Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-20 00:32:08

Description: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8

Search

Read the Text Version

Ang karahasan sa paaralan o sa kahit na saang lugar ay bunga ngpagtalikod ng taong gumagawa nito sa tunay at dalisay na kahulugan ngpagmamahal. Kahit na sino ay sasang-ayon na kapag mananatili ang pagmamahalsa gitna ng lahat ng ugnayan ay walang sinuman ang makaiisip na magdulot ngsakit o panganib sa buhay ng kaniyang kapwa. Ngunit katulad naman ng anumanghalaman o puno ito ay kailangang ipunla, alagaan at palaguin dahil matututuhanlamang ang magmahal kung ito ay naiparamdam o naiparanas. Palagi mong gamiting gabay ang mga katagang ito: Mahalin mo angiyong sarili upang matutuhan mong mahalin ang iyong kapwa, pagmamahal napinagniningas ng halimbawa ng tunay na pagmamahal na ibinibigay ng Diyos.Kapag ito ay naisapuso tiyak na hindi magtatagumpay ang karahasan sa anumangparaan. Maaari ka bang tumulong sa paghahasik ng binhi?TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA1. Ano ang sanhi ng karahasan sa paaralan? Isa-isahin ang mga ito?2. Ano ang dahilan kung bakit umiiral ang karahasan sa paaralan? Talakayin.3. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng karahasan sa paaralan?4. Paano ganap na masusugpo ang mga karahasan sa paaralan? Ipaliwanag.5. Bakit mahalagang iwasan ang anumang karahasan sa paaralan? Ipaliwanag.6. Paano mo mailalarawan ang isang paaralang ligtas sa anumang uri ng karahasan?Paghinuha ng Batayang Konsepto Gamit ang graphic organizer sa pahina 397, sagutin ang mahalagang tanong:Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan at angaktibong pakikisangkot upang masupil ito? 396

Ang pag-iwas sa ay patunay na mayanomang uri ng ng kaakibat na ________ karahasan sa paaralan Ang aktibongpakikisangkot sa pagsupil nito Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?Batayang Konsepto: __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTOPagganap Matapos magkaroon ng kamalayan sa kasalukuyang kalagayan ngpaaralan sa usapin ng pagkakaroon ng karahasan dito sa anumang paraan,mahalagang maibahagi sa lahat ang kaalaman na natutuhan mula sa aralin.1. Magplano para sa pagsasagawa ng isang “panel discussion” o “symposium” tungkol sa paksang “Karahasan sa Paaralan: Maiiwasan Kung May Kaalaman”.2. Makipag-ugnayan sa mga namamahala ng paaralan sa tulong ng gurong tagapayo upang maisagawa ang gawain. Hingin ang kanilang pagpayag sa isasagawang gawain sa pamamagitan ng paggawa ng isang liham. Mahalagang isalaysay ang pangunahing layunin sa pagsasagawa ng gawain at maikling pagsasaad ng magiging daloy ng gawain.3. Tiyakin na bago isagawa ito ay naipakita sa tagapayo ang liham at lahat ng mga kalakip nito.4. Matapos makuha ang pagpayag ng mga namumuno sa paaralan ay planuhin ang pagsasagawa ng proyekto. 397

5. Mag-anyaya ng mga tagapagsalita sa “panel discussion” o “symposium”. Makabubuti kung mag-aanyaya ng sinuman sa sumusunod: a. Guidance counselor b. Namumuno sa paaralan (hal. Punongguro, o mga puno ng Kagawaran) c. Mga tauhan ng DSWD d. Mga dating kasapi ng fraternity o gang na sa kasalukuyan ay nabago ang buhay at may malalim na pagkatuto sa kanilang naging karanasan. e. Mga biktima ng bullying na nalampasan ang kanilang mga pinagdaanan f. At iba pa na may sapat na kaalaman tungkol sa paksa6. Imbitahan ang ilang mga mag-aaral lalo na yaong naging bahagi ng isinagawang survey na sa iyong palagay ay nangangailangan ng kaalaman at paggabay.7. Magtala ng mahahalagang pangyayari sa isasagawang gawain. Mas makabubuti kung i-video ito upang maibahagi sa mas maraming tao sa pamamagitan ng socal networking site.Pagninilay1. Lumikha ng isang newsletter na ang pangunahing paksa ay tungkol sa karahasan sa paaralan.2. Isalaysay dito ang sumusunod: a. Mga mahahalagang kaalaman na nais na ibahagi sa maraming mga mag- aaral sa paaralan b. Mga tunay ng kuwento ng karahasan mula sa mga kapwa mag-aaral na makatutulong upang mas maimulat ang mata ng lahat tungkol sa panganib na dulot ng pambubulas at paglahok sa fraternity o gang. c. Pagninilay tungkol sa naging karanasan sa kabuuan ng aralin d. Mga mungkahing proyekto o gawain na makatutulong upang mapigilan ang paglaganap ng karahasan sa paaralan3. Tiyakin na magiging malikhain sa paggawa ng newsletter upang mahimok ang marami na basahin ito.4. Ipakita sa guro ang nilalaman nito upang matiyak na walang maling impormasyon na mailalagay dito.5. Matapos maipakita sa guro ay ibahagi ito sa social networking site katulad ng facebook, twitter atbp. 398

Pagsasabuhay1. Makipag-ugnayan sa guidance counselor ng paaralan upang magplano para sa pagbubuo ng isang support group na aalalay sa mga mag-aaral na biktima ng anumang uri ng karahasan sa paaralan. Bigyang-linaw sa kaniya ang mahahalagang bagay na kailangang ihanda para sa pagsasakatuparan nito.2. Matapos ang pakikipag-ugnayan ay magsagawa ng kampanya upang makahikayat ng mga kapwa mag-aaral na nagnanais na maging bahagi ng pangkat lalong-lalo na yaong mga mag-aaral na mayroon ng karanasan sa karahasan sa paaralan. Mas magiging makabuluhan din ito kung gagawing kabahagi sa pangkat ang iba pang mga kasapi ng pamayanan at pamunuan sa paaralan. (Hal. mga magulang, kasapi ng pamunuan ng barangay, mga NGO sa pamayanan at iba pa.)3. Mahalagang maisagawa ang sumusunod na gawain ng support group. a. Pagsasanay para sa lahat ng mga mag-aaral na magiging kabahagi sa pangkat, ito ay magagawa sa pangunguna ng guidance counselor ng paaralan o iba pang mga tao na may kasanayan sa mga gawain kaugnay nito. b. Isagawa ang ilang mga mungkahing gawain: b.1. Mag-anyaya ng mga tagapagsalita na mas makapagpapalawak ng kaalaman tungkol sa karahasan sa paaralan at kung paano ito mapipigilan o masusugpo b.2. Magkaroon ng pagkakataon ng pagbabahagi ng mga kakayahan at talento ng mga kasaping mag-aaral b.3. Positive action sessions. Pagkakataon na bibigyan ang lahat na maibahagi sa pangkat ang kanilang mga positibong pasiya at kilos na nagawa sa loob ng nagdaang araw. b.4. Magtala ng mga paksa para sa talakayan at pagbabahaginan na isasagawa sa takdang panahon na magkikita-kita at magsasama-sama ang pangkat. b.5. Magkaroon ng taunang potluck upang ipagdiwang ang lahat ng mga magagandang gawain na naisagawa at mga pagbabagong naidulot sa mga kasapi dahil sa mga gawain b.6. Outreach program at marami pang iba. c. Gumawa ng newsletter na ibabahagi sa lahat (online o print kung may mapagkukunan ng pondo) upang maipaalam at maipakilala sa lahat ang pangkat. 399

4. Gumawa ng komprehensibong ulat tungkol sa naging epekto ng gawain sa iyong pagkatao. Kumusta na? Naisakatuparan mo ba nang maayos ang mga gawain sa modyul na ito? Kung oo, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan ang mga gawaing di natapos. Katangian ng isang mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng tulong o paggabay mula sa kaniyang kamag-aral o guro.Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet) Sipi ng mga video clip Papel Marker Panulat GuntingMga SanggunianTypes of school violence. Retrieved from http://www.nssc1.org/types-of-school- violence.html on November 28, 2012stop bullying.gov. bullying definition http://www.stopbullying.gov/what-is-bullying/definition/index.htmlOracle ThinkQuest Education Foundation. Consequences of Bullying http://library.thinkquest.org/07aug/00117/bullyingconsequences.htmlAlarming facts about gangs that you need to know http://www.nssc1.org/alarming-facts-about-gangs.htmlhttp://www.girlshealth.gov/bullying/quizzes/quiz.bullied.cfmhttp://www.pamf.org/preteen/growingup/school/bullyquiz.htmlhttp://books.google.com.ph/books?id=xGQGyjoDWNMC&printsec=frontcover&dq=lo ving+yourself&hl=en&sa=X&ei=7e-4UOjLDMaZiQfjtIDwDg&redir_esc=y 400

Modyul 15: AGWAT TEKNOLOHIKAL A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? “Techie” ka ba? Nasubukan mo na bang manood ng telebisyon nang walangremote control? Nakagamit ka pa ba ng teleponong rotary? Nakagamit ka pa ba ngcamera na gumagamit ng film? Marahil nga hindi na. Ito ay dahil sa ipinanganak kasa tinatawag na digital age. Ikaw ang tinatawag ni Mark Prensky (2001) na digitalnative. Napakabilis ng mga pagbabago sa teknolohiya ngayon. Ang mabilis napagbabagong ito ay may epekto sa pakikipag-ugnayan natin sa ating mgamagulang, guro, at sa ating pakikipagkapwa. Naiimpluwensyahan ng mgapagbabagong ito ang pamilya at ang lipunang ating ginagalawan. Sa modyul na ito pag-uusapan natin ang isyung may kaugnayan sa mabilisna pagbabago sa teknolohiya – ang technological gap o agwat teknolohikal. Sa huli’y inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakitmahalaga ang pag-unawa sa konsepto ng agwat teknolohikal? Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-unawa:a. Natutukoy ang kahulugan ng Agwat Teknolohikalb. Nasusuri ang:  pagkakaiba-iba ng mga henerasyon sa pananaw sa teknolohiya  implikasyon ng pagkakaroon at di pagkakaroon ng access sa teknolohiyac. Nahihinuha ang Batayang Konsepto ng aralind. Naisasagawa ng ang mga angkop na kilos upang makatugon sa hamon ng Agwat Teknolohikal 401

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik d:1. Nakagawa ng plano ng gawain ayon sa L - ayunin A - ktuwal na Gampanin P - aglilingkuran P - amantayan at Kraytirya I - naasahang Pagganap S – itwasyon2. Naglahad ng komprehensibong pangangatwiran (rationale) para sa isinagawang Gawain3. Ayon sa moral na batayan ang inilahad na paliwanag4. Malinaw at madaling maunawaan ang paliwanag Paunang Pagtataya Panuto: Kilala mo ba ang iba’t ibang henerasyon? Sa ibaba ay may limanggrupo ng mga salita na tumutukoy sa mga henerasyon at sa konseptong kaugnaynito. Ayusin ang mga letra ng salita upang buuin ang tinutukoy sa pangungusap.Isulat sa patlang ang iyong sagot.1. LISTEN GONTARIENE = _____________________________2 SALITA UNANG IKALAWANG Ang henerasyongINGLES SALITA SALITA ipinanganak at lumaking walang makabagong 2 PANTIG 4 NA PANTIG teknolohiya.2. TEN RAGENETINO = ______________________________2 SALITA UNANG IKALAWANG Ang henerasyongINGLES SALITA SALITA ipinanganak sa panahon ng 1 PANTIG information overload. Sa 4 NA PANTIG edad na tatlong taon ay gumagamit na ng internet o cellular phone. 402






















































































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook