Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Bumalik na Ang Dating ako

Bumalik na Ang Dating ako

Published by Ulap Luna Mallari, 2023-02-09 11:23:50

Description: Bumalik na Ang Dating ako

Search

Read the Text Version

Learning Competencies Nakapagbibigay ng sarili at maaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid F6PS-Ig-9 (FILIPINO 5) Suggests ways to develop and maintain one’s mental and emotional health H5PH-Ic-11 (Health 5) Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral EsP5PKP – Ic-d - 29

Treasury of Storybooks This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022 of the Department of Education. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may , among other things, impose as a condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues , rules and regulations, and speechless, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in collaborative assemblies and in meetings of public character. For the purpose of citation , the following is recommended. DepEd BLR, 2022 DEVELOPMENT TEAM Kuwento ni: Guhit ni: Learning Resource Managers:



“Anak, kanina mo pa hinahalungkat ‘yang bag mo, may nawawala ba?” takang tanong ni Tatay. “Inaayos ko lang po,” alanganin kong sagot. Walong notebooks, limang basahan, isang pad paper, dalawang ballpen, isang kahong crayons, dalawang lapis, isang pantasa, isang pambura, at isang spray ng alcohol. May extra pang facemask, at may nametag na rin.

Kumpleto na naman at nakaayos na ang aking mga gamit. Pero bakit hindi ako mapakali? Parang may kulang? Iba ang aking pakiramdam!!Hindi naman ako ganito dati. Inihanda na agad ni Tatay ang magiging meryenda ko. Dalawang pan-de-ube at isang puting mais. May malamig na tubig na rin ako sa isang malaking lagayan. Sa totoo lang parang mas excited pa yata sina Nanay at Tatay sa araw na ito kaysa sa akin. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Handa na nga lahat. Pero ang sarili ko, parang hindi pa. Hindi pa bumabalik ang dating ako.

Dati naman kapag unang araw ng pasukan, minamadali ko si Nanay sa pag-aayos ng aking mga gamit. Gusto ko maaga kaming papasok. Kakaiba talaga ngayon. Parang ayaw ko na gusto ko! .

Hala! Ngayon naman parang may emergency sa tiyan ko! Hindi naman ito ganito kanina. Kung kailan papasok na ako biglang nagkaganito na ang tiyan ko? “Nona, kanina ka pa pabalik-balik sa banyo. Masama ba ang tiyan mo?” takang tanong ni Nanay. “Hindi ko nga alam Nanay. Wala naman pong lumalabas,” hiya kong sagot.

“Kinakabahan ka yata, anak,” birong sabi ni Tatay. “Ayos ka lang? Huwag ka na kaya munang pumasok. Baka doon ka pa abutan sa eskuwelahan,” dugtong pa ni Nanay. “Papasok po ako Nanay,” nagdadalawang-isip kong sagot. “Bakunado ka na naman anak. Kaya kahit paano protektado ka na kung iyan ang inaalala mo,” sabi ni Nanay. “Ayos lang ako, Nanay. Mawawala rin po ito,” sagot ko. “Basta magsabi ka lang pag di mo kaya,” sagot ni Nanay. “Kayang-kaya iyan ng anak mo,” dugtong pa ni Tatay.

Hindi naman sa pagkakasakit, kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko masabi sa kanila. Bakit nga kaya ako kinakabahan? Noong huling pumasok ako sa eskuwelahan sobrang excited ako. “Ang bibo ng anak ninyo Misis, kaya lang medyo madaldal,” ito ang madalas kong marinig kay Titser tuwing sinusundo ako ni Nanay. Sobrang likot at madaldal talaga ako noon. Lagi pa nga akong lider sa mga pangkatang gawain. Ako rin ang madalas isali sa mga contest lalo na Mathematics.



Paano kung masungit ang mga magiging titser ko? Sabi ng aking mga kalaro, masusungit raw ang mga titser sa Grade 5. Paano kung ako ang mapiling tanungin ng titser? Paano kung di ko alam ang isasagot? Naku! Nakakahiya! Parang nalimutan ko na rin kasi ang mga natutuhan ko sa mga modyul. Hayst! Lalo akong kinakabahan. Nasaan na ba ang dating ako? .

Dalawang kanto lang ang layo ng aming eskuwelahan kaya naglakad lang kami ni Tatay. Bakit ganoon? Parang hindi ko maihakbang ang aking mga paa? Epekto kaya ito nang matagal kong hindi paglabas ng bahay? Sabihin ko na lang kaya kay Tatay na sumakay na lang kami sa sidecar. Kaso sayang naman ang aming magiging pamasahe.

“O, anak ambagal mo yata? Baka mahuli ka sa klase mo,” takang tanong ni Tatay. “Nag-iingat lang po ako,” palusot kong sagot. Pero ang totoo, parang ayaw umalis ng katawan ko!

Nang umalis na si Tatay lalo akong kinabahan. Gusto ko siyang habulin at sumama sa kaniya pabalik sa bahay. Pakiramdam ko, ang liit-liit ko habang naglalakad papunta sa aming silid-aralan. Parang magkakamukha ang mga tao dahil sa facemask! Wala akong nakikitang kakilala kahit isa. Nasaan na ang aking mga kalaro? Nasaan na sina Bebang, Tinoy, Andoy, Dandan at Isay?

Bumalik na naman ang kabog ng dibdib ko. Paano kong may bully akong kaklase? Paano kung masungit nga talaga ang mga magiging titser ko? Hanap na lang kaya ako ng lugar na walang gaanong tao. Doon na lang kaya ako magtigil hanggang sa uwian. Paano kung may makakita naman sa akin na hindi ako pumasok? Haaayst! Kaya ko ito. Kaya ko ito. Kaya ko ito.

Nasa ikalawang palapag ang aming silid-aralan. Kumapit ako nang mabuti sa bakal. Parang nahihilo ako. Kaya ko ito. Kaya ko ito. Kaya ko ito. Hiningal ako kahit hindi naman kataasan ang hagdanan. Ako lang ba ang nakakaramdam nang ganito? Tumigil muna ako sandali at nakiramdam sa paligid. Nakita ko na ang aming silid-aralan. Nakasulat sa may pintuan ang pangalan ng aming titser at seksyon.

May mga magiging kaklase na rin akong naghihintay sa labas ng sild-aralan. Hindi nakauniform ang iba sa kanila. Wala akong nakikilala kahit isa. Nagpapakiramdaman lang kami. Dati-rati ang gulo-gulo namin. Takbo rito. Takbo roon. Ibang-iba na talaga ngayon. Ano kaya ang gagawin namin ngayon? Baka mahirap at di ko kayang gawin! Ayokong mapahiya. Muli, naalala ko sina Tatay at Nanay. Sinabi ko naman sa kanila na ayos lang ako. “Kaya ko ito. Kaya ko ito. Kaya ko ito,” muli kong bulong.

Biglang umayos nang pila ang mga magiging kaklase ko. Dumating na pala si Titser. Nakangiti siya sa aming lahat. Nag-spray muna ng alcohol si Titser sa mga uupuan namin. Isa--isa rin niyang sinuri ang aming temperatura. Puwede raw kaming maupo kung saan namin gustong upuan. May agwat ang aming mga upuan. Pinili kong maupo sa bandang likuran. Maganda sa likuran para di ako gaanong mapansin.

Dati, sa may harapan ng pisara gusto kong maupo. Dati, gusto ko, ako ang bida. Nakikipag-unahan lagi ako sa lahat ng gagawin. Pero bakit ganoon ngayon? Ayokong mapapansin nila ako. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Heto na naman. Grabe na ang kabog ng dibdib ko. Parang may emergency na uli sa aking tiyan. Paano ako magpapaalam na pumunta sa banyo? Kapapasok lang namin! Kaya ko ito. Kaya ko ito. Kaya ko ito

Muli kong inalala ang bilin ni Nanay. Nag-imagine rin ako na nasa bahay lang ako kasama sila. Kinalabit ako ng kaklase ko. “Tawag ka ni Titser,” sabi niya.

“Ha? Bakit ako tinawag? Anong tinatanong ni Titser!“ bigla kong sagot sa katabi ko. Bakit kasi hindi ako nakikinig! Huminga uli ako nang malalim. Tumingin ako kay Titser. Ngayon ko lang napansin na maaliwalas ang mukha ni Titser na nakasuot ng faceshield. Malakas pero malinaw at malambing ang boses niya.

“Nona, maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong natatanging karanasan nitong huling dalawang taon?” tanong ni Titser. Hindi ako nakasagot kaagad. Parang umurong ang dila ko! “A, e…,” nahihiya kong sagot.

“Relax lang Nona,” ngiting sabi ni Titser. Mga bata alam ko na naninibago kayo sa ngayon. Grade 2 kayo nang huling pumasok sa eskuwelahan. Huwag mag-alala at nauunawaan ko ang inyong mga nararamdaman,” simulang sabi ni Titser.

“Nagkakaroon kayo ngayon ng mga alalahanin tungkol sa aralin. Mga magulang ang inyong mga naging titser sa loob ng dalawang panuruan at isa itong napakalaking hamon para sa inyo,” paliwanag ni Titser. “Piliin lagi ang maging masaya. Pag masaya gagaan ang pakiramdam,” dagdag pa ni Titser.

Marami pang sinabi si Titser. Pero ang talagang natatandaan ko sa mga sinabi niya, ‘ ang piliin lagi ang maging masaya.’ Pag masaya raw mas magiging magaan ang pakiramdam. Unti-unting nawala ang kakaiba kong nararamdaman.

“Ilabas ang inyong mga lapis at pangkulay. Magdodrowing kayo ngayon ng kahit ano. Ilabas ninyo ang inyong saloobin sa pamamagitan ng pagguhit,” paliwanag ni Titser.

Muli, nakahinga ako nang maluwag. Iginuhit ko ang aking pamilya. Parang himala, unti-unting nawawala ang kakaiba kong nararamdaman kanina. Gumaan ang pakiramdam ko. Umayos na rin ang tiyan ko. Unti-unti ko na ring nakilala ang mga kaklase ko.

Si Bebang lang pala ang nasa may harapan ko. Medyo pumuti na siya, kaya di ko agad nakilala. KatabUi ntiiy-aunsitiTnignokoy,naangrinpgalnabakiriolaklaoannggkmakglaskeadkalatsi.e ko. Si AnSdioByenbaamnganppalaalaananggnkasaataibsai nngi Tupinuoayn..SMiyeadaynogtmumahainliggkmadannuakssiyoasaatapkuinmnuotio, nka. yMaepdayloa dluimkoakisinyaa rnianksiliay-a. la. Si Dandan naman ang katabi ko sa kanan. Ang kaklase kong di mapakali.Aba! Kulot pala siya. Lagi kasing manipNisasaangmgauypuint anhiyaannnoaomna.n si Tinoy, ang makuwela kong kaklase. Tumangkad na rin siya. At si Isay naman pala ang kumalabit sa akin! Siya ang pinakatahimik kong kaklase noon. Tahimik pa rin siya Nasa bandang pintuan naman si Andoy, ang mahilig manukso noon sa akin. Medyo lumaki ang hanggkaanngyannggaykoanta.wan. Kakatuwa! Parang magic! Nagliwanag ang lahat sa akin! Nasa may kaliwa ko naman si Dandan, ang kaklaseng kong hindi mapakali. Medyo kulot pala siya. Lagi kasing manipis ang gupit niya noong bata pa kami. At si Isay pala ang katabi ko na kumalabit sa akin. Si Isay ang pinakatahimik kong kaklase noon. Tahi- mik pa rin siya hanggang ngayon. Parang magic nagliwanag ang lahat sa akin.

Naramdaman din kaya nila ang naramdaman ko kanina? Kahit naka-facemask nakikita kong parang nakangiti na silang lahat sa akin. Mabilis ko na ring naunawaan ang mga paliwanag ni Titser. Naalala ko na rin ang mga natutuhan ko sa modyul. Lagi na akong nagtataas ng kamay, kapag nagtatanong si Titser.

Yehey! Bumabalik na ang dating ako!

Nakita ko sinaTatay at Nanay sa may gate. Nanay! Tatay! Bumalik na ang dating ako!





Naninibago si Nona sa unang araw ng face to face na klase. Marami siyang katanungan na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang nararamdaman. Paano kaya niya haharapin ang mga alalahaning nagdudulot sa kaniya ng kakaibang nararamdaman?


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook