Front Page
Most Essential Learning Competencies: Recognizes disasters or emergency situations (H4IS-IVa-28) Demonstrates proper response before, during, and after a disaster or an emergency situation (H4IS-IVb-d-29) Relates disaster preparedness and proper response during emergency situations in preserving lives (H4IS-IVe-30) Identify safety precautions during different weather conditions. (S4ES-IVg-8) Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay) (F4PB-Ia-97) Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging damdamin (F4PS-IIe-f-12.1)
Treasury of Storybooks This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022 of the Department of Education. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in collaborative assemblies and in meetings of public character. This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022 of the Department of Education. Ang Hiwaga sa mga Bag ni Nanay. DepEd-BLR, 2022
Mayroon din bang mga bag ang inyong Nanay? Inaayos din ba niya ang mga ito? Kailan niya ito ginagawa? Nagtataka ka ba kung ano ang laman ng mga ito? Alamin natin sa kuwentong ito kung ano nga ba ang laman ng mga bag ni Nanay. Halina’t tulungan natin si Kiko na tuklasin ang hiwaga ng mga bag ni Nanay.
Nakita ko si Nanay, abala na naman sa pag-aayos ng mga bag na nakalagay sa ibabaw ng kabinet malapit sa may pinto. Lumapit ako sa kalendaryong nakasabit na malapit sa may pinto ng aking kuwarto. “A, kaya pala. Ika-30 na naman ng buwan.” Napansin kong tuwing katapusan ng buwan, inaayos ni Nanay ang mga bag. “Ano kaya ang laman ng mga bag na iyon?” nagtatakang tanong ko sa sarili.
Pinuntahan ko si Lola na nagpapahinga sa kanyang paboritong upuang tumba-tumba. “Lola, ano po ba ang laman ng mga bag ni Nanay?” tanong ko. “Naku! Apo, ang laman ng mga bag na iyon ay isang mahiwagang tindahan na hindi nauubusan ng paninda!” sagot ni Lola. “Wow! Talaga po?” ang nanlalaking mga matang sagot at tanong ko.
Pinuntahan ko si Lolo na nagbabasa ng diyaryo. “Lolo, ano po ba ang laman ng mga bag ni Nanay?” tanong ko. “Naku! Apo, ang laman ng mga bag na iyon ay isang mahiwagang ilaw, na kayang paliwanagin ang isang napakadilim na kuwarto!” sagot ni Lolo. “Wow! Talaga po?” ang nanlalaking mga matang sagot at tanong ko.
Pinuntahan ko si Tatay na nag-aani ng petsay sa likod-bahay. “Tatay, ano po ba ang laman ng mga bag ni Nanay?” tanong ko. “Naku! Kiko, ang laman ng mga bag na iyon ay isang mahiwagang pito, na ang tunog ay umaabot hanggang sa kabilang ibayo!” sagot ni Tatay. “Wow! Talaga po?” ang nanlalaking mga matang sagot at tanong ko.
Pinuntahan ko si Kuya Aga na tumutugtog ng gitara sa may beranda. “Kuya, ano po ba ang laman ng mga bag ni Nanay?” tanong ko. “Naku! Kiko, ang laman ng mga bag na iyon ay isang mahiwagang salbabida, na kayang palitawin ang isang napakalaking balyena!” sagot ni Kuya Aga. “Wow! Talaga po?” ang nanlalaking mga matang sagot at tanong ko.
Story page 13
Story page 14 Pinuntahan ko si Ate Letlet na gumagawa ng proyekto sa kanyang kuwarto. “Ate, ano po ba ang laman ng mga bag ni Nanay?” tanong ko. “Naku! Kiko, ang laman ng mga bag na iyon ay mga mahiwagang damit na kayang isuot nang paulit-ulit!” sagot ni Ate Letlet. “Wow! Talaga po?” ang nanlalaking mga matang sagot at tanong ko.
Pinuntahan ko si Yaya, na naglilinis sa kusina. “Yaya, ano po ba ang laman ng mga bag ni Nanay? tanong ko. “Naku! Kiko, ang laman ng mga bag na iyon ay mahiwagang tela, na kayang takpan ang isang napakalaking mukha ni Kurakog na taga- Story page 15Isarog!” sagot ni Yaya. “Wow! Talaga po?” ang nanlalaking mga matang sagot at tanong ko.
Ano nga ba talaga ang laman ng mga bag ni Nanay? Sabi ni Lola ay isang mahiwagang tindahan na hindi nauubusan ng paninda. Sabi naman ni Lolo ay isang mahiwagang ilaw na kayang paliwanagin ang isang napakadilim na kuwarto. Pero ang sabi ni Tatay ay isang mahiwagang pito na umaabot ang tunog hanggang sa kabilang ibayo.
Sabi ni Kuya Aga ay isang mahiwagang salbabida na kayang palitawin ang isang dambuhalang balyena. Sabi naman ni Ate Letlet ay mga mahiwagang damit na kayang isuot nang paulit-ulit. Pero ang sabi naman ni Yaya, mahiwagang tela na kayang takpan ang napakalaking mukha ni Kurakog na taga-Isarog.
“Naku! Nalilito na talaga ako. Ano nga ba talaga ang laman ng mga bag ni Nanay?” tanong ko sa sarili. Kaya pinuntahan ko si Nanay, na patuloy sa pag-aayos ng mga bag. “Nanay, ano po ba ang laman ng mga bag na iyan? “Naku! Kiko, ang laman nito ay mga pangunahing pangangailangan sa tuwing may kalamidad o sakunang hindi inaasahan,” sagot ni Nanay.
“Mayroon itong mga tsokolate, biskuwit, tubig at de-latang maaari nating kainin kung sakaling hindi tayo makabili sa tindahan sa kanto dahil sa bagyo,” dagdag pa niya. “Aba! Tama nga si Lola! Sa loob ng bag ay may mahiwagang tindahan!” natutuwang sabi ko.
“Mayroon ding flashlight na de baterya, na maaaring gamitin kapag walang koryente dahil sa bagyo o baha,” dagdag pa niya. “Aba! Tama nga si Lolo! Sa loob ng bag ay may mahiwagang ilaw! natutuwang sabi ko.
“Mayroon din itong pito, na maaaring gamitin kapag hihingi ka ng saklolo. Lalo na kung ikaw ay nasa peligro o kaya’y natabunan dahil sa pagguho,” dagdag pa niya. “Aba! Tama rin si Tatay! Sa loob ng bag ay may mahiwagang pito!” natutuwang sabi ko.
“Maaari mo rin itong gawing salbabida, lalo na kung umapaw ang tubig sa sapa dahil sa baha,” dagdag pa niya. “Aba! Tama nga si Kuya Aga! Ang bag ay nagiging mahiwagang salbabida!” natutuwang sabi ko.
Mayroon din itong mga damit, na maaaring gamiting pamalit. Lalo na kung ang iyong damit ay nabasa dahil sa pag-ulang dala ng bagyo o baha,” dagdag pa niya. “Aba! Tama nga si Ate Letlet! Sa loob ng bag ay may mga mahiwagang damit!” natutuwang sabi ko.
“Mayroon din itong facemask, na pananggalang sa alikabok at abo dulot ng pagputok ng bulkan.” dagdag pa niya. “Aba! Tama rin si Yaya! Sa loob ng bag ay may mahiwagang tela!” natutuwang sabi ko.
“Pero, bakit po may mga papel ding nakasilid sa plastik? Para saan po iyan?” nagtatakang tanong ko. “A, iyan ba? Mga mahahalagang dokumento iyan. Mayroong ID o Identification Card diyan kung sakaling kakailanganin mo para sa iyong pagkakakilanlan. May kaunting pera para may pambili ka ng iyong panguhaning pangangailangan sa oras ng kagipitan.” paliwanag ni Nanay.
“Ngayon ay alam ko na kung ano ang laman ng mga bag ni Nanay! Paghahanda pala ito kapag may dumating na kalamidad o sakuna na hindi inaasahan.” “Galing naman ni Nanay!” “Sa susunod na buwan ay tutulungan ko si Nanay sa pag- aayos ng mga bag.’’ pangako ko sa sarili.
Ang batang si Kiko ay nagtataka kung bakit palaging nag-aayos ng mga bag ang kanyang Nanay tuwing katapusan ng buwan. Ano nga ba ang laman ng mga ito? Halina’t tulungan natin si Kiko na tuklasin ang hiwaga ng mga bag ni Nanay.
Search
Read the Text Version
- 1 - 44
Pages: