…………………………………..
Mingming Ang Bayaning Kuting Mingming Ang Bayaning Kuting Maikling Kuwento (Grade 4) Code of Learning Competencies (MELC) Filipino 4 Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay, at pangyayari) F4PB-la-97 Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento-simula, kasukdulan -katapusan. F4PB-li-24 ESP 4 Nauunawaan at naipapakita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa mga likha: paggalang sa kapwa- tao at pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered. EsP4PD-IVd-11
MingmingIkaw ba ay Ang BaymanaihnigliKg ustainmgga alagang hayop? AnAg naoklaatnnga gitaogaaywin pmaroa ksauinygo.ikaw ay may nakitang sugNaatiasnipgahraatiynogpnsga mdaaya-ank?daPababayanagan ligaw pkaaghmkntauualolakognnuaganhhailnanaynsaoagtpabaamlaongnggaaaan? nangangailangan ng pagkalinga.Nililinang din ng kuwentong ito ang pagiging matulungin sa mga gawain sa loob ng bahay, masayahaing pagsasagawa nito kasama ang buong pamilya. Isabuhay ang pagmamahal sa mga
hayop dahil sila rin ay n Si Mika ay isang mabait at mSaipMagikmaaahyailsnaangbamta.bMaiatsaatyma asipyaagnmg ahal nnaabnaitnai.rMahaasanysaasiisyaannggsnimanpilneinrgahbaanhasay ismanaglaspimit psalepnagabrahlaanykmaasalampaitasnagpaaralan kkasaanmyaanagnNgaknaanyySaonlgenNga,nTaaytaSoylBeenrgt,oT,aattay BKerutyoa, aNtilKou. yMaaNlaiploi.tMlaamlaapnigt lsaampaanagraslaan panargaklan ialannggkbaanhilaayngkabyaahnayagklaylaakad nlaagmlaalankgasdiylampaapnugnstiayadiptaopautnptaaudwitio at ppauagwkiaptaapgoksatnagpkolsanseg.klase.
Isang hapon, habang naglalakad pauwi matapos ang kanyang unang araw ng pasukan, may nakitang isang payat at halos di gumagalaw na kuting sa gilid ng daan si Mika. Agad siyang nakadama ng pagkaawa sa kuting kaya nilapitan niya ito at sinipat kung napaano ito.
“Kawawa ka naman, Mingming, may sugat ka pala,” ang sambit ni Mika habang sinisipat ang maliit na sugat nito. Halos hindi na gumagalaw ang kaawa-awang kuting. Dinampot niya ito at hinimas himas ang magulo at itim na balahibo nito.
“Halika, isasama kita sa bahay namin para maalagaan ka,” dagdag pa niya habang titig na titig sa hawak na kuting. “Miyaw, miyaw, miyaw,” ang tugon ng kuting na tila gusto rin nitong sumama. Masayang naglalakad pauwi si Mika habang kalong niya ang nanghihinang kuting. Sabik siyang ibalita sa kaniyang ina ang pagkakita niya sa isang kawawang kuting sa gilid ng daan.
“Nay, nandito na po ako!” may paglalambing na tawag niya kay Nanay Soleng na noo’y abala sa paghahahanda ng pananghalian sa kusina. Dali- dali namang bumungad ito sa pintuan upang salubungin ang anak. Humalik sa pisngi ng ina si Mika at may ibinulong. “Nay, may dala po akong alaga,” wika nito sabay pakita ang tila di gumagalaw na kuting mula sa kanyang likuran na kanina pa niya tinatago.
Napaisip sandali si Nanay Soleng sa hinihingi ni Mika. Tiningnan niyang mabuti ang kuting bago pa sumagot sa anak na sabik na sabik na magkaroon ng alagang hayop. ‘O sige, anak kawawa naman siya at mukhang pinabayaan nga. Bilisan mo, anak at gagamutin natin ang sugat niya,” ang mahinahong tugon ni Nanay Soleng habang hinahaplos ang kuting. “Yehey! Salamat po, Nay. Mula ngayon ay tatawagin natin siyang Mingming,” nakangiting wika ni Mika sabay yakap sa ina. Makikita sa mga mata ng bata ang matinding tuwa.
4 “Mingming? Kay gandang pangalan, anak!” ang nasambit ni Nanay Soleng. Ginamot nina Nanay Soleng at Mika ang sugat ni Mingming at inilagay siya sa kanyang mahigaan na gawa sa karton, lumang mga damit at unan.
Masaya si Mika at masaya na rin si Mingming kasama ang bago niyang pamilya. Mahal na mahal nila ang kanilang alaga. Pinapakain nila ito ng paborito nitong isda at pinapainom pa ng gatas. Ginagamot na rin palagi ni Mika ang sugat ni Mingming na unti-unti na ring gumagaling sa paglipas ng mga araw.
Nanumbalik na ang lakas ni Mingming dahil sa pag-aalaga nina Mika, Kuya Nilo , Nanay Soleng, at Tatay Berto. Palaging naglalaro sina Mika, Kuya Nilo, at Mingming sa labas ng bahay. Naging matalik niya itong kaibigan. Kasa-kasama niya ang alaga araw- araw. Sadyang malambing at matalino si Mingming kaya tuwang-tuwa ang pamilya ni Mika nang dumating siya sa kanilang bahay. “Habulin mo pa ako, Mingming!” masayang sigaw ni Mika habang tumatakbo. Dala-dala niya ang bola ng sinulid na paboritong laruan ni Mingming. “Mag-ingat ka Mika, baka madapa ka,” pag- aalala ni Kuya Nilo na noo’y nakasunod sa kanyang likuran. “Opo, Kuya! Mag-iingat po ako.” nakangiting sagot ni Mika.
“Mingming! Mingming bilisan mo!” sigaw nito sa alaga. “Miyaw, miyaw, miyaw,” sagot ni Mingming na tila nasisiyahan nang husto sa paglalaro kasama ang magkapatid.
Masaya si Mika kasama si Mingming na tinuring na niyang kaibigan. Minsan naman ay sumasama din si Mingming upang manguha ng panggatong sa may kakahuyan. Si Mika, kasama si Kuya Nilo ay tuwang- tuwang kasama si Mingming dahil maliksi itong tumakbo at magaling magtaboy ng mga maliliit na hayop sa daan. Maya-maya pa’y wala na si Mingming sa kanilang paningin.
“Mingming! Mingming, nasaan ka na?,” ang tawag ni Mika na nag-aalala dahil bigla na lang nawala ang alaga. “Hayun! Nasa itaas na ng puno ng mangga! Parang kidlat sa bilis itong si Ming Ming ,” nakatawang sagot ni Kuya Nilo. “Mingming naman kinabahan ako tuloy,” sagot naman ni Mika na nakangiti na.
Makulit nga si Mingming. Maliksi rin siya kung kumilos mapalakad man o mapatakbo. Nagugustuhan na niyang sumama sa dalawang magkapatid upang mangahoy. Ang ginagawa naman niya sa kakahuyan ay manghuli ng mga daga o di kaya’y nagliliparang mga paru-paro sa halaman. Magaling ding manghabol ng mga maliliit na hayop si Mingming.
Talagang maasahan siyang kasama dahil pinananatili niyang ligtas ang paligid kapag kasama siya ng dalawang magkakapatid.
Gustong-gusto ni Mika na isama si Mingming dahil nagsisilbi rin itong gabay sa kanya. Nauuna pa nga itong makarating sa bahay na para bang alam na alam niya kung saan patutungo ang dalawang bata. Mahal nina Mika at Kuya Nilo si Mingming at palagi silang naglalaro sa damuhan, sa kakahuyan o kaya ay sa daanan . Pati sina Nanay Soleng at Tatay Berto ay natutuwa na rin sa pagiging makulit at mapaglaro ni Mingming.
Naging masaya at maingay na ang noo’y tahimik na bahay. Mula nang dumating si Mingming sa kanilang pamilya ay naging malapit na rin sa isa’t isa ang dalawang magkapatid. Silang dalawa ang kasama ni Mingming araw-araw. Inalagaan nila ito nang husto hanggang sa ito ay lumaking malambing at mapaglaro.
Araw ng Sabado, napagkasunduang linisin nina Tatay Berto at Nanay Soleng ang kubo na pinagtataguan ng mga lumang gamit. Masikip na ito dahil sa maraming nakaimbak na mga kagamitang hindi na rin napakinabangan. Karamihan sa mga ito ay sirang-sira na at nabubulok na sa loob at mainam na gawing panggatong. Marumi na rin ang loob at labas ng lumang kubo dahil sa tagal din ng panahong hindi na ito nabuksan at nalinis.
“Naku, ganito na pala kadumi ang ating kubong imbakan. Matagal na di na natin ito nalilinis, baka napamahayan na ito ng mga kung anu anong mga hayop,” ang nasambit ni Nanay Soleng nang tumambad na sa kanya ang pagkadami- daming kagamitan at basura.
“Oo nga naman , napasobra yata ang pagiging abala natin, hindi na natin naalalang buksan ulit ang lumang kubo”, sagot ni Tatay Berto. “Sige mga anak, umpisahan na nating maghalungkat ng mga gamit, ilabas na natin ang mga di na mapapakinabangan. Ang iba naman ay idadagdag na natin sa mga panggatong”, si Tatay Berto habang inuumpisahan nang buhatin ang mga nakatambak na kahoy sa gilid ng kubo.
“Tutulong po ako sa paghahakot ng mga lumang gamit , Tatay. Kayang-kaya kong buhatin ang mga mabibigat na kahoy na iyan,” ang sabi ni Kuya Nilo habang naghahanda ng mga gamit panghakot. Mayroon din siyang hawak na mga sako at pala.
“Ako rin Tay, tutulong po ako kay Nanay sa pagwawalis ng mga kalat sa loob at labas ng kubo,” nakangiting sagot naman ni Mika na may hawak na walis. “Salamat, mga anak. Ang sisipag talaga ninyo. Maasahan na namin kayo ng Tatay,” masayang sambit ni Nanay Soleng. “Kailangan lang po magtulungan para madaling matapos ang mga gawain natin Nay,” sagot naman ni Kuya Nilo. “Iyan naman ang tama mga anak, dapat tayong lahat ay magtulungan sa anumang gawain upang gumaan ito. Kakayanin natin ang mga gawain ngayong araw88 para makapamasyal na din tayo sa mga Lolo at lola ninyo mamayang hapon,” dagdag pa ni Tatay Berto.
Bawat kasapi ng pamilya ay nagtulungan sa paglilinis at pagliligpit ng mga lumang gamit sa loob ng kubo. Di nila alintana ang paglipas ng oras dahil sa dinadami ng mga bagay na nakakalat sa loob ng lumang kubo.
Isinako nina Kuya Nilo at Tatay Berto ang mga sira at lumang kagamitan upang itapon sa basurahan. Sina Nanay Soleng at Mika naman ay nagwawalis ng mga alikabok sa loob ng lumang kubo.
Si Mingming ay abala naman sa pagtutugis ng mga nagsisilabasang maliliit na mga hayop at insekto na nakatago sa ilalim ng mga durog na kahoy na nakasalansan sa gilid ng pader na kawayan ng kubo. May mga daga, mga ipis at mga butiki na nagsigapangan sa lupa. Abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Habang masayang nagkukuwentuhan. Makikita sa kanila ang pagtutulungan ng bawat kasapi ng mag- anak ang paggabay ng mga magulang sa kanilang anak sa pagtatrabaho.
\\Malapit nang matapos ang kanilang pagliligpit ng mga gamit nang biglang sumigaw si Nanay Soleng habang lumulundag sa sobrang takot. “Ay! Ahas! May ahas dito!” nanginginig at sumisigaw si Nanay Soleng habang tinuturo ang mahaba at maitim na ahas na maingat na gumagapang sa sahig. Lumalabas paminsan-minsan ang mahaba at nakasanga nitong dila. Dahan-dahan itong gumagapang patungo sa kinaroroonan ni Mika na noon naman ay abala sa pagwawalis ng mga alikabok sa sahig. Wala siyang kamalay-malay sa panganib na paparating sa kanya.
“Hissssss, Hissssss, Hissssss,” mahinang tunog mula sa ahas at patuloy pa rin ang paggapang nito. Napalingon agad si Mingming nang marinig ang mahinang tunog na iyon. Tumaas ang dalawang tenga nito. Naamoy niya ang paparating na panganib!
Ang ahas naman ay akmang tutuklawin na si Mika sa binti. Mabilis na tumalon si Mingming sa ahas at nakipaglaban dito. Pumulupot sa katawan ni Mingming ang mabangis na ahas. Walang tigil na kalmot at kagat ang ganti niya. Hindi tumigil si Mingming sa pakipaglaban sa ahas na tila buong higpit ding pumupulupot sa katawan niya. Mabangis ang ahas ngunit mas pursigido si Mingming na talunin ito. Sa tagal ng pakikipaglaban ni Mingming sa ahas ay nanghina din ito ngunit hindi pa rin kumakalas sa pagkakapulupot sa kanya.
Maya-maya pa ay dali-dali ring lumapit sina Tatay Berto at Kuya Nilo na may dalang patpat. Hinampas nila ang ahas hanggang sa ito ay kumalas kay Mingming at mabilis na gumapang palayo at nawala sa damuhan. Lumapit naman sina Mika at Nanay Soleng kay Mingming na dinidilaan ang mga bahagi ng kanyang katawan. Binuhat ito ni Kuya Nilo at hinimas ang kanyang nagulong mga balahibo. Si Mika naman ay alalang-alala sa kanyang mahal na alaga. “Mingming, nasaktan ka ba? May sugat ka yata,” pag-alalang tanong ni Mika. Habang sinisipat ang buong katawan ni Mingming. Kinuha niya ito kay Kuya Nilo at buong pagmamahal na pinaghehele na parang isang sanggol habang hinahaplos ang buong katawan nito.
Miyaw, miyaw, miyaw,” ang sagot ni Mingming na tila ba nakakaunawa sa mga pangyayari. Parang gusto rin niyang sagutin ang mga tanong ng mahal niyang amo ngunit ang magagawa niya lamang ay salita ng isang pusa. Habang yakap-yakap ni Mika si Mingming ay walang patid ang kanyang pasasalamat dito. “Maraming salamat sa katapangan mo , Mingming. Dahil sa iyo ay nailigtas mo ako sa panganib mula sa ahas na iyon.” sabi ni Mika.
“Oo nga anak dahil sa ginawa ni Mingming ligtas tayong lahat . May mga plano nga ang Panginoon kung bakit dumating si Mingming sa buhay natin,” ang tugon naman ni Nanay Soleng. “Ang galing po ni Mingming Tay. Nakipaglaban po talaga siya sa mabangis na ahas na iyon nang walang tigil!” may paghangang pahayag naman ni Kuya Nilo.
“Iyan talaga ang gagawin mo anak kapag nasa panganib ang mahal mo sa buhay,” sagot ni Tatay Berto na bahagyang tinapik ang balikat ni Kuya Nilo. “Naku, Mingming manang-mana ka sa amin ng Kuya Nilo mo at ngayon ay kasama ka na naming ipagtanggol ang ating kapamilya mula sa anumang kapahamakan,” nakangiting wika ng Tatay Berto kay Mingming.
“Salamat sa iyo, Mingming. Ikaw ang bayani sa pamilya namin!” wika ni Nanay Soleng kay Mingming na kalong naman ni Mika. Hinaplos pa niya ang ulo nito. Makikita sa mga mata ng pusa ang kasiyahan sa kanyang ginawa para sa pamilyang nag-alaga sa kanya at itinuring siyang kasapi nito. Hayop man si Mingming ay nakakaunawa rin siya at nakakadama ng pagmamahal. Alam na alam niya ang gagawin sa panahon ng panganib at napatunayan niya ang kanyang halaga sa oras ding iyon.
Ipinagpatuloy nina Tatay Berto, Nanay Soleng, Kuya Nilo, at Mika ang pag-aalaga at pagmamahal kay Mingming. Kahit Kuting man siya ay may silbi pa rin ito sa buhay. Masaya ang pamilya ni Mika na kasama si Mingming sa kanilang tahanan munti man ito ay puno naman ng pagmamahal. Ang kanilang pagsasama ay lalong naging masaya dahil kay Mingming, ang kanilang bayaning kuting.
Search
Read the Text Version
- 1 - 44
Pages: