang itaguyod ang globalisasyon. Mailalarawan natin mula rito ang _____________A. malawak na palitan ng produktoB. higit na kaunlaran ng ekonomiyaC. ganap na kapaypaan ng mundoD. lalong pagyaman ng malaking bansa57. Ang pamagat ng teksto ay nagpapahiwatig ng ____________A. malawakang pangangalakalB. pagkakatulad ng ekonomiya at globalisasyonC. malaking pagbabago sa ekonomiya dahil sa globalisasyonD. pagkakasundo ng mga bansa sa pagpasok ng globalisasyon 12
58. Ang angkop na kaisipang inilahad sa teksto ay _____________A. pagkakaroon ng iba’t ibang espesyalisasyonB. pagtatamo ng malawak na kaalaman sa globalisasyonC. pagsasanib ng buong mundo sa pag-unlad ng mga bansaD. pagkakaisa ng mga bansa para sa pandaigdigang kapayapaan59. Ang binasang teksto ay nabibilang sa uring _________________A. narativ B. informativC. deskriptiv D. ekspositori60. Ang teksto ay naglalayong _________________A. mahikayat ang mambabasa sa pandaigdigang pamilihanB. maipabatid ang sariling impresyon tungkol sa globalisasyonC. maisalaysay ang antas ng ekonomiya ng mga bansa sa AsyaD. mailarawan ang pag-unlad ng mga bansa sa tulong ng globalisasyon61. “Ang kolonisasyon ay maaaring makasagabal sa pag-unlad ng isang bansa.” Ang pagpapahayag ay isang ______________A. opiniyon B. pasubaliC. paniniwala D. katotohanan62. “Iba-iba ang antas ng ekonomiya sa bawat bansa sa Asya.” Ang pahayag ay isangA. opiniyon B. patibayC. paniniwala D. katotohanan63. “Nagkakaiba ang bansa sa antas ng kaunlaran dahil sa maraming bagay, una na rito ang kolonisasyon.” Ang salitang naghuhudyat ng pagkasunud-sunod ay ang ______________A. una B. antasC. marami D. nagkakaiba64. “May ilang mayayaman at mauunlad na bansa katulad ng Hapon at Singapore.” Ang salitang may salungguhit ay naghuhudyat ng _______.A. pagtitiyak B. pag-iisa-isaC. paghahalimbawa D. pagbibigay pokus 13
XI. Basahing mabuti ang teksto at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Teksto 6 Ang Walang Kamatayang Florante at Laura Sa isang madilim na gubat ay naghihimutok ang nakataling si Florante dahil sa masamang kapalarang kanyang sinapit. Una’y sa pag-aakalang nagtaksil sa kanya si Laura, ikalawa ang pagkamatay ng kanyang ama at sa huli ang kahambal-hambal na kalagayan ng bayan niyang Albanya. Nagkataon namang sa gubat din iyon ay naglalakad ang morong si Aladin kaya narinig niya ang tinig ng nakatali. Agad siyang kumilos at sinaklolohan si Florante sa kamay ng dalawang leon. Matapos niyang kalingain at alagaan ang binata ay nagkuwento ito ng kanyang buhay mula pagkabata hanggang sa masamang kapalarang kanyang sinapit. Isinalaysay ni Florante na siya’y nag-aral sa Atenas sa ilalim sa gurong si Antenor. Naging kamag-aral niya si Adolfo at naging mahigpit niyang kalaban sa pag-aaral. Nagkaroon ng lihim nagalit sa kanya si Adolfo kaya pinagtangkaan siyang patayin nito. Salamat na lamang at nailigtas siya ni Menandro. Sa madaling salita marami siyang pinagdaanan na pagsubok sa buhay gaya ng pagkamatay ng kanyang ina gayundin ang kanyang pagtatanggol sa Albanya bilang heneral. Ang salaysay niya ay natapos sa pagkakadaya sa kanya ni Adolfo nang agawin sa kanya si Laura at kunin ang trono ni Haring Linseo. Binihag niya ito at dinala sa gubat Inilahad din ni Aladin ang kanyang buhay. Naging sawi ang kanyang kapalaran dahil inagaw ng ama niyang si Sultan Ali-Adab ang kasintahang si Flerida. Pagkatapos ng pagsasalaysay na yon ay nakarinig sila ng dalawang nag-uusap. Sila’y sina Laura at Flerida. Umalis sa Persya si Flerida upang hanapin ang mahal niyang si Aladin. Nakarating din siya sa gubat at doo’y nailigtas si Laura na hinahalay ni Adolfo. Isang masayang pagwawakas, sina Florante at Laura ang naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida na kapwa naging binyagan ay naghari sa Persya pagkamatay ni Sultan Ali-Adab. 14
65. Ang kasingkahulugan ng salitang naghihimutok.A. nagdurusa B. naghihingaloC. nagdaramdam D. naghihinagpis66. “Agad na iniligtas ng morong si Aladin ang kaaway na si Florante nang makita niya itong nasa panganib.” Anong larawan ang nais ipahatid ng pangungusap na ito?A. makatao B. maka-DiyosC. pagkamaawain D. pagkamatulungin67. Ang pamagat ay nagpapahiwatig na ___________A. binibili pa rin ng marami ang aklatB. makatotohanan ang mga tauhan at pangyayariC. binabasa at pinag-aaralan pa rin hanggang ngayon ang awitD. ang mga pangyayari ay maiugnay sa mga sitwasyon ngayon68. Ang tekstong binasa ay may uring _______________A. narativ B. informativC. deskriptiv D. ekspositori69. Layon ng teksto na _________A. magbigay katwiranB. maglarawan ng mga tauhanC. magbigay ng mga impormasyonD. magsalaysay ng mga pangyayari70. Sa ikatlong talata, ang pananda na naghuhudyat ng pagbabagong lahad ng sinulat ay ______________A. kaya B. gaya ngC. gayundin D. sa madaling salita71. Ang mga salitang makikinabang at magtatamasa ay ______________A. pag-uulitB. magkatumbalikC. magkasalungatD. magkasingkahulugan 15
XII. Basahing mabuti ang teksto at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Teksto 7 Ubos-Ubos Biyaya Bukas ay Wala Maraming tao ang hindi marunong magtipid. Ang iniisip lamang ay magpasasa sa kasalukuyan at bahala na sa hinaharap. Katwiran nila, saka na lang alalahanin ang bukas. Ngunit paano kung may biglaang pangyayaring di inaasahan, saka pa lamang ba tayo mag-iisip? Iwasan nating mabigla, anupa’t ang paghandaan natin ay ang mga susunod na araw. Matuto tayong mag tipid! Magtipid dahil sa huli tayo rin ang magtatamasa sa gagawin nating ito. Kung may biglaang pangangailangan kaagad tayo’y may madudukot.72. Ayon sa teksto, ano ang dapat nating gawin upang hindi magdanas ng kahirapan sa darating na panahon?A. Maghanda para bukasB. Magtrabaho nang matiyagaC. Pag-isipan ang hinaharapD. Magtipid para sa kinabukasan73. Mabuting halimbawa ang mga langgam sa kaisipang taglay ng teksto sapagkat pagdating sa pagkain, sila’y _____________.A. nag-iipon B. naghahatiC. naghahanap D. nagtutulungan74. Anong kawikaan ang higit na maiuugnay sa kaisipan ng teksto?A. Kung may tiyaga may nilaga.B. Huwag yapusin ang hindi kaya.C. Kapag may isinuksok may madudukot.D. Habang maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.75. Sa unang talata ng teksto, anong salita ang ginamit sa paglalagom?A. kung B. lamangC. anupa’t D. susunod 16
76. “Matuto tayong magtipid! Magtipid upang bukas ay hindi nakatunganga.” Sa pahayag ay may mga salitang nagkaroon ng ______________A. pag-uulit B. paglilinawC. pagsasalungatan D. pagpapakahulugan77. Sa huling talata ng teksto, aling salita ang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod?A. kaagad B. biglaanC. sa huli D. dahil saXIII. Basahing mabuti ang teksto, pagkatapos ay isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Teksto 8 Pamumuhay sa Probinsya Maraming kadahilanan kung bakit sadyang masarap manirahan saprobinsya. Una, mararamdaman mo ang malamig na samyo ng hanginna talagang nakakapagpaaliwalas sa pakiramdam. Malinis angkapaligiran na sa palagay ko ay kaaya-ayang tirhan. Kung sa mga taonaman, makikita mo sa kanilang pakikisama ang kabaitan at pagka-maunawain sa isa’t-isa. Makikita mo rin sa kanila ang kasipagan atkatiyagaan sa trabaho. Kung sa hanapbuhay naman pwede kangmangisda, magsaka at iba pa. Sa wari ko, ito ang mga dahilan kaya marami pa rin ang mgataong di-maiwan ang kanilang probinsyang kinalakihan.78. “Mararamdaman mo ang samyo ng hangin.” Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______________.A. hipo B. dampiC. lapat D. lamig 17
Search