4. umuuwi sa tamangoras pagkatapos ngaking paglalaro.5. kumakain atnatutulog sa tamangoras ayon sa bilin ngnanay.6. sumusunod kapagako ay sinabihanghuwag kumpunihin angmga bagay na de-kuryente.7. nagpapaalam kungsaan ako pupunta.8. nag-aaral nangmabuti dahil iyon angbilin ng aking mgamagulang.9. naglilinis ng akingkatawan at hindi nakailangan pangpaalalahanan.10. hindinagpapapasok ngtaong hindi ko kilala saaming bahay. 8
Gawain 2Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod nasitwasyon? Iguhit mo sa sariling papel ang iyonggagawin.1. Tinatawag ka ng iyong lolo upang magpatulong sa pagbubuhat ng prutas.2. Nais mong lumabas at makipaglaro sa iyong mga kaibigan. Bilin ng iyong nanay na ipaalam mo sa kanya kung saan ka pupunta.Gawain 3Pagmasdan ang mga larawan at basahin angsumusunod na diyalogo. Piliin ang diyalogo nanagpapakita ng pagkamasunurin. 9
10
Gawain 4Basahin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sakwaderno. Ibahagi ang iyong sagot sa iyongpangkat.Ano ang maaaring mangyari kung: 1. hindi ka umuwi sa tamang oras buhat sa paaralan? 2. natulog ka nang maaga bilang pagsunod sa utos ng iyong nanay? 3. hindi mo ginawa ang gawaing bahay na nakatakda para sa iyo? 4. hindi mo sinuway ang bilin ng iyong lolo nang sabihin niyang huwag kang maglaro sa labas ng bahay sa katanghaliaang tapat? 11
Isapuso“Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mgamagulang.” Natatandaan mo ba ang linyang ito?Tama! Ito ay mula sa Panatang Makabayan.Hindi ba’t kung ikaw ay nanunumpa sa harap ngating bandila ay inilalagay mo ang iyong kanangkamay sa iyong dibdib? Dahil ito ay iyongsinumpaan, nararapat na ito ay iyong tuparin. TANDAAN: Ang mga utos, bilin, at paalala sa iyo ng mga nakatatanda ay nararapat lamang na sundin at gawin. Ang mga ito ay para rin sa iyong ikabubuti. Tandaan na ang batang masunurin ay malayo sa kapahamakan. 12
IsabuhayIbahagi sa iyong mga kapatid ang mga paraanupang maipakita ang pagiging masunurin satahanan. Pag-usapan din ang kahalagahan nito.Hikayatin din silang maging masunurin sa tahanan. SubukinGawain 1.Gumuhit sa iyong kwaderno ng dalawang (2)puso kung ginagawa ang isinasaadng pangungusap at isang (1) puso kung hindiginagawa.1. Sinusunod ko kaagad ang mga utos ng magulang.2. Umuuwi kaagad pagkalabas ng klase.3. Sumasagot ako kaagad kapag tinatawag ng lolo at lola. 13
4. Iniiwasan kong gawin ang ipinagbabawal ng aking mga magulang.5. Kailangan pang bigyan ako ng pabuya bago ko gawin ang ipinagbibilin ng aking mga tiya.Gawain 2Iguhit ang sa iyong papel kung ang sitwasyonay nagpapakita ng pagiging masunurin.1) Hindi maaari. Ang bilin Sige. Sana ng nanay ay umuwi ako makasama ka nang maaga. Hindi ako sa isang linggo. maaaring sumama sa Magpaalam ka inyo ng walang paalam sa iyong nanay. sa kanya. 14
2) Magtutulog- tulogan ako Roman, halika para hindi ako na. Magtupi mautusan. na tayo ng mga malilinis na damit.3) Maaari Sige po, Tiyo Martin. bang Ikukuha ko na rin po makahingi kayo ng saging para ng malamig sa iyong meryenda. na tubig? 15
4) Pagbuksan mo si Aling Maria ng pintuan. Opo, Lola. Maglilinis na ako ng aking5) katawan bago matulog. Matutuwa ang nanay. Hindi na niya ako kailangan pang sabihan. 16
Gawain 3Sabihin ang pangungusap na nagsasabi ng dapatmong gawin kung inuutusan. 1. Susunod kaagad ako kung ako ay inuutusan. 2. Sasabihin ko na iba na lang ang utusan. 3. Ako ay magbingi-bingihan. 4. Tatakbo akong palayo. 5. Ititigil ko ang aking ginagawa.Gawain 4Basahin ang mga sumusunod na dayalogo. Piliin angtitik ng pangungusap na nagsasaad ng tamangsagot. 1. Aling Gelay: Alam mong hanggang ikaapat nghapon ka lamang maaaring maglaro.Iking: Pasensiya na po, Inay. Nalimutan ko angiyong bilin.Ano ang dapat na gawin ni Iking? a. Uuwi na siya sa tamang oras. b. Magpapagabi na siya ng pag-uwi. c. Hindi na siya kailanman maglalaro sa labas.2. Lola Cela: Tandaan mo, apo. Ang pagsisipilyo aymahalaga. 17
Nita: Lola, alam ko na po iyan. Hindi pa rin sinunod ni Nita ang payo ng kanyanglola. Ano ang mangyayari kay Nita? a. Masisira ang kanyang ngipin. b. Magiging malusog ang kanyang mga c. Magiging maputi ang kanyang mga ngipin. ngipin.3. Aling Naty: Carlo, itapon mo na ang mga balat ng saging sa basurahan. Carlo: Opo, Inay.Basta na lamang inihagis ni Carlo ang mga balat ngsaging sa basurahan. Ang iba ay nakakalat sa sahig.Ano ang maaaring mangyari?a. Maaaring madulas ang Nanay dahil sabalat ng saging na nakakalat.b. Matutuwa ang nanay kapag nakita niya ang mga balat na nakakalat sa sahig.c. Sasang-ayunan ng nanay si Carlo dahil sa kanyang ginawa.Gawain 5Kung ikaw ay masunuring bata, ano sa palagay moang maaaring maramdaman ng iyong mag-anak?Ano kaya ang maaari nilang masabi? Iguhit o isulatang iyong sagot sa kuwaderno. 18
Aralin 2 – Pagpapahalaga saPagpapanatili ng Kaayusanat Kapayapaan 19
Alamin Ano ang iyong mararamdaman kung sa paligidmo ay may mga kasama kang madalas nanagtatalo? Madalas na sila ay hindi nagkakasundo at ito aynauuwi sa away. IsaisipNagkaroon na ba kayo ng hindi pagkakaunawaansa inyong tahanan? Paano ka makatutulong sapagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan?Maaari mong gawin ang mga sumusunod: 1. Palaging makitungo nang may paggalang sa mga kasapi ng iyong mag-anak. 20
Pagmasdan ang bawat larawan: Opo, Inay. Nagawa ko na po ang aking takdang-aralin. 2. Sumunod sa napagkasunduang tuntunin sa loob ng tahanan, kung mayroong alituntunin na naitakda. Nararapat lamang na ito ay iyong sundin. 21
3. Maging masaya sa tagumpay ng kasapi ng mag-anak. Hindi ba’t nararapat lamang na matuwa ka sa tagumpay ng iyong mga kapatid?Tandaan na ang kanilang tagumpay ay tagumpaymo rin. 4. Iwasan ang mainggit sa mga kasapi ng mag- anak.Ang pagiging maiinggitin ay hindi magandanggawain.Unawain ang dahilan kung bakit minsan ay hindinapagbibigyan ang iyong kagustuhan. 22
5. Maging mapagpakumbaba at mapagpatawad. Kung minsan ay nagkakasakitan kayo ng kasapi ng iyong mag-anak. Humihingi ka ba ng paumanhin lalo na kung ikaw ang nakasakit?Ang pag-amin sa pagkakamali at paghingi ngtawad ay mabuting gawi.Mas maigi rin na iwasan na makasakit pang muli.Naku! Ate! Pasensiya Sige. Basta sa susunod ayna. Hindi ko mag-ingat ka sa paglalarosinasadyang upang hindi ka namatamaan ka ng bola. makasakit ng iba.May iba ka pa bang naiisip kung paanomapananatili ang kaayusan at kapayapaan sa loobng inyong tahanan? 23
Isagawa Gawain 1Nais mo bang magkaroon ng kaayusan atkayapaan sa inyong tahanan? Sabihin ang mgatamang paraan upang ito ay makamit. paggalang pagtulong pakikiisa paglikha ng gulo pagpaparaya pagsunod sa utos pagtupad sa tungkulin pag-iwas sa pagiging mainggitin 24
Gawain 2Gumuhit ng larawan na nagpapakita na maykaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan.Gawain 3Piliin sa mga sumusunod ang maaari mong gawinupang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sainyong tahanan: 1. Hihingi ako ng paumanhin sa aking bunsong kapatid dahil nabangga ko siya. Sasabihin ko na hindi ko iyon sinasadya. 2. Maglalaro ako maghapon kahit alam kong kailangan kong umuwi bago magtanghalian. 3. Pagtutulungan naming inisin ang aming bunsong kapatid. 4. Pauunahin ko sa paggamit ng palikuran ang aking kapatid dahil mas maaga ang pagpasok niya sa paaralan. 5. Iiwasan ko na makipag-away sa aking mga kapatid. 25
Gawain 4Tanungin ang nanay o tatay ng iyong kaibigan.Alamin kung paano napapanatili ang kaayusan atkapayapaan sa kanilang tahanan. Ibahagi ito saklase. IsapusoMag-isip ng sariling simbulo ng kapayapaan.Gumupit ng larawan nito mula sa lumang magasin odyaryo. Idikit ito sa inyong kwaderno. Sabihin kungbakit ito napili. TANDAAN: Ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ay nagsisimula sa loob ng tahanan. Bilang kasapi ng iyong mag-anak ay may magagawa ka upang ang mga ito ay makamtan. Isipin mo, kung lahat ng bata ay gagawin ito, makatutulong ito upang magkaroon ng pandaigdigang kaayusan at kapayapaan. 26
IsabuhayMayroon ka bang nakagalit sa inyong mag-anak? Odi kaya naman ay nasaktan mo ang kanyangdamdamin? Sa isang pirasong papel, sumulat ngisang maikling liham na humihingi ng paumanhin.Maaari mo itong ibigay sa kanya. SubukinGawain 1Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.Piliin ang mga pangungusap na sa palagay mo aymakapagpapanatili ng kapayapaan sa isangtahanan. 1. Hihingi ako ng paumanhin sa aking ate dahil natabig ko nang hindi sinasadya ang kanyang baso. 2. Dahil ako ang nakatatanda sa aming magkakapatid, ako ang dapat kampihan ng aking mga magulang. 27
3. Maghihintay ako ng aking tamang pagkakataon sa paggamit ng banyo. 4. Magpapaalam ako sa aking kapatid kung kailangan kong gamitin ang kanyang basketball. 5. Upang hindi ako mapagalitan ng aking nanay, ililihim ko na lamang na ako ang nakabasag ng kanyang salamin.Gawain 2Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sabihin ang titik ng tamang sagot.1. Naglalaro ang iyong mga nakababatang kapatid. Mayamaya pa ay narinig mo na sila ay nag- aaway na. Ano ang iyong gagawin? a. Sisigawan ko sila. b. Ipapaalam ko ito sa aking nanay. c. Makikisali ako sa kanilang pag-aaway.2. Bawat isa sa inyong magkakapatid ay may nakatakdang gawaing-bahay. Upang maiwasan ang di pagkakasundo ito ay a. dapat mong gawin. b. magreklamo sa inyong magulang. c. hayaang gawin ito ng iyong nanay. 28
3. Pinulong kayo ng inyong mga magulang. Pag- uusapan ninyo kung ano ang dapat gawin upang maiwasan ang hindi pagkakasunduan sa paggamit ng computer. a. Pakikinggan mo ang mungkahi ng bawat isa. b. Ipipilit mo ang gusto mong mangyari dahil ikaw ang bunso. c. Aalis ka sa pagpupulong upang maunahan mo sila sa paggamit ng computer.4. Hindi sinasadyang nauga ng iyong kapatid ang mesa kung saan ka nagsusulat ng iyong takdang- aralin. a. Magagalit ka sa kanya. b. Gagantihan mo siya. c. Pagpapasensiyahan mo siya.5. Malabo ang mata ng aking kapatid. Hindi na niya gaanong nababasa ang mga salita lalo na kung ito ay malayo. a. Tutulungan ko siyang magbasa. b. Itatago ko ang kanyang salamin. c. Tutuksuhin ko ang aking kapatid. 29
Gawain 3Basahin ang bawat sitwasyon. Sabihin kung anoang dapat mong gawin. 1. Kailangan mo ng tambol para sa inyong pagtatanghal sa paaralan. Alam mo na mayroon nito ang iyong ate. 2. Naglalaro kayo ng iyong mga kapatid sa sala. Sinabi ng iyong nanay na nagpapahinga ang inyong tatay sa kanilang silid. 3. Gumawa ng iskedyul ng mga gawaing bahay ang iyong nanay. Ikaw ang naatasang tumulong sa paglilinis ng inyong silid tuwing Sabado ng umaga. 4. Kapos kayo sa pera kung kaya’t ang bunsong kapatid mo pa lang ang naibili ng bagong damit para sa isang espesyal na araw. 5. Humihingi ng paumanhin ang iyong kapatid matapos ang hindi ninyo pagkakasunduan. 30
Aralin 3 – Pagkalinga SaKapaligiran 31
AlaminMadalas ka bang nasasabihan ng iyong nanay natumulong sa paglilinis ng inyong bahay? Pinapaalalahanan ka ba ng iyong tatay naitapon mo sa tamang basurahan ang mga balat ngkendi o anumang kalat? Bakit kailangang gawin mo ang mga ito? Bakitnga ba? Bilang isang bata, ikaw ay may tungkulin din saiyong kapaligiran. Ano- ano nga ba ang mga ito? Paano mo maipakikita ang iyong pagkalinga saiyong kapaligiran? Isaisip Tumingin sa iyong paligid. Ano angiyong nakikita? Ano ang iyong naririnig? Ano angiyong naaamoy? Ano ang iyong nadarama? 32
Ang hangin, tubig, lupa, mga hayop, at halamanay bumubuo ng kapaligiran. Ang inyong bahay, bakuran, pati na ang iyongaklat at iba pang bagay na gawa ng tao ay bahaging kapaligiran. Nararapat lamang na panatilihin mong maayosat malinis ang ito. Bahagi rin ba ako ng kapaligiran? 33
Ay! Oo, ikaw rin ay bahagi ng kapaligiran. Hindiba’t alam mo na kung paano momapapangalagaan ang iyong sarili?Ngayon, alamin ang mga tamang gawain upangmaipakita mo ang iyong pagmamahal sa iyongkapaligiran.1. Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.Bakit kaya nararapat na paghiwalayin ang mgabasurang nabubulok at hindi nabubulok?2. Tandaan ang 3 Rs. Ito ay mga paraan upang mabawasan ang mga basura sa inyong kapaligiran. Reuse ay ang paggamit na muli ng mga bagay na luma na. 34
May bag ang iyongnanay na hindi na niyaginagamit.Paano mo kaya itomapakikinabangan?Tama! Hindi ba’tminsan marami kangmga gamitna kailangang dalhinsa paaralan? Oooopppps… Itatapon mo na ba ang mga iyan? Huwag! Maaari mo pang gamitin ang mga plastic na kutsara at tinidor.Ikaw rin, baka marami kayong bisitang darating sainyong piyesta. Huwag mong kalimutang hugasanang mga ito bago itago.Ano- ano pa kayang mga bagay ang maaari pangmagamit ulit? 35
RecycleEh, ito kayang basyonggarapon? Pwede kayaitong maging regalo saiyong nanay sakanyang kaarawan? Ang galing, hindi ba? Sino ang mag-aakalang ang flower vase na ito ay dating lalagyan ng jam?Ang ganitong gawain ay tinatawag na recycling. Itoay paggamit na muli sa mga bagay para sa ibangdahilan.Ano pa kayang mga bagay ang maaaring magamitmuli o pwedeng i-recyle? 36
ReduceAng pagbabawas ng paggamit sa mga bagay nahindi naman talaga kailangan ay tinatawag nareduce.Ginagawa ito upang mabawasan ang basura atmakatipid na rin. Nakabili ka na ba ng isang bagay na maraming balot? Ano ang karaniwang ginagawa sa mga balot nito?Iwasang bumili o gumamit ng mga bagay na tuladnito. Alam mo ba na pati na ang mga balot nito ayiyong binabayaran? Kaya kadalasan aynapapamahal pa ang iyong pagbili.Sa kalaunan ay maaaring makaragdag ang mga itosa basura sa kapaligiran.Kaya, tandaan ang 3 Rs – Reuse, Recylce, atReduce. 37
Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba. Kung may refrigerator sa bahay, huwag itong hayaang nakabukas palagi. Ang madalas na pagbubukas nito ay nakadaragdag din sa kuryenteng nasasayang.Teka. Kailangan mo batalagang bumili ng bottledwater para dalhin sapaaralan?Isipin mo, kung lahat ngbatang tulad mo ay bibili nitoaraw-araw. Ano kaya angmaaaring mangyari?Ano kaya ang nararapatmong gawin? 38
Ito ba ang iyong naiisip? Magaling! Mas makatitipid ka pa, hindi ba? Siguraduhing nakasaradonang maayos ang gripo upanghindi maaksaya ang tubig. Siguraduhing nakasara ang telebisyon at iba pang kagamitang de-kuryente kung hindi ginagamit.Huwag aksayahin angmga gamit na pampaaralan.Paano mo kaya magagamitang mga pahina ngkwadernong hindinasulatan? 39
. Huwag saktan ang mga manok, Maaari mong aso at iba pang imungkahi sa iyong hayop. Sila rin ay nanay na mas nakatutulong sa mabuting gumamit iyong kapaligiran. ng lampin kaysa sa disposable diaper Hindi ba’t iyong para kay Beybi. napag-aralan na marami sa kanila ang nagbibigay ng iyong mga pangunahing pangangailangan ?Sabi ko sa iyo, eh. Kaya mo ring magingtagapangalaga ng iyong kapaligiran kahit ikaw aybata pa. 40
IsagawaGawain 1Pag-aralan mo ang bawat larawan. Sagutin angmga tanong na kasunod nito. Ibahagi ang iyongsagot sa klase.Ano ang masasabi mo sa silid na ito? Ano kaya angmaaaring mangyari kung walang kaayusan sa isanglugar tulad nito? 41
Ano kaya ang maaaring mangyari kung palagingmarumi ang inyong bakuran?Gawain 2 Ipaliwanag kung tama o mali ang mgasumusunod na pangungusap. Humanap ngkapareha at pag-usapan ang inyong mga sagot. 1. Ang lahat ng basura ay dapat itapon. 2. Ang paggamit na muli ng mga bagay na hindi na ginagamit ay makatutulong sa pagbawas ng basura. 3. Mas maaliwalas ang kapaligiran kung ito ay palaging malinis at maayos. 4. May epekto sa iyong kalusugan ang iyong kapaligiran. 5. Magiging ligtas ang batang tulad mo kung maayos ang kapaligiran. 42
Gawain 3Pag-aralan ang larawan. Tulungan mo ang bawatbata kung saan nila dapat ilagay ang mga bagayna kanilang hawak. Sabihin ang iyong sagot. 43
Gawain 4Makinig sa mga sumusunod na panuto na sasabihinng guro. Pumili lamang ng isang sasagutin. Tandaan na kayo ay may 1 hanggang 2 minutolamang upang ito ay ibahagi sa klase. 1. May mga damit kang hindi mo na ginagamit. Nabalitaan mo na may mga batang nasunugan sa kabilang barangay. 2. Noong huli kayong namalengke ng iyong nanay ay nalaman mo na hindi na pinapayagan ang paggamit ng plastic bag. 3. Itatapon ng iyong kapatid ang kanyang kwaderno. Marami pa itong pahinang hindi pa nasulatan.Gawain 5Magdiriwang ng kaarawan ang iyong pinsan. Kulangang iyong perang pambili ng regalo para sa kanya.Mayroon kang pwedeng gawin na hindi mo nakailangang gumastos pa. Makagagawa ka ng isangbagay na yari sa mga bagay na galing sakapaligiran. Heto, subukin mo. Maaari kang magpatulong sanakatatandang kasapi ng mag-anak. 44
Tandaan: Maging maingat at sundin nangtama ang bawat paraan.Mga kagamitan:mga tuyong dahon glue Scotch tapeat bulaklaksinulid puncher o gunting pambutasplastic cover krayola matigas na papel mula sa lumang karton o cardboard 45
Pamamaraan: 1. Gupitin ang matigas na papel na may sukat na 6 na pulgada ang haba at 3 na pulgada ang lapad. 2. Idikit dito ang mga tuyong dahon at mga bulaklak sa disenyong nais. Patuyuin. Mag-iwan ng espasyo para sa isusulat na mensahe. 46
3. Isulat ang iyong mensahe gamit ang krayola.4. Balutan ng plastic cover sa pamamagitan ng Scotch tape. 47
5. Lagyan ng butas ang dulo ng cardboard. 6. Lagyan ng tali.Hayan, gawa na. Ang ganda, hindi ba? 48
Isapuso Ang iyong kapaligiran ay mahalaga. Ikaw ay bahagi nito. May magagawa kaupang ito ay mapangalagaan. TANDAAN: Kung ang iyong kapaligiran ay iyong kinakalinga, ito ay magiging maayos at malinis. Kahit ikaw ay isang bata pa lamang, ikaw din ay maaaring maging tagapangalaga ng Inang Kalikasan. Isabuhay Basahin ang mga sumusunod nasitwasyon. 1. Aayusin ko ang aking mga gamit pagkatapos ko silang gamitin. 2. Bago ako magtapon ng mga bagay sa aming bahay, pipiliin ko ang mga bagay na dapat pang mapakinabangan. 3. Tutulungan kong mapalago ang mga gulay na itinanim ng tatay sa aming bakuran. 4. Sisiguraduhin kong naisara ko ng maayos ang gripo pagkatapos ko itong gamitin. 5. Sasabihin ko sa aking nanay na mas mabuting gumamit ng lampin kaysa sa disposable diaper para kay Beybi. 49
Pumili ng isang sitwasyon. Isalaysay sa klase kungano ang magandang ibinunga ng iyong ginawa. SubukinGawain 1Piliin ang larawan na nagpapakita ng pagmamahalsa kapaligiran. Ipaliwanag ang iyong sagot. 50
Gawain 2Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sabihinang titik ng tamang sagot. 1. Nakita mong basta na lang itinapon ng iyong nakababatang kapatid ang mga basura sa likod ng inyong bahay. a. Sasabihan ko siya na sa tamang basurahan niya dapat ito itapon. b. Sasabihin ko sa kanya na itapon iyon sa tabi ng bahay ng aming kapitbahay. c. Sasabihin ko sa kanya na itapon iyon sa bubong ng aming bahay. 2. Tutulungan mong maglinis ng sasakyan ang iyong tiyo. Sinabi ng iyong nanay na may tubig na pinagbanlawan ng mga damit. a. Gagamitin ko ang tubig na pinagbanlawan sa paglilinis ng sasakyan. b. Mag-iipon ako ng malinis na tubig panglinis ng sasakyan. c. Manghihingi ako ng tubig na panlinis sa aking tiyo. 3. Nakita mong tinatapakan ng iyong mga kalaro ang mga tanim sa inyong halamanan. a. Sasabihin ko sa kanila na huwag nilang sirain ang mga halaman. 51
b. Lalapit ako sa kanila at tatapak din ako sa mga halaman. c. Ngingiti ako at sasabihin ko na ipagpatuloy nila ang pagtapak sa halaman.Gawain 3Pag-aralan ang bawat larawan. Ano ang dapatgawin sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag angiyong sagot. Nakakalat na naman ang sapatos ni Bunso. Umaapaw na ang tubig sa balde. 52
Nalimutan ni Ate patayin ang ilaw. Hindi na ito kasya sa akin.Gawain 4Isulat ang T sa papel kung ang pangungusap aytama at M kung ito ay mali. 1. Hindi maaaring mapakinabangan ang anumang basura. 2. May magagawa ka upang mapanatiling malinis ang iyong kapaligiran. 53
3. Ang reuse ay ang muling paggamit ng mga bagay na luma. 4. Kung may sira ang gripo, agad itong ipaalam sa iyong tatay upang ito ay makumpuni. 5. Ang mga balat ng prutas ay mga basurang hindi nabubulok.Gawain 5Makinig sa guro. Piliin ang pangungusap nanagsasabi ng mabuting gawi sa pangangalaga ngkapaligiran. 1. Tumutulong ako kay tatay sa pagdidilig ng halaman. 2. Nakapasok na sa paaralan si Kuya. Nalimutan niyang patayin ang ilaw sa kaniyang kwarto. Hihintayin ko siyang dumating upang siya ang magpatay nito.3. Kukunin ko na ang mga gulay at iba pang sangkap na gagamitin ni Nanay mula sa refrigerator. Iiwanan kong nakabukas ang refrigerator pagkatapos.4. Ipapaalam ko kay Tatay na nasira ang gripo.5. Aayusin ko ang pagbubukas ng regalo sa akin para di masira ang pambalot. Pwede ko pang magamit ito sa pagbalot sa iba kong regalo. 54
Yunit 4Pananalig sa Panginoon atPreperensya sa Kabutihan 55
Aralin 1 – Pananampalataya sa Panginoon Hello. Kumusta ka na? Ang atingpaksa sa araling ito ay tungkol sa pananampalatayasa Diyos. Ngunit bago ang lahat, piliin ang mgalarawan na nagpapakita ng mga bagay na iyongtinatamasa? 56
Isaisip Ang mga mabubuting bagay naipinagkakaloobng Diyos ay tinatawag nating mga pagpapala obiyaya. Ilan sa mga halimbawa nito ang mgasumusunod: 57
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177